FIL

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Jared Micah L.

Hilario
Grade 11 Archimedes

1. Paano masasabing isang magaling na manunulat ang isang tao?

Masasabing mahusay na manunulat ang isang tao kung may kakayahan itong maiugnay sa mga
mambabasa ang kanyang mga sinulat. Marunong dapat iparating ng malinaw ang kanyang mga
ideya. Pinipili niyang magsulat mula sa puso at gumamit ng mga salita na magsisilbing tulay
mula sa kanya at sa mga nais magbasa.

2. Gaano kahalaga ang ugnayang pagbasa at pagsulat para sa mga mag-aaral ng/sa
Filipino?

Mula sa aking natutunan, ang mabisang pagbasa ay mahalaga upang makapagsulat. Ito rin ay
kailangan upang lumawak ang iyong kaalaman. Importante lamang na matutunan ang pagbasa
at pagsulat upang sa gayon tayong mga mag aaral ay maging epektibo sa pakikiugnayan sa mga
tao.

Bilang isang mag-aaral, paano mo maisasabuhay ang mga kinakailangang kasanayan at


kakayahan sa pagsulat? Paano nito maihahanda ang iyong pagkatao sa higit na malawak na
oportunidad sa buhay? Sumulat ng isang sanaysay na magpapaliwanag ng iyong sagot.

Hindi lahat ng tao ay nabiyayaan ng talento o kakayahan sa pagsusulat ngunit maari itong
matutunan kung uumpisahan ito sa pagbabasa at lawakan ang pagiisip ng mga ideya at
imahinasyon. Maging prayoridad ang pagbabasa at pananaliksik. Maging libangan ang
pagsusulat upang masanay ang ating kaisipan sa mga nais mong ibahagi sa iyong mambabasa.

Maihahanda ang sarili sa buhay kung patuloy ang pag-aaral, pananaliksik, at pagbabasa kasama
nito ang tulong ng bagong teknolohiya. Maging mapanuri sa mundong ginagalawan upang
makasabay at mapagtagumpayan ang anumang hamon sa buhay.
Jared Micah L. Hilario
Grade 11 Archimedes

Kasalukuyang nararanasan ang mga ibat ibang problema sa ating lipunan. Ang mga ito
ay pang-aapi, korupsyon, pagnanakaw, karahasan at kahirapan. Sa sitwasyon ni Mercado
maihahalintulad sa kanya ang mga Pilipinong nakakaranas ng diskrimanasyon. Ang mga taong
naabuso tulad niya ay naaapektuhan ang kanilang emosyonal, pisikal at espiritual na pagkatao.

Patuloy ang prostitusyon sa ating bansa ngunit si Lucia ay nawala sa landas dahil sa
maling pananaw dala ng kahirapan. Ang sitwasyon ni Lucia ay magsilbing aral sa mga
kababaihan na kahit anumang hamon sa buhay laging nasa tamang landas ang tahakin.

Si Mercedes ay sawi sa pag-ibig ngunit hindi ito ang dahilan upang bitawan ang aspetong
pag-ibig. Para sa mga kabataang tulad ko, ang pag-ibig ay hindi lamang sa iisang tao. Ito ay
maaring sa bayan, sa pamilya at sa sarili. Nabago ang pananaw ni Dante sa espiritual dahil sa
kanyang pagkabigo sa pag-ibig.

Ang karanasan ni Dante ay nasa aspetong politika at panlipunan. Ang mga katulad ni
Dante ay maihahalintulad sa mga magsasaka na walang sariling lupa. Pilit na tinataguyod ang
kabuhayan bagama’t lugmok na ito sa kahirapan. Ito marahil ang naging rason ng kanyang pag
aklas laban sa gobyerno.

Sa pangwakas, ang mga taong ito ay sumisimbolo ng kahirapan at karahasan. Marapat


lamang na bigyan ng pantay pantay na pagtingin sa mga taong ito, dahil sila rin ay may
karapatan sa lipunan na hindi dapat apakan.

You might also like