Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Reproductive Health Law o kinilala bilang RH BILL

Ang mga panukalang batas sa Reproduktibong Kalusugan(Ingles: Reproductive Health bills na


kilala bilang RH Bill) ang mga panukalang-batas na inihain sa lehislaturang Pilipinas na naglalayon na
siguruhin ang pangkalahatang paglapit sa mga paraan at impormasyon sa pagkontrol ng panganganak at
pangangalagang pang-ina. Ang mga panukalang batas na ito ay naging sentro ng pambansang talakayan.
Sa kasalukuyan ay mayroong dalawang mga panukalang-batas na may parehong mga layuin:

Panukalang batas ng kapulungan Bilang 4244(House Bill No. 4244) o "An Act Providing for a
Comprehensive Policy on Responsible Parenthood, Reproductive Health, and Population and
Development, and For Other Purposes"(Ang Aktong Nagbibigay ng Komprehensibong Patakaran tungkol
sa Responsable Pagiging Magulang, Reproduktibong Kalusugan, at Populasyon at Pag-unlad, at Para sa
Iba pang mga Layunin) na ipinakilala ng representatibong si Edcel Lagman ng Unang Distrito ng Albay.

• Panukalang batas ng Senado Bilang 2378(Senate Bill No. 2378) "An Act Providing For a National
Policy on Reproductive Health and Population and Development"(Ang Aktong Nagbibigay ng
Pambansang Patakaran tungkol sa Reproduktibong Kalusugan at Populasyon at Pag-unlad) na ipinakilala
ni Senador Miriam Defensor-Santiago.

Matapos ang labinlimang taon ng pakikibaka, sa wakas ay naisabatas na ang kontrobersyal na


Reproductive Health Bill (RH Bill). Matatandaang na ilang beses itong isinulong sa kongreso mula pa
noong taong 1997 ngunit paulit-ulit ding nababasura dahil sa pagkontra ng ilang mga sektor. Pero nito
lamang taong 2012, tuluyan na itong naisabatas sa bisa ng lagda ni Pangulong Aquino. Ang bagong batas
ay pinagtibay pa ng Korte Suprema noong Abril 2014 nang ideklara itong naaayon sa konstitusyon. Sa
ngayon ay naghihintay na lamang ng sertipikasyon mula sa Food and Drugs Authority (FDA) na ang mga
gagamitin at bibilhing contraceptives para sa mga programa ng batas na ito ay ligtas at hindi
makapagpapalaglag ng bata sa sinapupunan.

Ang Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012 (Republic Act No. 10354), na
mas kilala bilang Reproductive Health Law ay naglalayong maikalat ang kaalaman tungkol sa
Reproductive Health, tulungang maipaabot nang mas madali ang mga ligtas at modernong pamamaraan
ng kontrasepsyon, tulungan ang mga pamilya sa mas maayos na pagpaplano ng pagbuo sa pamilya, at
pangangalaga sa kalusugan ng mga ina. Bukod dito malaki ang magiging pakinabang nito sa mga
kabataan lalo na sa mga kababaihan, lalo na ang mga kabilang sa sector ng mahihirap. . Ayon sa pag-
aaral ng United Nations Population Fund, 21% lamang ng mga kababaihan ang may sapat na kaalaman o
malayang nakakagamit ng mga modernong pamamaraan ng kontrasepsyon. Mataas din ang bilang ng
mga kababaihang nanganib ang buhay o kaya ay namamatay dahil sa kakulangan ng sapat na kalinangan
ukol sa reproductive health. Ngunit dahil sa mga probisyon ng bagong batas, inaasahang mas tataas pa
ang bilang ng mga kababaihang makakagamit ng modern birth control methods, at mapapababa ang
bilang ng pagkamatay sa mga kababaihan.

