Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Panimula

Ang kultura ng Pilipinas o kalinangan ng Pilipinas ay

pinaghalong impluwensiya ng mga katutubong tradisyon at mga kultura ng mga

unang mangangalakal at mananakop nito noon. Ang pananakop ng

mga Kastila sa Pilipinas, sa pamamahala ng Mexico, na tumagal ng mahigit 299

taon, ay may malaking kontribusyon sa Kultura ng Pilipinas. Ang Wikang Filipino,

na mas kadalasang kilala bilang Tagalog, ay maraming hiniram na salita galing

Kastila. Karamihan sa mga pinagdiriwang na mga tradisyon ay magkahalong

Kristiyano, Pagano, at iba pang lokal na seremonya. Bilang halimbawa, bawat

taon, ang mga bayan sa buong bansa, ay nagsasagawa ng malalaking Pista,

nagpapaalala sa mga Santong Patron ng mga bayan, barangay, o ng mga

distrito. Ang mga Pista ay kadalasang may patimpalak sa katutubong pagsayaw,

at sa ibang lugar ay mayroon pang sabungan. Ang mga ganitong tradisyon ay

ginaganap din sa mga bansang nasakop ng mga Kastila. Sa katimugang bahagi

ng bansa na karamihan ay mananalig Islam ay nagdiriwang din ng kanilang mga

tradisyon at nakagawian.

Bago pa man dumating ang mga unang mananakop, ang mga mangangalakal

galing sa India, Malaysia, Indonesia, Tsina at Hapon ay may malaking

kontribusyon din sa Kultura ng Pilipinas. Ang Hinduismo at Budismo ay may

impluwensiya sa mga katutubong paniniwala ng mga Pilipino bago dumating ang

mga Kastila at ang mga mangangalakal na Muslim. Ang wikang Tagalog at iba

pang wika sa Pilipinas ay maraming hiniram sa wikang Sanskrito. Isang

mabuting halimbawa ang karma, na hanggang ngayon ay pinaniniwalaan pa rin

ng mga Pilipino. Marami sa mga pamahiin, hiniram na salita at pagkain, tulad

ng pansit, siopao at iba pa ay minana sa mga mangangalakal na Tsino. Ang ibig


sabihin ng kultura ay ang paraan ng pamumuhay ng mga tao nagpapakita ng

kaugalian, tradisyon, mga sining, sistema ng edukasyon, musika at pamahalaan.

Bukod pa dito, may iba’t ibang pambansang pagdiriwang kaugnay din sa kultura ng

bawat rehiyon. Ang mga pagdiriwang na ito ay pangkalahatan at sa lahat ng lugar ay

ginaganap gaya ng Bagong taon, Araw ng rebolusyon, Araw ng kagitingan, Araw ng

mangagawa, Araw ng kalayaan,at Araw ng mga bayani.

Layunin ng Pag-aaral

Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na malaman at matukoy

ang kultura ng rehiyon 1-11, NCR at ARMM ng Pilipinas ang mga

sumusunod:

1. Matukoy ang tradisyon at kultura ng mga Rehiyon 1-11, NCR at ARMM ng

Pilipinas

2. Mapalawak ang kaalaman tungkol sa naturang rehiyon.

3.Matutunan ang iba’t ibang kasanayan sa rehiyon.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Sa Mga Mag-aaral

Matutulungan ang mga mag-aaral na malaman at maintindihan ang

kultura at tradisyon ng rehiyon sa Pilipinas sa kanilang pag-aaral.


Sa Mga Gobyerno

Magiging mas maayos ang panunungkulan nila sapagkat yumayabong ang

kultura ng mga rehiyon dahil sa taglay nitong kagalingan at kaayusan pagdating

sa kapaligiran.

Sa Mga Dayuhan

Matutulungan sila kung ano ang mga nakagawian ng mga tao o

kung anong uri ng kasanayan at tradisyon sa rehiyon na ito. Bukod ditto, maari

nalang malaman kung saan sila aakma na rehiyon pumunta o manirahan.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay tungkol lamang sa pagpapalawak ng kaalaman

ng bawat isa. Bilang karagdagan, ang buong pag-aaral ay nakatuon lamang sa

mga tradisyon at kultura ng nasabing rehiyon sa Pilipinas.

Depinisyon ng mga Katawagan

Rehiyon 8. Ito ay isang rehiyon sa Pilipinas na kung saan matatagpuan sa

Silangang Visayas.

