4.8 Pangwakas Na Gawain PDF

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

GRADE 8
IKAAPAT NA MARKAHAN
ARALIN 4.8
Panitikan : Florante at Laura
a. Bakit Ama Ko?
b. Sa Ngalan ng Pag-ibig Saknong
c. Kamatayan sa Palaso ni Flerida 346-398
d. Dulo ng Salit
Bilang ng Araw : 4 Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F8PN-IVi-j-38)


 Mapanuring nakikinig upang matalinong makalahok sa mga
diskusyon sa klase.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F8PB-IVi-j-38)


 Natutukoy ang mga hakbang sa pagsasagawa ng
isang kawili-wiling radio broadcast batay sa nasaliksik na
impormasyon tungkol dito

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F8PT-IVi-j-38)


 Nabibigyang pansin ang mga angkop na salitang dapat gamitin sa
isang radio broadcast

PANONOOD (PD) (F8PD- IVi-j-40)


 Nailalapat sa isang radio broadcast ang mga kaalamang natutuhan
sa napanood sa telebisyon na programang nagbabalita
PAGSASALITA (PS) F8PS- IVi-j-40)
 Matalinong nakikilahok sa mga talakayan sa klase

PAGSULAT (PU) (F8WG-IVi-j-40)


 Naisusulat at naisasagawa ang isang makatotohanang radio
broadcast na naghahambing sa lipunang Pilipino sa panahong
naisulat ang Florante at Laura at sa kasalukuyan.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F8WG- IVi-j-40)


 Naipahahayag ang pansariling paniniwala at pagpapahalaga gamit
ang mga salitang naghahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat

Ikaapat na Markahan | 189


TUKLASIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F8PN-IVi-j-38)


 Mapanuring nakikinig upang matalinong makalahok sa mga
diskusiyon sa klase.

PAGSASALITA (PS) F8PS-IVc-d-36


 Matalinong nakikilahok sa mga talakayan sa klase

II. PAKSA

Panitikan : Florante at Laura


a. Bakit Ama Ko?
b. Sa Ngalan ng Pag-ibig Saknong
c. Kamatayan sa Palaso ni Flerida 346-398
d. Dulo ng Salit
Wika : Uri ng Paghahambing
Kagamitan : Laptop, projector, makukulay na pantulong na
Biswal, aklat ng Florante at Laura
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 8, Florante at Laura
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng takdang Aralin
 Balik-aral

2. Presentasyon ng Aralin

Panitikan : Florante at Laura


a. Bakit Ama Ko?
b. Sa Ngalan ng Pag-ibig Saknong
c. Kamatayan sa Palaso ni Flerida 346-398
d. Dulo ng Salit
Wika : Uri ng Paghahambing

Ikaapat na Markahan | 190


3. Pokus na Tanong
Mungkahing Estratehiya : PALASO-NONG
Isulat sa loob mga palaso ang mga katanungan tungkol sa mga inilahad na
aralin upang matamaan ang tamang sagot sa mga susunod na talakayan.

tanong
ARALIN
4.8

Sanggunian: (larawan) http://www.clipartof.com/hotlink.jpg

Pokus na Tanong ng Aralin 4.8


 Bakit mahalagang malaman ang mga hakbang sa pagsasagawa ng
isang radio broadcast?
 Paano nakatutulong ang radio broadcast sa pagpapahayag ng
pagsang-ayon at pagsalungat?

AKTIBITI
4. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya : STOP & LISTEN


Pakinggang mabuti ang mga usapan ng bida sa pelikulang inihanda ng
guro. Pagkatapos ay sagutin: Ano-ano ang maaring gawin ng isang tao
sa ngalan ng pagmamahal.

IN THE NAME OF LOVE

Sanggunian: https://www.youtube.com/watch?v=cl7wpBHJ05k

Ikaapat na Markahan | 191


 Pag-uugnay ng gawain sa bagong aralin.
 Pagpapabasa ng “Sa Ngalan ng Pag-ibig”.
SA NGALAN NG PAG-IBIG

361
Napakinggan nila'y ganitong saysay
"nang aking matatap na papupugutan
ang abang sinta kong nasa bilangguan
nagdapa sa yapak ng haring sukaban.

