Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 26

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

PANIMULA

Ang Pilipinas ay isang bansa na kilala sa maraming dako ng mundo dahil sa pagiging

aktibo at agresibo nito sa iba’t ibang larangan at aspekto. Ngunit tila ang kasalukuyang sistema

ng edukasyon ng bansa ay humaharang sa patuloy na pag-unlad nito.Sa kasalukuyan,kabilang

ang Pilipinas sa tinatawag na “third world country”. Ang mga bansang nabibilang rito ay iyong

mga may mabababang ekonomiya. Malaki ang epekto ng sistema ng edukasyon sa kabuuang

ekonomiya ng isang bansa.Kung susuriin,tila maraming kapos sa karunungan dulot ng mababang

kalidad ng edukasyon at kakulangan sa maayos na pagpapalakad nito.Minsan pa ay hindi na rin

masyadong napaglalaanan ng panahon at pinansyal ang edukasyon o kulang ang inilalaan ng

gobyerno para rito. Sa katunayan, napakahalaga ng edukasyon sa isang tao, lalo’t higit sa isang

bansa.

Ang edukasyon o pagtuturo ay ang sistema at proseso ng paghahatid ng

kaalaman,karunungan at maging ng kultura ng isang bansa at nagtuturo ng magandang pag-

uugali sa isang tao.Kadalasang ginagawa ang pagtuturo sa mga pasilidad pang-edukasyon na

tinatawag na paaralan. Guro o propesor ang tawag sa mga taong kuwalipikadong

magturo.Nagsisimula ang edukasyon o pag-aaral ng isang tao sa maagang edad hanggang sa

paglaki.Ang karaniwang edukasyon ay binubuo ng mga antas o lebel.Maaari itong magsimula sa

Pre-school at Kindergarten,ngunit kadalasan ay hindi na ito kinukuha ng ilang

kabataan.Susundan ito ng antas sa elementarya o grade school na binubuo ng anim na taon(grade

1 hanggang grade 6).Pagkatapos ay susundan naman ito ng high school level o sekondarya na
binubuo naman ng apat na taon(first year hanggang fourth year).Ang huli ay ang kolehiyo o

tertiary level kung saan nakadepende ang haba ng taon sa kursong nais kuhanin.Ang huling antas

na ito ay kadalasang hindi na inaabot ng maraming kabataan dulot ng mga kakulangan sa

personal na buhay at maging ng mga problema sa pamamalakad ng edukasyon.Kaya’t

pumapatak na sampung taon lamang ang taon ng pag-aaral sa bansa.

Ngunit ang ganitong sistema ng edukasyon ay huli na sa mabilis na pag-unlad ng

mundo.Ang lumang sistema na binubuo lamang ng sampung taon o 10 grade basis of education

ay halos naka-implementa na lang sa tatlong bansa sa mundo:Angola,Djibouti at

Pilipinas.Marami ng bansa ang nagpatupad ng bagong sistema ng edukasyon na tinatawag na “K-

12 Curriculum” kung saan nadagdagan ng dalawang taon ang lumang sampung taon ng pag-

aaral.Dahil dito,agarang pinatupad ng gobyerno ng Pilipinas ang pagpapa-implementa ng K-12

program sa bansa.Layunin nito na mapataas ang kalidad ng edukasyon,mapaghandaan ang

kinabukasang trabaho ng isang tao at makasabay sa umuunlad na edukasyon sa mundo.

Sa kabila ng magandang layunin ng programang ito ay tila marami pa ring hindi

sumasang-ayon,lalo na ang mga magulang.Iniisip ng marami na lalo lamang lalala ang kalagayan

ng bansa dahil dito.Bukod pa riyan,isa sa mga nakikitang problema ay ang hindi kahandaan ng

bansa sa pagpapatupad nito.Isang miyembro ng Senado,si Sen.Trillanes,ang nagsabi “Mas

makabubuti para sa ating bansa kung hindi muna ipatutupad ang K to 12 Program hangga’t hindi

pa nasosolusyunan ang mga problema sa sistema ng ating edukasyon tulad ng kakulangan sa mga

silid-aralan at kagamitan ng mga estudyante, at ang kakulangan sa mga guro at ang kanilang

mababang sahod.”
Bukod pa sa kakulangan ng mga pasilidad,aklat at guro ay tila kulang rin sa pinansyal

ang mga pamilyang may mga anak na papasok sa ganitong bagong sistema.Tila hindi rin handa

ang mismong mga kabataan sa ganitong pagbabago.Nalulula ang marami dahil tila hahaba ang

taon ng kanilang pag-aaral at madaragdagan pa ang kanilang gastusin.Kulang rin ang mga

mapapasukang paaralan na nag-aalok ng tract na napili ng ilang papasok sa K-12 curriculum.Tila

limitado lamang ang mga tract na iniaalok sa mga paaralan dulot ng mga kakulangan.Dahil

rito,may mga estudyante na iba’t iba ang nagiging pananaw sa bagong kurikulum,may mga

positibo at sang-ayon,ngunit mayroon din namang negatibo at hindi sumasang-ayon.

