Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

DE GUIA, Jose Carlos C.

LIT110 / B3

ASSIGNMENT 1

1. Magsaliksik hinggil sa kahulugan ng maikling kwento at ang kahalagahan nito sa


panitikang Pilipino.

- Ang maikling kwento ay isang pampanitikang teksto. Ang paggawa ng maikling


kwento ay walang limitasyon kung saan saklaw niyo ang mga paksa ng
pagmamahalan hanggang sa paksa ng mga kababalaghan o mga bagay na hindi na
kayang ipaliwanag ng natural na kaalaman ng tao. Ang pangunahing layunin ng
maikling kwento ay aliwin ang mga mambabasa at sa sariling paraan ng manunulat ay
mapagaan nito ang nararamdaman ng mambabasa. Bukod pa rito, gumagamit din ng
mga ibat ibang paraan para mapagana ang imahinasyon ng mambabasa at lumawak
ang isipan ng mga ito.

2. Magsaliksik hingil sa kasaysayan ng maikling kwento sa Pilipinas at gawan ito ng


timeline. Maging malikhain at masining sa pagbuo ng timeline.
3. Anu-ano ang nga uri at sangkap ng maikling kwento.

- Ang mga sangkap ng maikling kwento ay kailangan upang maging maayos ang daloy
ng kwento. Ito ay nahahati sa tatlo; Simula, Gitna, at Wakas. Sa simula pinakikilala
ang mga tauhan, lugar, at ang suliranin ng kwento. Dito isanasalaysay ang pundasyon
ng kwento na kakailanganin para mas maintindihan ang mga magaganap sa mga
susunod na bahagi. Sa Gitna naman makikita ang saglit na kasiglahan kung saan
nagtatagpo ang mga tauhan na kasama sa suliraning magaganap. Nakapaloob din sa
gitna ang; tunggalian kung saan mababasa ang karanasan ng pangunahing tauhan sa
kwento, at kasukdulan kung saan makakamit ng pangunahing tauhan ang
kahihinatnan ng suliranin ng kwento maging katuparan man o kasawian.

May iba’t ibang uri ng maikling kwento kung saan mayroon din silang iba’t ibang
layunin. Ang mga halimbawa ng mga uri ng maikling kwento at ay:

 Kuwento ng katatawanan - kung saan ang layunin ay mabigyang kaligayahan ang


mga mambabasa.
 Kuwento ng pantasya - kung saan ang paksa ay tungkol sa mahika.
 Kuwento ng misteryo - kung saan isinasalaysay ang mga paksa tungkol sa
kriminal at paglutas ng krimen sa pamamagitan ng pagkilala sa kriminal.
 Kuwento ng Suspense – Ang kwentong ito ay kasalungat ng misteryo kung saan
kilala na ang kriminal at pagresolba kung paano ito matatapos.
 Kuwento ng Pagibig – ito naman ay tungkol sa dalawang taong umiibig.
 Kuwentong bayan – Isinasalaysay naman dito ang pangyayari sa isang bayan
 Kwentong katutubong kulay – Dito naman nasusulat ang mga karanasan ng mga
katutubo upang mas maintindihan ang mga katutubo ng mga mambabasa.
 Kwento ng tauhan – Dito naman nakasalaysay ang pagbibigay na malalim na
pagunawa sa mga tauhan sa isang kwento.
 Kwento ng Sikolohika – Bibihira lamang ito isulat dahil isa ito sa mahirap gawin
kung saan kailangan isalaysay ang mga nararamdaman ng tauhan sa pangyayari at
ang mga kalagayan ng mga ito.

You might also like