Ngunit hindi nito isusulong ang pakikipag talik ng mga kabataan na wala sa hustong gulang sa halip
layunin din nito ang mga sumusunod: 1. Mas madaling pagpapaabot ng moderno at ligtas na
kontrasepsyon sa lahat, lalo na sa mahihirap. Sa pamamagitan ng batas na RH Law, mas madaling
maaabot ng mga pamilyang Pilipino ang mga pamamaraang makatutulong sa pagkontrol ng
panganganak. Ang mga gamot na iniinom (birth control pills), konsultasyon ukol sa reproductive health,
at ilan pang komplikadong pamamaraan gaya ng pagkakabit ng IUD ay dadalhin sa mga barangay health
center upang mas mapalapit sa mga pamilya. Ang mga serbisyong ito ay tinitiyak na makukuha sa mas
murang halaga at abot-kaya ng lahat kahit pa ang mga pamilyang hirap sa buhay. 2. Pababain ang bilang
ng mga kaso ng aborsyon. Dahil sa kakulangan ng kaalaman tungkol sa reproductive health, marami ang
nakakaranas ng hindi inaasahang pagbubuntis. At dahil dito, marami ang humahantong sa desiyon ng
aborsyon o pagpapalaglag ng bata. Layunin ng RH Law na pababain ang mga kaso ng hindi inaasahang
pagbubuntis, gayundin ang mga kaso ng aborsyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng karagdagang
kaalaman at mas madaling pagpapaabot ng ligtas at modernong kontrasepsyon. 3. Pagpapaigting ng
suporta sa mga kumadrona, nars at doktor na mangangalaga sa kalusugan pamilya. Dadagdagan ang
suporta sa mga taong kumakalinga sa reproductive health ng bawat pamilya. Dadalhin din ang kanilang
mga serbisyo sa mga barangay health center upang mas mapalapit sa mga pamayanan at siyempre pa,
ay abot-kaya ng mga mahihirap na pamilya. 4. Pangangalaga sa kalusugan at buhay ng mga ina. Higit
ding binibigyang importansya ang kalusugan ng mga ina sa batas na ito. Layunin ng batas na mapababa
ang mga kaso ng komplikasyon ng pagbubuntis at kamatayan na dahil sa pagbubuntis o panganganak na
maaari naman sanang maagapan. Matutulungan at mabibigyan ng tamang kalinga ang mga ina mula sa
kanilang pagbubuntis hanggang sa sila ay manganak. 5. Pagligtas sa buhay ng mga sanggol. Hatid din ng
batas ang kaligtasan at pagkalinga sa kalusugan ng mga sanggol. Tumataas ang bilang ng pagkamatay ng
mga sanggol (mortality rate) dahil sa maling pagpaplano ng mga mga magulang sa pagbuo ng mga anak.
Tutulungan ng batas na ito na magabayan ang mga mag-asawa sa tamang pagpaplano ng pag-aanak
nang sa gayon ay mabigyan sila ng mas maayos na kinabukasan. 6. Kabawasan sa mga kaso ng mga STD.
Tutulungan din ng batas na ito na mapababa ang mga bilis ng pagkalat ng mga sakit na nakukuha sa
pakikipagtalik. Ang mga sakit gaya ng HIV/AIDS, genital warts, tulo, at iba pa, na mataas sa mga
mahihirap at mga kabataan, ay maaaring maiwasan kung mabibigyang linaw ang kaalaman tungkol sa
ligtas na pakikipagtalik na mas madali naman maipapahatid ng batas na RH Law. 7. Paggabay sa mga
nagnanais ng mas maliit na pamilya. Ayon sa mga pag-aaral, mas marami na ngayon ang nagnanais ng
mas maliit na pamilya (2 hanggang 3 anak lamang) ngunti marami ang hirap na makamit ang pagnanais
na ito dahil pa rin sa kakulangan ng sapat na suporta sa reproductive health ng mga pamilya. Ang
problemang ito ay higit na mataas sa mga pamilyang kabilang sa sektor ng mahihirap na lalo pang
naghihirap. Upang maiwasan ang ganitong mga kaso, binibigyan ng RH Law ng sapat na gabay ang mga
nagnanais ng mas maliit na pamilya, at ang higit na mas mahalaga ay ang pagbibigay ng 8. Tiyak at mas
malawak na kaalaman tungkol sa Sex Education para sa mga kabataan. Maraming kabataan ang
maaagang nakabubuo ng pamilya o nagkakaanak ng wala pa sa hustong edad dahil pa rin sa kakulangan
ng tamang kalinangan sa reproductive health. At bunga nito, marami ang nasisirang plano, pangarap,
kinabukasan, at karera sa buhay. Marami rin ang kaso ng mga kababaihang nanganganib ang buhay dahil
sa maagang pagbubuntis. Ang mga kasong ito ay tiyak na mapapababa kung mabibigyan lamang ng tama
at sapat na kaalaman ang mga kabataan ukol sa sex education. Ito rin naman ginagarantiya ng batas na
RH Law.

