Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Mandaue City
MANDAUE CITY SPECIAL EDUCATION CENTER HIGH SCHOOL
Catalino Ll. Ouano Street, Centro, Mandaue City

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN


GRADE 10
S.Y. 2019 - 2020

Name:______________________________________________ Date:____________ Score:____

I. Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

_______1. Ang kasarian ay maraming ipinahihiwatig na kahulugan. Sa Ingles ito ay katumbas ng


salitang sex at gender. Ano ang tinutukoy ng World Health Organization (WHO) na
tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba
ng babae sa lalaki?
A. Bi-sexual B. Transgender C. Gender D. Sex

_______2. Sa kabilang banda, ano naman ang tawag sa mga panlipunang gampanin, kilos, at
gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki?
A.Sex B. Gender C. Bi-sexual D. Transgender

_______3. Ang Queer o Questioning ay mga taong hindi tiyak o hindi pa tiyak ang kanilang
seksuwal na pagkakakilanlan, samantalang ____ ang mga taong nakararamdam ng
maromantikong pagkaakit sa ibang kasarian ngunit nakakaramdam din na
kaparehong pagkaakit sa katulad niyang kasarian. Ano ang tawag sa kaniya?
A. Bisexual B. Transgender C. Asexual D. Homosexual

_______4. Mga taong nagkakanasang seksuwal sa miyembro ng kabilang kasarian, mga lalaki na
ang gustong makasama ay babae at mga babaeng gusto naman ay lalaki.
A. Heterosexual B. Gay C. Homosexual D. Bisexual

_______5. Bago dumating ang mga Espanyol, ayon sa Boxer Codex, ang mga lalaki ay
pinapayagang magkaroon ng maraming asawa subalit maaaring patayin ng lalaki ang
kaniyang asawang babae sa sandaling makita niya itong kasama ng ibang lalaki. Ano
ang ipinahihiwatig nito?
A. May pantay na karapatan ang lalaki at babae
B. Ang babae ay maaari lamang mag-asawa ng isa.
C. Ang lalaki ay pwedeng magkaroon ng maraming asawa
D. Ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki ang karapatang tinatamasa ng lalaki
noon kaysa sa kababaihan.

_______6. Winawakasan ang pagkakatali sa kasal noon sa pamamagitan nang kapwa pinapayagan
noon ang babae at lalaki na hiwalayan ang kanilang asawa. Kung gustong hiwalayan
ng lalaki ang kaniyang asawa, maaari niya itong gawin sa pamamagitan ng pagbawi sa
ari-ariang ibinigay niya sa pahahon ng kanilang pagsasama. Subalit kung ang babae
ang magnanais na hiwalayan ang kanyang asawa, wala siyang makukuhang anumang
pag-aari. Ano ang maaaring maging konklusyon sa talatang binasa?
A. Mayroon pa ring makikitang pagkiling sa mga lalaki.
B. Pantay ang karapatan ng babae at lalaki noong unang pahanon.
C. Walang pakialam ang kanilang pamilya sa buhay mag-asawa.
D. Mas binibigyan ng pansin ang kapakanan ng mga kababaihan noon.
_______7. Sa pagdating ng mga Amerikano nagkaroon nang pagsisimula ng pampublikong
paaralan na bukas para sa kababaihan at kalalakihan, mahirap o mayaman, maraming
kababaihan ang nakapag-aral. Nabuksan ang isipan ng kababaihan na hindi lamang
dapat bahay at simbahan ang mundong kanilang ginagalawan. Ang isyu ng pagboto ng
kababaihan sa Pilipinas ay naayos sa pamamagitan ng isang espesyal na plebesito na
ginanap noong Abril 30, 1937. 90% ng mga bumoto ay pabor sa pagbibigay-karapatan
sa pagboto ng kababaihan. Anong ideya ang ipinahihiwatig sa panahon ng pagdating
ng mga Amerikano?
A. Dahil sa mga Amerikano nagkaroon ng ideya ang mga kababaihan na pag-
ibayuhin ang pakikipaglaban sa kanilang karapatan.
B. Ang pangyayaring ito ay nagbigay ng ideya na malayo ang mararating ng mga
mamamayan bata man o matanda dahil sa pagdating ng mga Amerikano.
C. Ang pagdating ng mga Amerikano ay nagdala ng ideya ng kalayaan, karapatan,
at pagkakapantaypantay sa Pilipinas.
D. Ang pagkamulat sa isipan ng mga Pilipino ang ideyang ibinahagi ng mga
Amerikano sa pagdating nila sa Pilipinas.

