Pagsusuri Sa Tula Ni Amado V

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Pagsusuri sa tula ni Amado V.

Hernandez na "Isang Dipang Langit"


Nakilala ang husay ni Amado Hernandez noong panahon ng Amerikano. Naisulat niya ang tulang ito sa
bartolina ng Muntinglupa noong Abril 22, 1952. Si Amado Vera Hernández ay isang makata at manunulat
sa wikang Tagalog. Kilala rin siya bilang "Manunulat ng mga Manggagawa", sapagkat isa siyang pinuno
ng mga Pilipinong manggagawa at sa kaniyang mga pagpuna at pagsusuri sa mga kawalan ng
katarungang naganap sa Pilipinas noong kaniyang kapanahunan. Nakulong siya dahil sa pakikipag-
ugnayan niya sa mga kilusang makakomunista. Siya ang punong tauhan sa isang bukod-tanging kasong
panghukuman na tumagal ng 13 taon bago nagwakas. Sinalaysay ni Hernandez sa kanyang mga akda
ang pakikipagsapalaran at pakikibaka ng mga manggagawang Pilipino. Minsan siyang napiit dahil sa
salang sedisyon, at habang nasa loob ng kulungan, naisulat niya ang "Isang Dipang Langit", ang isa sa
mga mahahalaga niyang tula. Nakilala rin si Hernandez sa kanyang mga nobelang gaya ng "Ang Ibong
Mandaragit", at "Luha ng Buwaya". Ang ilan sa kanyang maikling kuwento ay natipon sa isang tomo na
pinamagatang "Langaw sa Isang Basong Tubig at Ibang Kuwento". Nagturo din siya sa Pamantasan ng
Pilipinas. Kakikitaan ng diwang makabayan ang marami niyang tula at nobela: lantad sa mga ito ang
makatarungang poot sa pagiging tila isang kolonya ng Estados Unidos ang kaniyang bansang Pilipinas.
Naipakulong siya ni Elpidio Quirino dahil sa bintang na pagiging mapanghimagsik. Noong Marso 31,
1952, hinatulan siya ng habambuhay na pagkabilanggo sa sakdal na
―rebellion complex. Siya’y nanatili sa bartolina mula noong Enero 1951 hanggang Hulyo 1956.
Naging instrumento ang kanyang pagkakakulong para maisulat niya ang Isang Dipang langit ,
Bayang Malaya, at Mga Ibong Mandaragit. Napawalang-sala lamang siya noong 1964.

Isang Dipang Langit (Tula)


Ako’y ipiniit ng linsil na puno
hangad palibhasang diwa ko’y piitin,
katawang marupok, aniya’y pagsuko,
damdami’y supil na’t mithiin ay supil.
Ikinulong ako sa kutang malupit:
bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;
lubos na tiwalag sa buong daigdig
at inaring kahit buhay man ay patay.
Sa munting dungawan, tanging abot-malas
ay sandipang langit na puno ng luha,
maramot na birang ng pusong may sugat,
watawat ng aking pagkapariwara.
Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,
sa pintong may susi’t walang makalapit;
sigaw ng bilanggo sa katabing moog,
anaki’y atungal ng hayop sa yungib.
Ang maghapo’y tila isang tanikala
na kala-kaladkad ng paang madugo
ang buong magdamag ay kulambong luksa
ng kabaong waring lungga ng bilanggo.
Kung minsa’y magdaan ang payak na yabag,
kawil ng kadena ang kumakalanding;
sa maputlang araw saglit ibibilad,
sanlibong aninong iniluwa ng dilim.
Kung minsan, ang gabi’y biglang magulantang
sa hudyat – may takas! – at asod ng punlo;
kung minsa’y tumangis ang lumang batingaw,
sa bitayang moog, may naghihingalo.
At ito ang tanging daigdig ko ngayon –
bilangguang mandi’y libingan ng buhay;
sampu, dalawampu, at lahat ng taon
ng buong buhay ko’y dito mapipigtal.
Nguni’t yaring diwa’y walang takot-hirap
at batis pa rin itong aking puso:
piita’y bahagi ng pakikilamas,
mapiit ay tanda ng di pagsuko.
Ang tao’t Bathala ay di natutulog
at di habang araw ang api ay api,
tanang paniniil ay may pagtutuos,
habang may Bastilya’y may bayang gaganti.
At bukas, diyan din, aking matatanaw
sa sandipang langit na wala nang luha,
sisikat ang gintong araw ng tagumpay…
layang sasalubong ako sa paglaya!

