Kasaysayan NG Edukasyon Sa Pilipinas

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

Ano nga ba ang ibig sabihin ng kurikulum?

Ang kurikulum ay disiplina sa paaralan, mga aklat at mga kagamitang ginagamit, paggawa
ng banghay-aralin, mga pagpapahalaga, mga pagsusulit at kung ano-ano ang itinuturo ng guro.
Ano ang sukatan sa edukasyon noong unang panahon?
Ang sukatan sa edukasyon noong unang panahon ay hango lamang sa karanasan dahil hindi pa
pormal ang edukasyon at hindi pa sibilisado ang Pilipinas. Natututo lamang ang mga Pilipino sa
pamamagitan ng mga karanasan at nang lumaon ay nahaluaan ng rehiyon ang edukasyon kaya
higit itong naging pormal at pinag-ukulan ng pansin.
Ano ang mga nadagdag na aralin sa kurikulum noon bago ang taong 1863?
Noon bago ang taong 1863? Nadagdag sa kurikulum ang kaalamang pangbokasyonal at
pantahanan. Nasama rin sa pang-elementarya ang pagbasa ng alpabeto, pag-aaral ng mga awitin,
at musikang pangrelihiyon at pagsulat. At halos ang nilalaman ng kurikulum ay tungkol sa
relihyon na ang wikang panturo ay wikang Kastila.
Ano ang layunin ng edukasyon noong panahong bago ang taong 1863?
Ang layunin ng edukasyon noong panahong bago pa lang nasasakop ng kastila ang Pilipinas na
maturuang bumasa ang mga kabataan upang maging huwaran sa kabutihan.
Ano ang nakasaad na kautusan pang-edukasyon noong panahong 1862 hanggang matapos
ang pananakop ng mga kastila?
Ang kautusan pang-edukasyon noong 1863 ang nagtakda na ang edukasyon sa Pilipinas ay
bubuuin ng elementarya, sekondarya at kolehiyo. At ang kurikulum noon ay nababatay sa mga
layunin ng mga Kastila para sa mga Pilipino.
Ano ang mga ituturo sa Ano ang mga ituturo sa elementary sa panahong ito?
Ang mga ituturo sa elementarya sa panahong ito ay pagsulat, matematika, heograpya,
kasaysayan, araling pangrehyon, wikang Kastila, musika, pagsasaka sa maga lalaki at pananasi
sa mga babae.
Ano ang mga ituturo sa sekondarya sa panahong ito?
Ang itinuturo naman sa sekondarya ay ang mga dagdag na araling para sa elementarya at may
mataas na paaralang pang-akademiko at pangbokasyonal.
Ano ang mga ituturo sa kolehyo sa panahong ito?
Sa kolehiyo ay may mga kursong binuksan tulad ng batas, siyensya, pilosopya at iba pa.
Bakit hindi naging matagumpay ang kurikulum noong panagon ng Amerikano?
Hindi naging matagumpay ang kurikulum noong panahon ng amerikano dahil sa kakulangan
ng aklat, guro, paaralan, at iba pang kagamitang pangturo, sa madaling salita kulang sa
kahandaan.
Ano ang mga pagbabagong ginawa ng mga amerikano sa kurikulum noong taong 1901
hanggang 1910?
Ipinakilala ng mga amerikano ang bagong kurikulum para sa intermedya at hinati ang baitang sa
mababang paaralan sa primerya sa unang tatlong taon at intermedya sa huling unang tatlong taon
at intermedya sa huling tatlong taon. Pinalitan din ang mga hindi pinakikinabangang aralin at
relihyon ang idinagdag.
Ano ang isinama ng mga Amerikano sa kurikulum sa taong 1910 hanggang 1919?
Nasama sa kurikulum ang pampalakas at nabuksan din ang dalawa hanggang apat na
taong kurikulum kasama na rito ang magtuturo.
Anong batas ang nagpaunlad sa edukasyon sa taong 1912 hanggang 1914?
Ang batas na Thirty-Miliion-Peso Act, 1918 ang palatuntunan ng edukasyon noong ito. Dumami
ang mga mag-aaral at nais magturo. Binago ang mga aklat upang ito ay makatugon sa
pangangailangan ng mga bata.
Ano ang naging batayan ng mga amerikano sa pagbago ng kurikulum noong taong 1924
hanggang 1936?
Naging batayan sa pagbabago ng kurikulum ang ulat na Monroe survey commission at  gumawa
ng hakbang ang mga kinauukulan upang ang pagtuturo, binago ang  pagtuturo, binago ang 
kurikulum at nilikha ang General Office upang siyang mangasiwa sa pag-aaral ng kurikulum.
Anong batas ang nakalutas sa mga suliranin sa edukasyon noong panahon commonwealth?
At ibigay ang mga nilalaman nito.
Education act of 1940, commonwealth act 586 ang nakalutas at ang nilalaman nito ay una
gawing maikli, matipid at makatotohanan ang kursong pang-intermedya at pangprimarya upang
makayanan ng mga mag-aaral, pangalawa ay para makayanan man lamang ng nakararaming bata
na matapos ang kursong pangprimarya, at ang panghuli ay maibigay sa mga magtatapos ng
primarya ang sapat na kaalaman at kakayahan sa pagbasa, pagsulat, pagtutuwid, heograpya,
kasaysayan ng Pilipinas at pamahalaan.
Ano ang ginamit ng mga Hapones upang maipaabot sa mga Pilipino ang kanilang mga
layunin?
Ang ginamit ng mga hapones para maipaabot sa mga Pilipino ang kanilang layunin ay edukasyon
at maging kasangkapan ito ng kanilang tagumpay sa pananakop ng Pilipinas. Ginamit na wikang
panturo ang wikang Hapones sa lahat ng antas ng paaralan. Gumamit din ang mga Hapones ng
mga aklat pero sinuri muna itong mabuti bago magkadigma.
Saan ibinatay ang kurikulum ng edukasyon sa taong 1950 hanggang 1971?
Hinango sa edukasyon ng Amerikano ang kurikulum sa mga taong ito. Sinikap ding
itong tumugon sa layunin ng edukasyong matatagpuan sa ating saligang batas. Kagaya sa
Artikulo II, sekyon 4 at Atrikulo XIV sekson 5.
Ano ang nakasaad sa artikulo Artikulo II, sekyon 4?
Ang nakasaad ay ang likas na karapatan at tungkulin ng mga magulang na mangalaga
ng kabataan para sa pagiging makabuluhang mamamayan ay nararapat na tulungan
ng pamahalaan.
Ano ang nakasaad sa Atrikulo XIV sekson 5?
Sinasabi sa Atrikulo XIV seksyon 5 na lahat ng mga institusyong pang-edukasyon ay nararapat
na mapaisailalim ng pamahalaan. Itatatag ng pamahalaan ang isang kumpletong edukasyon
pampubliko at ibibigay ang libreng pag-aaral sa primarya, gayundin ang edukasyong pangsibiko
sa mga matatanda. Layunin ng bawat paaralan na linangin ng mabuti pag-uugali disiplina
pangsarili, diwang sibiko, kasanayang pambokasyonal at ituro ang tungkulin ng isang mabuting
mamamayan.
Ang Wikang Pambansa sa Pana-Panahon
Ano ang ating wikang pambansa? Wikang Filipino ang ating wikang pambansa at hinango ito
sa iba’t ibang pangunahing wika sa iba-bang lugar.
Ano-ano ang mga pangunahing wika sa ating bansa?
