Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

ARALIN:1 KAY SELIA

Kapag naaalaala ng makata ang nakaraan, iisang babae ang


binabalikan niya sa gunita, si Celia lamang. Matamis ang
kanilang pag-iibigan at masaya sila habang namamasyal sa
Ilog Beata at Hilom. Ngunt ngayo’y di mapigilan ng makata
ang pagluha kapag naiisip na baka naagaw na ng iba ang
pag-ibig ni Celia. Dahil sa kalungkutan, natutong magsulat
ng tula ang makata. Inihahandog niya ang tulang ito kay
Celia, na ang sagisag ay M.A.R.

ARALIN:2 SA BABASA NITO


Nagpapasalamat ang makata sa mga babasa ng kanyang
awit. Ang kanyang akda ay parang bubot na prutas sa unang
tingin ngunit masarap kapag ninamnam. Hinihiling ng
makata na huwag babaguhin ang kanyang berso at
pakasuriin muna ito bago pintasan. Kung may bahaging di
malinawan, iminumungkahi niyang tumingin lamang ang
mambabasa sa ibaba ng pahina at may paliwanag doon.
Ipinakiusap din niya na huwag babaguhina ng mga salita
sapagkat sa halip na mapabuti ay baka sumama pa ang
akda.

Read KABANATA 2- SA BABASA NITO from the story Florante At Laura by


ohitsmeLyyyy (Lyka Shane Rivera) with 2,459 reads...
ARALIN:3 PAMBUNGAD NA TAGPUAN
Nagsisimula ang awit sa isang madilim at mapanglaw na
gubat na di halos mapasok ng sikat ng araw. Madawag ang
gubat at maraming puno ng higera at sipres. Maraming
hayop dito, tulad ng ahas, basilisko, hyena, tigre at leon. Sa
isang punong higera sa gitna ng gubat, naktali ang paa,
kamay at leeg ng isang guwapong binata, na may makinis na
balat at kulay gintong buhok. Sayang walang mga nimpa sa
gubat na makapagliligtas sa binata.

ARALIN:4 ANG REYNONG ALBANYA


Umiiyak ang binatang nakagapos. Sinabi niyang naghahari
ang kasamaan sa kahariang Albanya. Bawal magsabi ng
totoo, may parusa itong kamatayan. Kagagawan ni Konde
Adolfo ang lahat, sapagkat ibig nitong mapasakanya ang
kapangyarihan ni Haring Linseo at ang kayamanan ni Duke
Briseo na ama ng nakagapos.

ARALIN:5 PIGHATI NG NAGMAMAHAL


Nakikiusap ang binatang nakagapos na ibagsak ng
kalangitan ang poot nito at parysahan ang masama Alam
niyang lahat ng nagyayari ay sa ikabubuti ng lahay kaya’t
nakahanda siyang magdusa.Ang tanging hiling niya ay
sana,maalaala siya ng minamahal na si Laura.Kung naiisip
niyang iniiyakan ni Laura ang kanyang pagkamatay,para na
rin siyang nagkaroon ng buhay na walang hanggan.naagaw
na ng kanyang karibal na si Adolfo ang pagmamahal ni
Laura.

ARALIN:6 MAGANDANG ALAALA


Ang tagpuan ay isang kagubatan. Nagsimula ang kabanata
ng si Aladin ay hindi inaasahang dumating sa kagubatan.
Sya ay nagmula sa Persya, isang gerero na mula sa lahi ng
mga Moro. Si Aladin ay naghahanap ng lugar kung saan sya
makapagpapahinga. Sya ay nagluluksa para kay Flerida, ang
babaeng pinakamamahal nya. Si Flerida ay inagaw ng
kanyang sariling ama, at nanumpa si Aladin na gagawin nya
ang lahat upang maibalik sa kanya si Flerida.

ARALIN:7 KAPANGYARIHAN NG PAG IBIG


Nagkataong dumating sa gubat ang isang mandirigma o
gerero na sa pananamit ay masasabing isang Morong taga-
Persiya. Naupo ito sa lilim ng isang puno at lumuluhang
naghimutok. Nagbanta siya na sino mang umagaw sa
pagmamahal ng babae ay papatayin niya, maliban sa
kanyang ama. Naihimutok ng gererong Moro na sadyang
napakalaki ng kapangyarihan ng pag-ibig. Kahit mag-aama’y
nag-aaway nang dahil sa pag-ibig.

