Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Tula Ng Isang Mag-aaral

Elaiza Mairim B. Garcia

Ako, isang mag-aaral na nangangarap


Hangad ay maayos na kinabukasan
Para sa hinaharap ay ‘di maghirap
Nang ako ay walang pagsisihan bukas.

Sa paaralan ako ay nag-aaral


Bagong kaalaman aking natutunan
Araw-araw ngang nagsisikap ng lubos
Sa mga pagsusulit ay ‘di sumusuko.

Buhay ko’y wala pang kasiguraduhan


Kaya nga ngayon ay pinagsisikapan
Sa Diyos, ako’y humihingi ng gabay
Para sa aking mahabang paglalakbay.

At para sa aming mabubuting guro,


Salamat sa matiyagang pagtuturo;
Para sa mag-aaral na katulad ko
Hangad ko ay ang kaginhawaan ninyo.

You might also like