Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 163

THE WISHFUL THINKER

by maxinejiji

"May mga bagay na hindi natin INAASAHAN.. Pero may mga bagay rin na 'di dapat natin
INAASAHAN.."

=================

Prologue

Ano nga ba'ng ibig sabihin ng WISHFUL THINKER?

d^_^b

Anong klaseng tao ba siya?

LUMULUTANG?

MAY MAHIKA?

BUMUBUGA NG APOY?

Ang sarap lang basahin..

Ang cool sabihin..

"I'm a Wishful thinker.. do you know what it means?"

Ang sabi ng GOOGLE..

1. Escapist

2. A person who escapes into a world of fantasy

Alamin natin kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng WISHFUL THINKER.

"My name is Laubree Ramos and this is my story.."

d^___^b

"May mga bagay na hindi INAASAHAN. Pero may mga bagay na hindi natin dapat
INAASAHAN.."

-maxinejiji♥

PLAGIARISM is the "wrongful appropriation" and "purloining and publication" of


another author's "language, thoughts, ideas, or expressions," and the
representation of them as one's own original work. The idea remains problematic
with unclear definitions and unclear rules. Plagiarism is considered academic
dishonesty and a breach of journalistic ethics. It is subject to sanctions like
expulsion.

Plagiarism is not a crime per se but in academia and industry it is a serious


ethical offense and cases of plagiarism can constitute copyright infringement. (c)
Wikipedia.

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND SHARE! Thanks a loooot! d^^,v

FOR IMPORTANT UPDATES PLEASE VISIT THE FOLLOWING:

Facebook : https://www.facebook.com/maxinejiji

Twitter : @maxinejiji

Website : http://maxinejiji.weebly.com/

Instagram : @maxinejiji

Tumblr: www.maxinejiji.tumblr.com/

Thanks a looot JIJIERAS!!! d^o^b ♥

- m a x i n e j i j i ♥

The Wishful Thinker. © All Rights Reserved. Maxinejiji. 2012.

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

=================
CHAPTER 1

It's already past 9:00 in the evening, I'm sleepy but I have to stay up memorizing
my lines for tomorrow's play.

"And when I shall die, take him and cut him up in little stars, and he will make
the face of heaven so fine that all the world will fall in love with night and pay
no worship to the garish sun.." maaksiyong sambit ko pa. "..Romeo, what's here?
Poison? Drunk all, and left no friendly drop to help me afte---"

"Oh, fvck!"

dO__Ob

Nahinto ako sa pagkakabisa nung bigla'ng may sumigaw mula sa likuran ko.

Mabilis na umugong ang kabog sa dibdib ko na animo'ng naghahabula'ng kabayo!

*LUNOK!*

'W-Who the heck?!'

Dahan dahan akong humarap sa bintana na siyang nasa likuran ko ngunit may tatlong
dipa ang layo mula sa'kin.

"W-Who the hell are y-you??" uutal-utal pang tanong ko habang nakaduro sa kaniya
ang kanang kamay ko.

LALAKI.

At nakapatong sa bintana ko na animong si SPIDERMAN!

d>>_<<b

"I-I'm s-sorry.." gulat at kabado'ng tugon din niya. "N-Nagkamali ako ng i-inakyat
na bahay.." marahan pang dagdag niya at ramdam ko agad ang panlalaki ng mga mata
ko.

"W-What?!" hindi makapaniwalang tanong ko. "N-Nagkamali ng---what?! G-Get


out.." marahang utos ko pa. "I said--GET OUUUUUT!!" malakas na sigaw ko at
nagkandalito siya sa pwesto!

Ilang segundo ang lumipas ngunit nanatili ito sa pwesto at hindi umaalis. Mula sa
pagkakapatong niya sa bintana ko'y naglakas-loob pa ang loko na lingunin ako.
"Hindi mo ba ako narinig!?" gigil pa ring sigaw ko. "I said, get out!"

d>>_<<b

"H-Hoy! W-Wala akong gagawing masama sa'yo kaya h'wag kang T.H.!" he shouted!

dO__Ob

Gulat akong napatingin sa kaniya!

'I can't believe this person! At ako pa ang trying hard?'

Naningkit ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya.

"I said.. get out! Kapag hindi ka lumabas dito ay tatawag na ako ng
pulis!" nanginginig ang mga bagang na pakiusap ko. "GET OUT NOW!" malakas pa'ng
sigaw ko at DINURO niya ako!

"H-Hoy! 'W-Wag ka ngang sumigaw! Baka mapagkamalan akong magnanakaw!"

"I said--GET OUUUT!"

"O-Okay! Okay!" sigaw niya na nakataas pa ang dalawang kamay! "S-Sorry!


Tsk!" singhal niya pa at saka mabilis na umalis.

Napahawak ako sa dibdib ko.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko.

Nung maramdaman kong wala na talaga siya ay saka ako marahang lumapit sa binatana.

Nakita ko siyang naglalakad papalayo sa bahay namin. Palingon lingon pa ang


walanghiya na animong tinitingnan pa kung may nakakita sa kaniya.

Muli akong napahawak sa dibdib ko dahil sa kakaibang takot at kaba na nandoon.

Tinanaw ko pa siya hanggang sa tuluyan siyang maglaho.

Huminga ako ng malalim at saka marahang nilukot ang papel na 'yon na hawak ko.
"T-This is c-crazy.." hindi pa rin makapaniwalang usal ko. "H-He's God damn---
crazy!" malakas pang sigaw ko na muling sumulyap sa nilakaran nung lalaki.

Dali dali kong isinara at ini-lock 'yung bintana.

Nawalan ako ng ganang magkabisa dahil sa nangyari'ng 'yon.

'Hindi talaga ako mapaniwala!'

Balot pa rin ng takot at kabang napasulyap muli ako sa binatana.

'I-Imagine? B-Bigla biglang may papasok sa kwarto mo at sa bintana manggagaling?!


How does he expect me to react!?'

"And w-what!? B-Baka mapagkamalan siyang magnanakaw?!" hindi pa rin makapaniwala'ng


sambit ko! "What the hell?! E anong tingin niyang dapat maisip ko sa ginawa niyang
pag-akyat sa bintana ko?! Mabuti?! How stupid!" inis pang singhal ko.

Bago'ng lipat kami sa bahay na 'to.

AMERICAN STYLE siya. Wala'ng gate at mababa ang mga bubong at bintana.

Yes, katulad na katulad ng mga bahay na naiimagine mo at nakikita mo sa mga


American Film na inaakyatang binata ng kung sino mang bida para sa syota nila.

*CHECK OUT THE EXTERNAL LINK FOR SAMPLE*

Kinabukasan.

Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga sa kama nung magising at diwa ko at agad na


maalala ang nangyari kagabi.

Mabilis akong napasulyap sa bintana.

d>>_<<b

Napahawak na naman ako sa dibdib ko nung makita ko'ng wala'ng tao don. Don lang rin
nawala ang kapraningan ko. Napahilamos ako sa mukha ko.
'I still can't believe it! M-May umakyat sa bintana ko ng ganon ganon lang!?'

"Should I tell this to Mom and Dad?!" mahina'ng tanong ko pa sa sarili at saka
malalim na napabuntong-hininga. "No." pangungumbinsi ko pa sa sarili. "Baka lumipat
na naman kami, nakakapagod na.." napapailing pa'ng dagdag ko. "Ayoko."

Bumangon ako at saka naligo.

Matapos ko'ng magbreakfast ay inihatid na ako ni Daddy sa school.

Pagkarating ko sa school ay inalis ko muna sa isip ko 'yung nangyari kagabi kaya


naman maganda ang kinahinatnan ng play namin.

SUCCESS!

"Good job, BRAH!"

d-.-b

'Psh!'

That's my bestfriend. RIZ.

Actually, sa village nila kami lumipat kaya nasa iisa'ng village lang kami. Walking
distance lang ang pagitan namin kaya ayaw ko'ng umalis doon.

BRAH talaga ang tawag niya sa'kin dahil short for "BRUHA" daw!

'Psh! Napapahiya ako sa t'wing tatawagin niya ako'ng ganon.'

"Hey there, Juliet!" bigla'ng sumulpot si Brian sa harap ko na siya'ng gumanap


bilang Romeo. "Congratulations! You did a good job!"

"Thanks, Romeo!" nakangiti'ng sagot ko. "You were cool out there! You did a good
job too!"

"We all did! Hehehe! See you around!" bigla'ng paalam niya. "Bye, Riz!"

"Yeah, bye!" paalam ko.

"Buh bye!" malandi'ng paalam pa ni Riz kay Brian. "Ang gwapo ni Brian, grabe!"
"Psh!" singhal ko. "Anyway, you're not gonna believe what happened last
night!" inis na kwento ko.

"What?!" excited na tanong niya. "What?! What?! Sa inyo ni Brian?!" dagdag tanong
niya pa.

"Hindi! Ano ba! Tsk!"

"Ang seryoso mo! Ano ba kasi 'yun?! Tell me?!" nakangiti pa'ng aniya.

"Somebody just sneaked in to my room!"

"Ha?! How?!" taka'ng tanong niya pa.

"I don't know! I was practicing my lines last night, I was not facing the window
that's why hindi ko napansin. Bigla na lang siya'ng nagsalita sa likod ko at
pagharap ko ay may nakita ako'ng LALAKI! Feeling spiderman na nakapatong sa bintana
ko! He's creepy! Grabe!" inis pa'ng kwento ko.

"Halaaaa!" napapatakip pa sa bibig na reaksyon niya! "A-Ano'ng itsura?!"

dO__Ob

Agad na tumaas ang kaliwa'ng kilay ko sa tanong niya!

'Talaga'ng itsura agad, Riz?!'

Napaisip naman ako sa tanong niya.

'Ano nga ba'ng itsura niya?!'

Inimagine ko ang mukha nung lalaki, bahagya pa ako'ng napapikit.

'Wala ako'ng maalala sa mukha niya dahil sa sobra'ng takot ko sa kaniya!'

"Huuy!" kinulbit pa ako mulit ni Riz! "Ano kako'ng itsura!?"

"E-Ewan ko!" agad na sagot ko. "Hindi ko matandaan! Takot na takot kasi ako kaya
pinaalis ko agad! Psh! Alanga'ng pag-aralan ko pa ang mukha niya! Matatandaan ko
ang mukha non pero hindi ko maidescribe ngayon! Psh! Dapat nga ay isusumbong ko
kila Mommy e, kaso baka magdecide na naman sila'ng lumipat! Nakakapagod na ang
palipat lipat! At mas gusto ko na doon kasi nasa iisa'ng village lang tayo."
"Oo nga, hehehehe! Pero teka.." pigil niya pa sa'kin. "Dapat ay kinilatis mo ang
itsura niya!"

d-.-b

"E kasi nga ay sobra'ng takot ko na! Hindi ko na nagawa'ng titigan siya! Gusto ko
nga ay mawala na lang siya bigla e! Sa'yo kaya mangyari 'yun?! Uunahin ko pa ba
nama'ng titigan siya?! Nagpanic muna ako siyempre!" napaisip ako bigla at nag-
alala! "I-Ibig pala'ng sabihin ay hindi ako sa SAFE sa room ko!? K-Kung sinu-sino
lang pala ang pwede'ng umakyat don!"

"Kung gwapo siya ay h'wag ka masiyado'ng kabahan---baka si SPIDERMAN nga 'yan! Kung
pangit naman.. Aba! Kabahan ka nga't baka TIKTIK 'yun! Bwahahahahahaha!" biro niya
pa at natawa kami pareho.

Luka-luka talaga si Riz. SUPER! Kaya nga kami BESTFRIENDS!

"Haaaay! Nakakainis! Nakakainis! Nakakainis! Kinakabahan tuloy ako!" inis na kwento


ko pa. "Napaparanoid ako sa kwarto ko! Feeling ko, anytime ay may aakyat don!"

"Bakit?! Wala ka ba'ng lock!?"

"Meron!"

"Meron naman pala e!"

"Psh! Kahit na! Wala'ng lock lock sa mga magnanakaw!"

"Oh my God! Ibig mo'ng sabihin ay magnanakaw siya?!" napapatakip pa sa bibig na


tanong niya!

"Ewan?! Malay natin, 'di ba?! E bakit siya umakyat don!? Ano'ng dahilan niya?!"

"Sabagay.." tatangu-tango'ng sang-ayon niya! "Nakooo! Scary nga 'yan!"

Napabuntong-hininga na lang ako sa isipi'ng 'yon.

'Nakakatakot talaga..'

"Pero teka!" aniya na pinigila'ng muli ako. "Wala pa nama'ng nananakawan sa village
natin, ano! Doon ako pinanganak at lumaki pero wala ako'ng nababalitaa'ng may
nanakawan doon! At saka isa pa, hindi naman nakakapasok sa'tin basta basta ang mga
hindi taga-doon! Unless, susunduin ng kakilala na resident rin sa'tin! Hindi ako
naglalalabas ng bahay at wala rin ako masiyado'ng kakilala sa'tin, I mean---wala
talaga ako'ng kakilala! Pero wala naman ako'ng nababalitaa'ng may nananakawan,
PROMISE!" aniya pa na nagtaas ng kana'ng kamay.

"Ewan ko talaga, Riz. Hindi ko alam. Sa ngayon ay natatakot talaga ako sa kaniya!"

d>>_<<b

Muli ako'ng napabuntong-hininga at kinabahan.

"Nakakainis! Sa tingin mo ay dapat ko'ng sabihin kina Daddy?!" tanong ko pa.

"Oo naman! Kasi kung ganiyan ay hindi ka nga safe! 'Di bale ng mapagod ka sa
paglilipat! Ang mahalaga safe ka.. kayo!"

d>>_<<b

Lalo ako'ng nanlumo!

'Nakakainis talaga! Huhuhuhu!'

Gusto'ng gusto ko pa man rin 'yung bahay na nilipatan namin.

Simple siya pero maganda talaga!

Although hindi siya kasi'ng laki nung bahay namin dati, okay na okay na sa'kin 'yon
dahil apat lang naman kami'ng nakatira.

Sabi ni Riz ay hindi niya nakilala kung sino man ang ankatira dati sa bahay namin
dahil hindi nga siya pala-labas ng bahay.

Isa'ng anak lang naman ako. Ang kasama ko lang sa bahay ay sila Mommy't Daddy at si
Yaya.

Dismissal.

Sabay na kami'ng umuwi ni Riz. Since malapait lang 'yung school sa village ay
naglakad na kami papauwi. Mas mahaba haba rin ang mapagkukwentuhan namin.

"Hindi ako makaget-over sa itsura ni Brian kanina, ang gwapo gwapo niya,
grabe!" papuri pa ni Riz dito habang naglalakad kami.
"E ikaw naman kasi, sana ikaw na lang ang nag-Juliet!" nanghihinaya'ng na sagot ko
pa at nilingon niya naman ako. "Kung nag-audition ka, malamang ikaw ang napili'ng
Juliet!"

"Duh?!" nakakaloko'ng reaksyon niya. "E 'yon nga'ng hindi ako nag-audition ay hindi
ako nakuha e! Paano pa kung nag-audition ako edi mas lalo'ng hindi! Kung gusto
talaga nila'ng AKO ang gumanap na JULIET---kesehoda'ng wala'ng audi-audition ay
kukunin nila ako! E kaso ay hindi e! Ikaw ang tinuro ng mga classmates
natin!" aniya na nagtatampo pa kunwari.

"Hahahaha 'wag ka'ng tampo tampuhan d'yan, ah! Hindi ko rin naman ginusto 'to! Wala
ako'ng choice kung hindi pagbigyan sila."

"Tse! Kung ayaw mo talaga'ng mag-Juliet e pwede ka nama'ng umayaw tapos ituro mo
ako, para ako ang gaganap!"

Nagkatinginan kami at malakas na tumawa.

"Hahaha! Luka luka!" sabi ko pa.

Maya maya pa ay nasa gate na kami ng Village namin. Mas malapit ang bahay ko
kumpara kay Riz dahil mauuna ang Street namin bago sa kanila. Kaya naman mauuna
ako'ng makakauwi. Dadaan kami sa Basketball Court ng Village bago makarating sa
street namin.

Eksakto'ng pagtapat sa Basketball Court ay..

~BLAAAAAAAAMMMM!!!!~

d>>_<<b

Tumimbawa'ng ako sa lupa!

"Araaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaayyyyyyyyy!!" malakas na sigaw ko!

d>>_<<b

TINAMAAN AKO NG BOLAAA!!!!

=================

CHAPTER 2
d>>_<<b

Agad ko'ng nasapo ang ulo ko'ng tinamaan ng bola mismo!

'Ouch!'

"Oh my God! Laubree!" dinig ko'ng tawag ni Riz! "Tulungan niyo! Tulungan niyo,
dalii!!" sigaw niya pa!

"M-Miss, are you okay?!"

'Huh?! At this moment!? In this situation?! Stupid!'

May naglahad ng kamay sa'kin at agad ko'ng inabot 'yun at nagpatulong TUMAYO!

"Teka nga!" sigaw ko! Agad na umakyat ang galit sa ulo ko at daglia'ng hinablot ang
braso ko! "Bitiwan mo ko! Nahihilo pa ako! Ang lakas non, ah!" sabi ko pa na
napahawak muli sa ulo ko! "Sino'ng buma---"

dO__Ob

Kusa ako'ng natigilan sa sasabihin ko nung lingunin ko ang lalaki'ng 'yon na


siya'ng umalalay sa'kin para makatayo!

Now playing in my MIND: I think I'm in love by Jessica Simpson

♫ ♪'You took me by surprise.. When you turn and look me in my eyes.. Boy, you
really blow my mind.. I don't know what's gotten into me.. But, I kinda think I
know what it is.. I think I'm in love! Boy I think that I'm in love with you..' ♪ ♫

Parang KUSA talaga'ng nag-PLAY ang kanta'ng 'yon sa utak ko!

'OMG!!'

dO__Ob

Gulat pa rin ako'ng napatingin sa mukha nung lalaki'ng 'yon na kaharap ko!

'Eeeeeh! He's soooo CUTE!!'

Kung posible lang ang tumili ngayon sa harap nito ay 'yon ang gagawin ko!
Agad na namula ang mukha ko nung animo'ng pag-aralan niya pa ang kabuuan ng mukha
ko!

"M-Miss??" tawag niya pa. "A-Are you okay??" naniniguro'ng tanong niya pa!

"H-Hoy?!" bigla'ng sigaw ni Riz! "Okay ka lang daw ba?!" tanong niya pa'ng inuga
ang balikat ko!

"H-Ha?!" agad na reaksyon ko! "H-Hahahahahahahaha!" malakas ako'ng tumawa na


pinagpag pa ang dalawa'ng kamay ko! "Oo naman!" sigurado pa'ng sagot ko! "H-Hindi
naman sobra'ng lakas! Medyo nakakabigla lang talaga, hahahahaha!" dagdag ko pa!

d-.-b < - - - RIZ.

dO__Ob < - - - CUTE GUY.

d^___^bv < - - - ME.

Taka'ng tumitig sa'kin si Cute Guy kaya naman agad ako'ng nagrecover!

"A-Ah, I mean---masakit naman pero okay lang.." palusot ko pa!

d>>_<<b

'Damn! A-Ano ba'ng sinasabi ko?!'

"O-Okay.. You're sure you're fine?" pangungumpirma pa ni Cute Guy!

"A-Ah, yes! Hahahahahaha! Yes! Don't worry. H-Hehehehe! Thank youuu! Hehehe---"

"THAAAANK YOUUUU??" hindi pa makapaniwala'ng tanong ni Riz na humalukipkip pa at


napakayuko naman ako.

d-.-b

'Sana hindi ka intrimitida Riz, 'di ba!? Grrrr!'

"I mean, don’t mind it, hehehe!" sabi ko pa na hinawi kunwari ang kamay ko sa harap
niya.
"OKAY." tipid na tugon ni Cute Guy at saka tumalikod sa'min at pinulot ang bola
saka nagsimula'ng maglakad papalayo. Namamangha'ng pinanood ko naman ang likuran
niya.

'This must be loooove---'

"HOY!" bigla'ng sigaw ni Riz at gulat ako'ng nilingon siya!

Napahinto sa paglalakad si Cute Guy at muli'ng lumingon sa'min!

"What?!" inis pa'ng tanong ni Cute Guy!

"What ka d'yan!" sigaw ni Riz sa kaniya at saka nakapamewang na bahagya'ng lumapit


dito! "Baka gusto mo'ng mag-SORRY?! Baka tinamaan mo lang naman ng BOLA 'yung
bestfriend ko?!" mataray pa'ng tanong ni Riz dito!

"R-Riz.." tawag ko sa kaniya na lumapit rin. "O-Okay lang naman ako e."

"Hindi naman ako 'yung bumato." pormal na tugon ni Cute Guy at nanlaki ang mga mata
ko! "A-Ako lang 'yung kumuha nung bola." dagdag niya pa!

dO__Ob

Nakaramdam agad ako ng kakaiba'ng LAKAS!

Inis ako'ng hinarap si Cute Guy na may naningingkit na mga mata!

"HA! Kung ganon.. S-Sino'ng BUMATOOO!" nakapikit pa'ng SIGAW ko!

"AKO.."

dO__Ob

Hahangos-hangos na idinalat ko ang mga mata ko at iginalaw ang ulo ko upang hanapin
kung sino man 'yong nagsalita!

"Ako 'yung bumato.." dagdag pa ng panibago'ng boses na 'to!

Kagat-labi'ng tuluyan ko siya'ng HINARAP!

dO__Ob
"I-Ikaw?!" hindi makapaniwala'ng turo ko sa kaniya at tumango naman siya!

"Pweees!" bigla'ng singit ni Riz! "Mag-SORRY ka sa bestfriend ko dahil ang lakas


non---"

"Sorry." pigil niya sa sinasabi ni Riz at saka tumalikod sa'min!

dO__Ob

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko!

"Waaait!" nakapikit na nama'ng sigaw ko at pagdilat ko ay nakahinto na sila'ng


dalawa! Sabay pa nila'ng nilingon ako! "I-Ikaw!" panduduro ko don sa bumato!

"Ako nga!" sabi niya pa na nakaturo sa sarili niya! "SORRY na nga, 'di
ba?!" sarkastiko'ng tanong niya pa ng hindi ngumingiti! "So if you don't mind,
maglalaro pa kami!" dagdag niya at saka muli'ng tinalikuran kami!

"Are you okay, Brah?!" tanong ni Riz pero hinawi ko ang kamay niya at muli'ng
humabol doon sa dalawa!

"Sandaleeee!" malakas na nama'ng sigaw ko! Mas malakas na!

"What!" inis na talaga'ng tanong nung bumato na salubong na salubong na ang mga
kilay na nilingon ako!

"Ikaw!" panduduro ko'ng muli sa kaniya pero mas malapit na! "Ikaw 'yung umakyat sa
bintana ko!" gigil na dagdag ko at natigilan siya!

Dali-dali'ng pumunta si Riz sa tabi ko at humawak sa braso ko.

"H-Ha?! S-Sino sa kanila?!" tanong pa ni Riz na nilingon 'yung dalawa!

"SIYAAA!" malakas na sagot ko habang nakaturo don sa lalaki'ng 'yon!

"Huh?? You know her, Aki??" bigla'ng inosente'ng tanong ni Cute Guy at nilingon ko
siya saka tumaas ng kusa ang kaliwa ko'ng kilay at muli'ng nilingon 'yung bumato!

d-.-b

'Sooo.. AKI pala ang pangalan mo'ng peste ka! Una ay umakyat ka sa bintana ko at
ngayon ay binato mo ako ng bola! Lagot ka talaga sa'kin!'
"NO." tipid na sagot ni Aki!

dO__Ob

"A-Ano'ng NO?!" hindi makapaniwala'ng tanong ko! "Ako lang naman 'yung may ari nung
bintana'ng INAKYAT mo kagabi!" gigil pa'ng dagdag ko pero tiningnan niya lang ako!

"Ah, okay." tipid pa muli'ng sagot niya!

"Ano'ng okay?!" inis na tanong ko!

"Tch. Tara na, dre." yaya niya kay Cute Guy at saka sila mabilis na naglakad
pabalik ng Court!

Gigil pa ako'ng tumingin sa kanila at saka nagpaumuna'ng umalis! Agad nama'ng


sumunod si Riz sa'kin!

"Shet sila!" inis na singhal ko! "Mga HAMBOG!"

"Bastos 'yung mga walang-hiya'ng 'yon!" panggagatong pa ni Riz!

"Kilala mo ba sila?!" inis na tanong ko.

"Yung Aki, hindi ko siya kilala, pero 'yung tumulong say'ong tumayo.. Nakikita ko
madalas kasi malapit siya sa amin nakatira. Hindi ako naglalalabas dito, alam mo
naman."

"Lagot sa'kin 'yang lalaki'ng 'yan! Hindi ko siya mapapatawad! Una, umakyat sa
bintana ko, pangalawa, binato ako ng bola! Leche siya!" sigaw ko pa.

"Duh!? Lalaki 'yun! Ano'ng magagawa mo?!"

d-.-b

3 weeks ang lumipas mula nung TINAMAAN ako ng bola.

6:00am.

Bumaba ako sa garden sa harap ng bahay, naglatag ng tela sa bermuda at saka


dumapa.
'Dito ako magbabasa ng bago ko'ng libro.. Hihihihihi!'

Hilig ko'ng magbasa ng libro, kakaiba kasi ang kilig dito. Nanunuot sa balat mo!

Binasa ko ang buod sa likod niyon.

'The Boy in the Striped Pyjamas by John Boyne'

"When Bruno returns home from school one day, he discovers that his belongings are
being packed in crates. His father has received a promotion and the family must
move from their home to a new house far far away, where there is no one to play
with and nothing to do. A tall fence running alongside stretches as far as the eye
can see and cuts him off from the strange people he can see in the distance." sabi
pa nung buod. "Naks! Mukha'ng okay 'to.." nakangiti'ng bulong ko pa sa sarili saka
ako nagsimula'ng magbasa.

Sa sobra'ng tuwa ko sa pagbabasa nung libro ay dumagdag ng dumagdag 'yung pages at


Chapters ng binabasa ko!

'Isa'ng isa'ng CHAPTER na lang talaga, Laubree!'

Nararamdaman ko na 'yung sikat ng araw sa likod ko pero sadya'ng hindi ko maihinto


basta basta ang pagbabasa dahil bawat matatapos ko'ng Chapter dito ay napaka-
exciting lagi! Naaatat ako'ng basahin ang susunod!

~RRREEWWWRRRRR~

dO__Ob

"Hm?" gulat pa'ng naiangat ko ang ulo ko.

Parang may nadinig ako'ng parang GALIT na GALIT na ASO sa gilid ko! Kaya naman
nilingon ko ang magkabila'ng tagiliran ko pero wala naman ako'ng nakita kaya itnuon
ko'ng muli ang paningin ko sa libro.

'Hahaha, naloloka na yata ako..'

Muli ako'ng nagbasa.

~RRREEWWWRRRRR~

dO__Ob
'M-Meron talaga e!'

Muli ako'ng nilingon ang magkabila'ng gilid ko pero ngayon ay kabado na ako!
Pakiramdam ko ay totoo ang naririnig ko!

Pero wala ako'ng makita'ng ASO!

'Saan naman nanggagaling 'yon!?'

Ipinagpatuloy ko ang paglinga ko sa magkabila'ng gilid ko!

~RRREEWWWRRRRR~

dO__Ob

Mas ramdam ko na ang panggigigil sa tono ng aso!

'U-Uh-oh! M-Mukha'ng.. m-mukha'ng nasa LIKOD ko!'

Gusto ko'ng tumili sa naisip ko!

Kabado ngunit dahan dahan ako'ng lumingon sa likuran ko kahit pa medyo nahihirapan
ako dahil nakadapa ako!

dO__Ob

At doon ko nga nakita ang isa'ng ROTTWEILER!

'WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!'

d>>_<<b

"O-Oh my G-God.." nanginginig ng usal ko!

Nakatingin 'to sa'kin at animo'ng galit na galit!

Sa porma pa ng aso'ng 'to ay mukha'ng SUSUNGGABAN niya ako!

Dahan dahan ako'ng tumihaya mula sa pagkakadapa at saka nanginginig ngunit marahan
ri'ng naupo!
'Huhuhu, lumalapit siya sa'kin! Anong gagawin ko! Huhuhu!'

Gusto ko'ng sumigaw pero natatakot ako'ng baka mas sunggaban ako ng aso!

'Kapag tumakbo ako hahabulin niya ako! Kung mag-i-stay ako dito baka sunggaban ako
at kagatin! Lord, help me po! Huhuhuhu!'

Nagsisimula ng mangilid ang mga luha sa mga mata ko at ang bilis bilis ng tibok ng
puso ko!

~RRREEWWWRRRRR~

"Hala!" malakas pa'ng sigaw ko! "H-H'wag ka'ng lalapit sa'kin! Shoooo!
Shoooo!" pagtataboy ko pa dito!

~RRREEWWWRRRRR~

dO__Ob

'Parang lalo siya'ng nagalit, Laubree! Huhuhuhuhu! Damn it!'

~RRREEWWWRRRRR~

"Aubrey!" bigla ng may sumigaw! "Hey, Aubrey!"

dO__Ob

"A-Aki??" hindi pa makapaniwala'ng sambit ko! Lumapit sa kaniya 'yung aso at


hinimas hinmas niya ang noo nito!

"Come here, Aubrey! Good girl! Good girl!" pang-uuto niya pa sa aso!

"W-What?!" hindi makapaniwala'ng tanong ko at saka ako mabilis na tumayo at humarap


sa kanya! "A-Auub---breeey?!" gigil pa'ng tanong ko! "Nang-iinis ka ba?!"

Taka nama'ng tumingin sa'kin si Aki habang inilalagay ang leash nung aso niya!

"Bakit?"

"Ano'ng bakit?! Talaga'ng Aubrey ang pinangalan mo d'yan sa aso mo eh, noh!?" inis
na tanong ko.

"So?"

"Ano'ng so?! Baka Laubree ang pangalan ko!" pagdidiin ko pa! "Katunog ng pangalan
ng aso mo!" inis na sigaw ko!

"Tch! Ano'ng pakialam ko sa pangalan mo?!" mayaba'ng pa'ng tanong niya!

"What?!"

"Look, 3 years old na 'tong si Aubrey. Kelan lang kita nakilala, hindi ba? At isa
pa, tinanong ko ba ang pangalan mo? Malay ko ba'ng Laubree ang pangalan mo! Tch!
Engot.."

dO__Ob

Nanlaki ang mga mata ko at bahagya'ng napanganga pa ako!

"W-What!?" gigil na tanong ko!

"Bakit ba ang T.H. mo?? Nung una feeling mo may gagawin ako sa'yo.. Pangalawa kung
ma---"

"E-Excuse me??" nanginginig ang bagang na tanong ko!

"Hahahahahahahahahah!" malakas siya'ng tumawa bigla! "Nevermind!" aniya pa at saka


sumipol sa aso niya! "Wiwit! Aubrey! Let's go!" yaya niya dito! "Good girl!" aniya
pa na yumuko sa aso! "Hindi mo pwede'ng kagatin 'yung babae'ng 'yon, okay?!" turo
niya pa sa'kin habang kausap 'yung aso! "Hindi siya kalaban. At isa pa, baka
may LASON ang dugo niya---mamatay ka pa, hehehehehe!"

dO__Ob

"H-Ha!" hindi makapaniwala'ng singhal ko pa!

'I can't believe this rude guy! Ugh!'

d>>_<<b

‘Grrrr! Nakakainis ka!'


Umalis sila nung aso niya at naiwan ako'ng naka-NGANGA!

"B-Badtrip!" mahinang singhal ko pa. "HAMBOG!"

Naniningkit ang mga mata'ng pinanood ko pa sila hanggang sa makalayo!

=================

CHAPTER 3

Muling dumaan ang mga ilang araw at naging busy kami pareho ni Riz sa school. Wala
kami'ng inatupag kung hindi school works.

Kaya naman pagsapit ng FRIDAY ay nagdiwa'ng ang buo ko'ng katawan. Pagod na pagod
ako'ng umuwi sa bahay.

"Aren't you gonna eat dinner, Honey?" tanong sa'kin ni Mommy pagkarating ko at
umiling naman ako agad.

"No Mom, I'm too tired."

"Saturday naman bukas, no classes. Kumain ka kapag nagutom ka. ha?"

"Yes Mom, thanks.."

"Sige na mag-nap ka muna.."

Umakyat ako sa kwarto ko at wala'ng ligu-ligo'ng NAHIGA!

d-.-b z z ZZzz zZ. . .

Maya maya pa.

~BZZZT! BZZZT!~

"M-Mmm.." ungol ko pa nung maramdaman ko ang vibrate ng cellphone ko . Pinilit


ko'ng basahin ang nakasulat sa screen pero nagkanda-duling duling ako kaya sinagot
ko na lang 'to.

"Hello!" sagot ko.


"Hala! Galit?!"

"Riz?! Natutulog ako e! Napatawag ka!?"

"Nakoooo! Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko sa'yo!"

"Oh my God.. Tumawag ka para lang magchikka?! Ang ganda ganda na ng panaginip ko
e!"

"Eh kasi naman nandito 'yung mga lalaki'ng HAMBOG!"

dO__Ob

"Ha?!" gulat na tanong ko!

"'Yung mga lalaki'ng hambog! Sila Aki at Sid!"

