Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

MODYUL SA IKAPITONG BAITANG

Ikatlong MARKAHAN

WEEK 1. LESSON TITLE: Tulang Panudyo, Tugmang de Gulong, Palaisipan/Bugtong


Gawain 1: Bugtong! Bugtong!

Panuto: Sumulat ng tig-5 halimbawa ng bugtong at tugmang de-gulong.

Bugtong Tugmang de-igulong

1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

Gawain 2: Ms. Q & A

Sa tulong ng mga tanong sa ibaba, umisip ng iyong hinuha upang makita ang angkop na sagot nito.

1. Si Mario ay isa sa limang magkakapatid. Ang mga pangalan nila, umpisa sa panganay ay sina Enero,
Pebrero, Marso, Abril at ___________.

Ano ang pangalan ng bunso sa magkakapatid?

2. May isang prinsesang sa tore ay nakatira, balita sa kaharian, pambihirang ganda. Bawal tumingala
upang siya’y makita. Ano ang gagawin ng binatang sumisinta?

Gawain 3: Ipuwesto mo, letter ko…

Ayusin ang mga nagulong letra ubang mabuo ang angkop na salita, pagkatapos isulat ang panlaping
ginamit at ang kahulugan nito.

1. Napalapsii- __________________________

Salitang Ugat: _______

Kahulugan:

2. Atingwi Odpanuy – _________________________

Salitang Ugat: ________

Kahulugan

3. Ngbugot- _____________________

Salitang Ugat: ____________

Kahulugan:

4. Mangtug ed nglogu- __________________________

Salitang Ugat: ____________________

Kahulugan:
Mula sa mga salitang hinimay- himay sa itaas pangkatin ang salita batay sa anyo nito kung ito ay:

Tambalang Salita Maylapi

WEEK 2.

LESSON TITLE: Mito/Alamat/Kuwentong Bayan

Gawain 1. “May Power ka!”

Iguguhit ng mag-aaral ang kanilang gustong anyo ng babae at lalaking kanilang huhulmahin sa
pamamagitan ng kanilang malakas na kapangyarihan.

Anyo ng BABAE Anyo ng LALAKE

Gawain 1: Anong Saya nito!

WEEK 3.

LESSON TITLE: Sanaysay

May mga taong ang kaligayahan ay nakabatay sa maraming pera o kayamanan. May iba naming kontento
na sa pagkakaroon ng magandang kalisugan o masayang pamilya. Ngayon ipagawa sa mag-aaral ang
aktibiting pinamagatang “ Mga Bagay na Nagpapasaya sa Akin” Isulat ang sagot sa tatsulok at sagutin ang
tanong sa kahon sa ibabag bahagi.

Mga Bagay na Nagpapasaya sa Akin.


Bakit nagbibigay saya sa akin ang mga ito?

Paano ko magagamit ang mga ito?

Gawain 2. Kahulugan ko, ibigay mo!

PANUTO: Ibigay nila ang kahulugan ng salitang may diin sa bawat pangungusap.

1. Ang taong palalo ay kinaiinisan ng marami.

2. Ang taimtim na panalangin ay makapagbibigay-kalinawan sa maraming suliranin.

3. Ang kaliluhan ay maihahalintulad sa ugali ngh isang ahas

4. Puno man ng hinagpis ang buhay ay maganda pa rin ito.

5. Huwag mabighani sa panlabas na kaanyuan.

Gawain 3. Think Positive!

Bigyang kahulugan ang mga salitang nagbibigay-hinuha sa loob ng bilog. Isulat sa tatsulok ang sagot at
pagkatapos ay magbigay ng hinuha sa kung ano ang posibleng positibong mangyayari sa taong
nagtataglay nito.

HALIMBAWA:

Kahulugan Hinuha
Maaari siyang
Taong may ginto makatulong sa
mga
Masagana
nangangailangan
ang buhay.
.

