Buod OALS

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Leigh Ann R.

Amita
Baitang XII ABM - Francisco

Our Asymptotic Love Story


Ang istoryang Our Asymptotic Love Story ay Prequel ng istoryang "I Love You Since 1892" na
isinulat ng author na si Undeniably Gorgeous/Binibining Mia. Ang OALS ay isang historical
fiction at si Aleeza Mae Agcaoli ang bida sa istoryang ito. Isang nursing student na ayon sa author
ay nagtataglay ng magandang mukha, maputing balat, mahabang buhok, babaeng paborito ang
math subject at may kakaibang nararamdaman sa tuwing umuulan. Nagbago ang payapa niyang
mundo simula ng dumating ang bagong gwapong professor nila Aleeza na isang half spanish/half
filipino na si Sir Nathan Abrantes. Nagsimulang maging malapit sa isa't isa ang dalwa ng si Aleeza
ang napiling magrepresinta ng kanilang paaralan sa ginawang Academic Pasiklaban at ang
kanyang naging mentor ay ang mismong prof. niya sa algebra class na si Sir Nathan. Dito
umusbong ang lihim at pilit na itinatago nilang damdamin para sa isa't isa. Dito nagsimulang
mahalungkat ang kanilang nakaraan. Ang kanilang pagmamahalan na parang isang asymptote, uri
ng linya na kailanma'y hinding hindi magtatagpo. Dahil sa librong Our Asymptotic Love Story na
bigay ni Lily na tagahanga ng kapatid ni Aleeza na si Alexander, nagsimulang makaramdam ng
bigat sa dibdib si Aleeza sa tuwing nakikita o tinitignan niya ito. Hindi niya maipaliwanag kung
bakit nakakaramdam siya ng matinding lungkot sa tuwing binabasa niya ang istorya at pag-iibigan
nila "Salome" at "Fidel"na tila ba pamilyar sakanya ang mga mga tauhan at pangyayari. Dito na
din siya unti unting nagkaroon ng mga di pangkaraniwang panaginip at alaala na tila ba dinadala
sya sa sinaunang panahon at nakakakita siya ng kwento ng buhay ng isang tao at ibat't ibang pag-
iibigan. Hanggang sa dumating ang isa sa mabigat na pangyayari sa buhay ni Aleeza, nabaril ang
kaniyang papa dahilan para ito ay bawian ng buhay. Ngunit makalipas lamang ang ilang linggo,
nacomatose naman ang kapatid nyang si Alex sa dahilang may nais daw magtangka sa buhay ni
Lily at sinangga lamang ni Alex ang mga baril na hindi naman dapat para sakanya. Isang araw
habang si Aleeza ang nagbabantay sa kapatid nyang isang linggo ng walang malay, dumalaw si Sir
Nathan bitbit ang isang basket na prutas. Naitanong ni Aleeza kung ano ang pinag-usapan nila
bago maaksidente ang kapatid nyang si Alex. Nagtalo silang dalwa sapagkat nararamdaman
niyang may itinatago sakanya si Sir Nathan, na may alam ito sa mga kakaibang nangyayari sa
kanya. Tungkol sa mga alaalang hindi niya malaman kung saan nanggaling. Pag-alis ni Sir Nathan
matapos nila magtalo ay tila nakikiramay ang ulan sa kanyang nararamdaman. Habang patuloy
ang pagbagsak ng kanyang mga luha, tinatanaw niya ang pagbagsak ng ulan sa labas ng bintana
ng ospital na siya namang sunod sunod na pagpasok ng pamilyar na alaala at boses na minsan ng
gumugulo sa isipin niya. Matapos ang alaalang iyon ay doon niya napagtantong ang lahat ng mga
kakaibang alaalang inakala niyang panaginip lang. Ang lahat ng mga pangyayari at mga taong
pamilyar sakanya ay hindi nagkataon lang. Hinabol niya si Sir Nathan sa gitna ng ulan at ng
maabutan niya ito ay doon niya ipinagtapat na naaalala na niya ang lahat, na alam na niya ang
sagot sa tanong na matagal na niyang hinahanap. Naging maayos na sila ni Sir Nathan at hindi sila