"Sid?! Who the heck!?"

"Ano ba! 'Yung gwapo'ng tumulong sa'yo---sino pa!"

dO__Ob

Napabalikwas ako ng bangon sa kama at feeling FRESHNESS agad ako!

"S-Sid ang name niya?!" pigil ang kilig na tanong ko pa!

"Ah, oo nga pala.. hindi nga pala natin siya nakilala, no? Oo! At eto
pa! KAIBIGAN pala sila ni Kuya!" parang inis pa'ng kwento niya. "Nandito sila
ngayon sa bahay at nag-iinuman!"

"H-Ha? G-Ganon ba??"

d>>_<<b

Napailing ako at napanguso sabay kagat ng kuko ko!

'Huhuhuhuhu! Gusto ko siya'ng makita! Sana ay yayain ako ni Riz pumunta! Pleasee,
Riz!'

dTT__TTb
Bakit ba kahit na bestfriend mo, minsan ay may mga eksena pa ri'ng JAHE?!

"Kaya pala naman hindi ka nagrereply sa mga texts ko kasi natutulog ka?! Grabe ang
haba naman.. Umidlip rin ako kanina e, pero 30 minutes lang.." kwento niya pa at
nanlumo naman agad ako.

"H-Hehehehe, alam mo naman ako e! Matakas sa tulog, hehehe! Nagugutom na nga ako
e.."

"Ah, punta ka dito!! Dito ka na kumain!! Kasi naghanda si Mommy e dahil nga may
bisi---"

"Talaga?! O sige, sige! Papunta na ako d'yan! Maliligo lang ako!


Mwaaaaahhh!" derederetso'ng sabi ko bago ibaba ang linya!

Wala ako'ng sinayang na oras at dali dali ko'ng hinablot ang twalyo ko at dumeretso
sa washroom at mabilis ri'ng naligo!

"Yiiiieee!" kinikilig pa'ng sabi ko. "Ang galing galing mo talaga Riz, I love youuu
sooo much!"

d^___^b ♥♥♥

Matapos ko'ng maligo ay binuksan ko ng malawak na malawak ang Cabinet ko upang


makapamili ng susuoti'ng damit.

'Dress?! Skirt!? Shorts!? Leggings?!'

d>>_<<b

"Alin kaya dito??" mahina'ng bulong ko pa.

'Pink!? Blue?! Red?! Black!? White?!'

d>>_<<b

'Damn it, hindi ako makapili!'

~BEEP~

Text Message ReceivedCrazy RizHoy! Ano?! Ang tagal mo naman! Bilisan mo na-o-O.P
ako sa kanila dito! Usapa'ng lalaki! Faster, please?!

Create MessageWait lang naman! 'Yung pagkain, ah?! I-ready mo na! Hehehe! Bihis
lang ako! :)) ♥Message Sent!

d^__^b

'Syempre, para hindi halata ay kunyari ay 'yung FOODS ang habol ko. Hehehehe!'

Mas nagmadali ako para makita ko na si Cute Guy.

"Sid pala ang pangalan niya! Eeeeek! Hehehehe! Pangalan pa lang.. yiiiie! Pang-Mr.
Perfect na!" kinilig pa'ng sambit ko sa sarili. "Dress! Bluuuueee! Yeeesss!" sabi
ko pa nung makapamili na!

Kinuha ko 'yung bago'ng bili ko'ng simple blue dress. Dali dali ko'ng isinuot 'yon,
naglagay ng make-up at nagspray ng perfume---THEN, GO!

Mabilis ako'ng tumakbo papalabas ng bike para kuhanin ang BIKE ko pero..

d>>_<<b

"Damn it!" inis pa'ng sambit ko!

Hindi bagay sa outfit ko ang BIKE!

Wala ako'ng choice kung hindi ang bumalik sa loob ng bahay!

"Oh? Akala ko ba ay pupunta ka kila Riz?" tanong ni Mom pagkakita sa'kin.

"Oo nga po, kaso magba-bike lang sana ako, Mom, kaso hindi po bagay sa outfit
ko.." nakanguso'ng sagot ko.

"Hahaha, o sige. Alam mo babagay rin ang shorts d'yan.."

"Oo nga po, Mommy e, 'yun rin ang naisip ko.. Bihis na po muna ako, nagmamadali na
po si Riz e.."

"Go.."

Dali dali ako'ng umakyat at saka pumili ng shorts na babagay sa dress ko.
Nagmadali'ng tumakbo muli pababa.

Kinuha ang bike ko at parang nakikipagkarera'ng pumunta sa bahay nila Riz!

d>>o<<b

Huminga pa muna ako ng malalim at pinahupa ang hangos ko.

Riz's home.

"Ang bilis mo super!" sarkastiko'ng salubong sa'kin ni Riz.

"Hahaha, sorry naman! Nasan na 'yung food?!"

"Nasa loob.. Tara! Ipinaghanda na kita.."

"Niceeee!"

Pumasok agad kami sa bahay nila at Mommy niya agad ang sumalubong at nakipagbatian
sa'kin.

At saka kami dumeretso sa sala nila at doon ko na nakita si SID.

'Eeeeeeekkk! Hihihihihihihihi!'

d♥_______♥b

'Ang cute cute niya!'

Pero hindi siya tumingin sa'kin!

'Amp! Nakakainis!'

Si AKI ang tumingin sa'kin!

'Letse!'
Pinaupo ako ni Riz sa single sofa na kaharap mismo ni SID my Loves.

'Haaaays..'

d-.-b

'At KATABI ko pa talaga ang peste'ng HAMBOG na 'to! Nakakainis!'

Nakaupo na ako at lahat ay ni HINDI man ako NILINGON ni Sid!

Titig na titig siya doon sa pinapanood nila'ng NBA!

Napanguso tuloy ako sa inis!

"Naks! Saan ang party?!" bigla'ng banat ni Aki! Taas ang kilay nama'ng nilingon ko
siya!

"A-Ano'ng party ang sinasabi mo d'yan!?" inis na tanong ko sa kaniya!

"Todo porma ka e! Saan ang party?!" nakangiti pa'ng tanong niya!

dO__Ob

"Duh?! Mukha ba'ng PARTY ang meron dito?!" sarkastiko ri'ng tanong ko!

"Exactly! Simple'ng inuman lang ang meron dito pero todo outfit ka! Hahahahahaha!
Unless, nagpapa-cute ka sa'kin!?"

"W-What?! Kilabutan ka nga!

"Tch! T.H. ka na naman.."

"Don't talk to me, okay?!" pasiring na singhal ko!

"Mukha'ng close na close kayo, ah?" bigla'ng singit ni Rap, Kuya ni Riz. Inis na
nilingon ko siya.

"Hindi kami magkakilala, ah!" inis na sagot ko kay Rap!

"E bakit nag-aaway na kayo? Hahaha.."


"Nakakabwisit kasi 'yang kaibigan mo!"

"Mabait yan si Aki, hehehe.."

"Psh.. San banda?!"

"Oh it's you.."

dO__Ob

NAWALA BIGLA ANG GALIT KO!

Dahan dahan ako'ng napatingin kay SID ♥

Bumilis bigla ang tibok ng puso ko!

'Yiiiiieeee! Eeeeekk!'

"Hindi kita nakilala." nakangiti'ng dagdag pa ni Sid at napangiti naman ako. "You
look good tonight."

dO__Ob

'Haaaaaaaayy..'

Parang hinahaplos ang puso ko!

'Kyaaaaaaaaaaaaaa!'

dO__Ob

'P-Pero teka..'

d>>_<<b

'A-Ano'ng ibig niya'ng sabihin!? H-Hindi ako MAAYOS tingnan nung unang kita niya
sa'kin?! Waaaaa!'

dTT___TTb
'Sabagay, paano ako'ng magmumukha'ng maayos e TINAMAAN ako ng bola ng peste'ng Aki
na 'to! Pero okay lang, hihihihihihi! At least tonight, I look good daw!
Kyaaaaaaaa!'

"Kinilig ka naman?!" bigla'ng sabat ni Aki at inis na naman ako'ng nilingon siya!

'Epal ka talaga!!'

"Hoy, ah! H'wag niyo nga'ng pinagtritrip-an ang bestfriend ko!" bigla'ng singit ni
Riz, thank God! "Gutom 'yan! Kaya baka mabugahan kayo ng apoy n'yan!" aniya pa at
saka lumapit sa'kin. "Oh, eto na. Ubusin mo lahat 'yan, ah?"

"T-Thanks.." ilang na sagot ko. "Alokin mo rin 'yung isa 'dyan." pagpaparinig ko
pa. "Mukha'ng gutom na rin e."

"Hahahahaha!" natawa si Riz. "Kuya, ipakilala mo nga si Laubree sa mga friends


mo!" baling niya pa kay Rap.

"Hindi pa ba sila magkakakilala!?" tanong naman ni Rap.

"Kaya nga ipapakilala mo, 'di ba?!" sarkastiko'ng tanong ni Riz sa


kaniya. "Malamang---HINDI!"

"Okay, okay." ani Rap at saka ngumiti sa'kin. "This is Aki." turo niya sa
HAMBOG. "And this is Sid." turo niya sa PUSO ko. "Magpinsan sila." dagdag niya at
nanlaki naman ang mga mata ko!

d>>_<<b

'My God.. Nananalaytay rin sa dugo ni Sid my loves ang ugali'ng HALIMAW ni Aki!?'

"This is Laubree." turo naman sa'kin ni Rap habang nagpapapalit-palit ng tingin sa


magpinsan. "Bestfriend ni Riz and classmate at the same time. Bago'ng lipat sila
d'yan sa Australia Street." itinuro pa ni Rap 'yung side papunta sa'min.

"Nice meeting you, Laubree.." nakangiti'ng ani SID ♥. Tumayo siya at inilahad ang
kamay niya sa'kin.

d--,b ♥♥♥♥

Kaya naman tumayo rin ako at iniabot ang kamay ko at nagshakehands kami!

'Haaaaaaay! Cloud 9.. 10.. 11.. 12.. 13..'


d-.-b

'Malas na numero para sa malas na tao!'

"Hell-O! AUB-REY!" nuknukan ng kasarkastikuha'ng ani AKI!

Agad na nagsalubong ang mga kilay ko habang nakatingin sa kaniya!

"It's LAUBREE---NOT Aubrey!" pagdidiin ko pa!

"Who cares?! Mas sanay ako ng Aubrey, eh!" nakangisi pa'ng aniya!

"Alam mo?! Ang yabang mo!" inis na talaga'ng sumbat ko sa kaniya at natawa naman
agad siya!

"Lah! Pinangalanan lang ng iba---mayabang na?!"

"Ewan sa'yo!"

"Uyyyy!" bigla'ng tukso nina Rap, Riz at Sid!

dO__Ob

"Tch! Ano'ng uyy?!" bigla'ng banat ni Aki! "ASA!"

"Baka kayo ang magkatuluyan n'yan?!" nakakaloko'ng ani Sid! Parang kumirot naman
ang puso ko!

d>>_<<b

'No, Sid! Imposible 'yon! Kung IKAW at AKO---pwede pa! Hehehehe! Pwede'ng pwede pa
nga e!'

"Kung hindi siya naka-BLUE---pwede pa!" bigla'ng banat na naman ni


Aki! "Hahahahahahaha!" saka malakas na tumawa!

Naiilang na napatingin naman ako sa suot ko!

"Hahahahahahaha!" nagtawanan sila at hindi naman kami nakarelate ni Riz sa kanila!


d>>_<<b

Nagsimula na ako'ng kumain at nakinoon na lang sa kanila ng NBA!

Maya maya lang ay BORED na ako!

Nung maubos ko naamn ang food ko ay mukha'ng lasing na 'yung tatlo'ng boys kaya
nagpaalam na rin ako pauwi!

'Mas maiinis lang ako kapag inasar pa ako ng Aki na 'to! Mas lalo ako'ng napapahiya
sa harap ni Sid! Syempre, lasing na e! Tawa tuloy ng tawa si Sid! Huhuhuhu!'

Pumihit ako at saka tumayo at humarap kay Riz.

"Riz, uuwi na ako." nakangiti'ng sambit ko saka humarap sa mga lalaki. "Kuya Rap,
uuwi na ako, hehehe! Tama na 'yan! Mukha'ng lasing na kayo e." sabi ko pa at
ngumiti naman 'to. Saka ako humarap kay Sid. "Sid, nice m-meeting you ulit.
Hehehehe! Ingat kayo pauwi."

"Nice meeting you too, Laubree. See you again next time." nakangiti'ng sagot ni Sid
at parang tumalon naman ang puso ko!

'Haaaaay, heaven.. Hihihihihihi! ♥'

"Ihahatid ko lang si Laubree sa gate---"

"Teka!" bigla'ng pigil ni AKI sa sinasabi ni Riz! Gulat naman kami'ng nilingon
siya!

dO__Ob

"Bakeeet?!" tanong pa ni Riz dito at tumayo naman si Aki!

"Hindi pa nga siya nagpapaalam sa'kin e!" singhal ni Aki kay Riz at nagtaka naman
kami pareho! "Hoy! 'Wag ka'ng bastos!" lalasing lasing pa'ng aniya! "Magpaalam ka
rin sa'kin!" sabi niya na itinuro pa ang sarili!

Nanlaki naman ang mga mata ko pero nawala rin 'yon nung malakas na tumawa sina Rap
at Sid!

"Hahahahahahahahahahaha!"
"Psh!" singhal ko! "Fine! Uuwi na po ako, A----KI!" sigaw ko pa sa kaniya at
nangiti naman siya!

"Hahahahahahahahaha! Bye bye, Aubrey! Ingat sa aso!"

"Tse!"

"Sungit! H'wag mo kalimuta'ng i-lock ang bintana mo, ah?! Hehehehehehe! *HIK!*"

dO__Ob

Pinandilatan ko ng mga mata si AKI at padabog na tinalikuran siya at lumabas ng


bahay nila Riz!

"Nakakabwisit 'yung lalaki'ng 'yun, ah! Hindi ba pwede'ng pumunta si Sid sa inyo
ng hindi siya kasama?! Bwisit siya!" singhal ko kay Riz.

"Hahahahahaha!" malakas pa siya'ng tumawa at napanguso ako. "E sa'kin naman ay


hindi siya ganon?! Parati yata sila'ng magkasama ni Sid e."

"Nakakainis! Bwisit siya, bwisit! O sige na, uuwi na ako! Late na e. Bukas na lang
ulit."

"O sige sige, text mo ako pagkauwi mo.."

"Sige, thanks uli, ah!?"

"Anytime! Mwah!"

Nagbeso lang kami at nagbike na ulit ako pauwi.

Nagmadali ako sa inis!

'Gusto ko'ng kurutin sa patilya 'yung bwisit na lalaki'ng 'yon!'

Pagkarating ko sa kwarto ay nagkulong agad ako!

Lumapit ako agad sa bintana at ini-LOCK 'yon!

Isinara ko rin ang kurtina at ipinatay ang ilaw! Naggames lang ako sa phone ko
hanggang sa makatulog.
d-o-b zzZZz z z z. . .

=================

CHAPTER 4

SATURDAY Morning.

Maaga ako'ng bumangon, naligo at nagprepare ng breakfast para sa ami'ng lahat dahil
every Saturday ay may pasok sila Mommy at Daddy at off ni Yaya Nelia pero hindi
naman siya umaalis ng bahay dahil wala na siya'ng family, nandoon lang sya sa loob
ng bahay pero pwede siya'ng bumangon kung ano'ng oras niya gusto, hindi rin siya
gagawa ng gawai'ng bahay, kumbaga siya muna ang senyorita at ako ang yaya. Swap
kami ng buhay every Saturday.

Pagkatapos nami'ng magbreakfast ay inihatid ko sila Mom sa harap ng bahay at


nagwalis na rin ako sa harap habang nakaheadset at nakikinig ng sounds.

Now Playing: When I see you Smile by Uncle Sam

♫ ♪ "When I see you smile.. I can face the world.. Ohhh, you know that I can do
anything.. When I see you smile.. I see a ray of light.. Ohhh, I see it shining
right through the rain.. When I see you smile.. Baby when I see you smile at me.."
♪ ♫

Pumunta ako sa ilalim ng puno at nagwalis ng mga nahulog na dahon doon.

Sa pagwawalis ko, napansin ko ang puno, bahagya pa ako'ng napangiti doon.

"Ang laki lki mo, kaya hindi masiyado'ng mainit sa loob ng bahay namin ay dahil
sa'yo." ngumiti pa muli ako dito. "Salamat, ah?? Hehehe!"

'Okay fine, ako na ang baliw.'

d-.-b

Pero muli ako'ng natigilan nung maagaw ang atensyon ko ng sanga nito. Napansin
ko'ng may naka-ukit. Inilapit ko ang mukha ko at binasa iyon.

"'IÑAKI ♥ AUBREY'." basa ko sa nakaukit doon. "Hahaha! Ang cute! Sila pa rin
kaya??" napapaisip na sambit ko pa habang nakatingin doon at saka nagpatuloy sa
pagwawalis.
♫ ♪ "When I see you smile.. I can face the world.. Ohhh, you know that I can do
anything.. When I see you smile.. I see a ray of light.. Ohhh, I see shining right
through the rain.. When I see you smile.. Baby when I see you smile---" ♪ ♫

dO__Ob

Kusa ako'ng natigilan sa pagkanta at kusa ri'ng tumaas ang kilay ko!

d>>_<<b

'Kung mamalasin ka nga naman, oh!'

"Ganda ng boses, ah!" si Aki'ng HAMBOG! Tono pa lang ng pananalita niya ay


nakakainis na! Kahit pa papuri ang sinabi niya ay nakakainsulto ang tono ng boses
niya!

Hawak na naman niya ang aso niya at mukha'ng katatapos lang nila'ng magjogging!

"So?!" inis na tanong ko!

"Tch! Buti nga pinuri pa kita e!"

"Hindi ko kailangan ang papuri mo!"

"Tch! Hindi ko rin naman sinabi'ng paniwalaan mo.." ngingisi-ngisi'ng dagdag niya!

"Lumayas ka nga sa harapan ko, hambog!"

"Chilll! Ang aga aga umuusok ang ilong mo.. Late ka na umuwi pero ang aga mo pa
ri'ng nagising, ah.. Marunong ka pa lang maglinis??" sarkastiko at dere-deretso'ng
aniya pa!

d>>_<<b

'Napakarami nama'ng napapansin ng bwisit na 'to! Hindi na lang umalis!'

"Wala ako'ng pakialam sa'yo!" pagdidiin ko!

"Kwits lang! Wala rin ako'ng pakialam sa'yo e, hehe!" mayabang na sigaw niya at
saka muli'ng sinipulan ang aso niya! "Wiwit! Aubrey, let's go!"

Naupo siya sa harap nung aso at hinimas himas ang noo nito. At saka muli'ng tumayo
at tumingin sa'kin!

"Good morning, Aubrey.. See you around!" nakangisi na nama'ng dagdag niya at saka
sila umalis!

d>>_<<b

'Nakakainis! Wala na! Sira'ng sira na ang buo'ng araw ko! Ayoko na! Ayoko ng
kumilos!'

Dali dali ako'ng naglakad at ibinato ang walis tingting sa kung saan at padabog na
pumasok ng bahay!

Naupo ako sa tabi ni Yaya at nakinood sa horror na pinapanood niya.

SUNDAY Morning.

Maaga na naman ako'ng gumising para naman magchurch kasama si Mommy, Daddy at Yaya.
Pagdating sa church ay nakita ko sina Riz at Rap kasama ang parents nila. Nasa loob
ng village ang church kaya halos lahat ng nandito ay taga-dito rin sa village.

Lumapit ako kay Riz after church.

"Punta ka sa bahay mamaya, ah? Mga 5:00 pm!" yaya ni Riz at nagtaka naman agad ako.

"Ano'ng meron?"

"Ma----"

"Hi girls!"

Napalingon kami pareho ni Riz.

d♥_♥b

'Oh my God... Ang gwapoooo mooo Siiid!'

Nahulog ang panga ko mula sa pagkakatitig kay Sid!


Sobra'ng GWAPO niya sa suot niya!

"H-Hi.." nagbablush yata'ng bati ko.

"Hi, Laubree.. Hi, Riz.." nakangiting bati ni Sid sa'min pareho.

"Hi, Sid!" bati ni Riz sa kaniya at saka bumaling sa'kin. "Oh, sige na, Brah! Mauna
na kami nila Kuya! See you later! Bye bye! Ingat!"

"Bye!" nakangiti'ng tugon ko.

'Good timing talaga si bestfriend, gosh!'

"Bye Riz, ingat.." paalam ni Sid at naiwan na nga kami ni Sid.

Muli siya'ng humarap sa'kin at ngumiti!

'My Goood! Parang gusto ko'ng lumubog ngayon sa kinatatayuan ko! Yiiiiieeee!'

"Pupunta ka mamaya kila Riz?" nakangiti pa'ng tanong niya at lalo ako'ng namula sa
tingin ko!

'Oh my.. Tinatanong niya ba 'to dahil gusto niya rin pumunta?! YES! Gusto ko 'yan,
hahahaha!'

"Oo, hehe. Hindi niya nga lang nasabi sa'kin kung ano'ng gagawin namin don kasi d-
dumating ka, hehe.."

"Ah, ganon ba? Hehe.. Sorry.."

"O-Okay lang, hihihihi.."

d--,b

"Okay lang naman siguro kung pumunta ako, 'di ba?" nakangiti'ng tanong niya pa!

d♥o♥b

'Oh my God! Isang ngiti mo lang napapa-OO na agad ako! Of course pwede'ng pwede,
Sid! Kung pwede nga lang araw-araw, nandoon tayo e! Makasama lang kita---gagawin
ko.. Hahaha!'
"Oo naman, hehe, pwede'ng pwede kang pumun----"

"Kami pala ni Aki.." bigla'ng dagdag niya at literal na napanganga ako!

dO__Ob

*LUNOK!*

"K-Kasama siya??" salubong ang kilay na tanong ko at bahagya'ng kumunot naman ang
noo niya kaya inayos ko ang pagmumukha ko! "H-Hahahahaha!" kunwari'ng tawa ko
pa. "O-Oo naman! K-Kasama siya.." nanunuya ang mukha'ng dagdag ko.

d-.-b

'Kailangan ko na pala'ng asahan na masisira ang gabi ko! Dahil darating rin ang
BWISIT na 'yon!'

"Yeah." nakangiti'ng aniya kaya ngumiti rin ako. "Mmm, so I guess, I'll just see
you there?"

"H-Ha? A-Ah, oo! Oo! Hehehe! Sige, see you l-later." utal pa'ng sagot ko.

'Nakakainis! Bakit kasama pa 'yun!?'

d>>_<<b

"Okay, take care.."

"Thanks, you too!"

Ngumiti siya bago tumalikod sa'kin!

'Waaaaaa! Swear parang babagsak 'yung puso sa sobra'ng kilig, hahaha!'

Pagkauwi sa bahay, naglunch kami at tumambay sa sala at nanood.

3:00pm nagstart na ako'ng magprepare.

'Excited lang, bat ba!?'


Naging abala ako sa pagpili ng damit na isusuot ko.

'Dapat na isuot ko ay 'yung mapupuri ako ni Sid! Yiiieeee!'

dO__Ob

Ngunit agad rin ako'ng napaisip nung maalala ko'ng kasama nga pala si Aki!

"Parang nabawasan ang excitement ko! Psh!" inis na sambit ko pa sa sarili.

4:50pm! ♥

Ang napili ko ay black leggings at pink blouse. Iniladlad ko na lang ang buhok ko
at naglagay ng kaunti'ng make-up at mega spray ng perfume. Bumaba na ako at kinuha
ang bike ko then pumunta na kila Riz.

"Yun, oh! Sakto!! Nandito na sila.." bungad ni Rap. "Pasok ka, Laubree!"

"Thanks, Kuya Rap!" pasalamat ko at sabay kami'ng naglakad.

"Ang bango mo naman?!" tanong pa ni Kuya Rap at napanganga ako! "Ipinaligo mo ba


'yung pabango mo?!"

"H-Ha? A-Ah, hahahaha! H-Hindi, ah!" pagsisinungaling ko. "Ganiyan lang talaga
'yan. Hehehehe!"

Pagpasok ko sa loob..

Hindi pa man ako nakakapagpa-CUTE ay sumabog na ang fuse ko! Si Aki agad ang nakita
ko!

"Oh.. Ikaw na naman!?" banat niya pa!

d-.-b

'Nakakainis! Mas matatanggap ko pa ang katotohana'ng nandito rin siya kung at


least, mas nauna man lang ako'ng binati ni Sid! Hindi 'yung nanguna pa siya'ng
bumati sa'kin at sarkastiko pa ang dating! BAHAY MO?? Bwisit!'

Hindi na sana ako kikibo pero nainis ako sa ginawa niya'ng pagsipat sa'kin simula
ulo hanggang paa! Mukha niya mismo ay nakakainsulto na!

"E ikaw?! Ano'ng ginagawa mo dito?!" inis na tanong ko pabalik sa kaniya!

"Niyaya nila ako dito e.." nakangiti'ng sagot niya na itinuro pa si Rap!

"Psh!" singhal ko na lang.

"Hindi ba alam ni Laubree na kasama si Aki, Riz?" tanong ni Rap kay Riz.

"H-Ha? Hindi ko rin naman alam na dadating sila.." tugon ni Riz sa kaniya.

"Hahaha! Nice to see you again, Laubree.." sabat ni Sid ♥.

Kaya naman dahan daha'ng nagpaka-MAHINHIN ako.

"H-Hihihi.. N-Nice seeing you again, S-Sid." utal pa'ng bati ko.

"E hindi naman pala nila alam pareho na dadati'ng sila'ng pareho dito!" natatawa'ng
ani Rap kay Riz. "Mukha'ng si Sid at Laubree lang ang may alam na magkikita sila'ng
dito! Hindi nga lang ata ineexpect ni Laubre na kasama si Aki! Hahahaha!"

"Tch! Malay ko ba'ng invited 'yan?!" nakanguso'ng sagot ni Aki sa akniya.

"At malay ko rin ba'ng nandito ka?! Kung alam ko lang na darating ka ay hindi na
sana ako pumunta!" sagot ko at saka napatingin kay Riz. "A-At kung hindi lang rin
ako niyaya ng bestfriend ko ay hindi ako pupunta! Parati na lang kita'ng nakikita!
Nakakastress, ah!"

"Wow! Kung makatanggi, ah?! Hindi kaya.." pambibitin pa ni Aki at saka humawak sa
chin niya at ngumisi! "Hindi nga kaya.. MEANT TO BE tayo?!" bigla'ng seryoso'ng
dagdag niya at nanlaki ang mga mata ko at nung mga tao'ng kasama namin!

'What the heck is he saying!'

"Bwahahahahahahahaha!" malakas na tumawa si Rap dahilan para mawala ang pagkagulat


ko. "Tara, tara! Manood na lang tayo! Tokis na si Aki e, hahahahaha!"

Hindi na ako nakapagsalita at bumuntong-hininga na lang ako!

"Sinabi ko naman na isasama ko si Aki papunta dito, Laubree, 'di ba??" bigla'ng
tanong ni Sid at lalo'ng nanlaki ang mga mata ko at iniiwas ang tingin ko sa
kaniya!
d>>_<<b

'Damn it! I'm busted!'

"Upo ka, Laubree.." bigla'ng yaya ni Sid kaya naman napangiti na lang ako.

"S-Sige, salamat."

"Here.." nagulat pa ako nung bigla'ng pagpagin ni Sid ang tabi niya. Meaning doon
niya ako pinapaupo!

dO__Ob

*LUNOK!*

'Waaaaaaaaaa! TAKE ME NOW!'

d--,b

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Now playing: I think I'm in love by Jessica Simpson

♫ ♪ 'You took me by surprise. .When you turn and look me in my eyes. . .Boy you
really blow my mind. . .I don't know what's gotten into me. . .But, I kinda think I
know what it is. . .I think I'm in love. . .Boy I think that I'm in love with
you...' ♪ ♫

Marahan ako'ng naupo sa tabi ni Sid. As in super magkatabi kami! Magkadikit ang mga
balat namin at dama'ng dama namin ang kilos ng bawat isa!

'Nakakahiya! Nararamdaman niya pa yata'ng nanginginig ako! Nako naman! H-Hindi ko


kasi inaasahan 'to! Huhuhuhu! Pero nako.. kailanga'ng namnamin mo 'to bawat
segundo, Laubree! Dahil hindi mo alam kung kailan uli mauulit ito! Eeeeeeek!
Hehehehe!'

Nagsimula na kami'ng manood ng movie. Nakakapagfocus naman ako kahit papaano.

Pero hindi mawala sa'kin 'yung palihim na mapapatingin kay Sid lalo na kapag
tumatawa siya.
Umiinit lang naman ang ulo kapag tawa'ng tawa ako ay bigla'ng sisingit ang EPAL na
si Aki at mang-iinis!

Nung matapos 'yon ay nauna'ng umuwi sina Sid at Aki. Naiwan naman ako upang
makipag-tsismisan kay Riz.

"Oy! Ikaw, Brah, ah!" bigla'ng banat ni Riz at nangiti agad ako.

"Ano 'yun?!"

"Nakakahalata na ako sa'yo, Brah, ah! Meron ka'ng hindi sinasabi sa'kin!"

"Ha?! Ano naman 'yon?! H-Hahahaha! Ano ka ba!"

"Tsh! Kunyari ka pa!" nakanguso'ng aniya pa at saka tumaas ang kilay! "May gusto ka
kay Sid, noh?!" bigla'ng nangungumpirma'ng tanong niya! "Ikaw, ah! U-Umamin ka na!"

"Shhh!" pigil ko pa sa kaniya. "'Wag ka nga'ng maingay at baka may makarinig sa'yo
d'yan!"

"N-Naaaay! Sinabi ko na nga ba!"

"Hahahaha! Please, 'wag ka'ng maingay?? Huh?!"

"N-Nakakainis ka! At k-kailan mo naman balak sabihin sa'kin?! Talaga'ng h-hinintay


mo pa'ng m-makaramdam ako, Brah, ah!"

"Hahahaha! 'Wag ka nga'ng umarte d'yan! Nauutal ka pa! Alam ko nama'ng napapansin
mo! Hahaha!"

"Naman! E b-bakit nga hindi ka man lang nagsabi!?"

"E nahihiya kasi ako sa'yo! Hahahaha! Sorry naman!" sagot ko na nag-peace sign pa
sa kaniya.

"Sus! Ang landi mo!" nakanguso'ng aniya pa! "Kaya pala todo outfit ka t'wing
pupunta dito! Kaya inaasar ka ni Aki e, hahahaha! Joke!"

dO__ob

Agad na tumaas ang kilay ko!


"Letse! Kailangan ba parati'ng kasali sa usapan 'yung bwisit na 'yun?!" inis na
tanong ko.

"Hahahaha! Alam mo nama'ng anino ni Sid 'yun e! Pero nakakatampo ka pa rin! Hindi
ka pala magsasabi kung hindi ka pa m-mahahalata! Akala ko pa naman ay bestfriend
kita!" nagtatampo pa kunwari'ng aniya kaya nanlaki agad ang mga mata ko!

"H-Hoy! 'Wag ka nama'ng gan'yan! Hahahahaha! E k-kasi naman.. nahihiya talaga ako,
Riz.."

"Tse!" singhal niya! "May magagawa pa ba naman ako!? Hahahaha!"

"Oo!" sagot ko at tumaas na naman ang kilay niya!

"Ano?!"

"Support me!"

"S-Support saan!?"

"Kay Sid! Hahaha!"

"Like, h-how!?"

"Mmm.." nag-isip pa ako kunyari at saka nakangisi'ng tumingin sa kaniya. "Wala


naman, actually! You're not gonna do anything for me, I want him to LIKE me as me
without a single help from anyone, hahahaha! I want him to like me ng hindi ako
nag-eeffort! Hahahaha!"

"Mmm wala naman haha. You're not gonna do anything for me, I want him to like me as
me without a single help from anyone haha! I want him to like me ng hindi ako nag-
eeffort hahaha!"

"Sus, gumaganyan ka pa, ah! O, siya, siya, sige na, haha.. Kita na lang tayo
bukas.. Bye bye, Brah! Mwaaaah!"

Nagbeso lang kami at umuwi na ako.

=================

CHAPTER 5
Days passed at halos araw-araw ay tumatambay na kami sa bahay nila Riz para manood
ng movie. At least 2-3 hours a day ay nakakasama ko si SID ♥.

At syempre, hindi mawawala ang peste'ng si AKI!

'Tsk!'

Pero kahit more than 10 times ko na sila'ng nakakasama, hindi ko alam kung ilang
taon na sila, hindi ko alam ang buong pangalan nila, hindi ko alam kung nag-aaral
pa ba sila o ano? Kasi hindi kami nagkakakwentuhan!

T'wing nandon kami kila Riz, sakto'ng sakto lang 'yung oras. Nagmemerienda habang
nanonood ng movie and then uwian na after dahil mag-aaral pa si Riz at Rap at ganun
rin naman ako.

Hanggang sa isang gabi, excited pa rin ako'ng pumunta kila Riz syempre para makita
si SID ♥

'Hehehehe!'

Nakangiti pa ako habang nagba-bike papunta sa bahay nila Riz. Paliko na ko sa


street nila nung matanaw ko si Riz at Sid sa park. Nakangiti ako'ng huminto sa
pagbabike at bumaba ako sa bike.