ARALIN:8 AMANG MAPAGMAHAL


Nagkataong dumating sa gubat ang isang mandirigma o
gerero na sa pananamit ay masasabing isang Morong taga-
Persiya. Naupo ito sa lilim ng isang puno at lumuluhang
naghimutok. Nagbanta siya na sino mang umagaw sa
pagmamahal ng babae ay papatayin niya, maliban sa
kanyang ama. Naihimutok ng gererong Moro na sadyang
napakalaki ng kapangyarihan ng pag-ibig. Kahit mag-aama’y
nag-aaway nang dahil sa pag-ibig.

ARALIN:9 AMANG DI DAPAT PAMARISAN


Naalaala rin ng gerero ang sariling ama na kaiba sa ama ng
lalaking nakagapos ay di nagpakita ng pagmamahal sa anak
minsan man. Ang lalong masakit, ang kanyang ama pa ang
umagaw sa babaing kanyang pinakamamahal. Maagang
naulila sa ina ang gerero kaya’t di siya nakatikim ng
pagmamahal ng magulang. Naputol ang iniisip ng gerero
nang marinig sa nakagapos na malibing man ito ay patuloy
pa ring mamahalin si Laura.
ARALIN:10 PANGANIB NA NAKAAMBA
leon ang papalapit sa nakagapos ngunit parang naaawang
napahinto ang mga ito sa harap ng lalaki. Sa harap ng
nagbabantang kamatayan sa pangil ng mga leon, nagpaalam
ang binata sa bayang Albanya na pinaghandugan ng kanyang
paglilingkod at kay Laura. Sinabi ng binata na ang lalong
ipinaghihirap ng kanyang loob ay ang pangyayaring
haharapin niya ang kamatayan nang di angkin ang pag-ibig
ni Laura.susulatan ng Tales na isinulat ng daliring isinawsaw
sa dugo.

ARALIN:11 ANG TAGAPAGLIGTAS


Hindi na natiis ng gerero ang naririnig na daing. Kaya’t
hinanap niya ang pinanggagalingan ng tinig. Pinagputol-putol
ng gerero ang mga dawag hanggang marating ang
kinaroroonan ng nakagapos. Anyong sisilain na ng dalawang
leon ang binata na sa tindi ng hirap ay nawalan ng malay.
Pinagtataga ng gerero ang dalawang leon hanggang sa
mapatay. Pagkatapos kinalagan nito at kinalong ang binata.

ARALIN:12 ATAS NG LANGIT


Nang ,atauhan ang binata,si Laura agad ang unang hinanap,Nagulat pa ito nagng
nasa kandungan siya,Hindi ni Laura,kundi ng isang Moro. Ipibaliwanag ng gerrero
na di niya natiis na di tulungan ang binata,sapagkat magkaiba man sila ng
pananampalataya,nakaukit din sakanyang puso ang pagtulong sa kapwa,gaya ng
iniuutos ng langit ng mga kristiyano.Sa halip na magpasalamat,isinagot ng binata
na higit pang ibig niyang mamatau sa laki ng hirap na dinaranas.Sa narinig na
ito,bapasogaw ang gerero.

ARALIN:13 MGA MAPAGPALANG KAMAY


Walang kibuan ang dalawa hanggang sa lumubog ang araw.
Dinala ng gerero ang binata sa isang isang malapad at
malinis na bato. Dito pinakain ng Moro ang binata na di
nagtagal ay nakatulog sa kanyang kandungan. Magdamag na
binantayan ng gerero ang binata, na tuwing magigising ay
naghihimutok. Nang magising kinaumagahan,
nakapagpanibagong lakas na ang binata. Itinanong ng Moro
ang dahilan ng paghihirap ng loob nito.