362
"Inihinging-tawad ng luha at daing
ang kaniyang anak na mutya ko't giliw;
ang sagot ay kundi kusa kong tanggapin
ang pagsinta niya'y di patatawarin.

363
"Anong gagawin ko sa ganitong bagay?
ang sinta ko kaya'y bayaang mamatay?
napahinuhod na ako't nang mabuhay
ang prinsipeng irog na kahambal-hambal!

364
"Ang di nabalinong matibay kong dibdib
ng suyo ng hari, bala at paghibik,
naglambot na kusa't humain sa sakit
at nang mailigtas ang buhay ng ibig.

365
"Sa tuwa ng hari, pinawalan agad
ang dahil ng aking luhang pumapatak;
datapwa't tadhanang umalis sa syudad
at sa ibang lupa'y kusang mawakawak.

366
"Pumanaw sa Persya ang irog ko't buhay
na hindi man kami nagkasalitaan;
tingni kung may luha akong ibubukal
na maitutumbas sa dusa kong taglay!

Ikaapat na Markahan | 192


367

"Nang iginagayak sa loob ng reyno


yaong pagkakasal na kamatayan ko,
aking naakalang magdamit-gerero
at kusang nagtanan sa real palasyo.

368
"Isang hatinggabi kadilima'y lubha,
lihim na naghugos ako sa bintana;
walang kinasama kung hindi ang nasa--
matunton ang sinta kung nasaang lupa.

369
"May ilan nang taon akong naglagalag
na pinapalasyo ang bundok at gubat;
dumating nga rito't kita'y nailigtas
sa masamang nasa niyong taong sukab..."

370
Salita'y nahinto sa biglang pagdating
ng Duke Florante't Prinsipe Aladin;
na pagkakilala sa boses ng giliw,
ang gawi ng puso'y di mapigil-pigil.

371
Aling dila kaya ang makasasayod
ng tuwang kinamtan ng magkasing irog?
sa hiya ng sakit sa lupa'y lumubog,
dala ang kaniyang naputol na tunod.

372
Saan kalangitan napaakyat kaya
ang aking Florante sa tinamong tuwa;
ngayong tumititig sa ligayang mukha
ng kaniyang Laurang ninanasa-nasa?

Sanggunian: Florante at Laura, Dolores F. Jamero,et. al

Ikaapat na Markahan | 193


ANALISIS

1. Ano-ano ang mga bagay na ginawa ni Flerida sa ngalan ng


kanyang malaking pagmamahal kay Aladin?

2. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Flerida, ano ang iyong pipiliin?
Ang iyong minamahal na walang buhay o ang kanyang kaligtasan
nya na malayo naman sa iyong piling?

3. Bakit kaya mistulang nabuhayan ng loob asina Florante at Aladin


nang makarinig sila ng boses sa kagubatan?

 Pagbibigay ng Input ng Guro


ALAM MO BA NA…

Mas pinili ni Flerida sa kabanatang ito na lisanin ang palasyo ni


Sultan Ali-adab upang hanapin ang kanyang totoong minamahal na si
Aladin. Nagawang piliing magpakaal ni Flerida sa Sultan upang maligtas
sa kamatayan si Aladin.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya : Puno ng Konsepto


Sungkitin ang ang bungang nagtataglay ng mga salitang may
kaugnayan sa aralin pagkatapos ay bumuo ng konsepto gamit ang
mga salitang nasungkit mo.

lahat
mahal
Handang
gawin

Kasi-
yahan
lakas
kalooban

sarili

Sanggunian: (larawan) http://www.deartamaqua.com/wp-content/uploads/2016/06/studying-


kids-printable-family-tree-az-coloring-pages.gif

Ikaapat na Markahan | 194


Handang gawin ng isang tao ang lahat para sa kanyang mahal
sukdulang maging kapalit nito ay sariling kaligayahan.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya : DEBATE


Paksa: Kung pipili ng magiging kasama sa buhay; ano ang dapat
pairalin, puso o isip?

IV. KASUNDUAN

1. Mula sa sariling karanasan o karanasan ng iba, magtala ng mga


bagay na nagagawa ng isang tao dahil sa pag-ibig. Isulat sa
kwaderno.