Sisigawan ko na sana sila'ng dalawa nung maging weird ang eksena sa pagitan nila..

dO__Ob

LUMUHOD si Sid sa harap ni Riz at humawak pa sa kamay niya habang nakatungo..

dO__Ob

'Anong meron??'

Nagtataka ako'ng pinagmasdan sila'ng dalawa at 'di ko maipaliwanag ang kakaiba'ng


kaba sa dibdib ko.

At lalo pa'ng nanlaki ang mga mata ko nung makita ko'ng dahan dahan
ri'ng LUMUHOD si Riz!

'A-Ano ba'ng meron sa pagluhod luhod?!'


dO__Ob

dO__Ob

dO__Ob

d>>_<<b

dTT__TTb

THEY KISSED!

dTT__TTb

Napatakip ako sa bibig ko at mabilis na tinalikuran ang nakita ko!

'I-I'm bleeding.. INSIDE..'

"Woaaah!"

dO__Ob

Ngunit hindi man lang nagawa'ng tumulo ng mga luha ng dahil sa MALAS ay nasa harap
ko na naman si Aki'ng BALIW!

"Ano ba! Bigla bigla'ng sumusulpot kasi e!" inis pa'ng singhal ko sa kaniya!

"O-Oh?? Anong nangyari sa'yo?!" salubong ang mga kilay na tanong niya habang
nakaturo pa sa mukha ko. Agad ko'ng hinawi ang kamay niya.

"W-Wala. Sige aalis na a---"

"Teka!" bigla'ng pigil niya sa'kin! "Bakit umiiyak ka??"

"Wala nga sabi e! Alis d'yan!" bahagya'ng naitulak ko pa siya.

Mabilis ko'ng itinayo ang bike ko at sumakay. Mabilis ko'ng pinaandar 'yon hanggang
sa makauwi.

Pagdating sa bahay ay umakyat agad ako sa kwarto ko.


Pinindot ko ang music player at sumuksok sa isang gilid at doon umiyak ng umiyak!

dTT__TTb

'H-Huhuhuhuhuhuhu! B-bakit kailangan ko pa'ng makita 'yon?'

Nagtuloy tuloy ang mga luha mula sa mga mata ko papunta sa pisngi ko.

"K-Kaya pala.. n-napapansin ko ay p-parang iba 'yung ngiti niya kapag si R-Riz ang
kausap niya!" humihikbi pa'ng usal ko sa sarili. "H-Huhuhuhuhuhu! H-Hindi naman ako
n-nagseselos kasi---bestfriend ko 'yun e! At saka wala naman kasi'ng nakakaselos sa
ginagawa nila! Huhuhuhuhuhuhu!" pinahiran ko pa ang sarili'ng sipon. "K-Kaya pala
parati'ng sa bahay nila Riz kami tumatambay s-samantalang pwede rin naman dito sa
bahay namin, huhuhuhuhuhuhuhu! N-Nakakainis naman! B-Bakit hindi sinabi sa'kin ni
Sid? O-Okay lang naman e---maiintindihan ko naman!" sunod sunod ang hikbi'ng sambit
ko pa. "S-Si Riz naman.. b-bakit hindi nagsabi sa'kin? M-May nalalaman pa siya'ng
patampo-tampo dahil hindi ko sinabi sa kaniya'ng may gusto ako kay S-Sid tapos.. t-
tapos.. huwaaaaaaaaaa!!!" malakas na atungal ko pa! "H-Huhuhuhuhuhuhu! Nakakainis!
Nakakainis! Nakakainis!"

~PLOOOKK!!~

dO__Ob

Natigil ang pag-atungal ko nung may madinig ako'ng tunog.

Iniangat ko pa ng bahagya ang ulo ko mula sa pagkakayuko sa mga braso ko'ng


nakapatong sa mga tuhod ko at hinanap ang pinanggalingan ng tunog na 'yon.

Nung hindi ko makita ay nagtuloy na lang ako uli sa pag-iyak!

"P-Pwede naman nila'ng sabihin sa'kin e---understanding naman ako! So all this
time, h-hindi pala ako ang gusto ni Sid kundi si Riz! S-Super assuming naman kasi
ako! A-Akala ko ay 'yung mga patabi-tabi niya sa'kin sa upuan ay may meaning! Lalo
na 'yung mga pabigay bigay niya sa'kin ng food and drinks! 'Yung pagiging gentleman
niya---"

~PLOOOKK!!~

dO__Ob

'A-Ano ba 'yun!'

Napahinto na naman ako sa pagdradrama dahil may tumunog na naman!


Hinanap ko na naman kung saan nanggagaling ang ingay na 'yun! Para siya'ng maliit
na bagay na tumatama sa kung saan!

Inikot ikot ko pa ang paningin ko sa buong kwarto pero WALA!

Wala ako'ng nakita!

~PLOOOKK!!~

~PLOOOKK!!~

~PLOOOKK!!~

dO___Ob

'S-Sa bintana! M-May bumabato sa bintana!'

Dahan dahan ako'ng tumayo at saka lumapit sa bintana.

~PLOOOKK!!~

Isang bato pa muli at binuksan ko na 'yon saka ako dumungaw!

d>>_<<b

ANG BALIW NA SI AKI!

Agad na naningkit ang mga mata ko at tumingin sa kaniya!

"Ano!?"

"Bumaba ka d'yan! Dali!" utos niya pa at napasinghal naman ako ng tingin!

'HA! What now?!'

"Bakit?!" inis na tanong ko!

"Mag-usap tayo!"
dO__ob???

"At ano nama'ng pag-uusapan natin, aber?!"

"'Yung dahilan ng biglaa'ng pag-i-inarte mo kanina?! Nakita mo lang ako umiyak---"

"Tseee! Umalis ka nga d'yan! Nambu-bwisit ka na naman!" inis na sigaw ko at saka


padabog na isinara ang binata!

~PLOOOKK!!~

~PLOOOKK!!~

d>>_<<b

Muli niya'ng binato 'yon kaya naman inis na naman ako'ng binuksan 'to at dinungaw
siya!

"Kapag hindi ka bumaba d'yan---ako ang aakyat d'yan! Kaya'ng kaya ko'ng
buksan 'yang bintana mo kahit naka-lock pa 'yan!"

dO__Ob

Gusto ko sana'ng tumawa pero nakita ko'ng SERYOSO masiyado ang mukha niya!

'What the heck is wrong with him?! Can't I have a time ALONE?! Kailan ba ako
lulubayan ng HAMBOG na 'to!'

"Late na! Tulog na ang parents ko kaya---please!" inis na pagdadahilan ko.

"No."

"Nakapang-tulog na ako e.."

"Five.."

"A-Ano'ng five?!"

"Four.."
dO__Ob

'Is he serious!?'

"Three.."

d>>_<<b

'Nakakainis!'

"Two.."

"Fine! Maghintay ka d'yan---bwisit ka!"

"Bilis!"

"'Wag ka'ng maingay!"

"Mag-iingay ako hangga't hindi ka bumababa d'yan!" sigaw niya pa kaya tinalikuran
ko na siya!

'Letse! Letse! Letse!'

Padabog ko'ng isinara 'yung bintana! Kinuha ko 'yung robe at cellphone ko saka ako
bumaba!

'Nakakainis 'tong hambog na 'to! Gusto ko'ng mag-emote e! Tsk!'

Dahan dahan ako'ng lumabas at hinarap siya!

"Oh?! Ano!" inis na salubong ko sa kaniya pero tinitigan niya lang ako! "What!?"

"Let's go for a walk." bigla'ng ngiti'ng aniya at nanlaki naman agad ang mga mata
ko!

"Walk?! The hell!? At this time of hour!?"

"Yes." tipid na tugon niya.

"Ayoko!"
"Ayaaaw mo?!" malakas na sigaw niya! As in, SIGAW talaga!

d>>_<<b

"'Wag ka nga'ng maingay, ano ba! Baka magising mo ang parents ko!" inis na singhal
ko!

"Then come with me!"

"Bwisit ka talaga!"

"Tch! Maswerte ka nga at niyayaya pa kita e!" mayaba'ng na aniya pa! "HA! Kung alam
mo lang kung gaano karami d'yan ang gusto'ng makasama ako." iiling-iling pa'ng
dagdag niya at lalo'ng nanlaki ang mga mata ko!

dO__Ob

"Wow, ah?! Thank you!" sarkastiko'ng tugon ko!

"Welcome." seryoso'ng tugon niya naman!

'Hambog!'

At wala na ako'ng choice kung hindi sumama sa kaniya!

Okay lang naman sa parents ko'ng lumabas ako sa gabi dahil may tiwala naman sila
sa'kin at saka nababanggit ko na rin naman sa kanila si AKI.

Alam na alam nila ang LAHAT LAHAT sa'kin.

Ganiyan ako kabait na anak.

d--,b

'Pero ang makasama ang HAMBOG na 'to ng ganito'ng oras ay labag na labag sa
kalooban ko! Stressed na nga ako ay mukha'ng mas mai-stress pa ako dahil dito!'

Sinundan ko lang siya hanggang sa marating namin ang park!

May ilaw naman at may nag-iikot na guard kaya ayos lang.


Tiningnan ko ang cellphone ko at nagulat ako sa oras!

11:30pm.

"Super late na, ah!" gulat pa'ng sambit ko.

"So?!"

"Ano'ng so?! Marami ako'ng gagawin bukas! Inaantok na ako!"

"E bakit ka pa bumaba?!"

dO__Ob

"Ha! Baka niyaya mo ako!?"

"Baka pwede'ng tumangge!? Tch! Kung sinabi mo'ng inaantok ka edi hindi na ako
nagpilit!"

"Bwisit ka talaga! Uuwi na'ko!"

"Oooopps!" bigla'ng iniharan niya ang katawan niya sa harap ko! "Umupo ka na
d'yan." turo niya pa sa duyan! "Nagbibiro lang ako."

"Pwes, hindi ko gusto ang biro mo!"

"Tch! Maswerte ka nga at biniro kita e! Marami'ng nag-aasam na biruin ko man lang
sila!"

"Wow, ah!"

"Magpasalamat ka na lang! Hehehe.."

"Oh, e ano nga'ng kailangan mo at nagyaya ka dito ng ganito'ng kagabi?!"

"Wala naman.. Gusto lang kita'ng makausap.." bigla siya'ng sumeryoso at tumaas
naman ang kilay ko. Pumunta siya sa likod ng swing at hinawakan 'yung magkabilang
rehas niyon. "Umupo ka.." yaya niya pa at nginiwian ko naman siya!

do__Ob???
'Pinapaupo niya ako sa swing?! At ano? Itutulak nya?! Wow, ah! Ano'ng trip naman
kaya 'to?!'

Hindi ko siya sinunod at siniringan ko lang siya!

"Umupo ka sabi.." utos muli niya!

"Ayoko! Baka mamaya i-swing mo ng malakas e humagis pa ako!"

"Wow! Parang sobra'ng gaan mo naman, uy!"

"E-Excuse me!?" inis na tanong ko!

"Umupo ka na lang kasi! Iko-comfort nga kita e.."

dO__Ob

Bigla ako'ng natigilan sa sinabi niya.

'Iko-comfort? What for?! Psh!'

Pero ewan ko ba kung bakit UMUPO na rin ako!

d--,b

=================

CHAPTER 6

Pagkaupo ko sa swing ay saka niya 'to dahan daha'ng idinuyan.

Saglit pa kami'ng natahimik pareho bago siya nagsalita.

"Alam ko nung una pa lang na may gusto si Sid kay Riz." panimula niya at natigilan
naman ako. "Malamang, pinsan ko 'yun e! Hehehe! At magkasama kami sa bahay
niya." hindi naman ako sumagot. "Ang totoo, kaya ako nakipagkilala kay Rap ay para
maging kaclose rin namin si Riz. Wala naman sa plano nami'ng tumambay sa kanila
parati. Nagkataon lang talaga'ng parati'ng nagyayaya si Rap sa kanila. Nagkasundo
na rin kasi kami dahil pare-pareho kami ng trip." mahaba'ng kwento niya pa at hindi
pa rin ako nagsalita.

Nakinig lang ako sa kaniya habang idinuduyan niya pa rin ako.

'K-Kung ganon ay SIYA pala talaga at assuming lang ako..'

"Nararamdaman ko rin na may gusto si Riz kay Sid." dagdag niya at napayuko naman
ako.

'Ako kasi.. kahit bestfriend ko siya ay hindi ko talaga naramdaman nung una.
Masiyado yata'ng nakatutok kay Sid ang paningin ko.'

dTT__TTb

"At nararamdaman ko rin na may gusto ka kay Sid." dagdag niya!

Talaga'ng nanlaki ang mga mata ko!

Bigla ako'ng KINABAHAN sa sinabi niya at napapikit!

'N-Nakakahiya! Ganoon ba ako ka-obvious?! M-Malaman, Laubree! Nahalata ka rin ni


Riz e!'

d>>_<<b

'Si Sid kaya?! Nakahalata kaya siya?! Waaaaaaa! Nakakahiya! Huhuhu, naiiyak na
ako..'

"Bago ka pa makilala ni Sid---si Riz na ang gusto niya." dagdag pa ni Aki at mas
natahimik ako. "Pero recently lang yata nagustohan ni Riz si Sid."

Hindi pa rin ako nakapagsalita. Panay buntong-hininga lang ang ginagawa ko habang
nag-iisip at nakikinig. Hindi ko maintindihan kung ano'ng mararamdaman ko.

"Napapansin ko rin na t'wing pupunta kami sa kanila, tinatawagan ka ni Riz para


pumunta ka rin sa kanila." dagdag niya at nakagat ko naman ang pang-ibaba'ng labi
ko. "Siguro dahil alam rin ni Riz na may gusto ka kay Sid." seryoso pa ri'ng
aniya. "Ang bait ng bestfriend mo."

dO__Ob

Natigilan ako sa panghuli'ng linya niya. Napaisip ako at bahagya pa'ng napatingin
sa tagiliran ko!
'Oh my God! Hindi kaya.. Kaya niya sinasabi 'to ay dahil may gusto rin siya kay
Riz?'

Napatakip pa ako ng bibig ko dahil sa naisip ko! Maganda kasi si Riz, simple,
matangkad, maputi at saka maingay! Hehehehe! Kaya naman hindi imposible'ng
magustohan nila'ng pareho si Riz.

"Galit ka ba kay Riz?" bigla'ng tanong niya.

"H-Ha?!" napalingon naman ako sa kaniya. Nakatingin naman siya sa malayo kaya
napatungo na uli ako. "B-Bakit naman ako magagalit sa kaniya?"

"Kasi may gusto ka kay Sid pero siya ang gusto ni Sid."

'OUCH!'

"H-Hindi ah.." sinsero'ng tugon ko.

"E ano lang?"

"Wala." nakanguso'ng sagot ko. "I can understand naman e. If they like each other
then.. a-ano'ng magagawa ko?"

"And how do you plan to approach them this time?" tanong niya at nagtaka naman ako.

"What do you mean?"

"Mmm, kasi syempre.. alam mo ng gusto nila ang isa't-isa. Awkward na 'yun! Lalo na
at alam niyo pare-pareho na may love triangle kayo! Hahahahaha!" sarkastiko siya'ng
tumawa! "You even saw them kissing! Kaya ka nga naging emo at nagtatakbo paalis!"

Inis ako'ng nilingon siya!

'What the heck!? N-Naging EMO?! Letse talaga'ng lalaki 'to!'

"Ka-LALAKI mo'ng tao---tsismoso ka!" inis na sigaw ko sa kaniya!

"Tch! Maswerte ka na nga at napapansin ko pa ang mga ginagawa mo---"

"Pwede ba?!" pigil ko sa kaniya! "Tigil tigilan mo nga 'yang pagiging HAMBOG mo!"
"Sus! Kung alam mo lang kung gaano ka kaswerte---"

"Uuwi na nga ako!"

"Siya, siya! Hindi na! Umupo ka na!" aniya pa na tinapik ang balikat ko. "Ang pikon
mo!"

"Hindi ako pikon! Nakakasuya lang talaga 'yang kahambugan mo! Swerte!? Sa'yo?! HA!
Kamalas malasan para sa'kin ang makilala ka kung alam mo lang!"

"Iba ang hambog sa honest, okay?! Hahahahaha!"

dO__Ob

Hindi ko maintindihan kung bakit nakitawa rin ako sa kaniya!

'Abnormal yata 'tong tao'ng 'to! Grabe!'

"Naks, tumawa.." animo'ng nanunukso'ng aniya pa.

"Nakakainis kasi kayabangan mo e, pero nakakatawa rin.." sagot ko at saka ako


sumeryoso. "Bakit mo nga pala ako niyaya dito?"

"Para nga i-comfort kita! 'Wag ka nga'ng paulit-ulit ng tanong!"

"'Yan na 'yun!? 'Yan na 'yung pagko-comfort mo!?" pagdidii'ng tanong ko pa.

"Oo! Ano'ng gusto mo? Yakap yakapin pa kita!? Nakakadiri!"

dO__Ob

"H-Hoy! Hambog ka talaga! Sino nama'ng may sabi'ng gusto ko'ng magpayakap sa'yo?!
At AKO pa talaga ang nakakadiri---"

"Oh, sige na, sige na! Sumisigaw ka na naman e. Bawal ba'ng magbiro?!"

"Hindi naman kasi tayo close para biruin mo ako, noh!"


"Wow! Pero sumama ka sa'kin ng ganito'ng ka-late?! Hindi pa tayo close n'yan?!"

"Letse! Uuwi na talaga ako! Sapilitan mo ako'ng niyaya dito tapos parang sa'kin mo
pa ibibintang ang pagsama ko sa'yo papunta dito?! Ang KAPAL lang ng mukha mo!"

"Hahahahaha! Masiyado ka kasi'ng seryoso.."

"Ewan sa'yo! Bwisit ka!"

"Tch! Ihagis kita d'yan e!"

"W-What!?" gulat pa'ng tanong ko!

"Joke lang!"

d>>_<<b

'I really can't believe this guy! Ugh! He's annoying!'

Maya maya pa ay inihinto niya ang pagduduyan sa'kin at nilingon ko naman siya.
Pumunta siya sa katabi'ng duyan at doon naupo. Nagduyan siya mag-isa.

"Sana, wala'ng magbago sa inyo ni Riz kahit na ganito ang nangyari." bigla'ng
seryoso na nama'ng aniya at napalunok naman ako.

"A-Ano ba'ng sinasabi mo d'yan? O-Oo naman! Bakit naman may magbabago? At saka.. w-
wala nama'ng may gusto'ng magustohan nila ang isa't-isa. P-Parang ako.. h-hindi ko
naman ginusto'ng magustohan si Sid."

"Kasi kusa'ng nararamdaman 'yun."

Gulat ako'ng napatingin sa kaniya pero nakatingala siya sa puno.

"Kapag na-inlove ka, sa ayaw at sa gusto mo ay inlove ka." aniya ng nakangiti


pa. "Kahit nga pigilan mo ang nararamdaman mo ay hindi mo magagawa. Kasi kusa mo'ng
nararamdaman 'yun. Ganon ang puso natin.. Nagkukusa.. Automatic.. Hindi mo pwede'ng
utusan, 'di tulad ng isip na pwede mo'ng i-control.."

"T-Teka! Teka! S-Sino ba'ng may sabi sayo'ng i-inlove ako kay Sid?!"

"Wala rin naman ako'ng sinabi'ng inlove ka kay Sid, ah??" tatawa tawa'ng tanong
niya!
dO___Ob

'Oo nga, noh!?'

"Hahahahaha! 'Wag ka'ng mag-alala. Normal 'yan." ngingisi ngisi pa'ng dagdag
niya. "Mabanggit lang ang LOVE.. pumapasok agad sa isip natin 'yung tao'ng love
natin."

"E-Excuse me, ah! Hindi ko siya mahal!"

"See?? I told you! Hahahahaha!"

"Hoy! Wala ako'ng sinabi'ng si Sid 'yun!"

"Wala rin naman ako'ng sinabi, ah!? Hahahaha! Masyado ka lang talaga'ng obvious!"

d>>_<<b

'Nakakainis! Bakit ba ganun! Tsk!'

"Pero seryoso, naiintindihan ko ang nararamdaman mo.." aniya pa at napatingin ako


sa kaniya.

'Psh! Seryoso nga ang hambog!'

"Talaga lang, ah?" nakangisi'ng tanong ko.

"Mmm.." tango niya pa. "Hindi ko naman sinasabi'ng alam ko ang nararamdaman mo
pero.. naiintindihan ko. Kasi dumaan na rin ako d'yan."

"Ah, talaga?? Share naman d'yan!" nakangisi'ng tugon ko.

"Tch! 'Wag na! Baka i-tsismis mo pa e!"

"Hoy! Hindi ako ganon, ah!"

"Baka makalimutan mo si Sid kapag na-kwento ko sa'yo??" mayabang na nama'ng tanong


niya!

"Excuse me---pero kaya'ng kaya ko siya'ng kalimutan!" taas noo'ng sagot ko!
"Weee??"

"HA! Oo! Dahil hindi ako 'yung tipo ng babae'ng inaabot ng buwan kung umiyak! Hindi
nga ako gaano'ng nadepress nung nagbreak kami nung first boyfriend ko e!"

"Baka dahil hindi mo mahal??"

"Hindi, ah! Mahal ko siya! Minahal ko siya! Pero kasi, naisip ko na.. kung iiyak
ako ng ilang buwan e para saan pa?! Hindi naman na siya babalik kahit maubos ko ang
luha ko! Psh! At kung babalik man siya---ano'ng dahilan?! Dahil sa AWA?! Nakooo!
Ayoko sa lahat ay 'yung kinakaawaan ako!"

"Pero umiyak ka?"

"Oo naman! Masakit e! Mabilis lang talaga ako'ng nakaka-MOVE ON, kasi apra
sa'kin.. sasayangin ko lang ang oras ko sa pag-iyak! Magpapaganda na lang ako!
Hahaha!"

"Gumaganda ka naman ba?!"

dO__Ob

"A-Aba! Hoy! Baka marami ako'ng admirers!" pagdidiin ko pa!

"Sabi mo e.. Hahahaha!"

"Marami nga!"

"Tch! Saan?! Sa imahinasyon mo?! Hahahahaha! Si Sid nga lang ay hindi mo napa-
inlove sa'yo?! Paano ko pa paniniwalaan 'yang mga admirers-kuno mo!? 'Wag ka nga'ng
clown!"

"H-Hoy!" napapahiya'ng sigaw ko sa kaniya. "Ang KAPAL ng mukha mo, ah! Kung
makalait ka parang sobra'ng GWAPO mo naman?!"

"Wala naman ako'ng sinabi'ng GWAPO ako---KUSA lang 'yang pumasok sa isip mo,
hahahahaha!"

"Hahahahahaha!"

At nagtawanan kami'ng dalawa.


Mukha kami'ng mga tanga!

'Pero in fairness.. hindi ko naisip na ganito pala siya'ng kasama! I mean..


nakakainis siya'ng kasama pero lamang ang nakakatuwa at saya!'

d>>_<<b

'Kung hindi niya lang kasi paiiralin maya't maya ang pagiging hambog niya---edi
sana ay okay na okay siya'ng kasama! Baka siya pa ang nagustohan ko!
Bwahahahahaha!'

Napatingin ako kay Aki na bahagya pa ri'ng nakangiti at nakatingala sa puno.

GWAPO si Aki.

Kung tutuusin ay mas gwapo pa siya kumpara kay Sid. Mas matangkad siya kay Sid. Mas
may katawan siya kumpara kay Sid. Mas gwapo ngumiti kesa kay Sid at mas challenging
ang ang personality kumpara kay Sid.

'Si Sid 'yung tipo'ng madali'ng magustohan. Si Aki naman 'yung masarap magustohan!
Ayiiiiieeee! Gumaganon pa! Oh, siya magbasa ka na lang! Hahahaha!'

d--,b

"Pero.. paano ka nga nakaka-move on sa mga ex mo??" bigla'ng tanong niya at


napaisip naman ako.

"Dalawa pa lang naman ang naging boyfriend ko. Pareho sila ng dahilan kaya nila ako
iniwan."

"Ha? Bakit daw??" taka'ng tanong niya at nilingon ko naman siya. Bigla siya'ng
ngumisi! "Ahh.. Huhulaan ko!?"

"Ano?! Umayos ka, ah!"

"Hahahahahaha! Siguro.. dahil.." nakangisi'ng pambibitin niya pa na animo'ng nag-


iisip pa kunyari!

"Dahil hindi ko maibigan ang SARILI ko sa kanila." pinangunahan ko na siya at saka


nagbigay ng mapait na ngiti.

Wala sa kaniya ang paningin ko pero nakikita ko sa gilid ng mata ko na tumingin


siya sa'kin at hindi nakapagsalita.
Ngumiti ako at saka tumingin sa kawalan.

"Yeah. Hindi ako tulad ng iba'ng babae e. Hindi ko kaya'ng ibigay ang sarili ko sa
boyfriend ko ng ganon ganon lang. Hindi ko kaya. Masiyado'ng mataas ang
expectations sa'kin ng parents ko at ayaw ko sila'ng mabigo." napabuntong-hininga
pa ako. "And besides, I'm too young for that, hahaha! 'Yun nga lang hindi ko
naibigay sa kanila 'yung gusto nila ay iniwan nila ako! Paano na lang pala kung
ibinigay ko na?! Ano na lang ang mangyayari sa'kin?!" natatawa'ng tanong ko na
nilingon pa siya at nakatingin naman siya sa'kin. "Edi ako ang luge! Hahahaha! Alam
ko'ng nowadays, hindi na big deal 'yun pero sa'kin.. big deal pa rin 'yun! Kung
sino man ang mapapang-asawa ko, at least may maipagmamalaki ako na hindi lahat ng
babae ay kaya'ng ipagmalaki! I know it sounds corny pero---"

"No." bigla'ng pigil niya sa sinasabi ko.

dO__Ob

Napatingin ako sa kaniya at nakatingin na siya sa'kin. Masiyado'ng seryoso ang


mukha niya lalo na ang mga mata niya.

"Kahit na sino'ng lalaki ay matutuwa dahil sa sinabi mo." seryoso'ng dagdag niya at
napalunok naman ako. "At kahit kailan ay hindi magiging corny 'yun." aniya pa at
natigilan ako. Saglit pa kami'ng nagkatitigan bago ako nakarecover.

"H-Ha? H-Hahahaha! A-Ah.." iiling-iling na naisagot ko lang. Naramdaman ko ang


pamumula ng mga pisngi ko!

'Ewan ko pero natuwa ako sa naging reaction niya, in fairness! He looks so sincere!
Bawi'ng bawi ang loko!'

"Tch! E hindi naman 'yan ang tinatanong ko e!" bigla'ng singhal niya at gulat na
naman ako'ng napalingon sa akniya!

'Abnormal talaga 'tong lalaki'ng 'to! Pabago bago ng mood! Bwisit!'

"Eh ano ba kasi'ng tinatanong mo!?"

"Kung paano ka nakamove-on sa mga ex mo! Tch! Halata'ng wala ka'ng logic e! Ang
lalayo ng sagot mo sa tanong!"

dO__Ob

"L-Logic?!"
"Sagutin mo na lang 'yung tanong, kung saan saan ka napupunta e.."

"Tse!" singhal ko sa kaniya at nagpanggap na galit pero ang totoo ay natatawa ako
sa kaniya.

'Oo nga naman, Laubree! May point nga naman 'yung hambog! Bakit nga ba iba-iba lagi
ang sagot mo!? Nakakatanga ka lang! Edi siya na matalino! Hehehehe!'

"Mmm.. Ayun nga!" panimula ko. "Pareho kasi'ng ex ko ay iniwan ako. I mean, sila
ang nakipagbreak sa'kin. Kaya masakit talaga. Umiyak naman ako pero mga 2-3 weeks
lang then back to normal na agad. Doon nga lang sa 2-3 weeks na 'yun ay todo iyak
na ang ginawa ko! Para wala na ako'ng iiiyak after that! Hahaha!"

"I see.. Buti nakakapagtiis ka??"

"Pano'ng nakakapagtiis?"

"K-Kadalasan kasi.. ang mga babae ay kung anu-ano'ng habol ang ginagawa n'yan sa
lalaki. Tatawag, magtetext, susundan, pupuntahan at kung anu-ano pa. Hindi mo
ginagawa 'yon??" interesado talaga'ng tanong niya.

"Ahh.." tatangu-tango'ng tugon ko pa. "Mmm.. Ginagawa naman! Siguro mga 3 days to 1
week ko ri'ng ginagawa 'yan. Pero hanggang doon lang, hindi na lumalampas."

"Buti nga ay natitiis mo?"

"Oo. Kasi ako 'yung tipo ng tao na makakapagtiis hangga't kaya. Mas pipiliin ko'ng
magmukok mag-isa kesa magmakaawa'ng balikan nila! Sa huli naman ay ipagtatabuyan ka
lang na parang hindi ka nakilala! At least, kapag nakamove-on ka na, hindi ka
mandidiri sa mga pinaggagagawa mo nung heartbroken ka! Hahahaha!"

"Weird." nakangiti pero seryoso'ng aniya. "Normally kasi ay gaon ang ginagawa ng
mga girls. Baka naman dahil hindi mo sila masiyado'ng minahal? Kaya hindi naghabol
sa kanila?"

"Psh! Stupid! Minahal ko nga sila! Minahal ko sila'ng pareho!" nakangiwi'ng sagot
ko pa at saka bumuntong-hininga at sumeryoso. "Para kasi sa'kin.. ang pagmamahal
ay ibinibigay, ipinaparamdam at ipinapakita kapag KAYO pa! Hindi 'yung kapag iniwan
ka na! Paano pa nila makikita at mararamdaman 'yun kung iniwan ka na nga, 'di ba?!
Kung mahal pa nila ako ay hindi nila ako iiwan! Unless, may valid na reason like
mag-aaral sa States! Pero 'yung reason kasi nila ay hindi katanggap-
tanggap." nakataas pa ang kilay na dagdag ko.

"Hindi ko maintindihan.. Ewan ko, parang may mali, hahaha!" aniya at natawa ako.

"Let's just say, kakaiba ang isip ko.."


"Kakaiba nga.."

"Of course! Because I have wishful thinking.."

"Wishful thinking??"

"Yes! Wishful thinking.. That's how I think.."

"A-Ano yun?!"

dO__Ob

"Psh! 'Yang yabang mo'ng 'yan 'Wishful Thinking' lang hindi mo pa alam!?
Bwahahahahahahaha!"

d-.-b < - - -AKI.

"Peace! Hahahahahaha!" sabi ko na naka-peace sign pa sa kaniya. "Wishful thinking..


'yun 'yung iniisip mo 'yung kung ano'ng gusto mo'ng mangyari kesa sa kung ano'ng
nangyayari in reality. Pagiging positibo sa paligid na negatibo. Ganon!"

"Hindi ko pa rin maintindihan." animo'ng nasusuya'ng tugon niya.

"Ano ba 'yan!" singhal ko! "Ang hirap ipaliwanag e!" reklamo ko pa! "Basta!
Halimbawa ngayon, nalaman ko'ng inlove si Riz at Sid sa isa't-isa! Imbes na
magmaktol ako ay iisipin ko nalang na kaya hindi itinakda si Sid sa'kin ay dahil
may lalaki'ng naghihintay sa'kin! Na 'yung lalaki'ng 'yun ay hihigit pa sa kung
ano'ng nakita ko kay Sid! Ganon!" pangungumbinsi ko pa sa kaniya! "At naniniwala
ako'ng mangyayari 'yun." taas-noo'ng dagdag ko pa!

"Aahh.." tatangu-tango'ng aniya pa at nakitango naman ako sa


kaniya. "Parang niloloko mo ang sarili mo? Ganon??"

d>>_<<b

"Ewan sa'yo! Ang hina mo!"

"Wooow! Matalino ka na n'yan!?"

"Bwahahaha! Hindi naman.."


"Tch! Tumayo ka na d'yan wish-ful thin-ker! Ihahatid na kita sa bahay niyo!"

dO__Ob

Natigilan ako at napatingin sa kaniya pero malayo sa'kin ang tingin niya.

Natuwa ako sa sinabi niya dahil kahit pa may tone of sarcasm ay iba ang naging
dating sa'kin.

'Psh! Gentleman rin pala ang loko! Hindi ako sanay! Hehehehe! Kung iba'ng lalaki
kasi 'to ay kaniya kaniya'ng uwi na! Hehehehe!'

Nag-uusap pa rin kami habang naglalakad papalapit sa bahay namin. Medyo humina na
ang boses namin dahil baka maka-abala na kami ng mga natutulog na tao.

"Oo nga, biruin mo 1:00am na?" bulong ko habang nakatingin sa cellphone ko.

"Ang daldal mo e.. Malamang.."

"Wow, ako pa!? E ikaw nga d'yan.."

"Edi pareho tayo.. Umaangal pa e.."

Napabungisngis kami'ng pareho.

"Wala ka nama'ng pasok bukas e. Labas tayo."

dO__Ob

Natigilan ako sa sinabi niya!

'N-Ngayon lang kami nagkasama ng ganito katino tapos lalabas na agad?!'

"Hoy! Sabi ko wala ka nama'ng pasok bukas, labas tayo!" pag-uulit niya at napalunok
agad ako!

