Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon V
Sangay ng mga Paaralang Panlungsod
ABUYOG NATIONAL HIGH SCHOOL
Lungsod ng Sorsogon

PANUKALANG PROYEKTO

I. PANGUNAHING IMPORMASYON
A. Pangalan ng Proyekto: PANG-KLASTER NA PALIHAN SA PANITIK 2018
Tema: “Makabagong Manunulat at Makabagong Panulat sa Mundo ng Makabagong
Teknolohiya”

B. Proponent/Organizer:
Pinuno ng Proyekto : RICKY L. JAMISOLA
Sorsogon Cluster Coordinator-Filipino
Abuyog National High School
Rickyjamisola40@gmail.com

C. Takdang Oras/Panahon: Dalawang Araw ( Biyernes-Sabado)


Disyembre 7-8, 2018

D. Kabuuang Badyet: Php. 10,0500


E. Pangunahing Ahensya: Abuyog National High School
Sorsogon Cluster

F. Lokasyon ng Proyekto: Abuyog National High School


Senior High School Building
Abuyog, Sorsogon City

G. Kalahok: 35 mag-aaral (Limang mag-aaral sa bawat paaralang sekundarya ng


klaster ng sorsogon.)

II. DESKRIPSIYONG TEKNIKAL

A. Rasyonal ng Proyekto

Ang wasto at sapat na kaalaman at kakayahan sa pagsulat ng iba’t ibang genre


ng panitikan ay malaking ambag sa pagpapahalaga at pagpapayaman ng ating panitikan
at kultura. Ang kakayahan sa pagsulat ay nakatutulong upang mahasa at malinang ang
kakayahan ng mga mag-aaral sa mapanuring pag-iisip, pagtitimbang ng mga
napapanahong isyu at pagiging malikhain. Sa pamamagitan nito ay nahuhubog ang
kakayang linggwistiko, sosyolinggwistiko, pragmatik at diskorsal ng mga mag-aaral na
magagamit sa pang-araw-araw na pakikipagkomunikasyon ng mga mag-aaral.
Ayon sa Saligang Batas ng 1987, artikulo XIV, Seksyon 8, ang mga ahensya,
pamahalaan, paaralan ay dapat magsagawa ng mga gawain, programa at proyekto na
magpapaunlad sa wikang Filipino.

Ang Rehiyon V ay nagsagawa ng Panrehiyong Palihan sa Panitik noong ika 10-13 ng


Oktubre na nakapaloob sa Memorandum Panrehiyon blg. 127, s. 2018 na nilahukan ng
mga guro sa elementarya at sekundarya sa bawat dibisyon. Layunin ng nasabing palihan.

At bilang tugon, ang Dibisyon ng Sorsogon ay nagsagawa ng Pandibisyong Palihan sa


Panitik noong ika-22-23, 2018 na nakapaloob sa Pandibisyong memorandum blg. 044, s.
2018 na nilahukan ng mga guro sa elementarya at sekundarya sa Dibisyon ng Sorsogon
na naglalayong 1. mapalawak ang kaalaman ng mga guro sa panitik at pagruturo nito sa
Filipino, 2. Malinang ang kasanayan ng mga guro sa panitik ng Filipino sa K to 12
Kurikulum; at 3. Mapahalagahan ang kasanayan sa panitik sa pamamagitan ng sariling
katha.

Ang mga nabanggit ang nag-udyok sa tagapanukala ng proyektong ito na


magsagawa ng PANG-KLASTER NA PALIHAN SA PANITIK 2018 na may temang
“Makabagong manunulat at makabagong panulat sa mundo ng makabagong
Teknolohiya” na magtuturo sa mga mag-aaral ng mga makabagong teknik estilo at
pamamaraan sa pagsulat ng iba’t ibang genre ng panitikan sa mundo ng makabagong
teknolohiya. Ito ay magiging daan upang gisingin ang kawilihan ng mga mag-aaral sa
pagsulat, gayundin ito ay magbibigay pagkakataon na mapatatag ang tiwala sa sarili at
kakayahan ng mga mag-aaral upang malaya nilang maihayag at magamit ang mga
natatanging talento sa pagsulat.

