Filipino 2nd Quarter

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV (A) - CALABARZON
Division of Rizal
PANTAY NATIONAL HIGH SCHOOL
Sitio Pantay Brgy. Dalig, Teresa, Rizal
SY 2019-2020

Diagnostic test SA PAGBASA at pagsusuri

Pangalan:______________________________________Seksyon:_____________Petsa_____

I. Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong Pillin at Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

______1. Ito ang pangunahing ideya na nagbibigay daan sa takbo ng isinasagawang pananaliksik.
A. Paksa B. Pamagat C. Panimula D. Datos
______2. Ang pananaliksik ayon sa kanya ay isang maingat, masistematiko at obhetibong imbestigasyon na isinasagawa
upang makakuha ng mga balidong katotohanan.
A. Clarke at Clarke B. Best C. Mouly D. Nuncio
______3. Ayon naman sa kanya, ang pananaliksik ay proseso ng pagkakaroon ng mapanghahawakang solusyon sa
problema sa pamamagitan ng planado at sistematikong pangangalap, pag-aanalisa, at interpretasyon ng datos.
A. Clarke at Clarke B. Best C. Mouly D. Nuncio
______4. Ang mga sumusunod ay mga layunin ng pananaliksik ayon kina Calderon at Gonzales MALIBAN SA ISA.
A. Makadiskubre ng bagong kaalaman.
B. Mapatunayan ang umiiral na kaalaman
C. Makapagbigay-kasiyahan sa kuryosidad o pagiging mausisa
D. Tumaas ang respeto at tiwala sa sarili kung maayos at matagumpay na naisakatuparan ang alinmang pag-aaral
na isinagawa.
______5. Ito ay uri ng pananaliksik na umiinog sa pagiging mausisa ng mananaliksik. Maaaring magkaroon ng kasagutan o
kapaliwanagan kapag natapos ang pananaliksik.
A. Batayang Pananaliksik C. Palarawang Pananaliksik
B. Praktikal na Pananaliksik D. Pagpapaliwanag na Pananaliksik
______6. Nagpapaliwanag ito sa kinahinatnan, sanhi, at bunga batay sa salik o baryabol na ginamit na disenyo ng
pananaliksik
A. Palarawang Pananaliksik C. Eksperimental na Pananaliksik
B. Pagpapaliwanag na Pananaliksik D. Pagalugad na Pananaliksik
______7. Ito ay tuon sa isang larangan o espesyalisasyon ng mga mananaliksik.
A. Disiplinaring Pananaliksik C. Interdisiplinaring Pananaliksik
B. Multidisiplinaring Pananaliksik D. Transdisiplinaring Pananaliksik
______8. Ginagawa ito kung ang mananaliksik ay may kaligiran (background) sa dalawa o higit pang larangan.
A. Disiplinaring Pananaliksik C. Interdisiplinaring Pananaliksik
B. Multidisiplinaring Pananaliksik D. Transdisiplinaring Pananaliksik
______9. Ito ay mga konsiderasyon sa pagpili ng paksa. Magiging labis na limitado ang saklaw ng pananaliksik kung
mangilan-ngilan pa lamang ang mga magagamit na datos hinggil doon.
A. Kasapatan ng Datos C. Kakayahang Pinansyal
B. Limitasyon ng Panahon D. Kabuluhan ng Paksa
______10. Ito ay isa pang problema sa pagpili ng paksa. May mga paksang mangangailangan ng malaking gastusin, na
kung titipirin ay maaaring maisakripisyo ang kalidad ng pananaliksik.
A. Kasapatan ng Datos C. Kakayahang Pinansyal
B. Limitasyon ng Panahon D. Kabuluhan ng Paksa
______11. Itinuturing na napakalaking kasalanan sa pananaliksik.
A. Plagyarismo B. Pangongopya C. Pagtingin sa gawa ng iba D. katamaran
______12. Walang nakasulat na kahit na ano sa pahinang ito.
A. Pamagitang Pahina B. Fly leaf C. Pasasalamat D. Dahon ng Pagpapatibay
______13. Ito rin ay tinatawag na Dahong- Dagdag. Kabilang dito ang bio-data ng mananaliksik.
A. Listahan ng Sanggunian B. Apendiks C. Kabanata III D. Kabanata IV
______14. Pinakamabisa at pinakamadaling instrumento ng sarbey.
A. talatanungan B. talababa C. datos D. grap
______15. Pinakagamiting paraan ng dokumentasyon ng mga mananaliksik.
A. talatanungan B. talababa C. datos D. grap
______16. Ayon sa kanya, ang pananaliksik ay maingat na pagtitipon ng mga datos na kinikilala sa pinagkunan.
A. Clarke at Clarke B. Best C. Mouly D. Calderon at Gonzales
______17. Ito ay bahagi sa pananaliksik na tutukoy sa mga variables, depinisyon o paliwanag, teorya na gagamitin, disenyo
ng pananaliksik,datos, paraan ng pangangalap at paraan ng pag-aanalisa.
A. Metodolohiya B. etika C. datos D. layunin