Dahil sa mga isyung kinakaharap ng sistema ng edukasyon at ng bagong

implementang kurikulum,layunin ng pananaliksik na ito na alamin kung paano tinatanaw ng mga

mga estudyante na kasalukuyang nag-aaral sa tract na ABM sa paaralang STI ang programang K-

12.Aalamin ng pananaliksik na ito kung gaano kalawak ang kaalaman ng mga estudyante sa

bagong sistemang ito at kung gaano sila kahanda sa pagpasok dito.Sa pamamagitan ng mga

makakalap na sagot mula mismo sa mga mag-aaral ay patutunayan ng pananaliksik na ito kung

talaga bang epektibo at benepisyal ang bagong kurikulum na ito sa pamumuhay ng mga

estudyante,ngayon at sa hinaharap.

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

Bago tuluyang makalaya ang Pilipinas mula sa mga mananakop noong 1946, ang

edukasyon sa bansa ay nakabase sa sistema ng mga dayuhang ito,tulad ng Espanya at

Amerika.Nasa pailalim tayo ng kanilang pamamahala sa loob ng mahigit tatlong daang taon.Ito

ang dahilan kung bakit ang sistema ng edukasyon maging sa kasalukuyan ay may bahid pa rin ng

dayuhan.
PANAHON BAGO ANG MGA MANANAKOP

Bago tayo sakupin ng mga dayuhan,may sistema na ng edukasyon sa

bansa.Karaniwang ginagawa ito sa sariling tahanan.Ang mismong mga magulang ang nagtuturo

sa mga kabataan.Minsan naman ay may mga taong inaatasang magturo sa mga kabataan gaya ng

mga babaylan.Karaniwang itinuturo ay ang mga praktikal na gawain sa tahanan o pang-araw-

araw na pamumuhay.Itinuturo rin ang mga kwento sa lipunan,mga sayaw at tugtugin,sining at

literatura maging ang pamamaraan ng panggagamot at ito ay ipinapasa sa mga susunod na

henerasyon.Bago dumating ang mga dayuhan ay may sistema na rin tayo ng pagsulat na

tinatawag na baybayin at mga titik na tinatawag namang alibata.Ang ganitong sistema ng

edukasyon ay nanatili sa iba’t ibang bahagi ng bansa hanggang sa pagsakop ng mga dayuhan.

PANAHON NG MGA KASTILA

Nagkaroon na ng pormal na edukasyon ang Pilipinas sa pagdating ng mga

Kastila.Karaniwan ay relihiyoso ang layunin ng pagtuturo ng mga dayuhang ito.Sa kanila

nagmula ang konsepto ng Kristiyanismo.Noong ika-16 na siglo,nagpatayo ang mga misyonerong

Kastila ng mga unibersidad sa bansa bilang pasilidad ng pagtuturo sa mga Pilipino.Noong taong

1565,nagpatayo ang mga Augustinian ng mga paaralang pamparokya sa lungsod ng Cebu.Bukod

sa pagtuturo ng mga gawaing pang-industriya at gawaing pang-agrikultura,noong 1577,tinuruan

din ng mga Franciscan ang mga Pilipino sa larangan ng pagsulat at pagbasa.Sinundan ito ng mga

Jeswita noong 1581 at ng mga Dominican noong 1587 na nagpatayo ng mga paaralang

naglalayong magturo ng Kristiyanismo sa mga Pilipino.


Noon ay magkabukod ng paaralang pinapasukan ang mga lalaki at babae.Noong

1589,unang itinayo ang paaralang colegio na para sa mga kalalakihan.Tinawag itong

Universidad de San Ignacio.Beatrio naman ang tawag sa mga paaralang para sa mga

kababaihan.Layunin nito na maihanda ang mga babaeng Pilipino para sa kumbyento at ang isa ay

para sa mga gawaing sa tahanan.

Noong 1593,nakapag-imprenta na ng kauna-unahang libro sa bansa na mababasa sa

wikang Kastila at Tagalog,tinatawag itong Doctrina Christiana.Nagawa ito sa pamamagitan ng

naimbentong Printing Press ng mga Kastila.Noong 1610,si Tomas Pinpin,na kilalang Pilipinong

tagapaglimbag noong panahon ng mga Kastila ay naisulat ang una niyang aklat na “Librong

Pag-aaralan ng manga Tagalog nang Uicang Castilla”.

Sa paglipas ng panahon,lumago ang bilang ng mga Pilipinong nakapag-aaral dahilan

sa mga pasilidad pang-edukasyon na ipinatayo ng mga Kastila sa pamumuno ng mga Jeswita.

Ilan sa mga nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral ay ang ilang kilalang matatalinong

Pilipino o tinatawag na mga Ilustrado kabilang sina Jose Rizal,Graciano Lopez Jaena,Marcelo H.

del Pilar,Mariano Ponce at Antonio Luna.Ang mga ito ang nagsilibing inspirasyon sa

pagkakatatag ng samahang Katipunan.

PANAHON NG MGA AMERIKANO

Tuluyang napasakamay ng mga Amerikano ang bansa matapos matalo ang mga

Kastila sa digmaang Amerika-Espanya.Agarang nagpatayo ng pitong paaralang ang mga

Amerikano na naglalayong maghatid ng pagtuturong militar sa mga Pilipino.Sa kanila rin

nagsimula ang pagpapatayo ng mga pampublikong paaralan.


