Mapeh5.pe Q4.LM

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 50

Department of Education

Schools City Division

Cabanatuan City

LEARNER’S
MATERIAL
PHYSICAL EDUCATION
GRADE 5

Quarter 4
Department of Education
Schools Division Office
Cabanatuan City

LEARNING MATERIAL
PHYSICAL EDUCATION
GRADE 5
Quarter 4

Authors/Developers:

ROSANNA S. FLORES
Teacher III

VIRGINIA M. BAUTISTA
Teacher III

Quality Assurance:

RAMON J. DE LEON, Ph.D.

EPS-I Subject

Ever M. Samson
EPS-I LRMDS

Priscilla D. Sanchez, Ph.D.

Chief ES, Curriculum Implementation Division

_____________________________________________________
This Learning Material is a property of DepEd Schools Division Office of Cabanatuan City.
Outside of the public schools in this Division, no part of this Learning Material may be sold, distributed
or reproduced in any means without its explicit consent.
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
------------------------------------------------------------------------------------------------------- --------------------------------

CONTENTS

Aralin 1 – Pagpapanatili at Pagpapaunlad ng Physical Fitness

Aralin 2 – Paglinang ng Balanse

Aralin 3 – Paglinang ng Reaction Time

Aralin 4 – Pangunahing Kaalaman sa Sayaw na Cariñosa

Aralin 5 – Kasanayan sa Sayaw na Cariñosa

Aralin 6 – Malikhaing Pagsayaw

Aralin 7 – Ang Pagsubok sa mga Sangkap ng Physical Fitness (Posttest)

Aralin 8 – Ang Pagsubok sa mga Sangkap ng Physical Fitness (Posttest)

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------

YUNIT IV

Aralin 1
Pagpapanatili at Pagpapaunlad ng Physical Fitness

Balik-tanaw sa mga Sangkap ng Skill-Related Fitness

Sa yunit na ito ay ipagpapatuloy natin ang pagpapaunlad ng physical fitness ng

batang tulad mo. Sa araling ito, muli nating tatalakayin ang mga sangkap ng skill-
related fitness upang lubos na maunawaan ang kahalagahan ng mga ito sa
pagpapanatili at pagpapaunlad ng iyong physical fitness.

Ang Physical Activity Pyramid ng isang batang Pilipino ang siyang panguna-
hing batayan kung nagagawa mo ang mga gawaing pisikal na makapagpapaunlad
ng iyong lifestyle. Handa ka na bang sumubok muli ng mga kasanayang lilinang ng
iyong physical fitness?

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ------------
Muli ay suriin natin ang mga gawain sa Physical Activity Pyramid Guide. Naisa-
gawa mo ba ang mga ito? Sa mga nakaraang yunit ay natutuhan mo ang kahalagahan
ng pagsasagawa ng mga gawain na nasa Physical Activity Pyramid Guide.Subukin
muling suriin ang sari kung naisagawa mo ng wasto ang mga physical fitness ng isang
batang tulad mo.

Suriin mo muli ang iyong sarili kung gaano kadalas mong nagawa ang
mga gawain sa physical activity pyramid guide sa pagpapatuloy ngyunit ng aralin.
Guhitan ng ang tamang kolumn. Bawat kolumn ay may katumbas na pun-
tos.

Paminsan
Mga gawain Madalas Minsan minsan/ Hindi
(3) (2) ginagawa(1)
1. Pagpapaligo ng alagang hayop
2. Paglalakad
3. Pagtakbo

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ------------
4. Paglalaro ng habulan
5. Pagwawalis ng bakuran
6. Pakikipaglaro
7. Pag-eehersisyo
8. Paggamit ng hagdanan sa pag-
akyat at pagbabang mall/gusali
9. Paglalakad patungo sa paaralan
10. Pagtulong sa gawaing bahay
Kabuuang puntos

Ilan ang natamo mong puntos sa gawaing ito? Nagkaroon ba ng pagbabago

sa puntos na nakamit mo ngayon kumpara sa puntos na natamo noong nakarang
yunit? Kung napataas mo ang puntos ngayon ibig sabihin ay napaunlad mo ang
iyong gawaing pisikal at umunlad ang iyong lifestyle..Tunghayan ang kahulugan
ng iyong puntos.

25-30 Pinakamataas na antas ng gawaing pisikal

20-25 Mataas na antas ng gawaing pisikal
15-20 Patungo sa mataas na antas na gawaing pisikal
11-14 Nagsisimula pa lamang sa gawaing pisikal
10 pababa Hindi aktibo ang lifestyle

Matapos ang pagsusuri sa tinamong puntos.Kulayan ang mukhang akma sa

iyong naramdaman sa resulta ng gawain.Kuntento ka basa kinalabasan ng iyong
tinamong puntos?

Tingnan ang mga sumusunod na larawan at tukutin kung alin sa mga ito ang
nakatutulong upang mapanatiling malusog at malakas ang ating katawan. Lagyan ng
tsek (/) o ( X) ekis ang ilalim ng larawan.

_______ _______ _______ _______

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ------------
Ang pagkain ng wasto at masustansiyang pagkain kasabay ng ng tamang
ehersisyo ng katawan aymakatutulong upang magkaroon ng malusog at malakas na
panga- ngatawan. Kailan natin masasabing ang isang tao ay malusog? Ang pag-
tataglay ng physical fitness ay ang kakayahan ng katawan magawa ang mga kasa-
nayan ng mga sangkap at components nito.

Ang anim na sangkap ng skill-related fitness ay ang sumusunod:

 Agility (liksi) – ang kakayahang magpalit o mag-iba ng posisyon ng katawan nang

mabilisan at naaayon sa pagkilos. Ang isang taong maliksi ay kalimitang mahusay
sa mga isports na wrestling, diving, soccer, tennis, badminton, at iba pa.

 Balance (balanse) – ang kakayahan ng katawan na panatilihing nasa wastong tikas

at kapanatagan habang nakatayo sa isa o dalawang paa (static balance), kumikilos
 sa sariling espasyo at patag na lugar (dynamic balance) o sa pag-ikot sa ere (in
flight). Ang isang tao na nagtataglay ng kasanayan sa pagbalanse ay kalimitang
mahusay sa mga gawain tulad ng gymnastics at ice skating.

 Coordination (koordinasyon) – ang kakayahang magamit ang mga pandama ka-

sabay ng isang parte o higit pang parte ng katawan. Ito ang kakayahan ng iba’t
ibang parte ng katawan na kumilos nang sabay-sabay na parang iisa na walang
kalituhan. Ang mga manlalaro ng basketbol, baseball, softball, tennis, at golf ay nag-
tataglay ng ganitong kakayahan.

 Power– ang kakayahang gamitin nang mabilis ang lakas. Ito ay kombinasyon ng
bilis at lakas. Sinasabing ang puwersa ay “combined part of fitness” sa dahilang ang
bilis ay skill-related at ang lakas naman ay health-related. Ang mga manlalaro ng
swimming, athletics, at football ay ilan lamang sa mga gumagamit ng power.

 Speed (bilis) – ang kakayahan ng katawan na gumalaw o makasaklaw ng dis-

tansiya sa maikling takdang panahon. Ang lakas ay kalimitang ginagamit sa mga
larong takbuhan, gayundin sa mabilisang pagpasa o pagbato at pagsalo ng
bola.

 Reaction Time– ang sapat na oras na ginagamit sa paggalaw kapag naisip ang
pangangailangan sa pagtugon sa galaw.
Ito ang kakayahan ng mga bahagi ng katawan sa mabilisang pagkilos sa pag-
salo, pag-abot at pagtanggap ng paparating na bagay o sa mabilisang pag-iwas sa
hindi inaasahang bagay o pangyayari. Ang pagtugon ng katawan sa hudyat ng pito
(whistle), gamit panimula sa pagtakbo (starting gun), o mga kagamitang tulad ng flag
sa pagtakbo ay isang halimbawa ng pagpapakita ng reaction time.

Hahatiin ang klase sa anim na pangkat. Bawat pangkat ay

bibigyan ng isang sangkap ng skill-related fitness. Bibigyan ng
laang oras ang bawat pangkat para umisip ng isang gawain,
laro/isports, at sayaw na lumilinang sa ibinigay na sangkap sa
____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ------------
grupo. Sa pamamagitan ng malikhaing presentasyon, ipapakita ng bawat pangkat ang
naisip na gawain, laro/isports, at sayaw. Huhulaan ito ng iba pang pangkat. Ang si-
numang makahula ay bibigyan ng karampatang puntos.

Ang agility (liksi), balance (balanse), coordination (koordinasyon),

power, speed(bilis), at reaction time ay mga sangkap ng skill-related fitness na
dapat linangin upang magawa ang mga kasanayan sa paglalaro, pag-
sasayaw, o mga gawaing pang-araw- araw nang buong husay. Ang mga
sangkap na ito ay bubuo sa wastong pagtupad ng kalusugang dapat mat-
amo ng bawat isa.
Sa pamamagitan ng pagbalik-tanaw sa mga sangkap na ito, ang lubos na
pag-unawa sa mga konsepto at kasanayan ay kinakailangan para sa
pagpapaunlad ng kaalaman sa physical fitness.

Suriin mo ang iyong sarili. Lagyan ng tsek ang damdaming

kumakatawan sa iyong sagot.

1. Nailarawan ko ang physical

activity pyramid.

2. Nasusuri ko ang sariling

kahinaan at kalakasan sa pa-
mamagitan ng paglahok sa
mga gawain ng physical ac-
tivity pyramid.

