Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Lorelyn M.

Mabalod Enero 8, 2018


Grade-8 Bohr Gng. Anna Marie Real

REPLEKSIYON SA TAONG 2017

Ano ang tunay na layunin ng buhay? Paano ko malalaman kung ako b’ay
naglalakad sa aking layunin? Ang mga ito ay mga tanong na madalas kong napunyagi at
nahihirapang sagutin dahil sa iba’t ibang mga pangyayaring aking naranasan. Alam naman
nating lahat na ang ating mga buhay ay nagmula sa Maykapal upang tayo ay mabuhay nang
lubos. Ito ang pagkakataon na makakaranas tayo ng bawat kasiyahan, kasakitan, at pagmama-
hal na inaalok ng mundo sa oras na inilaan nito para sa atin. Kaya sa madaling salita, “WE
ONLY LIVE ONCE” kaya karamihan sa atin ay napagtanto na ang buhay ay isang
paglalakbay na puno ng detours, U-turns at iba pa. Naiintindihan ko na ang buhay ay isa
lamang pagsubok kung saan magkakaroon ng maraming pagkabigo. Mula sa aking
karanasan, ito aking natutunan.
Sa buhay kong ito laging pangarap lamang ay maging masaya. Na kahit hindi ko
na kayang ngumiti ay dapat paring alalahanin na habang may buhay may pag-asa paring
lumigaya. Hindi ibig sabihin nito na maging plastik ako sa aking mga ipinapakita, kundi
maging positibo. Naranasan ko man ang mga bagay na hindi ko inaasahan na mangyayari
ngunit ito’y hinarap ko na lamang dahil alam ko na “EVERYTHING HAPPENS FOR A
REASON” at ang rason na’yun ay plano ng Panginoon upang maging matibay ang loob ko.
Kahit anong pagsubok ang aking naranasan ay dapat kong harapin ng buong tapang at hindi
magpaka-tanga. May problema man ako na para sa akin ay malabo nang malutas, ngunit sabi
ng Panginoon na wala siyang ibinibigay sa atin na mga problemang hindi natin kaya. Kahit
gusto na nating sumuko, dapat paring lumaban dahil ang pagsuko ay nangangahulugang hindi
na natin kayang harapin ang mga pagsubok sa buhay. Natutunan ko na kahit anong mangyari,
walang dapat susuko at walang dapat isuko. Hindi man natin maiwasan na madama ang mga
kasakitan sa mundong ito, dapat ito ang maging dahilan upang ito’y ating labanan at ipamalas
ang pagmamahal sa buong sanlibutan. Natutunan ko rin na hindi pala lahat ng tao ay karapat-
dapat na bigyan ng buong tiwala sapagkat ito lamang ay kanilang sinisira.
Sa edad kong to, kahit na hindi pa ako ganoon ka mature ay naiintindihan ko na
ang mga bagay-bagay katulad na lamang ng pagmamahal na minsa’y akin ng nadarama.
Pagmamahal na minsan ko ng ipinaramdam sa isang tao. Ngunit kahit na gaano niyo kamahal
ang isa’t isa ay meron paring hahadlang na siyang dahilan upang kayo’y magkahiwalay na
sana ay maging rason upang maging matibay ang isang relasyon. Kahit na ganoon ay dapat
hindi ito ang maging hadlang upang hindi ka na magmahal ulit kundi maging isang
pamantayan na kung magmahal ka man ulit ay dapat piliin ‘yung taong kaya kang pasayahin
sa abot ng kanyang makakaya, ‘yung hindi ka kayang saktan, malaki ang tiwala sa Diyos,
‘yung taong walang ni isang bisyo, ‘yung taong kaya kang panindigan at ‘yung taong
mamahalin ka kung sino at ano ka man.
Alam kong walang ni isang tao sa mundo na walang pinagdaanan. Ako mismo,
bilang isang estudyante, isang anak, isang kapatid at isang kaibiga ay meron ding pinagda-
anan. Isa na rito ang maliitin sa ibang tao. Kahit na ganoon sila sa akin, hindi ako
nagpapatalo. Hindi sa paraang makakasakit sa kanila kundi ang makabubuti lamang. Katulad
ng pagdarasal, na sana’y maunawan din nila ang mga pinagdaanan ko at hindi na muli akong
maliitin. Dahil sa pagkakaalam ko ay hindi naman siguro masama kong gagawin lang natin
lahat ng paraan para lang maging isang mabuting tao sa kanilang harapan maging sa kanilang
likuran, ‘di ba? Minsan nga napatanong ako sa sarili ko kung bakit sila nagkakaganyan sa
akin kahit na ang ginawa ko lamang ay ang pasayahin sila sa abot ng aking makakaya. Pero
bakit kaya? Ang mga pinagdaanan ko na bihirang tahakin, madalas ay maraming nadaanang
balakid. Subalit dito nasusubukan ang aking kakayahan kung nais kong magtagumpay sa
aking mga pangarap sa buhay. Ika nga nila, “kapag may pinagdaanan ka man, dumaan ka
lang ‘wag kang tatambay.”
Sa lahat ng nangyari sa buhay ko ito, ang masasabi ko lamang ay hindi dapat tayo
mawawalan ng pag-asa at hindi magalit tuwing may mga dagok na dadating sa ating buhay
kundi labanan at harapin ng buong tapang ang mga paghihirap dahil kung walang hirap hindi
natin makakamit at mararanasan ang ginhawang palagi nating inaasam-asam. Pwede naman
nating itawid ang lahat ng ating mga pagkakamali noon at magsimula ng matiwasay at
hilumin na ang mga nakaraan.

You might also like