Barangay at Sultanato

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Baranganic Settlement

1) Datu- head of a barangay (communal or shared land type of settlement


Also known with names as rajah, lakan, pamgat, pangulo (source Agpalo)
2) Lallakay- konseho ng matatanda (veteran datus or warriors of the barangay).
They advise the datu in matters of peace, war and strategy.
3) Maharlika- ang lahi ng mga kadatuan. Maaaring bumaba sa antas bunga ng
pagkakaalipin kapag nagkautang hal. LCI o kaya ay kapag nadakip ng kalabang
barangay.
4) Timawa-ay malaya at may katamtamang pag-aari. Sila ay maaaring lumaya sa
pagkakaalipin dahil sa pagkakabayad ng pagkakautang o dili kaya ay
naipagtanggol ang Barangay
5) Alipin-ito ay maaaring namamahay o saguiguilid. Ang namamahay ay ang mga
nagkakautang at di pa nakakabayad at kapag nakabayad na sa nasabing
pagkakautang ay magiging malaya na ito. Ang mga saguiguilid ay ang mga POW o
Prisoners of War at kapag nagsisilbi ay parating me duda dahil maaaring gumanti
ang mga ito dahil sa pagkalupig/pagkatalo ng kanilang sariling barangay.

Ang mga Barangay ay communal na pamayanan at kaiba sa mga Feudal na


kaharian sa Europa. Ito ay sa kadahilanan na ang pagmamay-ari ng lupa sa
Barangay ay pinaghahatian ng buong barangay. Samantala sa Europa ay Feudal na
ang kalahatan ay pagmamay-ari ng Hari. Ito ang ugat ng pananakop ng mga Hari
sa Europa upang masabing sila ang pinakamalakas na monarko sa bahaging ito ng
mundo. Ang lakas ng datu ay nag-uugat sa “tiwala” ng mga kabarangay ng datu.
Kung kayat ang kapangyarihan ng Datu ay temporal lamang samantala sa mga
Hari ay permanente ganundin ang mga “slave” sa Europa na tunay na malaki ang
kaibahan sa Pilipinas na panandalian lamang. Ito ay makikita sa halimbawa ng LCI.

Panrelihiyong Pinunuo ng mga Barangay


1) Catalonan- ang punong babaylan. Kapag ang barangay ay may kalakihan
katulad ng kay Lakan Tagkan na mula Angono hanggang Valenzuela na maraming
babaylan. Kinakailangan may punong babaylan na magbibigay ng pinal na
desisyon sa usaping panrelihiyon o pangkalikasan.
2) Babaylan-ang tagapag-ugnay ng tao sa kalikasan na diumano ay may
kapangyarihan para maipaliwanag ang nais ng kapaligiran at maipaliwanag ito sa
datu para marating ang tamang desisyon sa kanyang plano sa barangay hal.
Ekonomiya, digmaan at kapayapaan.
3) Manang Bale- sila ay mababang uri ng babaylan dahil sila ay ang mga lalake na
ayaw makidigma sa kalabang barangay kung kayat sila ay nakiamot ng
kapangyarihan sa mga tunay na babaylan, mga babae.