Malaki ang magagawa ng mga mag-aaral sa pagpapayabong ng ating wika at


inaasam na pagbabago ng ating lipunan kaya’t mahalaga na pagtuunan ng pansin ang
kanilang kakayahan na magagamit sa darating na panahon.

B. Layunin:
1. Makapagbigay ng pagkakataon na mahubog ang kakayahan ng bawat mag-aaral sa
malikhaing pagsulat.
2. Mapagyaman ang kakayahan ng mga mag-aaral sa paggamit ng wikang Filipino.
3. Mapaunlad ang pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa iba’t ibang genre ng panitikan.

C. Inaasahang Awtput:
1. Makalikha ng iba’t ibang genre ng panitikan tulad ng tula, Dagli, makikling kuwento
at kuwentong pambata na maaaring makapag-ambag sa mga guro bilang lunsaran
sa pagtuturo ng panitikan.

III. PAMAMAHALA NG PROYEKTO


A. Daloy ng Gawain

GAWAIN TIME FRAME AWTPUT


Paghahanda ng Panukalang Nakahandang panukalang
Nobyembre 3-5, 2018
Proyekto. proyekto
Pagsarbey ng mga posibleng
Nobyembre 8-9, 2018 Listahan ng mga kalahok
kalahok (pre-registration)
Pagpapakinis sa proposal, tema
at daloy ng mga gawain sa
Nobyembre 12, 2018 Maayos na panukalang proyekto
pamamagitan ng pakikipag-
ugnayan sa mga kinauukulan.
Pagpapaaproba ng panukalang Naaprobahang panukalang
Nobyembre 13, 2018
proyekto. proyekto
Pagpapaaproba ng mga liham
Naaprobahang mga liham
komunikasyon at talatakdaan sa Nobyembre 15, 2018
komunikasyon
mga kinauukulan.
Pakikipag-ugnayan sa mga Natanggap na liham
kalahok,tagapanayam at iba Nobyembre 16-17, 2018 komunikasyon at programa ng
pang sangkot sa gawain. palatuntunan
Napirmahang mga sertipiko ,
Paghahanda sa mga sertipiko,
Nobyembre 21-23, 2018 nabili ang mga isnak at token, at
isnaks, token, at tarpaulin.
napagawang tarpaulin
Pag-aayos ng lugar na Maayos na lugar na
Disyembre 6, 2018
pagdadausan ng seminar. pagdadausan ng gawain
Naisagawa ang Pangklaster na
Pagsasagawa ng Pang-Klaster na Palihan sa panitik 2018 at may
Disyembre 7-8, 2018
Palihan sa Panitik 2018 mga nararapat na
dokumentasyon
Ebalwasyon sa proyekto at pag- Nagawang proyekto at mga
Disyembre 12, 2018
kritik sa mga awtput. awtput
Pagbabalik ng mga na-kritik na Naibalik ang mga awtput na
Disyembre 14, 2018
awtput. nakritik
Nagawang ulat terminal
Pagsasagawa ng Ulat Terminal. Disyembre 15-19, 2018
Pagpasa sa kinauukulan ng ulat-
Disyembre 27, 2018 Napirmahang ulat-Terminal
terminal

IV. TALATAKDAAN NG GAWAIN

PANG-KLASTER NA PALIHAN SA PANITIK 2018


Tema: “Makabagong Manunulat at Makabagong Panulat sa Mundo ng Makabagong Teknolohiya”

Daloy ng Palatuntunan
(Disyembre 7-8, 2018)

Disyembre 7, 2018
Unang Araw
SESYON SA UMAGA
ORAS PAKSA/GAWAIN TAONG KASANGKOT
8:30 – 9:30 Rehistrasyon/Pagpapatala ng mga Kalahok Komiti sa Rehistrasyon
Pambungad na Palatuntunan
Pambansang Awit Bidyu
Panalangin Bidyu

