Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

IIHC

SHS DEPARTMENT
INTEGRATED INNOVATION AND HOSPITALITY COLLEGES, INC.
Dela Rama Building, Buenamar Subdivision, Novaliches, Quezon City - National Capital Region, Philippines

TSAPTER 1

Ang Suliranin

Introduksyon

Ang patalastas ay isang paraan ng pag-aanunsyo ng mga produkto o

serbisyo sa pamamagitan ng iba't ibang anyo ng komunikasyong pang masa o

pang medya at nagbibigay o nagpapakita ito ng magandang aral sa mga

manonood. Nangangailangan na magkaroon ng anunsyo o patalastas sa mga

nagbubukas ng istablisyemento at mga produkto, upang makilala ito at tangkilikin

ng mga tao. Ang patalastas rin ay isang klase ng pakikipag-ugnayan ng prodyuser

at konsumer. Ang mga karaniwang patalastas sa kasalukuyan ay pagbili ng

produkto gaya ng Jollibee, Mega Sardines at mga pampalasang tulad ng Datu Puti

(toyo at suka). Ang mga rason kung bakit nanonood ng patalastas ang mga tao

para mabigyan ng kaalaman ang mga manonood at maingganyo ang mga tao na

gumamit ng produktong ipinalalabas sa telebisyon. Ang mga patalastas na naka-

iingganyong panoorin ay ang Safeguard ni Pepe Diokno. Ang Safeguard ay isang

produktong sabon na ginagamit ng mga tao panglinis ng katawan. Ang mabuting

dulot patalastas ay ipinapakita dito ang impormasyon tungkol sa produkto na

kailangan ng mamimili. Samantala, ang masamang dulot naman nito ay nalilinlang

nito ang mga mamimili na maganda ang produkto sa telebisyon pero hindi ito

katulad ng talagang ibinibenta sa totoong buhay. Kailangang suriin ang patalastas


IIHC
SHS DEPARTMENT
INTEGRATED INNOVATION AND HOSPITALITY COLLEGES, INC.
Dela Rama Building, Buenamar Subdivision, Novaliches, Quezon City - National Capital Region, Philippines

dahil kailangan malaman ng mga risertser ang masamang dulot at mabuting dulot

nito sa tao at para rin malaman kung ano ba talaga ang kahalagahan ng bawat

patalastas na ipinapakita sa telebisyon. Ginawa namin ang saliksik na ito dahil

hinahalintulad ang Safeguard sa malinis na puso ni Norman King, na gumanap sa

patalastas na Safeguard. Isa rin sa mga dahilan kung bakit namin ginawa ang

pananaliksik na ito sa patalastas na Safeguard ay may magandang aral na

mapupulot dito. Ang patalastas na Safeguard ay nagbibigay ng inspirasyon sa mga

manonood na magpatuloy na mangarap na kahit anong lahi ka man, ay di hadlang

ang antas ng pamumuhay ng isang tao para hindi matupad ang pangarap ng isang

tao.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay pagsusuri sa patalastas

na pabaon sa buhay ng Safeguard ni Pepe Diokno sa Teoryang Humanismo.

1. Ano ang pisikal na katangian ng patalastas sa aspeto ng

1.1 sinematograpiya

1.2 paglapat ng tunog at

1.3 pag i-edit?

2. Anong mga pangyayari sa patalastas ang nagpapakita sa katangian ng

Teoryang Humanismo partikular sa


IIHC
SHS DEPARTMENT
INTEGRATED INNOVATION AND HOSPITALITY COLLEGES, INC.
Dela Rama Building, Buenamar Subdivision, Novaliches, Quezon City - National Capital Region, Philippines

2.1 kalayaan ng kaisipan

2.2 wastong pagpapahalaga at

2.3 natatanging kakayahan ng tao?

3. Anong mga pangyayari sa patalastas ang tumatalakay sa

3.1 kagalingan ng tao at

3.2 dakilang damdamin ng tao?

4. Ano ang bisa ng patalastas sa mga risertser sa kanilang damdamin

4.1 isip

4.2 damdamin at

4.3 asal?