"H-Ha?! O-Oo nga, n-narinig ko." naiilang na tugon ko at iniiwas ko ang paningin ko
sa kaniya.

"Okay. Sabihin mo sa'kin kapag tapos na." aniya at taka naman ako'ng napatingin sa
kaniya!
"Tapos na ang alin?"

"Kapag tapos ka ng kiligin.."

dO__Ob

Napapa-NGANGA pa ako'ng tumingin sa kaniya!

'Ayan na naman siya!'

"What the heck!? Ano namang nakakakilig sa sinabi mo!?"

"Tagal mo magreact e.. Baka kinikilig ka pa.."

"Ha! Sinabi ko na nga ba at hindi mo hahayaa'ng makauwi ako ng hindi mo ako


binabanatan ng kahambugan mo e.."

"Namnamin mo na lang at baka mamiss mo 'yan.. O sige na pumasok ka na.. Bukas, ah?
After lunch susunduin kita dito.. 'Wag ka'ng lalabas hangga't hindi ako dumadating
sa inyo, ipagpapaalam kita sa parents mo.. Pumasok ka na.."

"Eh teka ku-----"

"Pumasok ka na!"

"'Wag ka'ng maingay!"

"Pumasok ka na nga!"

d>>_<<b

Wala na naman ako'ng choice kung hindi pumasok ng bahay!

'Bwisit!'

Pumasok ako at nagderetso agad sa kwarto ko! Syempre, napaisip pa muna ako bago
natulog!

"Aba e kung wirdo ako---ano pa siya?! Mas wirdo naman siya kesa
sa'kin!" nakanguso'ng bulong ko pa sa sarili ko. "Magbibiro tapos seseryoso at
bigla'ng magyayabang?! My God.. Bakit ganon ang pagkatao ng isa'ng 'yon?!"
d>>_<<b

Napatingin ako sa bintana at hindi ko napigilan ang matawa.

Ngayon ay MALINAW ko ng naaalala 'yung reaksyon ng mukha niya nung una'ng beses
nami'ng magkita!

'Hahahahaha! Mukha siya'ng EMOTICON! Salubong ang kilay at halata'ng gulat na


gulat!'

Pero napaisip rin ako..

'Bakit nga ba hindi ko siya natanong kung bakit siya umakyat sa bintana ko?! Tsk!
Hanggang ngayon ay hindi pa siya nakakapag-explain sa'kin! 'Di bale, lalabas naman
daw kami bukas e! Hahahaha! Bukas ko na lang itatanong! Sana lang ay hindi siya
talkshit!'

Napangiti pa ako sa isipi'ng 'yon at saka nakatulong.

=================

CHAPTER 7

Kinabukasan.

~KNOCK! KNOCK!~

"Laubree, anak may bisita ka.." si Mom.

dO__Ob

Napabalikwas ako ng bangon sa kama at dumungaw sa pinto ng kwarto ko!

"S-Sino, Mommy?"

"Hoy! Sabi ko after lunch, 'di ba?! Ano'ng oras na!"

dO__Ob

Nanlaki ang mga mata ko nung marinig ko ang sigaw na 'yon ni AKI!
'Hala ka!'

d>>_<<b

"H-Ha!? S-Sorry, sorry.. Maliligo na ako.. Give me 30 minutes!" malakas ri'ng sigaw
ko.

"Ano'ng 30 minutes?! Ano 'yan---outing?! 5 minutes! Bilisan mo!"

"H-Hoy! Nasa teritoryo kita, ah! Kaya umayos ka! 20 minutes!"

"25 minutes na ako'ng naghihintay dito kaya 5 minutes ka lang dapat!"

d>>_<<b

'I can't believe this! I can't believe that we're doing this! Nagsisigawan kami sa
loob ng bahay namin?! Nandito si Mom and Dad at nagsisigawan kami!? Oh my God.. Ang
kapal talaga ng mukha ng lalaki'ng 'to!'

"Basta, maghintay ka lang d'yan! Mom, paki-asikaso po ang abnoy na 'yan! Love you,
Mom!"

"Okay gooo, anak!"

Uminom muna ako ng water bago tumakbo sa washroom at naligo. After maligo ay hindi
pa ako makapamili ng damit na isusuot ko!

'Nakakainis!'

"Ano ba'ng kulay ang isusuot ko!? Blue!?! Pink?! Black?! Purple!?"

~KNOCK! KNOCK!~

dO__Ob

Gulat ako'ng napalingon sa pinto!

"Hoy, ano!? Hindi ka pa ba nalunod d'yan!?" si Aki.

"A-Ano'ng ginagawa mo d'yan!?"


"Kausap ka malamang! 'Wag ka'ng T.H.! Hindi kita papasukin d'yan.. Takot ko lang..
Bilisan mo!"

"Kapal talaga.. Maghintay ka d'yan! Namimili pa ako ng isusuot ko!"

"Bilis.. Ayy, teka! 'Wag kang magsusuot ng kung anu-ano, ah!"

dO__ob??

"Ano'ng kung anu-ano!?" inis pa'ng tanong ko!

"Ayoko nung mga pinagsususuot mo kapag nagpapacute ka kay Sid, 'wag ganon ang isuot
mo! Ayoko ng masyado'ng maikle! Magpantalon ka na lang! Hindi si Sid ang kasama mo!
Ako kasama mo! Ako! Kaya umayos ka!"

d>>_<<b

'Ano'ng umayos?! Hindi ba maayos 'yung suot ko kapag pumupunta kila Riz?! At saka
ano'ng nagpapacute!? Hindi naman ako nagpapacute! Bwisit!'

Pinili ko 'yung sando'ng Maroon at nagpantalon na lang ako tulad ng sabi n'ya at
sneakers. Maya maya pa ay bumaba na rin ako.

dO__Ob

Pareho kami'ng GULAT na napatingin ni Aki sa isa't-isa!

"Oh!? May sinabi ba ako'ng mag-Maroon ka!? Halata'ng magde-date tayo n'yan e..
Nakakainis!"salubong talaga ang mga kilay na singhal niya!

"Aba! Ano'ng malay ko'ng naka-Maroon ka rin!?"

"Magpalit ka!"

dO__Ob

'My God, I really can't believe this! Sinisigawan niya ako sa harap ng Mommy ko at
si Mommy naman ay tatawa tawa pa!?'

d>>_<<b
"B-Bakit ako ang magpapalit!? Edi ikaw ang magpalit kung gusto mo!" inis na sigaw
ko rin sa kaniya!

"Ang layo ng bahay ni Sid! Ikaw na!"

"Hahaha.. Natatawa ako sa inyo'ng dalawa.." bigla'ng singit ni Mom kaya pareho
kami'ng napalingon sa kaniya. "H'wag ka ng magpalit anak, bagay naman e..
Magkapareho'ng magkapareho ang kulay, parang iisa'ng tela lang ginamit sa suot
niyo.."

"Magpapalit na ako Mommy, ayoko'ng kapareho 'yang bwisit na 'yan.."

"H'wag na, hija.. Okay naman e, ayaw niyo nun? Terno kayo ng kulay.."
pangungumbinsi pa ni Mommy.

"O sige na nga, halika na.. Dalian mo.. Tagal tagal mo'ng kumilos.." bigla'ng yaya
ni Aki.

d>>_<<b

"Ganyan talaga ang mga babae!" nakanguso'ng sagot ko.

"Hindi ka naman mukha'ng babae e.. Hahaha!"

"Ang lakas ng loob mo'ng gan'yanin ako sa harap ng Mommy ko, ah!? Nasa!n na ba si
Daddy, Mom?! Ipapasapak ko lang 'tong hambog na 'to!"

"Nagbabasa ng dyaryo sa labas si Tito, bilisan mo na d'yan.. Ipinagpaalam na rin


kita sa kanila, since katiwa-tiwala ang gwapo ko'ng mukha, pumayag naman sila..
Tuwa'ng tuwa pa nga e, hindi ba Tita??" sabi niya na kumindat pa kay Mom!

dO__ob

"Yuck!" pasinghal na inarte ko.

"Sus.. 'Wag ka'ng mag-alala dahil hindi'ng hindi kita kikindatan! Tara tara.. Ah,
Tita, aalis na po kami, ihahatid ko rin po siya pauwi.."

"O sige, sige, mag-iingat kayo, ah? Magpaalam kayo sa Daddy n'ya bago kayo umalis."

"Opo.."
"Sige na, ingat.."

"Bye bye, Mommy.. Dala ko po phone ko, text text na lang.."

"Okay, baby.. Enjoy ha? I love you.."

"Opo.. I love you too po.."

Lumabas na kami ng bahay at lumapit naman kay Daddy.

"Tito! Aalis na po kami ni Aubrey.."

do__Ob

"Ano'ng Aubrey!" inis na hinampas ko pa ang balikat niya!

"Aubrey ang tawag ko sa'yo, 'di ba?! Tito, una na po kami.. Ihahatid ko rin po siya
pauwi.."

"Okay, Aki.. Take care of my Princess, okay?"

"Yes, Sir!" tugon ni Aki na nagsalute pa kay Daddy!

"Bye bye, Daddy, dala ko po phone ko text nyo na lang po ako.. I love you
po..*mwah*"

"Just enjoy the day my Princess.. I love you too.."

"Let's go, Aubrey?"

"Ano ba! Aubrey ka ng Aubrey e aso mo 'yun!"

"Tch! Asa! Kapag 'yung aso ko ang tinatawag ko, may lambing ang bigkas ko.. Okay?
Kaya 'wag mo"ng ikukumpara ang sarili mo sa kan'ya!"

dO__Ob

"Grabe.. Kayabangan naman talaga!"

Natatawa siya'ng inalalayan na lang ako papunta sa sasakyan.


dO__Ob

Pero 'di pa man kami nakakasakay ay nanlaki na sa pagkamangha ang mga mata ko!

"Wow! Kanino 'to?!" napapanganga'ng tanong ko.

"Akin.."

"Weeeeh?"

"Oo nga.."

"Angganda!"

"Alam ko!" aniya pero hindi na 'yun pinansin pa.

Inalalayan niya ako pasakay sa passenger's seat.

Inilinga ko naman agad ang paningin ko sa kabuuan ng loob ng vintage car niya.

"Ang astiiiggg.." namamangha'ng bulong ko pa.

"Astig, 'no? Vintage sa loob at labas.."

"Oo, super! Ang astiiig, sobra!"

"Tch, inulit mo lang lahat ng sinabi ko e!" dinig ko pa'ng bulong niya.

Pinaandar niya na ang sasakyan at saka nagsalita ulit.

"Mahilig kasi ako sa vintage.."

"Talaga!? Ako rin e!!!" natutuwa'ng sagot ko habang inililinga ang paningin ko sa
loob ng sasakyan.

"Baka meant to be nga tayo??" tumatawa'ng sabi niya.

"Meant to be!? What the heck!?"


"Hahaha! Una, kila Sid. Pangalawa, 'yung sa damit, hindi mo naman alam na naka-
Maroon ako e, nagkusa ka'ng nag-Maroon, hindi ko rin alam na magmama-Maroon ka.
Tapos ngayon, sa vintage na pareho nati'ng gusto! Baka meant to be nga tayo!?
Hahaha!"

"Psh! Hanep sa conclusion, ah! Hindi ba pwede'ng nagkataon lang muna?! Meant to
be.. Meant to be.. Dami mo'ng alam!"

"Naniwala ka naman.."

dO__Ob

d>>_<<b

'Nakakainis talaga! Wala ako'ng maisagot sa mga banat niya! Hambog kasi!'

Maya maya pa ay nasa Mall na kami.

"Pareho pa tayo'ng hindi nagla-lunch kaya maglalunch muna tayo.. Saan maganda?!"
tanong niya pa.

Sabay kami'ng luminga sa buo"ng floor..

"JAPANESE FOOD!!"

dO__ob

Sabay namin iyo'ng naisigaw at pareho pa kami'ng nakaturo sa isa't-isa!

d>>_<<b

"Sabi sayo---meant to be tayo e.. Hahaha!" nakangisi'ng pang-aasar na naman niya!

"'Wag ka'ng ano! Coincidence lang 'yan!"

"Alam ko, hahaha! Asa ka naman!"

"Tse!"

Pumunta kami sa Japanese Resto at kumain, nagkwentuhan rin kami habang kumakain.
After kumain ay saka kami pumunta sa Cinema, bumili siya ng tickets for two sa last
full show at nagyaya'ng pumunta sa Game Zone.

Hindi ko alam laruin lahat ng arcade games kaya pinanood ko na lang siya'ng
maglaro. Pero nakakadalawa'ng games pa lang siya ay tumayo na siya at niyaya ako sa
mga baril barilan ng Zombie!

"Tara!"

"Oh? Ayaw mo na agad?" tanong ko.

"Hindi. Don tayo. Maganda don!" nakangiti'ng sabi niya habang nakaturo doon sa Dawn
of the Dead na game.

"B-Bakit don!?"

"Eh nakatunganga ka lang sakin d'yan e! Kaya nga tinawag na DATE! Dalawa tayo'ng
dapat mag-enjoy.. Lika na, bilisan mo!" sabi niya habang naglalakad pa papunta don.

dO__ob

Hindi naman ako nakapagsalita agad dahil natuwa ako sa sinabi nya. Nakangiti ako'ng
sinundan lang siya ng tingin.

"Hoy! Bilis!"

"H-Ha?! O-Oo.. Hehehe.."

Pareho nga nami'ng nilaro 'yun at mukha naman ako'ng TANGA! Dahil tuwa'ng tuwa ako
kumpara sa kanoya! Libang na libang ako sa kalalaro, nakakaadik pala yun!

Pero nakakangalay dahil nakatayo ka lang. Kaya naman niyaya niya naman ako don sa
car race. Magkakampi na naman kami don sa car race at mukha na naman ako'ng tanga
dahil tuwa'ng tuwa lalo ako kalalaro!

Nung mawala na 'yung ngalay ko ay niyaya ko na naman siya doon sa Zombie at naglaro
na naman kami doon.

Kaya naman hindi namin namalaya'ng 3 hours na pala kami'ng nandon sa Game Zone!

=================
CHAPTER 8

"Hindi ko namalayan ang oras grabe.."sabi ko habang naglalagay ng sanitizer sa


kamay.

Katatapos lang namin maglaro at palabas na kami ng Game Zone.

"Paano?? Tulo na laway mo sa sobra'ng tuwa.. Hahaha!" pang-aasar na naman niya!

"Hoy, excuse me, ah! Ikaw nga d'yan e, may papadyak padyak ka pa! Takot sa Zombie!?
Hahaha!"

"Tch! Asa! Nagutom tuloy ako.. Tara, saan mo gusto'ng kumain!?"

Pareho na naman kami'ng lumingon sa buong floor.

"Burger King!"

Napasigaw ako!

This time ako lang ang sumigaw..

Nagulat ako ng bigla siya'ng ngumiti sa'kin.

d>>_<<b

'S-Sino ba'ng may sabi'ng pwede niya ako'ng ngitian ng gan'yan!? Huhuhu!'

"Mukha'ng meant to be nga talaga tayo, ah?!" nakangisi'ng aniya at naglakad na


papalayo sa'kin.

Nagtataka'ng hinabol ko siya ng tingin..

Pero..

"H-Heyy.. Wait for me!" sigaw ko.

'Um-english bigla, Laubree?!'

dO___Ob
'Maka-ARTE lang, ba't ba!'

Vd^_^bv

Sumabay ako sa kan'ya sa paglalakad at sabay kami'ng pumasok sa BK.

Umupo agad ako at siya na ang um-order.

Nagdaldalan kami habang kumakain.

"Nag-eenjoy ka naman ba?" tanong niya.

"Mmm, so far, OO! Hahaha!"

"Good.. Mamaya sa photobooth tayo.."

dO__Ob

"Photobooth?!" patanong na tugon ko.

"Hindi mo alam 'yun!? Ano ba 'yan! Kababae"ng tao--hindi alam ang photobooth!"

"Alam ko, 'noh! Pero bakit doon!?"

"Para magpapicture tayo!"

"Alam ko! E bakit magpapapicture!?"

"Para may remembrance, malamang! Alam mo naman kung para saan lahat e nagtatanong
ka pa! Tch!"

dO__Ob

Nagkatingan pa kami sandali at saka natawa kami'ng pareho.

"Ang cute nila'ng tignan, ano?"

"Oo, bagay na bagay sila'ng dalawa.. Magkahawig na nga sila e.."

do__Ob
Napalingon ako doon sa nag-uusap mula sa kabilang table. Dinig na dinig mula sa
table namin ang usapan nila.

Dalawa'ng grandmommy! OMG! Nakatingin sila sa amin at nakangiti.

dO__Ob

'H-Hindi po kami mag-ON.'

"'Wag mo na sila'ng tignan.. Mali ang imahinasyon ng mga 'yan, hahaha.." bigla'ng
sabat ni Aki at nilingon ko naman siya.

"Oo nga, hahaha!"

Natawa kami pareho sa sinabi niya.

After namin kumain ay pumunta nga kami sa Photobooth.

Nung una ay magkatabi lang kami sa picture at parang nasa class picture lang!

"Umayos ka kasi! Parang passport picture naman 'tong ginagawa natin!"

"Tch! E ikaw 'tong derechong derecho kung magpose dyan e! Ginagaya lang kita!"

dO.Ob

"Hahah! Edi tara magwacky tayo!"

Ipinatong ko ang siko ko sa balikat nya at pumose ng kung anu ano.

Maya maya pa ay umakbay na sya sakin! At pagkatapos..

"Oh, ikaw naman ang umakbay sakin!"

dO.Ob

"Ha?! Hindi ko abot!"

"Ano ba yan! Bansot! O dali!"


nagpaliit sya kaya naiakbay ko ang kamay ko sa kanya at nagshot na naman.

Haharap na sana ako sa kanya ng biglang pumunta sya sa likod ko at yumakap..

dO.Ob

Maya maya pa ay.. Inilapit nya ang mukha sa pisngi ko, napatingin ako sa kanya at
nagkatinginan kami...

d>__<b

5... 4... 3... 2... 1..

~CLICK!~

"Tapos na.."nakangiting sabi nya.

Hindi ko namalayang nakatitig pa rin pala ako sa kanya.

"Hoy! Tapos na!"sabi nya sakin na inuuga pa ako sa magkabilang balikat ko!

d>_<b

"H-Ha?! Ahh hahahaha! Oo nga.."

‘Nakakahiya.. Badtrip..’

"Tch.. Wag ka kasing titingin sakin! Napapanganga ka e hahaha!"

dO.Ob

"Kapal talaga.."mahinang sabi ko.

"Wait lang po Sir.."nakangiting sabi samin nung babae.

Maya maya pa ay iniabot na samin yung mga pictures.. Pumunta kaming Starbucks at
don namin isa isang tinignan ang mga pictures! Kanina nung kumakain kami ay
magkaharap lang kami! Pero dito sa Starbucks ay magkatabi na kami! Psh! At naiilang
na ako sa kanya!
dO.Ob

'My God.. Anong nangyayari sayo Laubree?? Umayos ka.. Please..'

Dahil parang natutulala ako sa kanya kapag nakikita ko syang ngumiti! Ang sarap
nyang titigan promise! Lalo na habang nakatingin sa picture namin at bigla syang
ngingiti!

"Hoy!"sigaw nya sakin.

dO.Ob

"H-Ha?!"

"Tch! Ikaw ah! Akala mo hindi ko napapansing tinititigan mo ko ah! Baka mainlove ka
sakin?!"

"Kapal talaga!!!"

"Sus.. Ikaw rin.. Baka mahulog ka sakin.."

"Excuse me! H-Hindi mangyayari yun!"

"Siguraduhin mo lang!"

"Baka ikaw!"

"Asa.. Hindi kita type!"natatawang sabi nya. Parang napapahiyang nakitawa na lang
ako sa kanya.

"Nice.. Tignan mo 'tong last shot natin, nakatingin tayo sa isa't isa.."

"Patingin nga!!! O-Oo nga noh.."

"Kakaiba yung titig mo sakin ah.."nakangiting sabi nya.

dO.ob

Nakakainis! Ang gwapo nyang ngumiti huhuhu. Parang gusto kong matunaw!
d>_<b

"Parang mamamatay tao ba?! Hahaha!" biro ko.

"Hindi.. Parang inlove na inlove lang... Hahaha.."

dO.Ob

"Ang yabang ah! Hinding hindi mangyayari yun!"

"Siguraduhin mo lang.."nakangiting sabi nya sakin.

"Sigurado na!"

"Dapat lang.. Dahil hindi kita kayang saluhin.."biglang seryoso pero nakangiting
sabi nya. Hindi ko naman yun pinansin.

Lumipas ang oras at pumunta na kami sa Cinema. Dear John ang papanoorin namin.

Sa loob ng Cinema, naiilang pa rin ako at hindi ko pa rin maiwasang hindi sumulyap
sa kanya, pero nung nasa bandang malapit ng mag-end yung story ay wala na akong
ginawa kung hindi humagulgol sa kaiiyak dahil nakakaiyak naman talaga yung movie!
At palahaw naman ako ng iyak nung nasa hospital ang Daddy ni John at nasa labas ng
room at doon nakahiga! My God! Huhuhu iyak ako ng iyak don sa part na yun! Super
nakakaawa yung Daddy nya huhuhu!

Pagkalabas ng Cinema.. Nagulat ako ng bigla nya akong hawakan sa magkabilang


balikat ko at titigan ako sa mata ko..

d>__<b

'Aki... Please don't be like this...'

"You're starting to make me a little nervous. "sabi nya.

dO.ob

d>_<b

"H-Ha?! W-Why??"

"Because I'm starting to think you might be too good of a person for me..."
dO.Ob

Parang pinisil yung puso ko nung sinabi nya yun.. My God ah! Hindi ko kinakaya 'to!

d>__<b

Napatitig ako sa mga mata nya at kitang kita ko ang sincerity nya..

"I d-don't know what to say.."

"Tch! Tuleg! Ang sabi ni Savannah don e,'Oh. No, I'm not that good of a person. '!
Hindi mo iniintindi yung mga lines e! Puro ka iyak!"

dO.Ob

Naiwan akong.............NGANGA!

d>__<b

"I k-know okay!"inis kong sabi sa kanya at nauna ng maglakad! Nakakinis!

"Hoy! Wait for me!"humabol sya sakin pero derederecho pa rin ako sa paglalakad.

Nakakainis! Kinarir ko yung moment tapos ginagaya nya lang pala yung mga lines don
sa movie?! Inintindi ko yung mga lines at hindi ko minemorize!! Bwisit na lalaking
'to! Kung krimen ang pagiging hambog, habangbuhay ang sintensya nya!

"Magdinner muna tayo bago umuwi.. Huyy.. Huyyy.."hinahawakan nya ako sa braso pero
inaalis ko at nagderederecho pa rin ako sa paglalakad.

"Huyy.. Ano bang nangyari sayo!? Nagbibiro lang ako.."

"Psh! Yun nga e! Nagbibiro ka lang!"

dO.Ob

Pareho kaming napahinto sa paglalakad..

*LUNOK*
'Uh-oh! Did I just sa-----.. Hindi 'to totoo.. Hindi 'to totoo!!!!!!!!!'

dO.Ob

"A-Anong sabi mo?"tanong nya habang sinisilip ang mata ko kaya yumuko ako.

dO.Ob

Yumuko pa ako lalo.

"W-Wala.."

"May sinabi ka e.. Ano nga yun?"pinipilit nya akong tignan sa mata pero yumuko ako
ng todo todo!

d>__<b

'Huhuhu! Laubree! Ang tanga mo!'

Huhuhu! Bakit ba kasi yun ang lumabas sa bibig ko!? Sa isip ko lang dapat yun e!
Nakakainis! Nakakahiya na! Huhuhu! Lord, gusto ko na pong magteleport now na po
huhu.

"Huyyy.."

"Wala nga kasiiiii!!!"

dO.ob

Nagulat ako ng bigla syang umupo sa harap ko ay sinilip ang mukha ko! Pilit akong
nagtago sa buhok ko at itinodo ang pagkakayuko.

"Naaaayyy!!!! Ikaw ah!" tumatawa syang tumayo.

"A-Ano yun!?"

Nakangiti syang tumitig sakin! Iniiwas ko naman yung tingin ko sa kanya pero
hinabol nya ako ng ulo nya.

"Bakit hindi ka makatingin sakin?? Ha!? Ha!?"biro nya sakin.


"A-Ano ba.. Tara na nga umuwi na tayo.. B-Baka hinahanap na ako nila M-Mommy.."

"Tignan mo nauutal ka pa.. Hindi ka naman ganyan kanina ah!? Ano yun ah!?
Naaayyy.."

"Ano ba!!!!! Umuwi na kasi sabi tayo e!"

"Hindi tayo uuwi hanggat hindi mo sinasabi sakin!"

"Bahala ka dyan! Uuwi ako mag-isa!"sabi ko at naglakad na ulit!

Nakakainis! Hindi ko na matagalan yung tingin nya ngayon!

'Anyyyarreeeh ba?! Bakit biglang nagkaganon Laubree!? Nanood lang ng Dear Jogn
gumanyan na?! Anong nangyari!? Wala naman kayong kaparehong eksena sa Dear John
ah!?'

"Huyyyy hintayin mo ko, sige na sige na uuwi na tayo.. Bibilan ko lang ng cake ang
Mommy mo at pasalubong para kay Sid.."

Huminto ako sa paglalakad.

"Sige na bumili ka na hihintayin na lang kita dito.."

"Samahan mo na ako sa loob.."

dO.Ob

"Wag na.. Ikaw na lang, bilisan mo ah!?"

Pumasok sya sa Red Ribbon. Mukha akong tanga nakakainis! Naiilang na tuloy ako sa
kanya! Ang engot kasi!

Hanggang sa makauwi kami ay ilang na ilang ako sa kanya! Hindi ko na sya nilingon!

"Ang aga nyo namang umuwi?"si Mom.

"Pagod na po yata anak nyo e, nagsusungit na kasi.. Eto po pasalubong.."

"Oh, nag-abala ka pa.. Laubree anak, bakit naman sinusungitan mo 'tong si Iñaki??"
dO.ob

"Iñaki!?"takang tanong ko. Napatingin ako sa kanya.

"Hindi mo alam ang pangalan ko!? Sumama ka sakin buong maghapon ng hindi mo alam
ang pangalan ko!?"natatawang tanong nya.

"H-Hindi ko a-alam na..."

"Hahahah! Hindi mo alam na ano? Na ganon kaganda yung pangalan ko? Haha! Nickname
pa lang pamatay na kasi e noh? Iñaki.. Gwapong gwapo! Hahaha! O sya.. Sige na sige
na, mauna na ako, baka gustom na si Sid.. Thanks for today! Goodnight! Matulog ka
na ha? Tita, Tito, salamat po.. Mauna na po ako.."

dO.Ob

"O sige sige iho.. Ingat ka pauwi.."

"Dalaw ka ulit sa susunod iho.. Salamat rin.."si Dad.

dO.Ob

Umalis na sya. Umakyat naman ako sa room ko pagkatapos kong magpaalam kay Mom and
Dad. At pagkatapos mag shower ay nahiga na at napaisip.

"Iñaki.. Iñaki.. Iñaki.. Iñaki.. Iñaki.. Shhhkk.. Saan ko nga ba nabasa ang Iñaki
na yun?!"inis na tanong ko sa isip ko. Hindi ko talaga maalala.

d>_<b

Dahil mas naalala ko yung nangyari kanina sa Mall!

"Ang tanga tanga huhu, ano bang nangyari sakin?! Hindi naman kasi agad ako
nakarelate dun sa sinabi nya e! Nakoooo! Pano nako haharap sa kanya nyan!? Sa
kayabangan nun malamang e aasarin na ako lalo nun! Nakakainis!"napatingin na naman
ako sa bintana.."Hala! Hindi ko naitanong! Tsk! Nakalimutan ko.. Di bale.. Bukas
kapag nagkita kami itatanong ko sa kanya kung bakit sya umakyat sa bintana ko
hehehe.."

=================

CHAPTER 9
Kinabukasan.

Maaga pa rin ako'ng nagising, dumeretso kami sa church nila Mom tulad ng weekly
nami'ng nakasanayan.

At doon, nakaramdam ako ng inis dahil hindi ko maiwasa'ng hindi ilibot ang mga mata
ko dahil umaasa ako'ng makikita ko si Aki doon! Pero hindi ko siya nakita!

Ending..

"Braaaahhh!!!"

d-.-b

"R-Riz.."

"Parang ang tagal nati'ng hindi nagkita, ah! Hindi ka na kasi pumupunta sa bahay
e!"

"Ano ka ba, parang kelan lang e.. Hahaha! Sino'ng kasama mo?"

"Ahh.. Ehh.."

"Hi, Laubree!" singit ni Sid.

"H-Hi.. Naks naman, sabay kayo'ng nagchurch? Sweet!" nakangiti'ng panunukso ko.

"H-Ha?? N-Nagka---"

"Ano ba, Riz! Hahaha! Alam ko na 'yung something niyo, noh! Ako pa ba naman
pagtaguan niyo!"

"H-Ha? E-Eh kasi.."

"Ano ka ba! Bestfriends tayo, maiintindihan ko lahat 'yan! Kapag mahirap, pipilitin
ko pa ri'ng intindihin! Hahaha! Okay lang 'yun.. At saka isa pa--"

"Tara ta----"

dO__ob
Natigilan ako sa sasabihing nung bigla'ng sumingit si..

'Si Aki!'

d>>_<<b

Nagkatinginan kami'ng dalawa pero parang nagulat lang siya'ng nakita niya ako!

'Samantala'ng ako parang naexcite bigla dahil kanina ko pa siya hinahanap!


Nakakainis lang iyung feeling, ah! That feeling! Kainis!'

d>>_<<b

"Oh! Nagchuchurch ka pala!? Haha!" ngingisi ngisi pa'ng tanong sakin ni Aki.

dO__Ob

"O-Oo naman.. O siya, siya, sige na, mauna na kami nila Mommy, Riz see you
tomorrow! I miss you!"

Hindi ko na sila hinintay magsalita at umalis na ako agad.

'Nakakainis kasi e! Biruin mo ang tagal ko'ng nagpalinga linga don kakahanap sa
kan'ya tapos nung magkita kami parang ako lang ang na-excite!? Hmp!'

d>>_<<b

Days passed.

Mas naging super close kami ni Riz dahil pati ako kinikilig sa love story nila ni
Sid! Pero hindi ko pa rin naikukwento sa kaniya 'yung tungkol samin ni Aki!

No.. I mean hindi ko pa nakukwento sa kan'ya 'yung feelings ko for Aki..

Yes, I think I like him..

'Nakakainis! Ilang gabi ko rin nama'ng pinag-isipan, pero kasi 'yun talaga e!
Parang gusto ko na talaga s'ya.. Hindi s'ya mawala sa isip ko!'

Minsan mukha ako'ng tanga na sumisilip pa sa bintana at tinitingnan kung dadaan


siya! Hindi na rin kasi kami makatambay kila Riz dahil busy si Rap sa pagrereview
at may mga exams rin kami at kailanga'ng magfocus!

5 days ko ng hindi nakikita si Aki ngayon! At naiinis ako! Wala ako'ng gana'ng
gumawa ng homeworks ko at projects, pate pagrereview ko naaapektuhan na!

Until one Saturday morning.

"Good morning, Aubrey!"

dO__Ob

Hindi ko na kailangan magtanong dahil alam ko ma kung sino 'yon.

Dahan dahan ako'ng humarap sa kaniya.

"A-Ano'ng ginagawa mo dito!?" gulat na tanong ko at saka napatingin sa kabuuan


niya. "At b-bakit gan'yan ang suot mo?!" napatingin uli ako sa kaniya mula ulo
hanggang paa!

dO__Ob

Nakablue siya na jumper at red na shirt.

'Bigote at red hat na lang ang kulang.. para na siya'ng si Super Mario sa suot
niya!'

d>>__<<b

At gusto ko'ng tumawa ng marami! Nang marami'ng marami!

'Bwahahahaha! Mga 130 na tawa.. Hehehe!'

d--,bv

"Kanina kasi nagjogging ako, nakasalubong ko ang parents mo at ang sabi nila ay
magpipintura ka daw, sabi ko sa kanila ay tutulungan na kita!" nakangiti'ng sagot
niya.

dO__Ob

"K-Kaya ko magpintura mag-isa.."


"Alam ko! Pero mas madali'ng magpintura kung tayo'ng dalawa, hehe.. Mapapabilis na,
for sure mas mapapaganda pa!"

"At baket!?"

"Kasi mahilig ako sa ARTS.."

dO__Ob

"Hindi kailangan ng arts mo 'yung pipinturahan ko.." mataray na sagoy ko at saka


tinalikuran uli siya.

"Tch! 'Wag ka ng magsungit! Sayang 'tong pormahan ko, oh!" aniya at muli'ng
nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. "Dali na tutulungan kita! Kape lang
kapalit!" nakangiti pa'ng dagdag niya.

"H'wag na!"

"Tch, ang aga aga ang sungit mo! Papangit ka n'yan!"

dO__ob

Tinalikuran ko uli siya at saka ako palihim na napangiti ng nakakagat-labi.

'So nagagandahan s'ya sa'kin!? Ganon?! Yiiiieee!'

d>>_<<b

'Hindi, Laubree! Hindi pa rin pwede!'