_______8. Ngunit sa Panahon ng mga Pag-aalsa, may mga Pilipina ring nagpakita ng kanilang
kabayanihan gaya ni Gabriela Silang. Nang mamatay ang kanyang asawang si Diego
Silang, nag-alsa siya. Gayundin, sa panahon ng Rebolusyon ng 1896, may mga
Katipunera tulad nina Marina Dizon na tumulong sa adhikain ng mga katipunero. Bakit
ganon na lang ang ginawang pagpapakita ng kabayanihan ng ilang kababaihan sa
panahon na dumating ang mga Espanyol?
A. Dahil nais nila maipakita ang kanilang katapangan laban sa mga kalalakihan.
B. Marahil nais nilang ipaalam sa mga Espanyol na ang mga kababaihan sa
panahong ito ay may boses.
C. Para malaman ng mga Espanyol na may angking lakas ang mga kababaihan.
D.Upang labanan ang pang-aabuso ng mga Espanyol.

________9. Iba’t iba ang gampanin ng babae at lalaki sa tatlong primitibong pangkat sa New Guinea. Sa
Mundugumor pareho ang babae at lalaki na matatapang, agresibo, at bayolente,
samantalang ang mga Arapesh ay:
A. Parehong ang lalaki at babae na maalaga o mapag-aruga , matulungin at mapayapa.
B. Babae ang dominate at naghahanap ng makakain samantalang ang mga kalalakihan
ay abala sa pag-aayos ng sarili mahilig sa kuwento.
C. Ang mga babae at lalaki ay masinop,maalaga at matulungin.
D. Ang babae ang abala sa pag-aayos ng sarili atmahilig sa kuwento samantalang ang
mga kalalakihan ay dominante at naghahanapng makakain.

_______10. Isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o matanda) nang walang anumang
benepisyong medikal. Ito ay isinasagawa sa paniniwalang mapapanatili nitong walang bahid
dungis ang babae hanggang siya ay maikasal. Walang basehang-panrelihiyon ang paniniwala
at prosesong ito na nagdudulot ng impeksiyon, pagdurugo, hirap umihi at maging
kamatayan.
A. Female Genital Mutation
B. Female Genes Migration
C. Female Genes Mutation
D. Female Genital Mutilation

_______11. Ang mga tao ay nakararanas ng hindi pantay na karapatan kumpara sa iba. Ano ang tawag sa
anumang pag uuri,eksklusyon o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi
ng hindi pagkilala, paggalang at pagtamasa ng mga babae ng kanilang mga karapatan o
kalayaan?
A. Pang-aabuso B. Diskriminasyon C. Pagsasamantala D. Pananakit
_______12. Basahin at suriin ang sumusunod na bahagi ng awit at sagutin ang tanong sa ibaba.

BABAE, BUMANGON KA!


VAW Theme Song Titik: Girly Torres-Brillantes
Musika: Valiant Torres

Chorus:
Wakasan ang karahasan sa kababaihan
Matutong manindigan sa ‘yong karapatan
Gabay mo ang batas sa pagsupil ng dahas
Bumangon ka, bumangon ka
Labanan ang karahasan.
Babae, bumangon ka!
Halaga sa lipunan
Hindi mapapantayan
Bigyang kabuluhan
Pagtahak sa tamang daan.