3. Napahahalagahan ko ang
kahalagahan ng pakikilahok
sa ganitong mga gawain.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ------------

Aralin 2

Paglinang ng Balanse

Sa yunit na ito ay tatalakayin at pagyayamanin natin ang kakayahang mag-

ing maunlad ang sarili sa mga physical fitness components upang mapanatiling
masigla at malakas ang ating katawan.Ang mga larawan sa itaas ay ilan sa mga
gawaing nagpapaunlad ng balanse ng katawan.Bilang mag-aaral ng ikaapat na
baitang ay taglay ninyo ang mga interes na linangin ang mga kasanayan upang
mapabuti ang antas ng kalusugan. Sa araling ito ay pag-aaralan ninyo ang mga
physical fitness components sa

Sa mga nakaraang aralin, natalakay natin ang mga sangkap ng skill-related

fitness. Ang balanse ay isa sa mga sangkap nito.Bakit mahalaga ang balanse sa
isang tao?Ito ay pagtutuunan ng pansin sa araling ito.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ------------

Gawain 1
Isulat sa flow chart ang mga laro, sayaw o gawain na lumilinang ng balanse

laro Isports

Pang araw-araw na gawain sayaw

Sagutin ang tanong:

1.Sa anong laro at gawain naipapakita at ginagamit ang balanse ng katawan?
2.Bakit mahalaga sa pang araw-araw nating gawain ang pagkakaroon ng balanse
ng katawan?

Isa sa mga sangkap ng physical fitness ay ang pagkakaroon ng balanse ng ka

tawan. Ang balanse ay ang kakayahan ng katawan na panatilihing nasa wastong
tikas at kapanatagan habang nakatayo sa isa o dalawang paa ( static balance)
kumikilos sa sariling espasyo at patag na lugar( dynamic balance) o sa pag-ikot sa
ere( in flight)

Isa sa mga halimbawa ng isports na lumilinang ng balanse ay ang skating,

skateboard, pagsasayaw ng ballet at pagtulay sa balance beam.Ang kasanayan sa
balance ay isang mahalagang sangkap para mapaunlad ang kakayahan ng katawan
at makagawa ng mga bagay nang may kahusayan.

Gawain 2. Paglinang ng Balanse “Backward Hop”

Ang susunod na gawain ay makatutulong sa paglinang
ng balanse. Sa tulong ng iyong guro, isagawa nang buong hu-
say at may ibayong pag-iingat ang gawain.

Ipapakita ng guro ang tamang pagsasagawa ng “Backward Hop”. Pagkatapos

ng pagsasagawa ng alituntunin ng“Backward Hop” hahatiin ang klase sa apat na
pangkat. Isasagawa ng bawat pangkat nang ilang ulit ang“Backward Hop” upang
maisagawa nang tama at malinang ang kasanayan.
____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ------------
Pamamaraan:
1. Gumawa ng limang hop nang patalikod gamit ang kanang paa,
habang bahagyang nakataas ang nakabaluktot na kaliwang
paa. Panatilihing nakapikit ang mga mata.
2. Sa huling hop, manatiling nakatayo sa kanang paa sa loob ng
tatlong segundo.
3. Ulitin sa kaliwang paa. Ulitin lahat nang tatlong ulit na nagsasalitan ang
kanan at kaliwang paa.

Ang paglinang sa gawaing pisikal ay isang mahalagang bahagi para

mapaunlad ang antas ng fitness ng isang tao. Ang balance ay mahalagang
sangkap ng kaangkupang pisikal (physical fitness) upang lubos na
makagawa ng gawain nang mahusay.
Ang backward hop ay isa lamang sa mga gawaing nakalilinang ng
balanse.

Lagyan ng tsek ang kolumn na kumakatawan sa iyong sagot.

Sobra-Sobra Sobra Sapat lang

1. Gaano mo nagustuhan ang

laro

2. Gaano kalakas ang iyong

binti sa pagsasagawa ng
backward hop ?

3. Naramdaman mo ba ang bi-

lis ng pintig ng iyong puso
sa pagtalon?

4. Nakatagal ka ba sa mga
pagsubok na ginawa?

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ------------

My Fitness Diary

Ilan sa mga kasanayang natutuhan ko sa gawain ay

Nakatutulong ang mga gawaing ito sa akin

upang____________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_____________________________________________

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ------------

Aralin 3
Paglinang ng Reaction Time

Ang mabilis na pagtugon sa senyales ng isang opisyal ng palaro tulad ng sa Di-

vision Meet gamit ang flag para sa larong shot put, ang putok ng starting gun sa larong
takbuhan, at ang mabilisang pagpapalapag ng bola sa paa ng isang gymnast ay mga
halimbawa ng ng reaction time.
Ang nakaraang aralin ay tumutugon sa paglinang ng balanse. Sa araling ito, ang
____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ------------
pokus na sangkap ng skill-related ay ang reaction time. Mahalagang matutunan ng isang
mag-aaral na kagaya mo ang kaalaman at kasanayan sa reaction time. Ang pagiging
alisto ay dapat linangin at mahalang ikaw ay may sapat na kakayahan sa reaction time.

Muling tingnan ang mga larawan. Naranasan na ba ninyong tumugon sa isang

pangyayari na mabilis naisagawa ang inyong reaksiyon?

Gaya ng naunang aralin, isipin ang mga laro at isports, sayaw, o pang-araw-araw
ninyong gawain na nagpapamalas ng inyong kakayahan sa reaction time. Sa talaan sa
ibaba, isulat ang mga gawaing ito at ipaliwanag kung paano mo nagagamit ang kaka-
yahan sa reaction time.
Sagutin ang mga sumusunod:
1. Anong laro o isports ang ginagamitan ng reaction time?
2. Sa anong sayaw naipapakita ang kasanayan sa reaction time?
3. Bakit mahalaga sa pang-araw-araw na gawain ang kasanayan sa reaction
time?

Laro at Isports Sayaw Pang-araw-araw na

Gawain

Ang reaction time ay ang kakayahan ng mga bahagi ng katawan sa mabilisang

pagkilos sa pagsalo, pag-abot, at pagtanggap ng paparating na bagay, o mabilisang
pag-iwas sa hindi inaasahang bagay o pangyayari.
Ang pagtugon ng katawan sa hudyat ng pito (whistle), gamit ang panimula sa
pagtakbo (starting gun), o mga kagamitan tulad ng flag sa pagtakbo ay halimbawa ng
pagpapakita ng reaction time. Sa larangan ng isports, lalo na sa paligsahan sa pag-
takbo, ang reaction time ay napakahalagang aspekto na dapat paunlarin upang ma-
tamo ang antas ng physical fitness.

Paglinang ng Reaction Time; Paper Drop

Ang susunod na gawain ay makatutulong sa paglinang
ng reaction time. Sa tulong ng inyong guro, isagawa nang buong
husay at may ibayong pag-iingat ang gawain.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ------------
Humanap ng kapareha. Kumuha ng isang
papel. Hawakan ito sa pagitan ng hinlalaki at hin-
tuturo tulad ng nasa larawan sa kanan. Kapag
binitawan ng iyong kapareha ang papel,
kailangang mahuli mo ito bago lumampas sa
iyong kamay gamit ang iyong hinlalaki at iba
pang mga daliri. Huwag mong ibababa ang iyong
kamay upang masundan ang papel.

Ang paglinang sa gawaing pisikal ay isang mahalagang bahagi para

mapaunlad ang antas ng fitness ng isang tao. Ang reaction time ay mahalagang
physical fitness component upang mahusay na makagawa ng gawain. Ang paper
drop ay isa lamang sa mga gawaing nakalilinang ng reaction time.

Ano ang inyong nararamdaman sa katatapos na pagsasagawa

ng paper drop? Naisagawa ba ninyo ito nang buong husay at
pag-iingat?
Sagutin ang sumusunod:
1. Bakit mahalaga ang reaction time?
2. Paano malilinang ang reaction time?
3. Ano-anong mga gawain ang nagpapakita ng kasanayan sa
4. reaction time?
5. Naisagawa mo ba nang buong husay ang paper drop?
6. Alin sa sumusunod na mukha ang inyong naramdaman sa
pagsasagawa ng paper drop? Kulayaan ito. Ipaliwanag ang sagot.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ------------
Laging isaisip na sa lahat ng ating pang-araw-araw na gawain ay ginagamit
natin ang kasanayan sa reaction time. Sa tulong ng isang kontrata, gumawa ng per-
sonal na kontrata para sa paglinang ng reaction time. Ipasa ang kontrata sa susunod
na pagkikita.

KONTRATA NG PAGBABAGO PARA SA PAGLINANG

NG REACTION TIME

Pangalan: ____________________________________________________
Pangkat: _______________________

Ako si, _____________________________ ay nangangakong pagbubutihin ang

kasanayan sa reaction time. Bilang pagtupad sa aking pangako, ako ay gagawa at
makikilahok sa mga gawaing makapagpapaunlad ng aking reaction time. (Isulat
ang mga gawain na makapagpapaunlad sa kasanayang nabanggit.)