"Umuwi ka na lang baka may gagawin ka pa!" pagtataray ko pa habang abala pa


kunwari'ng nagbubutingting ng mga gamit pangpintura ko.

"Wala ako'ng gagawin, dito na lang ako.." malumanay na tugon niya at saka tumakbo
papalapit sa'kin at binuhat 'yung mga pintura! Agad nama'ng nagsalubong ang mga
kilay ko!

"Ano ba!" sigaw ko pa sa kaniya!

"H'wag ka nga'ng magsungit! Wala naman ako'ng ginagawa sa'yo, ah!? Bakit ba ang
sungit sungit mo bigla sa'kin!?"
"E-Eh k-kasi--"

"Alam mo 'yung mga ganya'ng arte?? Kadalasan ang dahilan ng mga ga--"

"O sige na, sige na! Andami mo'ng sinasabi! Magsimula na tayo para matuyo rin
agad!"

"Para iilang araw lang ako'ng hindi nagpakita sa'yo nagkaganyan ka na.. Naging busy
lang, okay? O 'wag ka ng magalit.. Nandito na ko.. Haha!"

dO__Ob

"Ang kapal ng mukha mo, ah!"

"Hahaha! Biro lang.."

"Letse!"

Ngumisi lang siya sa'kin at maya maya pa ay nagsimula na kami'ng magpintura,


tahimik lang kami pareho.

'Sana magsalita na siya..'

d>>_<<b

Maya maya ay tumayo siya sa kinauupuan niya at medyo lumayo sa pwesto namin at
tinitigan ang buong wall ng bahay. 'Yung wall sa labas ng bahay kasi ang
pinipinturahan namin.

"Ano'ng ginagawa mo??" inis na tanong ko.

"Mmm, parang may kulang e.."

"Ha? Ano?"

"Drawing-an natin gusto mo?"

"Psh! 'Wag na! Baka magalit si Mommy! Gusto niya ay simple lang!"

"Tch! Hindi naman anime ang ido-drawing natin d'yan! Akina nga 'yan!" agaw niya sa
brush! "Wala ka'ng ka-taste taste sa arts!"
dO__Ob

"Taste your face!"

"Alam mo ba'ng fine arts student ako?" seryoso'ng aniya habang nakatingin sa
pinipinturahan niya, gualat naman ako'ng napatitig sa kaniya. "'Wag mo ako'ng
titigan! Ituloy mo 'yang ginagawa mo!"

d>>_<<b

'Bakit ba alam niya lahat ng kilos ko!?'

d>>_<<b

"Kami'ng dalawa ni Sid, fine arts student kami pareho.."

"H-Hindi ko alam.."

"Malamang! Hindi naman namin binaggit sa'yo e, hahaha! Pero nagstop ako e.."

dO__Ob

Napatingin na naman ako sa kaniya.

"H-Ha? B-Bakit?"

"Nawalan ako ng gana'ng mag-aral e.. Nawala 'yung inspirasyon ko.."

dO__Ob

'Inspirasyon?? Tao ba 'yun? Malamang.. Girlfriend niya??'

"Siya ang pinakamahalaga'ng babae sa'kin, sa kan'ya lang umiikot ang mundo ko.. E
nawala s'ya, ayun.. Biglang huminto! Hahaha!"

'Ouch, ah!'

d>>_<<b
Hindi ako nakapagsalita.

"Nabanggit ba sa'yo ni Riz na hindi ako taga-dito?"

"H-Hindi.."

"Hahaha! Malamang! Hindi ko rin naman sinabi kay Riz e.. Ewan ko lang si Sid..
Haha!”

dO__Ob

'Abnormal talaga! 'Yung pinaghalo'ng abnoy at hambog!? Alam mo 'yun?! Sarap


manapak!'

Abnoy + Hambog = ???

d>>_<<b

“Nagbabakasyon lang ako kila Sid! Hindi talaga ako taga-dito.. Since maluwag naman
ang sched ni Sid, pinapunta na muna ako ng Mommy niya dito para samahan si Sid..
Nasa States kasi ang parents namin pareho.."

"Ah.. E saan ka nakatira?"

"Taga-Makati ako.."

"I see.. E bakit hindi ka mag-aral ulit?"

"Oo nga e, nauungusan na ako ng pinsan ko.. Haha! Mag-aaral na ulit ako.."

"Ah, talaga?? Kailan?"

"Next sem, malamang! Pwede ba naman ako'ng mag-aral ngayon!?"

"Sorry naman! Buti naman, mag-aaral ka na ulit.." sabi ko pa habang nakatuon sa


pagpipintura ang paningin.

"Inspired na ulit e.."

dO__Ob
Napahinto ako sa pagpipintura dahil naramdaman ko'ng tumingin siya sa'kin!

d>>_<<b

*LUNOK!*

Dahan dahan ako'ng lumingon sa kaniya at saka nagtama ang mga paningin namin.
Nakangiti siya sa'kin!

d>>_<<b

"W-What do you mean?" napapalunok pa'ng tanong ko.

"Inspired na kasi ulit ako kaya gusto ko ng mag-aral ulit.." malumanay niya'ng
tugon.. at saka ngumiti!

'Yaaaaaaaa!'

Para ako'ng tinutunaw nung mga tingin niya!

"A-Ah, h-hahaha.. Ayos 'yan.. H-Hehe.." naiilang na nasabi ko nalang at saka


iniiwas ang paningin sa kaniya.

"Iñaki Diel Conde nga pala ang tunay na pangalan ko.." bigla'ng aniya habang
nakatingin rin ulit sa wall.

"O-Oo nga, sinabi sa'kin ni R-Riz.."

"So tinanong mo?"

dO__Ob

Natigilan na naman ako at lalo na ang kamay ko!

*LUNOK!*

"H-Hindi, ah!" pagsisinungaling ko.

"So, sinabi niya ng kusa?!"

d>>_<<b
"T-Tinanong ko p-pala.." napapahiya'ng sagot ko nalang.

"Hahaha! 20 years old na ako, August 9 ang birthday ko.."

"A-Ahh.." tatangu-tango'ng sagot ko.

"Alam mo na rin yata e?! Hahahah!"

dO__Ob

"H-Ha!? H-Hindi, ah! P-Paano ko naman m-malalaman.."

"Hahaha, malamang kay Riz! Ikaw, ah.. nagtatanong tanong ka tungkol sa'kin, pwede
mo naman ako'ng tanongin.. Sasagotin naman kita ng totoo.. Hahaha!" nanunukso ang
tono'ng aniya pa!

"Ang kapal talaga ng mukha mo! Hindi ako nagtatanong, noh!"

"Edi sinasabi nga niya ng kusa?!"

"Fine, fine! D'yan ka na muna kukuha ako ng kape!" pagpapalusot ko bigla!

"Hahahaha! Sige... Sarapan mo ang timpla, ah!? D'yan ko nalalaman kung mapagmahal
ba ang babae o hindi!"

d>>_<<b

Pagpasok sa loob ng bahay ay napahawak ako sa dibdib ko!

'My God! Parang mahuhulog ang puso ko sa sobra'ng kaba! Ano ba'ng nangyayari kasi
sa'kin!? Hindi naman ako ganito dati! Dati rati na rin naman ako'ng nakakaramdam ng
kilig, noh! 'Yun nga lang simple'ng tingnan ka ng crush mo nakakakilig na! Pero ang
feeling lang nun ay yung parang gusto mo'ng magtatalon at magsisigaw sa tuwa! Pero
ngayon iba! My God, parang pinopompyang ang buong katawan ko!'

Pumunta ako sa kitchen at nagtimpla ng coffee for two. Nanginginig ang kamay ko at
pinagpapawisan ako ng malamig.

"My God, Laubree, ah! Umayos ka! Nakakahiya ka na mas'yado! Baka mukha mo ang
pinturahan ko!"
Kumuha ako ng 2 slices of cake sa ref at inilagay ko sa tray kasama 'yung dalawa'ng
coffee at saka ito binitbit palabas.

Paglabas ko ay nakatayo na naman siya may isang dipa ang layo mula sa harap nung
wall at nakapangalumbaba'ng tinititigan ito.

"A-Ano na naman 'yan?!" inis na tanong ko. Parang nagpapacute kasi siya!

"'Wag ka'ng magulo.."

"Psh! Dami mo'ng alam.."

"Wala ka kasi'ng alam sa arts.."

"Arts mo---mukha mo.. Oh, meriienda muna.."

Tumingin pa siya saglit don sa wall saka lumapit sa'kin.. Umupo kami sa ilalim ng
puno sa harap ng bahay namin kung saan naglagay rin ako ng maliit na table.

"Bakit nga pala kayo lumipat dito?" tanong niya habang humihigop ng coffee.

"Ah, kasi mas malapit dito 'yung company kung saan in-assign si Daddy, malapit rin
'to sa school ko.. Si Mommy lang ang medyo napalayo.."

"I see.. Sa dami ng bahay dito sa village na 'to bakit ito ang napili nyo?"

"Mmm, actually dalawa'ng bahay ang for sale dito sa village.. Mas malapit 'yung isa
sa gate pero hindi ko type ang style nung bahay.. Parang ang init init tignan sa
labas pa lang! Nung pinasok namin mainit nga! Ito'ng bahay naman na 'to, unang kita
ko palang nagustohan ko na kahit medyo malayo sa gate, walking distance pa rin
naman e.. American Style pa.."

"I see.. Nag-e-enjoy ka naman dito sa bahay na napili mo?"

"Super! Napakarelaxing dito.. Don kasi sa dati'ng village namin, medyo maingay kasi
nasa tapat kami ng basketball court at park.. Parati'ng may nagliliga don at may
mga bata naman lagi sa park.."

"Ahh.."

"Bakit mo natanong??"

"Wala naman.. Tara tapusin na natin 'to.."


"Eh hindi mo pa nga kinakain yung cake mo, oh!?"

"Hindi ako kumakain ng cake.."

Hindi na siya nagsalita at dumeretso na siya don sa ginagawa niya.. Kinuha ko


nalang 'yung cake n'ya at ako ang kumain hahaha!

Pinagpatuloy lang namin ang pagpipintura pero hindi na siya gaano'ng nagsalita at
medyo naging seryoso na rin siya..

'Amp! Weirdooo!'

Again, days passed.

Medyo naging busy kami sa school ni Riz kasi finals na.. Hindi ko na rin nakikita
si Aki, hindi naman ako nagtatanong kasi malamang makakarating na naman sa kanya at
maghahambog na naman siya.

Ang pinakakinaiinisan ko lang ay, may cellphone naman!

"USO NAMAN ANG CELLPHONE TEH!" inis na kausap ko pa sa sarili. "Bakit hindi man
lang kami nagkakatext! Uso rin ang Facebook at Twitter, teh! Pero WALA MASKI ISA!!"

dTT__TTb

=================

CHAPTER 10

d-.-b

d>>_<<b

dTT__TTb

'Okay.. aaminin ko na!'

"Huhuhuhuhu. Namimiss ko na siya ng sobra." mahina'ng bulong ko pa habang may


nakikita ako'ng mga students na sweet na sweet na kasama ng mga boyfriends nila.
Ilang araw na naman siya'ng hindi nagpakita at naiinis lang ako ng naiinis! Pero
namimiss ko talaga siya.

Ngayon ay nandito ako sa harap ng school at siya pa rin ang iniisip ko kahit na si
Riz ang hinihintay ko.

"Brah!" dinig ko'ng tawag na ni Riz kaya pilit ang ngiti'ng nilingon ko
siya. "Tara!" aniya pa at naglakad na kami. "Sabi ni Briana y hindi ka daw
nagrereply sa mga texts niya. Type ka yata ni Brian e?!"

"Sana sinabi mo'ng hindi ako nagloload."

"Yun nga ang sinabi ko."

"May load naman ako pero hindi lang ako registered sa unlimited promos, kaya hindi
ko siya mareply." nakanguso'ng sagot ko pa.

"Hon!"

dO__Ob

Sabay kami'ng napatingin sa harapan namin nung marinig namin ang sigaw na 'yun ni
Sid! Napangiti pa kami ng sabay ni Riz sa kaniya at kumaway siya sa'min!

"Hi, Laubree!" bati pa sa'kin ni Sid. Ngumiti lang ako sa kaniya at kumaway rin.

"Hooon!" bigla'ng sigaw ni Riz at saka patakbo'ng yumakap sa kaniya.

dTT__TTb

'E-Edi ako na ang naiingiit.. Haaaay..'

Iniiwas ko ang tingin ko para hindi ako makaramdam ng inggit sa kanila.

"Gusto kasi kita'ng sorpresahin kaya hindi ko sinabi sa'yo." dinig ko pa'ng ani Sid
paglapit ko. At saka ako natigilan nung halikan siya ni Sid sa noo!

dO__Ob

'Waaaaaaaaaaaaa!'

Nanlumo ako at nangibabaw ang inggit sa kalooban ko!


'S-Sana nandito rin siya---'

"Angganda mo pala kapag naka-unform?!"

dO__Ob

*LUNOOOOOOOOK!*

Dahan dahan ako'ng napalingon sa likuran ko at..

'Waaaaaaaaaaaa!'

Agad rin ako'ng napaatras!

d>>_<<b

Muntik ng magdikit ang mga mukha namin nung lingunin ko si Aki ay sobra'ng lapit ng
mukha niya sa'kin!

"A-Ano'ng g-ginagawa mo d-d'yan?!" utal-utal na tanong ko! "P-Para ka'ng kabute!


Sulpot ka ng sulpot!"

"Hoy! 'Wag ka'ng T.H.!" sigaw na naman niya sa'kin at napanguso naman ako. "Wala'ng
gwapo'ng KABUTE!"

"Hahahahaha! Sumama siya sa'kin, Laubree.." bigla'ng singit ni Sid at nilingon ko


naman siya. "Gusto ka daw niya'ng makita."

dO__Ob

Nagulat ako pero agad ko ri'ng iniiwas kay Sid ang pangin ko at nagtama ang
paningin namin ni Riz! Nanunukso na agad ang tingin niya!

"Tch! Sana ay hindi mo na sinabi, Sid! KIKILIGIN na naman 'yan, eh!" banat ni Aki!

"Hoy ang kapal ng mukha mo---"

"Oh?! Bakit?! Hindi ba?!" mayabang na tanong niya na pasugod pa'ng inilapit sa'kin
ang mukha niya dahilan para agad na mapaiwas ako! "See?!" nakakaloko'ng tanong niya
pa! "Kung makailag ka nga ay parang hahalikan naman kita! Hahaha! Gentleman 'to,
oy!" sigaw niya na tinapik pa ang balikat ko! "Tara! Gala tayo, treat ko!" aniya pa
at saka UMAKBAY sa'kin!

"B-Bitiwan mo nga ako!" agad na palag ko!

"Wow! Kung umarte ka ay parang ayaw na ayaw mo sa'kin, ah?!" nanlalaki ang mga
mata'ng aniya!

"Nyeh! Nyeh!" nagmakeface na lang ako sa harap niya!

"Hahahahaha! Ang cute niyo!" singit ni Riz at nilingon naman namin siya.

"Mas cute kayo---'wag ka'ng mag-alala.." biro ni Aki sa kaniya.

Naglalakad na kami papunta sa kotse nila nung mula sa 'di kalayuan ay nakita
nami'ng papalapit na kumakaway sa'min si Brian.

"Laubree!" tawag pa niya sa'kin at agad ako'ng ngumiti sa kaniya.

"Ohh Romeo!?" nakangiting bati ko pa.

"Hehehehe! Hi, Juliet!" bati niya pa. "Ah, eh.. i-itatanong ko lang sana k-kung
natatanggap mo ba 'yung mga t-texts ko??" bakas ang hiya'ng tanong niya pa at
tumango naman agad ako.

"Oo naman! Hindi lang kasi talaga ako nagreregister sa mga unlimited promos ngayon
kasi busy rin tayo. Pero don't worry, lahat naman ng mga texts mo ay natatanggap
ko."

"Ah, g-ganon ba? Hehehehe! A-Akala ko kasi ay hindi mo natatanggap kaya hindi ka
sumasagot. Dati rati kasi ay sumasagot ka agad kahit pa wala'ng kwenta 'yung mga
texts ko, hehehehe."

"Puro ka naman kasi goodnight lang sa texts mo, hahahaha! Sa susunod kasi ay
tawagan mo na lang ako para mas makapag-chikahan tayo magdamag."

"T-Talaga?!" namamangha pa'ng tanong niya. "S-Sige, gagawin ko 'yan, ah??"

"Oo ba! Sige lang!"

"Thanks talaga, Laubree! Hehehe! Mmm.. sige, mauna na ako.. Mukha'ng may lakad pa
kayo e."

"Ingat, Romeo!" paalam ko.


"Ikaw rin, Juliet.." nakangiti ani Brian at saka bumaling sa mga kasama ko'ng
nakatingin lang sa kaniya. "Ingat, Riz!" at saka niya tinapik ng bahagya si
Aki. "Pare.."

"Tch!" Romeo and Juliet?!" bigla'ng sarkastiko'ng tanong ni Aki dahilan para
matigilan si Brian at manlaki ang mga mata ko! "Wow! Hahahaha! Wala ng mas KOKORNI
pa sa inyo!"

"Psh! Inggit ka lang dahil wala ka'ng katawagan!" pang-iinis na sagot ko kay Aki at
saka bumaling kay Brian. "Sige na, Romeo. 'Wag mo'ng pansinin 'tong HAMBOG na 'to,
hehehehe!"

"S-Sige, hehehe! Ingat ulit." ani Brian at saka umalis.

"Romeo and Juliet?! Hahahahahahaha!" malakas at nakakaloko'ng ani Aki! "Hindi naman
siya mukha'ng Romeo!" aniya pa na nilingon pa si Brian at saka nakakaloko'ng
tumingin sa'kin! "At mas lalo'ng hindi ka mukha'ng Juliet! Tch! Tara na nga!"

d>>_<<b

'Anong nangyari sa kaniya?! Don't tell me... nagseselos sya?!'

dO__Ob

'Posible ba'ng nagseselos siya?! Bakit ba feeling ko ay nagseselos siya kaya ganon
siya umasta?! K-Kasi 'di ba?? Duh! Kung wala siya'ng pakialam sa'kin, dapat ay
hindi na lang siya kumibo!'

Nakakainis mag-isip pero nakakakilig! Super! Hahahaha!

Pumunta kami sa Mall, una ay kumain muna kami at saka nanood ng sine. Shutter
Island!

Sa upuan ay pinagigitnaan kaming dalawa ni Riz nina Sid at Aki, dahil horror ang
palabas! Waaaaaaa! Huhu! Nastress yata ako bigla! Talagang iniiwasan kong matakot!
Kung hindi ko mapigilan ay kay Riz ako yumayakap! E kaso natatakot rin si Riz kaya
yumayakap sya kay Sid! Kaya wala akong choice kung hindi magtago nalang sa kamay
ko! Pero may isang scene na naglalakad si Leonardo DiCaprio sa parang selda tapos
may biglang tumalon sa gilid nya waaaaaa kaya napasigaw ako ng bonggang bongga!
Super sigaw ako don!

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!! Oh my God!!!!!"

"Hoy! Ano ba! Nakakarindi yang sigaw mo!"


"Malamang! Nakakagulat e!"

"Dito ka kasi sakin!"nagulat ako nung bigla akong hilahin ni Aki papalapit sa
kanya.

dO.Ob

"A-Ahh.. Hehe.. Wag na.. H-hindi n-na naman nakakagulat yu---"

"Basta dyan ka lang! Mas nagugulat ako kasisigaw mo e!"

Ewan ko pero palihim akong napangiti hahaha! Madilim naman e bat ba! Natapos yung
movie na nakaakbay sya sakin at ako naman nakasandig sa dibdib nya bwahahaha!
Talandi lang bat ba! Kaya naman nung matapos ang movie at bumukas ang ilaw..

dO.ob

Gulat na napatingin samin si Riz at Sid.

"W-What are two d-doing?"natatawang tanong ni Sid.

Si Riz naman ay napatakip sa bibig nya.

dO.Ob

"A-Ahh, b-bitawan mo nga kasi ako.. E-Eh k-kasi sya ka-kanina n-nung natatakot a-
ako e h-hinila nya----"

d>>__<<b

"Tch.. Pang magsyota lang ba yun?! Wag nyo kasing bigyang ng ibang kahulugan
hahaha! Tara tara! Nagugutom ako! Narindi ako sa katitili nitong babae'ng 'to!"

"Uyyyy!"

"Tch!"

Paglabas ng Cinema, inilabas ko yung phone ko para magtext kila Mom na pauwi na
kami dahil hindi pala ako nakapagpaalam at...
"Peram nga!"inagaw ni Aki ang phone ko!

d-.-b

"T-Teka! Nagtetext ako kay Mommy e!"

"Nakacall waiting ba 'to!? Idedeactivate ko.."

"B-Bakit?!"

"Ayan.. Naka-savena ang number ko dyan at dineactivate ko na ang call waiting mo..
Tatawagan kita mamaya kaya wag kang sasagot ng ibang tawag.. Kapag nagbusy ang line
mo patay ka sakin!"at ibinalik nya sakin ang phone ko at naglakad sila ni Sid
palayo. Napatingin naman ako kay Riz na bongga ang ngiti!

d>_<b

"What!?"

"Yiiiieee!!! Kinikilig ako sa inyong dalawa!"

"Hoy! Walang nakakakilig samin ah!"

"Yiiieee nakakainis ka brah ah! Hindi ka man lang nagsheshare sakin ah!"

"Ano ka ba! There's nothing to share a----!"

"Bilis oy!"sigaw na naman ni Aki.

"Tara na nga! Marami naman tayong time para magchikahan bukas e hahaha! Yiiieee!"

hinawakan nya ako sa braso at naglakad na kami pasunod sa dalawa.

Hinatid muna nila ako pauwi at saka sila sabay sabay na umalis. Malamang, saming
apat ako ang may pinakamalapit na bahay sa gate hahaha. Kaya naman masaya akong
sumalubong kila Mom and Dad at nakangiting umakyat sa room ko. Nagshower lang ako
and then nakangiti pa ring humiga sa kama. Dumapa ako at kinuwa ang cellphone ko at
nagbasa basa ng mga texts doon. Andaming nagtetext sakin pero hindi ko nirereplyan,
mostly kasi ay puro GM's lang hehe.

After ilang minutes...


~Lover Boy Calling. . . ~

"Lover boy!?!?!?!? Ha! The heck??.."nasabi ko habang nakatingin sa name nya, dahil
hindi ako ang nagsave kung hindi sya!"Hello!?"

"Oh!? Galit ka na naman yata?!"

"Hindi naman! Oh!? Bakit napatawag ka?!"

"Sinabi ko ng tatawag ako di ba!?"

"O-Oo nga.."

"Tch! Kunyari ka pa e hinihintay mo rin naman!"

dO.Ob

"Kapaaaaal!"

"Oh ano ng ginagawa mo Lonely girl?!"

"Lonely girl?!"

"Oo.. Ikaw si Lonely girl.. Hahahah!"

"At ikaw si Lover boy?!"

"Kuwa mo! Hehehehe.."

"Yuck!"

"Tch.."

"At panong nagkaganon!?"

"Kasi hindi ako kasing korni nyo ng Romeo mo hahaha.. Maangas ang dating nito uyyy!
Kumain ka na ba?"

"Psh! Mas korni naman 'to noh! Hindi na ako kumain, busog pa ako e!"
"Sabagay, busog na busog ka sa yakap ko kanina e.."

"Ang kapal talaga! Ikaw kaya ang humila sakin!"

"Pwede ka namang umalis, ayaw mo lang talaga hahaha!"

dO.Ob

"Leche! Kung tumawag ka lang para yabangan ako e ibaba ko na!"

"Naks.. Bakit?! Atat na atat ka na bang kausapin yung Romeo mo ha Ju----Liet?!


Hahahaha!"

"Tse!"inis kunwaring sabi ko pero natatawa ako sa kanya haha! Walang umasar samin
sa school sa tawagan namin ni Brian na ganon mula nung naging Romeo and Juliet kami
sa play kaya natatawa ako sa kanya.

"Ang sungit sungit mo parati sakin! Minsan naiisip ko na lang... Baka talagang----"

"Ano na naman! Magyayabang ka na naman!?"

"Tch! Baka talagang naiinis ka sakin! Yan ang sasabihin ko! Wag kang T.H.!"

dO.Ob

'Ayaw?! Bakit kita aayawan!? Kung alam mo lang hahahaha..'

"Ano!? Hindi ka nakapagsalita?! Parati mo kasing binibigyan ng ibang kahulugan ang


ginagawa ko e hahaha!"

"Yeah right!"

inis talagang sabi ko.

"Pero don't worry... Malay mo naman totoo hahaha.."

"Ang alin?!"

"Ang wala! Anong ginagawa mo?"

"Nakahiga.."
"Matutulog ka na?"

"Sana.."

"Nice.."

"Anong nice don!?"

"Kasi hindi mo na hinihintay yung tawag ni Romeo e.. Hahaha! Akala ko hinihintay mo
pa.."

dO.Ob

"Psh! E ano naman ngayon sayo kung hinihintay ko?"

"Wag mong sasagotin ang tawag nun! Patay ka talaga sakin!"

"Bakit?! Ano ba kita?! Hahahaha!"

"Tch.. O sige na matulog ka na! Maaga pa pasok mo bukas.. Tatawagan kita bukas ng
umaga.."

"At bakit?!"

"Dahil gusto ko! Matulog ka na! Kapag nalaman kong nakipag-usap ka pa dyan sa
korni'ng Romeo mo patay ka sakin!"

dO.Ob

"Ewan sayo! Sige na hambog! Goodnight! Matulog ka na rin!"

"Naks.. Concerned sakin si Lonely girl.."

"Tigilan mo nga yan! Hindi ako Lonely girl noh!"

"Fine.. But I am a Lover boy okay?? Hahaha.. Sige na, ibaba mo na.. Goodnight na.."

"Ikaw na ang magbaba.."


"Wag ka ng pa-cute dyan, ibaba mo dahil hindi magandang babae ang pinagbababaan ng
telepono.. Sige na ibaba mo na.."

dO.Ob

Kinilig naman ako hahaha!

"O sige na ibababa ko na ha.. Matulog ka na rin.. Goodnight.. Bye.."at binaba ko na


ang line.

Chineck ko muna kung nakababa na nga at...

"Waaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!! Bwahahahaha!!! Yaaaaaaaaaaa!!!"don ko inilabas lahat ng


kilig ko hahaha! Nagsisisipa ako sa kama habang tumatawa.

Kinabukasan..

"Braaaaaaahh!!! Kwento ka!!!"

"A-Anong ikukwento ko??"

"Ano pinag-usapan nyo kagabi ni Aki ha!? Ano? Nanliligaw na ba!?"

"Hahahah! Ano bang sinasabi mo dyan!?"

"Kung nanliligaw na ba sya sayo!? Ano!? Share naman! Ang daya daya nito!"

"E wala naman akong isheshare kasi! Hindi nanliligaw sakin yun noh! Kung alam mo
lang! Wala ngang ibang ginawa sakin yun kung hindi maliitin ako, sigawan at
asarin!"

"Halaaa! Waaaaaa! Ganyan rin sakin si Sid noon e! Hahaha! Yiiieee! Tapos!?"

"Anong tapos!? Wala na! Paulit ulit lang ang ginagawa nya! Iinsultuhin ako..
Sisigawan.. Maya maya aasarin at saka yayabangan tapos biglang seseryoso.. Magiging
nice tapos back to top! Iinsultuhin na naman ako at sisigawan! Nakakainis!"

"Yiiiieee! Umamin ka nga sakin!"

"A-Ano na naman!?"

"Naiinlove ka na kay Aki noh?!"


dO.Ob

"Hindi ah! Ano ba.."

"Suuuus! Braaahhh naman! Ang tagal tagal na nating magbestfriend ngayon ka pa ba


naman maglilihim sakin!?"

"Tse! Yung sa inyo nga ni Sid nilihim mo sakin! Kung hindi ko pa nalaman sa
chismosong Aki na yun e hindi ka magsheshare sakin!"

"So gantihan!? Ganon!? Hahahaha!"

"Hahahah hindi naman! Wala lang talaga akong maisheshare sayo dahil kahit kailan
hindi naman naging maayos ang trato sakin nung hambog na yun!"

"Suuuus! Ano nga kasi!? Wala talaga!? As in maski yung holding hands?!"

dO.Ob

"Anong holding hands ka dyan!?"

"Sus! Sa sinehan nga magkayakap na kayo e! Holding hands wala pa?! Ano!? Nauna yung
yakapan!? Bwahahahha!"

"E kaya nya lang naman ako yinakap nun kasi nga di ba naririndi daw sya sa katitili
ko!?"

"Sus! Palusot nya lang yun syempre! Sabi ni Sid ganyan yan si Aki! Mahilig
magpalusot! At tulad mo ay hindi umaamin sa nararamdaman nya! Yiiieee! Kinikilig
ako para sayo braaaahh!"

"Nako ah! Para sakin walang nakakakilig dyan!"

"Koooooww! If I know nagkandahulog hulog na atay at balun balunan mo sa sobrang


kilig bwahahahaha!"

"Hahahaha! Baliw!"

Sa school magdamag kaming nagkwentuhan ni Riz. Shinare ko na rin sa kanya lahat ng


mga eksena namin ni Aki, wala na akong nilihim sa kanya, tutal bestfriend ko naman
sya at sya lang talaga ang nakasama ko ng matagal.. Bukod sa kanya ay wala na akong
nakakasamang ibang friends sa school at sila namang tatlo nila Aki at Sid lang ang
friends ko sa loob ng village namin.

=================

CHAPTER 11

Tumakbo ang araw ng paulit ulit lang rin ang ginagawa ko.

Pumapasok sa umaga at sa hapon ay magdamag kausap si Aki hanggang sa maggabi.

Gigising sa umaga para sagotin ang tawag niya, magbe-breakfast at papasok, tapos
ganon ulit hanggang maggabi..

Paulit ulit lang, as in!

Every Saturdays naman ay pumupunta siya sa bahay at minsan sa bahay nila Riz kami
tumatambay.

And every Sunday ay nagkikita kita kami'ng apat sa church, minsan ay sinasabay na
nila ako sa kanila at siya na lang ang naghahatid sa'kin pauwi..

At sa pag-uusap namin ni Aki na 'yun na talaga'ng consistent gabi-gabi ay mas lalo


ako'ng na-inlove sa kan'ya..

"Baka naman pagdating sa school e panay ang pa-sweet mo kay Romeo?! Pagbubuhulin ko
talaga kayo!" sigaw niya pa sa'kin habang magkausap kami sa cellphone.

"Hahaha, pwede ba?! Stop acting like my boyfriend! And besides, torpe 'yun!"

"Hoy, kung girlfriend kita e maski tingnan ang Romeo mo ay hindi mo magagawa dahil
tatanggalin ko talaga 'yang eyeballs mo at eyebags mo lang ang ititira ko, haha!"

"Ang O.A., ah!? Nakakatakot ka pala'ng maging boyfriend, hahaha!"

"Oo naman, kasi masarap naman ako'ng magmahal kaya patas lang, hahaha!"

"Sus, talaga lang, ah!?"

"Oo.. Gusto mo, try natin!?"

dO__ob
"H-Ha??"

"Hahahaha! Nautal ka na naman! O sige, sabihin mo sa'kin kapag tapos na.."

"Ang alin na naman!?"

"Kapag tapos ka ng kiligin! Hahahaha!"

"Ang kapal talaga ng mukha mo, grabe! May natitira pa ba"ng hiya d'yan sa katawan
mo!?"

"Tch! Sayo lang naman ako ganito kaya maswerte ka na! At wala ka'ng iba'ng dapat
sabihin kung hindi salamat, bwahahahaha!"

"Sobra'ng kayabangan naman talaga!"

"Sobra'ng kayabangan daw.. Sobra'ng nakakakilig kamo, hahaha! O sige, na matulog ka


na, Lonely girl.. Tatawagan ulit kita bukas! Kapag nalaman ko'ng may kinausap kang
iba, patay ka sa'kin!"

"Tse! O sige na' matutulog na ako!"

"Goodnight!"

"Goodnight.."

'Yaaaaaaa! Hahaha!'

Paulit-ulit lang ang nakakakilig na usapan namin ni Aki!

S E M B R E A K!!!!

Vd^_^bV

"Yeheeey, sa wakas bakasyon na!" si Riz.

"Oo nga, grabe, feeling ko inalisan ako ng mabigat na bagay na nakapatong sa'kin!
Super stressing 'yung sem na 'yun!"

"Sinabi mo pa, hahaha.. O s'ya, s'ya, sige na, mauna ka na at bukas maaga pa tayo!"
"Ha?! Saan ang punta natin!?"

"Birthday ni Sid bukas, ano ba! Pupunta tayo'ng Tagaytay!"

"H-Ha?! Hindi ko kaya alam! Sana man lang sinabi mo para nabilihan ko man lang siya
ng regalo! Nakakahiya!"

"E ako nga, wala'ng regalo! Ayaw daw niya ng regalo at masiyado na daw siya'ng
matanda para don! 'Yung sumama lang daw tayo sa kan'ya ay regalo na natin sa
kan'ya.."

"Ganon ba.. O sige sige.. Ingat ka pauwi, text mo ako kapag nasa bahay ka na.. May
load naman ako e.. Text text.."