Isinasaad sa RH LAW sec. 14 o maskilala na Sec. 14. Reproductive Health Education na Angkop sa Edad at
Development – ang estado ay magbibigay sa mga kabataan ng edukasyong pang-reproductive na
kalusugan na angkop sa edad at development (ng mga kabataan) kung saan ito ay ituturo ng mga gurong
may sapat na kasanayan sa impormal at impormal na sistema ng edukasyon at ito ay ipapaloob sa mga
mahahalagang paksa tulad ng, ngunit hindi limitado sa, paghubog ng kagandahang-asal; kaalaman at
kasanayan sa personal na proteksyon laban sa diskriminasyon; sekswal na pang-aabuso at karahasan
laban sa mga kababaihan at mga bata; at iba pang mga anyo ng karahasan batay sa kasarian at menor-
de-edad na pagbubuntis; pisikal, sosyal at emosyonal na mga pagbabago sa kabataan; karapatang pang-
kababaihan at karapatang pambata; responsableng pag-uugali ng kabataan; kasarian at development at
responsableng pagiging magulang: Sa kundisyon na, ang kakayahang umangkop sa pagbalangkas at
paggamit ng karampatang nilalaman ng kurso, saklaw ng pamamaraan sa bawat isa o grupo ng antas ng
edukasyon ay pinapayagan lamang matapos ang mga konsultasyon sa mga asosasyon ng komunidad ng
mga magulang at guro, mga opisyal ng paaralan at iba pang mga grupo ng interes. Ang Kagawaran ng
Edukasyon (DepED) ay bumalangkas ng kurikulum kung saan ito ay gagamitin ng mga pampublikong
paaralan at maaaring gamitin ng pribadong paaralan.

Pre- marital Sex

Isang gawaing seksuwal na isinasagawa ng mga taong hindi kasal. Sa utos ng Diyos, ayon sa
banal na kasulatan o sa bibliya, ang pagtatalik ay hindi isang libangan o pansariling kasiyahan, para
lamang ito sa dalawang taong mag- asawa na nagmamahalan.

Ngunit sa panahon ngayon, nakakalungkot isipin na tayong mga anak ng Diyos ay wala ng
pakealam sa isyung ito. At tila unti- unti itong natatanggap sa lipunan. Sa mga nakalipas na taon, ang
moralidad sa pre-marital sex ay naging isang malaking usaping pampulitika sa United States at ang pag-
uusap nila laban sa pre-marital sex ay ang pangunahing pundasyon ng abstinence-only sex education ,
ang programang sinuportahan ng dating pangulo ng Amerika na si George W. Bush at ng ilang
konserbatibong miyembro ng Kongreso ng United States. Subalit ang alituntuning ito ay hindi pinaboran
ng ibang grupo tulad ng Planned Parenthood at ng marami pang maka-progresibong miyembro ng
kongreso. At ang pagtatalo ukol sa abstinence-only education ang siyang nagdala sa isyu ng pre-marital
sex bilang mitsa ng pagkakaroon ng away at hidwaan ng iba’t-ibang kultura.

Kung dito sa Pilipinas ang pagbabasehan, mataas ang porsyento ng pre-marital sex. Ayon sa datos na
inilahad sa isang pag- uulat sa Pilipino Star Ngayon naalarma ang Simbahang Katoliko sa tumataas na
bilang ng mga kabataang nasasangkot sa pre-marital sex. Ito’y kasunod ng 2013 Young Adult Fertility
and Sexuality Study na nagsasabing isa sa tatlong kabataang Pinoy na nagkaka-edad ng 15-24 years old
ay nakikipagtalik na. Ang naturang datos ay tumaas umano ng 14 percent mula sa resulta ng pag-aaral
may 20 taon na ang nakalilipas.

Ayon kay Cubao Bishop Honesto Ongtioco, dapat na maging isang malaking hamon sa simbahan at sa
mga magulang ang naturang pag-aaral upang mailayo ang mga bata sa pre-marital sex.