Noong 1901-1902,nagkaroon ng kakapusan sa mga guro sa bansa,kung kaya’t iniutos

ng pamahalaan sa ilalim ng Philippine Commission Act no.74 na magpadala sa bansa ng mahigit

sa 1,000 guro mula sa Estados Unidos.Kilala ang mga ito bilang Thomasites.Ang mga ito ay

pinadala sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang maghatid ng edukasyon sa lahat ng mga

Pilipino.Naitatag din ang Philippine Normal School na naglalayong turuan ang mga Pilipino na

maging kuwalipikadong magturo.

Noong 1908,sa ilalim ng Batas Bilang 1870,naitatag ang Unibersidad ng Pilipinas na

kasalukuyang ating pambansang unibersidad.

Nagsimula rin dito ang pagkakaroon ng high school na ang layunin ay maihanda ang

mga Pilipino para sa pagtatrabaho.

Sa ilalim ng Batas Bilang 2957,naitatag ang Board on Textbooks na nakapaglimbag

ng mga librong naglalaman ng kurikulum sa pagtuturo sa mga Pilipino.Ngunit noong 1940 dahil

sa kakulangang pampinansiyal,hindi naipagpatuloy ang batas na ito.

BAGONG REPUBLIKA

Noong 1947,matapos ibigay ng mga Amerikano ang awtoridad sa Pilipinas,pinalitan

ni Pangulong Manuel Roxas ang pangalan ng dating tatag na Department of Instruction bilang

Department of Education(DepEd).Ang ahensiyang ito ang humawak sa mga pampubliko at

pribadong paaralan sa bansa.

Noong 1972,sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos,muling pinalitan

ang DepEd bilang Department of Education and Culture(DECS).Layunin nito na ituro sa mga

Pilipino ang disiplina,pagkamakabayan at pagmamahal sa sariling kultura.


Sa ilalim ng Batas bilang 7722 o Higher Education Act of 1994, nahati ang DECS sa

tatlong ahensya:Commission on Higher Education(CHED),Technical Education and Skills

Development Authority(TESDA) at Department of Education(DepEd).Hawak ng DepEd ang

kabuuang pamamalakad ng mga paaralan sa bansa.Nasa ilalim naman ng CHED ang mga

institusyon,unibersidad at kolehiyo.Samantala,nasa pamumuno naman ng TEDSA ang mga

paaralang nagtuturo ng teknikal-bokasyonal na kurso.

Noong Enero 2009, pumirma ng kasunduan ang Pilipinas sa ilalim ng United States

Agency for International Development(USAID). Sa ilalim nito, paglalaanan ng Estados Unidos

ang bansa ng halagang 86 milyong dolyar upang makapaghatid ng edukasyon sa mga lalawigan

ng Mindanao.

KASALUKUYANG PANAHON

Sa kasalukuyan, mayroong 10 grade basis education ang bansa.Binubuo ito ng

Kindergarten,Elementarya na may anim na taon(grade 1-grade 6),Sekondarya na may apat na

taon(1st year-4th year) at Kolehiyo na nakadepende sa kurso kung gaano kahaba ang guguguling

panahon sa pag-aaral.Ngunit ang ganitong sistema ay hindi na akma sa inilunsad na bagong

programang pang-edukasyon ng maraming bansa sa mundo.

Dahil sa lumalawak na implementasyon ng K-12 kurikulum,noong 2012,isinabatas ng

dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino ang pagpapaimplementa ng ganitong sistema ng

edukasyon sa buong bansa.

Sa ilalim ng kurikulum na ito ay nadagdagan ng dalawang taon ang dating 10 grade

basis education system.Ang bagong kurikulum na ito ay nagsisimula sa Kindergarten,na

kinakailangang pasukan ng lahat ng mga mag-aaral,na dati’y kahit hindi naman.Ang obligasyong
pumasok sa kindergarten ay nakaayon sa batas na Kindergarten Act of 2012.Pagkatapos ay

papasukan naman nila ang elementarya na binubuo ng anim na taon.Kasunod nito ay ang High

School o Sekondarya na binubuo ng apat na taon,mula grade 7 hanggang grade 10.Tinatawag na

Junior High ang mga estudyanteng nag-aaral sa sekondarya.Susundan naman ito ng panibagong

dagdag na dalawang taon,grade 11 hanggang grade 12.Tinatawag naman na Senior High ang

mga mag-aaral na pumapasok sa antas o lebel na ito.Sa antas na grade 11 at grade 12,mayroong

pamimilian na mga tract o academic strands na maaring kuhanin ng mga estudyante.Kabilang

rito ang Accountancy,Business and Management(ABM),Humanities and Social

Sciences(HUMSS),Science,Technology,Engineering and Mathematics(STEM) at General

Academic Strands(GAS).

Ang bagong sistemang ito ng edukasyon ay may layuning patatagin ang kahandaan ng

mga estudyante sa iba’t ibang larangang pang-akademiya at gawaing teknikal at

bokasyonal.Pinahaba ang panahon ng pag-aaral upang mas mahubog ang kakahayahan ng mga

mag-aaral at upang mas maging handa sila sa mas mataas na antas ng edukasyon.Sa kurikulum

na ito,handa at maari na ring kumuha ng trabaho ang mga magtatapos ng grade 12.

Sa pangkalahatan,layunin ng gobyerno na tugunan ang pangangailangan ng lakas-

paggawa sa Pilipinas maging ng tumataas na pangangailan ng ibang bansa sa ating mga

manggagawa at propesyonal.Isang dahilan ito kung bakit ipinatupad ng gobyerno ang bagong

programang K-12.