Saklaw, Delimitasyon at Limitasyon ng Pag – aaral

Nakasentro ang saliksik sa humanismo sa patalastas na Pabaon sa Buhay

ng Safeguard. Susuriin ng saliksik ang pisikal na katangian ng patalastas mula sa

aspeto ng sinematograpiya, paglalapat ng tunog at kung paano ini-edit.

Tatalakayin rin ang pag-aaral na ito sa mga pangyayaring sumasalamin sa

pagiging humanismo sa pagharap sa suliraning panlipunan. Susuriin dito ang mga

pangyayari sa bawat patalastas na nagsasaad ng mga isyu patungkol sa

produktong safeguard. Ang saliksik ay naglalayong maipakita ang tunay na


IIHC
SHS DEPARTMENT
INTEGRATED INNOVATION AND HOSPITALITY COLLEGES, INC.
Dela Rama Building, Buenamar Subdivision, Novaliches, Quezon City - National Capital Region, Philippines

kahulugan ng patalastas sa mga mananaliksik sa kani-kanilang kalayaan ng isipan,

wastong pagpapahalaga at natatanging kakayahan ng isang tao.

Maraming patalastas na ating napapanood sa telebisyon ngunit ang

patalastas ni Pepe Diokno ang napili ng saliksik na ito sapagkat isa siya sa may

mga pinaka makabuluhang patalastas sa larangan ng bansang Pilipinas na maiu-

ugnay sa lipunan na maaari ring makahikayat sa mga nakararami. Ang patalastas

ns Pabaon sa Buhay ng Safeguard ni Pepe Diokno ang aming napagtuunan ng

pansin dahil sa ito ang may pinaka konkretong teoryang maaaring maglahad rito.

Limitado ang saliksik sa paglalapat ng tunog ng bawat pangyayari sa patalastas

paglalagay ng subtitle ng patalastas tungo sa tamang pagkaka-edit nito.

Limitado rin ito sa pagkaka-ugnay nito sa mga mananaliksik sa kanilang isip,

damdamin at asal.

Kahalagahan ng Pag – aaral

Malaki ang paniniwala ng risertser na ang pag–aaral na ito ay makatutulong

nang malaki sa pag–unlad ng panitikang Filipino. Gayundin, ang resulta ng pag–

aaral na ito ay makagdudulot ng kabuluhan sa mga guro ng panitikan, mga mag–

aaral, mga baguhang manunulat at iba pang risertser.


IIHC
SHS DEPARTMENT
INTEGRATED INNOVATION AND HOSPITALITY COLLEGES, INC.
Dela Rama Building, Buenamar Subdivision, Novaliches, Quezon City - National Capital Region, Philippines

Guro. Dahil nagkakaroon ng kaalaman ang mga mag-aaral sa mga

katanungang nabibigyan ng kasagutan na naglalaro sa isipan ng mga mag-aaral.

Makatutulong sila sa pagbibigay ng mga ideya sa mga mananaliksik. At maging

sa pagbuo ng saliksik malaki ang maiaambag ng mga guro sa pagbuo o paggawa

ng isang saliksik.

Mga mag-aaral. Dahil bilang isang mag-aaral ito magiging makabuluhan

ang isang saliksik sa tulong ng mga kapwa niya mag-aaral. Ito ang magsisilbing

gabay upang malinang ang isipan at kakayahan ng kanilang kapwa mag-aaral.

Magulang. Dahil nabibigyan ng sapat na kaalaman ng mga magulang ang

kanilang mga anak. Dahil magulang ang unang guro ng kanilang mga anak, ay

makapag i-isip isip ng mga bagay na maipapayo at maitutulong sa kanilang mga

anak. Mga magulang ang gagabay tungo sa maayos at magandang pamamaraan

ng kanilang pag-aaral.

Susunod na Mananaliksik. Bilang isang mag-aaral (na susunod sa pagbuo

ng isang saliksik) ay makakukuha ng mga ediya mula sa unang saliksik na

kanilang nabasa. Magbibigay ng sapat na kaalaman sa mga baguhan na gagawa

nito. Ang mga susunod na mananaliksik rin ang susunod na makapagbibigay ng

sarili nilang opinyon o ediya sa paggawa ng saliksik.

You might also like