Kabilang sa mga pangunahing wika ang Tagalog, Cebuano, Ilocano, Hiligaynon, Bicol, Waray,
Pampango, Pangasinense at Maranaw.
Panahon ng kastila
Ano ang pinalaganap ng mga kastila sa ating bansa at sino ang mga naging sagwil?
Ginusto ng mga Kastila na mabilis na mapalaganap ang Kristiyanismo kaya ipinag-utos ng  hari
ng Espanya na ituro ang wikang Kastila sa mga tinatawag nilang mga Indiyo ngunit ang  mga
pari rin ang naging sagwil dahil inakala nilang makakasama na matuto ang mga Pilipino ng  wika
ng mga ito.
Panahon ng Propaganda at Himagsikan.
Ano-ano ang mga naisulat sa panahon ng propaganda at himagsikan? anong wika ang
ginamit sa mga ito?
Sa panahong ito ng propaganda, maraming mga nasulat na panitikan ng wikang Tagalog. Ang
mga ito ay sanaysay, tula, kwento, liham at mga talumpati ng hitik sa damdaming bayan.Naisulat
din ang Kartilya ng Katipunan sa Wikang Tagalog.
Panahon ng Amerikano Pagkatapos ng Kastila
Sino ang sunod na sumakop sa Pilipinas at anong wika ang gustong matutunan ng mga
Filipino?
Nasakop na naman ng mga dayuhan ang Pilipinas at ito ay ang mga Amerikano. Sinabi ni
William Cameron Forbes na naniniwalang ang mga Kawal-Amerikano na
mahalagang matutunan kaagad ng mga Filipino ang wikang Ingles para mas mapadali
ang pakikipagtalastasan sa mga ito.
Ano ang artikulo ni N.M. Saleeby noong 1924 at ano ang nilalaman nito?
Ang artikulo ni N.M. Saleeby noong 1924 ay ´The Language of Education in the Philippine
Islandsµ at ang nilalaman nito ay nagwika siya na kailangan ng Pilipinas ang isang  wikang
pambansa na ibabatay sa isa sa mga bernakular at ito ay wikang Tagalog.
Panahon ng Malasariling Pamahalaan
Ano ang sinikap ni pangulong Quezon na mapasama sa ating saligang batas?
Ang Artikulo tungkol sa pagkakaroon ng Pilipinas ng isang Wikang pambansa at isinasaad sa
Arikulo XIV, Pangkat 3 ng naturang Saligang Batas na ang Kongreso ay gagawa ng  mga
hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa na mababatay sa isa sa mga umiiral
na wikang katutubo.
Ano ang naitatag ng batas ng Komonwelt bilang 184?
Ang batas ng Komonwelt bilang 184 nagtatag ng lupon na siyang magsusuri ng
wikang pambansa.
Sino-sino ang mga kabilang sa lupon?
Ang lupon ay binubuo nina:   Jaime C. de Veyra Bisaya Puno Santiago Fonacier Ilokano
Kagawad Casimiro Perfecto Bikolano Kagawad Felix Salas Rodriguez Bisaya Kagawad Felimon
Sotto Bisaya Kagawad Hadji Butu Maguindanaw Kagawad Cecilio Lopez Tagalog Tagatala
At nadagdag pa sa lupon ang mga sumusunod upang magkaroon ng kinatawan ang bawat
pangunahing wika ng Pilipinas. Lope K. Santos Tagalog Zoilo Hilario Pampango   Jose Zulueta
Pangasinense Isidro Abad Bisaya
Ano ang nagawa ng lupon?
Ang ginawa ng lupon pagkatapos pag-aralan kung alin sa mga wika ang sinasalita at nauunawaan
ng lalong maraming Filipino ay gumawa sila ng kaukulang rekomendasyon sa pangulong
Quezon na sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Bilang 134, ipinahayag na ang wikang
pambansa ay ibabatay sa isa sa mga umiiral na wikang katutubo at ito ay Tagalog.
Panahon ng Hapon
Ano ang ginawa ng mga hapon noong nasakop nila ang Pilipinas?
Ibig ng bagong sumakop na malimutan ng mga Filipino ang wikang ingles kaya ang ginawa nila
ay inalis sa kurikulum ang wikang Ingles at sapilitang itinuro ang wikang pambansa at ang
niponggo. Ngunit ang mga manunulat ng wikang Ingles at napilitang magsulat sa
wikang pambansa.
Panahon ng Republika
Ano ang batas na naisakatuparan noong Ika-4 ng Hulyo, 1946?
Isang batas ang pinagtibay ng Kongreso- ang batas ng Komonwelt Bilang 570 na nagtatadhana
na ang wikang pambansa ay magiging isa sa mga wikang opisyal ng Pilipinas.
Ang Filipino sa Bagong Lipunan
Ano ang sinabi ni Pangulong Marcos na palatuntunan ng linggo ng wika noong agosto 13,
1973?
Ang sinabi ni Pangulong Marcos ay pinatutunayan ng sarili kong karanasan na maaari na akong
makipagtalastasan sa ating mga kababayan saan mang dako ng kapuluan sa pamamagitan ng
wikang Filipino. Kailangan lamang natin pag-ibayuhin pa ang pagpapalaganap nito upang
pagsapit ng di-nalalayong hinaharap ay hindi tayo kailangang gumamit pa ng wikang banyaga
upang magkaintindihan. Ang pangarap ko ay makausap ko nang pinakaabang mamamayan saan
mang sulok ng ating bansa sa pamamagitan ng ating katutubong wika. At gayong sukatan at
mithiin ko rin na ang pinakaabang mamamayan na iyan ay tuwirang makapagpahayag ng
kanyang iniisip sa nadarama sa pamamagitan ng isang katutubong wika na bumuklod sa atin. Ito
ay wari ko ay unti-unti nang nagaganap sa pamamagitan ng wikang Filipino.
Mga Layunin Ng Edukasyon
Ano ang layunin ng edukasyon ayon sa Saligang Batas?
Ang layunin ng edukasyon ayon sa Saligang Batas ay ang paglinang ng kagandahang-asal,
disiplinang pansarili, budhing sibiko at kasanayang bokasyunal, at ang pagtuturo ng tungkulin sa
pagkamamamayan.
Ayon Sa Pahayag Ng Pambansang Lupon Ng Edukasyon
Sa kabuuan ano ang layunin ng edukasyon Ayon Sa Pahayag Ng Pambansang Lupon Ng
Edukasyon?
Ang mga layunin ng edukasyon ay maging relihiyoso, matalino, makabayan, makabuluhan, at
maibigin sa matwid, maging angkop manirahan sa lipunang demokratiko, maging masipag,
matipid at itaguyod ang mga siyensya, sining at panitikan.
Ayon Sa Pambansang Sanggunian Ng Edukasyon
Sa kabuuan ano ang layunin ng edukasyon Ayon sa pambansang sanggunian ng
edukasyon? Ang layunin ng edukasyon ay ikintal sa mamamayan na sila ay mga mamamayan
ng isang  republika at dapat ibigin ito at irespeto, maging matalino, malusog at hubog sa
magandang  kaasalan, kusang tumulong sa kababayan, matutunan na may responsibilidad na
patnugutan ang pamilya at makatulong sa pagiging sibilisado ng ating bansa.
Batas ng Kagitingan at Kagandahang-Asal ni Manuel L. Quezon
Sa kabuuan ano ang nakapaloob sa edukasyon?
Una ay ang pananalig sa dakilang lumikha, ibigin ang tinubuang lupa, igalang ang Saligang 
Batas, magbayad ng tamang buwis, ang kalinisan sa halalan, ibigin at igalang ang  magulang,
pahalagaan ang dangal, magpakatalino, magpakasakit, magsikap, tumulong sa kapwa, tangkilikin
ang produktong pinoy.

