Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

BUOD:

Ang nobelang Titser ni Liwayway Arceo ay sumesentro sa buhay ng

mag-asawang Amelita at Mauro na kapwa pinili ang propesyon ng
pagtuturo. Nakapokus ang naratibo sa mariing di-pagsangayon ni Aling
Rosa, ang ina ni Amelita, sa pagsasamahan ng dalawa. Sapagkat ang
kanyang apat na anak ay nakapagtapos sa kolehiyo ng may "titulo,"
tutol si Aling Rosa sa pagkuha ng kursong edukasyon ng kanyang bunso,
dala na rin ng kaisipang hindi titulong maituturing ang pagiging
"titser", bukod pa sa kakarampot na sweldong nakukuha ng anak.
Gayunpaman, nakahanap ng pag-asa si Aling Rosa sa katauhan ni
Osmundo, isang binata mula sa pamilya ng mga asendero na sumusuyo
kay Amelita. Subalit nabigo muli si Aling Rosa sapagkat iba ang iniibig
ng kanyang dalaga, at ito'y walang iba kung hindi si Mauro, isang ring
guro sa pampublikong paaralan.

Nang malaman na ipapakasal siya ni Aling Rosa sa binatang si

Osmundo, agad na nagkipagisang dibdib si Amelita kay Mauro. Dahil sa
pagkabigo, at dahil na rin sa poot sa bunsong anak, umalis si Aling Rosa
sa probinsya at nagbakasyon sa mga anak na nasa Maynila. Bagamat
doon ay hindi siya inaaasikaso ng mga anak, labis pa rin ang kanyang
kaligayahan dahil sa asensong tinatamasa ng mga ito, at ikinakatwiran
na lamang sa sarili na talagang abala ang mga taong mauunlad ang
buhay. Samantala, sa probinsya, nagdesisyon rin ang binatang si
Osmundo na umalis na sa nayon at magtungo sa Estados Unidos. Ngunit
bago mangyari ito ay gumawa siya ng maitim na plano laban sa mga
bagong kasal. Inutusan niya ang isa sa mga katiwala na patayin si
Mauro. Subalit wala sa kaalaman ni Osmundo na hindi ito ginawa ng
kanyang inutusan sapagkat ang anak nito ay minsan ring
pinagmalasakitan ng gurong si Mauro.

Nasa ikapitong buwan pa lamang ng pagdadalantao si Amelita nang

ipinanganak ang kanilang anak na si Rosalida. Dahil kulang sa buwan
ang bata ay kailangan nitong manatili sa ospital. Nalaman ito ni Aling
Rosa at agad na binisita ang anak, sa kabila ng hinanakit. Kahit ganito
ang sitwasyon, hindi pa rin tumitigil ang ina ni Amelita sa pagsasaring
ukol sa mahirap na pamumuhay ng mag-asawa. Ipinamumukha pa rin
niya ang matinding pagtutol sa manugang na si Mauro.

Lumipas ang ilang taon. Lumaki si Rosalida na isang mabait at

matalinong bata. Isang araw ay nagbalik si Osmundo sa probinsya, at
nagkaroon ng malaking pagdiriwang para sa kanyang pagdating. Doon
muling nagkatagpo sina Mauro at Osmundo, subalit kinalimutan na ng
dalawa ang nakaraan. Taliwas naman dito ang nadaramang pangamba
ni Amelita sa pagbabalik ng masugid na panliligaw. Nararamdaman
nitong may plano itong masama laban sa kanyang pamilya.

Hindi pa rin nawawala ang pag-ibig ni Osmundo kay Amelita, kahit na

may asawa't anak pa ito. Nagkaroon ng pagkakataong makilala niya si
Rosalida, at naging magaan ang loob nito sa bata. Isang araw ay
naisipang ipasyal ni Osmundo si Rosalida sa kanyang hasyenda. Wala
ito sa kaalaman nina Mauro at Amelita, at labis na nag-alala ang mag-
asawa. Buong akala nila'y si Rosalida ang paghihigantihan ni Osmundo
ngunit di naglaon ay nagbalik rin ang bata, ipinagmamalaki pa ang
kabaitang ginawa ni Osmundo. Di nagtagal, napagkuro na rin ni
Osmundo na tuluyan ng tumira sa ibang bansa at kalimutan ang
minamahal na si Amelita.

Nagkaroon ng malubhang karamdaman si Aling Rosa. Hinanap niya

ang kanyang mga anak ngunit wala ni isa mang dumating maliban kay
Amelita na matiyagang nag-asikaso sa kanya. Pawang gamot at
padalang pera lamang ang ipinaabot ng apat na anak. At doon
natauhan ang matanda sa kanyang pagkakamali.
NI: LIWAYWAY ARCEO

You might also like