Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

GREENDALE RESIDENCES INTEGRATED SCHOOL

Ikalawang Markahang Pagsusulit sa


Araling Panlipunan 7
T.P. 2019-2020

Pangalan: ____________________________________ Petsa:_______________________ Iskor: __________

Panuto I. Basahin at unawain ang isinasaad ng bawat katanungan. Piliin ang titik na kumakatawan sa tamang sagot
at isulat sa sagutang papel.
A. Isulat ang A kung ang katangian ng pamumuhay ay tumutukoy sa Panahon ng Lumang Bato, B
Kung Bagong Bato at C kung Panahon ng Metal.
1. _____ Natuklasan ang agrikultura.
2. _____ Malawakang ginamit ang tanso.
3. _____ Pangangaso, pangingisda at pangangalap
4. _____ Lumaki ang maliliit na pamayanan
5. _____ Nagsimula ang pirmihang pananahanan
6. _____ Palipat-lipat ng tirahan
7. _____ Nagsimula ang pagpapalayok
8. _____ Nagsimula ang pag-aalagang hayop
9. _____ Makikinis na bato ang kagamitan ang pangunahing ikinabubuhay
10. _____ Magagaspang na bato ang kagamitan

B.Suriin kung anong kabihasnan umusbong ang sumusunod na ambag o kontribusyon. Isulat ang titik lamang
ng kumakatawang sagot.
A. Sumer B. Indus C. Shang
11. ____ Calligraphy 16. ____ Lunar Calendar
12. ____ Cuneiform 17. ____ Kariton na may golong
13. ____ Potter’s wheel 18. ____ Sinocentrism
14. ____ Pictograph 19. ____ Oracle Bones
15. ____ Epiko ng Gilgamesh 20. ____ Palikuran