1. ____________________________________________________________
2. ____________________________________________________________
3. ____________________________________________________________
4. ____________________________________________________________
5. ____________________________________________________________

___________________ ____________________
Lagda ng Mag-aaral Lagda ng Magulang

____________________
Lagda ng Guro

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ------------

Aralin 4
Pangunahing Kaalaman sa Sayaw na Cariñosa
(Karinyósa)

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ------------
Alam mo ba ang mga katutubong sayaw sa ating bansa? Ilan sa mga ito ang kaya
mong sayawin sa kasalukuyan?
Ang katutubong sayaw ay binubuhay sa puso at isip ng mga kabataang Pilipino
sa pamamagitan ng maraming kapistahan o festival sa iba’t ibang panig ng ating
bansa. Ito ay nagpapakita ng pagkakaisa, paniniwala, at kaugalian ng mga mamama-
yan sa iba’t ibang bayan o rehiyon.
Ang palagiang pag-indak ay makatutulong sa paglinang ng balanse, koordi-
nasyon, at mabilisang pagtugon (reaction time) para maging maganda at makabulu-
han ang pagkilos.
Sa araling ito, matututuhan mo ang mga pangunahing kaalaman sa sayaw na
Cariñosa. Inaasahang maibabahagi mo rin sa iba ang mga kaalaman at kasanayang
matutuhan mo sa sayaw na ito.

Lagyan ng tsek ang mga katutubong sayaw.

____ 1. Tinikling
____ 2. Pandanggo sa Ilaw
____ 3. Tiklos
____ 4. Ballet
____ 5. Maglalatik
____ 6. Tango
____ 7. Polka sa Nayon
____ 8. Boogie
____ 9. Bulaklakan
____ 10. Cha-cha

Isang sayaw ng lambingan ang karinyósa (cariñosa) na nagmula sa isla ng Pa-

nay sa Kabisayaan. Ang ikinatatangi ng sayaw na ito ay ang paglalangkap ng larong
taguan. Ang ibang bersiyon naman ay may suklayan at lagayan ng polbo sa mukha
ng magkapareha, katulad sa karinyosa ng San Joaquin, Iloilo. Gamit ang panyo o pa-
maypay, ang magkaparehang lalaki at babae ay nagagawang magtaguan at mag-
dungawan sa nakaekis na panyo sa kanilang pagitan. Ang karinyosa pandanggiyado
na mula sa Albay ay gumagamit naman ng pamaypay sa larong taguan ng sayaw sa
halip na panyo. Ang bersiyon ding ito ay sinisingitan ng hakbang na tinatawag na
binanog.
Gaya ng ipinahihiwatig ng salita, ang karinyosa ay isang impluwensiyang Es-
panyol. Karaniwang nása estilong balintawak ang suot ng kababaihan. Maaari ring
patadyong at kamisa. Mayroon ding nakasabit na pamaypay sa kanang baywang nila.
Barong tagalog naman ang suot ng kalalakihan at may nakatagong panyo sa kanilang
bulsa.
Nása batayang sukat na 3 ang musika at karaniwan itong tinutugtog ng ron-
dalya. (RCN) (ed GSZ) 4
____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ------------

Narito ang mga pangunahing hakbang pansayaw (basic

dance steps) na dapat mong matutuhan upang maisayaw mo
nang madali at maayos ang Cariñosa.
Sa pagsasayaw, tandaan ang wastong tindig bago mag-
umpisa. Ang kamay ng mga lalaki ay dapat nasa likod at sa mga babae naman ay
hawak ang gilid ng palda,
gamit ang hinlalaki at hintuturo lamang. Bahagyang ilayo ang kamay sa katawan
upang bumuka ang palda. Ang lalaki ay dapat nakatayo sa kaliwang bahagi ng babae,
na may isa hanggang dalawang talampakan ang layo.

1. Waltz Step
Musika: 3
4

Bilang: 1, 2, 3 sa isang sukat

Pamamaraan:
Ihakbang ang kaliwang (kanang) paa sa ikaapat na posisyon sa harap
(blg. 1) bago ihakbang ang kanang (kaliwang) paa palapit sa kaliwa (kanan)
sa uanahan o di kaya ay ilagay sa ikaapat na posisyon sa likuran (blg. 2) at
muling ihakbang ang kaliwang (kanang) paa sa ikaapat na posisyon sa harap
(blg. 3) . . . . . . . . . . . . …………………………………………………... . . .1 Sukat

2. Touch Step

Musika: 3
4

Bilang: 1, 2, 3 sa isang sukat

Pamamaraan:

1. Ituro ang kanang (kaliwang) paa sa ikaapat na posisyon sa harap (blg. 1),
ihakbang ang kanang (kaliwang) paa palapit sa kaliwa (kanan) sa unang po-
sisyon (blg. 2, 3). Ito ay madalas isinasagawa sa harap ……………… 1 Sukat
2. Ituro ang kanang (kaliwang) paa sa ikaapat na posisyon sa harap (blg. 1, 2)
bago ihakbang ang kanang (kaliwang) paa palapit sa kaliwa (kanan) sa unang
posisyon (blg. 3). Ito ay madalas ding isinasagawa sa harap …………. 1 Sukat

3. Waltz Turn
Musika: 3
4

Bilang: 1, 2, 3 sa isang sukat (2 sukat)

Pamamaraan:
____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ------------
1. Pagpihit ng katawan na may kainaman ang bilis: Gumawa ng dalawang
balseng hakbang-paikot sa pamamagitan ng paghakbang sa kanang paa (blg.
1), sa kaliwa palapit sa kanan (blg. 2), kanan balik sa harap (blg. 3) kung pa-
kanan; kaliwa (blg. 1), kanan palapit sa kaliwa (blg. 2), kaliwa muli sa harap
(blg. 3) kung pakaliwang pag-ikot . . . . . . . . . 1 Sukat
2. Mabagal na pagpihit ng katawan: Gumawa ng apat na balseng hakbang
upang makagawa ng isang kompletong pagpihit pakaliwa o pakanan . . . . . . .
. . . . . . . . . . . 1 Sukat
3. Kung mabilis na pagpihit naman ang gusto, gumawa ng balseng-hakbang,
pakanan o pakaliwa upang makagawa ng isang kompletong pagpihi...1 Sukat

Ang mga katutubong sayaw ay natutuhan natin mula pa sa mga

sinaunang Pilipino. Ang bawat sayaw ay nagtataglay ng mga galaw na
nagpapakita ng kaugalian ng partikular na pangkat-etniko sa bawat lugar
o rehiyon. Ang mga galaw na ito ay iba sa mga sayaw sa ibang bansa. Ang
mga ito ay nagpapakita ng sariling tatak ng kultura ng bawat rehiyon sa
Pilipinas.

Sa pagsasagawa ng bawat hakbang huwag kalimutan ang mga su-

musunod na paalala upang maisagawa nang tama at maayos ang mga ito.
1. Tiyakin na ang mga paa ay nasa tamang pwesto o posisyon sa
pagbanggit ng bilang (1,2,3)
2. Tiyakin din na ang bigat ng katawan ay nasa tamang paa habang
ginagawa ang hakbang pansayaw.
3. Kailangang sabay sa tempo ng musika ang pag-indayog ng bawat
galaw.

Lagyan ng tsek ang tapat

ng kolum na naglalarawan ng
iyong kakayahan, kaalaman o
damdamin.
1. Kaya kong ipaliwanag ang mga pangunahing
kaalaman sa sayaw na Cariñosa.
2. Mailalarawan ko ang mga kasanayang nakapa-
loob sa sayaw.
3. Kaya kong isagawa ang iba’t ibang hakbang at
kasanayang nakapaloob sa sayaw.
____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ------------
4. Nauunawaan ko ang kahalagahan ng pakikiisa sa
pagsasagawa ng mga gawaing pisikal tulad ng
pagsasayaw.
5. Naipapakita ko ang kasiyahan sa pagsasayaw at
ang
respeto sa aking mga kamag-aral habang isinasa-
gawa namin ang mga gawaing pisikal.

Sagutin ng buong husay ang mga sumusunod. Titik lamang ng tamang sagot ang
isulat sa patlang.
__________1. Ang Cariñosa ay nasa palakumpasang ___________.
A. 3
4
B. 2
4
C. 4
4

_________ 2. Ano ang karaniwang suot ng kalalakihan sa sayaw na ito?

A. Barong Tagalog
B. Kamisa
C. Maria Clara

_________ 3. Sa natutuhang sayaw, ano ang dalawang kasangkapang ginagamit?

A. panyo at pamaypay
B. payong at kawayan
C. basket at salakot

_________ 4. Aling pangunahing hakbang pansayaw (basic dance step) ang HINDI
ginagamit sa Cariñosa?
A. touch step
B. waltz step
C. change step

__________5. Bakit kailangan lagging nakataas ang baba (chin up) kapag
sumasayaw?
A. Upang hindi maka istorbo sa iba.
B. Upang mapanatili ang tamang tikas ng katawan.
C. Upang maihakbang ng tama ang sayaw.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ------------

Aralin 5

Kasanayan sa Pagsayaw ng Cariñosa

(Karinyósa)

Ang larawan ay hango sa video mula sa Youtube

Ito ay sayaw ng pagliligawan na kilala sa buong Pilipinas. Ang ibig sabihin

ng Cariñosa ay masintahin, mapagmahal, o kaibig-ibig. Ang mga mananayaw
ay may abaniko at panyo na ginagamit sa kanilang kilos na taguan at hanapan
at iba pang gawaing panligawan habang ipinahahayag ang kanilang pag-
mamahalan.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ------------

Noong nakaraang aralin, nalaman ninyo ang ilan sa mga basic dance steps na
ginagamit o isinasagawa sa sayaw na Cariñosa. Ano-ano nga ba ang mga ito? Ang
mga pangunahing hakbang pansayaw (basic dance steps) na ito ay gagamitin natin sa
pag-aaral ngayon ng bawat figure ng sayaw.