Sa paniniwalang tungkulin ng manunulat na maging budhi ng lipunan at magpatunay sa kadakilaan ng


diwa ng tao sa harap ng kalupitan, hindi inalintana ng may-akda ang kanyang pagkabilanggo. Ang
kanyang mga akda ay lagi nang pumapaksa sa nasyonalismo, demokrasya, at panlipunang katarungan.
Makatwiran bang ikulong ang isang taong nagpapahayag lamang ng kanyang malayang damdamin at
kaisipan? Layunin ng may-akda na maimulat ang bawat Pilipino sa kawalan ng katarungan at
pakikipagsapalaran ng mga manggagawa sa lipunang bulok na sistema ang umiiral.

Ang uri ng tulang ito ay isang tulang sanaysay, may lalabindalawahing pantig ang sukat at may katinig at
patinig ang mga tugma. ang mga posibleng tono ay paghihimagsik at pagdurusa. Gumamit ang awtor ng
tayutay. Ang mga salitang ginamit ay kakaiba. Maaring ang paksa sa tulang ito ay buhay sa loob ng
kulungan may diwa ito tungkol sa mga karanasan ng mga nakakulong, buhay ng mga bilanggo sa araw
araw at pwede ring para ipaglaban ang iyong karapatan. Ang himig ng kwento ay pagdurusa, dahil sa
pag tukoy sa kanyang pinagdaanan na kanyang inilahad sa loob ng kulungan at naghahagid ng kanyang
kalayaan. Ang istilong may akda ay pangkaraniwan sa iba ngunit kung ikukumpara ang kanyan istraktura
ng paraang pagkakasulat, ang unang tatlong linya sa bawat saknong ay nasa karaniwang ayos,
samantalang ang pang dalawa at pang apat ay nagbibigay ito ng limang espasyo. Mabisa ang paraan ng
pag uugnay ugnay at pagka sunod sunod ng mga ideya, salita, taludtod at saknong dahil ang bawat salita
ay itinuon at makahulugan at nasa tamang lalagyan bagamat may salitang inulit ngunit ito ay may nais
paring iparating. bagamat hindi nabanggit kung nakalaya man siya o hindi .
isa sa mga mensahe na nais iparating ng tula ay pagiging matatag sa kahit ano mang pagsubok sa
buhay, ipagtangol ang sariling karapatan, laging mag tiwala sa sariling kakayahan at higit sa lahat
manalig tayo sa diyos.

Ang tulang ito ay nagsisilbing inspirasyon sa atin.

ANG KALUPI (Maikling Kuwento)


ANG KALUPI
Benjamin Pascual

Mataaas na ang araw nang lumabas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang maliit na barung-
barong. Aliwalas ang kanyang mukha: sa kanyang lubog na mga mata na bahagyang pinagdilim ng
kanyang malalagong kilay ay nakakintal ang kagandahan ng kaaya-ayang umaga. At sa kanyang maninipis
na labi, na bahagyang pasok sa pagkakalapat at maputla, ay naglalaro ang isang ngiti ng kasiyahan. Araw
ng pagtatapos ng kanyang anak na dalaga; sa gabing iyon at tatanggapin nito ang diploma bilang
katunayang natapos niya ang apat na taong inilagi sa mataas na paaralan. Ang sandaling pinakahihintay
niya sa mahaba-haba rin namang panahon ng pagpapaaral ay dumating na: ang magkaroon ng isang anak
na nagtapos sa high school ay hindi na isang maliit na gaya niya. Sa mapangarapin niyang diwa ay para
niyang nakikita ang kanyang anak na dalaga sa isang kasuutang puting-puti, kipkip ang ilang libro at
nakangiti patungo sa lalo pang mataas na hangarin sa buhay, ang makatapos sa kolehiyo, magpaunlad ng
kabuhayan at sumagana. Maaaring balang araw ay magkaroon din siya ng mamaniganging may sinasabi
rin naman. Nasa daan na siya, para pa niyang naririnig ang matinis na halakhak ng kanyang anak na dalaga
habang paikut-ikot nitong isinusukat sa harap ng salamin ang nabuburdahang puting damit na isusuot sa
kinagabihan. Napangiti siyang muli.