ARALIN:14 BUGTONG NA ANAK


Isinalaysay ni Florante ang kanyang buhay. Na sanggol pa lamang siya sa
bakasyunang malapit sa bundok ng kanyang mga magulang na Duke
Briseo at Prinsesa Floresca (sa Albanya) ay muntik sa siyang dagitin ng
isang buwitre na mabuti na lamang ay napana ng pinsan niyang si
Menalipo na taga-Epiro. Ang kanyang ama ay tagapagpayo ni Haring
Linseo ng Albanya. Kaya’t kahit na siya ay anak ng prinsesa sa Krotona,
siya ay isinilang sa Albanya. Sa bulwagan naman ng kanilang palasyo ay
sinambilat ng isang alkon ang kwintas niyang may palawit na diyamante o
kupidong diyamante. Noo’y bago pa lamang siyang lumalakad (ang alkon
ay isang uri ng ibon na nahahaling o naaakit sa makikintab o kumikinang
na mga bagay). Nang siyam na taong gulang siya’y pamana ng ibon at
ibang mga hayop ang kanyang libangan.

ARALIN:15 LAKI SA LAYAW


Lumaki sa galak si Florante. Ngunit ngayon niya naisip na di
dapat palakhin sa layaw ang bata sapagkat sa mundong ito’y
higit ang hirap kaysa sarap. Ang batang nasanay sa ginhawa
ay maramdamin at di makatatagal sa hirap. Alam ito ni Duke
Briseo. Kaya’t tiniis nito ang luha ng asawa at masakit man
sa loob na mawalay sa anak, ipinadla siya ng ama sa
Atenas upang doon mag-aral.

ARALIN:16 NAHUBDAN NG BALAT KAYO


Labing-isang taong gulang si Florante nang ipadala sa
Atenas upang mag-aral. Ang naging guro niya rito ay si
Antenor. Isa sa mga estudyante rito ay ang kababayang si
Adolfo, na nang una ay nadama na si Florante na tila
pakunwari lamang ang kabaitan ni Adolfo. Anim na taon sa
Atenas si Florante. Sa loob ng panahong ito, natuto siya ng
pilosopiya, astrolohiya at matematika.

ARALIN:17 NALULUMBAY NA PUSO


 Nanguna si Florante sa katalinuhan at dinaig niya maging si Adolfo. Napabalita
ang una sa buong Atenas. Dito na lumabas ang tunay na pagkatao ni Adolfo. Sa
isang dulang ginampanan nina kapwa ni Florante, pinagtangkaan nitong patayin
ang huli. Salamat at nailigtas siya ng kaibigang si Menandro. Kinabukasan din,
umuwi sa Albanya si Adolfo. Naiwan sa Atenas si Florante at nagtagal doon nang
isang taon pa. isang araw, tumanggap ng liham si Florante mula sa ama. Sinasabi
sa sulat na namatay ang kanyang ina. Nawalan ng malay si Florante sa tindi ng
kalungkutan. Hindi nakabawas sa kanyang kalungkutan ang tapat na pakikiramay
ng guro at mga kamag-aral.
ARALIN:18 PAALAM,Bayan ng Atenas
Pagkaraan ng dalawang buwan ng matinding kalungkutan para kay Florante
dumating ang ikalawang sulat ng kanyang ama, kasama ang sasakyang
sumundo sa kanya. Bago umalis pinagbilinan si Florante ng gurong si Antenor
na pakaingatan ng una si Adolfo sapagkat tiyak itong maghihiganti. Idinagdag
pang huwag padadala si Florante sa magiliw na pakikiharap. Pinayuhan siyang
lihim na maghanda nang hindi nagpapahalata.

Aralin 19: Sa Bayan ng Crotona


Di nagtagal nakarating sa Albanya ang magkaibigan. Pagkakita sa ama,
napaluha si Florante nang muling manariwa ang sakit ng loob sa pagkamatay
ng ina. Noon dumating ang sugo ni Haring Linseo, dala ang sulat ng Hari ng
Crotona na humihingi ng tulong sapagkat nilusob ang Krotona ni Heneral
Osmalikng Persiya. Pangalawa ito ng bantog na si Prinsipe Aladin na
hinahangaan ni Florante at ayon sa balita’y kilabot sa buong mundo. Sa
narinig, napangiti ang Moro at nagsabing bihirang magkatotoo ang mga balita
at karaniwang may dagdag na.Nagtungo sa palasyo ng Albanya ang mag-ama.
Doon masakit man sa loob, pumayag din ang ama ni Florante nang ito’y
hirangin ng hari na heneral ng hukbo.