Rehiyon 10. Ito ay isa ding rehiyon sa Pilipinas na matatagpuan naman sa

Hilagang Mindanao.

Festival o Pista. Ito ay tradisyon na kung saan ipinagdiriwang ng bawat lugar sa

isang nayon o lalawigan.


Hanap-Buhay. Ito ay ang trabaho na ikinabubuhay gaya na lamang sa

nabanggit na rehiyon.

Rehiyon 3. Ito pinakamalaking kapatagan sa Pilipinas at ang gumagawa ng

halos lahat ng suplay ng bigas sa bansa. Kaya ito ay binansagang Rice Bowl of

the Philippines.

Rehiyon 4A. Ito ay tinatawag din CALABARZON. Ang rehiyon na ito ay nasa

Timog-kanlurang Luzon,timog at kanlurang bahagi ng Metro Manila, at

pumapangalawa sa pinaka-mataong rehiyon.

NCR. Ang Kalakhang Maynila (Ingles: Metropolitan Manila), tinatawag din bilang

Pambansang Punong Rehiyon (Ingles: National Capital Region), ay isang

kalakhang rehiyon na binubuo ng Maynila kasama ang mga karatig lungsod ng

Caloocan, Las Pinas, Makati, Malabon, Mandaluyong, Marikina, Muntinlupa,

Navotas, Paranaque, Pasay, Pasig, Lungsod ng Quezon, San Juan, Taguig, at

Valenzuela kasama ang bayan ng Pateros. ay sentro ng politika, pangangalakal,

lipunan, kultura, at pang-edukasyon ng Pilipinas.

Region 7. Ang Gitnang Kabisayaan (Ingles: Central Visayas) ay isang rehiyon

ng Pilipinas na matatagpuan sa mga kapuluan ng Kabisayaan. Binubuo ito ng

apat na lalawigan, Bohol, Cebu, Negros Oriental, at Siquijor at ng mga

nagsasariling lungsod ng Cebu, Lapu-Lapu, at Mandaue. Katutubong sinasalita

ang wikang Sebwano. Ang lungsod ng Cebu ang sentro ng rehiyon.

Rehiyon 5 .Ang Bicol (binabaybay ding Bikol; tinatawag

ding Kabikulan at Rehiyon 5) ay isa sa 17 mga rehiyon ng Pilipinas. Binubuo

ang Bicol ng limang lalawigan sa Tangway ng Bikol, ang pinakatimog-silangang

bahagi ng pulo ng Luzon, at ng dalawang pulong lalawigan malapit sa tangway.


Rehiyon 9. Ang rehiyon 9 ay matatagpuan sa katimugan napapaligiran ang

rehiyong ito ng karagatan ang data sulu sa hilaga,Dagat celebes sa timog at sa

silangan naman ay ang lalawigan ng misamis occidenta at lanao del Norte.

Rehiyon 2.Ang Cagayan ay isang lalawigan ng Pilipinas na matagpuan sa

Lambak ng Cagayan sa hilagang silangang Luzon.

Rehiyon 6.Ito ay matatagpuan sa kanlurang kabisayaan.Mayaman sa

lambak,malawak sa kapatagan at masaganang dagat ang mga katangian ng

lalawigang ito.

Rehiyon 1. ay matatagpuan sa hilagang-kanlurang bahagi ng Luzon.

Ang Rehiyong Administratibo ng Cordillera at Lambak ng Cagayan ang

hangganan nito sa silangan, Gitnang Luzon sa timog, at Dagat Timog Tsina sa

kanluran.

Rehiyon 4B. ay isang rehiyon sa Pilipinas na binubuo ng mga sumusunod na

mga lalawigan: Mindoro(Occidental Mindoro at Oriental

Mindoro), Marinduque, Romblon at Palawan. Ang mga lalawigang ito ay mga

lalawigan ng Rehiyon IV-B na mga isla sa karagatan ng Kanluran Pilipinas.

Dalawa lamang ang lungsod sa buong rehiyon na ito: ang Lungsod ng

Calapan na matatagpuan sa Oriental Mindoro at ang Puerto Princesa City sa

Palawan.

Republika ng Pilipinas. ay isang malayang estado at kapuluang bansa

sa Timog-Silangang Asya na nasa kanlurang bahagi ng Karagatang Pasipiko.