Mamimili si Aling Marta. Bitbit ng isang kamay ang isang pangnang sisidlan ng kanyang
pamimilhing uulamin. Habang daan, samantalang patungo sa pamilihang-bayan ng Tondo, ay mataman
niyang iniisip ang mga bagay na kanyang pamimilhin. Hindi pangkaraniwang araw ito at kinakailangang
magkaroon silang mag-anak ng hindi pangkaraniwang pananghalian. Bibili rin siya ng garbansos. Gusting-
gusto ng kanyang magtatapos na anak ang minatamis na garbansos.

Mag-iikasiyam na nang dumating siya sa pamilihan. Sa labas pa lamang ay naririnig na ang di-
makamayaw na ingay na nagbubuhat sa loob, ang ingay ng mga magbabangos na pakanta pang isinisigaw
ang halaga ng kanilang paninda, ang salit-salitang tawaran ng mga mamimili. Linggo ng umaga at ang
palengke ay siksikan. Sa harapan niya piniling magdaan. Ang lugal ng magmamanok ay nasa dulo ng
pamilihan at sa panggitnang lagusan siya daraan upang magdaan tuloy sa tindahan ng mga tuyong paninda
at bumili ng mantika. Nang dumating siya sa panggitnang pasilyo at umakmang hahakbang na papasok ay
siyang paglabas ng humahangos na isang batang lalaki, na sa kanilang pagbabangga ay muntik na niyang
ikabuwal. Ang siko ng bata at tumama sa kanyang kaliwang dibdib.

“Ano ka ba?” bulyaw ni Aling Marta. “Kay sikip na ng daraanan ay patakbo ka pa kung lumabas!”

“Pasensiya na kayo, Ale,” sabi ng bata. Hawak nito ang isang maliit na bangos na tig-bebente,
sa loob-loob ni Aling Marta. Ang bata ay takot na nakatingin sa kanya. “Hindi ko ho kayo sinasadya.
Nagmamadali ho ako, e.”

“Pasensya!” sabi ni Aling Marta. “Kung lahat ng kawalang-ingat mo’y pagpapasensyahan nang
pagpapasensyahan ay makakapatay ka ng tao.”

Agad siyang tumalikod at tuluy-tuloy na pumasok. Paano’t paanuman, naisip niya, ako ang huling
nakapangusap. Higit kong daramdamin kung ako na itong nagawan ng di mabuti ay sa kanya pa
manggagaling ang huling salita. Mataman niyang inisip kung may iba pang nakakita sa nangyari. Marahas
ang kanyang pagkakapagsalita sa bata at maaaring may kakilala siyang nagdaraan na nakarinig ng
kanyang mga sinabi. Dumating siya sa tindahan ng mga tuyong paninda at bumili ng isang kartong mantika.

“Tumataba yata kayo, Aling Godyang,” ang bati niya sa may kagulangan nang tindera na siya
niyang nakaugaliang bilhan. Nakangiti siya at ang babae ay ngumiti rin.

“Tila nga ho,” ani Aling Godyang. “Tila ho nahihiyang ako sa pagtitinda.”

Natawa si Aling Marta at pagkaraan ay dumukot sa bulsa ng kanyang bestido upang magbayad.

“Bakit ho?” anito.

“A, e, nawawala ho ang aking pitaka,” wala sa loob na sagot ni Aling Marta.

“Ku, e, magkano naman ang laman?” ang tanong nga babae.

