Immigration OOooOOOooOo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

EP 8

Marian Monica Matuod Llorente March 3, 2020

Mga Rason kung bakit may mga Pamilya o Kababayan na


Nagmimigrate sa Ibang Bansa

1. Para tulungan ang pamilya. Kadalasan, mas malaki ang nakukuhang sahod ng isang
OFW kumpara sa ordinaryong manggagawa sa Pilipinas. Syempre, as maganda talaga
kung malaki ang sweldo ng tatay, nanay o sinumang nagtataguyod sa pamilya. Hindi na
magiging mahirap paglaanan ang maraming gastos sa bahay: renta, tubig, kuryente,
pagkain, damit, o kahit konting luho gaya ng pamamasyal o pagbili ng mga gadgets.
2. Para sa kinabukasan ng anak. Para sa maraming mga Pilipino, talagang wala na
tayong pamanang maibibigay sa ating mga anak kundi ang edukasyon. Kaya nga ang mga
OFWs, kapag mga tuition fee at iba pang school expenses ang kailangan, walang
alinlangan na pagkagastusan.
3. Para magpundar sa kinabukasan. May mga OFWs na gustong iangat ang buhay ng
buong pamilya para sa hinaharap. Kaya bukod sa edukasyon para sa mga anak, nagiging
layunin rin nila ang pag-invest sa stocks, bonds, at iba pang financial instruments.Yung
iba naman, nag-iipon para magtayo ng sarili nilang negosyo para sa kalaunan, babalik sila
sa Pilipinas para dito na manirahan. Imbis na magtrabaho pa sila para sa ibang employer,
sila na ang magiging employer at business owner. Siyempre naiplano rin nila yung
maging homeowner. Malaking tagumpay para sa isang OFW ang makapagpatayo ng
sariling bahay o kaya makabili ng condo unit.
4. Para humanap ng mas magandang oportunidad. May mga OFW naman na hindi lang
mataas na sweldo ang habol. Gusto nilang makahanap ng mga trabaho at pagkakataon
para sa kanilang professional growth.Halimbawa, may mga OFWs na nagsimula lang
bilang isang housekeeper o kaya crew sa isang fast food chain pero dahil sa magandang
opportunities abroad, nag-level up sila at mga managers at executives na ngayon.
5. Upang makatakas sa digmaan o karahasan. Sa maraming mga bansa, ngunit hindi
kadalasan sa Pilipinas, ang mga pamilya at mga indibidwal na lumipat upang makatakas
sa mga salungatan tulad ng digmaan at karahasan ay maaaring isaalang-alang para sa
katayuan ng refugee o asylum.
6. Para makapag-aral. Ang ilan ay nag-aaral sa ibang bansa upang maghanap ng mas
mahusay na mga oportunidad sa pang-edukasyon kaysa sa kanilang sariling mga bansa,
habang ang iba ay nais lamang na makapag-aral sa prestihiyoso na mga unibersidad na
nasa labas ng bansa.
7. Makatakas sa kahirapan Maaaring maging isang malaking pagkakaiba sa pagitan ng
suweldo at mga kondisyon sa pagtatrabaho sa pagitan ng mga bansa, maraming mga
bansa ang nagbibigay ng isang social network na ginagawang kaakit-akit ang mga
bansang iyon para sa mga tao mula sa mga hindi gaanong binuo na mga bansa. Gayundin,
maraming mga tao ang lumipat upang makatakas mula sa mataas na kawalan ng trabaho
at kawalan ng mga pagkakataon sa kanilang sariling bansa.
8. Mga Impluwensya sa Pamilya. Kapag ang isang miyembro ng pamilya ay lumilipat sa
ibang bansa, may ibang kamag-anak na gusto ring magmigrate na madali lang ang
proseso dahil may kilala na sila na nasa ibang bansa.

You might also like