2. Alamin ang mga hakbang sa pagsasagawa ng isang radio


broadcast.

Ikaapat na Markahan | 195


LINANGIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F8PB-IVi-j-38)


 Natutukoy ang mga hakbang sa pagsasagawa ng
isang kawili-wiling radio broadcast batay sa nasaliksik na impormasyon
tungkol dito

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F8PT-IVi-j-38)


 Nabibigyang pansin ang mga angkop na salitang dapat gamitin sa
isang radio broadcast

PANONOOD (PD) (F8PD-IVi-j-38)


 Nailalapat sa isang radio broadcast ang mga kaalamang natutuhan sa
napanood sa telebisyon na programang nagbabalita

II. PAKSA

Panitikan : Florante at Laura


a. Bakit Ama Ko?
b. Sa Ngalan ng Pag-ibig Saknong
c. Kamatayan sa Palaso ni Flerida 346-398
d. Dulo ng Salit
Wika : Uri ng Paghahambing
Kagamitan : Laptop, projector, makukulay na pantulong na
Biswal, aklat ng Florante at Laura
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 8, Florante at Laura
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng takdang Aralin
 Balik-aral

2. Presentasyon ng Aralin
Panitikan: Florante at Laura

Ikaapat na Markahan | 196


a. Bakit Ama Ko?
b. Sa Ngalan ng Pag-ibig Saknong
c. Kamatayan sa Palaso ni Flerida 346-398
d. Dulo ng Salita
Wika : Uri ng Paghahambing

AKTIBITI
1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya : RE-ENACT & REPORT
Pagpapanood ng e-media ng bahaging “Bakit Ama ko?” at “Ang
Kamatayan sa Palaso ni Flerida”, pagkatapos ay gagawing isang radio
broadcast ang napanood sa telebisyon/ video clip sa programang
nagbabalita.

 Pag-uugnay ng naunang gawain sa aralin.


 Pagpaparinig ng halimbawang radio broadcast.

https://www.youtube.com
/watch?v=Y9xfaKPZtbg

 Pangkatang Gawain

1 Mungkahing Estratehiya 2 Mungkahing Estratehiya


FAMILY FEUD
TV ADS/COMMERCIAL
Ipakita ang mga hakbang sa Bigyang pansin ang mga salitang
pagsasagawa ng isang kawili- dapat at hindi dapat gamitin sa
wiling radio broadcast. isang radio broadcast.

3 Mungkahing Estratehiya 4 Mungkahing Estratehiya


HEADLINES…
DZ-AKIN TO!
Ilapat sa isang balita ang mga
Gawing isang radio broadcast
pangyayari sa kabanatang
ang Kabanatang “Bakit Ama ko?”
“Kamatayan sa Palaso ni
Flerida.”

Ikaapat na Markahan | 197


RUBRIKS SA PANGKATANG GAWAIN
BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan
Mahusay ng Pagpapabuti
Nilalaman Lubos na Naipahatid ang Di-gaanong Di naiparating
at Organisasyon naipahatid ang nilalaman o naiparating ang nilalaman o
ng mga Kaisipan nilalaman o kaisipan na ang nilalaman kaisipan na nais
o Mensahe kaisipan na nais iparating o kaisipan na iparating sa
(4) nais iparating sa manonood nais iparating manonood (1)
sa manonood (3) sa manonood
(4) (2)
Istilo/Pagkamalik Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng
hain kinakitaan ng kasiningan ang kinakitaan ng kasiningan ang
(3) kasiningan ang pamamaraang kasiningan ang pamamaraang
pamamaraang ginamit ng pamamaraang ginamit ng
ginamit ng pangkat sa ginamit ng pangkat sa
pangkat sa presentasyon pangkat sa presentasyon
presentasyon (2) presentasyon (0)
(3) (1)
Kaisahan ng Lubos na Nagpamalas ng Di-gaanong Di nagpamalas
Pangkat o nagpamalas ng pagkakaisa ang nagpamalas ng pagkakaisa
Kooperasyon pagkakaisa ang bawat ng pagkakaisa ang bawat
(3) bawat miyembro sa ang bawat miyembro sa
miyembro sa kanilang miyembro sa kanilang gawain
kanilang gawain (2) kanilang (0)
gawain (3) gawain (1)

 Presentasyon ng bawat pangkat.