Sultanato
1) Sultan-anino ni Allah sa lupa ang titulo ng kanyang kapangyarihan. Ang
mangangalakal na nagmula sa Arabia ay si Sharif ul Hashim na naging maunlad at
pinagkatiwalaan ng pinakamalakas na Datu ng Sulu na si Raja Baguinda ng
Buansa. Si Sharif ul Hashim ay naging asawa ang anak ni Raja Baguinda na si
Paramisuli at dahil sa kanyang mataas na ambisyong pampulitika ay itinatag nia
ang unang Sultanato sa Sulu. Si Sharif ul Hashim ay naging si Abu Bak’r.
Ang unang teritoryo ng sultanato ay nakabatay sa naririnig na tunog ng
Royal Gong kaiba kesa unang teritoryo ng Hari sa Europa na kanyang mga “nakita”
sa kanyang palibot ang kanyang unang teritoryo. Ang sultan ay nakasalalay ang
kapangyarihan sa dami ng mandirigmang magtatanggol sa sultanato. Kung kaya’t
ang pangangayaw ay parating ginagawa, ito ay ang pagkukuha ng mga kalalakihan
sa malalayong lugar ng mga Tausug ng Sulu na tutungo sa Luzon at Visayas para
maging aliping mandirigma ng Sultan.
2) Raja Muda- ang Heir Apparent o susunod na tagapagmana ng Sultan sa
kanyang Trono.
3) Ruma Bichara- ito ang konseho ng matatanda ng mga muslim. Ang pinuno nito
ay ang Raja Muda dahil siya ang pinagkakatiwalaan ng kanyang Ama dahil siya ang
susunod na mamumuno sa Ummah. Ang ruma bichara ang pinakamalakas na
konseho ng pamayanang muslim.
3a) Raja Laut-ito ang pinuno ng Dagat. Navy chief.
3b) Datu Temenggong-pinuno ng hukbong pangkati/panglupa
3c) Datu Shahbandar-Portmaster General at tagapangasiwa ng Ingat Yaman.
Finance Minister.
3d) Datu Bendahara- Police Chief
4) Panglima- ito ay ang mga Gobernador kapag panahon ng katahimikan o dili
kaya’y pag panahon ng digmaan nagiging heneral ng Sultan na mumuno sa limang
posisyon ng sultanato. Ang timog, hilaga, silangan, kanluran at central ang
pinakamalakas.
5) Datu- ang pinakamababa sa pulitikal na hirarkiya ng mga muslim. Sila ay mga
dating datu na inangkop ng sultanato upang di ito umaklas. Sila naman na mga
datu ay tinanggap dahil sa kanilang pagiging muslim at pagkakaroon ng mga
lupain na kanilang matatawag na sa kanila.

Ang sultanato ay kaiba sa Barangay sapagkat ang lupa ay pag-aari na ng


Sultan kung kaya’t ito ay Feudal na. Ito rin ang dahilan na ang Sultan ay
hinihikaya’t ang kanyang mga mandirigma ng “Pangangayaw”. Ito ang taunang
paglusob ng mga mandirigmang Tausug upang manguha ng mga lalaking
mandirigma sa iba’t-ibang pook katulad ng Luzon at Visayas. Upang lumakas at
lumaki ang pamayanang muslim o Ummah. Ang ummah ay nakabatay sa batas ng
mga muslim na mula sa dalawang bagay : ang Quran at ang Adat. Ang Quran o
koran ay ang bibliya ng mga muslim. Ang adat naman ay ang tradisyon o kultura
ng mga muslim na nagiiba. Halimbawa nito ay ang mga taga Saudi na
konserbatibo o Orthodox o dili kaya sa Dubai na modern naman at may
kaluwagan.

Panrelihiyong Pamunuan ng mga Muslim


1) Qadi -ang kapangyarihan nito ay katumbas ng mga Obispong muslim.
2) Imam- ang kapangyarihan ng Imam ay ang mamahala ng mga Mosque at
magpalaganap ng kapaniwalaan nila. Ang pagtuturo rin sa mga madrasah ay isa
sa mga karagdagang katungkulan nila.

Antas Panlipunan ng mga Muslim

1) Tausug- ito ay ang mga mandirigmang muslim na kadalasan nakatira sa isla ng


Sulu.
2) Maranao- ito ay ang mga mangangalakal na muslim na malimit nakatira sa
Lake Lanao.
3) Maguindanaoan-ito ay ang mga magsasakang muslim na nakatira kalimitan sa
kapatagan na ang sentro ay Buluan na nakapaloob sa ARMM.
4) Iranun-ito ay ang mga artisanong muslim. Ang mga gumagawa ng mga kalasag,
Kris, kampilan at iba pang kasapang metal ng sultanato.
4a) Samal Balangingi-ito ay ang mga pinakamahusay na mandaragat na Pilipino
ayon kay James Warren. Ito ay dahil na rin kahit walang araw, buwan, balatik,
Polaris, bituin sa langit ay maaaring makakauwi pa rin ang mga ito. Sa
kadahilanang ang mga kidlat ay ang batayan nila ng kanilang pagkakabalik sa
kalupaan kapag may kasungitan ang panahon.

Ang mga Taboy sa Lipunang Muslim (Outcaste)


1) Badjao-ang mga taong itinaboy ni Abu Bak’r sa ummah ng mga Tausug dulot
na rin ng di pagtanggap ng mga ito sa kapaniwalaang muslim.
2) Ang mga itinaboy sa kalupaan ni Abu Bak’r dahil di rin tinanggap ang Islam sa
hanay ay ang mga Tagimaha, Baclaya, Buranun. Sila ay napunta sa mga kuweba,
gubat at bundok.

You might also like