"Okiiieee! See you tomorrow! Magdala ka ng damit, ah!? Malamig don e.."

*beso beso*

Later that night..

~Lover Boy Calling. . . ~

"Oh??"

"Haaayy, nakakapagod.."sabi niya pagkasagot ko palang ng tawag niya. Halata nga'ng


pagod siya dahil sa boses niya..

"Bakit? Saan ka galing?"

"May pinuntahan lang.. Oh? How's school?"

"Ayun, masaya, hehehe. Sembreak na e!"

"Sabi nga ni Sid.. Oh bukas, ah? Tagaytay daw tayo.. Birthday ni Sid.."

"Oo nga, sabi ni Riz.. Wala man lang ako'ng regalo.."

"Tch.. Hindi mo naman kailangan ng regalo.. Hindi uso sa'min 'yung pabigay bigay ng
kung anu-ano.. Pangbabae lang 'yun!"

"Sus! Kahit man lang simple'ng Polo.. 'Yun ba'ng ma---"


"'Wag na! Branded lahat ng damit nun!"

"At bakit?! Hindi ko ba kaya'ng bumili ng branded?! Excuse me, ah!"

"Tch.. Wag na nga e! Bukas na 'yun, saan ka bibili ng damit ngayon!"

"Hambog ka!"

"Red ang isusuot.. 'Wag ka'ng magsusuot ng maikli, patay ka sakin.."

dO__Ob

"Malamang! Malamig kaya don!"

"Oo, 'wag ka ng magjacket.."

"Ha?! Bakit!? E malamig nga don!"

"Yayakapin na lang kita, hehehe."

"Sus! Buong magdamag?"

"Oo! Why not!"

"Hahaha! E paano kapag kainan na!? Paano ka makakakain nun!?"

"Edi susubuan mo ko, mag-isip ka nga!"

'Insulto yun, ah! Pero kinilig pa rin ako bwahahaha!'

d^_^bv

"O sige na, sige na, mukha'ng pagod ka nga.. Halata sa boses mo e.. Magpahinga ka
na, kita na lang tayo bukas.."

"Susunduin kita, ah? 'Wag ka'ng lalabas ng bahay niyo, hintayin mo ako'ng kumatok
d'yan.. Ipagpapaalam kita kila Tita.."

"O sige, sige.. Pahinga ka na, ha? Goodnight.."


"Goodnight, Aubreyy..."

dO__ob

Nagulat ako..

Hindi dahil tinawag niya ako'ng Aubrey..

Kung hindi dahil this time--UNA siya'ng nagbaba!

'First time talaga 'to..'

dO__Ob

"Sobra'ng pagod!?" nakanguso'ng sabi ko pa sa phone ko.

Natulog na rin ako at excited ako bukas.

HELLO TAGAYTAY!!!!

Vd^_^bv

Pare-pareho kami'ng naka-red.

Pumunta kami sa rest house ng family nila Aki at Sid.

"Woooowww! Ang ganda ganda naman dito!! Sa inyo ba talaga 'to!? Ang ganda gra---!
Ahhh!! Araaayy!"

dO__Ob

TUMIMBAWANG AKO SA LUPA!!

d>>_<<b

Pagbaba ko ng kotse ay hindi ko nakita ang tinapakan ko kaya naman na-out of


balance ako at natumba!

'OUCH!'
d>>_<<b

"Oh!? Ano'ng nangyari sa'yo?!" si Riz na pinagtatawanan pa ako. "Hahahahaha!"

dO__Ob

Nagulat na lang ako ng bigla'ng tumakbo si Aki at pumunta sa tabi ko.

dO__Ob

*LUNOK!*

"Ano!? Nasugatan ka ba?! Saan ang masakit?! Bakit naman kasi bumaba ka agad e! Wala
naman ako'ng sinabi'ng bumaba ka! Parati naman kita'ng pinagbubuksan ng pinto bakit
ba kasi nanguna ka'ng bumaba!" tuloy tuloy na sigaw ni Aki sa'kin.

dO__Ob

'Natuwa naman ako sa inasta niya'ng 'yun haha!'

"O-Okay lang ako.. 'Wag ka ng magalit.." malambing na tugon ko sa kaniya, haha!

"S-Sino'ng may sabi'ng g-galit ako?? N-Naiinis lang ako kasi ang lampa mo! Tumingin
ka kasi sa tinatapakan mo!"

"Hahaha.. Okay lang ako.. 'Wag ka ng mag-alala.."

"H-Hindi ako nag-alala, ah! Tumayo ka na nga d'yan! Ang dumi dumi d'yan!" binitawan
niya ang kamay ko at parang naiilang na naglakad papalayo sa'min.

"Oh?! Okay ka lang, Laubree?" tinulungan ako'ng tumayo ni Sid at Riz..

dO__Ob

"Ano'ng nangyari don!?" gulat na tanong ko pa habang nakasunod ng tingin kay Aki'ng
paplayo.

"Hindi man lang ako tinulunga'ng tumayo! Hmp!'

"Haha, 'wag mo na lang pansinin! Ganon talaga 'yun!" si Sid.


"Yiiiee!! 'Yan 'yung nakakakilig na part, Braaah! Namnamin mo 'yan! Hahaha!"

"Luka luka!"

Maya maya pa..

Pumasok na kami sa rest house.

dO__Ob

"WOOOOOW!!!" kami ni Riz.

Ang laki laki ng rest house nila, andami'ng paintings at tuwa'ng-tuwa naman kami ni
Riz na tiningnan ang family picture nila!

"Grabe, ang dami niyo pala'ng magkakamag-anak!" bulalas ko pa sa pagkamangha!

"At puro pa kayo lalaki, ah!? Ang konti ng babae!" ani Riz.

"Oo e, kaya nga tuwa'ng-tuwa ang Grandparents namin dahil hindi daw mawawala ang
apelido ng lahi namin.." sagot ni Sid na nakaakbay kay Riz.

Tumingin ako kay Aki.

Nakaupo lang siya sa sofa at seryoso'ng nagtetext.

'Napagod siguro siya dahil siya ang nagdrive..'

"Ang gwapo ni Aki dito, grabe!" bigla'ng bulalas ni Riz.

Napatingin naman ako dun sa tinitingnan nila.

Solo portrait ni Aki, nakasuit siya at nakaupo sa harap ng table.

'Parang pang-Time Mag lang! Hahaha!'

"Hahaha, kagalang galang tingnan.." sarkastiko'ng sambit ko pa.

"Tama.. Siya si Iñaki Diel Conde.. Ang paborito'ng apo at nag-iisang tagapagmana ng
Hacienda Iñigo namin dito sa Tagaytay.." nakangiting sabi ni Sid.

Nagtaka naman ako bigla.

'Ganon ba sila ka-bigtime??'

Napatingin ako kay Aki, nakatingin pa rin siya sa cellphone nya at salubong ang
kilay niya.

'Ano na naman kaya'ng problema nito at wala'ng kibo?'

Hindi ko na lang siya pinansin at nakinig na lang ako kay Sid at Riz.

"Wooow, naman, Hon! Mas gwapo ka naman pala kapag nakasuit e!" sabi ni Riz habang
hinahawakan 'yung portrait naman ni Sid.

"Hahaha, syempre, boyfriend mo ako e kaya mas gwapo ako.. Ayan naman si Sidney Diel
Conde. Ang tagapagmana ng buo'ng America! Hahahaha!" biro nya. "Hoy! Ano'ng
nangyari sayo d'yan!?" baling niya kay Aki na seryoso pa ri'ng nagtetext at gulat
na tiningala siya.

"H-Ha?? Wala.. Tara kain na tayo nagugutom na ako.." yaya niya at saka
nagpaumuna'ng pumunta sa kitchen.

Taka naman kami'ng nagkatinginan ni Riz at nagkibit-balikat na lang ako.

Saka kami sabay sabay na pumunta rin sa kitchen.

Habang kumakain, si Sid ang puro kwento at tahimik lang na kumakain si Aki. Minsan
ay nakikitawa siya sa'min pero bahagya lang.. That's when I began to worry.. Gusto
ko siya'ng tanongin kung okay lang ba sya? Kaso natatakot ako na mabara dahil baka
okay lang naman siya at iba lang talaga ang dating sa'kin, kaya naman hinayaan ko
na lang siya.

'Baka kasi kaya rin hindi siya gaano'ng nagsasalita ngayon ay dahil birthday ni
Sid, meaning, moment ni Sid 'to, hahaha!'

Maya maya ay pumunta kami sa garden sa likod ng hacienda nila. At na-amaze na naman
kami ni Tiz sa sobra'ng ganda!

"Oh my.. Hindi ko alam na ganito pala kayo kayaman, Hon.." si Riz.

"Hindi kami ang mayaman, Hon, 'yung ninuno namin, hahahaha.."


"Sus, e ganon na rin 'yun! Kayo naman ang mga tagapagmana.."

"'Yun e, kung masusundan namin ang yapak nila, hehehe.. Family of Politics kami..
Kami lang ni Aki ang naiba ang linya, napunta kami sa fine arts but it's fine with
them.. As long as maganda ang takbo ng pag-aaral namin.."

Napatingin ako kay Aki. Nakatingin siya sa malayo at lalo'ng sumeryoso.

'Ano naman kaya ang problema nito?? Kanina pa siya tahimik, grabe.'

"H-Hon, dun muna tayo.. May ipapakita ako sa'yo.." yaya ni Sid kay Riz at umalis na
sila.

Hinabol ko pa muna sila ng tingin hanggang sa makalayo.

Nung hindi ko na sila makita, saka ako tumingin kay Aki.

Nakatingin lang siya sa malayo..

"A-Aki.." tawag ko sa kanya pero ni hindi man lang siya lumingon sa'kin. Kaya naman
lumapit na ako sa kaniya."Okay ka lang? Napansin ko kasi kanina pa na tahimik ka.."
tinignan ko siya sa mata.

Tumingin siya sa mata ko.

dO__Ob

=================

CHAPTER 12

This time hindi ako nagulat, kinabahan o ano pa man.. Nag-aalala kasi ako kung
bakit bigla siya'ng nagkaganon.. Gusto ko'ng malaman kung ano'ng laman ng isip
niya..

"Okay ka lang ba? May masakit ba sa'yo?"tanong ko pero tinitigan niya lang ako.
"Huy.. Masama ba ang pakiramdam mo? Sabihin mo sa'kin.. Kanina ka pa kasi tahimik,
hindi ka nagsasalita.. Kanina pa pagdating natin dito gan'yan ka na.."sabi ko pa
pero nakatitig pa rin siya sa'kin..

dO__Ob
Dun na ako nagsimulang kabahan..

d>>_<<b

'Waaaa! Parang matutunaw naman ako sa titig nito!'

Hindi masama ang titig niya, hindi rin siya mukha'ng galit.. Ang totoo ay medyo
nakangiti pa nga siya sa'kin.

"Sagotin mo naman ako.. N-Nag-aalala na ako sa'yo e.."dagdag ko pa.

Nang wala'ng anu-ano'y lumapit siya sa'kin at NIYAKAP ako... ng mahigpit!

d>>_<<b

'Take me Lord, huhuhu.. Hindi ko na po mapigilan ang nararamdaman ko..'

"Sa susunod 'wag ka'ng tatanga tanga, ha?" panimula niya at napalunok ako.
"Natatakot ako e.. Nalingat lang ako, kung anu-ano ng nangyayari sa'yo.."
dagdagniya pa habang nakayakap pa rin sa'kin. "Natatakot ako'ng masaktan ka.."

dO__Ob

Parang hinaplos ang puso ko.

May kung ano'ng kiliti'ng dulot 'yun sa tiyan ko.

"A-Aki.." naiusal ko.

Honestly, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung may dapat ba
ako'ng sabihin, dahil ang alam ko lang..

'Ang sarap pakinggan nung sinabi niya, at kung pwede lang sana.. gusto ko'ng ulit-
ulitin niya 'yung sinabi niya hanggang sa marindi ako..'

"Sa susunod, 'wag ka'ng bababa ng sasakyan hangga't hindi ako bumababa, hintayin mo
ako'ng pagbuksan ka ng pinto at alalayan ka'ng bumaba.. Okay??"mahinahon niya'ng
sambit pa at bahagya nama'ng napangiti ako.

"O-Okay.." gulat ngunit tuwa'ng sagot ko.

"Ang tanga mo naman kasi! Bakit ba excited kang bumaba?!"


dO__Ob

*LUNOK!*

Umalis siya mula sa pagkakayakap sa'kin at salubong ang mga kilay na tinitigan ako
sa mata!

"E-Eh, k-kasi natuwa ako sa sightings. G-Gusto ko lang nama'ng makita kaagad..
Hindi ko naman alam na magagalit ka kasi---"

"Sshhh.."

dO__Ob

Natigilan ako biglaa'ng paghawak niya sa pisngi ko at titigan ng maigi ang mga mata
ko!

*LUNOK!*

'Waaaaaaaaaa! Huhuhu! Ano ba!'

"Makikita mo rin naman ang lahat dito kung hihintayin mo akong makababa di ba?"
dagdag niya pa!

'My God, sana 'wag ng matapos ang araw na 'to..'

Wala sa sarili'ng napangiti ako sa kaniya.

"Psh! Hindi naman big deal 'yun.. Bakit ba nagkakaganiyan ka ha? Ha?! Yiiieee.. Ano
ha??" nanunukso'ng tanong ko pa.

*PLOK!*

dO__Ob

Tinuktukan niya ako!

'HAMBOG na--BRUTAL pa!'

d-.-b
dTT__TTb

"Kasi.. LAMPA ka!" nakangiwi'ng singhal niya pa. "Sayang naman 'yang kutis mo kung
susugatan mo lang. Tch! Ayoko sa lahat ay yung may peklat ang babae, okay?!"

"Psh! O.A., ah! Kunwari ka pa! Damuhan kaya dito!" pagdadahilan ko pa.

"Tch! 'Wag ka ng marami'ng reklamo! Gusto mo rin naman!" pagyayabang na naman noya
at sakahinawakan ako sa kamay. "Halika na nga dun! Marami ka'ng dapat makita dito..
Mag-eenjoy ka panigurado!"nakangiti'ng dagdag niya pa.

At saka kami pumunta sa Garden.

"Wooooow!" agad na ignorante'ng reaksyon ko at natawa naman siya

"Tch! Ngayon ka lang ba nakapunta sa ganito!?"

"Hindi, ah! Pero ngayon lang ako nakakita ng ganito'ng kaganda!"

Dinala kami ni Aki at Sid sa isa'ng place don sa Garden nila, na covered ng net at
puro butterflies sa loob!

Tuwa'ng-tuwa kami ni Riz!

'Feeling namin nasa Narnia kami, bwahahaha! Sobra'ng ganda! Nakaka-amaze 'yung mga
butterflies!'

May maliit at may mga malalaki rin.. Andami'ng bulaklak at kung anu-ano pa'ng
magaganda'ng halaman sa paligid.

Tuwa'ng-tuwa naman kami'ng inisa-isa'ng tingnan ni Riz ang mga 'yon. Nagpapicture
rin kami. May mga solos, group at meron rin nama'ng kami'ng dalawa lang ni Aki.

"Angaganda ng picture natin, Brah! Hehehe!" ani Riz habang tinitingnan ang mga
'yon.

"Oo nga, haha! Post agad sa facebook yan, hehe!"

"Naman!"

Nagstay rin siguro kami ng mga 3 hours dun bago nagyaya si Aki na bumalik sa rest
house nila dahil medyo hapon na rin at nagugutom na naman daw siya.

Pagbalik namin sa rest house nila ay dumeretso kami sa dining area nila na ang
laki-laki at ang haba ng dining table.

dO__Ob

Nagulat kami'ng apat nung makita nami'ng andami ng pagkain at cakes! Oo! CAKES!
Andaming cakes! 8 pieces! At hindi sila medium sized! Lahat yata large! Ang lalaki
at 'yung iba ay ilang layers pa.

"Ling, kanino galing ang mga 'yan?!"gulat na tanong ni Sid.

"Ahh, Sir, 'yung mga dish po ay galing sa Lolo ninyo. 'Yung mga cakes naman po ay
iba-iba ang nagbigay. Ito po ay galing kay Sir Nuchi, ito po ay galing kay Ma'am
Nessa, ito po galing kay Ma'am Jamie, ito po ay galing kay Ma'am Vanessa, ito po ay
galing kay Ma'am Eliza, ito po galing kay Ma'am April, ito naman po'ng malaking ito
ay galing kay Ma'am Rica, ito po galing kay Ma'am Rhaeeza at ito naman po'ng
pinakamaganda ay galing kay Ma'am Aubrey.."nakangiting tugog ng maid na inisa-isa
pa bawat cake.

"Tsk tsk tsk! Puro pangalan ng babae 'yung narinig ko, ah!"madii'ng singit ni Riz.
"Parang iisa lang 'yung pangalan ng lalaki na narinig ko! 'Yung Sir Nuchi!"

"Ano ka ba, Hon.. Si Nuchi ay Daddy ni Aki! Nuchi ang nickname at pati kami Nuchi
lang ang tawag sa kan'ya.. Hahahaha!" tatawa-tawa'ng sagot ni Sid.

"Ahh, talaga?! Cool!"sarkastiko'ng sagot ni Riz. Hindi siya kuntento sa sagot nito.
"Hindi naman 'yun ang tinatanong ko e! Bakit nga kako puro pangalan ng babae 'yung
narinig ko'ng nagpadala ng mga cakes mo!? Sino naman 'yung mga 'yun!?"nakapamewa'ng
pa'ng tanong ni Riz. Natawa naman kaming lahat sa kaniya.

"Hahaha.. Selos ka naman?? Pinsan namin ni Aki lahat 'yun.."

"L-Lahat?!"

"Yup! Maliban kay Aubrey.."

dO__ob

'Aubrey na naman?? Napaka-common naman ng Aubrey na name na 'yan.. Buti na lang at


Laubree ako, hahaha. Si Aki lang ang mapilit sa Aubrey! Andami dami'ng ikukumpara
sa'kin, 'yung aso pa! Kainis!'

"E sino naman 'yang Aubrey na 'yan, aber?!"


"'Wag ka ng magselos, Hon! Siya 'yung nag-aasikaso dun sa mga butterflies na nakita
niyo ni Laubree kanina, alaga talaga ni Lola lahat 'yun.. May inaasikaso kasi si
Lola na business sa Korea kaya si Aubrey muna ang pansamantalang nag--"

"Hindi mo naman sinasagot 'yung tanong ko e! Sino kako siya!" sigaw agad ni Riz.

d>>_<<b

"Hahaha, ano ka ba, Hon, relax.. She's a good friend of ours, okay? Kasabay namin
siya'ng lumaki ni Aki.."

"Oh, e bakit siya ang nag-aasikaso nung mga paru-paro don?! At bakit g-ganyan
kaganda ang cake na binigay niya sa'yo!? Kami nga ni Laubree---wala'ng gift!"

"Hahaha! Kasi po Lepidopterist si Aubrey.."

"A-Ano 'yun??"tanong ni Riz at nagtawanan naman kami.

dO__Ob

"Lepidopterist.. Lepidopterist ang tawag sa specialist ng butterflies and moths,


Hon.."

"Ah.."tatangu-tango'ng sagot ni Riz.

"Ano? Okay na?? Hahaha.. 'Wag ka na kasing magselos.."nilambing ni Sid si Riz.

"E pano.. Kung relatives mo lahat 'yung nagpadala n'yan at 'yung Aubrey na 'yun
lang ang hindi n'yo relative? e malamang special ka sa kan'ya kaya ka n'ya
pinadalahan pa ng gan'yan! Ako nga wala'ng gift sa'yo e! S'ya nagpadala pa ng
cake!? At mukha'ng mamahalin pa 'yang cake na 'yan, ah! Hindi pa ako nakakakita ng
gan'yan karton ng cakery don sa'min e, hahaha!"

"Hahaha! Ikaw talaga.."natatawa'ng naisagoy na lamg ni Sid kay Riz na ginulo pa ang
buhok nito at saka inakbayan kaya naman natahimik na ang bunganga ni Riz.

Nainggit naman ako kaya palihim ko'ng nilingon si Aki. Umaasa'ng baka maging sweet
rin siya sa'kin!

'HMPT!'

"SIya nga pala Ling, pumunta si Aubrey dito!?"parang gulat pa'ng tanong uli ni Sid.
"Yes, Sir.."

Bigla'ng tiningala ni Aki si Ling kaya napatingin rin ako kay Ling at saka tumingin
ulit kay Aki. Biglang nagsalubong 'yung kilay ni Aki.

dO__ob

Lalo naman ako'ng nagtaka nung bigla'ng nagkatinginan sila ni Sid.

'Ano'ng meron!? Hahaha!"

"B-Bakit hindi mo ako tinawagan?" utal pa'ng tanong ni Sid na tumingin uli kay
Ling. "A-Alam ba niya'ng nandito kami ni Aki? Malamang.. kaya nga dito nya na
hinatid e.. Pero bakit hindi man lang sya naghintay?"

"Opo, Sir, sinabi ko po'ng nandito kayo ni Sir Aki at kasama niyo kako ang mga
nobya niyo.. May lakad pa daw po---"

"Sinabi mo iyon!?"gulat na tanong ni Sid kay Ling. At mas gulat naman kami'ng
napatingin kay Sid!

'Kailanga'ng sumigaw??'

dO__Ob

"O-Opo, S-Sir.."parang natakot nama'ng sagot ni Ling.

'Nagtataka naman ako sa mga reactions nila! Sino ba 'yung Aubrey na 'yun!?'

Napatingin ako ulit kay Aki, magkasalubong na naman ang kilay niya. Napansin niya
siguro'ng nakatingin ako sa kan'ya kaya dahan dahan siya'ng ngumiti sa'kin, pero
pilit! PILIT NA NGITI!

Hindi ko pa rin 'yun pinansin at kumain na lang kami, pinasabay na rin namin si
Ling at 'yung dalawa pa'ng maids nila at drivers. Naging walo kami'ng lahat.
Kinantahan namin si Sid ng Birthday Song at saka kami nagpalakpakan. Nagpicture
picture rin kami. Ewan ko ba, kahit hindi si Aki 'yung may birthday, tuwang tuwa
ako. Parang sobra'ng saya lang ng araw na 'to kasi andami'ng nangyari.

"Ang ganda pala ng boses ni Ma'am Laubree.."sabi ni Ling sa kalagitnaan ng salu-


salo namin.
"Sinabi mo pa, Ling!" sagot ni Riz sa kaniya. "Alam mo ba'ng sa school namin,
madalas siya'ng nakukuha'ng bida sa mga musical play? Kasi maganda ang boses n'yan!
Pang-International, hehehehe.."

"Uyyy hindi, ah.." nahihiya'ng sabat ko.

"Isang number naman d'yan, Ma'am Laubree!"pakiusap ni Mikoy, driver.

"Nakooo, ayaw ko nga! Nakakahiya!" tanggi ko.

"Sige na, Ma'am Laubree, tayo tayo lang naman dito e.." pamimilit pa nito.

"Nahihiya ako e, huhuhuhu.."

"Sige na po, Ma'am Laubree, please?"si Ling.

"Oo nga naman, Brah! Ano'ng dapat mo'ng ikahiya e maganda naman ang boses mo!"

"Oo nga naman, Laubree, tingnan mo lahat nga kami ay nagsasabi'ng maganda ang boses
mo e.. Kaya sige na kumanta ka na.."singit ni Sid.

Napatingin ako kay Aki.

dO__Ob

'Parang wala siya'ng pakialam!'

Hindi man lang siya tumingin sa'kin at parang may sarili'ng mundo. Nakatingin lang
sa pagkain at nilalaro 'yon.

"Ayoko, nahihiya talaga ako!"napapikit pa'ng tanggi ko.

"Tch! Kumanta ka na." sa wakas ay nagsalita si Aki at napalingon naman ako sa


kaniya. "Minsan lang magrequest 'yan si Sid.. Regalo mo na lang sa kan'ya.."
nakangiting dagdag pa niya.

"Pero k-kasi.."

"Sige na, kumanta ka na.. Lahat naman kami makikinig e.."malambing na aniya pa!

Ako naman si gaga, kumanta! Bwahahaha!


Now Playing (in my mind): This is Us Keyshia Cole

♫ ♪ "I'm like a sunday morning, you're like Friday night.. And when we kiss, the
perfect weekend--no rain in sight.. When I'm feeling incomplete, you're my missing
piece.. And when you need your breathe taken away I'll be your thief.. From the
start to the end we don't need to pretend that we're perfect all the time, 'cause
we know what we have through the good the bad.. It's a strength that you can't
deny... I don't need to find a million reasons why.. This is us, this is us, this
is how we love.. Some ways we're different.. But together we're so right.. This is
us, this is us.. And this is how we love.." ♪ ♫

Nakatingin pa ako kay Aki habang kumakanta at ganon rin naman siya sa'kin..
Naiilang ako sobra kaya huminto na ako sa pagkanta..

"A-Ayon.. Hehe.. Tama na 'yun.. H-Happy Birthday Sid.." naiilang pa'ng sabi ko.

"Ano ba 'yan! Bitin! Angganda ganda na e! Tuloy mo na, Brah!"

"Hahaha! Ayaw ko na, Riz, naiilang ako e.. Lahat kayo nakatingin sa'kin! Hahaha!"

"Dali na kasi, Braaaah!" pamimilit niya pa.

"E nahihiya na kasi talaga ako.. Tama na 'yun!"

"Dali na! Ngayon lang e! Please, Brah?!"

"Tama na yun---"

"'Wag niyo ng pilitin kung ayaw.."bigla'ng singit ni Aki.

dO__Ob

Napatingin kami ni Riz sa kaniya.

Seryoso'ng seryoso siya at salubong na naman ang kilay niya.

"Ayan, nagalit tuloy si Aki.."si Riz.

"H-Hindi ako galit.. Umupo ka na dito sa tabi ko.."sabi n'ya pa at parang pilit na
nama'ng ngumiti sakin.

Sa totoo lang, napakaweird niya ngayo'ng araw na 'to at hindi ko siya magets!
Nung umaga, sinigawan niya ako ng bongga, ilang minuto'ng hindi pinansin at hindi
kinibo, saka niyakap at sinabihan ng kung anu-ano'ng nakakakilig na salita.

Hinawakan sa kamay at inakbayan.

Inaalalayan.

Tapos seseryoso na naman siya at sisigawan na naman ako maya-maya.

'Ano ba'ng nangyayari sa kan'ya!? Hahaha! Daig n'ya pa ang babae'ng may buwana'ng
dalaw!'

d>>_<<b

=================

CHAPTER 13

Kinagabihan ay nagyaya si Riz na magbonfire sa labas ng rest house, tumulong naman


si Mikoy para mapa-apoy niya 'yung mga kahoy. Kami'ng dalawa ni Aki ang kumuha ng
foods and drinks. At si Sid naman ang nag-ayos nung uupuan nami'ng tela sa damuhan
at ng mga tent.

Paglabas namin ni Aki ay nagulat kami dahil may hard drinks na sila doon at
nagtatawanan.

"Oh? Bakit umiinom na kayo d'yan?"taka'ng tanong ni Aki sa kanila.

"Ito eh.. Ang kulit.." turo kay Riz ni Sid.

"Bakit ako lang?! Umiinom ka rin, eh!" nakanguso'ng tugon ni Riz.

"Wala ba kayo'ng balak umuwi?!"si Aki.

"Bakit?! May usapan ba tayo'ng uuwi?! Kaya ko nga kayo pinagdala ng damit!" tugon
ni Sid!

"Hala!?"gulat na sambit ko.

"Oh bakit, Brah!?"


"H-Hindi ako nakapagpaalam kila Mommy.."

"Alam naman nila'ng kami ang kasama mo, 'di ba?"

"Oo, p-pero hindi ko kasi sinabi'ng overnight.."

"Teka, tatawagan ko sila.."sabat ni Aki at saka medyo lumayo sa'min. Sinundan ko


naman siya ng tingin.

"Yiiieeee.. Ang sweet naman talaga ni Aki sa'yo! Uy, Brah, magkwento ka, ha!?
Magtatampo talaga ako kapag hindi!"

dO__Ob

Nakangiwi ako'ng nilingon at Riz. At saka ako naupo sa tabi nila.

"Ano ka ba! Wala naman ako'ng dapat ikuwento sa'yo? noh! Kung ano 'yung nakikita
mo, 'yun na 'yon!"sabi ko pa at nilingon uli si Aki para tingnan kung kausap niya
na sila Mommy, pero mukha'ng hindi pa.

"Sus! Magshare ka pa rin! Meron man o wala, dapat ay alam ko lahat 'yan!"

"Hahahaha, oo na, oo na!"

"Bakit kailangan lahat ay alam mo, Hon? Ibig ba'ng sabihin nun, lahat nung sa'tin
ay ipinapaalam mo rin sa kan'ya!?"sabat ni Sid.

Nagtawanan kami'ng tatlo.

"Laubree.."si Aki.

dO__ob

"Wow! First time 'yun, ah!"namamangha'ng sigaw ko habang nakatalikod pa rin kay
Aki.

"Ang alin!?"tanong naman nina Sid at Riz.

"Hoy, Laubree! Kakausapin ka daw ng Daddy mo!"muli'ng tawag ni Aki.

"H-Ha?! Wait.."nakangiti ako'ng lumapit sa kan'ya. "Hello, Dad?"


"Oh, anak? Bakit hindi ka nagpaalam na hindi pala kayo uuwi?"

"Eh, Dad, hindi ko po kasi alam na o-overnight po pala ang plano nila kaya
pinagdala kami ng damit.. Pero Dad, kung gusto niyo po'ng umuwi ako, magpapahatid
na lang po ako kay Aki.." paliwanag ko pa habang nakatingin kay Aki na nakatingin
rin naman sa'kin.

"Kasama mo ba si Riz d'yan?"

"Opo, Dad.."

"Kausapin ko si Iñaki.."

"O-Oh sige po, Dad.. Oh kakausapin ka daw.."inabot ko uli kat Aki 'yung phone.

"Yes, Tito.. Opo.. Syempre po.. Opo opo.."ngumiti s'ya sa'kin. Binigyan ko naman
siya ng'what-did-he-say?-look'. "Yes, Sir! Hehehe.. Opo.. Pakisabi na lang rin po
kay Tita.. Opo.. Aye! Aye! Sir! Sige po.. Bye po.."

"Ano'ng sabi!? Bakit sa'kin hindi siya nag-bye bye!?" agad na tanong ko pagkababa
niya ng phone niya.

"Ingatan daw kita at 'wag ipapakagat sa lamok.."nakangiti niya'ng tugon sa'kin.

"'Yun lang?!"

"Meron pa, syempre.. Pero sa'min na lang yun.."nakangisi'ng aniya pa! Agad nama'ng
tumaas ang kilay ko.

"A-Ano nga 'yun!!! Daddy ko 'yun kaya dapat sabihin mo sa'kin!"

"Usapa'ng lalaki 'yun.. Halika na dun.."

"T-Teka.. A-Ano muna 'yun.."

"'Wag ng makulit, okay??"ginulo niya ang buhok ko at saka ako hinawakan sa kamay at
inalalayan pabalik kila Riz.

Nagkwentuhan kami ng masasaya. Puro kami tawanan at asaran, karamihan ay kasalanan


ni Riz haha! Mas'yado kasi'ng madaldal!
Lahat ng mga nakakahiya na tungkol sa'kin ay sinabi ni Riz at lahat naman ng mga
nakakahiya tungkol kay Aki ay nalaman namin dahil kay Sid.

Sobra'ng saya lang. Medyo nakainom na rin kasi kami kaya tuwa'ng-tuwa na kami'ng
lahat. Wala na rin ako'ng hiya'ng kumanta sa harap nila, bwahahaha!

Nung gabi na, natulog na si Riz at Sid sa tent nila, bali net lang 'yung nakasara
sa tent kaya kita namin sila at kita rin nila kami. Ahh basta! Bahala ka ng mag-
imagine haha!

Kami naman ni Aki ay nakahiga lang sa loob ng tent ng pabaliktad. Sila Riz at Sid
kasi ay paanan ang makikita mo, kami naman ni Aki ay uluhan. Bali nandon sa part na
net 'yung ulo namin ni Aki at nakatingin kami sa mga stars.

"Alam mo? Ang weird mo lang ngayon.."bigla'ng usal ko.

Nakainom ako pero alam ko naman ang mga sinasabi ko.

"Talaga? Bakit naman?" pormal na tugon niya.

"Kasi kanina'ng umaga, super sweet mo.. Tapos naging tahimik ka, hanggang sa maging
makulit.. maingay.. madaldal.. Tapos tatahimik na naman.. Weird!"

"Anong weird don?"

dO__Ob

"Kasi hindi ako sanay ng ganon ka.. Parang wala ka gaano'ng energy ngayon, hehe..
Dati rati kasi, uumpisahan mo ako ng pang-iinsulto mo, pang-aasar mo, pagyayabang
mo.. H-Hindi ako sanay na wala 'yung mga 'yun.."

"Tch! Kailan naman kita ininsulto!?"sigaw niya.

"Hahaha! Ayan, bumabalik na.. Haha! Parati kaya! Parati mo ako'ng iniinsulto! Dati
halos maya't maya ay iniinsulto mo ako!"

"Tch! Kalokohan yan! Hindi ako nang-insulto ng kahit na sino--kahit kailan!"