Ano ang pangunahing mensahe ng awit na ito?


A. Pahalagahan ang karapatan ng kababaihan
B. Ipaglaban ang karapatan ng kababaihan at wakasan ang karahasan.
C. Ang babae ay dapat maging malakas.
D. Igalang ang kababaihan at karapatan nito

. _______13. Ang GABRIELA ay tumutukoy sa mga salitang - General Assembly ________ _________ for
Reforms, Integrity, Equality, Leadership, and Action.
A. Because Women B. Binding Women C. Believed in Women D. Broadcast about Women

_______14. Ang breast ironing o breast flattening ay isang kaugalian sa bansang Cameroon sa
kontinente ng Africa. Ito ang pagbabayo o pagmamasahe ng dibdib ng batang nagdadalaga
sa pamamagitan ng bato, martilyo o spatula na pinainit sa apoy. May pananaliksik noong
2006 na nagsasabing 24% ng mga batang babaeng may edad siyam ay apektado nito.
Ipinapaliwanag ng ina sa anak na ang pagsagsagawa nito ay normal lamang at ang mga
dahilan nito ay upang: maiwasan ang (1) maagang pagbubuntis ng anak; (2) paghinto sa pag-
aaral; at (3) pagkagahasa. Paano maaaring ilarawan ang lipunang kanilang kinamulatan?
A. Ang lipunan ay nagpapakita ng paglabag sa karapatan ng kababaihan at nakakalungkot
dito, ang pagsasagawa nito ay nag-uugat sa maling paniniwala.
B. Lipunan ay naglalarawan ng di pantay na pagtrato sa kababaihan at nagdudulot ng
kasakiman sa tungkulin ng mga kalalakihan.
C. May kaugaliang nagkakaroon ng pagkatakot sa buhay ng mga kababaihan at ang
lipunan ang naging sandigan nila upang makaahon sa pagkakalugmok.
D. Marahas at walang pakialam ang gobyerno kung kaya’t ang lipunang kanilang
ginagalawan ay apektado.

_______15. Ang foot binding ay isinasagawa ng mga sinaunang babae sa China. Ang mga paa ng mga
babaeng ito ay pinapaliit hanggang sa tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng isang pirasong
bakal o bubog sa talampakan. Ang korte ng paa ay pasusunurin sa bakal o bubog sa
pamamagitan ng pagbali sa mga buto ng paa nang pauntiunti gamit ang telang mahigpit na
ibinalot sa buong paa. Ang tawag sa ganitong klase ng mga paa ay lotus feet o
lily feet. Halos isang milenyong umiral ang tradisyong ito. Ang pagkakaroon ng ganitong
klase ng paa sa simula ay kinikilala bilang simbolo ng yaman, ganda, at pagiging karapat-
dapat sa pagpapakasal. Anong karapatan ng mga kababaihan ang ipinapakita sa paraan ng
foot binding?
A. Hindi nila nabibigyang kasiyahan ang kanilang pakikisalamuha sa mga paligsahan at
patimpalak.
B. May mga pagkakataong nais nilang sumali sa mga beauty pageant subalit dahil sa
kanilang sitwasyon ay hindi nila ito naranasan.
C. Mainam ang ganitong sitwasyon sa kanilang seguridad.
D. Nalimitahan ang kanilang pagkilos, pakikilahok sa politika, at ang kanilang
pakikisalamuha.
______16. Batay sa pag-aaral hindi lamang kababaihan ang biktima ng karahasan na nagaganap sa
isang relasyon o tinatawag na domestic violence, maging ang mga kalalakihan ay biktama
nito.Ang mga sumusunod ay palatandaan ng ganitong uri ng karahasan maliban sa isa.
A.Sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o alagang hayop.
B.Sinisisi ka sa kaniyang pananakit o sinasabi sa iyona nararapat lamang ang ginagawa
niya sa iyo.
C. Humihingi ng tawad, nangangakong magbabago.
D. Nagseselos at palagi kang pinagdududahan.