ANG SULIRANIN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito na may paksang “PAGTUKOY SA PANANAW NG MGA

PILING SENIOR HIGH NG ABM SA PAARALANG STI TUNGKOL SA K-12 PROGRAM


TUNGO SA KARUNUNGAN AT KAHANDAAN SA BAGONG KURIKULUM NG

PILIPINAS”.Ang pananaliksik na ito ay may layuning sagutin ang mga sumusunod na suliranin:

1. Ano ang pananaw ng mga piling mag-aaral ng Senior High sa tract na ABM ng paaralang

STI ang bagong programang K-12?

2. Paano nakaaapekto sa mga piling mag-aaral ng ABM Senior High ang programang K-12

sa kanilang pagpasok sa mas mataas na antas ng edukasyon o kolehiyo?

ANG LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang paksang “PAGTUKOY SA PANANAW NG MGA PILING SENIOR HIGH NG

ABM SA PAARALANG STI TUNGKOL SA K-12 PROGRAM TUNGO SA KARUNUNGAN

AT KAHANDAAN SA BAGONG KURIKULUM NG PILIPINAS” ng pananaliksik na ito ay

layunin ang mga sumusunod:

1.Malaman ang pananaw ng mga piling Senior High mula sa tract na ABM ng paaralang STI ang

programang K-12.

2.Mabatid ang mga maitutulong ng programang K-12 sa pagpasok ng mga mag-aaral sa mas

mataas na antas ng edukasyon o kolehiyo.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito na may paksang “PAGTUKOY SA PANANAW NG MGA

PILING SENIOR HIGH NG ABM SA PAARALANG STI TUNGKOL SA K-12 PROGRAM


TUNGO SA KARUNUNGAN AT KAHANDAAN SA BAGONG KURIKULUM NG

PILIPINAS” ay nakatulong sa mga sumusunod:

Sa mga Senior High ng Tract na ABM sa Paaralang STI

Nakapaglaan ito ng sapat na kaalaman sa mga estudyante may kilaman sa bagong

sistemang ito ng edukasyon na kanilang papasukan.Naging pamilyar sila sa K-12 program at

nalaman ang kahandaan na kinakailangan sa pagpasok dito.

Sa mga Magulang

Nalaman ng mga magulang ang ilang tulong na maaring makuha ng kanilang mga

anak sa programang K-12 lalo na sa larangan ng Akademiya. Nakapahanda rin sila ng mga

kinakailangan para sa pagpasok ng kanilang anak sa bagong sistema.

Sa mga Mambabasa

Nagkaroon ng kaalaman ang mga mambabasa kung paano nagbago at nahubog ang

sistema ng edukasyon sa bansa.Nalaman din nila ang ilang aspeto ng bagong sistemang K-12

Curriculum.Napaghandaan din ng mga estudyanteng mambabasa na papasok sa bagong

kurikulum ang mga kinakailangan paghahanda.

Sa mga Mananaliksik

Natuklasan ng mga mananaliksik ang tunay na layunin at sistema ng bagong K-12

Curriculum.Nagkaroon ang mga mananaliksik ng kaunawaan sa takbo ng sistema ng edukasyon

sa bansa.At naging basehan ito ng kanilang pagsang-ayon o pagtuligsa sa programang K-12.

SAKLAW AT LIMITASYON
Ang pananaliksik na ito na may paksang “PAGTUKOY SA PANANAW NG MGA

PILING SENIOR HIGH NG ABM SA PAARALANG STI TUNGKOL SA K-12 PROGRAM

TUNGO SA KARUNUNGAN AT KAHANDAAN SA BAGONG KURIKULUM NG

PILIPINAS” ay sasaklawin ang ideya,opinion at pananaw ng mga Senior High ng ABM sa

paaralang STI.Ang mga pananaw na kakalapin ay mula lamang sa mga piling mag-aaral na may

bilang na 100.Hindi nito isasama ang pananaw ng iba bang academic strands tulad ng

GAS,STEM at HUMSS.Kakalapin din ng pananaliksik na ito ang ilang aspeto na nakaaapekto sa

pagpasok ng mg estudyante sa tract lamang na ABM.

Sasaklawin din ng pananaliksik na ito ang ilang impormasyon mula sa piling mga

guro na nagtuturo sa mga Senior High School.

Ang mga detalyadong impormasyong makakalap ay patungkol lamang sa bagong K-

12 Curriculum at hindi na lalagpas pa sa ibang antas ng edukasyon at iikot lamang sa tract o

academic strand na ABM.Ang mga estudyanteng pagkukuhanan ng impormasyon ay mula

lamang sa paaralang STI at hindi na lalabas pa mula sa ibang unibersidad o paaralan.

Ang teoryang pagbabasehan ng pag-aaral na ito ay mula lamang sa konsepto ni John

Dewey at hindi na lalagpas pa sa ibang uri ng pilosopiya, pag-aaral at teorya.


BALANGKAS TEORETIKAL

Sa aklat na “School and Society” ni John Dewey,isang kilalang pilosopo noong

panahon ng pananakop ng mga Amerikano sa bansa,pinatunayan niya ang isang katotohanan

may kinalaman sa edukasyon.Sa aklat na ito,inilahad niya ang kaniyang teoryang

“PRAGMATISM ON EDUCATION”.