Mga Layunin Ng Edukasyong Elementarya


Ano ang mga layunin ng edukasyong pang elementarya?
Ang pagiging ispiritwal at sibiko, masanay sa kanilang karapatan, tungkulin at pananagutan sa
isang lipunang demokratiko, ang pag-unawa sa kulturang Filipino, ang pagtatag ng  kanais-nais
na gawi, paglinang sa karunungang bernakular, Filipino, Ingles at ang pagkakaroon ng batayang
kaalaman at kakayahan sa siyensya, at matematika, sining at gawaing edukasyon.
Mga Layunin ng Edukasyong Sekundarya (SEDP)
Ano ang layunin sa edukasyong sekundarya batay sa SEDP?
Maging matalino, malinang ang pagpapahalagang moral, ispiritwal, sosyo-kultural.at mapataas
ang operasyon sa intelektwal, makapili ng bokasyonal, at mapahalagaan ang sining, agham, at
teknolohiya.
Ang Pagtuturo Ng Filipino Sa Binagong Kurikulum
Ano ang mga dahilan sa pagrereistruktura ng Kagawaran ng Edukasyon sa Kurikulum?
Narito ang mga dahilan sa pagrereistruktura ng kurukukum:
1. Higit na magiging malikhain o inobatibo sa interdisiplinari ang mga guro sa kanilang
istratehiya sa pagtuturo.
2. Higit na mahahamon ang mga mag-aaral na makapag-isip nang kritikal upang mahikayat
silang magsikap na matamo ang kanilang interes o pangarap sa buhay.
3. Interaktib ang pinakaideyal na proseso ng pagtuturo at pagkatuto.
4. Magkakaroon ng resiprokal na interaksyon ang mga guro at mag-aaral sa iba’t ibang disiplina,
sa mga gagamiting kagamitang panturo at multi-media sources.
5. Kasangkapan ang wikang Filipino sa pakikipagkomunikasyon soyal at interpersonal at ito’y
behikulo sa pagtuturo ng mga disiplinang itinuturo sa Filipino.
Ibigay ang mga katangian ng pagtuturo ng Filipino ayon sa bagong kurikulum?
1. May integrasyon ng apat na makrong kasanayang pangkomunikasyon at mga kasanayan sa
pag-aaral.
2. Pinalalawak o pinayayaman sa pamamagitan ng integrasyon ng bokabularyo, mga
pagpapahalaga at mga kompetensi mula sa agham panlipunan at iba pang lawakng makabayan.
3. Nakapokus sa paglinang ng mga kasanayan sa akademikong wika at mga kasanayan sa
batayang komunikasyong interpersonal at sosyal.
4. Nakasentro sa pagtulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng akses na matutuhan
ang nilalaman anuman ang anyo nito- teksto, grap, ilusyon at iba pa.
5. May interaksyong mag-aaral upang mag-isip ng kritikal at malikhain sa target na wika.
6. Humahamon sa mga nag-aaral upang mag-isip ng kritikal at malikhain sa target na wika.
7. Binibigyang-diin ang aktibasyon at integrasyon ng dating kaalaman, gumagamit ng mga
alternatibong paraang ebalwasyon, kooperatib/ kolaboratibong pagkatuto, scaffolding at
paglinang ng mga estratehiya sa pag-aaral.
Kasalukuyang Kalagayan ng Pagtuturo ngFilipino sa Batayang Edukasyon
Ang Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya sa Batayang Edukasyon Ibigay ang deskripsyon ng
pagtuturo ng Filipino sa elementarya sa batayang edukasyon. Lumilinang sa pakikinig,
pagsasalita, pagbasa, pagsulat at pag-iisip ang asignaturang Filipino at higit sa lahat ay ang
kasanayan sa pag-iisip mga sitwasyonal din ang ginagamit para sa lubusang pagkatuto.
Ibigay ang pagbabago sa mga kasanayan o kompetensi sa pagkatuto.
1. Pagsasaayos, pagbabawas at pagpapangkat sa kasanayang magkakatulad upang maiwasan ang
pag-uulit-ulit ng mga ito.
2. Pagtuon sa mga tiyak o batayang kasanayan.
3. Pagbibigay diin sa pagbasa at pakikipagtalastasan para sa pag-unawa sa mga
batayang kaisipan o konsepto sa matematika at agham.
Ano ang nabago sa oras ng pagtuturo sa asignaturang Filipino?
1. Para sa Baitang I-III, ang pang-araw-araw na pagkakabahagi oras ay 80 minuto samantalang
ang baitang IV-VI ang nakabahagi ay 60 minuto.
2. May dagdag na 20 minuto sa baitang I-III.mula 60 minuto na naging 80
minuto.walang dagdag sa baitang IV-VI.
Ano ang pamaraang pagsasanib o Integrative method?
Ang pamaraang integrative ay ang pagsasanib o pag-uugnay ng limang kasanayan sa
isang aralin, kung saan sama-sama o sabayang nalilinang ang limang kasanayan sa mga mag-
aaral.
Ano naman ang content-based integration?
Ito ay ang pagsasanib ng tiyak na kasanayan sa Filipino sa nilalaman o konsepto ng
ibang asignatura katulad ng Filipino at Sibika.
Paano naman ang interactive approach?
Mahalaga para isang makabuluhang interaksyon o meaningful interaction kasi mas natututo ang
mag-aaral sa paggawa. Isang gawaing sama-sama ay isa ring pwedeng gawin sa pagtuturo.
Ang Pagtuturo Ng Filipino Sa Sekundarya Sa Batayang Edukasyon
Ilahad sa kabuuan ang pagkakabalangkas ng RBEC sa asignaturang Filipino.
Maayos ang pagkakabuo/pagkakabalangkas ng RBEC sa asignaturang Filipino sapagkat hindi
lang ang kapakanan ng mga mag-aaral ang isinaalang-alang dito kundi pati rin ang  kapakanan
ng guro kasi sa tulong ng ready made na banghay-aralin ay napapanahon at naaangkop sa lebel
ng pag-unawa ng mga mag-aaral, lalong-lalo na sa ikaapat na taon. Hindi na nauubos ang oras ng
guro sa paggawa ng banghay aralin dahil sa less talk na ang guro sa loob ng klase.
Ano ang thematic Curriculum?
Ang thematic Curriculum ay isang set ng mga organisadong karanasan gaya ng programa, kurso
at iba pang mga gawain pampaaralan na naglalaan sa mga mag-aaral sa higit na malawak at
pangnilalamang tema. Ang Modelong BATAY sa Tema o Paksa ng Pag-aaral (Theme or Topic
Course Model)
Saan nakatuon ang pansin sa modelong ito?
Nakatuon sa mga paksa o tema nang naayon sa kurikulum. Tunguhin nitong tulungan
ang pangkalahatang mga kasanayang pang-akademiko sa wika sa pamamagitan ng nilalamang
may kaugnayan sa paksang ituturo.
Ang Modelong Magkakahiwalay (Sheltered Courses Model) Paano isinasagawa ang
modelong magkakahiwalay?
Isinasagawa ang modelong ito sa paghihiwalay ng mga mag-aaral na gumagamit
ng pangalawang wika sa mga gumagamit sa unang wika para lubusang maintindihan ang
nilalaman ng kurso.
Ang Modelong Magkasanib (The Adjunct Model) Paano isinasagawa ang modelong
magkasanib?
Isinasagawa ito sa pag-eenrol ng mag-aaral sa dalawang magkaugnay ng asignatura at
nagbabahaginan na lamang ng nilalaman at nakadipende na ito sa koordinasyon ng nagtuturo.
Ang pagdulog sa pagtuturong batay sa nilalaman (content based instruction o CBI) Saan
nakapukos ang pagkatuto ng mag-aaral?
Nakapokus ito hindi lamang sa pagkatuto, kundi sa wikang gamit bilang midyum sa pagkatuto
ng matematika, agham panlipunan at iba pang asignaturang pang-akademiko.
Ang Cognitive Academic Learning Approach (CALA) Ano-ano ang mga estratehiya sa
CALA?
1. Ang estratehiyang metakognitib. Ito·y tumutukoy sa pagkakaroon ng kamalayan, kaalaman at
kasanayan sa pagkontrol sa sariling proseso ng pagmomonitor at produksyon, sa pagtaya kung
paano natamo ang layunin sa pagkatuto.
2. Ang estratehiyang kognitib. Ito·y interaksyong may kasamang material o paggawa ng imaheng
mental, pagbabahagi ng bagong impormasyon sa dati nang natutuhang konsepto o kasanayan.
3. Ang estratehiyang sosyo-apektib. Ito·y interaksyon sa iba pa upang makatulong sa kanyang
pagkatuto.