_______17. Karaniwang inilalarawan bilang International Bill for Women. Ito ang kauna-unahan at
tanging internasyunal na kasunduan na komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng
kababaihan hindi lamang sa sibil at politikal na larangan kundi gayundin sa aspetong
kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya. Inaprubahan ito ng United Nations
General Assembly noong Disyembre 18,1979 noong UN Decade for Women. Pumirma ang
Pilipinas dito noong Hulyo 15, 1980, at niratipika ito noong Agosto 5, 1981.
A. VAWC B. CEDAW C. GABRIELA D. Magna Carta of Women

_______18. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito: “LGBT rights are human rights” - Ban Ki – Moon -UN
secretary General
A. May pantay na karapatan ang lahat ng tao.
B. Ang mga LGBT ay dapat tratuhing tao.
C. Ang mga LGBT ay may karapatang pantao.
D. Ang karapatan ng mga LGBT ay kabilang sa karapatang pantao.

_______19. Ang mabibigyan ng proteksiyon ng batas na ito ay ang kababaihan at kanilang mga anak.
Ang “kababaihan” sa ilalim ng batas na ito ay tumutukoy sa kasalukuyan o dating asawang
babae, babaeng may kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang lalaki, at babaeng
nagkaroon ng anak sa isang karelasyon. Ang “mga anak” naman ay tumutukoy sa mga anak
ng babaeng inabuso, mga anak na wala pang labing-walong (18) taong gulang, lehitimo man
o hindi at mga anak na may edad na labing-walong (18) taon at pataas na wala pang
kakayahang alagaan o ipagtanggol ang sarili, kabilang na rin ang mga hindi tunay na anak ng
isang babae ngunit nasa ilalim ng kaniyang pangangalaga.
A. Anti-Violence Against Women and Their Children Act
B. Republic Act 9710
C. Magna Carta of Women
D. Prinsipyo ng Yogyakarta

_______20. Tawag sa mga babaeng mahirap o nasa di panatag na kalagayan. Sila ang mga wala o may
limitadong kakayahan namatamo ang mga batayang pangangailangan at serbisyo. Kabilang
dito ang mga kababaihang manggagawa, maralitang tagalungsod, magsasaka at
manggagawang bukid, mangingisda, migrante, at kababaihang Moro at katutubo.
A. Women in Especially Difficult Circumstances
B. Marginalized Women
C. Primary duty bearer
D. Anti-Violence Against Women and Their Children Act

_______21. Paano nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa kababaihan?


A. Nagsusulong ito mga ulat na nagpapakita ng mga kababaihang biktima ng karahasan.
B. Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan. Inaatasan
nito ang mga estado na magdala ng konkretong resulta sa buhay ng kababaihan.
C. Nilalayon ng CEDAW na maipahayag ang mga hinaing at suliraning kinakaharap ng mga
kababaihang biktima ng pang-aabuso at diskriminasyon.
D. Nagsusulong ang CEDAW ng mga patakarang magbibigay impormasyon sa mga nais
iparating ng mga kababaihan sa kani-kanilang gobyerno.