“The results of the study should challenge us all the more to intensify the information of young people
regarding real values that they should possess in their maturity process,” dagdag pa ni Ongtioco Malaki
umano ang responsibilidad ng church leaders at mga magulang ng mga kabataan para makaiwas ang
mga ito sa pre-marital sex. Lumilitaw sa naturang pag-aaral na nasa 6.2 milyong kabataan na ang
nakikipagtalik sa kanilang mga kasintahan bago pa man sila maikasal.

“It’s just very bad (to hear the news),” ayon naman kay Sorsogon Bishop Arturo Bastes na nagsabing ito
ay resulta ng relati-visim at pagiging moderno. Nanindigan pa si Bastes na pinalala lamang ng
Reproductive Health (RH) law ang imoralidad sa mga kabataan.

Maagang Pagbubuntis o Teenage Pregnancy

Ang teenage pregnancy o pagbubuntis ng mga babae sa edad 12 hanggang 19 ay isang


malawakang isyu hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Nakakagulat ang datos ukol sa
teenage pregnancy sa ating bansa. Ayon sa 2014 datos ng Philippine Statistical Authority (PSA), kada
oras, 24 na sanggol ang sinisilang ng mga teenage mothers. Ang datos na ito ay sinususugan ng 2014
Young Adult Fertility and Sexuality (YAFS) study. Mga 14% ng mga Pilipina na may edad aged 15 to 19 ay
buntis o di kaya mga ina na. Mataas ang bilang na ito, lalo na kung ikukumpara sa mga ibang bansa sa
Southeast Asia. Tayo ang pinakamataas sa rehiyon kapanalig, at sa atin lamang tumataas ang bilang ng
teenage pregnancy.

Ayon sa YAFS, dalawa sa mga dahilan ng mga kabataang nabubuntis ay ang pagkasira ng kanilang buhay
pamilya at kawalan ng maayos na female role models sa kanilang tahanan. Maliban dito, marami sa mga
teenage mothers ay maralita, at maraming eksperto ang nagsasabi, ang teenage pregnancy ay sintomas
ng kahirapan.

Malaking isyu ang teenage pregnancy sa pamilya at lipunan. Unang una, malaki ang epekto nito sa buhay
ng batang magsisilang at isisilang. Marami sa mga teenage mothers ay tumitigil mag-aaral, bago pa man
mabuntis, o habang buntis. Marami sa kanila ay mahihirapan ng mag-aral pa o maghanap ng kasanayan
dahil sa kanilang bagong obligasyon. Ang sanggol at ang ina ay maghihirap, at papahabain uli ang siklo
ng kahirapan ng kanilang pamilya.

Ang teenage pregnancy ay malaki ang implikasyon sa health care ng bansa. Ito ay isang malaking health
risk. Ang murang edad ng mga teenagers ay hindi lamang nangangahulugan na hindi pa sila hinog sa pag-
iiisip. Ang kanilang katawan ay hindi pa rin handa sa mabilis na pagbabago na kaakibat ng pagbubuntis.
Marami sa kanila ay nahihiyang magpa check up, hindi maayos ang nutrisyon, at nahaharap sa risk ng
maternal death. Tumataas nga ang bilang ng mga teenagers na namamatay dahil sa pagbubuntis.
Sampung porysento sa kanila ang namatay noong 2013.

Kailangan ng ibayong atensyon ng ating kabataan ngayon. Ang mga isyung kanilang kinahaharap ay
nakakaparalisa at nakakapigil buhay sa kanilang hanay.

Mabilis na pagtaas ng kaso ng HIV/ AIDS

Dahil sa pagdami ng kaso ng pagkakaroon ng pre- marital sex at maagang pagbubuntis,


dumadami na din ang kaso ng nagkakaroon ng sakit na HIV/ AIDS.

Nababahala ang Catholic Bishops Conference Episcopal Commission on Health Care sa mabilis na
pagtaas ng bilang ng mga kumpirmadong kaso ng Human Immunodeficiency Virus at Acquired Immuno
Deficiency Syndrome (HIV/AIDS) sa Pilipinas.