 Pagbibigay ng feedback ng guro at mag-aaral.

 Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na


nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa
rubriks na ibinigay ng guro.

ANALISIS

1. Mula sa napanood na halimbawa ng radio broadcast, bakit dapat


na maging mapili at malinaw ang gagamiting salita ng isang
broadcaster?

2. Paano dapat simulan at wakasan ang isang radio broadcast?

3. Isa-isahin ang mga katangian ng isang mabisang radio


broadcaster.

 Pagbibigay ng input ng guro.

Ikaapat na Markahan | 198


ALAM MO BA NA…
MGA HAKBANG SA PAGSASAGAWA NG ISANG RADIO
BROADCASTING

1. Pumili ng pangalan para sa inyong estasyon.


2. Maghanda ng paksang tatalakayin kasama ang iyong co-anchor.
3. Maging maingat sa mga salitang gagamitin mo sa pagbo-broadcast
dahil iba-iba ang iyong tagapakinig.
4. Maghanda ng mga awiting patutugtugin mo sa iyong pagbo-
broadcast.
5. Maging magalang sa pagtatapos ng iyong broadcast.

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8, Alma M. Dayag et. al

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya : CONCEPT PUZZLE


Buuin ang puzzle upang malaman ang konsepto ng araling tinalakay.

Kawili-wili at epektibo
ang ipaparinig na
Mahalagang balita
malaman ang
wastong
hakbang

Sa mga tagapakinig
na nagtitiwala sa
istasyon. Sa pagsasagawa
ng isang radio
broadcast
upang maging

Pagsagot sa Pokus na Tanong Blg. 1. • Mahalagang malaman ang


wastong hakbang sa pagsasagawa ng isang radio broadcast upang
maging epektibo at kawili-wili ang ipaparating na balita sa mga tagapakinig
na nagtitiwala sa istasyon.

Ikaapat na Markahan | 199


APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya : RADYO vs OYDAR


Pagpaparinig sa mga mag-aaral ng mga iba’t ibang radio broadcasting.
Itataas ng mga mag-aaral ang salitang RADYO kung ang napakinggan
ay nagtataglay ng kawili-wiling radio broadcast at OYDAR naman kung
hindi. Ipaliliwanag ng piling mag-aaral kung bakit iyon ang kanyang
nagging iskor/sagot.

EBALWASYON

Panuto : Pagsunod-sunorin gamit ang letra a sa pinakauna at 3 sa


pinakahuling hakbang sa pagsasagawa ng isang kawili-wiling radio
broadcast. (Bilang 1-3)

Pumili ng pangalan para sa inyong estasyon. Maghanda ng paksang


tatalakayin kasama ang iyong co-anchor.
Maging maingat sa mga salitang gagamitin mo sa pagbo-broadcast
dahil iba-iba ang iyong tagapakinig.
Maghanda ng mga awiting patutugtugin mo sa iyong pagbo-broadcast.
Maging magalang sa pagtatapos ng iyong broadcast.

Panuto : Isulat ang iyong apelyido kung ang pangungusap sa


ibaba ay tama at pangalan naman kung mali.

4. Kapag nagagalit ka sa naging sagot ng isang tagapakinig na


nakaphone-patch habang nagbobroadcast ay makabubuting
sigawan mo siya upang malaman niyang galit ka.
5. Gumamit ng mga salitang simple subalit mauunawaan ng lahat ng
iyong tagapakinig bata man o matanda.

SUSI SA PAGWAWASTO

1. A 2. B 3. C 4. pangalan 5.apelyido

INDEX OF MASTERY
Seksyon Bilang ng Mag-aaral Indeks
Diligence
Discipline
Courage
Courtesy
Devotion

Ikaapat na Markahan | 200


IV. KASUNDUAN

1. Magsaliksik ng mga iba pang dapat tandaan sa pagsasagawa ng radio


broadcast.
2. Ano-ano ang mga salitang dapat gamitin upang ipahayag ang
pagsang-ayon at pagsalungat.

