Ang Pagpapasabog NG Hiroshima at Nagasaki Japan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Pagpapasabog ng Hiroshima at Nagasaki Japan

Sa huling araw ng Abril 1945, bumagsak ang Germany dahil sa pag-atake ng mga Alyado sa kanluran at
ng mga Ruso sa Silangan. Napagtanto ni Hitler mula sa pinagtataguan ang kanyang kakampi at noong
umaga ng ika-30 ng Abril, hinirang niya si Admiral Karl Doenitz bilang kahalili. Noong hapon ding iyon,
siya at ang kanyang kinakasamang babaeng si Eva Brawn, ay nagpakamatay.

Ang Tagumpay sa Pasipiko

Ika-20 ng Oktubre, 1944 nang bumalik sa Leyte si Heneral Douglas MacArthur sa gitna ng pagbubunyi ng
mga Pilipino. Pagkatapos ng mahigit sa ilang buwang pakikipaglaban ng mga Pilipino sa Hapones,
idineklara ni Heneral McArthur ang kalayaan ng Pilipinas mula sa mga Hapon. Noong ika-6 ng Agosto,
1945, ang unang bomba atomika ay ibinagsak sa Hiroshima. Sinalakay naman ng Russia ang Manchuria,
Korea at Timog Sakhalin. Noong ika-9 ng Agosto, muling nagbagsak ng bomba atomika sa Nagasaki ang
mga Amerikano. Nagimbal ang Hapon, kaya tinanggap nito ang ultimatum ng mga Alyado noong ika-15
ng Agosto at pagkatapos ay tuluysn nang sumuko.

Noong huling araw ng Agosto nang lumapag sa bansang Hapon si Heneral MacArthur bilang SCAP o
Supreme Commander of the Allied Powers. Ika- 2 ng Setyembre, 1945, nilagdaan ng bansang Hapon ang
mga tadhana ng pagsuko sa sasakyang US Missouri sa Tokyo Bay

You might also like