Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

ARALING PANLIPUNAN I

Ikalawang Markahan
Ikalawang Linggo
(Unang Araw)

I. LAYUNIN:
Nakatutugon sa iba-ibang sitwasyon sa pang-araw-araw na buhay ng pamilya
- Naiisa-isa at nauuri ang mga pangunahing pangangailangan ng mag-anak
- tirahan

II. PAKSANG-ARALIN:
. Aralin 1: Ang Aking Pamilya
1.1 Ang Kwento ng Aking Pamilya
B. Sanggunian:
Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 8
Teacher’s Guide pp. 3-4
Activity Sheets pp. 3-5
Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Makabayan I pah. 110-112
C. Kagamitan:
Mga larawan, tsart
D. Integrasyon ng aralin sa matematika at sining
III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Anong uri ng kasuotan ang kailangan mo isuot kung:
malamig ang panahon?
papasok ka sa paaralan?
maalinsangan?
umuulan?
2. Pagganyak:
Tula: ANG AMING TAHANAN
Ang aming tahana’y
tunay na maganda
Maliit po lamang
ngunit kaaya-aya.
May mga halaman,
bulaklak, at iba pa.
Mayroong gulayan,
prutas na hinog na.

Sa bandang likuran
ay may palaruan
Dito kaming lahat
ay nagtatakbuhan.
Sa tagliran nama’y
mayroong hayupan.
May bibe po’t manok
alaga sa palay.

Bagama’t maliit
ang aming tahanan,
punung-puno naman
ng kaligayahn
Si Mommy, si Daddy
ay nagmamahalan.
Si ate’t si Ditse
ay nagbibigayan.
Anong uri ng tahanan ang nabanggit sa tula?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paunang Pagtataya:
Itanong:
Paano nakakapamuhay nang maayos ang iyong mag-anak?
2. Paglalahad:
Magpakita ng mga larawan ng iba’t ibang tirahan : Hayaang magbigay ang mga bata ng kanilang obserbasyon
at kuro-kuro tungkol ditto.
3. Pagtalakay:
Alin sa mga larawang ito ang katulad ng tahahan ninyo?
Paano ninyo pinahahalgahan ang inyong tirahan?
Ipakita ang larawan ng mag-anak na nakatira sa kariton.
Ano kaya ang maaring mangyari kung walang tirahan ang mag-anak? Magiging maayos kaya ang kanilang
araw-araw na pamumuhay?
Komportable kaya nilang magagawa ang kanilang gampanin?
4. Pagpapahalaga:
Maliit o malaki man ang tirahan dapat natin itong pahalagahan at ipagmalaki.
5. Paglalahat:
Anong pangangailangan ng mag-anak ang nagbibigay proteksiyon sa mga kasapi laban sa ulan at matinding
sikat ng araw at kapahamakan sa lansangan?
Tandaan:
Bawat mag-anak ay dapat na mabigyan ng maayos na tirahan upang mailigtas sa anumang uri ng
kapahamakan.
6. Paglalapat: Iguhit ang tirahan na ibig mo.
IV. Pagtataya:
Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang kailangan natin araw-araw?
a. Sasakyan b. alahas c. pagkain
2. Ano ang nagbibigay proteksiyon sa atin laban sa sakit na dulot ng paiba-ibang panahon?
a. Tirahan b. pagkain c. laruan
3. Anong isusuot mo kung panahon ng tag-init?
a. Kapote b. yuniporme c. sando
4. Bahagi ito ng tahanan kung saan natutulog ang mag-anak.
a. Silid-tulugan b. kusina c. palikuran
5. Sa inyong tahanan ditto nagluluto ang nanay.
a. Palikuran b. kusina c. sala

V. Kasunduan:
Gumupit ng mga larawan ng ibat-ibang uri ng pangunahing pangangailangan ng mag-anak. Idikit sa iyong
kwaderno.