Ikaapat na Markahan | 201


PAUNLARIN
I. LAYUNIN

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F8WG- IVi-j-40)


 Naipahahayag ang pansariling paniniwala at pagpapahalaga gamit
ang mga salitang naghahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat

II. PAKSA

Wika : Salitang naghahayag ng pagsang-ayon at


pagsalungat
Kagamitan : Pantulong na biswal, mga larawan mula sa google
Sanggunian : Florante at Laura
Bilang ng Araw: 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik-aral

2. Presentasyon ng Aralin
Salitang naghahayag ng Pagsang-ayon at pagsalungat

AKTIBITI
3. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: ROLE PLAYING

Ikaapat na Markahan | 202


 Pag-uugnay ng naunang gawain sa aralin.

ANALISIS

1. Tungkol saan ang napakinggang diyalogo?


2. Alin ang mga salitang ginamit bilang hudyat sa pagsang-ayon? Sa
pagsalungat?
3. Kailan ginagamit ang hudyat sa pagsang-ayon at pagsalungat?

 Pagbibigay ng Input ng Guro

ALAM MO BA NA…

Pagsang-ayon at Pagsalungat sa Pagpapahayag ng Opinyon


Sa Pagpapahayag ng opinyon ay hindi maiiwasan ang
pagsalungat o pagsang-ayon.

PAHAYAG SA PAGSANG-AYON – ito ay nangangahulugan din ng


pagtanggap, pagpayag, pakikiisa o pakikibagay sa isang pahayag o deya.
Ang ilang hudyat na salita o pariralang ginagamit sa pagsang-ayon ay
kabilang sa pang-abay na panang-ayon gaya ng:

- Bilib ako sa iyong sinasabi na - sang-ayon ako


- Ganoon nga - sige
- Kaisa mo ako sa bahaging iyan - lubos akong nanalig
- Maasahan mo ako riyan - oo
- Iyan din ang palagay ko - talagang kailangan
- Iyan ang nararapat - tama ang sinabi mo
- Totoong - tunay na

PAHAYAG SA PAGSALUNGAT– ito ay pahayag na nangangahulugan ng


pagtanggi, pagtaliwas, pagtutol, pagkontra sa isang pahayag o ideya. Ang
mga pang-abay na pananggi ay ginagamit sa pagpapahayag na ito. Sa
pagsalungat nang lubusan ginagamit ang mga ss:

- -Ayaw ko ng pahayag na - hindi ako naniniwala riyan


- -Hindi ako sang-ayon dahil - hindi ko matatanggap ang iyong sinabi
- -Hindi tay magkasundo - hindi totoong
- -Huwag kang - ikinalulungkot ko
- -Maling mali talaga ang iyong - sumasalungat ako sa

Sanguunian: Pinagyamang Pluma, Alma M. Dayag, et. Al.

Ikaapat na Markahan | 203


ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya : WORD HUNT


Hanapin ang mga mahahalagang salitang natutunan sa aralin
pagkatapos ay bumuo ng konsepto gamit ang mga salitang ito..

P A G S A N G A Y O N A B C
D E F P A G S A L U N G A T
H I J K L I M N O H I N D I
M A S I N I N G U V W X Y Z
M L P A G P A P A H A Y A G
N O P Q R S T w O O V W X Y
R A D I O B R O A D C A S T

Pagsagot sa Pokus na Tanong Blg. 2. Ang radio broadcast ay isang


masining na paraan ng paglalahad ng pagsalungat at pagsang-ayon sa
sariling opinyon.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya : ON MY OWN


Sumulat ng opinion kaugnay sa ilang makabago at makalumang
kaugaliang bahagi ng kulturang Filipino.

1. Magiliw na pagtanggap sa panauhin. Ang mga bagong gamit at


magandang kubyertos ay karaniwang ipinapagamit lamang sa mga
bisita.