iniwan nito. Kasa-kasama rin nila itong magdiwang ng pasko at hindi rin nito nakalimutang
bigyan ng munting regalo ang pamilya Agcaoli. Ang regalo ni Sir Nathan kay Aleeza ay nagdulot
nanaman ng kakaibang pakiramdam sakanya sapagkat ang mga nakatala sa lumang diary ay
nakasulat sa paraang baybayin. Kaya't kinabukasan ay naisipan niyang lumapit muli kay Sir Albert
na isang history teacher na malapit rin sakanya upang ipatranslate ang nakasulat sa diary.
Nagkataon namang magkakaroon ng history lecture si Prof. Hermios tungkol sa baybayin kung
kaya't ipinakausap ni Sir Albert si Aleeza na makadalo na sa seminar sa kagustuhan niyang
matutong mag-baybay. Sa kalagitnaan ng pagtuturo ni Prof. Hermios, nagsimula nanaman ang
paglitaw ng mga alaala. Napagtanto niyang ang sinapit na mapait na kapalaran ni Salome ay
sinapit din ni Esmeralda. At katulad ng kapalarang nangyari kay Fidel ay ganoon din ang naging
kapalaran ni Rolando na naging pari. Matapos ang seminar ay inaya siya ni Sir na magpunta sa
kanilang tirahan dahil may sasabihin raw itong mahalaga na ayon dito'y oras na para malaman
niya ang katotohanan. Sinabi nito ang kaniyang totoong pakay at ito ay ang ipakita sakanya ang
isang painting. Agad nitong tinanggal ang painting na iyon at tumambad sa harapan nila ang isang
pahabang lumang papel na kung saan nakasulat ito sa letrang baybayin at ang tintang pinangguhit
dito ay parang gamit ang dugo. 'Pangako' pagkakita niya roon ay bigla siyang nahilo at tila
sinaksak siya ng libo libong punyal sa kanyang puso. Matapos ang isa nanamang alaala ay biglang
sumulpot sa harapan niya si Sir Nathan at dito niya nalamang hindi pala kay Salome at Fidel
nagsimula ang asimptotang pag-iibigan nila. Kundi ang trahedya ng kwento nilang dalwa ay
nagsimula sa isang babaylan na si Sinagtala at isang paring kastila na si Franco noong taong 1521
pa. Noong mawalan ng malay sa bahay ni Sir Albert si Aleeza nang makita niya ang lumang papel
ng 'Pangako' pagkagising niya ay wala na si Sir Nathan, hindi na rin ito nagpakita sa school at
nag-resign na siya bago pa sumapit ang graduation. May ipinadalang regalo si Sir Nathan para kay
Aleeza noong graduation day niya, isang malaking frame na kung saan may isang black and white
na drawing ng isang babae at isang lalaki na nakatingin sa mata ng isa't-isa na hindi alintana ang
buhos ng ulan sa paligid. Nang makita niya ang mga numerong nakasulat sa ibaba ay hindi na niya
napigilan ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. Hindi niya matanggap na sa halos ilang
daang taong dumaan sa kanilang dalawa ay magkikita at magkikita nga sila ngunit hindi parin sila
maaaring magkatuluyan. Ipinabatid ni Sir Albert na bumalik na ng Spain si Sir Nathan, na kaya
hindi na niya ito ipinaalam kay Aleeza ay dahil para iyon sa ikabubuti niya at ng pamilya niya.
Ang paglayo na ginawa ni Sir Nathan ay ang tanging paraan upang mabuhay si Alex at ang mama
niya. Siya na ang kusang lumayo upang hindi na maulit pa ang trahedyang paulit-ulit na
nangyayari sa buhay nila. Halos isang buwang na-comatose si Alex ngunit mabuti na lamang dahil
tinulungan sila ni Sir Albert at Sir Nathan para mabayaran ang lahat ng gastusin sa pagpapagamot
ni Alex. Samantalang ang kaibigan naman ni Aleeza na si Iryn ay uuwi na sakanilang probinsya sa
Bacolod at doon na maghahanap ng trabaho. Samantalang si Leana at Jen naman ay parehong