"Wow, ah! Kanina nga lang ay sinabihan mo akong tanga! Hindi ba insulto 'yun!? Ako
na nga 'yung nasaktan, tapos sasabihan mo pa ako'ng tanga!"

"Tch! Hindi pang-iinsulto 'yun!"


"Eh ano'ng tawag mo dun!?"

"Honesty! Honesty ang tawag dun! Hahahaha!"natawa kami pareho.

"Ang yabang mo talaga! Haha! Ibig mo'ng sabihin 'yung mga bata na nadadapa e tanga
rin sila at pagiging honest mo ang pagtawag ng tanga sa kanila!? Ganon ba 'yun?!"

"Tch! Mali mali na naman ang conclusion mo! Banat ng banat e! Malamang, hindi!
Natural lang sa mga bata ang madapa dahil hindi pa sila ganoon kalisto sa kilos
nila! Lalo na 'yung mga sobra'ng bata pa, like 1-3 years old.. Syempre, nag-uumpisa
pa lang magsipaglakad 'yung mga 'yun.. E ikaw?! 19 years ka ng naglalakad, oy!
Katangahan na 'yun!"

"Tse! Hindi ko pa rin maintindihan!"

"Kasi nga---tanga ka, hahaha!"

"Kita mo! Ang yabang yabang mo! Ayoko na nga'ng makipag-usap sayo! Wala ka'ng
kwenta!" inis na singhal ko saka tumalikod sa kanya at inis na pumikit.

'Makatawag naman ng tanga akala mo anak siya ng henyo! Tse! Hambog ka lang!'

"Pero kung tanga ka.. Mas tanga ako.."

do__Ob

Tumaas naman ang kilay ko sa bulong niya'ng 'yun. Saka ko pala'ng naimulat ang mga
mata ko.

Hindi ako nagsalita.

"Mas tanga ako dahil.. nakatayo na nga lang tayo.. Nahulog pa ako sa'yo..
Hahahaha!"

dO__Ob

'What the fvck?!'

Hindi ko napigilan ang sarili ko at napabalikwas ako ng bangon at saka tumawa ng


malakas na malakas!

"Hahahaha! Grabe, Aki! Ang korni moooo!!"


"Tch! Korni pero.. grabe ang dating sa'yo, ah!? Hahaha!"

"Oo, tawa'ng tawa ako e, bakit ba!"

"Tch! Iba ang natatawa sa kinikilig!!"

"E-Excuse me, hindi ako kinikilig, ah!"

"Whatever! Hahaha!"

Nagdaldalan pa kami ulit hanggang sa hindi ko na mapigilan 'yung antok ko dahil


super late na.

"Tulog na ako, Aki, ah?? Antok na antok na ako, super.."

"Sige lang.. Goodnight.."

"Goodnight.." at ipinikit ko na ang mga mata ko.

Pero maya maya lang.. nakaramdam ako ng pagkabalisa.

Ewan ko ba, hindi ako makatulog dahil feeling ko tinititigan niya ako!

Hindi ko naman maidilat 'yung mata ko kasi natatakot ako'ng mahuli n'ya ako!

Kaya pinilit ko na lang na makatulog ng tuluyan.. Pero mga ilang segundo pa lang
ay..

dO__ob

HE KISSED ME ON THE FOREHEAD!

At don, hindi ko na napigila'ng idilat 'yung mga mata ko at nagtama ang paningin
namin! Nakaharap siya sa'kin at nakangiti!

Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko!

Kinakabahan ako!

'My God..'
Nagkatitigan pa kami at..

"Goodnight.." malambing na usal niya at saka ngumiti ulit at pumikit na.

Don lang nawala 'yung kaba ko.

Tinitigan ko siya habang nakapikit hanggang sa hindi ko namalaya'ng nakatulog na


pala kami.

=================

CHAPTER 14

Kinabukasan..

"Laubree.. Laubree.."nagising ako sa pag-uga sa'kin habang naririnig ko ang boses


ni Riz.

"Ohh??"sagot ko at saka pumikit ulit.

"Gising na, uuwi na tayo.."

Nagstretch lang ako at saka bumangon.. Kinusot kusot ko pa 'yung mata ko saka
tumingin sa paligid.

dO__Ob

"A-Ano'ng ginagawa ko dito?!"gulat na tanong ko nung makita'ng nasa kwarto na ako.

'P-Pano'ng nangyari'ng..'

"Ah, kanina ka pa kasi ginigising ni Aki, hindi ka magising kaya binuhat ka niya
papunta dito kasi umiinit na doon sa labas.. 'Wag ka mag-alala, kasama niya naman
ako'ng naghatid sa'yo dito.."

"B-Bakit naman ako lang ang lumipat!?"

"Eh kasi nga kanina ka pa ginigising panay ka ungol! Kaya sabi niya ay maya maya na
kapag nagising ka na, saka tayo umuwi! E kaso, ala-una na hindi ka pa rin
gumigising, kaya ginising na kita!"

"H-Ha!? Ala-una na!?"

"Oo! Tara na! Maligo ka na, ha? Ito hiramin mo muna ang damit ko."

"O-Oo, sige, sige.."

Naligo lang ako. At pagbaba ko ay nagulat ako dahil talaga"ng prepared na sila'ng
tatlo.

Napatingin ako kay Aki at hindi na ako nakagalaw!

dO__Ob

Pagtingin ko kasi ay nakashades siya at super gwapo niya sa eksena'ng 'yun! Kainis
lang.

"'Wag mo na ako'ng titigan at bilisan mo na d'yan.."bigla'ng sambit ni Aki at


napapahiya'ng iniiwas ko naman ang tingin ko.

"H-Hindi naman kita t-tinititig---"

"'Wag ka ng magdeny dahil nakikita kita.. Isa pa, nauutal ka kapag nahuhuli
kita.."nakangisi'ng sabi niya pa sakin. "Halika na.. Nagugutom na ako e.."lumapit
siya sa'kin at hinawakan ako sa siko saka inalalayan palabas ng bahay.

"Hindi pa kayo kumain?!"

"Kumain na kami ni Sid, si Aki ayaw kumain, sasabayan ka daw niya.. Yiieee.." sabat
ni Riz dahilan para gulat na lingunin ko si Aki.

"B-Bakit hindi ka pa kumain?"

"Sinabi niya na nga, 'di ba??" nakataas ang dalawa'ng kilay na tanong ni Aki!

"E bakit galit ka?! Pwede nama'ng sabihin nalang rin.." nakanguso'ng singhal ko!

"Tch! Gusto mo kasi, sakin pa manggagaling e.. Para ano!? Para kiligin ka na
naman!? Hahaha!"
"Tara na nga, Hon, baka mahawa pa ako sa mga kakornihan ng pinsan ko.. Hahaha!"
sabat ni Sid na inalalayan si Riz at nagpaumuna sila'ng maglakad.

"Oh?! Saan ang punta niyo?" tanong ko.

"Yung kotse ni Aki ang gagamitin niyo.. Kaya magkaiba tayo ng sasakyan.."

dO__Ob

"G-Ganon ba? B-Bakit?"

"Para masolo ka niya.. Hahaha! O sige na mauna na kami, kita kitz na lang later,
Brah! Love ya!" sabat ni Riz.

"Sige, sige.. Ingat."

At nauna na sila'ng umalis.

Inalalayan ako ni Aki pasakay sa kotse niya'ng ipinagtaka ko naman kung pano'ng
napunta dito e kotse ni Sid ang gamit namin papunta dito. Pero hindi na ako nag-
usisa pa. Kinausap niya pa muna si Mikoy bago siya sumakay sa kotse. Kumaway naman
ako kay Mikoy nung umalis na kami.

"Saan mo gusto'ng kumain?"maya-maya pa'y tanong ni Aki.

"Kahit saan na.. Nagugutom na rin ako e.."

"Bulalo ang masarap dito sa Tagaytay.."

"Talaga?! Gusto ko 'yun!!"

"Ako rin.."nakangiti'ng sagot niya.

Pumunta kami sa Antonio's.

Ang ganda ganda nung place kasi napapalibutan kami ng green!

Andaming halaman, super! Parang ang mga kulay lang na nakikita ko ay Green, Brown
at White! White kasi halos lahat ng tables at 'yung walls. Basta super ganda!
Inabot samin nung waiter ang Menu at..

dO__Ob
"Grabe nama'ng breakfast 'to!?!? Steaks and Eggs--P1,200?!" gulat na bulalas ko
pa.

"Nasa lasa kasi 'yung presyo.."nakangiti'ng sagot niya. "Umorder ka lang, kahit
gaano karami.. Pero ang gusto ko'ng ipatikim sa'yo dito ay 'yung Sizzling Bulalo at
Pata Tim, the best 'yun!"

"Hahaha, talaga?! Treat mo ko??"

"Date kita.."seryoso'ng sagot niya na bahagya'ng nakangiti pa.

dO__Ob

Napangiti rin ako sa kanya na parang kilig na kilig.

At inorder niya nga lahat ng sinabi niya.

'My God, kailangan talaga'ng nguyain ko at namnamin lahat ng in-order niya dahil
ang mamahal bawat isang dish! My God! For sure aabutin ng 10k ang bill namin! 'Yung
eksena'ng libo ang presyo pero ang serving talaga'ng pang-isang tao!? Alam mo yun!?
Kami'ng dalawa lang naman! My God naman this restaurant! Pero grabe naman ang
ambiance! Pangmayaman talaga? haha! Hindi ako belong!'

After namin kumain ay kinuha niya na 'yung bill. Hindi ko nakita kung magkano ang
inilagay niya don sa bill booklet!

Kaya naman nung ibinalik nung waiter 'yung bill booklet at makita ko'ng hindi na
kinuha ni Aki 'yung change niya ay palihim ko'ng hinila 'yung resibo at ibinulsa,
bwahahahaha! Naglalakad na kami pabalik sa kotse niya, ng bigla'ng may tumawag sa
kanya'ng boses nh isang babae mula sa likuran namin.

"Aki!" tawag pa uli nito at sabay naman kami'ng lumingon ni Aki dito.

dO__Ob

Halos mahulog ang panga ko sa sobra'ng pagkamangha nung bumungad sa paningin ko ang
kabuuan ng babae'ng 'yon!

'Napakaganda niya at sosyal na sosyal tingnan!'

"It's nice to see you here!" dagdag niya pa at saka ngumiti ng makalapit na ng
tuluyan sa'min.
Hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko'ng mamangha sa itsura niya.

dO__Ob

'Oh my God.. Bea Alonzo is that you!?'

"Y-Yeah.. How have you been?" seryoso'ng tanong naman sa kaniya ni Aki habang
nagbebeso beso sila. Ako naman nganga lang.

"Busy as usual.." sabi nung babae at saka tumingin sa'kin at ngumiti. Nangiti rin
naman ako sa kaniya. "Aren't you gonna introduce me to your.." pambibitin niya pa
at saka makahuluga'ng tumingin kay Aki.

"Ah.. Yeah.. Aubrey this is Laubree, Laubree meet Aubrey.." ani Aki.

dO__Ob

'Aubrey na naman!?'

"H-Hi.. I'm Laubree.. Nice meeting you.." magalang ang tono'ng pakilala ko.

"Nice meeting you too, Laubree.." sagot niya at nagshakehands kami. Ngumiti naman
ako sa kanya at siya naman ay tumingin uli kay Aki. "So, how was the cake?"

"H-Huh? A-Ah.. T-That.." utal-utal na tugon ni Aki ngunit 'di ko nagawa'ng lingunin
siya.

"Uh-hmm.. Ah yeah, hindi ka nga pala kumakain ng cake.. Anyway, I baked that.."
matamis ang ngiti'ng dagdag ni Aubrey.

"Y-Yeah? I d-didn't know you're--"

"You missed a lot of stuff, haha.."

dO__ob

'Ahh.. So, siya at 'yung Aubrey na sinasabi ni Sid kagabi ay iisa! Annyarreeh naman
dito sa Aki!? Bakit uutal-utal!? Hindi kaya.. Hindi kaya teacher nila noon 'to?!
Sabi kasi ni Sid ay hindi nila relative 'to e.. Grabe ang ganda niya, ah..'

"Yeah, it's been a long time.. S-So, I guess mauna na kami.. It was really nice
seeing you again, A-Aubrey.." si Aki.
"Yeah.. You too.."

"H-Hehe.. Yeah yeah.."

Tatalikod na sana si Aki sa kanya ng bigla'ng hawakan niya ang ang braso ni Aki.
Agad naman napako ang paningin ko doon.

do__Ob

"I missed you.. a lot.." malambing na usal ni Aubrey.

dO__Ob

Dahilan para dahan dahan ko'ng maingat ang paningin ko at magpalipat-lipat ang
tingin ko sa kanila'ng dalawa!

"Me too." pilit ang ngiti'ng tugon ni Aki sa kaniya at saka tumango. "Be safe,
Aubrey." saka ko naramdaman ang kamay niya sa siko ko. "Let's go." at inalalayan
ako pasakay sa kotse.

Napalunok pa ako nung makita ko'ng nakatitig sa'kin si Aubrey habang naglalakad
papunta sa driver's seat si Aki.

Maya maya pa ay pinaalis na ni Aki ang sasakyan.

Hindi na kami nag-usap sa daan, nakatulog rin naman ako sa byahe. At paggising ko
ay nasa tapat na kami ng bahay namin.

"Laubree.." narinig ko ang malambing na boses ni Aki.

Pagmulat ko ng mata ko ay nakahawak siya sa pisngi ko at nakangiti.

"Nandito na tayo.." dagdag niya pa.

'Nakakainis! Bakit ba ako nakatulog!'

"A-Ah.. A-Ang bilis naman.." nanlulumo ngunit 'di nagpapahalata'ng tugon ko at


ngumiti lang siya sa'kin.

d>>_<<b
Hindi ko alam ang gagawin ko!

'Ayaw ko pa'ng bumaba! Kaso, alangan nama'ng makipagtitigan lang ako sa kanya!?
Paano kung gusto niya ako'ng pababain at nahihiya lang rin siya'ng magsabi sa'kin?!
Bakit naman kasi may pahawak hawak pa siya sa pisngi ko! Hindi tuloy ako maka-alis!
Huhu!'

Inayos ko na ang gamit ko, inalis niya na rin ang kamay niya sa pisngi ko at
inihawak sa pad ng seat.

"Mauna na ako.. Ingat ka pauwi.. Thanks for today and yesterday..


Goodnight.." nakangiti pa'ng sambit ko at saka tinalikuran siya at umasta'ng
bubuksan na ang pinto.

'Aki, please stop me..'

Nakahawak na ako sa lock at hindi niya pa rin ako pinipigilan, hanggang sa mabuksan
ko na ang pinto ay wala pa rin!

'My God, ah!'

Ibinaba ko na 'yung isang paa ko pero wala pa rin!

'Ano ba 'yan!'

Kinabahan ako na baka makahalata na siya'ng binabagalan ko talaga ang pagbaba kaya
lumingon na lang ulit ako sa kanya!

"Ingat ka, ah?? Bye--"

dO__Ob

Parang HUMINTO ang tibok ng puso ko!

HE KISSED ME!

d>>_<<b

5...

4...
3..

2..

1..

d>>o<<b

Agad ako'ng napasinghap ng hangin nung bitawan ng mga labi niya ang mga labi ko!

"Goodnight, Laubree.." malambing pa'ng paalam niya.

5..

4..

3..

2..

1..

dO__Ob

Naka-NGANGA pa rin ako'ng nakatitig sa kaniya!

'My God.. h-hindi ko maigalaw ang katawan ko!'

"Hahaha."

dO__Ob

*LUNOK!*

Bumalik na lang ako sa ulirat nung madinig ko ang bahagya'ng tawa niya!

Napapahiya'ng sumulyap na lang ako sa kaniya at saka tumalikod.

"G-Goodnight.." usal ko pa at saka dali-dali'ng lumabas ng kotse niya at patakbo'ng


pumasok ng bahay at saka pabagsak na isinara ang pinto!

=================

CHAPTER 15

Nung marinig ko 'yung tunog ng kotse ni Ako papaalis ay saka ako nagsisisigaw sa
tuwa!

"Yaaaaa!" kinikilig na sigaw ko! "Bwahahahaha! Yaaaaaa!"

"Laubree, anak!?" lumabas si Mom mula sa kwarto sa taas at sinilip ako sa bungad ng
hagdan.

"Mommy!! Hahahaha!" tawag ko pa sa kaniya saka ako umakyat!

"Oh?? What happened to you?!"

"Mom! Hahahaha! Yaaaaa!"

"Oh.. Nakauwi ka na pala, anak.." singit ni Dad.

"Yes, Dad!" sagot ko sa kanya na naka-salute pa!

"O-Okay.. Then go to your room and change.." utos ni Mommy at agad nama'ng tumango
ako!

"I love you, Mom! I love you, Dad! I love you, Lord!" masaya'ng sigaw ko ay saka
pumasok sa kwarto ko.

d^___^b ♥♥♥♥

"Ano'ng nangyari don?"

"Baka sila na ni Aki?"

dO__Ob

Narinig ko pa 'yung usapan nina Mom and Dad pagkasara ko ng pinto ko.

'Hahaha! Hindi pa Mom and Dad.. Hindi pa.. Pero ramdam ko na po! Yieeee!'
Pagdating ko sa kama ko ay saka ako nagtatatalon sa sobra'ng tuwa!

Nagshower lang ako at paghiga sa kama ko don na nag-imagine ng kung anu-ano.


Inimagine ko ulit 'yung eksena kanina bago kami maghiwalay.

'Grabe ang lambot ng lips niya... Hindi naman siya ang first kiss ko pero feeling
ko siya ang first kiss ko, hahaha..'

Nakangiti'ng nilingon ko pa ang bintana kung saan pakiramdam ko ay laging nandoon


si Aki.

dO__Ob

Pero napapikit ako nung maalala'ng itatanong ko nga pala ang dahilan ng pag-akyat
niya doon.

"Hala! Hindi ko na naman naitanong! Nakakainis! T'wing kasama kasi kita parang
lahat nakakalimutan ko na! Hahahaha!"

Puro pag-iimagine lang ginawa ko.

'Ano kaya'ng itsura namin kapag naging kami? Gaano kaya kami kasaya? Saan kaya niya
ako dadalhin? Yiiiieee! Haaays, ang sarap sarap ng feeling! Kaya pala hindi binigay
sa'kin si Sid ay dahil may mas magiging masaya ako kay Aki.. Hehehehe!'

Hindi ko naramdaman kay Sid ang ganito, I mean, oo wala kami'ng mga eksena ni Sid
na katulad nung sa'min ni Aki pero kasi nung si Sid pa ang crush ko masaya ako pero
hindi kasi'ng saya ng nararamdaman ko kay Aki ngayon.

Kinabukasan.

Dahan dahan ko'ng iminulat ang mga mata ko, hinanap ko agad ang cellphone ko at may
dalawa'ng missed calls na si Aki, napangiti agad ako.

"Ang aga nama'ng magising ng Lover boy ko.." mahinang sambit ko pa habang nakangiti
sa cellphone ko.

"Oo, dahil hindi ako batuga'ng tulad mo!"

dO__Ob
Napabalikwas ako ng bangon sa kama at tumingin sa bintana!

d>>_<<b

Si Aki! Nakaupo sa may bintana at naka-crossed-arm!

"A-Ano'ng ginagawa mo d'yan!?"

"Tch.. Bumangon ka na bilisan mo, may pupuntahan tayo!"

"S-Saan naman?!"

"Basta magbihis ka na, okay!? Nakapagpaalam na ako sa parents mo.."

"P-Pero--"

"Bilis!"

"O-Oo.. S-Sabi ko nga e.."

d>>_<<b

Dali dali ko'ng kinuha 'yung robe at towel ko saka pumasok sa washroom. Pumunta
agad ako sa harap ng salamin at tiningnan ko ang sarili ko!

'Oh my God! Ang laki laki ng muta ko! Nakakahiya! Nakakainis! Ano ba kasi'ng
ginagawa nung lalaki'ng 'yun dito!'

Binilisan ko na lang maligo at nung palabas na ako.

'Hala?? Paano ako magbibihis!?'

Sinuot ko 'yung robe ko at dahan daha'ng lumabas ng washroom...

dO__ob

Wala na si Aki.

Pero naririnig ko ang boses niya kaya sumilip ako sa bintana, nakita ko sila ni
Daddy sa may ilalim ng puno at nagtatawanan..

Nang bigla'ng mapatingin siya sakin kaya kinabahan na naman ako!

"Hoy! Bilisan mo sabi!"

"O-Oo.."

Dali dali na ako'ng nagbihis, and this time..

'I'll wear a dress! Haha!'

Nagmake up rin ako at saka bumaba. Si Mom ang unang nakakita sa'kin..

"Oh my God, look at my Princess, you look so beautiful on that dress,


Honey.."nakangiting salubong ni Mom sakin.

"A-Ah, Mom!? This is not the first time you saw me wearing a dress? Duh??"takang
tugon ko.

"I know, Honey.. But you look more beautiful today. Blooming ka kasi."natatawang
sagot niya.

"Hahaha! Haaay nako, Mom ah.."

"What's the score between the two of you? Ha?"

"S-Score!? Ha! He's not my boyfriend, Mom!"

"Isn't he courting you?"

"Mmm that.. I don't know.. Hahaha!"

"Shhhk! Mahina pala ang Iñaki'ng 'to hahaha.."

'Hayy nako, Mom, kung alam mo lang, ang lakas nga e, hahaha!'

d--,b

"O sige na, sige na, he's waiting for you outside.."
"Yeah, nagpaalam na po ba siya sa inyo?"

"Yeah, kanina pa.."

"I see.. Sige po, tatawag na lang po ako sa inyo from time to time.."

"Naaahh, just enjoy your date.."

"Date?!"

"Hoy, ano ba!? Gaano katagal mo pa ba ako paghihintayin!?" sigaw ni Aki.

d-.-b

"Yeah! Coming! Bye Mom.. I love you!"

Nagpaalam lang rin ako kay Dad at saka nya ako inalalayan pasakay sa kotse niya. At
nung pinaandar na niya ay saka ko siya tinanong.

"Saan ba ang punta natin, Aki?"

"Bahala na, hehe.."

"Ano'ng bahala na?!"

"Bahala na.. Bahala na kung hanggang saan umabot ang gas, hahaha.."

"Psh! Siguraduhin mo lang na magugustohan ko d'yan, ah!"

"Oo naman, hehe.. May pinuntahan ba naman tayo'ng kasama ako na hindi mo
nagustohan!? 'Yung yayain nga lang kita sa park e tuwa'ng tuwa ka na, hahaha!"

"Diyos ko.. Bakit po may nilalang na ganito? Huhuhu.. Nagpapakabait naman po ako,
'di ba po? Huhuhu.."

"Ang O.A. mo!"

"Hahahaha!"

Maya maya pa ay nasa Quezon City na kami kaya tinanong ko na naman siya!
"Saan ba talaga ang punta natin? Ang layo na natin, ha!"

"Dadalin kita sa isang Romantic Resto na alam ko'ng hindi mo pa napupuntahan,


hehehe.."

"Psh! Hambog! Pasensya naman? hindi ako kasi'ng bigtime mo!"

"Bakit?! Saan ba kayo nagdedate dati ng mga ex mo!? Sa Mcdo!?! Eew!"

"H-Hoy! Eew ka d'yan! Kahit Mcdo lang 'yon, masaya'ng masaya na ako dahil
nakakasama ko sila! At saka i-isa pa.. Gumagala rin kami, noh! Nagpupunta kami sa
Manila Ocean Park!"

"What!? Manila Ocean Park?! E pang-pamilya 'yun e! Eew!"

"A-Ano'ng eew! Hoy, ang yabang mo, ah! Wala sa lugar 'yan! N-Nasa pagsasaya 'yun!
Ang saya saya ko kaya nun! At saka nung nagpunta kami don, nahawakan ko 'yung mga
dolphins! Hehe.. Angcucute nila.."

"Dolphins!? Tch! Dahil lang don!? Haha! E kaya'ng kaya kita'ng bilhan ng sarili
mo'ng dolphins!"

dO__Ob

"A-Ang yabang mo!"

"Tch! Hindi kasi'ng bigtime ko 'yung mga ex mo, 'yan ang dapat na sabihin mo,
hahahaha!"

"Whatever! At least hindi hambog ang mga ex ko!"

"Kasi hindi sila kasi'ng honest ko at wala sila'ng maipagmamalaki na tulad ko,
hahaha!"

dO__Ob

Nagkatinginan kami at saka tumawa pareho.

Maya maya pa ay pumasok kami sa isang parang old house na may malaki'ng garden.

"A-Ano 'to??"tanong ko.


"I knew it.. Hindi ka pa nga nakapunta dito, Katipunan lang 'to and yet hindi mo pa
narating?!"

"Wala lang ako'ng oras gumala, noh!"

"Hindi naman galaan lang 'to, romantic na restaurant 'to.. Pumasok ka na nga lang!"

Tulad ng sinabi nya ay pumasok na nga lang ako sa Restaurant at OMG. Napa-WOW
talaga ko ng BONGGANG BONGGA!

NINYO ang name ng restaurant, at dahil ignorante nga ako ay hindi ko alam na may
ganito pala!

Angganda ganda at tulad nga ng sinabi ng hambog, napakaromantic nga ng ambiance.

'Inside the house, a combination of antique accents with hints of Zen and Bossanova
beats add to the restaurant's cool and intimate vibe. The dimly-lit wine lounge on
the second floor could be our next stop for the night.'

d--,b

"Ano? Bilib ka na naman??" pagyayabang na naman niya."Napapanganga ka e.."

"Hahaha! Angganda dito grabe!"

"I know.." nakangiti'ng aniya pa.

Maya maya pa ay lumapit na sa'min ang waiter at kinausap siya.

"Let me take your order, Sir.."

"Ahh.. Coffee Crusted Tuna and Salmon Tataki, Cold Jellyfish and Soba Salad, U.S.
Hanging Tender Steak, and Duck Leg Confit." nakangiting sagot niya.

dO__ob

"Hindi ka naman gutom!?" gulat na tanong ko.

"Those are the best dishes, I want you to taste everything.." sagot niya na
kumindat pa!
d>>_<<b

Ending?? Kinilig na naman ako, ano pa!

Nag-uusap pa rin kami habang kumakain, as usual hambog pa rin sya at pikon pa rin
ako.

Madalas pa rin akong nganga at siya naman ay nakangisi.

Nung matapos naming kumain ay nagpaalam sya sa chef ng resto at sa iba'ng waitress,
malamang hindi na ito ang first time niya'ng pumunta dito, kasi parang kilala na
siya ng lahat. Sumakay na ulit kami sa kotse niya at maya maya ay pinaandar niya
na.

=================

CHAPTER 16

Next Stop. La Mesa Ecopark.

d>>_<<b

'Mas hindi ko alam 'to! Hindi ko alam na may ganito pala dito sa Luzon! '

"Wooooooooowww!" mangha'ng mangha na nama'ng sigaw ko.

"Tch! Wag ka ngang maingay! Para ka'ng bata!"

"Bata pa naman talaga ako e! Ilabas mo 'yung camera, dali!" sigaw ko pa.

"Oh! Tch.. Magpicture ka mag-isa mo, ah!? Pumunta tayo dito para mag-date, hindi
para magphotography.."

"Ang sungit naman nito.. Picturan mo na ako sige na, please??" lambing ko sa
kaniya."Pipicturan rin kita after ko.. Salitan tayo, promise!! Plea---"

"Akina! Nakakainis!"

"Yeeeeeyyy!"

'Grabe para kaming nasa paraiso, haha!'


dO__Ob

O.A. na kung O.A.! Pero totoo! Nature tripping! Gusto'ng gusto ko 'to!

'Yaaaaaaaaa!'

May Paintball field, Aquatic Center, Shell Flower Terraces, Fishing Wharf, Picnic
Grounds, etc!

Masaya nami'ng ginala ang lahat ng sightings doon ng magka-HOLDING HANDS! Wala na
rin siya'ng nagawa kung hindi ang picture-an ako sa mga spots na gusto ko at ganon
rin naman siya. Kapag may nakakasabay kami'ng tao ay nagpapapicture kami sa kanila
para may pictures kami'ng magkasama.

"Don naman tayo, Aki! Dali!" yaya ko pa sa kaniya.

"Teka! Magpipicture ka lang naman d'yan e!"

"Oo! Kailangan may remembrance lahat!"

"Sus! Wag masiyado'ng marami, napapagod na'ko!"

"Dali na, 'wag ka'ng K.J.!"

"Teka nga!"

"Dinala dala mo ako ditto tapos ikaw ang.."

"Akina nga! Ang daldal mo!"

Matapos namin doon ay pumunta kami at nagstay sa isang Mini Forest doon kung
tawagin nila. Naupo kami at pinagmasdan ang kabuuan ng lugar. Napakaganda at
nakakamangha'ng tunay.

Pero nawala ang atensyon ko doon nung magulat ako sa ginawa ni Aki.

Ini-angat niya sa ere ang pareho'ng kamay nami'ng magkahawak at saka nakangiti'ng
pinagmasdan niya 'yon. Napatingin ako sa kaniya habang nandoon naman ang paningin
niya.

"Alam mo ba'ng.." panimula niya pa habang nakatingin pa rin sa mga kamay


namin. "..napapangiti mo ako??"

dO__Ob

"H-Ha??" gulat na reaksyon ko.

"Napapangiti mo ako.." pag-uulit niya ng nandoon pa rin ang paningin. "Kasi


parang matagal na panahon na mula nung huli ako'ng ngumiti.." pilit ang ngiti'ng
dagdag niya pa.

Napatingin ako sa mga mata niya at nakita ko'ng ang kanina'ng nakangiti niya'ng
mukha ay napalitan ng lungkot.

"B-Bakit naman??" tanong ko.

"Mmm.. kasi siguro dahil naging malungkot ako??" patanong na sagot niya. "Ewan..
Basta ang alam ko ay napapangiti mo ako.."

Hindi ako nakasagot.

Tumayo siya at itinalikod ako sa kaniya at saka YINAKAP mula sa likod!

d>>_<<b

'I love you Lord.. Huhuhu..'

"Ikaw lang ang nakakapansin sa mga kahinaan ko.." maraha'ng bulong niya pa sa
banda'ng tainga ko. "Ikaw lang ang dahilan kung bakit nag-i-stay ako sa bahay ni
Sid kahit na ang dapat ay nasa bahay na ako." dinig ko pa ang pagbuntong-hininga
niya. "At higit sa lahat.. Naramdaman ko ulit kung paano maging masaya.. dahil
nandiyan ka.." mahinaho'ng dagdag niya.

*LUNOOOOOOOK!*

Hindi ko maipaliwanag ang naghahalu-halo'ng pakiramdam sa kalooban ko.


Nangingibabaw ang kaba sa dibdib ko pero nakakataba ng puso ang mga sinasambit
niya. Sa mga nauna'ng pinagsasasabi niya sa'kin ay 'di ko maiwasan ang mainis. Pero
lahat 'yun ay nabura ng dahil sa mga sinasabi niya ngayon.

"Aki.. I d-don't know what to say.." manapa'y sagot ko.

"You don't have to say anything.. I just want you to know everything, Laubree.."
"K-Kahit T-Thank You wala??" nakanguso'ng tanong ko at natawa naman siya.

"'Yan ang nagustohan ko sa'yo, eh.."

"Alin??"

"Wala.. 'Wag ka na lang kasi'ng magsalita.. Ang ganda ganda na nung moment e.. Wala
ka'ng iba'ng dapat gawin kung hindi ang kiligin, okay? Hahaha.."

dO__Ob

Natawa ako pero nanahimik na lang ako gaya ng sinabi niya. Ninamnam ang
pagkakayakap niya sa'kin.

Ilang oras pa kami'ng nanatili doon hanggang sa masaya kami'ng makauwi.

Tumawag siya sa'kin matapos ko'ng mag-ayos bago matulog.

"Napagod ka ba?? "tanong nya.

"Mmm, oo pero worth it naman kasi ikaw ang kasama ko.."

"Nakanam.. Gumaganiyan ka na rin, ah! Hahaha!"

"Hahaha! So kinilig ka naman?!" natatawa'ng tanong ko.

"Mmm.. Medyo.. Hahaha!"

dO__Ob

Natuwa ako sa isinagot niya!

'Hehehehehehe! Kinikilig rin pala siya?! Nakakatuwa! Yiiieee!'

"Yiiieee! Ikaw napagod ka ba?" tanong ko.

"Hindi, ikaw yata ang lakas ko e.. Hahaha!"

"Naks! Iba na 'yan ah.."


"Hahaha! Bakit mo nasabi?!"

"Wala naman.. parang napapansin ko lang, pabigat ng pabigat ang mga binibitawan
mo'ng salita, hahaha.."

"I'm a responsible person, so you don't worry, haha!"

"Talaga lang, ah?!" tanong ko at hindi na siya sumagot.

Maya maya pa'y narinig ko pa ang buntong-hininga niya.

"Oh? Akala ko ba hindi ka pagod!? Bakit bumubuntong-hininga ka na d'yan?"

"Laubree.." tawag niya at natigilan naman ako. Nangibabaw na naman ang kaba sa
dibdib ko.

"O-Oh??"

"Kita tayo sa park.."

"H-Ha!? Late na kaya!"

"I want to see you.." mahinaho'ng sagot niya at natigilan na naman ako!

Napangiti ako at pigil na pigil ang ngiti'ng 'yon!