Ang aklat na ito ni John Dewey ay nailathala noong 1899,kung kailan sinimulan

niyang ilunsad ang kanyang teorya sa edukasyon.Ang teoryang ito na Pragmatism on Education

ni Dewey ay nagpatunay na ang karunungan ay mas nagiging kapaki-pakinabang kung may

praktikal na kasanayan.Idiniin ni Dewey na mas matututo ang isang tao kung ang paraan ng

pagtuturo ay sa pamamagitan ng paghahahatid ng praktikal na kasanayan.Ang teoryang ito ni

Dewey ay nahahati sa apat na konsepto: (1)Ang edukasyon ay buhay;(2)Ang edukasyon ay pag-

unlad;(3)Ang edukasyon ay isang sosyal na proseso;at (4)Ang edukasyon ay nahuhubog mula sa

karanasan ng isang tao.

Ang Edukasyon ay Buhay.Sa konseptong ito sinabi ni Dewey na ang pinagmumulan

ng edukasyon ay ang buhay mismo.Nangangahulugan ito na habang nabubuhay ang isa tao ay

hindi rin titigil ang edukasyon.Isang halimbawa ay sa pang-araw-araw na pamumuhay ng isang

tao.Sa bawat sandaling lumilipas ay nakagagawa ng mga gawain ang isa.Sa bawat gawaing ito,

maaring may mga bagong bagay siyang natuklasan na magbubunga ng karunungan.Maari rin

naman na may mga nagawa siyang tama at mali,at ito ang magtuturo sa kaniya.Ang mga ito ay

nangyayari dahil sa ang isang tao ay patuloy na nabubuhay,at ang patuloy na buhay ay may

kaakibat na patuluyang pagkatuto.


Ang Edukasyon ay Pag-unlad.Sinabi ni Dewey sa konseptong ito na ang edukasyon ay

patuloy na umuunlad sa paglipas ng panahon.Hindi ito nananatili sa kung ano lang ang natutuhan

ng isang tao, kundi may kaakibat itong pag-unlad habang ang isa ay nabubuhay.Halimbawa ay

ang mga antas o lebel ng edukasyon.Ang isang mag-aaral ay magsisimula sa pagpasok sa

Kindergarten.Ang mag-aaral na ito ay hindi mananatili bilang isang Kinder lamang kundi

magpapatuloy ang pag-unlad ng kaniyang karunungan sa pamamagitan ng pagpasok sa mas

mataas na antas ng edukasyon.

Ang Edukasyon ay Isang Sosyal na Proseso.Sa konseptong ito, binanggit ni Dewey na

ang karunungan ay maaring maapektuhan ng kapaligiran.Sinabi niya na ang sosyal na

kapaligiran ng isang tao ay nakatutulong na magkaroon siya ng taglay na

karunungan.Halimbawa, maaaring matuto ang isang tao sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa

kaniyang kapwa.Nakakukuha siya ng mga kaalaman na maaring hindi niya alam ngunit batid

naman ng iba.Maari rin na matuto siya mula sa mga karanasan ng ibang tao na nakasalamuha

niya.

Ang Edukasyon ay Nahuhubog mula sa Karanasan.Sinabi ni Dewey na ang edukasyon

ay nahuhubog din sa pamamagitan ng karanasan ng isang tao.Halimbawa, ang isang mag-aaral

ay nais na maging isang magaling na tagapagluto.Upang maging mahusay siya sa larangang

ito,kinakailangan niyang maranasan ang mga gawain ng isang tunay na tagapagluto.Maari na

magsanay siya sa sarili niyang tahanan o ‘di kaya naman’y sa mismong paaralan na kaniyang

pinapasukan na nag-aalok ng pagtuturo may kinalaman sa pagluluto.Sa pamamagitan

nito,nahuhubog ang kaniyang kasanayan upang mas maging mahusay na tagapagluto sa

hinaharap.
Ang teoryang ito ni Dewey ang pinakakilalang pilosopiya at basehan ng konsepto ng

edukasyon sa Pilipinas.Sinabi ng isang Propesor sa Edukasyon at Dean ng Graduate School of

Siliman University na si Herman C. Gregorio at dating DECS superior na si Cornelia M.

Gregorio na ang edukasyon sa bansa ay walang duda na nakabase sa teorya ni Dewey na

Pragmatism.

Isang katunayan niyan ay ang paglulunsad ng bansa sa programang K-12.Sa

kurikulum na ito,maagang sinasanay ang mga kabataan sa larangang nais nilang kuhanin sa

hinaharap.Sa bagong sistemang ito,tinuturuan ang mga estudyante na maging mahusay sa

pamamagitan ng praktikal na pamamaraan.

Ipinahiwatig din ni Dewey ang pinakamabisang paraan upang magkaroon ng

karunungan ang isang mag-aaral.Para sa kaniya,ang edukasyon ay hindi lamang pangangabisado

ng mga aralin sa klase.Mas matututo ang mga mag-aaral kung sasanayin ang kanilang isip na

mag-isip nang kritikal at mag-analisa ng mga problema at bigyan ito ng solusyon sa

pinakamabisa at praktikal na pamamaraan.