Binubuo ito ng 7,641 pulo na nababahagi sa tatlong kumpol ng mga pulo na

ang: Luzon, Kabisayaan (kilala rin bilang Visayas) at Mindanao. Ang


punonglungsod nito ay ang Maynila at ang pinakamataong lungsod ay

ang Lungsod Quezon; pawang bahagi ng Kalakhang Maynila.

Kabanata II

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa kultura at mga pag-aaral na

may kaugnayan sa pananaliksik. Kinabibilangan ito ng isang malawak na listahan

ng mga may katuturang mga ideya at mga pag-aaral na konektado sa pananaliksik

na ginawa upang tulungan ang mga mananaliksik sa kanilang pag-aaral.

Kaugnay na Literatura

Maraming mga teoretikal na diskarte sa mga pag-aaral sa panitikan ang

ipinapalagay na ang ugnayan sa pagitan ng panitikan at kultura ay isang

mahalaga, sa diwa na ang panitikan ay parehong sumasalamin at isang paraan

ng pagmuni-muni sa kultura kung saan ito ginawa. Sa pagtukoy ng kultura,

inilalarawan ng mga manunulat ang mga epekto ng global culture sa kung ano ang

binabasa, at ang paniwala na ang anumang tekstong pampanitikan ay hindi

makatutulong sa pagiging isang bahagyang at bias na representasyon ng kultura

na inilalarawan nito. Ang mga mag-aaral ay kailangang suportahan sa

pagtatanong ng mga kulturang pangkulturang ginawa sa mga teksto at

pagtatanong ng mga stereotayp. Ang mga sangkap ng kamalayan sa kultura ay


ginalugad at inilalarawan, at ang kabanata ay nagtatapos sa isang talakayan ng

mataas at mababang kultura habang nalalapat ang mga teksto na binasa ng mga

mag-aaral.

Ayon kay Kroeber at Kluckhohn (1952), “Ang kultura ay isang kilalang

mahirap na termino upang tukuyin. Kritikal na sinuri ang mga konsepto at

kahulugan ng kultura, at pinagsama ang isang listahan ng 164 iba’t ibang mga

kahulugan.”

Ayon kay Matthew Arnolds ‘Culture nd Anarchy’ (1867), ang kultura na

tinukoy sa mga espesyal na pagsusumikap sa intelektwal o artistikong arte, kung

ano ang maari nating tawaging “tanyag na kultura” (o “folkway” sa isang mas

maaga pa). Sa pamamagitan ng pakahulugan na ito, isang bahagi lamang –

karaniwang isang maliit – ng anumang panlipunang pangkat na “may” kultura.

(Ang natitira ay mga potensyal na mapagkukunan ng anarkiya). Ang kahulugan ng

kultura ay mas malapit na nauugnay sa aesthetics kaysa sa agham panlipunan.

Ayon kay Tyler, isang british anthropologist (1870), ang kultura ay ang

kumplikadong kabuuan na may kasamang kaalaman, paniniwala, sining, moral,

batas, kaugalian, at anumang iba pang mga kakayahan at gawi na nakuha ng tao

bilang isang miyembro ng lipunan.

Ayon kay Kroeber at Kluckhohn (1952), Ang kultura ay binubuo ng

mga pattern, tahasang at implicit, ng at para sa pag-uugaling nakuha at ipinadala

ng mga simbolo, na bumubuo ng mga natatanging tagumpay ng mga pangkat ng

tao, kabilang ang kanilang sagisag sa mga artifact; ang mahahalagang core ng

kultura ay binubuo ng tradisyonal (ibig sabihin na nagmula at napili) ng mga ideya

at lalo na ang kanilang mga kalakip na halaga; ang mga system ng kultura ay
maaaring, sa isang banda, ay maituturing bilang mga produkto ng pagkilos, sa

kabilang dako, bilang mga kondisyon ng mga elemento ng aksyon sa hinaharap.

Ayon kay T.Schwartz (1992), ang kultura ay binubuo ng mga derivatives

ng karanasan, higit pa o hindi gaanong organisado, natutunan o nilikha ng mga

indibidwal ng isang populasyon, kabilang ang mga imaheng iyon o mga

encodement at ang kanilang mga interpretasyon (kahulugan) na ipinadala mula sa

mga nakaraang henerasyon, mula sa mga kontemporaryo, o nabuo ng mga

indibidwal mismo.