Mga Kasanayan sa Pagbuo ng Pangkat


Paano makakabuo ng isang pangkat na makabuluhan?
Mabubuo ang isang pangkat sa pagtuturong tulong-tulong ay kailangan ang tagamasid, tagatala,
tagatanong, tagalagom, tagapanghikayat, tagalinaw, tagabuo at tagatakda.
Mga Kasanayan sa Paglutas ng problema Ano ang mga hakbang sa paglutas ng problema
bilang isang pangkat?
Una ay ang pagbuo ng sulirain, brainstorming, paglinaw ng mga iseya, pagsangayon sa mga
ideya, pagpapalawak ng mga ideya, pagbuo ng impormasyon at ang paghahanap ng solusyon sa
problema.
Ang Mga Estratehiya sa Pagkatutong Tulong-Tulong 
Ibigay ang mga istratehiyang sa pagkatutong tulong-tulong.
1. Pagsasatao o role playing ang una kung saan nabibigyan ng pagkakataon ang bawat mag-aaral
at lider ng pangkat.
2. Think, pair, share ay maghahanap ng kapareha ang mag-aaral para makipagpalitan ng ideya,
magrebisa ng mga ideya at maibahagi ang mga ito sa buong klase.
3. Brainstorming ay nakabatay sa interaksyon at pidbak ng mga mag-aaral, guro at pangkat.
4. Ang graphic organizer ay isang estratehiya kung saan layunin nitong mapagsunod-sunod at
mailahad ang impormasyon upang higit na maunawaan, matandaan at mailapat sa buong klase.
Ang Filipino sa Batayang Antas ng Edukasyon
Ibigay ang kalakaran sa pagreporma ng kurikulum.
Ang kalakaran sa pagreporma sa kurikulum at pagtuturo ng wika ay karaniwan nang  sumusunod
sa mga kalakaran sa wika at sa mga pagbabagong bisyon ng pamahalaan at ng mga pangunahing
ahensya na may kinalaman at interesado sa edukasyon.
Ang Kurikulum ng Batayang Edukasyon ng 2002 Ano ang bisyon ng DepEd?
Ang bisyon ng DepEd ay luminang ng mag-aaral na Pilipino sa mga sining at isports at may
halagahan ng isang mamamayang makakalikasan, makatao at maka-Diyos.
Ang Kurikulum ng Filipino sa Antas Elementarya
Ano ang layunin ng pagtuturo ng Filipino sa elementarya?
Layunin ng pagtuturo ng Filipino sa elementary na linangin ang apat na makrong kasanayang 
pangwika: pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat gayundin ang pag-iisip, sa mga baiatang I-
VI, ang mga tiyak na kasayanang ito ay lilinangin sa mga sitwayong  pangkomuniskasyon, gamit
ang mga iba·t ibang material tungo sa pagkakaroon ng masteri.
Ang Filipino sa Antas Sekundarya
Saan nakapokus ang Filipino sa antas sekundarya?
Ang una at ikalawang taon ay nakapokus sa masusing pag-aanalisa at pag-aaral ng mga tiyak na
instrukturang gramatikal ng Filipino biulang wika sa pamamagitan ng maunawang pagbasa ng
iba·t ibang teksto. Sa ikatlo at ikaapat na taon naman ay idedebelop ang mga kaalaman at
kasanayang pampanitikan.
Bukod sa itinuturing na asignatura ang Filipino ano pa ang gamit nito? Itinuturing itong
hindi lamang isang asignatura kundi instrumento rin ito para matuto ang mag-aaral ng marami
pang bagay bukod sa Filipino.
Mga Kaganapan sa Interaktibong Klasrum
Ano-ano ang mga alternatibo at awtentikong material na magagamit sa loob ng klasrum?
Una ay ang audio tape kung saan ang mga mag-aaral ang magmamanipula.
Pangalawa ang pagrorole play dahil sila ang gagawa at magpapakita ng kanilang talent at ang
Pangatlo ay gamit ang video kung saan manonood ang mga mag-aaral at oobserbahan nila ito ng
berbal at di-berbal.
Ibigay ang mga hakbang para sa kooperatibong pagkatuto.
a. Ilahad ang tungkulin ng gawain.
b. Ilahad ang impormasyon.
c. Pangkatin ang mga mag-aaral.
d. I-monitor ang mga pangkat.
e. Ipalahad sa pangakat ang resulta ng kanilang gawain.
f. Kilalanin ang pagsisikap ng indibidwal at pangkat, gayundin ang kanilang natamo.  
g. Paalaanan ang mga gawaing lilinang sa iba’t ibang katalinuhan.
h. Pagsanibin ang kahalagahan sa pagtuturo at aplikasyon ng mga pagpapahalagang ito.
Ano nga ba ang katangian ng bagong kurikulum?
Ang mga katangian ng bagong kurikulum ay ito’y interaktib, kolaboratib, at integratib at ito’y
nakapokus sa batayang kasanayan at halagahan at lumilinang ng iba’t ibang katalinuhan.
Ang Pagtuturo ng Wika sa batayang Edukasyon
Aminin Man Natin o Hindi Ano-ano ang mga naobserbahan ni Arturo Cabuhat na nabanggit din
ni Resuma na dapat nating aminin?
1. Pag-uulit-ulit na itinuturo mula elementarya hanggang tersyarya ang istrukturang gramatikal
sa paraang hindi nagsasawa ang guro ng linggwistik na pagsusuri at pag-aanalisa.
2. Hindi naihanda ang mga bayatang lebel ng mga estudyante tungo sa pagpapalawak