Ang tanda niyang laman ng kanyang kalupi ay pitumpong piso na siyang bigay na sahod ng
kanyang asawa nang sinundang gabi, Sabado. Ngunit aywan ba niya kung bakit sa di pa ma’y nakikiramay
nang tono ng nagtatanong ay nakapagpalaki ng kanyang loob upang sabihin, “E, sandaan at sampung piso
ho.”

Nanatili siya sa pagkakatayo nang ilang saglit, wari’y tinakasan ng lakas, nag-iisip ng mga
nakaraang pangyayari. Mayamaya ay parang kidlat na gumuhit sa kanyang alaala ang gusgusing batang
kanyang nakabangga. Tumama ang siko nito sa kanyang dibdib, sa kanyang katawan! Dali-dali siyang
tumalikod at patakbong lumabas. Hindi pa marahil iyon nakakalayo; may ilang sandali pa lamang ang
nakararaan. Inisip niya kung ano ang kasuutan nito na maaari niyang pagkakilanlan, ang tabas ng mukha,
ang gupit, ang tindig. Sa labas, sa harap ng palengke na kinaroroonan ng ilang tindahang maliliit at
mangilan-ngilang namimili at mga batang panakaw na nagtitinda ng gulay, ay nagpalinga-linga siya.
Patakbo uli siyang lumakad, sa harap ng mga bilao ng gulay na halos mayapakan na niya sa pagmamadali,
at sa gawing dulo ng pusisyon, na di-kalayuan sa natatanaw niyang karatig na outpost ng mga pulis, ay
nakita niya ang kanyang hinahanap. Nakatayo ito sa harap ng isang bilao ng kangkong at sa malas niya
ay tumatawad. Hindi siya maaaring magkamali; ang wakwak na kamiseta nito at ang mahabang pantalon
na wari’y salawal ding ginagamit ng kanyang ama ay sapat nang palatandaan upang ito ay madaling
makilala. At ang hawak nitong bangos na tig-bebeinte.

Maliksi siyang lumapit at binatak ang bata sa liig.

“Nakita rin kita!” ang sabi niyang humihingal. “Ikaw ang dumukot ng pitaka ko, ano? Huwag kang
magkakaila!”

Tiyakan ang kanyang pagkakapagsalita; ibig niyang sa pagkalito ng bata sa pag-aapuhap ng


isasagot ay masukol niyang buung-buo. Ngunit ang bata ay mahinahong sumagot:

“Ano hong pitaka?” ang sabi. “Wala ho akong kinukuha sa inyong pitaka.”

“Anong wala!” pasinghal na sabi ni Aling Marta. “Ikaw nga ang dumukot ng pitaka ko at wala nang
iba. Kunwa pa’y binangga mo ‘ko, ano, ha? Magaling, magaling ang sistema ninyong iyan. Kikita nga kayo
rito sa palengke!”

Marami nang nakapaligid sa kanila, mga batang nagtitinda, lalaki at babaing mamimili. Hinigpitan
ni Aling Marta ang pagkakahawk sa liig ng bata at ito’y pilit na iniharap sa kababaihan.

“Aba, kangina ba namang pumapasok ako sa palengke, e banggain ako,” sabi niya. “Nang
magbabayad ako ng pinamili ko’t kapain ko ang bulsa ko, e wala nang laman!”

“Ang mabuti ho’y ipapulis ninyo,” sabing nakalabi ng isang babaing nakikinig. “Talagang dito ho
sa palengke’y maraming naglipanang batang gaya niyan.”
“Tena,” sabi ni Aling Marta sa bata. “Sumama ka sa akin.”

“Bakit ho, saan ninyo ‘ko dadalhin?”

“Saan sa akala mo?” sabi ni Aling Marta na pinisil ang liig ng bata. “Ibibigay kita sa pulis.
Ipabibilanggo kita kapag di mo inilabas ang dinukot mo sa akin.”

Pilit na nagwawala ang bata; ipinamulsa niya ang hawak na bangos upang dalawang-kamayin
ang pag-aalis sa mabutong daliri ni Aling Marta na tila kawad sa pagkakasakal sa kanyang liig. May luha
nang nakapamintana sa kanyang mga mata at ang uhog at laway ay sabay na umaagos sa kanyang liig.
Buhat sa likuran ng mga nanonood ay lumapit an isang pulis, na tanod sa mga pagkakataong tulad niyon,
at nang ito ay malapit ay sinimulan ni Aling Marta ang pagsusumbong.