Bago tayo magpatuloy, maglalaro muna tayo. Mayroong mga katanungan sa

inyo tungkol sa pinagmulan ng sayaw na Cariñosa at sa mga katawagan sa sayaw.
Kapag ang inyong sagot ay titik A, doon kayo humanay sa may nakaposteng bata na
may hawak na letrang A. Kapag B naman ang sagot, doon kayo pumunta sa B, at
kung C naman, doon kayo pumunta sa C.

1. Ang sayaw na Cariñosa ay nagmula sa ____________.

A. Luzon
B. Visayas
C. Mindanao

2. Anong laro ang nakalangkap sa sayaw na ito?

A. takbuhan
B. taguan
C. lundagan

3. Sa pangalan pa lamang ng sayaw, masasabi na nating ito ay may impluwensi-

yang ___________.
A. Espanyol
B. Amerikano
C. Hapones

4. Ano ang dalawang kasangkapang ginagamit sa sayaw na ito?

A. panyo at pamaypay
B. payong at kawayan
C. basket at salakot

5. Ano ang batayang sukat o palakumpasan ng musikang ito?

A. 3
4
B. 2
4
C. 4
4

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ------------

Ang Cariñosa ay nasa palakumpasang 3, may dalawang bahagi: Musika A at

B at may bilang na 1, 2, 3 sa isang sukat . 4

Sa sayaw na ito, ang mga babae ay nakasuot ng Balintawak o patadyong at

kamisa. Ang mga lalaki naman ay karaniwang nakasuot ng Barong tagalog at kahit
anong kulay ng pantalon. Isang abaniko ang nakalaylay sa kanang tagiliran ng bay-
wang ng babae at ang lalaki at may panyo sa kanyang bulsa.

Ang abaniko ay isa sa mga Sagisag Kultura ng ating bansa. Mas malalim ang
iyong magiging pagkilala sa kagamitang ito kung matututuhan mo pa ang kahulugan
nito.
Mas kilalá sa tawag na pamaypáy, ang abaníko ay gamit para magbigay ng
hangin sa naiinitan lalo sa panahon ng tag-init. Ang abaniko ay orihinal na habi mula
sa ha-lamang abaniko (Balamcanda Chinensis o blackberry lily). Ito ay hugis sagwan,
puso o bilog kung permanenteng nakabukás. Marami na rin ang abanikong natitiklop
na gawa sa iba’t ibang materyales, katulad ng papel, balahibo, tela, plastik, at iba pa.
Hango sa salitâng Espanyol
(‘abanico’), ang abaniko ay sagisag
na ng pagkamalikhain ng mga Fili-
pino. Ang uri ng materyales na
gamit na may matitingkad na ku-
lay, at ang disenyo ng habi at hugis
ay nagpapahiwatig sa kulturang
Filipino na pinanggalingan nitó.
Halimbawa: ang abaniko ng mga
Ivatan (Batanes) ay hugis bilóg na
may mga tulis kada pagitang dala-
wang pulgada sa palibot at may
maliliit na bútas bagama’t masinsin
ang pagkakahabi ng parang yantok
na materyalea. Ang abaniko ng
mga Chavacano naman ay hindi
pangkaraniwan dahil ito ay may
dalawang gamit: pamaypay at sombrero. Kung pamaypay, ito ay naititiklop na katu-
lad ng gamit ng mga Espanyolang babae at Hapones; kung sombrero naman, ito ay
binubuksan at pinagdidikit ang magkabilang dulo para maihugis sombrero. Ang ma-
teryales ay batik na tela na nakadikit sa manipis at malambot na kawayan.
Bukod sa ang abaniko ay madalas na kaugnay ng baro’t sáya ng magagandang
dilag Filipina, marami ring kahulugan at mensahe ang naipapaabot sa pamamagitan
ng paghawak ng abaniko. Halimbawa, mensahe ng kahinhinan ang itakip ang ab-
aniko sa dibdib ng isang dilag; mensaheng pag-ayaw o pagkainis kapag namaypay

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ------------
nang mabilis ang isang babae; at sa eskrima, ang aksiyon ng pagbukás ng abaniko ay
signal ng kahandaan ng magkalaban sa martial arts. (PGD)

Handa ka na ba upang isagawa ang kabuuan ng sayaw?

Cariñosa

Kaayusan: Ang magkapareha ay nakatayo na magkatapat at magkaharap. Ang

babae ay nasa kanan ng lalaki kapag nakaharap sa mga manonood. Isa o higit pa sa
isang magkapareha ang maaaring sumali sa sayaw.

Pasimula
Musikang Pasimula:
Maghaharap ang magkapareha.
Gagawa ng tatlong hakbang paikot, pakanan sa lugar bago yuyuko sa ka-
pareha. Ang babae ay nakahawak sa tagiliran ng saya habang ang lalaki ay nakalagay
sa baywang ang mga kamay.

I
Tatlong Hakbang at Paturo
Musika A
1. Simula sa kanang paa, gumawa ng tatlong hakbang patagilid, pakanan (blg. 1, 2,
3). Ituro ang kaliwang paa sa harapan (blg. 1, 2, 3). Ang kanang kamay ay nasa
baligtad na “T” posisyon at ang kaliwang kamay ay nasa baywang. Magkumin-
tang sa kanang kamay kapag itinuturo ang kaliwang paa ………………….2 Sukat
2. Ulitin ang (a), magsimula sa kaliwang paa at humakbang patagilid pakaliwa. Ibal-
igtad ang posisyon ng mga kamay …………………………………………….2 Sukat
3. Ulitin ang (a) at (b) nang tatlong ulit pa ………………………………………12 Sukat

II
Paturo
Musika B
Maghaharap pa rin ang magkapareha. Sa kabuuan ng pigura, ang babae ay
nakahawak sa saya habang ang lalaki ay nakalagay ang mga kamay sa baywang.
1. Simula sa kanang paa, gumawa ng tatlong hakbang pasulong sa gitna (blg. 1, 2, 3).
Ihakbang ang kaliwang paa palapit sa kanan (blg. 1), sandaling tumigil (blg. 1, 2,
3)……………………………………………………………………………………2 Sukat
2. Gumawa ng apat ng “touch step” sa harapan, salisi ang kanan at kaliwang paa.
Tumingin sa isa’t isa……………………………………………………………. 4 Sukat
3. Simula sa kanang paa, gumawa ng apat na hakbang pasulong patungo sa lugar ng
kapareha, dumaan sa kanang balikat ng isa’t isa (blg. 1, 2, 3). Umikot pakanan at
humarap sa kapareha bago ilapit ang kanang paa sa kaliwa (blg. 1, 2 3)….. 2 Sukat
4. Ulitin lahat (1-3). Magtapos sa dating lugar 8 Sukat

III
Talikuran
____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ------------
Musika A.
1. Ang magkapareha ay magtatagpo sa gitna tulad ng sa pigura II (blg. 1, 2, 3). Iikot
pakanan upang ang likuran ang bahagyang nasa kanan ng kapareha (blg. 1, 2, 3).
Ang babae ay nakahawak sa saya at ang lalake ay nakalagay ang mga kamay sa
baywang…………………………………………………………………………..2 Sukat
2. Ituro ang kanang paa sa harapan at iwawasiwas ang kanang hintuturo sa kapareha
sa tapat ng kanang balikat, habang ang kaliwang kamay ay nasa baywang (blg. 1,
2). Hahakbang patagilid-pakanan upang pantay sa kapareha ang kaliwang balikat.
Ilagay ang kanang kamay sa baywang (blg. 3). Ulitin ito nang tatlong beses pa na
itinatama ang kaliwa, kanan, kaliwang paa at iwinawasiwas ang kaliwa, kanan,
kaliwang hintuturo nang salisi sa kapareha. Ang magkapareha ay nakatayo na
magkadaiti ang kanang balikat kapa gang kanang hintuturo ay iniwawasiwas sa
kapareha at sa kaliwang hintuturo ng daliri sa kapareha. Ang libreng kamay ay
ihahawak sa baywang (3 Sukat)…………………………………………………4 Sukat
3. Pumihit na pabalik at makipagpalit ng lugar sa kapareha tulad ng sa pigura
II (3)……………………………………………………………………………..…4 Sukat
4. Ulitin lahat (1-3) at magtapos sa dating lugar………………………………… 8 Sukat

IV
Taguan sa Pamaypay
Musika B
1. Magtatagpo sa gitna ang magkapareha tulad ng sa pigura II (1) ……………. 2 Sukat
2. Babae – Hahawakan at bubuksan ang pamaypay ng kanang kamay. Ituturo ang
kanang paa sa harapan at itatakip sa mukha ang pamaypay habang ang kaliwang
kamay ay nakahawak sa saya (blg. 1, 2). Ihahakbang ang kanang paa palapit sa
kaliwa at ibababa ang kanang kamay. (blg. 3). Ang lalaki naman ay salising ituturo
ang kanan at kaliwang paa sa harapan at titingnan ang kapareha sa ilalim ng pa-
maypay. Ang mga kamay ay nasa baywang………………………………… 4 Sukat
3. Magpapalit ng lugar tulad ng Pigura II (k) ……………………………………2 Sukat
4. Uulitin lahat (1-3) at magtatapos sa dating lugar ……………………………. 8 Sukat