BALANGKAS KONSEPTUWAL

Epekto ng K-12 Curriculum sa


pananaw at pagkatuto ng mga Senior
High ABM ng paaralang STI Caloocan

Pragmatism on Edukasyon mula sa


aklat na School and Society ni Dr.
John Dewey

Mga pagkukunan ng datos (survey, mga aklat, internet at


ilang guro na may kaalaman sa paksa

Kaalaman at kamalayan ng mga Senior


High ABM ng paaralang STI sa
programang K-12

Kahandaan ng mga mag-aaral sa pagpasok sa K-12


upang magamit sa mas mataas na antas ng
edukasyon
Sa pagpapatupad ng programang K-12 tila nasusubok ang kahandaan ng Pilipinas sa

pag-iimplementa nito. Mayroong mga haka-haka na ang pagbabago ay hindi nakaakmak sa

kalagayan ng bansa. Ngunit ang pagbabagong nagaganap sa sistema ng edukasyon ay itinuturing

na pag-unlad ng ilang teorista. Sa balangkas konseptuwal na ito, ipinahihiwatig na ang sistema

ng edukasyon sa Pilipinas ay nakaayon sa teoryang Pragmatism on Education ni Dr. John

Dewey. Ipinapaliwang ng teoryang ito na ang edukasyon ay mas nagiging epektibo kung may

kaakibat na praktikal na kasanayan. Nahuhubog ang karunungan ng isang indibiduwal sa

kanyang pakikisalamuha sa lipunan at sariling karanasan. Sa pananaliksik na ito aalamin ang

kung paano nakaapekto sa pananaw ng mga piling Senior High ABM ng paaralang STI Caloocan

ang programang K-12. Aalamin din ng pananaliksik na ito ang epekto ng bagong lunsad na

kurikulum sa pagkatuto ng mga kabataan sa ngayon. Ang mga impormasyong makakalap ay

magmumula sa mga sagot base sa pagsisiyasat o pagsasarbey sa mga Senior High (ABM) ng STI

College Caloocan, mula sa aklat na Fundamental Philosophies of Education at Introduction to

Education in Philippine Setting, internet websites at ilang mga piling guro na may kaalaman sa

paksang K-12. Magbubunga ang pananaliksik ng kaalaman at kamalayan ng mga Senior High sa

programang K-12. Makatutulong ito upang mas maging handa ang mga mag-aaral sa pagpasok

sa bagong sistema ng edukasyon at magagamit nila ito sa mas mataas na antas ng edukasyon.

KATUTURAN NG MGA SALITANG GINAMIT

10 GRADE BASIS EDUCATION.Ito ay sistema ng edukasyon na binubuo ng sampung taon

kabilang ang anim na taon sa elementarya at apat na taon sa high schoo.Sa ilalim nito,hindi

inoobliga ang mga mag-aaral na pumasok sa kindergarten bago maging elementarya.


ABM.Accountancy,Business and Management.Ito ay isang academic strand na sakop ng K-12

Curriculum.Nakatutok ito sa paghasa sa kakayahan ng isang mag-aaral sa larangan ng negosyo at

mga gawain may kinalaman sa pinansyal.

ALIBATA.Ito ang sistema o paraan ng pagsulat ng mga sinaunang Pilipino bago pa dumating

ang mga Kastila.

AUGUSTINIANS,FRANCISCANS,JESWITA AT DOMINICANS.Tumutukoy ang mga ito

sa mga misyonerong Kastila na karaniwan ay miyembro ng simabahan.Sila ang nagsisilbing

tagapagturo noon ng mga Pilipino.

BABAYLAN.Karaniwan ay mga kababaihan.Tumutukoy ito sa mga sinaunang tao sa lipunan na

may kakahayan sa panggagamot sa pisikal at kaluluwa ng isang tao.Sila rin ang kadalasang

pinuno at tagapagturo ng mga mamamayan noon.

BEATRIO.Ito ang tawag sa paaralan ng mga kababaihan noong panahon ng mga Kastila.Dito ay

tinuturuan ang mga kababaihan upang maging handa sa mga gawaing pantahanan o gawain sa

kumbyento.

CHED.Commission on Higher Education.Ito ang ahensiya sa Pilipinas na siyang may hawak ng

pamamalakad sa mga kolehiyo at unibersidad o pamantasan.

COLEGIO.Ito ang tawag sa paaralan para sa mga kalalakihan noong panahon ng mga Kastila.

DECS.Department of Education,Culture and Sports.Ito ang dating katawagan sa kasalukuyang

DepEd ng bansa na siyang may hawak sa pangkalahatang sistema ng edukasyon sa buong

Pilipinas.
DEPED.Department of Education.Ito ang kasalukuyang ahensiya ng gobyerno na siyang may

hawak sa sistema,pamamalakad at mga batas pang-edukasyon ng Pilipinas.

DOCTRINA CHRISTIANA.May literal na kahulugang “katuruan ng simbahan”.Ito ang kauna-

unahang aklat na naimprenta sa panahon ng mga Kastila na naglalaman ng mga turo,prinsipyo at

paniniwala ng Simbahang Katoliko.

ILUSTRADO.Nangangahulugang “isang taong nakabatid ng kalinawan at kaliwanagan”.Ito ay

tumutukoy sa mga taong nakaaangat sa lipunan noong panahon ng mga Kastila dahil sila iyong

mga nakapag-aral at may taglay na karunungan.

K-12 CURRICULUM.Tinatawag ding K-6-4-2.Ito ang bagong sistema ng edukasyon na

binubuo ng kindergarten,na obligadong pasukan ng mga mag-aaral,anim na taon ng

elementarya,apat na taon ng junior high school at dagdag na dalawang taon ng senior high

school.

