Professional Documents
Culture Documents
Basura
Basura
Basura
Basurang pinabayaan
Ang mga basura, lalo na ang dumi ng tao at iba pang lusaw (liquid wastes) at
buo (solid wastes) na galling sa mga bahay at barangay na hindi wastong
pinamamahalaan ay isang malubhang panganib sa kalusugan at naghahatid
ng mga sakit na nakahahawa. Ang mga basurang pinababayaang
nakatiwangwang ay umaakit sa mga langaw, lamok, ipis, mga daga at iba
pang mga hayop na nagkakalat ng mga sakit. Pangkaraniwan na ang mga
basang basura at dumi ang nabubulok at nagbibigay ng mabahong amoy.
Nagiging daan ito sa maruming kapaligiran at sa pagdami ng problema sa
kalusugan. Ang mga plastic na basura ay isa pang sanhi ng masamang
kalusugan.
Garbage exposure
https://prezi.com/clkbi36xct4w/quot-kahalagahan-ng-tamang-pagtapon-ng-basura-
sa-mga-tindera-sa/
Mga sakit
May mga chemical na kung itatapon na lamang nang basta na at hindi inaalis
ang mga sangkap na nakasasama sa kalusugan at kapaligiran, tulad ng
asoge, cyanide, atbp., ay maaaring makalason. Ang paglalantad o exposure
sa mga ito ay magdudulot ng sakit o kamatayan. Maraming pananaliksik ang
nagpapatibay na ang mga taong na-expose sa hazardous wastes ay
nagkakasakit ng cancer.
Mga panganib
http://seasite.niu.edu/Tagalog/New_Intermediate_Tagalog/Intermediate_Thematic_Les
son/Lessons/kalusugan/kasamaang_naidudulot_ng_basura_n.htm
Dapat mag bigay ng batas ang mga namumuno na huwag nang gamitin ang
mga cellophane o mga di nabubulok na sisidlan bagkus dapat nilang isulong
ang bayong, basket o papel sa paglalagyan ng mga pinamili ng mga
mamimili.
2. Itapon sa tamang basurahan ang mga basura
May mga tao talagang sadyang walang paki-alam sa kanilang paligid at sa
kalikasan kaya naman sila ay nagtatapon ng basura kung saan saan nila gusto.
Halimbawa nito ay ang pag tapon ng basura sa mga ilog at dagat na kung
saan nagdudulot ng masamang epekto sa buhay ilang at maging sa buhay ng
tao.
3. Gumamit ng mga recyclable packaging
https://www.change.org/p/mayor-jay-vergara-itigil-at-itama-ang-maling-paraan-ng-
pagtapon-ng-basura
Basura ay isang salita na may maraming kahulugan para sa mga Filipino. Maaaring
ipakahulugan dito ang mga bagay na nabulok at bumaho, mga bagay na matapos
pakinabangan ay itinapon na lamang sa tabi-tabi at mga kemiko o bagay na matapos
gamitin sa industriya ay itinatapon sa dagat o kaya'y ibinabaon sa lupa.
Maaari ding ipakahulugan dito ang mga gawaing kabuktutan o gawaing hindi naaayon
sa isang Kristiyano. Sa Pilosopiya ang mga kaisipang walang kahalagahan ay itinuturing
ding basura.
https://ejournals.ph/article.php?id=7783
Karaniwang makikita sa ating paligid ang mga nagkalat na basura. Basurang dulot ay
sakit na kadalasa'y bata ang tinatamaan at basurang nagiging dahilan ng isang
pagbaha na daan-daang pamilya ang naaapektuhan. Ngunit, sino nga ba ang may
kagagawan nito kung hindi tayo man din? At sino ang makakasulosyon nito kung hindi
tayo man ding mamamayan ng Pilipinas?
Ang pagtapon ng basura'y iwasan. Sa halip ay gawin natin itong dahilan upang tayo ay
magkaroon ng disiplina hindi man lang sa ating sarili maging sa ating kapaligiran. Ang
wastong pagtapon nito sa tamang lagayan ay isa ng malaking kalutasan. Maraming
paraan ang dapat gawin upang masolusyonan ang problemang ito; ang Reduce, Reuse
at Recycle.
Recycle. Mga bagay na ginagamit muli. Halimbawa: Plastic bottle o mga gulong.
Ang pagbaha ay maaagapan kung tayo'y magkakaisa. Magtulungan tayo upang ang
bawat isa'y magkaroon ng isang kaginhawaan at masayang pamumuhay.
https://www.change.org/p/filipino-people-pagtapon-ng-basura-ay-iwasan-upang-pagbaha-ay-
malutasan