V
Pagluhod at Pagpaypay
Musika A
1. Gagawa ng tatlong hakbang pasulong sa gitna simula sa kanang paa. Ang babae
ay hahawak sa saya at ang lalaki ay ilalagay ang mga kamay sa baywang (blg. 1,
2, 3).
Babae – luluhod sa kanang tuhod habang ang lalaki ay dadaan paikot sa kanan ng
babae upang tumayo sa kanyang likuran at nakaharap sa direksiyon na hinaharap
ng babae. Ang magkapareha ay ilalagay ang kamay sa baywang (blg. 1, 2,
3)……………………………………………………………………………………2 Sukat
2. Lalaki – Ituro ang kanan at kaliwang paa nang salisi sa harapan at titingnan ang
babae sa kabila ng kanyang kanan at kaliwang balikat nang magkasalisi. Ang ba-
bae naman ay pasalising titingin sa kapareha sa kabila ng kanyang kanan at kali-
wang balikat. Ang dalawang kamay ay nasa baywang ……………………. 4 Sukat

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ------------
3. Lalaki – Pipihit pabalik, pakanan. Magpapalit ng lugar tulad ng pigura II
(3)………………………………………………………………………………….2 Sukat
4. Uulitin lahat (1-3), ngunit ngayon ang lalaki ang siyang luluhod habang pa-
paypayan ng babae ang lalaki sa kabila ng kanan at kaliwang paa. Magtatapos sa
dating lugar …………………………………………………………………….. 8 Sukat

VI
Taguan sa Panyo
Musika B
1. Magtatagpo ang magkapareha sa gitna tulad ng pigura II (a) (blg. 1, 2, 3, 1). Ang
lalaki ay kukunin ang panyo sa kanyang bulsa. Hahawakan ng magkapareha ang
panyo sa mga sulok nito sa nakatayong posisyon sa pagitan ng kanilang mga
mukha na ang kamay ng lalaki ay nasa taas pantay-mukha (blg. 2, 3) …… 2 Sukat
2. Pasalising ituturo ng magkapareha ang kanilang kanan at kaliwang paa ng apat
na ulit tulad ng sa pigura II (b). Salit-salitan ding inaangat nila ang mga kamay
habang tangan sa magkabilang dulo ang panyong nakapagitan sa kanilang mga
mukha. Kapa gang kamay na lalaki ay nasa taas pantay-mukha, bahagya siyang
maniningkayad upang marungawan ang mukha ng babae; kapag nasa ibaba na-
man pantay-dibdib, panakaw pa rin siyang sisilip sa kapareha sa ilalim na tagiliran
ng panyo ………………………………………………………………………… 4 Sukat
3. Bibitawan ng babae ang panyo. Magpapalit ng lugar ang magkapareha tulad ng
pigura Ii (3) ……………………………………………………………………… 2 Sukat
4. Uulitin lahat (1-3) at magtatapos sa dating lugar. Ngayon hahawakan ng babae
ang panyo hanggang sa katapusan nitong pigura ………………………….. 8 Sukat

VII
Pag-aalembong sa Panyo
Musika A

1. Ang magkapareha ay tatayo na magkatapat ang kanang balikat sa isa’t isa. Simula
sa kanang paa gagawa ng walong balseng hakbang (waltz step) pasulong na
umiikot pakanan. Babae – Hahawakan ang panyo sa isang sulok nito at ilalagay
ang panyo sa kabila ng kanan at kaliwang balikat ng salisi tuwing sukat (measure)
kasabay ng paglilingon sa likod sa lalaki. Ang lalaki naman ay susunod-sunod sa
likuran ng babae at salising iuunat ang kanan at kaliwang kamay upang makuha
ang panyo sa babae …………………………………………………………….. 8 Sukat
2. Pipihit pabalik at uulitin ang (1) pakaliwa. Muling mangunguna ang babae at mag-
tatapos sa dating lugar…………………………………………………………..8 Sukat

VIII
Pag-aalembong

Musika B

1. Simula sa kanang paa gagawa ng dalawang balseng hakbang upang magtagpo sa

gitna. Ang mga bisig ng babae ay nasa magkaagapay na posisyon (arms in lateral
____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ------------
position) na patungo sa tagilirang kanan at kaliwa. Ang mga kamay ay nasa bay-
wang………………………………………………………………………………2 Sukat
2. Sa pangunguna pa rin ng babae, ang magkapareha ay gagawa ng anim na balan-
seng hakbang pasulong, pakanan gaya ng orasan. Gagayahin ang sa posisyon ng
kamay (1) ngunit ang mga daliri ng babae ay ipinapagaspas (flutter) ayon sa ritmo
habang salisihang nililingon sa ibabaw ng kanan at kaliwang balikat ang lalaki na
susunod-sunod nang malapit sa kanya ………………………………………. 6 Sukat
3. Pipihit pabalik. Uulitin ang (2) pakaliwa salungat sa orasan (counterclockwise).
Ang lalaki ngayon ang siyang nangunguna. Ang babae ay nakahawak sa saya ha-
bang ang mga bisig ng lalaki ay nasa magkaagapay na posisyon na ipinapagaspas
ang mga darili. Paminsan-minsan ang kikindat-kindatan ang babae. Magtatapos
nang magkaagapay. Ang babae ay nasa kanang tagiliran ng lalaki ……….2 Sukat

Pagyuko

Gagawa ng tatlong hakbang pagpihit sa kanan at yuyuko sa isa’t isa. Ang babae
ay hahawak sa kanyang saya habang ang lalaki ay ilalagay ang mga kamay sa bay-
wang ………… ..…………………………………………………………………….2 Sukat

Mahalaga sa pagsasayaw ang pagsaulo sa mga hakbang at mga ter-

mino ng sayaw. Makatutulong ang tama at palagiang pagsasanay upang
mapagbuti ang pagsasayaw at mapaunlad ang koordinasyon ng mga ka-
may at paa.

Tandaan din ang mga pagsasagawa ng mga sumusunod na paalala

habang isinasayaw ang Cariñosa:
1. Wastong tikas ng katawan habang sumasayaw na may kapareha.
2. Mag-umpisang sumayaw sa mabagal na tempo, at unti-unting
bumibilis.
3. Tiyaking naaayon sa panuto ng hakbang pansayaw.
4. Panatilihing nakataas ang baba (chin up) habang sumasayaw.
5. Huwag kalimutang ngumiti.

Nagawa ba ninyo nang maayos ang lahat ng mga

hakbang sa bawat figure ng sayaw? Saan kayo nahirapan at
saan kayo nadalian? Saan kayo nasiyahan at saan kayo
nakaramdam ng pagpababago sa katawan?

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ------------
Lagyan ng tsek ang hanay na angkop sa inyong kasagutan.

NARANASAN FIGURE
AT NADAMA
I II III IV V VI VII VIII
Nadalian
Nasiyahan
May pagbabago
Nahirapan

Marami sa mga batang katulad mo ang masyado na ang pagkahilig at pag-

gamit ng mga gadget. Kadalasan, ito ang nagiging dahilan kung kaya sila ay hindi na
nagagawang makisalamuha sa ibang mga bata upang maisagawa ang mga gawaing
pisikal tulad ng pagsasayaw. Bilang isang kaklase o kaibigan na may malasakit sa
kanila, paano mo ipaliliwanang ang kahalagan ng pagsasasayaw at ang benepisyong
dulot nito sa ating katawan ng pagsasayaw. Ano ang sasabihin mo sa kanila upang
sila ay iyong mahikayat?
Isulat sa kahon sa ibaba ang iyong kasagutan.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ------------
Aralin 6

Malikhaing Pagsayaw

Sa kasalukuyan, ang mga kabataang tulad mo na mahilig sa sayaw ay nakatuon
ang pansin sa mga makabagong sayaw kumpara sa katutubong sayaw. Nakabase ang
mga hakbang na iyong ginagamit mula sa mga napapanood sa telebisyon.
Ngunit kung iyong susuriing pagmamasdan, ang bawat hakbang na ginagamit
sa pag-indak ay hango pa rin sa katutubong galaw. Nagiging exaggerated lamang ang
kilos katulad ng paglalagay ng bounce sa mga ito at hindi simple katulad ng sa katu-
tubong sayaw.
Sa kabila nito, isa sa nakakahangang ginagawa mo ay ang paggawa ng sariling
hakbang sa pagbuo ng sariling sayaw. Ang palagiang pag-indak ay nakalilinang ng
iba’t ibang sangkap ng skill-related physical fitness.