ng kaalamang kinakailangan sa kolehiyo.
3. Hindi lunos na nadedebelop ang mga kakayahang gramatikal, sosyolinggwistik, diskorsal ng
mga component ng kasanayang komunikatib.
4. Hindi nabibigyang-diin ang pagdedebelop sa mga kasanayan at kaalamag kabilang sa iba’t
ibang lebel komprehensyon.
5. Hindi lubusang nakakatulong ang paggamit ng Filipino upang matutuhan ang ibang sabdyek
na Filipino ang Wikang panturo.
Gusto Man Natin o Hindi Ano ang dapat nating gustuhin sa pagtuturo ng Wika?
Ang dapat nating gustuhin ay ang pagtuturo sa Wika gamit ang bagong kurikulum dahil
kailangang maging panilyar sa BEC ang lahat ng guro sa Filipino bilang implementor
ng napapanahong bagong akademik na ito.
Ano nga ba ang pokus/tiyak na layunin/inaasahang bunga sa lebel 1-3?
Ang mga kasanayang makro ay idedebelop sa mga komunikasyong sitwasyonal sa tulong ng
iba’t ibang gradwadong material tulad ng mga tugma, dyinggel at iba pa.
Ano nga ba ang pokus/tiyak na layunin/inaasahang bunga sa lebel 4-6?
Idedebelop naman angkasanayan ng mga mag-aaral na gamitin ang Filipino sa malikhain at
kritikal na pag-iisip upang maging epektibonf komunikeytor.
Ano nga ba ang pokus/tiyak na layunin/inaasahang bunga sa lebel 7-8?
Pokus ng pag-aral nito ang masusing pag-aanalisa at pag-aaral sa mga tiyak na instrukturang
gramatikal sa pamamagitan ng maunawang pagbasa ng iba’t ibang teksto.
Ano nga ba ang pokus/tiyak na layunin/inaasahang bunga sa lebel 9-10?
Idedebelop ang higit na komplikadong kasanayan sa akademikng wika at mapanuring pagiisip sa
pamamagitan ng kritikal na pagbasa at pag-unawa ng iba·t ibang genre ng panitikang local,
rehiyunal, pambansa at Asyano.
Ano ang mga proseso sa isang linggong aralin?
Unang sesyon-: paglalapit ng teksto sa mambabasa
Ikalawang sesyon: pagsusuri ng nilalaman ng teksto
Ikatlong sesyon: pagsusuri sa teksto batay sa ispesipik na karakteristik at uri
Ikaapat na sesyon: pagsusuring gramatikal
Ikalimang sesyon: ebalwasyon
Tanggapin Man Natin o Hindi Ano ang mga unti-unting nakakamit sa pagbabago ng
kurikulum sa loob ng klase?
Ang mga unti-unting nakakamit na katangian sa pagbabago ng kurikulum sa loon ng klase ay
demokratib dahil hindi na one way ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto, partisipatib at
kooperatib dahil aktib ng nakikikahok ang mga mag-aaral sa proseso konsultatib at kolaboratib
dahil hindi na monopolisado ng guro ang loob ng klasrum, pasiliteytib dahil ang guro ang siyang
tagapagpadaloy ng proseso, integratib dahil naisasama ang lahat ng makrong kasanayan at
interaktib dahil napapalawak ang  interaksyon ng mga mag-aaral sa kapwa mag-aaral.
Ano ba ang dapat nating tanggapin?
Tanggapin na natin ang mga ginawang pagbabago sa kurikulum dahil mas maganda ang mga
proseso ng pagkatuto ng mga mag-aaral at tanggapin din natin na nakaatang sa ating balikat ang
malaking responsibilidad.
Ang Pagtuturo ng Panitikan sa Batayang Edukasyon: Pokus sa Pagsusuri ng mga Akdang
Papanitikan
Ano nga ba ang batayan sa katalinuhan ng isang mag-aaral?
Naging maluwag na kasi ang pagsasabi ng magaling sa mga tanong na nasisimula sa sino, ano,
alin, kailan, saan tungkol ang itinakdang aralin sa panitikan kaya ang alam ng  mga mag-aaral ay
magaling na sila sa larawan ng panitikan. Hindi iyan ang dapat na batayan sa katalinuhan ng
isang mag-aaral.
Paano nga dapat ituro ang panitikan sa batayang edukasyon?
Dapat ang pagtuturo ng panitikan sa edukasyon ay magkaroon ng panibagong interaksyon ang
mga mag-aaral sa kapwa mag-aaral o kaya·y sa ibang material na pwedeng matutunan ng mag-
aaral ang pagsuri sa panitikan. Ibigay ang mga hakbang para sa pagkatuto sa mga akdang
pampanitikan. Unang sesyon: paglalapit sa mga akda sa mga mag-aaral Ikalawang sesyon:
pagsusuri sa akda Ikatlong sesyon: pagpapahalaga Ikaapat na sesyon: paglikha Ikalimang sesyon:
ebalwasyon
Sino nga ba ang bida sa loob ng klasrum?
Ang napatunayan ko lang ay hindi na monopolisado ng guro ang karunungal at kaalaman, dahil
ang estudyante ay nilikhang nag-iisip at nagsasaliksik kung kaya·t may nalalaman siyang hinsi
alam ng guro at kung aariin lahat ng guro ang mga kaalamang  lagpas sa ating pinag-aralan ay
mawawala kaya dapat ang ibida sa loon ng klase ay ang  dalawa.
Ibigay ang iba·t ibang kompetensis ayon kay Blooms Taksonomi.