Puna:_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuoang bilang na ______ang nagpakita ng _____


na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin

ARALING PANLIPUNAN I
Ikalawang Markahan
Ikalawang Linggo
(Ikalawang Araw)
I. LAYUNIN:
Nakatutugon sa iba-ibang sitwasyon sa pang-araw-araw na buhay ng pamilya
- Naiisa-isa at nauuri ang mga iba pang pangangailangan ng mag-anak
- Malinis na tubig
II. PAKSANG-ARALIN:
A. Aralin 1: Ang Aking Pamilya
1.1 Ang Kwento ng Aking Pamilya
B. Sanggunian:
Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 8
Teacher’s Guide pp. 3-4
Activity Sheets pp. 3-5
Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Makabayan I pah. 110-112
C. Kagamitan:
Mga larawan, tsart
D. Integrasyon ng aralin sa matematika at sining
III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Anu-ano ang mga pangunahing pangangailangan ng mag-anak?
2. Pagganyak:
Tugma:
Tubig
Lahat halos ng gawain
Tubig ang kailangan natin
Huwag hayaang ito’y masayang
Nang di tayo maubusan.
Anong mahalagang pangangailangan natin ang nabanggit sa tugma?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paunang Pagtataya:
Itanong:
Anu-anong mga gawain ang nangangailangang gamitan ng tubig?
Maginhawa kayang makakapamuhay ang mag-anak kung walang malinis na tubig?
2. Paglalahad:
Sabado noon at abalang-abala ang nanay sa paglalaba. Pagkatapos niyang maglaba at maisampay
ang damit ay nagpahinga na siya.ang sabi niya bago matulog, “Sarah, sandali na lamang at
matutuyo na ang mga damit. Bago ka makipaglaro ay isilong mo muna ang sinampay.
“Opo, Inay,” sagot ni Sarah. Ilang saglit pa ay tuyo na ang mga sinampay. Sinamsam ni Sarah
ang mga ito at siyang pagdating naman ng kanyang kalaro. Naglalaro na sila nang biglang
bumuhos ang ulan.
3. Pagtalakay:
Anong mahalagang gawain ang ginawa ng nanay?
Paano kaya ang mangyayari kung hindi malalaban an gang ating kasuotan? Magiging
komportable kaya tayong makakakilos araw-araw?
Anu-ano pa ang mga gawain sa tahan na nangangailangan ng tubig?
4. Pagpapahalaga:
Paano ka makakatulong sa pagtitipid ng tubig?
Paano mo mapangangalagaan ang mga bahaging tubig sa iyong pamayanan tulad ng sapa, ilog?
5. Paglalahat:
Anong iba pang pangangailangan ng mag-anak ang dapat nating pahalagahan at tipirin?
Tandaan:
Kailangan ng mag-anak ng tubig upang magawa ang iba’t ibang gawain sa tahanan. Kailangan
din ng bawat kasapi ng malinis na tubig na maiinom upang makaiwas sa pagkakaroon ng
karamdaman.
6. Paglalapat:
Ano ang dapat mong gawin upang makatipid sa paggamit ng tubig kung ikaw ay:
Nagsesepilyo?
Naliligo?
Nagdidilig ng halaman?
Naglalaba?
Naghuhugas ng plato?
IV. Pagtataya:
Sagutin: Tama o Mali
___1. Tubig ay mahalaga kaya di dapat mag-aksaya.
___2. Walong baso ng tubig ang dapat inumin ng bawat kasapi ng mag-anak araw-araw.
___3. Ang malinis na tubig ay nakapagdudulot ng sakit.
___4. Maraming gawain ang ginagamitan ng tubig.
___5. Mamamatay ang lahat ng may buhay kung walang tubig.

V. Kasunduan:
Isaulo ang tugma tungkol sa tubig at humanda sa pagbigkas sa harap ng klase bukas.

Puna:_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuoang bilang na ______ang nagpakita ng _____


