Ngayong ikadalawampu’t limang araw ng Disyembre. Makaraan ang
‘di na mabilang na panahon mula ng lalangin ng Diyos ang langit at lupa at likhain ang tao na kanyang kawangis. Ilang libong-taon mula noong malaking Baha, mula noong ginawa ng Diyos ang bahaghari bilang tanda ng tipan. Dalawmpu’t isandaang taon mula noong panahon ni Abraham at Sara; Labintatlong daang taon mula noong pamunuan ni Moises ang bayan ng Israel sa kalayaan mula sa Ehipto. Labing-isang daang taon mula noong panahon ni Ruth at ng mga Hukom; Isang libong taon mula noong gawing hari si David; Sa ika-animnapu’t limang linggo ayon sa propesiya ni Daniel; Sa ikasandaan at siyamnapu’t apat na Olympiad; Pitong daan at limampu’t dalawang taon mula noong itatag ang bayan ng Roma; sa ika-apatnapu’t dalawang taon ng paghahari ni Octaviano Augusto; ang buong mundo’y pinaghaharian ng kapayapaan, niloob na pabanalin ang mundo sa mahabagin niyang pagparito, ipinaglihi sa kapangyarihan ng Espiritu Santo at siyam na buwang dinala sa sinapupunan ng Mahal na Birheng Maria
si HESUKRISTO,
walang hanggang Diyos at Anak ng walang hanggang Ama, ay
ipinanganak sa Bethlehem ng Judea. Ngayon ang kapanganakan ng ating Panginoong Hesukristo na nagkatawang-tao.