Ayon kay Morales, Marie (2017), ang "Laro ng Lahi" (indigenous Filipino

game) na batay sa mga aktibidad sa pisika ay nakapagpalakas ng pagsasama ng

kultura sa edukasyon ng pre service physics upang mabuo ang mga paniniwala

ng epistemikong mag-aaral at ang paniwala ng pag-unawa sa konsepto sa

pamamagitan ng pagbabago ng konsepto. Ang pag-aaral ay maginhawang

kasangkot 28 pre service undergraduate physics na mag-aaral na nakatala sa

isang pambungad na pisika na kurso sa isang unibersidad sa Pilipinas. Ang

balangkas na batay sa kultura ng konteksto ay nagdidikta kung paano pinagsama

ang tradisyonal na mga larong Pilipino sa pagbuo ng konsepto ng Newtonian

upang maikilos ang mga kondisyon at konsepto na ekolohiya para sa

pagbabagong konsepto. Ang laro ng lahi ay bahagi din ng kultura ng bawat rehiyon

sapagkat isa ito sa pagkakakilanlan ng isang pangkat.

Ayon sa American Journal of Occupational Therapy Association (1999),

ang artikulong ito ay tungkol sa hanapbuhay na kaangkop rin sa kultura na

nagtatanghal ng isang pananaw ng trabaho bilang pangunahing punong-guro ay

nangangahulugang sa pamamagitan ng pagbuo at pagpapahayag ng mga tao ng

kanilang personal na pagkakakilanlan. Batay sa isang pagsusuri ng teorya at


pananaliksik, ipinapahiwatig nito na ang pagkakakilanlan ay nakatulong sa buhay

panlipunan sapagkat nagbibigay ito ng isang konteksto para sa pagkakaroon ng

kahulugan mula sa pang-araw-araw na mga karanasan at pagbibigay kahulugan

sa mga buhay sa paglipas ng panahon. Inilalagay ng artikulo na ang

pagkakakilanlan ay nagbibigay din ng isang balangkas para sa setting ng layunin

at pagganyak. Iginiit na ang kakayahan sa pagganap ng mga gawain at trabaho

ay nag-aambag sa paghubog ng pagkakakilanlan at na ang pagsasakatuparan ng

isang katanggap-tanggap na pagkakakilanlan ay nag-aambag sa pagkakaisa at

kagalingan.

Base kay Nancy Bonvillain (2014), ang wika ay pinayaman ng iba't ibang

paraan ng paggamit nito ng mga tao. Ang mga gamit na ito, at ang mga kahulugan

na nailipat ay nasa kalagayan, panlipunan, at kultura. Ang kahulugan ng kalagayan

ay ipinapadala sa pamamagitan ng mga anyo ng wika na nagaganap o hindi

kasama sa iba't ibang mga konteksto.

Kaugnay na Pag-aaral

Napakayaman ng ating kultura, mula sa iba’t ibang lahi na nagpakilala ng


mga ito sa ating bansa. Mahalaga ang kultura sa atin dahil ito’y minana pa natin
sa ating mga ninuno. Kaya marami ang may gustong ibalik o ipaalala ang mga ito
lalo na sa panahong sinasakop na tayo ng teknolohiya at unti-unti ng nawawala
ang mga ating nakagisnan. Marami rin ang nag-aaral tungkol sa kultura o mga
tradisyon natin.
Kabanata III

Pamamaraan ng Pananaliksik

Nakalahad sa kabanatang ito ang pamamarang ng pananaliksik na

ginamit at paraan ng pagsusuri upang masagutan ang mga suliranin na

inilahad para suriin ang mga masasalamin sa pag-aaral ng kulturang

Pilipino.

Pamamaraan ng Pananaliksik

Mapanuring pagdulog ang ginamit sa pag-aaral upang mailarawan ang kulturang


Pilipino. Paglalarawang pamamaraan ang ginagamit upang ito ay maisakatuparan.
Nagsaliksik at nangalap ng mga datos ang mananaliksik upang maisagawa ang pag-
aaral naito.

Paraan ng Pagsusuri

Ang pamamarang paglalarawan ang ginagamit ng mananaliksik upang palutangin


at mabigyang kulay ay hugis sa sariling pagpapakahulugan sa pagsusuri.

Babasahin at susuriin ang lahat ng kultura sa bawat rehiyon. Susuriin ang mga ito
sa tulong ng tauhan, pangyayari at mensahe upang matukoy ang mga kulturang Pilipino
sa pamamagitan ng tatlong salik: mag-aaral, edukasyon at lipunan.

You might also like