Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ito ay pinamagatang “AKING AMA” para sa aking maagang pumanaw

na ama, mga katanungan at ang nais kong maipabatid.

Itay, ikay lumisan ng kay aga


Ako ay iniwan mong luhaan
At nangungulila sa iyong mga yakap
Itay… pwede bang kahit sa panaginip man lang…
Maari bang makita ko ang iyong mga ngiti
o mayakap lang kahit saglit?

Alam kong limang taon na


Limang taon na ang nakalipas ngunit,
ang sugat sa puso koy
di matutumbasan ng kahit anong materyal
na para bang paulit-ulit nakatusok ang maliliit na karayom
na hanggang ngayon ay….
kumikirot sa aking damdamin

dahil sa totoo lang….


di ko maiwas-iwasang mainggit…….
maluha sa tuwing nakikita ang iba na may amang
gumagabay para sa kanila

itay, iniwan akong luhaan na ang gusto ko lamang ay ang makasama ng


matagal
itay, ikaw ay ipinagkait sa amin.
itay, sana ay nasilayan mo aking pag laki
Sana ay andito ka saking tabi
Ngunit itay,… nasanay na ako, at tinanggap ko na….
Nasanay na ako,
pero andito parin ang hapdi
Andito ang kirot sa aking puso
Na nagsisilbing pagmamahal ko sa iyo.
Tinanggap ko na,
Tanggap ko nang wala kana… pero kahit

Kahit wala ka na, tatandaan ko na lang


ang mga ala alang kay saya kasama ang ikaw, aking ama.

You might also like