KURIKULUM/CURRICULUM.Ito ay tumutukoy sa kabuuang tuon o layunin na dapat

isakatuparan ng bawat paaralan upang maabot ang mga tiyak na tunguhin sa pagtuturo.

PRINTING PRESS.Ito ay naimbento noong panahon ng mga Kastila.Ito ay isang makina na

may kakahayahang maglimbag ng mga publikasyon at aklat.

PROGRESSIVISM ON EDUCATION.Ito ay teorya ni John Dewey na nagsasabinh ang

edukasyon ay isang patuluyang proseso,nagbabago at umuunlad sa paglipas ng panahon.Sinasabi

rin dito na ang karunungan ay isang sosyal na proseso at nahuhubog ng karanasan ng isang tao.

SENIOR HIGH SCHOOL.Ito ang bagong dagdag na sistema sa edukasyon na binubuo ng

grade 11 hanggang grade 12.


TESDA.Technical Education and Skills Development Authority.Ito naman ang ahensiya sa

Pilipinas na naglalayong paunlarin ang kakayahang teknikal at bokasyonal ng mga mag-

aaral.Layunin nito na gawing handa ang mga kabataan upang maging bahagi ng lakas-paggawa

ng bansang Pilipinas.

THIRD WORLD COUNTRY.Tinatawag ding ikatlong mundo..Tumutukoy ito sa isang bansa

na hindi pa nakaanib sa kapitalismo at sa North Atlantic Treaty Organization(NATO) o mga

bansang hindi pa maunlad ang ekonomiya.

TRACT.Tinatawag ding academic strand,tumutukoy ito sa larangan na nais kuhanin ng mga

mag-aaral sa Senior High School.Katumbas ito ng salitang kurso na kinukuha naman sa

kolehiyo.

THOMASITES.Tumutukoy ito sa mga gurong Amerikano na ipinadala sa Pilipinas upang

turuan ang mga Pilipino.

USAID.United States Agency for International Development.Ito ay isang ahensiya sa Estados

Unidos na siyang tumutulong sa mga bansa upang bawasan ang problema sa kahirapan,

edukasyon, kasakunaan at ibang pa na maaaring makaapekto sa ekonomiya ng isang bansa.


KABANATA II

Sa pananaliksik na ito na may paksang “PAGTUKOY SA PANANAW NG MGA

PILING SENIOR HIGH NG ABM SA PAARALANG STI TUNGKOL SA K-12 PROGRAM

TUNGO SA KARUNUNGAN AT KAHANDAAN SA BAGONG KURIKULUM NG

PILIPINAS” naiakma ang ilang pag-aaral at aklat na magpapatunay sa kasalukuyang pangyayari

sa sisitema ng edukasyon sa bansa.

Kaugnay na Pag-aaral

Ang edukasyon ay hindi lamang sa pamamagitan ng pormal na paraan kung saan may

isang tagapagturo at isang pangkat ng tinuturuan.Hindi lamang ito sa pamamagitan ng

pangangabisado ng mga araling itinuro ng isang guro at gagamitin sa panahon ng pagsusulit.Sa

halip pinatunayan ng pag-aaral ni Dewey na maari ring matuto o mas matututo pa nga ang isang

tao kung mararanasan niya ang isang gawain na maghahatid sa kaniya ng karunungan.

Ayon sa isinagawang pag-aaral ng Congressional Commission on

Education(EDCOM) noong 1991,ang kalidad ng edukasyon sa bansa ay patuloy na

bumababa.Marami sa mga mag-aaral ang nabibigong umunlad sa larangan ng akademiya

matapos nilang pumasok sa paaralan.Marami ang hindi produktibo,responsable at may sapat na

kakayahan sa iba’t ibang larangan.Karagdagan pa,maraming kolehiyo at unibersidad ang hindi

nakalilikha ng lakas-paggawa na kinakailangan ng bansa.Ang pag-aaral na iyan ay hindi lamang

noon kundi kapit pa rin sa ngayon.Isang katunayan ay ang pagiging kabilang ng bansa sa

tinatawag na third world country.

Layunin ng K-12 na sanayin nang mas maaga ang mga kabataan sa larangang nais

nilang kuhanin sa hinaharap.Sa kurikulum na ito, tinuturuan ang mga kabataan na mas maging
produktibo sa pamamagitan ng praktikal na pagsasanay.Iyan ang dahilan kung bakit sa Senior

High School pa lamang ay may mga pamimilian ng tract o academic strand ang mga mag-

aaral.Sa pamamagitan nito,maaari ng magtrabaho ang mga taong nakapagtapos sa Senior High

School o ‘di kaya nama’y kung nais nilang magpatuloy sa pag-aaral,mas nagiging handa sila sa

pagpasok sa mas mataas na antas ng edukasyon o sa kolehiyo.

KAUGNAY NA LITERATURA

Sa aklat na Philosophy of Education in the Philippine Setting ni Herman C. Gregorio na isang

Propesor sa Edukasyon at Dean ng Graduate School of Siliman University,binanggit niya na ang

edukasyon sa Pilipinas ay nakaangkla sa Pilosopiyang inilunsad ni John Dewey.