_______22. Patuloy ang hayagang pakikilahok ng mga LGBT sa lipunan, noong ika 6-9 ng Nobyembre
2006 nagtipon-tipon sa Yogyakarta, Indonesia ang nasa 27 eksperto sa oryentasyong
sekswal at pagkakakilanlang pangkasarian na nagmula sa iba’t ibang panig ng daigdig. Ano
ang pangunahing layunin nito?
A. Makiisa sa mga gawain at adhikain ng LGBT sa daigdig.
B. Ipaglaban ang karapatan ng mga LGBT.
C. Bumuo ng mga batas na magbibigay proteksyon saLGBT laban sa pang-aabuso at karahasan.
D. Pagtibayin ang mga prinsipyong makakatulong sa pagkakapantay-pantay ng mga LGBT.
________23 . Natuklasan mo na ang kaibigan mo ay isang bi-sexual.Siya ang lagi mong kasama simula pa
noong kayo ay mga bata pa, para na kayong magkapatid hanggang sa matuklasan mo ang
kanyang oryentasyon sekswal. Ano ang iyong gagawin?
A. Kakausapin siya at susumbatan kung bakit niya inilihim ito sayo.
B. Igagalang mo ang kanyang oryentasyong seksuwal at panatilihin ng aming
pagkakaibigan.
C. Ipagkakalat kong siya ay isang bi-sexual.
D. Lalayuan at ikahihiya ang iyong kaibigan.

_______24. Suriin ang mga larawan at sagutin kasunod na tanong.

Ano ang iyong mahihinuha tungkol sa larawan?


A. May pantay na karapatan na ang babae at lalaki.
B. Mas maraming babae na ang naghahanap buhay at ang mga lalaki ang naiiwan sa bahay.
C. Ito ay isang uri ng diskriminasyon at karahasan sakalalakihan.
D. Ang gawain ng kababaihan ay maaring gawin ng kalalakihan.

II. Panuto: Isaayos ang mga sumusunod na mahahalagang pangyayari na nagpapakita ng gender roles sa
Pilipinas/ gender roles sa iba’t ibang lipunan sa mundo. Kilalanin ang bilang 1-5 ayon sa
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

_____ 25. Sa panahon ng mga Amerikano maraming kababaihang ang nakapag- aral dahilan upang
mabuksan ang kanilang isipan na hindi lamang bahay at simbahan ang mundong kanilang
ginagalawan.
a. 1 b. 2 c. 3 d. 4

_____ 26. Ngunit sa Panahon ng mga Pag-aalsa, may mga Pilipina ring nagpakita ng kanilang
kabayanihan gaya ni Gabriela Silang. Nang mamatay ang kanyang asawang si Diego Silang,
nag-alsa siya upang labanan ang pangaabuso ng mga Espanyol.-
a. 3 b. 5 c. 4 d. 2

_____ 27. Sa panahon ng mga Hapones, ang kababaihan sa panahong ito ay kabahagi ng mga
kalalakihan sa paglaban sa mga Hapones.
a. 4 b. 3 c. 1 d. 2
_____ 28. Pagkakaroon ng pandaigdigang mga batas na nangangalaga sa karapatan ng mga kababaihan
tulad ng Magna Carta of Women.
a. 2 b. 4 c. 3 d. 5

_____ 29.Ang mga kababaihan sa Pilipinas maging kabilang sa pinakamataas na uri o timawa ay
pagmamay-ari ng mga lalaki. - 1
a. 1 b. 5 c. 3 d. 2

III. Panuto: Piliin ang tamang salita upang mabuo ang konsepto at nilalaman ng mga sumusunod.

______30. International Bill for Women : CEDAW; Seven Deadly Sins : ____?
a. Human Rights b. Gabriela c. Operation Tukhang d. Bagong Silang

______ 31.China : foot binding; Purdah : __________________ ?


a. Vietnam b. Singapore c. India d. Philippines

______32. International Day for the Elimination of Violence Against Women : November 25
Anti-Homosexuality Act : _____________ ? (2014)
a. Uganda b. Columbia c. New Zealand d. China
IV. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa patlang.