'Kyaaaaaaaaaaaaah!'

Gusto ko'ng sumigaw sa kilig pero hindi ko magawa!

'Sabi niya ay ako lang ang nakakakita ng kahinaan niya?! Pwes! Siya naman ang
kahinaan ko! Hahahaha! Bawat matatamis na salita'ng binibitawan niya ay pumupukpok
sa tuhod ko!'

"Hoy!" bigla'ng sigaw niya at natauhan naman ako!

"A-Ah!? Ha!?"

"I said, I want to see you! Hindi ka na naman nakapagsalita d'yan! Hindi ka pa rin
ba sanay?? Hahaha! Kilig na kilig ka pa rin?"
"Ang k-kapal ng mukha mo, ah! M-Mamatay na ang kinikilig!"

"'Wag! Suicide 'yun pag nagkataon.."

"Ha??"

"Tch! Ang slow mo! Ano!? Makikipagkita ka ba sa'kin o hindi!?"

"S-Sige na nga! Pinipilit mo ako e.."

"Wow! Anong pinipilit!? Hahaha! Assuming ka na naman!"

d>>_<<b

'Edi napahiya na naman ako!? Hahahaha! Pero ewan ko ba kung bakit kinikilig pa rin
ako! Hahahahahahaha!'

"Edi hindi na!" inis kunwari'ng sigaw ko.

"Hahahahaha! O sige na, sige na! Bumaba ka lang, 'wag ka'ng lalabas. Susunduin kita
d'yan."

"Sige, hehehe!"

"Tch! Papayag rin pala---andami pa'ng sinasabi!"

"What!?"

"Wala.. Papunta na ako!"

"Bwisit!"

Sandali ko'ng inayos ang sarili ko at maya maya pa ay dumatingin nga siya.

Nagpaalam kami sa parents ko at saka kami dumeretso sa park. Pagkarating mismo don
ay napansin ko'ng tatawa-tawa na naman siya.

"Oh!? Ano na naman 'yan?!" taas-kilay na tanong ko.

"Hehehehe. Wala naman, natawa lang ako sa'yo." sagot niya.


"Nakakainis ka! Pinapunta mo ako dito para lang pagtawanan?!"

"Uyy, hindi, ah! Natatawa lang ako kasi sabi mo pinipilit kita, e hindi naman kita
pinipilit! Hahaha!"

"Yeah right.. Hambog! Oh, e bakit mo ba kasi ako pinapunta!?"

"Gusto nga kasi kita/ng makita.." nakangiti'ng tugon niya at palihim naman ako'ng
nangiti.

"Oh, e bakit naman gusto mo ako'ng makita?!" inis pa kunwari'ng tanong ko.

"Because I like you.."

dO__Ob

*LUB*DUB*LUB*DUB*LUB*DUB*LUB*DUB*

dO__Ob

*LUNOOOOOK!*

Hindi ako nakapagsalita at parang nagsara ang mga tenga ko dahilan para wala'ng
pumasok na ingay dito.

Tangi'ng tibok ng puso ko lang ang naririnig ko!

"Hahaha!"

Natauhan na lang ako nung umugong ang malakas niya'ng tawa!

"B-Bakit?!" tanong ko.

"Ano'ng bakit?!" inis pa'ng tanong niya!

"Bakit ka tumatawa!" inis lalo'ng sagot ko!

"Hahahaha! Parang wala na kasi'ng mapaglagyan 'yang kilig mo, eh! Halika nga
dito!" aniya at saka malakas na hinila ako at niyakap uli mula sa likuran!
Nagsisimula'ng manginig ang mga tuhod at kamay ko at hindi ako makakilos!

d>>_<<b

"I like you, Laubree.." mahina'ng bulong niya pa at nagtindigan ang mga balahibo ko
sa buo'ng katawan! "I like you and I don't need an answer from you in case you
don't know what to say, hahaha!" mayabang pa'ng dagdag niya at agad nama'ng tumaas
ang kilay ko!

Natawa rin naman ako sa sinabi niya kalaunan. Ninamnam ko na naman ang yakap niya
sa'kin at nakangiti'ng tumingin sa kung saan saan habang pareho kami'ng tahimik na
dalawa.

'Grabe ang araw na 'to. Hindi ko kinakaya! Parang gusto'ng pumutok ng OVARY ko,
agad agad! Hahahahaha!'

Saglit pa kami'ng nanatili doon at nung maihatid niya ako ay hindi na nawala pa ang
mga ngiti sa aking labi.

Kinabukasan.

Saturday!

Nakangiti ako'ng nagdidilig ng mga halaman sa bakuran.

"Good morning, prettiest!"

dO__Ob

Gulat ako'ng napalingon sa likuran ko!

"A-Aki.." pigil ang kilig na tawag ko sa kaniya. "Good morning, hehehe!" bati ko.

"Ano?? Kinilig ka na naman?!" mayabang na tanong niya at ngumuso naman


ako. "Hahahaha!"

"H-Ha!? Hindi ah! Sanay na ako.. Hahaha!" taas-noo'ng sagot ko.

"Wow! Sanay na!? Saan? Natatawag ng pretty o sa mga biro ko!?"


"Ahh! So, biro lang pala 'yun!?" nakangisi'ng tanong ko.

"Haha, syempre!"

dO__Ob

"Ah, ganon?!" nakapamewang pa'ng tanong ko. "Umalis ka na nga dito at sinisira mo
ang araw ko!" kunyari'ng sigaw ko kahit kinikilig pa rin ako.

"Tch! Hindi na mabiro. PMS ka ba!? Haha!"

"Excuse me, hindi ah!" tanggi ko at saka sinipat ang tabi niya. "Oh, e bakit
nandito ka nga pala? At bakit wala si Aubrey??" patungkol ko sa aso niya pero hindi
siya sumagot at bigla'ng sumeryoso.

"Pinaliguan ko na kasi siya kaya hindi ko na sinama." sagot niya.

"Ahh.." tatangu-tango'ng tugon ko. "Ngayon mo lang yata kasi siya hindi isinama,
hehehe."

"Yeah, aalis kasi kami e." sagot niya at natigilan naman ako. "Ayoko ng marumihan
pa siya dahil mangangamoy siya sa kotse ko."

'A-Aalis siya?'

"Eh, alaga mo naman 'yun! Arte mo!" sagot ko at saka ipinagpatuloy ang pagdidilig
ko. "S-Saan ang punta mo??"

"Uuwi na.."

dO__Ob

*LUNOK!*

Mahina ang pagkakasabi niya ng huli'ng linya'ng 'yun pero parang napakalakas sa
pandinig ko.

Napahinto ako sa sarili'ng ginagawa at saka dahan daha'ng napalingon muli sa


kaniya. Seryoso ang mukha niya kaya naman pilit ako'ng tumawa.

"H-Hehehehehe.." peke'ng tawa ko pa. "Nice.. So, mag-e-enroll ka na??"


"Mmm, yeah.." tipid na sagot niya at parang nanikip ang dibdib ko.

'Yeah right, Laubree! Hindi naman KAYO, kaya hindi ka na dapat magtaka kung bakit
hindi man lang niya sinabi sa'yo'ng may plano na pala siya'ng umuwi.'

Parang gusto ko'ng mapaupo sa panlulumo dahil sa naisip ko'ng 'yon. Pero pilit pa
rin ako'ng ngumiti dahil nakatingin siya sa'kin.

"I see.." tanging naisagot ko at saka tumalikod uli sa kaniya at pilit na


ipinagpatuloy ang pagdidilig na ginagawa ko.

Hindi ko maintindihan kung bakit naninikip ang dibdib ko. Nahihirapan ako'ng
huminga at parang nag-iinit ang mga mata ko. Gusto ko'ng maiyak sa lungkot.

"Dadaanan kita ulit.. bago ako umalis.." dinig ko'ng aniya pa at kunwa'ng nilingon
ko pa siya saka ngumiti.

"S-Sige lang, hehehe! N-Nandito lang naman ako." pilit nagpapaka-okay na sagot ko.

"Mmm, mauna na muna ako. Magbreakfast ka na." aniya at saka dahan daha'ng umatras
mula sa kinatatayuan niya. "I'll see you later." dagdag niya pa at saka nagjogging
papalayo.

Hinabol ko siya ng tingin at doon na ako naiyak.

dTT__TTb

Hindi ko mapigilan ang sunod sunod na patak ng luha'ng nahuhulog mula sa mga mata
ko papunta sa mga pisngi ko!

'Ano ba, Laubree! Ang O.A mo! Syota ka?! SYOTA?!'

Pero hindi ko pa rin makumbinsi ang sarili ko.

NASASAKTAN AKO.

Itinigil ko ang ginagawa ko at saka mabilis na pumasok ng bahay at umakyat sa


kwarto ko at doon nagkulong! Umiyak ako ng umiyak doon hanggang sa hindi ko
namalaya'ng nakatulog na pala ako.

"Laubree, anak??" dinig ko ang boses ni Mom kaya naman iminulat ko ang mga mata ko.

"Mmm?? M-Mom??"
"Late na.." maraha'ng sagot niya pa at bumangon naman ako habang nagkukusot pa ng
mga mata ko. "Bumaba ka na muna at magdinner. Hindi mo daw ginalaw 'yung food na
prinepare ni Yaya para sa'yo? Natulog ka ba magdamag??" tanong niya at natigilan
ako!

dO__Ob

'D-Dinner?? N-Natulog magdamag?!'

Nanlaki ang mga mata ko at dali dali ko'ng hinagilap ang cellphone ko upang tingnan
ang oras!

'8:00pm na! Sheeet!'

"M-Mon, wait lang po---I'll be back!" sigaw ko na mabilis tumayo at tumakbo!

"W-Wait! Laubree, where are you going?!" dinig ko'ng habol niya pa! "Honey!"

"Kay Aki, Mommy!" sigaw ko at saka nagpatuloy paalis!

Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko at kung makakalipad lang ako ay ginawa ko na!

Mabilis ko'ng pinatakbo ang bike ko papunta kila Sid! Hindi ko alam kung paano
ako'ng nakapag-bike ng mabilis habang hawak hawak pa rin ang cellphone ko dahil
hindi ko naman dati'ng nagagawa 'yon.

Pagdating kila Sid ay mabilis ako'ng lumapit sa gate.

"Siiiid??" malakas na tawag ko mula sa labas. "Siiiid??"

Pero wala'ng sumagot.

Agad ko'ng kinuha ang bike ko at saka dali dali'ng pumunta kila Riz!

"Ohh!? Bakit ngayon ka lang!?" si Riz.

"S-Si A-Aki!?"

"Kanina pa kami tawag ng tawag sa'yo e! Pumunta kami sa inyo naka-lock naman buong
bahay niyo!"
"Nasaan si Aki!?" muli'ng tanong ko.

"Kalma, Brah!"

"Nasaan si Aki!" inis na pag-uulit ko!

"N-Nakaalis na siya, Laubree.." si Sid ang sumagot at natigilan ako.

Agad ako'ng nanghina at napaupo sa sofa. Hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko
at hindi ako nakapagsalita.

"B-Brah.." lumapit agad sa'kin si Riz. "K-Kanina ka pa kasi namin hindi macontact
e.. P-Pinuntahan ka rin namin sa bahay niyo, pero wala'ng s-sumasagot.. K-Kanina
pa'ng 5:00pm nakaalis si Aki.." may bahid ng lungkot na aniya.

"Saan ka ba kasi nagpunta?!" parang inis pa'ng tanong ni Sid kaya tiningala ko
siya.

"N-Nakatulog kasi ako e.." iiling-iling na sagot ko.

"What?!" gulat na tanong nila pareho at napayuko ako!

d>>_<<b

'Damn it! You're so stupid, Laubree! Paano mo nakuha'ng makatulog!'

"You mean---natutulog ka lang?!" inis pa'ng tanong ni Riz at tumango agad ako.

"N-Nasa bahay lang ako magdamag---ngayon lang ako nagising, kung hindi pa ako
ginising ni Mommy, hindi ako magigising." iiling-iling na sagot ko. "K-
Kasi.." hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil kumawala na ang mga luha ko.

"Brah.." maraha'ng tawag sa'kin ni Riz pero nagtuloy lang ako sa pag-iyak ko.

"Tatawagan ko si Aki.." si Sid.

"W-Wag na.." pigil ko sa kaniya habang pinapahid ang mga luha ko.

"Bakit??" salubong ang mga kilay na tanong ni Sid pero ngumiti lang ako.

"H-Hehehehe! E-Eh.. h-hindi naman kasi k-kami e.." naiilang pa'ng sagot ko. "Kaya
'w-wag na lang.. Nakakahiya.."

d>>_<<b

'A-Ano ba'ng sinasabi ko?! Tama pa ba 'yung mga isinasagot ko sa mga tanong nila??'

Hindi ko alam.

'Naiinis ako pero w-wala ako'ng magawa.'

Mabilis ko ring tinapos ang pag-iyak ko at maya maya pa'y nagpaalam na pauwi.

"Brah.." malungkot pa'ng tawag sa'kin ni Riz at pinilit ko nama'ng tumawa.

"I'm okay.. you don't have to worry.." sagot ko.

"Hindi.." tanggi niya. "Hintayin mo ako dito. Doon ako matutulog sa bahay niyo,
sasamahan kita ngayon---"

"H'wag na.." pigil ko sa kaniya at saka ngumiti. "Promise, Riz, I'm


okay.." nakangiti pa'ng dagdag ko.

"Pero kasi---"

"Ay!" pigil ko muli sa kaniya. "Wala'ng pero---pero! Hehehehe! Ano ka ba!" sabi ko
na tinapik pa siya kunyari. "Para i-iilang linggo ko lang naman siya'ng nakasama e!
Okay lang 'yun!!"

"B-Brah.." usal niya at hinawakan ko siya sa magkabila'ng balikat at ngumiti.

"H'wag ka'ng mag-alala, Madam, ha?? Kapag hindi ko na kaya.. sa ayaw at sa gusto mo
e susugurin kita! Pwede ko ba naman makalimuta'ng tumakbo 'sayo?? E ikaw lang ang
nag-iisa'ng bestfriend ko---"

Natigilan ako dahil NIYAKAP niya ako.

'Yes, Riz.. this is what I need right now..'

Gusto'ng gusto ko'ng umiyak pero nangingibabaw ang hiya sa dibdib ko.

"Basta, kapag kailangan mo ako, kahit wala'ng laman 'yung message mo--itext mo ako.
Kahit ibaba mo agad---tawagan mo ako. Kahit ano'ng oras, pwede ka'ng pumunta dito
sa bahay, Brah. Kahit batuhin mo 'yung bintana ko, okay lang. Kung kailangan mo
ako, pupunta ako kahit ano'ng oras, Brah."

"I know, Riz.. I know.. Thank youuu.." nakangiti'ng sagot ko.

"Kung kailangan mo ng kausap, nandito lang kami, Laubree.." si Sid.

"Psh! A-Ano ba kayo!" suway ko kunyari sa kanila. "Ang O.A. niyo, ah! Hahahahaha!
'Wag nga kayo'ng umasta na parang nagbreak kami ni Aki dahil hindi mangyayari 'yun!
Kasi.. w-wala nama'ng KAMI, hahahaha!"

'Sige lang, Laubree.. 'wag mo ipakita'ng nasasaktan ka dahil masakit rin ang
kaawaan ka..'

Natahimik sila'ng dalawa at tumingin sa'kin na parang naaawa sila kaya mas ngumiti
pa ako.

Nagpaalam uli ako at saka nagbike na pabalik ng bahay.

Nung makauwi ako ay nagsinungaling ako kay Mommy na kumain ako kila Riz para
makaakyat agad ako sa room ko.

Dahil hindi ko na kaya'ng pigilan ang mga luha ko'ng kanina pa gusto'ng kumawala sa
mga mata ko.

Nung marati'ng ko ang kwarto ko at mapaharap ako sa salamin ay nakita ko ang sarili
ko.

DOON AKO LALO'NG NAIYAK.

=================

EPILOGUE

Dati rati ay hindi ako lumalabas ng magulo ang itsura ko, but if you'll look at me
now..

'Dapat nga lang talaga ako'ng tawagi'ng bruha ni Riz.. Ang gulo gulo ng buhok ko at
gusot gusot ang damit ko.. And worst? Ang laki-laki pa ng muta ko..'

Napaupo ako sa kama at don na humagulgol ng iyak. Binuksan ko ang Music Player ko
para hindi nila marinig ang iyak ko sa kabila'ng kwarto. Kamalas malasan nga
naman..
Now Playing: I'll never go by Erik Santos

d>>_<<b

'I'll never go far away from you, even the sky will tell you.. That I need you
sooo.. For this is all I know.. I'll never go far away from... youu...'

dTT_TTb

Simula nung gabi'ng 'yun ay hindi na naging normal pa ang takbo ng buhay ko.

Parati na ako'ng tulala at wala sa sarili. Kapag naaalala ko si Aki naiiyak ako.
Kapag nakakakita ako ng couples sa tv naluluha ako. Hindi rin ako nakikipagkita
kila Riz dahil maiinggit lang ako sa kanila ni Sid at alam ko'ng naiintindihan ni
Riz 'yun.

Alam na rin nila Mom at Dad na umuwi na si Aki sa kanila, at syempre sinabi ko ang
totoo sa kanila dahil hindi naman ako naglilihim sa kanila, kaya aware sila sa
pinagdadaanan ko at kinocomfort na lang ako ni Mom kapag naiiyak na ako.

Hanggang sa isang hating-gabi.. 10 minutes before December 22..

Parang wala ako sa sarili'ng pumunta sa park. Parang ang bigat bigat ng pakiramdam
ko pero pumunta pa rin ako doon.

'Namimiss ko na siya.. Namimiss ko na 'yung hambog, mayabang, laitero, ambisyoso at


gwapo'ng si Aki.. Namimiss ko na si Aki.. Mas gugustohin ko'ng laitin niya ako
maya't maya, mas gusto ko 'yung yabangan nya ako minu-minuto.. 'Wag lang 'yung
ganito.. 'Wag lang 'yung ganito'ng wala na siya sa tabi ko.. Hindi ko kaya..'

dTT__TTb

Umupo ako sa swing, tumungo sa hita ko at saka umiyak..

Umiyak ng umiyak..

"Wishful thinker pala, ah??"

dO__Ob
Dahan dahan ko'ng iniangat ang ulo ko ng marinig ko 'yun..

"A-Aki..." naiusal ko nung magtama ang panigin namin.

Hindi ko napigilan ang mapangiti nung makita ko'ng siya nga ito. Agad ako'ng tumayo
at tumakbo papalapit sa kaniya at saka YUMAKAP.

"Nasaan na 'yung pinagmamalaki mo'ng wishful thinking na taglay mo?"sarkastiko


pa'ng tanong niya at napalayo naman ako mula sa pagkakayakap sa kaniya. Pinahid ko
ng mga luha sa mga mata ko at 'di makatingin ng deretso sa kaniya.

"A-Ah, kasi.."

"Ako ba ang ini-iiyak mo?"

d>>_<<b

"H-Hindi, ah.." pagsisinungaling ko habang nakatungo pa.

“Tch.. Sige ideny mo pa..”

“E-Eh pano naman kasi.. Umalis ka hindi ka man lang nagpaalam sa'kin..”

“Pumunta kami sa bahay niyo kaso wala---“

“S-Sorry! Nakatulog kasi ako..”

“What?!”

“E-Eh kasi.. Nung sinabi mo sa'kin nung umaga na aalis ka na, nalungkot ako.. Kahit
na alam ko'ng kaya ka aalis ay dahil mag-aaral ka na, feeling ko hindi na kita
makikita..”

“Eh pano kung hindi na nga ako magpakita?”

dO__Ob

Napatingin ako sa kaniya at 'di nakapagsalita.

“Ano'ng gagawin mo kung hindi na ako magpakita sa'yo?” pag-uulit niya ng tanong
niya.
“H-Ha? E-Ewan ko.. Hindi ko alam.. Hindi ko y-yata kaya..”

“Laubree..”

“Oh?”

“Ano ba tayo?”

dO__Ob

‘Oh my God.. Laubree this is it! This is it! Umayos ka..’

“Tayo?”tanong ko.

“Oo.. Tayo.. Ano ba tayo?”

*LUNOK!*

“Ano nga ba?? Ang alam ko kasi wala nama'ng tayo.. P-Pero kasi---“

“Exactly..” pigil niya sa sinasabi ko dahilan para mapatitig ako sa kaniya.

Sa mismo'ng oras na 'yun ay gusto ko na agad maiyak pero wala'ng lumalabas luha
mula sa mga mata ko.

'Ang cold niya..'

“Wala nama'ng tayo kaya wala ka'ng dahilan para magkaganyan.. Dahil ba sa'kin kaya
ka nagkakaganyan?”

"H-Hindi.." kinakabaha'ng sagot ko.

Nagbuntong-hininga naman siya.

"Kung ganon, dahil hindi ako nagpaalam sa'yo?" muli'ng tanong niya.

d>>_<<b

"H-Hindi.. W-Wala'ng kinalaman s-sa'yo.." pagsisinungaling ko.


"Tch.."

"W-Wala nga.."

Batid ko'ng hindi siya kumbinsido sa sagot ko at alam niya'ng nagsisinungaling ako.

'Pero hindi ko masisisi ang sarili ko'ng pagsisinungalin sa'yo, Aki. Natatakot ako
sa biglaang panlalamig mo..'

Tinignan niya lang ako at saka naglakad ng kaunti papunta sa likod ko kaya naman
bumaling ako paharap sa likuran niya at sinundan siya ng tingin.

Nakatingin siya sa bahay namin.

"Naalala mo ba 'yung unang beses na nagkakilala tayo?? Nung gabi'ng inakyat ko


'yang bintana ng kwarto mo.." tanong niya habang nakatingin pa rin doon pero hindi
ako nagsalita, tinignan ko lang rin ang bintana ng kwarto ko.

Bukas ang ilaw doon kaya naman tanaw na tanaw 'to mula sa pwesto namin.

"You didn't even bother to ask me what was I doing there? How did I get there? And
how did I know how to go up there?" malumanay na aniya ngunit ramdam ko pa rin ang
malamig na pakitungo niya.

Lahat ng sakit na nararamdaman ko ay natakpan ng takot.

Parang hindi siya 'yung Aki na nakasama ko, parang binabago nung malamig na
pakikitungo niya 'yung pagkakakilala ko sa kaniya.

"N-Nakakalimutan ko kasi l-lagi.." sagot ko.

"Tch. The only thing that you asked me was,'Who the heck are you?'.." pagdidiin
niya pa. "Honestly, I was about to ask you the same question, but you already
started yelling at me.."

dO__Ob

Hindi na naman ako nakapagsalita, manapa'y inalala ko 'yung mga pangyayari'ng 'yun.

Humarap siya sa'kin at nagtama ang mga paningin namin.

*LUNOK!*
"Do you wanna know what was I doing there??" tanong niya at kinabahan agad ako.

dO__Ob

Hindi ako nagsalita at tinignan ko lang sya sa mga mata niya. Even his eyes are
cold, it's as if he's blankly staring at me. That's when I looked down, hindi ko
siya kaya'ng titigan.

"Dahil dati ko ng ginagawa 'yon.. Dati ko ng inaakyat ang bintanang 'yon.. At hindi
ikaw ang tao'ng inaasahan ko'ng makikita ko don.."

dO__Ob

Dahan dahan ko'ng naiangat ang paningin ko sa kaniya, but still he's giving me a
cold stare.

"W-What do you m-mean?" utal pa'ng tanong ko.

"Do you really think everything happened accidentally? That I sneaked in to your
room--accidentally??"

"Y-Yes.."

"Stupid.." mahina'ng singhal niya.

At parang pinitik niyon ang puso ko.

d>>_<<b

"Nakita mo ba lahat ng bahay dito??" tanong niya luminga ako sa ibang bahay na
malapit sa amin. "Wala'ng bahay dito na kapareho ang bahay niyo! Paano'ng
mangyayari'ng magkakamali ako ng bintana'ng aakyatin!?"

dO__Ob

'Shet.. Oo nga!'

d>>__<<b

"S-So you mean, you did that on p-purpose??"


"Yes.. But I was not expecting to see you there! I was expecting for somebody
else!"

Tinitigan ko siya na parang gusto ko'ng sabihin niya agad sa akin ang sagot.

"Then w-who??"

Tumalikod ulit siya sa'kin at humarap sa bahay namin.

"Si Aubrey.."

"Yung a-aso?!" gulat na tanong ko.

Rinig na rinig ko'ng nagbuntong-hininga siya na parang naiinis at bumagsak ang ulo
nya paharap.

d>>_<<b

"Are you even thinking!?" sigaw niya sa'kin habang humaharap.

"E-Eh sabi mo kasi, si Aubrey.. Si Aubrey yung aso mo, 'd-di ba?"

"Si Aubrey na nameet mo sa restaurant ang tinutukoy ko.. Bahay nila dati ang bahay
niyo!"

dO__Ob

"H-Ha??"

"Yes.. They are the ones who live there bago naging kayo.. And she's... She's my g-
girlfriend.."

*BANG!*

Parang pinompyang ang ulo ko! Paulit-ulit ko'ng narinig 'yung 'She's my
girlfriend..'!

Hindi ako nakapagsalita at ending.. NGANGA na naman ako sa kaniya.

Tinignan niya ako sa mata at bahagya'ng lumapit sa'kin.


"And the only reason why I stayed here is because I'm hoping.. I'm hoping that one
day.. I'll see her peeping through that window.. Walking out from that door.. And
smiling back at me.."

Nakita ko sa mukha niya ang dahan daha'ng pagbago ng emotion, his coldness turned
into sadness... at naging masakit para sa'kin 'yon..

“She’s my girlfriend for years, pumupunta ako dito every week para bisitahin siya.
Everything was perfect between us until she left without saying anything to me.. H-
Hindi ko alam kung bakit siya umalis at kung kailan siya umalis. Hindi ko rin alam
kung bakit niya ako iniwan dahil wala naman kami'ng pinag-awayan, w-wala naman
ako'ng matandaa'ng may problema kami.. Don na nagsimula'ng magbago 'yung buhay ko,
hindi na ako nakapagfocus sa pag-aaral ko, wala na ako'ng ibang ginawa kung hindi
uminom at magpakasasa sa buhay.. Wala na ako'ng ibang inintindi kung hindi ipinta
ang mukha niya ng paulit-ulit.. I was so desperate to see her again kaya pumupunta
pa rin ako dito from time to time.. Hanggang sa isang gabi nakita ko'ng bukas ang
ilaw sa bintana ng kwarto mo kaya umakyat ako.. A-Akala ko siya 'yung makikita ko
e.. Pero hindi.. Ikaw ang nakita ko..”

"W-Wait.. Wait.. B-Bakit mo sinasabi 'to??" pigil ang emosyo'ng tanong ko.

Naging malamig na naman ang mga tingin niya sa'kin.

"For you to wake up.." malamig na sagot niya. At agad naman ako'ng nakaramdam ng
inis!

"Wake up from what?!"

"Tch! I know that I am the reason why you're acting like that, Laubree!"

"Acting what!?" naghahamo'ng tanong ko sa kaniya.

"H-Hurt.."

"Ha! Well then let me tell you, Aki.. I am not acting.. I am hurting..." nag-umpisa
ng tumulo 'yung mga luha ko. "At naiinis ako sa'yo dahil mas lalo mo pa'ng
pinaramdam sa'kin ngayon 'yung sakit! Sana hindi ka na lang nagpakita ngayon e..
Sana hindi ka na lang bumalik.. Dahil mas gugustohin ko'ng masaktan dahil umalis ka
at hindi na ako tinawagan---kesa ngayo'ng bumalik ka dito tapos gan'yan ang
sasabihin at trato mo sa'kin??"

"I-I'm sorry.."

“At ano!? Talaga'ng ikinwento mo pa, ha?! Ano ‘to gantihan!? Iniwan ka ni Aubrey
kaya iniwan mo rin ako!?"
“H-Hindi sa ganon..”

"What happened?? What happened to you!? 'Yung sa'tin.. A-Ano lang 'yon? A-Ano lang
ang tawag mo don!?"

"Ano'ng satin?? L-Laubree.. Wala'ng tayo.."mahinaho'ng tugon niya at nalambot ang


mga tuhod ko.

"Hahaha.. Yeah, I know.." kunwari'ng tumatawa'ng sagot ko. "Pasensya naman, tanga
lang.. Akala ko kasi 'yung sweetness natin, 'yung mga dates natin, 'yung kiss natin
at yung'I LIKE YOU' mo ay totoo.. Malay ko ba nama'ng hindi?! Hahaha!" I said
sarcastically.

"Laubree.."

"Pasensya narin, assuming lang.. Sorry kasi nakalimutan ko 'yung sinabi mo e..
Nakalimutan ko'ng siguraduhi'ng hindi ako mahuhulog sa'yo.. Nakalimutan ko'ng baka
hindi mo ako masalo.. Hahaha!”

“I’m sorry..”

“Paasa ka alam mo 'yun?” seryoso'ng sumbat ko.

Batid ko'ng ramdaman niya'ng galit ako pero wala ako'ng pakialam dahil mas gusto
ko'ng iparamdam sa kaniya 'yun ngayon.

“Isa ka'ng malaki'ng paasa!” sigaw ko pa!

“Hindi ako paasa at mas lalo'ng hindi kita pinaasa! Wala ako'ng maalala'ng binigyan
kita ng assurance!”

“Wow! So ako pa pala ang mali!?”

“Wala ako'ng sinasabi'ng mali ka pero kailangan mo'ng maintindiha'ng hindi kita
pinaasa! Ikaw ang umasa!”

Para ako'ng binambo sa tuhod!

'Oh my God..'

“I can’t believe this.. Haha!” pinipigilan ko 'yung pagtulo ng mga luha ko. “Ikaw
ba talaga 'yung Aki na nakilala ko?! O iba 'yung Aki sa Iñaki Diel Conde na
nakilala ko!? Kasi kung magkaiba 'yung dalawang 'yun please..”
Tumingin ako ng deretso sa kaniya at 'di ko na napigilan pa ang naghahabulang luha
mula sa mga mata ko pababa sa mga pisngi ko.

dTT__TTb

“Kung magkaiba si Aki at Iñaki... si Aki ang kailangan ko.. Kaya please, ibalik mo
na siya sa'kin..” nagmamakaawa'ng pakiusap ko.

“Kaso hindi Laubree e.. Ako si Aki at ako rin Iñaki..”

“Hindi gan'yan ang pagkakakilala ko sa'yo e..”

“I’m sorry..”

“Hindi ikaw 'yan e! Hindi ikaw si Aki!”

“Ano ba! Pwede ba?! Baka gusto mo'ng ipagtimpla pa kita ng kape?! Pampagising!”

“Akala ko kasi... Akala ko kasi mahal mo ako.." mukha ako'ng baliw na tatawa tawa
habang umiiyak.

dTT__TTb

"Kailan pa napunta sayo ang puso't isip ko para akalaing ganyan ang nararamadaman
ko para sa'yo!? I said I like you but I don't recall saying I love you.."

Don lang ako natauhan.

Don lang ako nahimasmasan.

'Oo nga naman, may point siya, isang napakalaki'ng point!'

"Tama na.. Ang sakit sakit na e.. Positibo ako'ng tao pero hindi ko sinabi'ng
manhid ako.. Kaya tama na.."

"Laubree, let me explain.." seryoso'ng pakiusap niya at ngingisi ngisi naman ako'ng
tiningnan siya.

"Sana noon pa, Aki.. Noon ka pa sana nag-explain.. Habang binibitawan mo 'yung
nagtatamisan mo'ng salita, habang gumagastos ka ng libo-libong pera, habang
nagpapagod ka kagagala, habang nag-eeffort ka sa pasundo sundo sa'kin.. Sana
mismo'ng mga oras na 'yun, tulad ng mga biro mo, sana nagawa mo'ng mag-explain..
Katulad nang mga pangbabara'ng ginagawa mo sa'kin.. Sana ganon nalang.. Sana nung
sinabi mo'ng gusto mo ako, sana biniro mo na lang rin ako na wala ka'ng sinabing
mahal mo ako.. At least kahit papaano, malinaw na malinaw sa'kin.."

"I’m so sorry, okay!? Kung ganyan ang naging dating sa'yo, I am sorry! Just please
let me explain! I want to explain.. at least let you know everything”

"Gusto ko rin nama'ng malaman lahat.. Pero.. Pero kung pwede sana 'wag ngayon??"

"B-Bakit?"

"Masyado ng pagod ang isip at puso ko.. Hindi ko na mapigilan 'yung emosyon ko and
I’m sorry for that.. I'm willing to listen except now, except tonight.. So if you
don't mind I'm leaving---"

"Laubree.." pigil niya sa'kin at nagpapigil naman ako. Nakatalikod ako sa kaniya at
nakahawak pa rin siya sa braso ko. "I'm sorry, pero wala na ako'ng ibang libre
pa'ng oras.. Kung ano man 'yung sasabihin ko gusto ko'ng marinig mo na ngayon..
Hindi ganon kadami ang oras ko para paghintayin mo pa ako.."

"Then, 'wag mo na lang sabihin, wag mo nalang ikwento.. 'wag na lahat.. Salamat sa
oras mo, Aki.."

"Bakit ba hindi pwede ngayon!?"

"Birthday ko e.."

~ T H E ♥ E N D ~

You might also like