TALUMPATI

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Baxter Gifford B.

Bao-As 9 – Mapagmalasakit

Ang tao ay isa sa mga pinakamahalagang yamang kailangang


pagbigyan halaga at panatilihin upang ang isang bansa ay mabuhay at
patuloy pa. Ikaw at ako ay bahagi ng dami ng tao sa sarili nating mga
bansa o ang tinatawag na populasyon at dumagdagdag pa ito sa paglipas
ng panahon. Sa mga ibang dayuhang bansa, nakararanas sila ng
pagkakaroon ng sobra sa populasyon o “overpopulation” na makasasama
sa kalagayan ng bansa, pati na rin sa mga mamamayan. Ngunit sa Japan
naman, ito ay kabalintunuan at sa ngayon, nakararanas na ang bansang
ito ng tinding pagbaba ng kanilang populasyon. Ayon pa sa
indexmundi.com, nangingibabaw o nahihigit pa ang bahagdan ng mga
namamatay o “mortality rate” sa bahagdan ng mga naisisilang o “birth
rate”. Sinasabi na ang “mortality rate” ng Japan noong Enero 20, 2018
ay umaabot sa 9.8 na mga kamatayan sa loob ng isang libong tao. Para
naman sa “birth rate”, ito ay mas mababa pa at umaabot ng 7.7 na mga
naisisilang sa loob ng isang libong tao. Batay sa mga numerong ito,
totoong lumalala ang pagbaba ng populasyon sa Japan hanggang
ngayon/ Marami ring mga sanhing nagpasimula nito, katulad ng
bahagdan ng mga nagpapakamatay sa Japan o “suicide rate”, na
nagdulot ng pagkakaroon ng Japan ng isang selyo sa pagiging isang
bansang may pinakamataas na bahagdan ng mga nagpapakamatay sa
mga mauunlad ng bansa lamang. Ang sanhi naman para sa bumababang
“birth rate” ay ang pag-ayaw ng pagkakaroon ng anak o pamilya dahil sa
mga iba’t ibang karaniwang dahilan/Sa ngayon, dahil patuloy pa rin ang
pagbababa ng populasyon ng Japan, Ito ang magdudulot ng pagbagsak
ng Japan o ang pagkawala ng bansang Japan. Ayon sa tofugu.com,
maraming mga maaaring bunga ng suliraning ito at isa na rito ang
matinding pagbaba ng presyo sa ekonomiya o “economic deflation”
kung saan sasabay din ang pagkawala ng mga magtratrabaho at ang
paglilingkod para sa ibang mamamayan. Patuloy din na dadami ang mga
tinalikurang bahay at ang populasyon ng mga nakatatanda sa Japan dahil
sa kanilang mataas na “life expectancy” o ang inaasahang hangganang
edad ng isang tao. Batay sa mga bungang maidudulot ng suliraning ito,
sikapan nating masolusyonan ang suliraning ito sa pagsisimula sa sarili
nating mga bansa. Maaari nating hikayatin ang ibang mga tao na
magsimula ng pamilya at ipaalam sa iba pang mga tao na maaari tayong
magkaroon ng suliraning ganito sa ating mga bansa rin. Hindi lang din
sa ating mga bansa, ngunit ipaalam natin sa mga tao na tugunan ng
pansin sa bansang Japan, dahil sila ang nakararanas ng tindi ng
suliraning ito sa ngayon. Bilang pangwakas, Ang bansang Japan ay
nakararanas ng patuloy na pagbaba ng kanilang magiging populasyon sa
paglipas ng panahon dahil sa kanilang mataas na “mortality rate” na
humihigit pa sa kanilang “birth rate” dahil sa mga iba’t ibang sanhi na
nagkakadulot din ng mga suliranin sa bansa na magtutulak sa Japan sa
kanilang pagbagsak at pagkawala kaya isaisip natin ang suliraning ito at
magsimula sa ating mga sariling bansa hanggang sa matugunan ng sapat
na pansin ang suliraning ito sa bansang Japan.

You might also like