______33. Ang lahat ay may karapatan sa edukasyon nang walang diskriminasiyong nag-uugat at sanhi
ng oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian. Prinsipyo 16
a. Women in Especially Difficult Circumstances
b. Prinsipyo 16
c. Violence Against Women and Their Children
d. Magna Carta of Women

______34. Bawat isa ay may karapatang magtamasa ng lahat ng karapatang pantao nang walang
diskriminasiyong nag-uugat saoryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.
a. Prinsipyo 2
b. Prinsipyo 16
c. Magna Carta of Women
d. Women in Especially Difficult Circumstances

______35. Mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng biktima ng
pang-aabuso at karahasan at armadong sigalot, mga biktima ng prostitusyon, “illegal
recruitment”, “human trafficking” at mga babaeng nakakulong.
a. Prinsipyo 16
b. Violence Against Women and Their Children
c. Women in Especially Difficult Circumstances
d. Prinsipyo 2

______36. Layunin nito na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang potensiyal nila bilang
alagad ng pagbabago at pag-unlad, sa pamamagitan ng pagkilala at pagtanggap sa
katotohanan na ang mga karapatan ng kababaihan ay karapatang pantao.
a. Women in Especially Difficult Circumstances
b. Prinsipyo 2
c. Violence Against Women and Their Children
d. Magna Carta of Women

______37. Ang mga sumusunod ay anyo ng diskriminasyon maliban sa isa alin dito?
a. Hindi pagtanggap sa trabaho
b. Mga pang-iinsulto at pangungutya
c. Mahalaga ang performance anuman ang kasarian
d. Bullying sa paaralan

______38. Ilan sa mga karapatang ipinaglabanan ng mga homoseksuwal sa buong mundo ay ___?
a. Karapatang mabuhay nang malaya at walang diskriminasyon.
b. Tanggapin agad sa anumang trabaho.
c. Kilalanin sila sa buong mundo.
d. Makapag asawa.

______39. Alin and kinikilala bilang “Unang yugto” sa paglaladlad bilang isang homosekswal?
a. “ Pag balewala sa sarili “
b. “ Pag-alam sa sarili “
c. “ Pag-amin sa ibang tao “
d. “ Pag- amin sa lipunan “
_____40. Ang Aktong Nagbibigay ng Komprehensibong Patakaran tungkol sa Responsable Pagiging
Magulang ay _______?
a. Panukalang batas ng kapulungan Bilang 4244(House Bill No. 4244)
b. Panukalang batas ng Senado Bilang 2378(Senate Bill No. 2378)
c. Panukalang batas ng kapulungan Bilang 4344(House Bill No. 4344)
d. Panukalang batas ng Senado Bilang 3378(Senate Bill No. 3378)

______41. Kailan ang unang beses na ang isang panukalang batas tungkol sa Reproduktibong Kalusugan
ay iminungkahi ?
a. 1995 b. 1996 c. 1997 d. 1998

______42. Kinikilala itong isang legal na pagpapakasal ng magkaparehas na kasarian.


a. civil wedding c. Same sex marriage
b. church wedding d. Live in
______43. Aling bansa ang hindi nagging lehitimo ang “Same sex marriage”?
a. Australia b. Finland c. Philippines d. Canada

______44. Ito ay isang gawain o "sexual acts" na may kapalit na kabayaran.


a. Cyber sex b. Prostitusyon c. Pagmamaltrato c. Human Trafficking

______45. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng isang prostityut?


a. Walang make up sa mukha.
b. Desente kung manumit.
c. Naninigarilyo at uminom ng alak.
d. Maraming kalorete sa katawan at mukha.

_____46. Ano ang kalimitang sanhi ng prostitusyon?


a. Broken family
b. Sadyang mapaghanga sa kapwa.
c. Pabaya sa sarili
d. Kahirapan

_____47. Ano ang posebleng parusa sa pagkakasangkot sa prostitusyon lalo na kung ito ay paulit-ulit?
a. Makukulong ng 30 araw.
b. Makukulong ng dalawang buwan
c. Makukulong ng anim na buwan
d. Maparusahan ng kamatayan

_____48. Alin sa mga Republic Act ang nagpoprotekta laban sa child prostitusyon at human trafficking?
a. RA 9208 b. RA 10175 c. RA 10627 d. RA 9262

G O O D L U C K

You might also like