Pahayag na pagtanggi: __________________________________________


Pahayag na pagsang-ayon: ______________________________________

2. Mataas na pagpapahalaga sa mga kababaihan. Inaalok sila ng upuan


lalo sa mga pampublikong lugar o sasakyan

Pahayag na pagtanggi: __________________________________________


Pahayag na pagsang-ayon: ______________________________________

3. Panliligaw o pagpapaligaw gamit ang text message o chat.

Pahayag na pagtanggi: ___________________________________________


Pahayag na pagsang-ayon: ______________________________________

Ikaapat na Markahan | 204


EBALWASYON

Isulat ang kung ang may salungguhit ay nagpapahayag ng

pagsang-ayon at kung pagsalungat.

1. Lubos akong nananalig sa sinabi mong maganda ang buhay ditto sa


mundo.

2. Maling mali ang kanyang tinuran. Walang katotohanan ang pahayag


na iyan.

3. Kaisa ako sa lahat ng pagbabagong nais nilang mangyari sa mundo.

4. Ayaw kong maniwala sa mga sinsabi niyang ginawa iya para sa


kanyang asawa.

5. Totoong kailangan ng pagbabago kaya’t dapat simulant ito sa sarili.

SUSI SA PAGWAWASTO
1. A 2. A 3. B 4.A 5. B

INDEX OF MASTERY
Seksyon Bilang ng Mag-aaral Indeks

IV. KASUNDUAN

1. Gumawa ng maikling usapan tungkol sa isinagawang ”Lakan at


Lakambini ng Wika” noong Agosto. Gamitin sa mga diyalogo ang
mga hudyat ng pagsang-ayon at pagsalungat.
2. Humanda sa pagsulat ng awtput, magdla ng puting papel.

Ikaapat na Markahan | 205


ILIPAT
I. LAYUNIN

PAGSULAT (PU) (F8PU-IVi-j-40)


 Naisusulat at naisasagawa ang isang makatotohanang radio broadcast
na naghahambing sa lipunang Pilipino sa panahong naisulat ang
Florante at Laura at sa kasalukuyan.

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 4.8


Kagamitan : Pantulong na biswals, mga larawan mula sa
google
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 8 Elma M. Dayag et. al.,
Florante at Laura
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagpapasa ng Takdang Aralin
 Balik-aral

AKTIBITI
2. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya : BROADCASTER KO’TO!
Gayahin ang mga sumusunod na radio broadcaster pagkatapos
ay huhulaan ng mga kamag-aaral kung sino ang mga iniaakto.

Mike Enriquez Noli De Castro Anthony Taberna

Sanggunian: (larawan) http://i62.tinypic.com/2a01dug.jpg

 Pag-uugnay sa susunod na gawain.

Ikaapat na Markahan | 206


 Pagpapanood/pagpaparinig ng halimbawang radio
broadcast.

Sanggunian: https://youtu.be/MfuEiyv5yYo

 Pagbibigay ng input at halimbawa ng guro sa pagsulat ng


radio broadcast.
 Pagtalakay sa Awtput sa tulong ng GRASPS

G R A S P S

GOAL Nakasusulat ng iskrip ng isasagawang radio


broadcast na naghahambing sa lipunan noon at
ngayon.

Isa kang nahirang na komentarista sa inyong


ROLE
paaralan.

Mga hurado, guro at kapwa kamag-aaral.


A U D I E N CE

Magkakaroon ng kauna-unahang pag-ere ng


SITUATION
radio broadcast sa inyong paaralan.

P R O DU C T RADIO BROADCASTING

Mga Pamantayan 5 4 3 2 1
S T A N D AR D
Maliwanag at nalapatan ng
wastong damdamin ang
monologo.
Naiangkop ang damdaming
ginamit sa diwa ng isinulat
na monologo.
Kawili-wili at nakahihikayat
ang monologo.

LEYENDA
5 – Napakahusay 2 – Di-mahusay
4 – Mahusay 1 – Sadyang di-
3 – Katamtamang Husay mahusay

Ikaapat na Markahan | 207


 Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.

 Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.

 Pagtatanghal ng radio broadcast ng ilang mag-aaral na


kinakitaan ng magandang iskrip.

IV. KASUNDUAN

1. Nakatutulong ba ang radio broadcasting sa pagpapaunlad ng


kulturang Pilipino? Magbigay ng patunay.

2. Pag-aralan ang mga aralin sa ikaapat na markahan at humanda sa


Rebyung Pagsusulit.

Ikaapat na Markahan | 208

You might also like