“Naseguro ko hong siya dahil sa nang ako’y kanyang banggain, e naramdaman ko ang kanyang
kamay sa aking bulsa,” patapos niyang pagsusumbong. “Hindi ko lang ho naino kaagad pagka’t akoy
nagmamadali.”

Tiningnang matagal ng pulis ang bata, ang maruming saplot at ang nagmamapa-sa-duming
katawan, pagkatapos ay patiyad na naupo sa harap nito at sinimulang mangapkap. Sa bulsa ng bata, na
sa pagdating ng pulis ay tuluyan nang umiiyak, ay lumabas ang isang maruming panyolito, basa ng uhog
at tadtad ng sulsi, diyes sentimos na papel at ang tig-bebeinteng bangos.

“Natitiyak ho ba ninyong talaga na siya ang dumukot ng inyong pitaka?” tanong ng pulis kay Aling
Marta.

“Siya ho at wala nang iba,” sagot ni Aling Marta.

“Saan mo dinala ang dinukot mo sa aling ito?” mabalasik na tanong ng pulis sa bata. “Magsabi
ka ng totoo, kung di ay dadalhin kita.”

“Wala ho akong dinukot na maski ano sa kanya,” sisiguk-sigok na sagot ng bata.

“Maski kapkapan!” sabad ni Aling Marta. “Ano pa ang kakapkapin namin sa iyo kung ang pitaka
ko, e naipasa mo na sa kapwa mo mandurukot! O, ano, hindi ba ganoon kayong mga tekas kung lumakad,
isa-isa, dala-dalawa, tatlu-tatlo! Ku, ang mabuti ho yata, Mamang Pulis, e ituloy na natin iyan sa kuwartel.
Baka roon matutong matakot iyan at magsabi ng totoo.”

Tumindig ang pulis. “Hindi natin kara-karaka madadala ito nang


walang evidencia. Kinakailangang kahit paano’y magkaroon tayo ng maihaharap na katibayang siya nga
ang dumukot ng inyong kuwarta. Papaano ho kung hindi siya?”

“E, ano pang evidencia ang hinahanap mo?” sabi ni Aling Marta na nakalimutan ang pamumupo.
“Sinabi ko nang binangga ako nang pasadya, na naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking bulsa. Ano
pa?”

Sa bata nakatingin ang pulis na wari’y nag-iisip ng dapat gawin. Maya-maya, muling naupo at
dumukot ng isang lapis at isang maliit na kuwaderno sa kanyang bulsa.

“Ano ang pangalan mo?” ang tanong niya sa bata.

“Andres Reyes po.”

“Saan ka nakatira?” ang muling tanong ng pulis.

Lumingon ang bata sa kanyang paligid, inisa-isa ang mga mukhang nakatunghay sa kanya.
“Wala ho kaming bahay,” ang sagot. “Ang tatay ko ho, e may sakit at kami ho, kung minsan, ay sa bahay
ng Tiyang Ines ko nakatira, sa Blumentritt. Kung minsan naman ho, e sa mga lola ko sa Quiapo at kung
minsan, e sa bahay ng kapatid ng nanay ko rito sa Tondo. Inutusan nga lang ho niya ‘kong bumili ng ulam,
para mamayang tanghali.”

“Samakatwid ay dito kayong mag-ama nakatira ngayon sa Tondo?” ang tanong ng pulis.

“Oho,” ang sagot ng bata, “pero hindi ko nga lang ho alam ang kalye at numero ng bahay dahil
sa noong makalawa lang kami lumipat at saka hindi ho ako marunong bumasa, e.”

Ang walang-kawawaang tanong at sagot na naririnig ni Aling Marta ay nakabagot sa kanyang


pandinig; sa palagay ba niya ay para silang walang mararating. Lumalaon ay dumarami ang tao sa paligid
at ang pulis na umuusig ay tila siyang-siya sa kanyang pagtatanong at pagsusulat sa kuwaderno.
Nakaramdam siya ng pagkainis.