Una ay ang kaalaman kung saan matatagpuan ang mga sagot sa binasang akda.
Pangalawa ang komprehensyon kung saan mas angat ng konti kaysa kaalaman kasi inuunawa ng
mga mag-aaral ang akda,
Pangatlo ang aplikasyon kung saan naman ay inaaplay na ng mga mag-aaral ang kanilang
natutunan.
Analisis naman ang ikaapat kung  saan susuriin ang akda at sintesis ang
Panglima dahil pagsasama-samahin ng mag-aaral ang kanilang nalalaman at ebalwasyon ang
panghuli ang pinakamataas na kompetensis kung saan paghahambingin ang mga ideyang nabuo.
Kooperatib-Kolaboratib Na Estratehiya Tungo Sa Interaktib Na Pagtuturo Ng Filipino
Ano ang pinagkaiba ng metodo at estratehiya?
Kung titingnan natin sa diksyunaryo ay magkapareho lamang ito ngunit kung susuriing mabuti
ay magkaiba dahil ang metodo at naipailalim sa mga iba’t ibang estratehiya.ang estratehiya ay
tumutukoy sa mga metodong ginamit sa pagtuturo.
Ano nga ba ang pinakaepektib na estratehiya sa pagtuturo?
Walang isang tamang estratehiya sa pagtuturo sa isang partukular na leksyon dahil nakadepende
pa rin sa karanasan at kaalaman ng isang guro sa pagtuturo ng leksyon.
Mga Karaniwan at Pinakagamitin naEstratehiya sa Pagtuturo ng Wika
Ilahad ang mga iba’t ibang estratehiya ng pagtuturo.
Direktang pagtuturo. Epektib ito para sa mga ispesipik na katotohanan o facts.
Lektyur Ginagamit ito sa malalaking pangkat para sa maakomodeyt lahat ng mga mag -aaral.
Lektyur na may diskasyon. Halos ginagamit ito sa seminar at naiinbolb ang mga estudyante
pagkatapos ng lektyur.
Diskasyon. Ginagamit ito pagkatapos manood ng film para matipon-tipon ang mga ideya na
obserbahan ng mga mag-aaral.
Diskasyon Ng Maliit Na Pangkat. Nabibigyan ng pagkakataon ang estuyante para
maibigay ang nalalaman tungkol sa paksa.
Panel Ng Mga Eksperto. May mga magsusuri sa mga ginagawa ng mga mag-aaral
at pwedeng magtanong at magbigay ng suhestiyon sa output.
Simposyum. Pwedeng mapersonalays ang paksa at pwedeng hindi magaling ang ispiker.
Bagyuhang utak. Nadedebelop ang mga iba’t ibang kasanayan at nabigbigyang linaw ang iba
pang katanungan sa estratehiyang ito.
Paggamit Ng Video Tapes o Slides. Nakakaaliw ang estratehiyang ito dahil nakapokus ang mga
mag-aaral sa ginawang output pero pwedeng maligaw ang paksa sa pagkaaliw sa mga epeks
na ginamit.
Role Playing. Nabibigyang pagkakataon ang mga mag-aaral na maipakita ang ibang talent sa
loob ng kalse sa pamamagitan ng estratehiyang ito.
Paggamit Ng Mga Work sheets. Naisusulat ng mga mag-aaral ang sariling ideya na
hindi naaapektuhan ng iba at epektibong malalaman ng guro kung talagang nag -aaral ang mag-
aaral.
Kooperatib-Kolaboratib na Pagkatuto: Kahulugan, Katangian at Kahalagahan
Ano ang mga element ng Kooperatib-Kolaboratib na pagkatuto?
1. Positibong inter dependens
2. Harapang interaksyon
3. Indibidwal at pangkatang akawntabiliti 
4. Interpersonal at pangkatang kakayahan
5. Pangkatang proseso
Ano naman ang katangian na nabatay sa sariling pagkakahulugan nina Johnson and
Johnson sa Kooperatib-Kolaboratib na pagkatuto?
1. Istruktura
2. Lumilikha ng komunidad na pangklasrum
3. Sustenadong pagdulog 
4. Nangangailangan at lumilinanag ng mga kakayahang pangkomunikasyon
5. Binabalanse ang interdependens at indibidwal na akawntabiliti
6. Tumutugon sa daybersiti sa klasrum
Ibigay ang mga pwedeng estratehiya na pwedeng gamitin sa KooperatibKolaboratib na
pagkatuto.
Ang mga estratehiyang pwedeng gamitin ay ang mga jigsaw,think-pair-share,threestep interview,
rounf robin brainstorming, three minute review, numbered heads, team pair solo, circle the sage
at partners.
Ano nga pa ang tungkulin ng guro sa estratehiyang Kooperatib-Kolaboratib na pagkatuto?
Ang tungkulin lang ng guro sa mga estratehiyang Kooperatib-Kolaboratib na pagkatuto ay isang
pasiliteytor o nagbibigay lamang ng mga direksyon at karagdagang mga kaalaman.
Ano-ano ang mga dahilan kung bakit kailangan ang interaksiyon sa loob ng klasrum?
1. Naipapahayag ang mga sariling ideya o kaisipang nais pawalan ng kausap
2. Inuunawa ng tagapakinig ang sinasabi ng kausap
3. Nasasagutan ang tanong ng kausap
4. Nagaganap ang kontekstong pagbibigayan habang nakikipag-usap.
5. Nagaganap ang pagkatutong indaktib at dedaktib
6. Nababago ang mga ideya
7. Nararagtdagan ang kasanayang pangwika ng tagapagsalita at tagapakinig.