Pambungad na Pananalita BEVERLY P. BABAGAY


EPS, Filipino
9:30 – 10:30
Mensahe MARIA THERESA DUAZO
PSDS

Presentasyon ng mga Kalahok ROSEMARIE L. RESCOBELLO


Guro sa Filipino-ANHS
Oryentasyon RICKY L. JAMISOLA
Guro sa Filipino-ANHS
Health Break
Plenaryong Sesyon 1
RHEA D. BRUMA
10:30 – 11:30 Ang mag-aaral at panitik
Guro-Rawis NHS
( inaasahan sa mag-aaral na manunulat)
11:30 – 1:00 Pananghalian
SESYON SA HAPON
Bidyu
Ice Breaker/Pamukaw Bilang
1:00 – 1:15 RICHELDA P. JOLO
Pagpapakilala sa Pangalawang Tagapanayam
Guro-PTVS
1:15 – 2:15 Plenaryong Sesyon 2 JUNJIE A. BALIDOY
PAGSULAT NG KUWENTO Guro- SNHS
( Pambata/maikling kuwento )
2:15-3:15 WORKSYAP 1
Pagsulat ng Kuwentong pambata/maikling
Kuwento
3:15-3:30 Health Break
2:30-3:30 Plenaryong Sesyon 3 JOSHUA A. OYON-OYON
PAGSULAT NG DAGLI Guro-SNHS
3:30-4:30 WORKSYAP 2
Pagsulat ng Dagli
4:30 -5:00 Wrapping – up
End of Day 1
Disyembre 8, 2018
Ikalawang Araw
SESYON SA UMAGA
8:00-8:30 MOL/ Balik Tanaw Piling Kalahok
8:30-9:30 Plenaryong Sesyon 4 RICKY L JAMISOLA
PAGSULAT NG TULA Guro- ANHS
9:30 – 10:00
Health Break
10;00-11:30 WORKSYAP 3
Pagsulat ng Tula
11:30– 1:00 Tanghalian
SESYON SA HAPON
Presentasyon at pagki-kritik ng mga BEVERLY P. BABAGAY at
1:00 – 3:00 natatanging akdang pampanitikan na ginawa Facilitators
ng mga kalahok
3;00-3:30 Health Break
RICKY L JAMISOLA
3:30—4;00 Wrapping – up
Guro- ANHS
Guro ng palatuntunan/mga
4:00-4:30 Pampinid na Palatuntunan
kalahok/ Facilitator

V. PONDO/BADYET
Ang pondo at Budget sa pagkain (snacks sa umaga at hapon at pananghalian sa loob ng
dalawang araw) at mga kagamitan sa palihang ito ay magmumula sa rehistrasyon ng mga
lalahok na nagkakahalagang 300.00 na magmumula sa pondong local/MOOE ng bawat
paaralan sa klaster ng sorsogon.
A. Gastusin

PAGKAIN
Miryenda sa umaga------40 x 25 x2 =2,000.00
Miryenda sa hapun------40 x 25 x 2 = 2,000.00
Pananghalian--------------40 x 50 x 2 = 4,000.00
_________
8,000.00

SEMINAR KIT/MATERIALS
Kwantiti Yunit Deskripsyon Presyo/Yunit Kabuuang Halaga
1 Tarpaulin 500.00 500.00
1 Ream Coupon Bond ( Short) 180.00 180.00
2 Boxes Ballpen 100.00 200.00
Printing, etc. 500.00
4 Pcs. Token 250.00 1,000.00
KABUUAN: 2, 380.00

Kabuuang Gastusin: 10,380.00

Inihanda ni:

RICKY L. JAMISOLA
Sorsogon Cluster Coordinator-Filipino

Nabatid ni:

LELIA G. SANTIAGO
Punong-guro

Inirerekomendang Pagtibayin:

BEVERLY P. BABAGAY
Education Program Supervisor, Filipino

Inaprubahan:

NYMPHA D. GUEMO
Schools Division Superintendent

You might also like