“Ang mabuti ho yata, e dalhin na natin iyan kung dadalhin,” sabi niya. “Pinagkakaguluhan lamang
tayo ng mga tao rito ay wala namang nangyayari. Kung hindi naman ninyo kaya ay sabihin ninyo at tatawag
ako ng ibang pulis.”

“Hirap sa inyo ay sabad kayo nang sabad, e,” sabi ng pulis. “Buweno, kung gusto n’yong dalhin
ngayon din ang batang ito, pati kayo ay sumama sa akin sa kuwartel. Doon n’yo sabihin ang gusto n’yong
sabihin at doon n’yo gawin ang gusto n’yong gawin.”

Inakbayan nito ang bata at inilakad patungo sa outpost, kasunod ang hindi umiimik na si Aling
Marta at ang isang hugos na tao na ang ilan ay ngingti-ngiti habang silang tatlo ay minamasdan. Sa harap
ng outpost ay huminto ang pulis.

“Maghintay kayo rito sandal at tatawag ako sa kuwartel para pahalili,” sabi sa kanya at pumasok.

Naiwan siya sa harap ng bata, na ngayon ay tila maamong kordero sa pagkakatungo, sisiguk-
sigok, nilalaro ng mga payat na daliri ang ulo ng tangang bangos. Luminga-linga siya. Tanghali na; iilan-
ilan na lamang ang nakikita niyang pumapasok sa palengke. Inisip niya kung ilang oras pa ang
kinakailangan niyang paghintay bago siya makauwi: dalawa, tatlo o maaaring sa hapon na. Naalaala niya
ang kanyang anak na dalagang magtatapos, ang kanyang asawa na kaipala ay naiinip na sa paghihintay;
at para niyang naririnig ang sasabihin nito kung siya’y uuwi na walang dalang anuman, walang dala at
walang pera. Nagsiklab ang poot sa kanya na kangina pa nagpupuyos sa kanyang dibdib; may kung anong
sumulak sa kanyang ulo; mandi’y gagahanip ang tingin niya sa batang kaharap. Hinawakan niya ito sa
isang bisig at sa pagdidilim ng kanyang paningin ay pabalingat niyang pinipilit sa likod.

“Tinamaan ka ng lintik na bata ka!” sabi niyang pinanginginigan ng laman. “Kung walang
binabaing pulis na makapagpapaamin sa iyo, e ako, ako ang gagawa ng ikaaamin mo! Saan mo dinala ang
dinukot mo sa ‘kin? Saan? Saan?”

Napahiyaw ang bata sa sakit; ang bisig nito ay halos napaabot ni Aling Marta sa kanyang balikat
sa likod. Ang mga nanonood ay para-parang nangapatdan ng dila upang makapagsalita ng pagtutol. Ang
kaliwang kamay ni Aling Marta ay pakabig na nakapaikot sa baba ng bata; sinapo ito ng bata ng kanyang
kamay at nang mailapit sa kanyang bibig ay buong panggigigil na kinagat.