Aralin 20: Kagandahang Walang Kawangis

            Nakilala ni Florante ang anak ng hari na si Laura, isang dalagangkaagaw


ni Venus sa kagandahan, isang kagandahang mahirap isiping makapagtataksil.
Sa harap ng kagandahan ni Laura, laging nagkakamali ng sasabihin si Florante
sapagkat natatakot siyang baka di maging marapat sa dalaga.
Aralin 21: Pangarap na Pagibig
            Tatlong araw ang piging ng hari para kay Florante. Sa loob ng panahong
ito ay di man lamang nakausap ni Florante nang sarilinan si Laura. Sa
kabutihang-palad, isang araw bago umalis sina Florante upang makidigma,
nakausap nito ang dalaga at pinagtapatan ng pag-ibig. Hindi sumagot ng ‘oo”
ang dalaga ngunit lumuha siya nang umalis si Florante patungong digmaan.

Aralin 22: Tagumpay at Pighati


            Dahil sa luhang pabaon ni Laura, natiis ni Florante ang kalungkutang
bunga ng pagkawalay sa minamahal. Pagdating sa digmaan, naabutan ng
hukbo nina Florante na halos mawasak na ang kaaway ang kuta ng Krotona.
Ngunit magiting na nagtanggol si Florante at ang kanyang mga kawal
hanggang sa hamunin ni Osmalik si Florante na silang dalawa ang magharap.
Limang oras silang naglaban hanggang sa mapatay ni Florante si Osmalik.
Ipinagbunyi ng taong-bayan si Florante lalo nang malamang ito’y apo ng hari
ng Krotona. Ngunit nahaluan ng lungkot ang kanilang kagalakan nang magkita
ang maglolo. Muling nanariwa ang kirot ng pagkamatay ng ina ni Florante.
Dito naisip ni Florante na walang lubos na ligaya sa mundo.Pagkaraan ng
limang buwan sa Krotona, nagpilit nang bumalik sa Albanya si Florante upang
makita si Laura. Ngunit nang malapit na at natatanaw na ang moog ng
Albanya, biglang kinutuban si Florante.

Aralin 23: Pag-ibig na Pilit


            Hindi nagkamali ang kutob ni Florante. Nakawagayway sa Albanya ang
bandilang Moro. Pinatigil muna ni Florante ang kanyang hukbo sa paanan ng
bundok. Mula roon natanaw nilang tila pupugutan ng ulo ang isang babae.
Dali-daling lumusob sina Florante at ginapi ang mga Moro. Naligtas ang babae
na walng iba kundi si Laura. Papupugutan ng ulo ang dalaga sapagkat
tinanggihan nito ang pag-ibig ng emir at ito’y sinampal pa. noon binigkas ni
Laura ang “sintang Florante.”

            Pinawalan ni Florante ang hari, ang kaniyang ama at ang iba pang
bilanggong kinabibilangan ni Adolfo. Lalong nainggit si Adolfo kay Florante
hindi lamang dahil sa papuring tinanggap kundi dahil nakamit pa niya ang
pag-ibig ni Laura. Dahil dito, muling nagbalak si Adolfo na ipahamak si
Florante.

Aralin 24: Patibong ng Taksil

            Pagkalipas ng ilang buwan, lumusob ang hukbo ng Turkiya sa


pamumuno ni Miramolin. Ngunit tinalo si Florante si Miramolin. Naging
sunod-sunod ang tagumpay ni Florante hanggang sa umabot sa 17 ang mga
haring nagsigalang sa kanya.Isang araw, nasa Etolya si Florante at ang
kanyang hukbo nang dumating ang sulat ng hari na nagpapauwi sa kanya.
Iniwan niya ang hukbo kay Menandro. Ngunit pagdating sa Albanya, nilusob
siya ng 30,000 sandatahan at noon di’y ibinilanggo. Noon niya nalamang
ipinapatay ni Adolfo si Haring Linseo at ang kanyang amang si Duke Briseo. Si
Laura nama’y nakatakdang ikasal kay Adolfo. Labingwalong araw na ipiniit si
Florante. Pagkaraan, itinali siya sa gubat na kinatagpuan sa kanya ng gererong
Moro.