Panuto II: Basahin at unawain ang isinasaad ng bawat katanungan. Piliin ang titik na kumakatawan sa tamang sagot
at isulat sa sagutang papel.
21. Sa larangan ng kasaysayan, itinuturing itong pinaka-matanda at pinakaunang kabihasnang umusbong sa
buong daigdig.
a. Shang b. Indus c. Sumer d. Babylon
22. Nang umusbong ang kabihasnang Indus, dalawang mahahalagang lungsod ang kasabay na umusbong ditto,
ito ay ang?
a. Harrapa at Mohenjo-daro c. Catal Hyuk at Hacillar
b. Yangshao at Lungshan d. Ur at Uruk
23. Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng mga lambak-ilog lalo pa’t nagsilbi itong lundayan ng
kabihasnan. Saang lambak-ilog umusbong ang kabihasnang Indus?
a. Ganges b. Tigris at Euphrates c. Ilog Huang Ho d. Yellow River
24. Ang pamumuhay na kinagawian at pinipino ng maraming pangkat ng tao.
a. kabihasnan b. sibilisasyon c. pilosopiya d. relihiyon
25. Isa sa kahanga-hangang tanawin noong sinaunang panahon na ipinagawa ni Nebuchadnezzar para sa
kanyang asawa na si Amytis.
a. Etemenanki b. Angkor Wat c. Borobudur d. Hanging Garden
26. Sila ay tinaguriang “Tagapagpadala ng Kabihasnan,” dahil hindi lamang ang mga produkto ang kanilang
naibahagi kundi ang pamumuhay din ng mga tao sa kanilang mga lugar na napuntahan.
a. Lydian b. Phonecian c. Chaldean d. Hebreo
27. Ito ay binubuo ng 282 batas na nagsisilbing pamantayan ng kabihasnang Babylonian. Sakop ng kodigong
ito ang mga itinuturing na paglabag sa karapatan ng mamamayan at ari-arian nito.
a. Kodigo ni Hammurabi c. Code of Laws
b. Saligang Batas d. Kodigo ni Sargon
28. Ito ang pinakaunang pangkat ng tao na nakabuo ng epektibong Sistema ng pamumuno sa imperyo.
a. Assyrian b. Babylonia c. Hebreo d. Lydian
29. Ano ang pinakamahalagang imbensiyon ng mga Hittite?
a. Barter b. Horoscope c. Iron core d. Satrap
30. Ano ang tawag sa pinakamalaking gusali o templo sa Sumer?
a. Hanging Garden b. Ziggurat c. Pyramid d. Mosque
31. Alin sa mga sumusunod ang hindi napapabilang sa mga kontribusyon ng mga Sumerian?
a. Ziggurat b. Clay tablet c. Potter’s wheel d. Hanging Garden
32. Ito ang sibilisasyong unang gumamit ng pilak at gintong barya para sa pakikipagkalakalan.
a. Assyrian b. Chaldean c. Babylonian d. Phoenician
33. Natutong magmina ng iron core na itinuturing na mahalagang sangkap sa mga imbensyon.
a. Chaldean b. Hebreo c. Hittite d. Phoenician
34. Ano ang tawag sa pamumuno ng isang angkan sa isang kaharian sa loob ng mahabang panahon?
a. Dinastiya b. Imperyo c. Henerasyon d. Sinocentrism
35. Ang pagiging palaasa ng tao sa kapaligiran sa kung anong biyaya ang nakakatugon sa pangangailangan nila a
pagiging nomadiko ay naganap anong yugto ng panahon?
a. Paleolitiko b. Mesolitiko c. Neolitiko d. Metal
36. Pag-sunud sunurin ang mga kaganapan ng Sinaunang Kabihasnang Asyano.
1. Nalikha ng mga Sumerian ang cuneiform writing
2. Lumitaw ang Neolitikong pamayanan sa Ilog Indus
3. Ang pamayanang Yangshao at Lungshan sa Tsina ay namayagpag
4. Ang kabihasnang Indo Aryan ay nabuo noong 1500 BCE.
a. 1234 b.1423 c. 1243 d. 4123
37. Alin sa mga sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan ?
a.pamumuhay na nakagawian at pinauunlad ng maraming pangkat ng tao
b.mataas na uri ng paninirahan sa malawak na lupain
c.paninirahan sa malapit at maunlad na pamayanan
d.pamumuhay na tumutugon sa pangangailangan ng mga mamamayan.
38. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa batayang salik sa pagkakaroon ng kabihasnan ?
a. organisado at sentralisadong pamahalaan,relihiyon,uring panlipunan,sining, arkitektura at pagsusulat.
b. Pamahalaan,relihiyon sining, arkitektura at pagsusulat
c. Sinaunang pamumuhay, relihiyon, pamahalaan, mga batas at pagsusulat
d. Pamahalaan, relihiyon, kultura at tradisyon, populasyon at estado
39. Ano sa mga sumusunod na impormasyon ang nagpapatunay na ang Sumer ang itinuturing na
pinakamatanda at pinaka unang kabihasnan sa buong daigdig.
a. Matatagpuan ito sa Mesopotamia sa lambak Tigris at Euphrates noong 3500-300 BC na unang nahubog
na pamayanan.
b. Sa Mesopotamia natatagpuan ang pinaka unang kabihasnan sa daigdig
c. Dahil dito natatag ang mga pamayanan at imperyo
d. Ito ang naging tagpuan ng ibat ibang pangkat ng tao
40. Paano naiiba ang sistemang panrelihiyon ng Kabihasnang Shang sa Kabihasnang Indus at Sumer ?
a. Nagsasagawa ang hari ng Shang ng tungkuling panrelihiyon.
b. Tumutupad ang hari ng Shang ng lampas sa itinatadhana ng simbahan
c. Naniniwala ang Shang sa pang orakulo o panghuhula
d. Batay ang pananampalataya ng Shang sa maraming Diyos
41. Bahagi ng paniniwalang Tsino ang tinatawag na Son of Heaven o Anak ng Langit ang kanilang Emperador,
ano ang iyong pagkaunawa sa kahulugan ng konseptong ito ?
a. Ang emperador ay pinili ng langit upang mamuno na may itinakdang kasaganaan at kapayapaan.
b. Namumuno siya dahil pinili siya ng mga mamamayan na anak ng Diyos
c. Ang emperador ang pinakamabuti sa lahat at tinalaga siya ng Diyos