na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

ARALING PANLIPUNAN I
Ikalawang Markahan
Ikalawang Linggo
(Ikatlong Araw)
I. LAYUNIN:
Nakatutugon sa iba-ibang sitwasyon sa pang-araw-araw na buhay ng pamilya
- Naiisa-isa at nauuri ang mga iba pang pangangailangan ng mag-anak
- Kuryente o elektrisidad
II. PAKSANG-ARALIN:
. Aralin 1: Ang Aking Pamilya
1.1 Ang Kwento ng Aking Pamilya
B. Sanggunian:
Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 8
Teacher’s Guide pp. 3-4
Activity Sheets pp. 3-5
Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Makabayan I pah. 110-112
C. Kagamitan:
Mga larawan, tsart
D. Integrasyon ng aralin sa matematika at sining
E. Pagpapahalaga: Katipiran
III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Tama o Mali
-Mahalaga ang tubig.
-Isara ang gripo kung hindi na ginagamit.
-Gumamit ng baso kung nagsisispilyo.
-Isang basong tubig ang kailangang inumin ng bawat kasapi ng mag-anak.
-Magtipid sa paggamit ng tubig.
2. Pagganyak: Makikiisa ako palagi sa pagtitipid ng kuryente.
Anu-anong mga kagamitan o kasangkapan ang mayroon sa inyong tahahan?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paunang Pagtataya:
Itanong:
Anong mahalagang bagay ang nagpapaandar o nagpapagana sa iba’t ibang kasangkapan sa tahahan?
2. Paglalahad:
. Ipakita ang larawan ng ibat-ibang kagamitan sa tahanan tulad ng : Telebisyon, ref, electric
fan, kompyuter, oven, washing machine, atbp.
Hayaang magbigay ang mga bata ng kanilang pagbabahagi sa mga karanasan sa paggamit ng mga
bagay na nabanggit.
3. Pagtalakay:
Ano ang nagpapagana o nagpapaandar sa mga kasangkapang ito sa ating tahanan?
4. Pagpapahalaga:
Paano ka makakatulong sa pagtitipid ng kuryente?

5. Paglalahat:
Anong iba pang pangangailangan ng mag-anak ang dapat nating pahalagahan at tipirin?
Tandaan:
Kailangan ng mag-anak ng kuryente upang magawa ang iba’t ibang gawain sa tahanan. Ang mga
kasangkapang ginagamitan ng kuryente ay nakakatutulong upang mapagaan at mapabilis ang mga
gawain sa tahanan.
. Paglalapat:
Lutasin: Matutulog na si Ana. Hindi na niya kailangan ang ilaw. Ano ang dapat niyang gawin?
Bakit?

IV. Pagtataya:
Sagutin: Tama o Mali
___1. Bukas-sara si Albert sa refrigerator.
___2. Iniwanan ni Angie na bukas ang ilaw kahit tulog na siya.
___3. Pinapatay ni Jun ang TV kung tapos na siyang manood?
___4. Buong araw ginagamit ni Gina ang kompyuter.
___5. Sabay-sabay mamalantsa ang ate ng mga damit .

V. Kasunduan:
Iguhit ang sarili habang gumagamit ng isang kagamitan na ginagamitan ng kuryente.
Sa ilalim ng larawan isulat ang isang pangako.

Puna:_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuoang bilang na ______ang nagpakita ng ___na


bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.
ARALING PANLIPUNAN I
Ikalawang Markahan
Ikalawang Linggo
(Ika-apat na Araw)
I. LAYUNIN:
Nakatutugon sa iba-ibang sitwasyon sa pang-araw-araw na buhay ng pamilya
- Naiisa-isa at nauuri ang mga iba pang pangangailangan ng mag-anak
- Malinis na kapaligiran
- Malinis na hangin

II. PAKSANG-ARALIN:
. Aralin 1: Ang Aking Pamilya
1.1 Ang Kwento ng Aking Pamilya
B. Sanggunian:
Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 8
Teacher’s Guide pp. 3-4
Activity Sheets pp. 3-5
Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Makabayan I pah. 110-112
C. Kagamitan:
Mga larawan, tsart
D. Integrasyon ng aralin sa matematika at sining
E. Pagpapahalaga: Katipiran

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Anu-anong mga kasangkapang de-kuryente ang ginagamit sa ating mga tahanan?
Paano ka makakatulong sa pagtitipid sa kuryente kung gumagamit ka ng mga kasangkapang
de-kuryente sa inyong tahanan?
Bakit kailangan mong makiisa sa pagtitipid sa kuryente?

2. Pagganyak:
Magpakita ng larawan ng isang pamayanan na marumi.
Isang pamayanan na malinis.

B. Panlinang na Gawain:
1. Paunang Pagtataya:
Itanong:
Saang pamayanan mo ibig manirahan? Bakit?
2. Paglalahad:
Ilahad ang isang awit: Tingnan ang kopya sa Alab ng Puso I pah. (Mas makabuluhan kung
makakagamit ng kaset at iparinig ang awit)
Ano ang nangyari sa kapaligiran ayon sa awit?
3. Pagtalakay:
Anu-anong mga gawain ng mga mag-anak ang nagpaparumi sa Hangin?
4. Pagpapahalaga:
Paano ka makakatulong sa pagpapanatiling malinis ang paligid?