Ayon kay Fr. Dan Cancino, Executive Secretary ng komisyon, dahil sa mabilis na pagdami ng kaso ng
HIV/AIDS, halos dumoble na agad ang bilang ng mga nagkakaroon nito sa isang araw.

Mas ikinababahala pa ni Fr. Cancino, na ang 50% ng mga may karamdaman ay mula sa edad 25
hanggang 34 habang ang 30% naman ay mula sa edad 15 hanggang 24.

“Makikita natin, kung ito yung tumataas na cases natin, at ito’y nangyayari sa mga kabataan, paano na
an gating kinabukasan at paano na ang kinabukasan din ng ating mga kabataan?” Pahayag ni Fr. Cancino.

Dahil dito, ayon sa pari paiigtingin pa ng CBCP Episcopal Commission on Health Care ang pangangaral
lalo’t higit sa mga kabataan.
Ayon kay Fr. Cancino, hindi sapat na malaman ng mga kabataan kung ano ang HIV at AIDS at kung paano
ito nakukuha subalit mas dapat aniyang bigyang diin ang pagtuturo sa mga kabataan ng moral at malinis
na pamumuhay na nakabatay sa Family values at Gospel values.

“Ang pinaka effective na vaccine parin dito ay yung pagpapalawig ng tamang edukasyon na nakabatay sa
values. Hindi sapat na malaman kung ano ang HIV/AIDS, hindi sapat na malaman kung ano ang mga
likido na nagtatransmit ng HIV, o yung mga paraan, technicalities, kundi yung kamalayan, kaalaman, na
nakabatay sa proper values, Family values, Gospel Values.” Pahayag ni Fr. Cancino.

Aminado si Fr. Cancino na bagamat may mga hakbang na isinasagawa ang simbahan upang maiwasan
ang pagdami ng kaso ng HIV/AIDS at matulungan ang mga pasyenteng mayroon nang karamdaman, ay
kulang ang kapasidad ng simbahan para palawigin pa ang programa nito.

Dahil dito, humingi ng tulong ang pari sa mga stakeholders at sa pamahalaan na tumulong sa pagsugpo
ng lumalaganap na HIV/AIDS sa Pilipinas.

“Para masugpo natin itong HIV/AIDS sa bansa, hindi pwedeng tayo ay magkawatak-watak. Unang-una
let’s involve as many stakeholders as we can, then going to different sectors like yung youth, not only
dun sa key affected populations, pati yung youth sa simbahan, eskwelahan. Palawigin yung education in
all angles.” Pahayag ni Fr. Cancino.

Paglaganap ng Porn Site

Sa panahon ngayon ay madali nang masilip ang mga larawang hubad o porn movie sa online.
Sa isang pag-aaral, halos 93% sa mga lalaki ay nakakapanood na ng porn at 62% naman sa kabataang
babae bago pa sila tumungtong sa edad na 18 years old. Dahil instant click na ngayon ang pag-access sa
soft porn na isinisingit sa mga PG-13, R-rated na pelikula, o hard-core porn.

Ayon sa datos na inilahad noong taong 2010, tinatayang halos 25 na milyong sites sa internet ay tungkol
sa pornograpiya. Kada Segundo, halos 28,000 libong tao sa buong mundo ang nanonood ng porn. Nasa 3
libong dolyar din ang nagagastos dito. Halos $ 97 billion ang kinikita ng industriya ng pornograpiya sa
buong mundo, $ 1 billion dito ay mula sa Pilipinas. Walong bahagdan ng mga email sa buong mundo ay
pornographic halos 1 sa kada 3 download sa buong mundo ay pornographic, at labing isang taong gulang
ang pinaka-average na edad na unang na-eexpose sa pornographiya. Halos 90% ng mga bata mula sa
edad na 8 hanggang 16 na taon gulang ay nakakita na ng pornograpiya sa internet. Karamihan dito ay
habang gumagawa sila ng homework.