Natatandaan mo pa ba ang Champ Moves? Muli ninyo itong sayawin kasabay ng

musika na papatugtugin ng inyong guro.
Ang Champ Moves ay isang magandang halimbawa ng malikhaing sayaw kung
saan ang iba’t ibang kilos sa mga isports na basketball, swimming, at iba pa ay naisa-
gawa sa paraang pasayaw. Sa sayaw-ehersisyong ito, isa-isahin mo pa ang mga kilos
isports na ginawang hakbang pansayaw bukod sa dalawang nabanggit.
1. ______________________
2. ______________________
3. ______________________
4. ______________________
5. ______________________

IPAGPATULOY NATIN

Ang pagkakaroon ng kasanayan sa paglikha ng mga kilos upang makabuo ng

sayaw ay magbibigay sa iyo ng kasiyahan at pagtitiwala sa iyong sarili.
Maraming pansimulang kakayahan ang dapat mong pagbalik-aralan upang
makagawa ng malikhaing pagsayaw. Una ay ang iba-ibang kumaps (beat) at ang ka-
nilang hulwarang ritmo (rhythmic pattern), pati na rin ang mga kilos na maaaring
itambal di to.
Narito rin ang mga element ng pagkilos na kailangan mong alalahanin:
1. Direksiyon
a. pasulong
b. paurong
c. patagilid, pakanan, o pakaliwa
d. pahilis
e. pataas t pabab
f. pa-ekis-ekis, atbp.
2. Bilis
a. mabilis
____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ------------
b. katamtamang bilis
c. mabagal
3. Antas
a. mataas
b. katamtamang baba
c. mababa
4. Hugis
a. bilog
b. tatsulok
c. parihaba
d. parisukat
e. habilog (oblong)
5. Laki
a. malaki
b. katamtamang laki
c. maliit
6. Lakas
a. malakas
b. katamtamang lakas
c. mahina

Kailangan mo lamang isagawa ang iba-ibang mga kilos na sinusunod ang mga
elementong nabanggit at lapatan ito ng ritmong 2, 3, at 4. Kung ito ay iyong naisagawa
4 4 4
na ginagamit ang kilos lokomotor, di-lokomotor, ikaw ay marunong lumikha o
magkoryograp ng sayaw. Dagdagan mo ito ng iba-ibang ideya o tema gaya ng pista,
pangyayari sa buhay, at iba pa upang higit na maging kahali-halina ang mga pagkilos
na ginagawa.

Gawain A. Sa saliw ng musika, papatugtugin ng inyong

guro ang awit na Martsa ng Lungsod. Sabayan ninyo ang pag-
awit upang lalong maunawaan ang nilalaman nito.

MARTSA NG LUNGSOD

Sa pusod nitong Nueva Ecija

May bayang maganda
Malinis, payapa’t tahimik
Pugad ng pag-ibig
Mga kasaysayang lumipas
Dito’y mababakas
Uliran at may panghalina
Cabanatuan kong sinta
(Ulitin)

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ------------
Refrain:
Bagong Cabanatuan
Na aming minamahal
Linis nitong bayan
Pinangangalagan
Tayo’y magsama-sama
Paunlarin ang bayan
Maliligayang araw
Ating makakamtan
(Ulitin ang refrain maliban ang huling linya)
….Cabanatuan, Mabuhay!

Gawain B. Magpangkat-pangkat at subuking lumikha ng mga kilos batay sa awit na

ipinarinig ng guro, ang “Martsa ng Lungsod ng Cabanatuan”. Maari mong gamitin
ang mga hakbang pansayaw na natutuhan mo na naaayon sa kaparehong ritmo ng
awit na ito tulad ng change step, heel and toe- change step, polka, bleking, slide step, gallop,
touch step, atbp. Huwag ding kalimutan ang mga sumusunod sa paglikha ng inyong
sayaw:

1. Panatilihin ang wastong tikas ng katawan habang sumasayaw.

2. Bigyang buhay ang damdamin ng awitin.
3. Tiyaking ito ay angkop sa kulturang Pilipino.
4. Huwag kalimutan ang tamang ekspresyon ng mukha (facial expression).

Ang likhang sayaw ay maaaring mabuo sa pamamagitan ng kom-

binasyon ng lokomotor at di-lokomotor na galaw. Higit itong kinagigiliwan
kapag ito ay sabay-sabay na ginagawa sa saliw ng tugtugin. Ang palagiang
pagsayaw ay may dulot na maganda sa kalusugan dahil napauunlad nito
ang physical fitness ng isang tao.

Maaaring gamitin ang mga napapanood sa telebisyon at sine, o

nababasa sa libro na pagbatayan ng tema sa paglikha ng sayaw.

Gamitin ang tseklist sa ibaba. Isulat sa unang kolum ang

mga hakbang pansayaw o batayang posisyon na ginamit ng in-
yong pangkat. Pagkatapos, lagyan ng tsek ang tumutugon sa
paraan ng iyong pagsasayaw.

1 2 3 4
Batayang Posisyon Hindi Bahagyang Lubos na Kahanga-

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ------------
Naisagawa Naisagawa Naisagawa hangang
Naisagawa
1.
2.
3.
4.
5.

Pumili ka ng iyong paboritong awit na OPM at lapatan ito ng iba’t ibang hakbang
pansayaw. Maaring sarili ninyong likha ang mga kilos na inyong gagamitin.

Ang OPM - Original Pilipino Music ay isa pa ring Sagisang Kultura ng ating
bansa kaya mahalagang mabigyang pagpapahalaga natin ang mga awit na ito kaysa
sa mga banyagang awitin. Narito ang ilang karagdagang kaalaman para sa iyo upang
sa paglikha ng mga sayaw ay OPM ang iyong musikang piliin.

Ang Original Pilipino Music o OPM ay isinilang sa panahon ng Batas Militar.

Noong dekada 1970, ang industriya ng musika ay hindi pumapabor sa mga lokal na
musiko at higit na pinapaboran ang pagsasahimpapawid ng popular na musikang
dayuhan. Ang musikong nagbigay-daan para sa pagkilala sa OPM ay ang bandang
Juan de la Cruz, na binubuo nina Joey “Pepe” Smith, Mike Hanopol, at Wally Gonza-
les. Nakilala silá lalo na sa kanilang awit na “Ang Himig Natin.” Ang titik ng awit ay
paglalarawan sa kalagayan at mithiin ng musikong Filipino sa panahong iyon at pa-
ghamong magkaisa upang maitanghal ang kakayahan ng mga lokal na musiko.
Sa panahon ding ito, tinangkang palaganapin ang kamalayang pangkultura ng ma-
mamayang Filipino. Itinayo ang Folk Arts Theater, Makiling High School for the Arts,
Philippine International Convention Center, at mas nauna pa rito, ang Cultural Center
of the Philippines. Noong 1975, ang Broadcast Media Council na B75-31 ay naglabas
ng isang resolusyong nag-uutos sa lahat ng estasyong panradyo na may programang
pangmusika na magpatugtog ng isang musikang Filipino bawat oras. Sa panahong
ito, nagsimula nang bumenta ang OPM na kinabibilangan ng musika nina Sharon Cu-
neta, Rico J. Puno, Nonoy Zuñiga, Leah Navarro, Celeste Legaspi, Florante, Mike Ha-
nopol, at mga grupong Apo Hiking Society, Hotdog, VST & Co.
Noong 1978, nagsimula rin ang Metro Manila Popular Music Festival o
Metropop, isang tagisan ng husay sa paglikha ng kanta na naglalayong iangat ang
musikang Filipino. Dito nagwagi ang Anak ni Freddie Aguilar na kinilala hindi
lámang sa Filipinas kundi sa Asia at Europa. Sa Metropop din isinilang ang bagong
henerasyon ng kompositor—sina Ryan Cayabyab, Vehnee Saturno, Louie Ocampo,
Odette Quesada, Heber Bartolome, Gary Granada at iba pa.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ------------
Sa panahon ng OPM ay umusbong ang iba’t ibang genre ng musikang Filipino.
Kabilang dito ang Pinoy folk, na kinakatawan ng grupong Asin; disco music tulad ng
“Annie Batungbakal” at “Bongga ka Day!” rock tulad ng “Laki sa Layaw” at “Nosi
Balasi”; at inspirational gaya ng “Lift Up Your Hands,” at “Lead Me Lord.” (RCN) (ed
GSZ)

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ------------

Aralin 7

Ang Pagsubok sa mga Sangkap ng

Physical Fitness (Post-Test)

UNANG ARAW NG PAGSUBOK

Ang araling ito ang pangwakas na gawain o culminating activity upang subuk-
ing muli ang antas ng iyong physical fitness. Sa araling ito, ang pagsubok sa mga
sangkap ng physical fitness o physical fitness test ay muling isasagawa upang malaman
kung ano ang estado ng iyong physical fitness kumpara sa naunang pagsubok o
pretest.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ------------

Muling pag-aralan ang iyong Physical Fitness Passport Card na naging talaan ng
iyong mga Pretest scores. Sa anong sangkap ka mahina o malakas? Ano-ano ang mga
gawaing pisikal ang iyong mga ginawa para mapaunlad ang mga sangkap na ito?

Bago mo itaya ang iyong sarili sa mga pagsubok sa mgasangkap ng physical fit-
ness, nararapat lamang na muli mong tandaan ang mga sumusunod para sa wastong
pagsasagawa ng mga alituntunin nito:
1. ang pagkuha ng heart rate (pulse rate)
2. ang tamang pagsasagawa ng pampasiglang ehersisyo
3. ang pagsusuot ng tamang kasuotan sa pagsubok
4. ang pagtatala ng resulta ng pagsubok sa Fitness Passport

Sa patnubay at gabay ng iyong guro, isagawa ang mga

pagsubok nang naaayon sa tamang alituntunin at kaligtasan.

UNANG ARAW NG PAGSUBOK

Humanap ng kapareha. Magsalitan sa paggawa at pagtala
ng resulta o iskor sa bawat pagsubok. Pakinggan ang panuto at
unawain ang bawat pagsubok.

1. 3-Minute Step Test (Cardiovascular

Endurance)– tatag ng puso sa tuloy-tuloy
na paghakbang
a. Gamit ang isang tungtungan o hagdan,
ihakbang ang kanang paa pataas. Ilapit
ang kaliwa sa kanang paa.
b. Ihakbang ang kanang paa pababa. Ilapit
ang kaliwa sa kanang paa.
c. Gawin ito sa loob ng tatlong minuto.