Hindi niya gustong tumakbo; halos mabali ang kanyang siko at ang nais lamang niya ay
makaalpas sa matitigas na bisig ni Aling Marta; ngunit ngayon, nang siya ay bitiwan ng nasaktang si Aling
Marta at makalayong papaurong, ay naalala niya ang kalayaan, kalayaan kay Aling Marta at sa dumarakip
na pulis, at siya ay humanap ng malulusutan at nang makakita ay walang lingod-likod na tumakbo, patungo
sa ibayo ng maluwang na daan. Bahagya na niyang narinig ang mahahayap na salitang nagbubuhat sa
humahabol na si Aling Marta; ang sigaw ng pulis at ang sumunod na tilian ng mga babae; bahagya nang
umabot sa kanyang pandinig ang malakas na busina ng isang humahagibis na sasakyan. Sa isang sandali
ay nagdilim sa kanya ang buong paligid at sa pagmumulat na muli ng kanyang paningin, sa pagbabalik ng
kanyang ulirat, ay wala siyang nakita kundi ang madidilim na anino ng mga mukhang nakatunghay sa
kanyang lupaypay at duguang katawan.
Hindi umimik si Aling Marta habang minamasdan ang bata. Maputla ang kulay ng kanyang mukha
ay aywan ba niya at pati siya ay tila pinanawan ng lakas. Malamig na pawis ang gumigiti sa kanyang noo
at ang tuhod niya ay parang nangangalog. Hindi siya makapag-angat ng paningin; sa palagay ba niya ay
sa kanya nakatuon ang paningin ng lahat at siya ay binubuntunan ng sisi. Bakit ba ako manganganino
sa kanila? Pinipilit niyang usalin sa sarili, Ginawa ko lamang ang dapat gawin ninuman at nalalaman
ng lahat na ang nangyaring ito’y pagbabayad lamang ng bata sa kanyang nagawang kasalanan.

Ang pulis ay nakabalik na sa outpost at sa isang ospital na tumatawag. Ang bata ay


napagtulungan ng ilan na buhatin sa bangketa upang doon pagyamanin at ipaghintay ng ambulansiya kung
aabot pa. Ang kalahati ng kanyang katawan, ang dakong ibaba, ay natatakpan ng diyaryo at ang gulanit
niyang kamiseta ay tuluyan nang nawalat sa kanyang katawan. Makailang sandali pa, pagdating ng pulis,
ay pamuling nagmulat ito ng paningin at ang mga mata ay ipinako sa maputlang mukha ni Aling Marta.

“Maski kapkapan n’yo ako, e wala kayong makukuha sa akin,” sabing pagatul-gatol ng
nilalabasan ng dugo sa iong. “Hindi ko kinuha ang inyong pitaka.”

May kung anong malamig ang naramdaman ni Aling Martang gumapang sa kanyang katawan;
ang bata ay pilit na nagsasabi ng kanyang pahimakas. Ilang sandali pa ay lumungayngay ang ulo nito at
nang pulsuhan ng isang naroroon ay marahan itong napailing. Patay na, naisaloob ni Aling Marta sa
kanyang sarili.

“Patay na ang dumukot ng kuwarta ninyo,” matabang na sabi ng pulis sa kanya. Nakatayo ito sa
kanyang tabi at hawak na naman ang kanyang kuwaderno at lapis. “Siguro matutuwa na kayo niyan.”

“Sa palagay kaya ninyo ay may sasagutin ako sa nangyari?” tanong ni Aling Marta.

“Wala naman sa palagay ko,” sagot ng pulis. “Kung may mananagot niyan ay walang iba kundi
ang pobreng tsuper. Wala rin kayong sasagutin sa pagpapalibing. Tsuper na rin ang mananagot niyan.”

May himig pangungutya ang tinig ng pulis. “Makaaalis nap o ako?” tanong ni Aling Marta.

“Maaari na,” sabi ng pulis. “Lamang ay kinakailangang iwan ninyo sa akin ang inyong pangalan
at direksiyon ng inyong bahay upang kung mangailangan ng kaunting pag-aayos ay mahingan naming
kayo ng ulat.”

Ibinigay ni Aling Marta ang kanyang pangalan at tinitirhan at pagkatapos ay tuwid ang tinging
lumayo sa karamihan. Para pa siyang nanghihina at magulung-magulo ang kanyang isip; Sali-salimuot na
alalahanin ang nagsasalimbayan sa kanyang diwa. Lumalakad siya ngayon na walang-tiyak na
patutunguhan. Naalaala niya ang kanyang anak na ga-graduate, ang ulam na dapat niyang iuwi na, sana’y
naiuwi na, at ang nananalim, nangungutyang mga mata ng kanyang asawa sa sandaling malaman nito ang
pagkawala ng pera. Magtatanong iyon, magagalit, hanggang siya ay mapilitang sumagot. Magpapalitan
sila ng mahahayap na pangungusap, sisihan, tungayawan, at ang anak niyang ga-graduate ay
magpapalahaw ng panangis hanggang sa sila ay puntahan at payapain ng mga kapitbahay. Katakut-takot
na gulo at kahihiyan! Sa loob-loob ni Aling Marta, at hindi sinasadya ay muling nadako ang pinag-uulapang
diwa sa bangkay ng batang natatakpan ng diyaryo, na siyang pinagmulan ng lahat.