KABANATA III

Pamamaraang Ginamit

Gumamit ng deskriptibong pamamaraan ang pananaliksik na ito. Ang deskriptibong

pamamaraan ay ang paglalarawan ng espisipikong katangian tulad ng anyo, hugis at kulay ng

isang bagay, tao, hayop, lugar at pangyayari. Sa pananaliksik na ito gumamit ng kwantitibong

pamamaraan dahil may istatistiko o bilang ang pinagkuhaan ng datos.

Populasyon at Bilang ng mga Kalahok

Ang mga datos na nakalap ay mula sa tatlong pangkat ng ABM na nag-aaral sa STI

Caloocan.Ang mga ito ay may bilang na isandaan na mag aaral.Kumuha rin ng impormasyon
mula sa dalawang aklat at dalawang website.Kumalap din ng impormasyon mula sa isang

sanaysay at isang research paper.

Paraan ng Pagpili ng Kalahok

Ang mga kalahok na pinili sa sarbey ay mga mag-aaral na kumukuha ng tract na

Accountancy, Business and Management (ABM) mula sa paaralang STI College Caloocan. Pinili

ang mga kalahok na ito dahil sila ay may kaugnayan sa kursong tinatahak ng mga

mananaliksik.Pinili ang mga ito base sa kakayahan nilang sumagot at kung sila ba ay sang-ayon

na punan ang sarbey.

Pagpapakilala ng mga Kalahok

Ang mga piniling kalahok ay mga mag-aaral mula sa academic strand na

Accountancy, Business and Management(ABM). Karaniwan sa mga kalahok ay may edad na

nakapaloob sa labing-lima hanggang labing-anim na taon. Ang ilan sa mga nasiyasat ng

mananaliksik ay hindi nakatuon ang atensyon sa sarbey at may pagtanggi.Ngunit ang ilan ay may

konsentrasyon sa pagsagot.

Instrumentong Ginamit

Ang mga impormasyong nakalap ay nagmula sa sarbey o pagsisiyasat.Gumamit din

ang mga mananaliksik ng aklat mula sa silid-akalatan ng STI Caloocan.Gumamit din ng

computer ang mga mananaliksik upang maghanap ng detalye sa mga online website.
Paraan ng Pangangalap ng Datos

Ang mananaliksik ay nangalap ng mga datos sa pamamagitan ng pagkuha ng mga

detalye at impormasyon sa ilang aklat,internet website,at mga kasugatan sa sarbey ng mga mag-

aaral ng ABM sa STI College Caloocan.

Gumamit ang mga mananaliksik ng dalawang aklat.Ang isa ay may pamagat na

Introduction to Education in Philippine Setting. Ang isa naman ay may pamagat na Fundamental

Philosophies of Education.

Kumuha rin ng ilang impormasyon ang mga mananaliksik sa pamamagitan ng

paghahanap ng impormasyon mula sa ilang website tulad ng Wikipedia at site ng DepEd.

Pumunta rin ang mga mananaliksik sa bawat silid-aralan ng mga mag-aaral ng ABM

upang mag-sarbey o kumalap ng impormasyon.

Kumalap din ng mga detalye ang mga mananaliksik mula sa ilang pag-aaral na ginawa

ng ibang mananaliksik.

Nagtanong din ang mga mananaliksik ng mga impormasyon mula sa mga piling guro

na may kaalaman sa paksang K-12.

Ang mga ito ang naging pamamaraan ng mga mananaliksik upang makakalap ng sapat

na datos na gagawin sa pag-aaral.


KABANATA IV

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN SA MGA DATOS

Ang pananaliksik na ito na may paksang “PAGTUKOY SA PANANAW NG MGA

PILING SENIOR HIGH NG ABM SA PAARALANG STI TUNGKOL SA K-12 PROGRAM

TUNGO SA KARUNUNGAN AT KAHANDAAN SA BAGONG KURIKULUM NG

PILIPINAS” ay naglahad,nagsuri at nagbigay kahalagahan sa mga nakalap na datos.Sa proseso

ng pagkalap ng impormasyon, lumabas ang sumusunod na lagom ng mga araw ng pananaliksik:

Sa panahon ng pangangalap ng mga datos, gumawa ng masusing paraan ang mga mananaliksik.

Sa unang araw ay nag-lahad ng kani-kaniyang opinyon ang bawat miyembro ng grupo may

kinalaman sa paksa.Sa araw na ito na rin nila pinag-isipan ang mga katanungang kinakailangan
sa pagsisisyasat.Nang makapili na sila ng angkop na mga katanungan ay nagsimula na silang

magsiyasat o mag-survey sa mga kinakailangang kalahok.Nagpunta sila sa silid-aralan ng mga

Senior High ABM ng STI College Caloocan upang simulan ang pangangalap ng

impormasyon.Matapos nito ay nagpunta sila sa silid-aklatan ng paarang STI upang maghanap ng

aklat na maaring pagkuhanan ng mga impormasyon.Naghanap din sila ng mga datos mula sa

mga internet websites.Matapos nito ay isinaayos nila ang mahahalagang impormasyon at isinalin

na nila sa kompyuter ang mga naayos na datos.Winakasan ng mga mananaliksik ang kanilang

gawain sa paglalagom ng mga impormasyon,paglalahad ng kongklusyon at pagmumungkahi ng

rekomendasyon.

RESULTA NG NAKALAP NA DATOS MULA SA PAGSISIYASAT

You might also like