Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Matapos mapanood ang palabas na Gattaca, naisip-isip ko na sobrang

nakakatakot pala ang utak ng isang tao sa paglipas ng panahon. Sa patuloy na


sibilisasyon ng sanlibutan, maraming naiisip ang tao. Para sa kanyang sarili, sa
kanyang pamilya o para sa kanyang bansa. Lahat gagawin upang makamit ang mapayapang
pamumuhay.

Sa panimula ng palabas, makikita ang isang mag-asawa na kausap ang isang


doctor. Pinag-uusapan nila kung alin sa mga embryo ang may pinakamagandang
katangian: panlabas na anyo, katalinuhan, genetic diseases, at kasarian ng bata na
gugustuhin ng mag-asawa. Tinatawag itong vitro fertilization, isang proseso kung
saan ang egg cell at sperm cell ng mga magulang ay kinukuha upang maging embryo.
Naging kinabihasnan na ito ng mga magulang sa palabas. Kung ako ang tatanungin,
siguro gagawin ko rin ito sapagkat sino bang magulang gusting maging sakitin ang
anak nila. Lalong-lalo ng may pinagmamanahang sakit ang pamilya naming. Ayaw ko
itong maranasan ng aking anak. Mapapansin pa rin sa palabas na mayroon pamilya ang
nagtatalik upang magkaanak. �Natural born� o �de-gene-rates,� ang tawag sa kanila.
Ngunit sa kabilang dako, nakikita sila ng mga tao na hindi kabilang sa lipunan.
Talamak ang diskriminasyon anumang sulok ng Gattaca. Halimbawa nito ang
pagtatrabaho. Mas pinipili ng mga pinuno ang mga taong may kakayahan, may mga
magagandang katangian. Kaya napilitan si Vincent na maging isang tao na may
magagandang katangian upang matanggap siya sa lipunan at makamit ang trabaho na
pinapangarap niya noong bata pa lamang siya. Isinakatawan niya ang pagkatao ni
Jerome Morrow, isang �valid� na tao ngunit naparalisa noong hindi siya matagumpay
na magpakamatay. Upang mangyari ito, kailangan niyang baguhin ang lahat ng kung ano
siya, pagkatao niya. Lumapit siya sa isang doktor at nagpabago ng katawan na
katulad na katulad kay Jerome. Sa tulong ng teknolohiya, matagumpay niyang nagaya
ito: pagmumukha, kilos, pati na rin ang tangkad nito. Sa panahon ngayon, maraming
mga tao ang nagpapabago ng kanyang katawan, mukha. Siguro, normal na lamang ito sa
mga tao sa paglipas ng panahon. Ngunit ayon nga sa palabas, hindi pa rin perpekto
ang panggagaya. Makikita pa rin ang tunay na identidad ng isang tao. Kaya naman si
Vincent, naging maingat siya. Kapalit ng magandang pamumuhay para kay Jerome,
pinahiram naman ni Jerome ang kanyang pagkatao kay Vincent at tutulungan siya upang
matugunan ang pinakaaasam na pangarap nito: ang makarating sa Titan. Ngunit sa
kanyang pagtatrabaho, dahil nga ginagaya niya ang isang tao na may magandang
kalidad na pagkatao, kailangan niyang magtrabaho nang maigi. Dahil kung hindi siya
mag-iingat, mahahalata siya at ang masamang mangyari sa kanya, makukulong siya.

Ngunit sa aking pananaw, wala ng kasiyahan ang tao sa lagay na ito. Hindi na
nila nakagagawa ng mga gusto nilang gawin sapagkat may umaasa sa kanila na
kailangan magaling ka sa lahat ng bagay dahil sa katangian na nakuha mo. Nawawalan
na ng halaga ang buhay ng isang tao. Nagiging makasarili na sila, walang iniisip
kundi ang sarili. Wala ng pagtutulungan at wala ng pagkakaisa. Ang nakakatakot nga
sa palabas, dahil sa sobrang pagkasakim, nakakagawa na sila ng mga masasamang
bagay. Patuloy mang magbabago ang bawat isa, nananatili pa rin ang poot, inggit sa
bawat isa sapagkat ni minsan sa kanilang buhay ay naranasan nila ito. Hindi nila
hahayaan na dahil lamang sa isang bagay, mawawala na lamang na parang bula ang
pinaghirapan nila.

You might also like