Hawakang muli ang iyong pulsuhan o sa may leeg sa ilalim ng panga at dam-
hin ang iyong pulso sa pamamagitan ng hintuturo at gitnang daliri. Sa loob ng la-
bing limang segundo, bilangin ang iyong pulse rate at i-multiply ito sa apat.

Bumilis ba ang iyong pulso? Bakit? Ano ang ibig sabihin ng iyong nakuhang
iskor? Mas mainam ba kung mababa o mataas ang
nakuha mong resulta o iskor?

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ------------
Sa oras na ito, sasanayin ang iyong tatag ng kalamnan. Gawin nang mahusay ang
panuto.

2. Partial Curl-up (Tatag ng Kalamnan) – tatag ng kalamnan sa

tiyan sa patuloy na pag-angat
a. Humiga ng nakabaluktot ang tuhod, ituwid ang braso, at ilagay
ang mga kamay sa hita.
b. Dahan-dahang abutin ang
iyong tuhod. Hindi kailangang
umangat ang iyong likod nang
tuluyan sa sahig.
c. Bumalik sa pagkakahiga.
d. Ulitin ang (a, b, at c) hanggang sa
makakaya sa loob ng isang
minuto.
Anong nararamdaman mo sa paggawa ng partial curl-ups? Nahirapan ka
ba o nadalian? Bakit?
Ang susunod ay ang pagsubok sa lakas ng iyong braso at dibdib. Handa ka
na ba?

3. Push-up (Muscular Strength) – lakas ng kalamnan sa braso at

dibdib sa patuloy na pag-angat
a. Dumapa sa sahig na nakatukod ang dalawang kamay na
kapantay ng mga balikat at nakatapat ng mukha. Itukod ang
mga paa.
b. Iunat ang mga braso at ituwid ang buong katawan.
c. Ibaluktot ang mga braso upang bumaba ang katawan at
lumapit ang dibdib sa sahig.
d. Iunat ang mga braso upang muling itaas ang katawan.
e. Ulit-ulitin hanggang makakaya.
f. Bilangin kung ilang ulit ang nagawa nang maayos.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ------------

Pareho ang pamamaraan sa mga babae bukod sa paa, kung

saan imbis ang paa ang nakatukod ay tuhod ang nakatukod.

Kapag ang indibidwal ay tumigil nang matagal bago gawin

ang kasunod na bilang, kailangan nang itigil ang pagsubok at ang
pagbibilang. Kailangan ding itigil na kapag naiiba na ang paraan
ng paggawa ng push-up (halimbawa: kapag naiiwan sa sahig ang
ibabang bahagi ng katawan).Balanse naman ang susubukin sa susunod
na mga
pamamaraan.

4. Stork Balance Stand Test (Balanse) – balanse gamit ang isang

paa lamang

a. Tanggalin ang sapatos at ilagay ang mga

kamay sa baywang.
b. Iangat ang isang paa at ilapat ito sa kabilang
tuhod na nakatuwid.
c. Tumingkayad gamit ang isang paa.
d. Sisimulan ang oras kapag nakatingkayad
na ang paa.
e. Ititigil ito kapag natanggal ang kamay sa
baywang, naalis ang nakaangat na paa sa
pagkakadikit sa tuhod, naalis sa puwesto
ang nakatingkayad na paa, o bumaba nang tuluyan ang paa
sa pagkakatingkayad.
f. Itatala ang oras na nagawa ito nang tama.

Maaaring gawin ito sa kabilang paa gamit ang parehong pamamaraan.

Maaaring maging magkaiba ang resulta o iskor na iyong makuha.

Ngayon, susubukan naman ang iyong bilis (speed) sa pamamagitan ng pag-

takbo. Sundan lamang ang mga pamamaraan sa tulong ng iyong guro.

5. 50m Run Sprint (Speed) – bilis ng pagtakbo patungo sa itinakdang lugar.

a. Sa hudyat, tumakbo nang mabilis mula sa panimulang lugar

hanggang sa itinakdang lugar na 50 m ang layo.
b. Sisimulan ang oras sabay ng hudyat at ititigil ito kapag nakarating na sa
itinakdang lugar ang tumakbo.
____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ------------

Mabilis ba ang iyong takbo? Ilang segundo ba ang nakuha mo? Alam mo
ba na ang pinakamababang segundo ang siyang pinakamabilis? Sino sa mga kamag-
aral mo ang pinakamabilis?

Limang Estasyon ng Pagsubok

Gawin ang sumusunod na mga pagsubok:

a. 3-Minute Step Test ( Cardiovascular Endurance)

b. Partial Curl-Up ( Tatag ng kalamnan)
c. Push Up (muscular Strength)
d. Stork Balance Stand Test ( Balanse)
____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ------------
e. 50 m Run Sprint (Speed)

Sa pagsasagawa ng mg pag-subok, ang 3-minute step test ang dapat

unang isagawa at siguraduhin na hindi pa pagod and susubok
nito. Huling gawin ang 50 m run sprint upang may sapat na pahinga ang
puso, hita, at binti. Ang partial curl-up, push-up, at stork balance
stand test ay maaaring gawin kahit hindi ayon sa pagkakasunod-sunod nito.

Gawin muli ang mga pagsubok at isulat ang iskor sa talaan

upang malaman kung ano ang estado ng inyong physical fitness
kumpara sa naunang pagsubok o pre-test.

TALAAN NG ISKOR NG PHYSICAL FITNESS

Pangalan: __________________________________________
Baitang at Seksiyon: ___________________________________
Edad: __________ Bigat: ____________(kg) Taas: _______(cm)
Guro: ______________________________________________
Pre-Test______________ Post-Test: _______________
(Petsa) (Petsa)
Mga Pagsubok PRE-TEST Puna POST-TEST Puna
1. Step-Test
Resting Heart Rate
(15 sec. x 4)
Pulse Rate
(15 sec.)x4
2. Partial Curl-up
3. Push-up
4. Vertical Jump
5. 50 m run sprint
6. Shuttle Run

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ------------

7. Alternate Hand
Wall Test
Kaliw Kanan Kaliw Kana
a a n
8. Ruler / Stick Drop

9. Sit and Reach

10. Stork Balance
Stand Test

Ipagpatuloy ang ikalawang araw ng pagsubok. Isaisip at tandaan ang mga ali-
tuntunin sa pagsasagawa ng mga pagsubok sa mga sangkap ng physical fitness bago
gawin ang mga pagsubok sa susunod pang araw.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ------------

Aralin 8

Ang Pagsubok sa mga Sangkap ng

Physical Fitness (Post-test)

PANGALAWANG ARAW NG PAGSUBOK

1
SHUTTLE
RUN

2
5
LIMANG ALTERNATE
VERTICAL
ISTASYON HAND
JUMP
NG WALL TEST
PAGSUBOK

4
3
SIT AND
RULER DROP
REACH

Natapos mo sa nakaraan aralin ang unang bahagi ng mga pagsubok. Katulad

rin ng inyong ginawa sa nasabing aralin, humanap ng kapareha at magsalitan sa pag-
gawa at pagtala ng resulta o iskor sa bawat pagsubok. Pakinggan mong Mabuti ang
mga panuto at unawain ang bawat pagsubok. Siguraduhin din na maisasagawa mo
ang sariling pag-iingat habang ginagawa ang bawat pagsubok para sa ikalawang
araw.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ------------

1. Shuttle Run (Liksi) – liksi ng pagkilos habang tumatakbo at naglilipat ng kahoy

mula at patungo sa itinakdang lugar.
a. Ilagay ang dalawang piraso ng kahoy o beanbag sa likuran ng isang guhit
na may layong 30 ft.
b. Ang mananakbo ay tatayo sa likuran ng kabilang guhit.
c. Sa hudyat, tatakbo patungo sa kabilang guhit at susubok at dadamputin
ang isang piraso ng kahoy o beanbag. Tatakbo pabalik sa kabilang guhit at
ilalagay ang piraso ng kahoy o beanbag sa likuran ng guhit.
d. Tatakbo pabalik muli, dadamputin ang ikalawang piraso ng kahoy o bean-
bag, tatakbo papunta sa kabilang guhit, ilalagay ang kahoy o beanbag at
tuluy-tuloy na tatakbo upang makalampas sa guhit.
e. Sisimulan ang oras sa hudyat at ititigil ito paglampas sa guhit.

Kamusta ang pagpapalit-palit ng direksyon ng iyong pagtakbo?

2. Alternate Hand Wall Test (Koordinasyon) – koordinasyon ng mga mata at kamay

gamit ang isang bolang pinapatalbog sa dingding.
a. Tumayo nang tuwid na nakastride sa harap ng isang dingding na may layong
2m.
b. Hawakan ang isang bola (tennis o baseball) at ihagis ito sa dingding na may
marka nang pailalim. Saluhin ito gamit ang kabilang kamay.
c. Gawin ito sa loob ng 30 segundo at itala ang bilang ng salo na nagawa.

Hindi ititigil ang oras kahit na hindi masalo ng sumusubok ang bola. Tuluy-
tuloy lamang ang oras. Nahirapan ka ba sa pagsalo ng bola? Ano ang paraang
ginawa mo para mas madali mong masalo ang bola?