Pagdadalaga o Pagbibinata

Ang pagbibinata o pagdadalaga ay ang proseso ng pagkakaroon ng mga pisikal na pagbabago


kung saan ang batang pangangatawan ay magiging ganap na may kakayahang magparami nang sekswal.
Ito ay pinasisimulan ng mga hudyat ng hormones mula sa utak patungo sa gonad: ang mga obaryo para
sa mga babae at testes naman para sa mga lalaki. Bilang tugon sa mga hudyat, ang gonads ay maglalabas
ng hormones na maguudyok ng libido at ng paglaki, gampanin at ang pagbabago ng utak, mga buto,
kalamnan, dugo, balat, buhok, dibdib, at ari. Ang pisikal na paglaki—taas at timbang—ay bumibilis sa
unang hati ng pagbibinata o pagdadalaga at nabubuo lamang kung ang bata ay nagtataglay ng hustong
katawan.
Karaniwan, ang mga babae ay nagsisimulang magdalaga sa gulang na 10 hanggang 11. Samantala ang
mga lalaki ay nagsisimula naman sa gulang na 11 hanggang 12. Ang mga babae ay karaniwan ring
dumadaan sa ganap na pagdadalaga sa gulang na 15-17, habang ang mga lalaki ay ganap na nagbibinata
sa gulang na 16-17. Isang mahalagang hudyat ng pagdadalaga ang menarche, ang panimulang regla, na
karaniwang sumisibol sa gulang na 12-13; para sa kalalakihan, ito ay ang pangunahing pagpapalabas ng
semilya na karaniwang nagaganap sa gulang na 13. Noong ika-21 na siglo, ang karaniwang gulang kung
saan ang mga bata, lalo na sa kababaihan, na dumadaan sa pagdadalaga o pagbibinata ay mababa kung
ihahambing sa ika-19 na siglo, kung saan 15 ang gulang ng mga babae at 16 sa mga lalaki. Ito ay
maaaring dulot ng ilang salik, kasama na ang pinabuting nutrisyon na humahantong sa matuling paglaki
ng katawan, pagtaas ng timbang at deposisyon ng mga taba, o di kaya’y pagkakababad sa endocrine
disruptors tulad ng xenoestrogens, na maaaring dahil sa pagkonsumo ng pagkain o iba pang
pangkapaligirang salik. Ang pagdadalaga o pagbibintang na mas maagang nagsisimula ay tinatawag ding
precocious puberty. Ang pagdadalaga o pagbibinatang nahuhuli ay delayed puberty.

Mahalaga sa morpolohikong pagbabago sa sukat, hugis, nilalaman, at pagkilos ng lumalaking katawan,


ang pagsibol ng pangalawang pansekswal na katangian, ang “pagpuno” sa katawan ng bata; mula sa
batang babae tungo kadalagahan, mula sa batang lalaki tungo pagbibinata. Nagmula sa Latin puberatum
(gulang ng pagbibinata o pagdadalaga), ang salitang puberty ay tumutukoy sa mga pisikal na pagbabago
tungo sa pansekswal na pagsibol, hindi ang sikososyal at kultural na paglaki na tinutukoy ng salitang
“adolescent development” sa kulturang pangkanluran, kung saan ang adolescence ay ang panahon ng
mental na pagbabago mula pagkabata patungo pagtanda na kadalasang nasasapawan ang panahong
paglaki ng katawan.

Moralidad ng Tao

Ang moralidad, kalinisan ng ugali, kalinisang-asal, o kasanlingan ay ang pagkakakilala ng tao sa


kung alin ang tama at mali. Ito ang pamantayan ng pag-uugali at magandang asal, lalo na kapag
inuugnay sa delikadesa at tamang pag-iisip hinggil sa pagtatalik. Bilang aral, ito ang leksiyon o turo sa
tama, wasto, o angkop na kaasalan o pag-uugali, o nauukol sa mabuti at matuwid na kaugalian o asal,
katulad ng nilalaman ng sa isang kuwentong may aral.

Sa utos ng Diyos, ayon sa banal na kasulatan o sa bibliya, ang pagtatalik ay hindi isang libangan o
pansariling kasiyahan, para lamang ito sa dalawang taong mag- asawa na nagmamahalan. Ito’y paglikha
at bunga nito ay bata. Ang pakikipag talik sa hindi asawa ay nangangahulugang kasalanan. “Tumakas
kayo mula sa pakikiapid. Ang lahat ng iba pang kasalanan na magagawa ng isang tao ay nasa labas ng
kaniyang katawan, ngunit siya na namimihasa sa pakikiapid ay nagkakasala laban sa kaniyang sariling
katawan”.(1 Corinto 6:18)

