Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Justice
Office of the Provincial Prosecutor
City of Dasmariñas

ENRIQUE F. BAYONA,
Complainant,

-versus- I.S. No. NPSIV-24-INV-14G-383


For: B.P. 22

LEA F. ALARCIO,
Respondent.
x--------------------------------------x
Republika ngPilipinas )
Lalawigan ng Cavite ) S.C.
Lungsod ng Dasmariñas )

SAGOT SA KONTRA-SALAYSAY

Ako si, ENRIQUE F. BAYONA, nasa hustong gulang, Filipino,


nakatira sa Blk. H-12 Lot-12, Brgy. San Roque, Dasmariñas, Cavite,
matapos manumpa ng ayon sa batas ay nagsasabi ng mga
sumusunod:

1. Malinaw sa kanyang Kontra Salaysay ang pag-aming siya ay


nagbigay ng tseke sa akin nang halagang ISANG DAAN
LIMAMPUNG LIBONG PISO (P150,000.00), tseke na may
bilang 4882714 at may petsang Disyembre 9, 2009;

2. Maliban sa kanyang pag-amin, lahat ng kanyang mga


sinasabi sa kanyang Kontra Salaysay ay pawang
kasinungalingan, walang basehan, walang koneksyon sa
habla, at ni walang dokumento na magpapatunay sa
kanyang mga sinasabi;

3. Una, ang mga petsang binabanggit niya na diumano raw ay


unti-unti ko siyang binigyan ng pera ay taliwas sa petsang
nagpasabi siya sa kagustuhan niyang humiram ng pera para
sa plano niyang magtayo ng isang Money Changer o
pandagdag at gagamitin sa kanyang negosyong tindahan
ang nasabing hiniram na pera o sa anumang negosyo na
gusto niyang pasukin;

4. Buwan ng Disyembre 2009 siya nakipag-usap sa akin, sa


nasabing buwan at taon ko rin ibinigay ang halagang
P150,000.00 at sa kaparehong buwan at taon niya rin binigay
ang tseke na may parehong halaga;

5. Ipagpalagay na totoo nga subalit hindi ko tinatanggap, na


mayroon siyang nakuha sa akin na may suma-tutal na
P150,000.00, bakit siya nagbigay ng tseke sa akin ng
kaparehong halaga kung sinasabi naman niya na noong ika-
7 ng Oktubre 2009 ay nakabayad naman daw siya sa akin ng
halagang Tatlumpong Libong Piso at Siyam na Raan
(P39,000.00), Salaping Pilipinas;

6. At kung totoo nga na pinilit ko siya na mag-isyu ng tseke sa


akin, gaya ng kaniyang sinasabi, bakit hindi niya binawas
ang sinasabi niyang binayad daw niya sa halaga na
kaniyang nilagay sa tseke na may numero 4882714;

7. Halos tatlong (3) taon ako naghintay sa kanya para


mabayaran iyong pagkakautang niya sa akin ngunit
hanggang ngayon hindi siya nagbabayad kaya napilitan na
akong magsampa ng reklamo sa barangay;

8. Malinaw lamang na puros dahilan at walang matibay na


ebidensya na magpapatunay sa kaniyang mga sinasabi at
ang lahat ay mga salitang sa kanyang namumutawi at mga
alegasyong walang basehan ay maaring dalhin at dinggin sa
hukuman;

BILANG PATUNAY, aking nilalagdaan ang Sagot Sa Kontra


Salaysay ngayong ika-3 ng Setyembre 2014 sa Lungsod ng
Dasmariñas, Lalawigan ng Cavite.

ENRIQUE F. BAYONA
Complainant
SUBSCRIBED AND SWORN TO before me this ______ day of May
2014, in City of Dasmariñas. I hereby certify that I personally
examined the above-named person and I am satisfied that he
voluntary executed and understood this Reply Affidavit.

ADMINISTERING PROSECUTOR

You might also like