______18. Kung wala nito, walang susuriin o sasaliksikin, dahil mahalagang bahagi ito ng pananaliksik.
A. Metodolohiya B. etika C. datos D. layunin
______19. Ang pananaliksik ay may sinusunod na ganito. Na kapag lumabag ang isang mananaliksik siya ay maaaring
mawalan ng kredibilidad ang isang tao.
A. Metodolohiya B. etika C. datos D. layunin
______20. Ito ay isang uri ng pagnanakaw at pagsisinungaling dahil hindi kinikilala ang pinagmulan o kinopyahan.
A. Pangongopya B. pagkupit C. plagyarismo D. pagnanakaw
______21. Ito ay Isang mahalagang Gawain na hindi maiiwasan ng sinumang mag-aaral.
A. Pananaliksik B. Panayam C. Sarbey D. Diskusyon
______22. Ito ang nagbibigay direksyon sa pananaliksik. Ang maayos na paghahanay ng mga kaisipan ay sinasabing
makatitipid ng panahon at pagsisikap ng mananaliksik.
A.Plano B. Burador C. Balangkas D, datos
______23. Binubuo ito ng mga salita at parirala. Pangkalahatan ang pagtingin sa ganitong balangkas at nagsisilbing gabay
upang tingnan sa kabuuan ang gagawing pananaliksik
A. Balangkas na Papaksa C.Balangkas na Patalata
B. Balangkas na Pangungusap D. Balangkas ng Nobela
______24. Mas detalyado ito kaysa sa balangkas na papaksa. Tinitingnan ng balangkas na ito ang mahahalagang
impormasyon tataglayin ng pananaliksik.
A. Balangkas na Papaksa C. Balangkas na Patalata
B. Balangkas na Pangungusap D. Balangkas ng Nobela
______25. Ito ang karaniwang pormat ng balangkas na may hierarchy.
A. Roman Numeral, malaking letra, Arabic Numeral, at maliit na letra
B. Arabic Numeral, Roman Numeral, malaking letra, at maliit na letra
C. Roman Numeral, Arabic Numeral, malaking letra at maliit na letra
D. Arabic Numeral, malaking letra, Roman Numeral at maliit na letra
______26. Gumagamit ang balangkas na ito ng pariralang may maikling buod upang maipaliwanag ang bawat paksa at
binubuo ng mga pangungusap na naglalahad ng nilalaman ng buong mga talata ng sulatin.
A. Balangkas na Papaksa C. Balangkas na Patalata
B. Balangkas na Pangungusap D. Balangkas ng Nobela

II. Panuto. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng mga tiyak na layunin ng pananaliksik ayon kina Calderon at
Gonzales. Tukuyin ang layunin at isulat ang titik ng tamang sagot.

A. Upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid nang phenomena
B. Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga umiiral na metodo at
impormasyon
C. Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadebelop ng mga bagong instrument oprodukto.
D. Makatuklas ng hindi pa nakikilalang substances at elements
E. Higit na maunawaan ang kalikasan ng mga dati nang kilalang substances at elements
F. Makalikha ng batayan ng pagpapasya sa kalakalan, industriya, edukasyon, pamahalaan at iba pang larangan
G. Masatisfy ang kuyosidad ng mananaliksik
H. Mapalawak o maverify ang umiiral na pananaliksik
______27. Ang alcohol ay isa nang batid na phenomenon at sa pamamagitan ng pananaliksik, maaaring makalikha ng
isang fuel mula sa alcohol na ang kalidad ay katulad sa gasoline.
______28. Ang kanser ay isang malubhang sakit na hindi pa nahahanapan ng ganap na lunas, ngunit sa
pamamagitan ng mga intensiv at patuloy na pananaliksik, ang sakit na ito ay maaaring malunasan na sa
hinaharap.
______29. Dati ay mga teleponong analogue ngayon ay cellular phone na.
______30. Dati ay casette recorder, naging walkman, discman, ngayon ay may i-pod, ipad, iphone, MP4, at iba pa.

Inihanda ni:

GNG.MARICEL M. BALTAZAR
Guro sa Filipino

You might also like