Isa sa mga pamantayan ng Panginoon ukol sa moralidad para hindi magkaroon ng maling pagkaunawa o
kalabuan ay ang pagtatalik nang hindi kasal at pangangalunya. Ipinagbabawal ng Panginoon ang
pagtatalik nang hindi kasal at pangangalunya anuman ang palagay ng mundo tungkol sa ganitong mga
kilos. Ang mga kilos na ito ang bumubuo sa sukdulang paggamit ng kapangyarihang magkaanak sa piling
ng isang taong iba sa atin ang kasarian na hindi legal na kasal sa atin. Ito ay pagtatalik nang hindi kasal
kung pareho silang walang asawa; ito ay pangangalunya kung may asawa ang isa sa kanila o pareho
silang may asawa.

Sabi ni Apostol Pablo, “Sapagka’t ito ang kalooban ng Dios, … na kayo’y magsiilag sa pakikiapid” (I Mga
Taga Tesalonica 4:3; idinagdag ang pagbibigay-diin). Sinabi rin niya, “Hindi baga ninyo nalalaman na ang
mga liko ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios? Huwag kayong padaya: kahit ang mga
mapakiapid … ni ang mga mangangalunya … ay hindi mangagmamana ng kaharian ng Dios” (I Mga Taga
Corinto 6:9–10; idinagdag ang pagbibigay-diin).

Kung minsan hindi natatanto ng mga tao ang bigat ng mga paglabag na ito o, sa ilang sitwasyon,
pinangangatwiranan nila ito. Tila hindi natanto ni Corianton ang bigat ng nagawa niya nang magkasala
siya sa piling ng patutot na si Isabel. Ipinaliwanag ito ng kanyang amang si Alma: “Hindi mo ba alam,
anak ko, na ang mga bagay na ito ay karumal-dumal sa paningin ng Panginoon?” (Alma 39:5). Binanggit
din ni Joseph ang malaking kasamaang ito nang tuksuhin siya ng asawa ni Potiphar: “Paano ngang aking
magagawa itong malaking kasamaan, at kasalanan laban sa Dios?” (Genesis 39:9).

Kung susundin ng bawat isa ang pamantayan ng Diyos maiingatan ang moralidad ng tao, ngunit kung ito
ay babaliwalain siyang gagawa ng mali ay magkakasala. Kung ang mga kabataan ay matuturuan ng
maayos tungkol dito maiiwasan ang ibat ibang sekswal na gawain. Bukod sa pisikal nating
pangangatawan dapat din nating ingatan an gating moralidad dahil ito ang pamantayan ng pag-uugali at
magandang asal, lalo na kapag inuugnay sa delikadesa at tamang pag-iisip hinggil sa pagtatalik.

Sex Education sa Pilipinas

Ayon sa isang pananaliksik na mula sa davesgroup.blogspot.com na inilathala noong March 13,


2009, ipinakita ng kanilang pananaliksik na malaki ang maitutulong ng "sex education" upang pigilan ang
paglaganap ng pre-marital sex na nagdudulot ng maagang pagkabuntis ng mga batang babaeng Pilipino.

Ayon sa mananaliksik na ang "sex education" ay makakatulong sa mga buhay ng mga Pilipino lalo na sa
mga kabataan. Ito ay makakatulong upang mabawasan ang bilang ng mga batang babaeng Pilipino na
maagang nabubuntis at nakikipagtalik. Ang mga datos na nakalap ay makakapagpatunay na ang
kakulangan ng kaalaman sa sex at mga maaring epekto at kakalabasan nito ay magsasanhi ng maaaring
paglaganap pa ng bilang ng mga batang babae na maagang nabubuntis.

Ayon pa dito ang pagpapatupad ng Sex education ay magiging sagot sa lumulubong populasyon ng
Pilipinas ngunit hindi sumasang- ayon ang simbahang katoliko para dito. “Sex education in schools is not
the answer to our population problem and poverty.” Ito raw ay nakasisira lamang sa pagtataguyod ng
mahahalagang aralin at asal sa mga eskwelahan, lalo na sa mga Katolikong institusyon. Ito lamang ay
nagpapalala ng sitwasyon natin sa Pilipinas.

You might also like