Ang mga Pamaraang Tradisyunal sa Pagtuturo ng Wika


1. Ang Pamaraang Pabuod (Inductive Method)
Paano matututo ang mga mag-aaral sa pamaraang pabuod? Sa pamaraang ito
magkakaroon ng higit na kaalaman, kasanayan at karanasang makagawa sa sariling paraan at
sa pamamagitan ng siplemg ideya hanggang sa kumplikado.
Ano-ano ang mga hakbang sa pamaraang ito?
May limang hakbang ang pamaraang pabuod at ito ang mga sumusunod:
paghahanda, paglalahad, paghahaming at paghalaw, at ang paglalahat.
2. Pamaraang pasaklaw (Deductive Method)
Paano matututo ang mga mag-aaral sa pamaraang pasaklaw?
Sa pamaraang ito ay matututo ang mag-aaral simula sa komplikadong aralin hanggang sa
simpleng leksyon. At mayroon itong dalawang uri ang antisipatori at eksplanatori.
Ano-ano ang mga hakbang sa pamaraang ito?
May pitong hakbang ang pamaraang pasaklaw at ito·y mga
 panimula, pagbigay ng tuntunin at simulain, pagpapaliwanag, pagbibigay ng mga
halimbawa, pag-uugnay, paggamit at pagsubok o pagtataya.

