Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Buwan ng Wika

Jayson: Pagsubok sa mikropono….isa…dalawa….tatlo


Franie:Pagsubok sa mikropono….isa….dalawa….tatlo
Jayson: Wikang Filipino, kaloob at handog ng makapangyarihang Diyos sa iba’t-ibang tao sa bansa at
ipinagamit ng lubos.
Franie: Mahalaga ang Wikang Filipino sa ating lahi. Ito ay kaluluwa ng ating Bayan. Ito ay ating dila na
naghahandog ng pagkakabigkis , pagkakaunawaan at pagiging larawan ng Inang Bayan.
Jayson: Ang ating aktibo at maunawain na Punong-Guro Gng. Thelma P. Ambatali
Franie: Sa ating masisipag na Ulong-Guro____________________

Jayson: Mga kapwa guro, mga bisita at mga magulang……..

Jayson and Franie: Isang mapagpalang umaga sa inyong lahat!

Franie:Maligayang panood ng Programa ng Buwan ng Wikang Pambansa! Na may temang Wikang Katutubo:

Jayson and Franie: Tungo sa Bansang Filipino!

Jayson: Tumayo po tayong lahat at ating damhin and presensya ng ating Panginoong Diyos sa pamamagitan
ng isang dasal ni Bb Alma May Cristobal.

Franie: Manatiling nakatayo para sa ating pambansang awit sa pagkumpas ni Gng Aida P. Guingab.

Jayson: Maraming salamat Gng. Aida Guingab! Para magbigay ng pambungad na pananalita, tawagin natin
ang tagapag-ugnay ng KKP walang iba kundi si Gng Josefina B. Libunao.Bigyan natin siya ng masigabong
palakpakan.

Franie: At para handugan tayo ng makabagong sayaw ating saksihan ang mga piling miyembro ng Kapisanan
ng mga Kabataaang Pilipino.

Jayson: Maraming salamat KKP sa paghahandog ng isang nakakaaliw na bilang! At para ipakilala sa atin ang
Tagapag-salita sa okasyong ito, muli naming tinatawagan ang Tagapag-ugnay ng KKP, si Gng. Josefina B.
Libunao!

Franie: Salamat Gng. Balot sa pagpapa-alala sa atin ng kahalagan ng wika!Narito ang pagkasunod-sunod ng
mga gawaing paligsahan ngayong umaga.Mauuna ang Awiting Bayan (Folksong) na lalahukan ng ika-pitong
grado, ika-walong grado at ika-siyam na grado

Jayson: Susundan ng Katutubong Sayaw (Folk/Cultural Dance) na lalahukan ng ika-sampu, ikalabing-isa at


ikalabing-dalawang mga grado. At Panghuli ang Interpretatibong Pagbasa.

Franie: Tiyak na mangingibabaw ang mga palakpakan at hiyawan sa susunod na bahagi ng ating palatuntunan.

Jayson:Tama. Pero sa puntong ito,ating kilalanin ang lupon ng inampalan na siyang naatasang husgahan ang
ating mga kalahok. At para ipakilala sa atin ang mga hurado,narito ang pangulo ng KKP, Merry Rose Brunio

Franie: At para basahin ang pamantayan ng panghuhusga narito si Ginoong:___________


Jayson and Franie:Simulan na natin ang kompetisyon!

Jayson:Upang ipamalas ang kanilang angking galing sa pag-awit/pag-sayaw, narito ang unang pangkat ng mga
kalahok na kinatawan ng
ika pitong grado , ika-walong grado, ika-siyam na grado

Jayson: Maraming salamat ika-pitong grado sa ! At para handugan tayo ng isa pang awiting bayan/katutubong
sayaw.Narito ang ikalawang kalahok, ang ika-walong grado! Bigyan natin sila ng isang masigabong
palakpakan.

Franie: Atin naman tunghayan ang ika’tlong kalahok, ang ika-siyam na grado! Handugan natin sila ng isang
masigabong palakpakan.

Adlib incase of delay: Muli, para handugan tayo ng isang Awiting Bayan/Katutubong Sayaw narito ang ika-
____ grado! Bigyan natin sila ng isang masigabong palakpakan!

(Repeat for Cultural Dance and Interpretative Reading)

Intro:

Awiting Bayan:
Ang musika ay isang mahusay na pamamaraan upang lalong mapalaganap, mapatibay at mapaunlad natin ang
ating kamalayan bilang mga Pilipino. Ating saksihan ang Paligsahan sa Awiting Bayan. Ang patimpalak na ito
ay may layuning maipahayag ang pagmamahal sa sariling wika at musika sa pamamagitan ng pag-awit ng mga
himig na orihinal na nilikha ng mga Pilipinong mang-aawit.

Katutubong Sayaw:
Ang katutubong sayaw ay ang pagpapahayag ng iba't-ibang saloobin at damdamin.Gumagawa ang mga tao ng
iba't-ibang galaw at direksyon ng katawan gaya ng pagkilos ng kamay at mga paa.Sa pagsasayaw ay
nakakadama tayo ng kaginhawaan at narerelaks ang buong katawan. Hanggang sa kasalukuyang panahon ay
hindi parin nawawala ang tradisyong kinagisnan.

Interpretatibong Pagbasa:
Ang interpretatibong pagbasa ay ang masining na pagbibigay ng interpretasyon sa pagbasa mga mga piyesang
pampanitikan. Ito ay maaaring gamitan ng sali't salit na pagsasalita ng bawat miyembro ng isang grupo o ang
pagsasagawa ng mga aksyon na mababasa sa akda.Maaaring bigyan ng interpretatibong pagbasa ang monologo,
deklamasyon, isahang pagbasa, talumpati at sabayang pagbasa.

Jayson: At diyan nagtatapos ang unang bahagi ng ating palatuntunan.

Franie:Magkita-kita tayo mamayang hapon para sa Pagpili ng Lakan at Lakambini ng Wika!

END

You might also like