d. Namumuno ang emperador batay sa mga kautusan na itinakda.
42. Bakit naging mahalaga ang Calligraphy o sistema ng pagsulat sa mga Tsino
a. Dahil ito ang mahalagang ambag ng kabihasnang Shang
b. Dahil ito ang pinagbatayan ng kanilang pamumuhay
c. Dahil ito ang nagsilbing tagapag-isa sa mga Tsino sa kabila ng ibat ibang wika
d. Dahil ito ang nagsilbing simbulo ng karakter ng mga Tsino
43. Ang Caste System sa India ay sinaunang paghahati ng lipunan na may ibat ibang antas ang mga tao. Alin sa
mga sumusunod ang nagpapatunay tungkol sa Caste system ?
a. May mahahalagang gawain sa bayan ang bawat pangkat
b. Ang Sudras ang pinaka mataas na uri sa lipunan
c. May matataas na pinuno na bahagi din ng Sudras
d. Ang bawat mamamayan ay nabubuhay batay sa kanyang antas sa lipunan at karapatan.
44. Paano ipinapakita ng mga sinaunang kabihasnan ang kahalagahan ng kanilang kontribusyon sa sining at
panitikan?
a. Ginagamit nila ito bilang nagsisilbing tagapag-isa ng kanilang lahi at gabay sa pang araw-araw na
pamumuhay at pag-uugali.
b. Pinagtitibay nila ang mga kagawiang maaaring makapagdulot ng katagumpayan sa kanilang mithiin.
c. Ibinabaon sa lupa ang mga pinapahalagahang bagay na nilikha.
d. Inililihim ang kaalaman sa paglikha upang mapreserba ang sining at kinagawiang kultura
45. Ano ang naging Sistemang pangkabuhayan ng mga tao sa Imperyong Lydian?
a. Pinaunlad ang barter system kung nakikipagpalitan sila ng mga produkto sa ibang bansa o estado.
b. Nagbenta ng mga kasangkapang bakal na nagpaunlad sa sistemang pangkabuhayan ng kanilang imperyo.
c. Paggawa ng sasakyang pandagat bilang pamalit sa ibang estado para sa mga kasangkapan at rekadong
higit na kinakailangan ng pamayanan.
d. Pinalawak ang pagpapastol ng mga alagang hayop at pagtatanim ng barley at palay.
46. Maaaring narinig mo na mula sa isang galit na tao ang mga katagang “Kakarmahin din siya balang araw” o
di kaya, “Ma-karma sana siya.” Kapag ito’y napakinggan, tila ba ang tao na nagsasabi nito ay nais
mapahamak ang taong kanyang pinagsasabihan. Marahil nakatatak sa isipan ng ibang mga tao na ang
karma ay parang sumpa o kamalasan ngunit hindi ito ang tunay na diwa ng karma. Ngunit ang tunay na
diwa ng Karma ay…
a.ang ating mga gawain ay kasama natin maglalakbay kahit saan at kahit gaano kalayo man ang ating
marating sa buhay. Kung ano man ang ating mga nagawa noon ay siyang naghubog kung ano tayo ngayon.
b. Paniniwala sa mga gawa na mabuti na magreresulta sa mabuting gawa lamang sa kapwa.
c. Pagtugon sa masamang pangyayari sa kapwa na produkto ng negatibong karanasan din sa kapwa.
d. Mabuti at di mabuting gawa at may katumbas na mabuti at di mabuting resulta.
47. Ang pangangalaga sa tradisyonal na kultura at pagkakaiba-iba ng kultura ay nagsisilbing ugat na pangkultura
ng isang bansa. Dapat isanib ang inobasyong kultural sa pangangalaga sa tradisyon. Kung walang
tradisyonal na kultura, walang makabagong kultura at kung hindi maangkop sa makabagong lipunan ang
tradisyon, mahihirapan itong masalin. Ano ang kabuang mensahe nito.?
a.Ang lumang kultura at tradisyon ay dapat pahalagahan at pagyamanin katulong ang mga inobasyon na
makaka angkop sa makabagong lipunan.
b.Dapat proteksyunan ang mga kultura at tradisyon ng bansa.
c. Ibabagay ang kultura at tradisyon sa mga kaganapang panlipunan
d.Isasabuhay at ibabahagi ang mga mabubuting kultura at tradisyon ng bansa.
48. Hindi naging malawak ang mga karapatan at kapangyarihan ng mga sinauang kababihan sa Asya. Ito ay
batay sa kasaysayan na naitala sa mga bansang Asyano, katulad halimbawa sa India, bahagi ng paniniwala
ang suttee o sati, ito ay pagtalon ng asawang babae sa apoy na sinusunog na lalaki. Bahagi ng kulturang
India ang pagkain lamang ng babae kung tapos na ang kanyang asawa. Ano ang ugat ng mababang
pagtingin sa mga kababaihang asyano ?
a. Bahagi na ng kasaysayan ang ituring na mababang miyembro ng lipunan ang mga kababaihan at limitado
ang kanilang mga karapatan sa lipunan.
b. Hindi pinagkalooban ng langit ang mga kababaihan na mamuno sa lipunan.
c.Mahina ang loob at wala silang kakayahang mamuno sa imperyo.
d.Hindi pinagkakalooban ang mga kababaihan ng mataas na edukasyon at kasanayan sa buhay.
49. Kakatawanin mo ang inyong paaralan para sa isang paligsahan ng debate ukol sa pilosopiya, paniniwala at
misyon ng bawat paaralan sa inyong Dibisyon. Ano gagawin mong paghahanda bago ang paligsahan.
a.Gumawa ng outline ng isyu, magsaliksik at mag-aral sa posibling mga katanungan.
b.Magsaliksik at sanayin na humarap sa karamihan
c.Magbasa,manood ng balita at maghanda.
d.Magbasa at magsaliksik sa isyu.
50. Ikaw ay pangulo ng History Club sa inyong paaralan,naatasan ka na gumawa ng mga proyekto sa
kahalagahan ng kontribusyon ng mga Asyano. Ano ang gagawin mo para makilala at makita ang lahat ng
mga kontribusyong Asyano.
a.Paligsahan sa pagsulat ng sanaysay c.Open House Exhibit
b.Collage Making Contest d.Quiz Contest

You might also like