May magandang Mukha

Taong nasa liwanag


Taong bukas ang mata

Taong nagtigis ng pawis

BASAHIN:

ANG NINGNING AT ANG LIWANAG


Ang Ningning at Ang Liwanag
(Mula sa Liwanag at Dilim)
ni Emilio Jacinto

Ang ningning ay nakasisilaw at nakasisira sa paningin. Ang liwanag ay kinakailangan ng mata,


upang mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-bagay.
Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy ng sikat na araw ay nagniningning; ngunit sumusugat
sa kamay ng nagaganyak na dumampot.
Ang ningning ay maraya.
Ating hanapin ang liwanag; tayo’y huwag mabighani sa ningning.
Sa katunayan ng masamang kaugalian: Nagdaraan ang isang karuaheng maningning na hinihila
ng kabayong matulin. Tayo’y magpupugay at ang isasaloob ay mahal na tao ang nakalulan. Datapua’y
marahil naman ay isang magnanakaw, marahil sa isang malalim ng kaniyang ipinatatanghal na kamahalan
at mga hiyas na tinataglay ay natatago ang isang sukaban.
Nagdaraan ang isang maralita na nagkakanghihirap sa pinapasan. Tayo’y napapangiti, at
isasaloob.
Saan kaya ninakaw? Datapua’y maliwanag nating nakikita sa pawis ng kaniyang noo at sa hapo ng
kaniyang katawan na siya’y nabubuhay sa sipag kapagalang tunay.
Ay! Sa ating naging ugali ay lubhang nangapit ang pagsamba sa ningning at pagtakwil sa liwanag.
Ito nga ang dahilan kung kaya ang mga loob na inaakay ng kapalaluan at ng kasakiman ay nagpupumilit na
lumitaw na maningning, lalong-lalong na nga ang mga pinuno na pinagkatiwalaan ng ikagiginhawa ng
kanilang mga sakop at walang ibang nasa kundi ang mamalagi sa kapangyarihan sukdang ikainis at
ikamatay ng bayan na nagbibigay sa kanila ng kapangyarihan.
Tayo’y mapagsampalataya sa ningning, huwag nating pagtakhan ang ibig mabuhay sa dugo ng
ating mga ugat at magbalat-kayong maningning.
Ay! Kung ang ating dinudulugan at hinahainan na puspos na galang ay ang maliwanag, ang
magandang asal at matapat na loob, walang magpapaningning pagka’t di natin pahahalagahan. At ang
mga isip at akalang ano pa man ay hindi hihiwalay sa maliwanag na banal na landas ng katuwiran.
Ang kaliluhan at ang katampalasanan ay humahanap ng ningning upang hindi mapagmalas ng mga
matang tumatanghal ang kanilang kapangitan; nguni’t ang kagalingan at ang pag-ibig na dalisay ay hubad
sa ningning, mahinhin, at maliwanag na mapatatanaw sa paningin.
Ang mahabang panahong lumipas ay isang labis na nagpapatunay ng katotohanan nito.
Mapalad ang araw ng liwanag!
Ay! Ang Anak ng Bayan, ang kapatid ko, ay matututo kaya na kumuha ng halimbawa at lakas sa
pinagdaanang mga hirap at binatang mga kaapihan?

GAWAIN 4: Sagutin Natin!


1. Ano ang pagpapakahulugan ng “ningning” at ng “liwanag” ayon sa sanaysay?
2. Bakit sinabi ng may-akda na ang ningning ay madaya? Isa-isahin ang pandarayang dala nito?
3. Sa iyong palagay, bakit maraming tao ang labis na nagpapahalaga sa ningning o kinang ng
kapangyarihan?
4. Ano ano ang kabutihang dulot ng liwanag? Isa –isahin ito?
5. Sang-ayon k aba sa sinabi ng awtor hinggil sa ningning at liwanag? Pangatwiranan
6. Alin sa dalawa ang nakikita mong mas mabutio/ Bigyang paliwanag ang iyong sagot.

Gawain 5. I-journal mo!

Bakit mahalagang mamuhay ang tao sa liwanag o katotohanan at hindi lamang sa ningning na bunga ng kasikatan
at kapangyarihan?

Gawain 6. Ibuod mo

Sa pamamagitan ng pagpuno ng Cyclical Thingking Map ay ibuod ang akdang “Ang Ningning at ang
Liwanag”

Pangunahing Paksa:

Kaibahan ng Ningning at Liwanag

1.
2.
3.

Pag-ugnay sa karanasan Sariling


Mga Pantulong na Kaisipan
karanasan kaugnay ng:
“Ang Ningning at ang Mga nagagawa ng Ningning
Ningning:
Liwanag” 1.
Liwanag:
2.
3.

Mga pantulong na Kaisipan


Kahalagahan ng Paghanap sa
Liwanag
1.
2.
3.

Gawain 4: Share Mo ito!

Manood ng isang episode ng isang teleserye sa telebisyon (kahit anong istasyon). Isulat ang dayalogo
ng pangunahing tauhan at hulaan ang magiging kahihinatnan ng mga pangyayari sa teleserye.

You might also like