Susunod naman ay ang pagsubok sa iyong reaction time.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ------------
3. Ruler Drop Test (Reaction Time) – bilis ng
reaksyon ng pagsalo ng ruler o meter stick na
nilaglag ng walang hudyat gamit ang mga daliri
a. Umupo sa tabi ng isang mesa at itukod
ang siko sa dulo nito. Siguraduhing
nakaunat ang bisig. Nakatayo sa harap
ang kapareha na may hawak na ruler o
meter stick.
b. Itapat ang hintuturo at hinlalakin (thumb)
sa dulo ng ruler o meter stick nang hindi ito
hina-hawakan habang ang kapareha ay sa
kabilang dulo ng ruler o meter stick nakahawak.
a. Bibitiwan ng kapareha ang ruler o meter stick nang walang hudyat. Saluhin
ang ruler o meter stick gamit ang mga daliri.
b. Gawin ito ng ilang beses (mga 5-10 beses) at kuhanin ang average score.

Kahit aling kamay ay maaaring gamitin sa pagsalo ngunit mas mainam kung ang
iyong kamay na pangsulat ang iyong gagamitin dahil mas sanay ka nang gamitin ito.
Dapat ay pareho nang handa ang tagahawak at tagasubok bago pa bitawan ang ruler
o meter stick. Mabilis ba o mabagal ang reaction time mo? Nag-improve ba ito sa mga
panghuling beses mo ng pagsubok dito?

Ang flexibility naman ang iyong susubuking alamin.

4. Sit and Reach (Kahutukan) – pag-unat sa abot ng

makakaya ng iyong kalamnan sa pata (likod ng hita),
binti, at likod
a. Umupo sa sahig na may panukat sa pagitan ng
mga binti. Iunat ang mga braso sa harap nang
magkapatong ang mga kamay. Itapat ang 0 na
marka sa dulo ng mga daliri.
b. Nang hindi niyuyugyog ang katawan patalikod at
paharap, iunat ang katawan paharap at pababa sa
panukat. Subukang mahawakan ito ng daliri.
c. Gawin ito nang dalawang beses. Itala ang average na iskor.

Malayo ba ang naabot mo? Nakaramdam ka ba ng sakit o kirot sa pata (likod

ng hita), binti, o likod? Bakit kaya?

Sa puntong ito, sasanayin naman ang lakas ng iyong mga hita at binti. Gawin
ang mga pamamaraan sa ibaba.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ------------
5. Vertical Jump (Power) – puwersa na maibu-
buhos sa pagtalon nang mataasHawak ang yeso
(chalk), tumayo sa tabi ng dingding na may
panukat.
a. Lumundag nang mataas sa abot ng
iyong makakaya at siguraduhing
maimarka sa dingding ang yeso
(chalk).
b. Gawin ito ng dalawang beses at itala
ang pinakamataas na nakuha.

Kahit aling kamay ay maaaring gamitin sa pagmarka sa dingding ngunit mas

mainam kung ang iyong kamay na pangsulat ang iyong gagamitin dahil mas sanay
ka nang gamitin ito. Dapat ay may sapat na taas ang dingding na gagamitin para
mailagay ang panukat.
Tumaas ba ang iyong talon sa pangalawang subok? Ano ang ginawa mo para
tumaas pa ito?

LIMANG ISTASYON NG PAGSUBOK

1
SHUTTLE
RUN

5 2
VERTICAL ALTERNATE
HAND
JUMP
WALL TEST

4 3
SIT AND RULER
REACH DROP

Tandaan na dapat mauna ang shuttle run para hindi pa pagod ang susubok
nito. Dapat namang mahuli ang vertical jump para may sapat na pahinga na ang mga
hita at binti pagkatapos ng shuttle run. Ang alternate hand wall test, ruler drop test, at sit
and reach ay maaaring mag-iba-iba ng pagkakasunod-sunod.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ------------

Bukod sa mga pagsubok na iyong ginawa, mayroong pang isang sangkap (com-
ponent) ng physical fitness na dapat bigyan ng pansin. Ito ang body composition. Ang isa
sa pinakamadaling paraan para ito ay masukat ay sa pamamagitan ng pagkuha ng
iyong timbang at taas. Ang paraang ito ay tinatawag na Body Mass Index (BMI). Si-
nasabi ng BMI ang rekomendadong timbang base sa taas ng isang tao.

Batay sa BMI, kung ang isang tao ay may masyadong mababang timbang at may
kataasan, maaari itong underweight habang ang isang taong may masyadong mabigat
na timbang at may kaliitan ay maaaring overweight naman. Kung katamtaman naman
ang iyong timbang na tama lamang para sa iyong taas, maaaring normal naman ang
iyong timbang. Tandaan na ang iyong taas ay mababago pa dahil ikaw ay patuloy pa
sa paglaki kung kaya’t mababago pa ang resulta ng iyong BMI.

Matapos na sumailalim sa fitness post-test, muling pag-ara-

lan ang iyong iskor at itala ito sa kolum ng post-test sa talaan sa
ibaba. Pag-aralang mabuti ang iyong iskor at ikumpara ito sa
iyong pre- test scores.

NG PHYSICAL FITNESS
Pangalan: __________________________________________
Baitang at Seksiyon: ___________________________________
Edad: __________ Bigat: ____________(kg) Taas: _______(cm)
Guro: ______________________________________________
Pre-Test______________ Post-Test: _______________
(Petsa) (Petsa)

Mga Pk PRE-TEST Pun POST-TEST Puna

a
1. Step-Test
Resting Heart
Rate (15 sec. x 4)
Pulse Rate
(15 sec.)x4
2. Partial Curl-up
3. Push-up
4. Vertical Jump
5. 50 m run sprint
6. Shuttle Run
7. Alternate Hand
Wall Test
Kaliwa Kana Kaliwa Kanan
n

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ------------
8. Ruler / Stick Drop
9. Sit and Reach

10. Stork Balance

Stand Test

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. May pagbabago ba sa resulta ang iyong pre-test at post-test scores?
2. Sa anong bahagi ng sangkap ng health-related fitness ka malakas? Mahina?
3. Sa anong bahagi ng sangkap ng skill-related fitness ka malakas? Mahina?
4. Sa iyong palagay, maituturing mo bang naging matagumpay ka sa mga pag-
subok? Paano at Bakit?
5. Ano ang kabuuang antas mo sa mga pagsubok na ito?

Ang pagsubok sa mga sangkap (components) ng physical fitness ay na-

katutulong upang malaman ang estado ng physical fitness. Mahalagang
matukoy kung anong sangkap ang napapaunlad nang mahusay ng mga
pang- araw-araw na gawain at kung anong sangkap naman ang dapat
pang pagtuunan ng pansin.

Ang layunin ng pre-test ay maitala ang kasalukuyang estado ng physi-

cal fitness
samantalang ang post-test naman ay tutukoy kung may naging pagbabago
sa antas ng physical fitness. Mahalagang matukoy ng isang indibidwal ang
estado ng kanyang fitness upang sa gayon magkaroon ng maayos na ka-
lusugan upang antas na ito tulad ng isports, laro, sayaw, at iba pa, at mag-
ing sa labas ng paaralan.

Ngayong natapos na ang post-test sa mga sangkap ng physi-

cal fitness, muling tingnan at pag-aralan ang mga resulta ng
iyong pagsubok. Sa talaan sa ibaba, isulat kung alin sa mga
pagsubok ang may naitalang pagbabago base sa mga iskor na
nakuha.

May Pagbabago Pareho ng Resulta Walang Pagbabago

ng Pre-Test

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ------------

Sagutin ang sumusunod:

1. Ano ang dapat mong gawin sa mga pagsubok na walang nagbago?
2. Ano naman ang dapat mong gawin sa mga resulta na kapareho ng pre-test?
3. Sa unang kolum sa talaan, bakit kaya nagkaroon ng pagbabago ang resulta
ng iyong pagsubok? Ipaliwanag.
4. Sa iyong palagay, ano pa ang mga dapat mong pag-ibayuhin upang ma-
paunlad pa ang iyong sarili para matamo ang pangkalahatang physical fitness?

Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng iyong kabuuang kaalaman at kasa-

nayan sa buong apat na yunit na natalakay. Ipakita mo rito ang iyong pagkilala sa
kahalagahan ng pagsasagawa ng mga gawaing pisikal at ang kasiyahan sa pakikiisa
sa mga kamag-aral habang nagsasagawa ng iba’t ibang kilos.

Ilarawan din kung ano pa ang mga gawain at mga kasanayan na dapat mong
pag-ibayuhin upang lubos na mabigyang halaga ang iyong physical fitness. Maging
malikhain.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ------------

SANGGUNIAN

2000 Sagisag Kultura ng Filipinas - Edisyong Agosto 2013 ( NCCA)

Adelito, Ancheta T. Physical Education 1- Physical fitness, Gymanstics & Sel-Testing

Activities 2007. CRJ Printing Corporation, Muntinlupa City

DepED-BEAM Distance Learning Program for Grade 6 Modules 18, 19, 21

Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan K to 12 (Baitang 4)

Google Images

Ferrer-Burton, Felice et.al Music, Art and P.E. 5 1997. Innovative Educational Mate-
rials, Inc. 2356 Syquia St., Sta. Ana, Manila

Nery, Merly H. et.al. Enhancing Skills through MAPE 5 2004 . Innovative Educa-
tional Materials, Inc. 2356 Syquia St., Sta. Ana, Manila

Pascual, Marissa C., et. al. Enjoying Life through Music, Art, Physical Education, and
Health

Reyes-Tolentino, Francisca, Philippine National Dances, 1990. Kayumanggi Press,

Quezon City Philippines

Reyes- Aquino, Francisca, Fundamental Dance Steps and Music 1952. Manila, Philip-
pines

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials

You might also like