5. Paglalahat:
Anong iba pang pangangailangan ng mag-anak ang dapat nating pangalagaan?
Tandaan:
Kailangan ng mag-anak ng malinis na hangin upang makapamuhay nang maayos at maginhawa at
malayo rin sa anumang uri ng karamdaman.
. Paglalapat:
Lutasin: Nakita mo na nagsisiga ang ate mo. Sinusunog niya ang mga plastic na pinagbalutan ng
mga binili niya sa palengke. Ano ang gagawin mo?

IV. Pagtataya:
Lagyan ng / ang mga gawain ng mag-anak na nakakatutulong sa pagpapanatiling malinis ang
hangin. X ang hindi.
__1. Pagtatanim ng mga halaman.
__2. Pagsusunog ng mga basura.
__3. Pag-iwas sa paggamit ng mga pangspray sa buhok.
__4. Pagtitipid sa paggamit ng sasakyang gumagamit ng gasoline at kurudo.
__5. Paglilinis ng bakuran.

V. Kasunduan:
Iguhit ang isang malinis na kapaligiran na ibig mong tirahan.
.

Puna:
_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuoang bilang na ______ang nagpakita ng _____
na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

ARALING PANLIPUNAN I
Ikalawang Markahan
Ikalawang Linggo
(Ikalimang Araw)
I. LAYUNIN:
Nakatutugon sa iba-ibang sitwasyon sa pang-araw-araw na buhay ng pamilya
- Naiisa-isa at nauuri ang mga iba pang pangangailangan ng mag-anak
- Malinis na kapaligiran

II. PAKSANG-ARALIN:
. Aralin 1: Ang Aking Pamilya
1.1 Ang Kwento ng Aking Pamilya
B. Sanggunian:
Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 8
Teacher’s Guide pp. 3-4
Activity Sheets pp. 3-5
Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Makabayan I pah. 110-112
C. Kagamitan:
Mga larawan, tsart
D. Integrasyon ng aralin sa matematika at sining
E. Pagpapahalaga: Katipiran

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Magbigay ng mga Gawain ng mag-anak na napakagpaparumi sa hangin.
Paano maiiwasan ang mga gawaing nabanggit?

2. Pagganyak:
Tugma: Halinang Magtanim
Halinang magtanim
Duhat, mangga’t balimbing
Bunga’y kaysarap kainin
Sa malamig nilang lilim.
Nakakain na ba kayo ng mga prutas na nabanggit sa tugma?
Anong gawain ang hinihikayat ang lahat na gawin sa tugma?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paunang Pagtataya:
Itanong:
Makakapamuhay kaya ang isang mag-anak kung marumi ang kanilang paligid?
2. Paglalahad:
Muling balikan ang awit na napakinggan.
Ano ang nangyari sa dating malago at makapal na mga puno sa ating kagubatan?
3. Pagtalakay:
Anu-anong mga gawain ng mga mag-anak ang nagpaparumi sa lupa?
4. Pagpapahalaga:
Paano ka makakatulong sa pagpapanatiling malinis ang paligid?

5. Paglalahat:
Anong iba pang pangangailangan ng mag-anak ang dapat nating pangalagaan?
Tandaan:
Kailangan ng mag-anak ng malinis na lupa upang makapamuhay nang maayos at maginhawa at malayo
rin sa anumang uri ng karamdaman.
. Paglalapat:
Lutasin:
Anong gawain ng mga mag-anak ang nagdudulot ng pagkasira ng mga puno sa ating paligid?
Paano ito maiwawasto at malulunasan?
Pagpapahalaga: Paano ka makakatulong sa pagpapanatiling malinis ang mga anyong lupa sa bansa?

IV. Pagtataya:
Lagyan ng / ang mga gawain ng mag-anak na nakakatutulong sa pagpapanatiling malinis ang lupa.
X ang hindi.
__1. Pagtatanim ng mga halaman.
__2. Pagtatapon kung saan-saan lang.
__3. Pagbubukud-bukod ng mga basura sa uri na nabubulok at di-nabubulok.
__4. Pagtatanim sa mga bakanteng lote.
__5. Pagwawalis ng paligid.

V. Kasunduan:
Maglista ng mga basura ayon sa uri:
Nabubulok Di-nabubulok
1.
2.

Puna:
_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuoang bilang na ______ang nagpakita ng _____
na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

You might also like