Aralin 25: Ang Hinagpis ng Gerero

            Nang matapos magsalaysay si Florante, nagpakilala ang Moro. Siya si


Aladin mula sa Persiya na anak ni Sultan Ali-Adab. Sinabi ni Aladin na yamang
kapwa sila sawi ni Florante, mamuhay na silang magkasama sa gubat. Noon
isinalaysay ni Aladin ang kanyang pinagdaanang buhay. Ikinuwento niya ang
pakana ng sarili niyang ama upang maagaw sa kanya si Flerida. Ipinapakulong
siya nito sa bintang na iniwan niya ang hukbo sa Albanya kahit wala pang utos
ng sultan. At nang mabawi ni Florante ang Albanya, hinatulang pugutan ng
ulosi Aladin. Pinatawad siya sa kondisyong aalis siya sa Persiya noon din.
Bagama’t nakaligtas sa kamatayan, higit pang ibig ni Aladin na mamatay kaysa
maagaw ng iba ang pagmamahal ni Flerida.

Aralin 26: Mga Tinig ng Pag-ibig

            Natigil sa pag-uusap ang dalawa nang marinig ang dalawang babaing


nag-uusap. Ayon sa isa, nang malaman niyang papupugutan ng ulo ang
kanyang minamahal, nagmakaawa siya sa sultan. Pumayag ang sultan na
patawarin ang nobyo ng babae, kung papayag itong pakasal sa sultan. Walang
nagawa ang babae kundi ang sumang-ayon. Ngunit nakaalis ang kanyang
nobyo nang di sila nagkausap. Nang gayak na ang kanilang kasal tumakas ang
babae na nakadamit-gerero. Ilang taon siyang naglagalag sa mga bundok at
gubat hanggang sa mailigtas niya ang kausapNoon biglang sumulpot sina
Florante at Aladin. Sa di inaasahang pagtatagpong iyon, di masusukat ang
kaligayahan ng apat na tauhan.

Aralin 27: Sa Bingit ng Kamatayan


            Si Laura naman ang nagsalaysay. Ayon sa kanya, napapaniwala ni
Adolfo na gugutumin ng hari ang taong-bayan kaya’t nagkagulo ang mga ito.
Kasunod ng pagkakagulo, ipinapatay ni Adolfo ang hari at ang matatapat na
alagad nito. Inagaw ni Adolfo ang pagkahari at pinilit si Laurang pakasal sa
kanya. Hindi nagpapahalata ng tunay na niloloob, pumayag si Laura ngunit
humingi ng limang buwang palugit upang magkapanahong mapauwi si
Florante. Sa kasamaang-palad, nahulog si Florante sa pakana ni Adolfo at
naipatapon. Handa nang magpakamatay si Laura nang dumating si Menandro
na siyang nakatanggap ng sulat ni Laura kay Florante. Tumakas si Adolfo,
tangay si Laura na pinagtangkaang abusuhin sa gubat na iyon. Siya namang
pagdating ni Flerida. Pinana nito si Adolfo na namatay noon din.
Aralin 28: Masayang Wakas
  
            Matapos ang pagkukuwento ni Laura, dumating si Menandro na may
kasamang hukbo. Laking tuwa nito nang makita ang kaibigang si Florante.
Ipinagbunyi ng hukbo ang bagong hari na si Florante. Ipinagsama nina
Florante sa Albanya sina Aladin at Flerida na kapwa pumayag na maging
Kristiyano. Nakasal sina Florante at Laura at sina Aladin at Flerida. Umuwi sa
Persiya sina Aladin at Flerida nang mamatay si Sultan Ali-Adab. Nagpasalamat
sa Diyos ang mga mamamayang nasisiyahan sa pamumuno nina Florante at
Laura.

You might also like