Jowable Ni Darryl Yap

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

#JOWABLE NI DARRYL YAP

Review ni Unice Faith Cataquiz

“Hindi kayo mapapahiya kapag ipinanuod nyo sa iba ang #Jowable,” mapanghamon na mga
salita ng bagong umuusbong na manunulat at direktor ng #Jowable na si Direk Darryl
Yap.

Pinutakte ng mga negatibong komento ang trailer ng pelikula at sinabihang ito raw ay
“binabanned ni Jesus” dahil sa mga mapangahas na paggamit nito ng mga salita, ganunpaman
hindi nito nahadlangan ang paghataw sa takilya na kumita ng humigit kumulang isang daang
milyon. Dagdag pa rito, ito ay binigyan ng MTRCB ng gradong R-13.

Ang #Jowable ay isang pelikula patungkol kay Elsa Mangahas na tinaguriang “Jowable,” sa
pagnanais nang magkaroon ng lalakeng magbibigay ng tunay na pagmamahal sa kanya at ito ay
binigyang buhay ng aktres na si Kim Molina. Siya ang nagbitiw ng mga katagang “Sister, nagfi-
finger ka po ba?,” tanong sa isang madre na magiliw namang ginampanan ni Candy Pangilinan.
Kakaibang Kakai Bautista rin ang nakilala sa pelikula sa makabagbag damdamin niyang
pagganap bilang mapagmahal na ina ni Elsa. Nagkaroon din ng papel sa istorya si Jerald Napoles
na nagpabago ng buhay ng babaeng jowable. Sa mga pangyayari sa buhay ni Elsa Mangahas,
hindi siya iniwan ng mga kaibigan niyang bagamat nahanap na ang kani-kanilang pag-ibig ay
nanatili pa ding nakaalalay at nagbibigay saya sa kanya, maging ang mga manunuod ay
mararamdamang sa loob ng sinehan ay may kaibigan ka, ginampanan ito nina Cai Cortez at Chad
Kinis. Ipinagmalaki ni Direk Yap na ang kanyang mga artista ay tunay na artista at ito ay walang
duda sapagkat ang mga nagsiganap ay nakitaan ng pagiging “normal” o tunay na tao.

Ang mga manunuod ay literal na niloko ng trailer. Ika nga ay “expect the unexpected”. Ang
pagkakatahi ng istorya ay kaiba sa mga nakasanayang pelikulang Pilipino. Sinagasaan nito ang
tipikal na kwento at ipinakita ang reyalidad sa buhay ng tao. Ipinaramdam ng #Jowable ang halo-
halong emosyon- halakhak, kilig, libog, pagkadurog ng damdamin, iyak, pagtawa ng malakas
habang lumuluha, halakhak habang dinaramdam ang kirot, at pakiramdam na hindi maintindahan
kung iiyak ba o tatawa. Hindi rin nawala ang mga anggulong tatak ng sinematograpiya ng
Vincentiments sa pangunguna ni Vincent Asis.

Sa unang panghuhusga ay maituturing na ang pelikulang ito ay pawang kabastusan, ngunit para
sa mga nakapanuod, ito ay nag-angat ng moralidad ng mga Pilipino. Dagdag pa ng direktor, “sa
#Jowable, sarili mo ang panunuorin mo.”

You might also like