Professional Documents
Culture Documents
Kabanata Ii
Kabanata Ii
Ang mga nabasang literatura na may kaugnayan sa differentiated instruction bilang isang
estratehiya sa pagtuturo ng literaturang Filipino ay nagtataglay ng mga konseptong
makakatulong sa kasalukuyang pag-aaral.
Tinuran ni Kizlik (2012), sa paggamit ng teknik sa gawaing pagtuturo, magiging epektibo
lamang ito kung nauunawaan ng guro ang mga pangunahing panuntunan at mga palagay kung
saan at paano iaangkop ang isang ispesipikong teknik sa kanyang pagtuturo. Mahalaga ayon sa
kanya na magkaroon ng makabuluhang estratehiya sa pagtuturo na mag-aangat sa mataas na
antas ng pagkatuto ng mag-aaral sa pamamagitan ng pagkunsidera sa mga baryabol gaya ng
katangian ng mag-aaral, kaalamang dapat matutuhan, ang kritikal na gawain at mga estratehiya
sa pagtuturo.
Binanggit din nina Lardizabal et.al(banggit ni Cantero, 2011), na mahalaga ang
motibasyon/pagganyak sa pagtuturo ng literatura sapagkat napupukaw nito ang interes ng mga
mag-aaral upang makipagtalakayan sa klase. Ang pagbibigay ng motibasyon ay isang paraan
upang mahikayat ang mga mag-aaral na makinig at matuto ng aralin.
Ayon naman kay Magpantay (2011), ang pagpili ng angkop na estratehiya o metodo sa
pagtuturo upang makamit ang epektibong pagkatuto ay nakasalalay sa guro. Sa tuwina ay
kailangang makabuo sila ng mga dulog na aangkop sa mga pagbabagong nagaganap sa sistema
ng edukasyon.
Sinabi rin ni Davis (2008), maraming magagandang estratehiyang magagamit ang mga edukador
upang malinang at mapaunlad ang pagpapahalaga sa literatura ng kanilang mga mag-aaral.
Kailangang piliin ng guro ang tekstong sa palagay nila ay may temang nag-uugnay sa
kasalukuyang panahon o kalagayan ng buhay ngayon.
Ang mga nabanggit na literatura ay makatutulong nang malaki sa kasalukuyang pag-aaral
sapagkat ang mga ito ay mapagkukunan ng mga ideya at konseptong may kaugnayan sa
pananaliksik. Angkop na estratehiya o pamamaraan ng pagtuturo ay magpapatibay upang
mapataas ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral. At para mas lalong malinang ang
kasanayan ng mga mag-aaral.
Ayon kay Tomlison (banggit nina Ellis, et.al 2008), ang differentiated instruction ay isang
proseso na nagsisiguro na ang nilalaman, paano matutunan ito, at paano maipapahayag ang
mga natutunan ay akma sa kanilang kahandaan, interes, at kakayahan ng bawat mag-aaral.
Sinabi rin ni Anderson (2007), kapag ang guro ay gumagamit ng differentiated instruction
maaring gawing simple ang nilalaman ayon sa kung ano at papaano matuto ang mga mag-aaral.
Maaaring gumamit ng iba’t ibang teksto, nobela, at maikling kwento na aakma sa lebel ng
pagbasa ng bawat isa.
Ang mga nabanggit na literatura ay mahalaga sapagkat ang pokus ng pag-aaral na ito ay
nakatuon sa
differentiated instruction. Sinasabi na ang estratehiyang ito ay nakatutulong upang maunawaan
ng mga mag-aaral ang isang akda sa paraang akma sa kanilang kakayahan. Mahalaga ito sa
kasalukuyang pag-aaral sapagkat nakadaragdag ito sa konsepto kung papaano gamitin ang
differentiated instruction. Isang konseptong magagamit ng guro upang matugunan ang
pangangailangan ng kanyang mag-aaral.
Sa pahayag ni Good (2006), ang differentiated instruction ay hindi nangangahulugan ng
pagbibigay ng ibang gawain sa mag-aaral kundi ito ay dapat may koneksyon sa bawat isa nang
sa gayon masiguro na lahat ng mag-aaral ay
makakuha ng pare-parehong ideya at pantay pantay na kaalaman.