Kung di sa tinamaan ng lintik na iyan ay hindi ako masusuot sa suliraning ito, usal niya
sa sarili. Kasi’y imbi, walang-pinag-aralan, maruming palaboy ng kapalarang umaasa sa taba ng
iba. Mabuti nga sa kanya!

Kinakailangan niyang kumilos, umisip ng paraan. Kinakailangang kahit papaano’y makapag-uwi


siya ng ulam sa pananghalian. Pagkakain ng kanyang asawa ay malamig na ang kukote nito at saka niya
sasabihin ang pagkawala ng pera. Maaaring magalit ito at ipamukha sa kanya, tulad ng madalas sabihin
nito, na ang lahat ay dahil sa malabis niyang paghahangad na makapagpadala ng labis na salaping
ipamimili, upang makapamburot at maipamata sa kapwa na sila ay hindi naghihirap, ngunit ang lahat ay
titiisin niya, hindi siya kikibo. Ililingid din niya ang nangyayaring sakuna sa bata; ayaw ng kanyang asawa
ng iskandalo at anuman pangangatwirang gawin niya ay siya rin ang sisisihin nito sa dakong huli; at kung
sakali’t darating ang pulis na kukuha ng ulat ay lilihiman niya ito. At tungkol sa ulam, mangungutang siya
ng pera sa tindahan ni Aling Godyang, at iyon ang kanyang ipamimili; nasabi niya rito na ang nawala niyang
pera ay sandaan at sampung piso at ang halagang iyon ay napakalaki na upang ang lima o sampung piso
ay ipagkait nito sa kanya bilang panakip. Hindi iyon makapaghihindi. May ngiti ng kasiyahang naglalaro sa
maninipis na labi ni Aling Marta nang ipihit niya ang kanyang mga paa patungong pamilihan.

Tanghali na nang siya ay umuwi. Sa daan pa lamang, bago siya pumasok ng tarangkahan, ay
natatanaw na niya ang kanyang anak na dalaga na nakapamintana sa kanilang barung-barong. Nakangiti
ito at siya ang minamasdan, ngunit nang malapit na siya at makita ang kanyang dala ay napakunot-noo,
lumingon sa loob ng kabahayan at may tinawag. Sumungaw ang payat na mukha ng kanyang asawa.

“Saan ka kumuha ng ipinamili mo niyan, Nanay?” ang sabi ng kanyang anak na ga-graduate.

“A, e,” hindi magkandatutong sagot ni Aling Marta. “Saan pa kundi sa aking pitaka.”

Nagkatinginan ang mag-ama.

“Ngunit, Marta,” ang sabi ng kanyang asawa, “ang pitaka mo, e naiwan mo! Kanginang bago ka
umalis ay kinuha ko iyon sa bulsa ng iyong bestidong nakasabit at kumuha ako ng pambili ng tabako, pero
nakalimutan kong isauli. Saan ka kumuha ng pinamili mo niyan?”

Biglang-bigla, anaki’y kidlat na gumuhit sa karimlan, nagbalik sa gunita ni Aling Marta ang
larawan ng isang batang payat, duguan ang katawan at natatakpan ng diyaryo, at para niyang narinig ang
mahina at gumagaralgal na tinig nito: Maski kapkapan ninyo ako, e wala kayong makukuha sa
‘kin. Saglit siyang natigilan sa pagpanhik sa hagdanan; para siyang pinangangapusan ng hininga at sa
palagay ba niya ay umiikot ang kanyang buong paligid; at bago siya tuluyang nawalan ng ulirat ay wala
siyang narinig kundi ang papanaog na yabag ng kanyang asawa’t anak, at papaliit, lumalabong
salitang: Bakit kaya? Bakit kaya?

You might also like