Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Si Pangulong Ferdinand E.

Marcos ay ang tanging pangulong may pagpapahalaga at


pagmamahal sa mga magsasaka. Sa panahon ng kanyang panunungkulan, itinuring na
Golden Age of Agriculture sa bansa.
Ang kanyang mga programang Masagana 99 at Biyayang Dagat ay sinigurong
magkaroon ng sapat na pagkain ang mga Pilipino at maging food self-sufficient ang
Pilipinas. Kaya noong 1968 naging rice exporter ang Pilipinas.
Ang UP-Los Baños ay naging tahanan ng International Rice Research Institute (IRRI)
kung saan ang mga Pilipino at mga banyaga ay nag-aaral ng mga makabagong paraan
para mapaunlad ang pagtanim ng palay.
Sa panahon ng Martial Law, inilabas ni Pangulong Marcos ang PD No. 4 noong Sept.
26, 1972 para itatag ang National Grains Authority (NGA) para mangalaga ng seguridad
sa pagkain, panatilihin ang katatagan ng supply at presyo ng bigas, bantayan at ayusin
ang kalakalan ng bigas at mais, para bilihin ang mga aning palay ng mga magsasaka
sa mataas at magandang presyo at para pagbilhan ang mga Pilipino ng murang bigas.
Noong 1981 ipinalabas ni FM ang PD 1770 upang baguhin ang pangalan ng NGA at
naging National Food Authority (NFA) para lalong mapalawak ang responsibilidad nito
sa pagkain tulad ng mga prutas, gulay, isda, produktong dagat at manufactured at
processed na mga pagkain. Ang batas din ito ang naging batayan sa pagtatag ng mga
Kadiwa stores para pagbilhan ng mga pagkain at gamit sa bahay ang mga karaniwang
Pilipino sa murang presyo.
Noong April 30, 1968 itinatag ni Pangulong Marcos ang Greater Manila Terminal Food
Market (GMTFM) na naging Food Terminal Inc (FTI) noong March 27, 1974 para
baguhin at mapa-unlad ang sektor ng Agrikultura sa bansa at itatag ang food
consolidation center.
Noong October 21, 1972 ipinalabas ni Pangulong Marcos ang PD No. 27, ang
Operation Land Transfer para masakop ng reporma sa lupa ang lahat na sakahang
tinataniman ng palay at mais upang magkaroon ng sariling bukid ang mga magsasaka.
Noong 1984 itinatag ni Food and Agriculture Minister Salvador Escudero sa utos ni
Pangulong Marcos ang Intensive Rice Production Program (IRPP) para lalong
mapatatag at mapaunlad ang rice export ng Pilipinas. Nagkaroon din ng programang
Bakahang Barangay at Pangbabuyan (Animal Dispersal Program) upang matulungan
ang mga magsasaka at mga mahihirap na Pilipino na masuportahan ang kanilang
pamumuhay.
Noong November 5, 1985 itinatag ni Pangulong Marcos ang Philippine Rice Research
Institute (PhilRice) sa Muñoz, Nueva Ecija para bumuo at tumuklas ng high-yielding at
cost-reducing technologies para sa mga magsasaka.
Sa panahon din ni Pangulong Marcos itinayo ang marami at malalaking irrigation
projects para mabigyan ng patubig ang mga bukirin ng mga magsasaka para lalong
lumaki ang kanilang mga ani. Nariyan ang Pantabangan Dam na itinayo noong 1971 at
Magat Dam noong 1975.
Dahil sa mga programang ito lalong napamahal sa mga magsasaka si Pangulong
Ferdinand Marcos. Kabaliktaran nina Corazon Aquino at BS Aquino III na walang
ginawa kundi apihin at isantabi ang mga magsasaka at mahihirap na Pilipino.
Remember the Hacienda Luisita and Mendiola Massacre. Remember the bogus
agrarian reform in Hacienda Luisita.

You might also like