3. Ang Pamaraang Papanayam (Lecture Method)


Paano matututo ang mga mag-aaral sa pamaraang papanayam? Natututo ang mga
mag-aaral sa pamamagitan ng karanasan at pagsubok sa mga gawain sa loob ng klasrum at
epektibong matututo ang mga mag-aaral ngunit posibleng hindi maintindihan ng kapwa mag-
aaral ang mga itinuturo.
Ano-ano ang mga hakbang sa pamaraang ito?
 May tatlong hakbang lamang ang pamaraang ito at ito’y panimula, ulit-aral at pagsubok.

4. Ang Pamaraang Tanong-Sagot (Question Answer Method)


Paano matututo ang mga mag-aaral sa pamaraang tanong-sagot? Matututo ang mag-
aaral sa pagsagot sa mga tanong ng ibang mag-aaral at maaring magtanong sa guro at dapat
na maalam ang guro sa leksyong tinatalakay.
Ano-ano ang mga hakbang sa pamaraang ito? Ang mga hakbang sa pamaraang ito ay
 panimula, paglinang pagsasanay at huli ang pagsubok.

5. Ang Pamaraang Grammar-Translation


Paano ginagamit ang grammar-trnaslation? Karaniwang ginagamit ang unang wika
ng mga mag-aaral at binbigyang-diin ang kawastuan sa pagsasalita sa pamamagitan ng
pagsasalin at hiwalay na ginagawa ang paglinang ng bokabularyo at pabuod na itinuturo ang
balarila o gramatika.
6. Ang Tuwirang Pamaraan
Ano ang binibigyang-diin sa pamaraang ito? Parehong binibigyaang-diin ang
pakikinig at pagsasalita at itinuturo ang aralin sa pamamagitan ng modelo.
7. Ang Pamaraang Audio-Lingual (ALM)
Saan nakabatay ang pamaraang Audio-Lingual? Ito ay batay sa teoryang sikolohikal
ni Skinner sa isang sistema na pagbuo ng mga gawi at kilos at naging pangunahing
estratehiya ang panggagaya at pagmimimorya.
8. Ang Suggestopedia
Ano ang binibigyang-diin sa suggestopedia? Binibigyang diin ang kakayahang mental
at pag-aalis ng mga sagabal na sikolohikal gaya ng paglikha ng isang kapaligirang relaks at
komportable.
9. Pamaraang Sitwasyunal
Ano ang ginagamit sa Pamaraang sitwasyunal? Gumagamit ng kagamitang biswal at
awtentiko sa paglalahad ng mga aralin ngunit hindi nailalabas sa ibang sitwasyon ang gamit
ng mga pahayag at gramatikong natutuhan.
10. Ang Pamaraang Microwave
Paano ginagamit ang pamaraang microwave? Gumagamit ito ng siklo o cycles na
binubuo ng maikling usapan na karaniwang tanong at pangungusap na paturol.
11. Ang Pagdulog/Kamalayang Pangwika
Bakit binibigyang pansin ang pagdulog/kamalayang pangwika? Binibigyang pansin
ito dahil mas natututo ang mag-aaral kapag ang bernakular na wika ang ginamit sa pagtuturo
ang isasalin na lamang ito sa pangalawang wika at ito ay ang wikang Filipino.
Iba’t Ibang Pamaraan sa Pagtuturo
 Pangkatang Talakayan. Nagagamit ang pangkatang talakayan sa hindi hihigit sa 20
katao at nabibigyang ang isa’t isa ng pagkakataon upang mapagsama-sama ang mga
ideya.
 Ang Buzz Session. Maghanda ng isa o dalawang tanong ukol sa paksa ng grupo para
mahikayat ang bawat isa sa partisipasyon.
 Ang Talakayang Panel. May tatayong panel o tagapanood sa mga gagawin ng grupo at
pwedeng ang personalidad ng speaker ang mangibabaw sa nilalaman.
 Ang Talakayang Simposyum. Isang talakayan na ang tapik ay nahahati sa iba’t ibang
bahagi. Bawat bahagi ay inihaharap sa taong may malawak na kaalaman tungkol sa
particular na aspekto.
 Ang Debate. Pagtatalo sa maiinit na isyu at ginagamit sa paglalahad ng bagong ideya o
isyu na magpapasigla ng kaisipan at talakayan.
 Ang Talakayan Ayon sa Karanasan. Isang maliit na pangkatang talakayan ukol sa ulat
ng pangunahing pinaksang isang aklat, artikulo, sine o karanasan sa buhay.  
 Ang Concentric Circle. Isang maliit na bilog na kasama sa malaking bilog. Nasa loob
ang maliit na bilog na siyang unang magtatalakayan at ibabahaging maliit na
bilog ang natalakay sa mas malak ing bilog.
 The Reac tion Sheets. Isang pamaraan sa pagbibigay ng reaksyon sa mga
pinagdududahang ideya.
 Ang Phillips. Ito ay isang spontaneous na pamaraan kung saan ipapahayag ng 6 na katao
sa loob ng anim na minuto ang kanilang nalalaman o opinion.  
 Ang Reverse Thingking.  Pagpapahayag ng kaisipan sa pamamagitan ng salungat na
pag-iisip.  
 Ang Paggawang Larawan Isang paraan ng pagpapahayag ng ideya o prinsipyo
tungkol sa isang paksa sa pamamagitan ng ilustrasyon ng gawang mga
myembrong pangkat.
 Ang Brainstorming.  Isang teknik sa malikhaing pag-iisip kung saan ang mga myembro
ay nagpapalitang kuro tungkol sa problema.

You might also like