magtatrabaho sa abroad kasama si Lily na pag-aaralin doon ni Jen. Tuwang tuwa ang mama ni
Aleeza sapagkat sa wakas ay nakapagtapos sa kursong medisina ang kaisa isang babae nilang
anak. Nagkaiyakan pa sila ng mabanggit nila ang papa nila ngunit agad naman silang kinontra ni
Alex dahil ayaw nito ng drama. Pagkalipas ng isang taon ay naisipang bumisita ni aleeza sa
Hacienda Montecarlos. Nagkita ng di sinasadya si Aleeza at Sir Nathan sa bayan ng Alfonso sa
ilalim ng puno na malapit sa lawa ng luha. Dito nila winakasan ang ilang siglo nilang paghihirap
at dito nila sabay tinanggap na kahit anong mangyari ang kapalaran nilang dalwa ay parehong
mabubuhay sa mundong ito ng mag-isa. Lumipas ang pitong put taon, walong put siyam na taong
gulang na si Aleeza. Naging asawa niya ang matalik na kaibigan ng kanyang kapatid na si Oscar
na sampung taon daw nanligaw kay Aleeza. Sa espanya narin nagtigil si Lolo Alex at doon narin
siya nakapag-asawa ng Pilipina na doon rin nagtatrabaho. Sampung taon naring patay si Lolo
Oscar pero sakanila ay patuloy parin silang ginagabayan nito. Samantalang ang kaisa-isa nilang
anak na si 'Elisa' na nasa limang put anim na ang edad ay may pamilya't anak narin na isang guro.
Piyesta sa lugar nila kaya't dumalaw ang mag-asawang Carmela at Juanito sa bahay nila Lola
Aleng(Aleeza) na co-teacher ng anak ni Elisa na si Carmela na apo rin ng kaibigan ni Lola Aleng
na si Lola Emily. Bumisita rin sila roon upang bisitahin at tignan ni Juanito na isang doktor ang
lagay ni Lola Aleng sapagkat napapansin nilang madalang na itong magsalita, palaging nanghihina
at tulala na lamang palagi sa tapat ng bintana. Ibinalik ni Lola Aleng ang singsing na gawa sa
kahoy na binigay sakanya ng kanyang asawang si Lolo Oscar na pagmamay-ari rin talaga ni
Carmela. Tulad ni Lola Aleng, nabuhay din ang kanilang pagmamahalan sa ilang siglo. Subalit
ang kaibahan lang ay muling naisulat ang kanilang pag-iibigan at ngayon nga ay naging masaya
na sila sa panahong ito. Sa kabilang banda naman ay tinapat na ni Juanito sila Elisa at ang anak
nito na kaunting oras at araw na lamang ang nalalabi kay Lola Aleng sapagkat mahinang mahina
na ang tibok ng puso nito. Ilang sandali pa ay pumasok na sila ng kwarto kasama ang isang
sakristan na may pinadalang sulat para kay Lola Aleng mula sa Espanya. Nakasaad dito na
binawian na ng buhay si Reverent Francis Nathan Abrantes nito lamang umaga doon sa Mandrid.
Nabitawan niya ang sulat sa gulat at dito na tuluyang bumuhos ang mga luhang pilit niyang
itinago sa loob ng halos ilang dekada. Mga sakit, paghihirap, panghihinayang at pangungulila sa
sinapit ng pag-ibig nila na ilang siglo nilang ipinaglaban ngunit sa huli ay hindi pa rin sila
nagkatuluyan. Sa huling pagkakataon, bago niya ipikit ang kaniyang mga mata, bago tumigil ang
pagtibok ng puso niya at bago siya nalagutan ng hininga ay iisang tao parin ang kahuli-hulihang
laman ng isipin niya. Sinabe niyang makakaasa ang kaniyang sinisintang si Franco, Fidel,
Rolando, Nathan na handa na niyang tanggapin ang lahat. Hindi na niya kailanman
panghahawakan pa ang alaala ng kanilang nakaraan at hindi na siya magbabakasali pang baka sa
susunod ay pwede na. Tinanggap niyang ang kanilang pag-iibigan ay parang asimptota. Dito na
niya tinapos ang lahat upang mahanap na nila pareho ang kapayapaan at kaligayahan sa mga puso
nila.

You might also like