Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANG BAKBAY NI YUNO

Napagkasunduan ng aming quamis(grupo/mga kasama) na pumunta sa Bataan noong Disyembre 13-14,


nakaraang taon, upang samahan si kuya para sa kanyang proyekto sa Filipino na tumutukoy sa mga
PAGKAIN at TRADISYON ng mga mamamayan ng Bataan.

Nagkita-kita muna kami ng mga alas-4 sa McDo para kumain at sabay-sabay bago pumunta sa Bataan.
"skirtttt, skirtttt, skirttttt" (tunog) tunog ng tatlong ginamit naming kotse.

Nagkaroon kami ng stop-over sa isang gasolinahan upang magpagasulina at magmeryenda.

Nadaanan rin namin ang Subic-Clark-Tarlac Expressway. Isa itong proyekto ng Philippine-Japan
Cooperation noong 2008.

Nang nakarating na kami ng Bataan, sinundo namin ang aming tour guide na si G. Allan. Habang papunta
kami sa aming unang destinasyon, napuna namin ang isang magandang simbahan sa harap ng
Pamahalaang Pambayan ng Bataan. Ito ay tinatawag na Church of Balanga.

Dinala kami ni G. Allan sa aming unang destinasyon -ang Amanda’s Marine Products. Ito ay itinayo ni
Gng. Amanda T. Battad, isang agri-entrepreneur. Ang Amanda’s Marine Products ay gumagawa ng iba’t-
ibang produkto mula sa isda tulad na lamang ng bagoong, sardinas, tinapa at tuyo na pinausukan gamit
ang oleng(gamit pampausok) na Matatagpuan sa Brgy. Puerto Rivas sa Balanga, Bataan.

Sunod naming pinuntahan ang Emmer’s Products. Sila naman ay naglalako ng iba’t-ibang patis.
Matatagpuan ito sa Brg. Tortugas sa Balanga, Bataan.

Ang pangatlo naming pinuntahan ay ang Balanga Wetland and Nature Park. Isa itong bird sanctuary na
kung saan kalimitang nagma-migrate ang mga dayuhang ibon. Ginaganap din dito ang Ibong Dayo
Festival.

Pang-apat naming pinuntahan ay ang Estrella’s Kalamay ng Cupang Atbp. na nagbebenta ng Zubol
(delicacies) iba’t-ibang kakanin at sariling gawang pasta. Matatagpuan rin ito sa Balanga.

Dinalaw rin namin sa palengke ang isa pang negosyo ni Aling Estrella -ang Estrella’s Eatery.

Ang ikalima naming pinuntahan ay ang Baby Lacson’s Original Araro Cookies isa rin sa mga zubol
(delicacies) na matatagpuan sa Samal, Bataan. Ito ay itinayo ni Gng Cecilia M. Lacson.

Para naman sa aming pananghalian, pumunta muna kami sa Bataan Tourism Center. Bukod sa kumain ay
tumingin rin kami sa kanilang munting museo at bumili rin kami ng mga souvenir.

Para naman may matutunan kami sa tradisyon ng Bataan, pumunta kami sa ika-anim naming destinasyon
ng ang bakbay(paglalakbay)-sa bundok kung saan matatagpuan ang mga katutubong aeta. Marami
kaming mga natutunan sa kanila. Nagturo sila ng isang tradisyunal na sayaw na kung tawagin ay Biska o
Sayaw sa Pangingisda sa tagalog. Ipinakita rin nila kung paano sila maglaro. At bilang pasasalamat nila ay
naghandog sila ng mga kanta.

Pagkatapos naman ay bumalik kami sa Estrella’s Kalamay ng Cupang Atbp. para magmeryenda. Kumain
kami ng mga kakanin at ng kanyang spabok. Ang spabok ay galing sa mga pinagsamang salitang spaghetti
at palabok.

Sa pagsapit ng gabi ay tumuloy kami sa Raven Resort and Log Cabin upang makatulog at
makapagpahinga ng maayos. Bago kami matulog ay lumangoy muna kami, na papasigaw ng fak! fak! si
kuya dahil sa mga lamok sa paligid na pilit lumalapit upang makapaminsala.

Sa paggising sa bagong umaga ay nakatikim na naman kami ng mga kakaibang pagkain ng Bataan katulad
na lamang ng dinuguan, pecadillo at ginataang kamansi. Na isa sa kanilang pinagnamalaking zubol.

Bago umalis ay lumangoy kami ulit. Para naman sa ikapito at huli naming destinasyon ay nalakbay kami
patungo sa Dambana ng Kagitingan. Matatagpuan ito sa Bundok Samat sa Brgy. Diwa, Pilar, Bataan.

Napakataas ng dambanang ito. Pagkarating sa itaas ay pwede kang pumasok sa loob ng krus at umakyat
para tignan ang magandang tanawin ng Bataan. Sa itaas ay makakakita ka rin ng mga unggoy. May mga
pagkain at inumin din doon para sa mga napagod umakyat.

Pagkababa namin ay pumunta kami sa museo sa ilalim. "haraco entra" bati ng tagapangasiwa ng museo,
nag ibig sabhin ng kanyang sinabi ay "pagbati, tuloy po kayo" Doon makikita ang napakalawak na historya
ng Bataan. Bawal kuhanan ng mga litrato ang iba’t-ibang artikulo. Mga pinta ng mga Golteb na makikuta
sa Bataan.

Pagkatapos ng napakahabang araw ay kumain kami sa Max’s Restaurant upang may laman ang aming
tyan sa pag-uwi namin patungong Manila.

Pagkatapos naming kumain, ang iba sa amin ay tumuloy nang Maynila, ang iba nama’y pumunta munang
Duty Free sa Subic at pumunta sa simbahan.

Dito nagtapos ang aming makabuluhang lakbay-aral. Bukod sa marami kaming natutunan ay nabusog pa
kami! Ano pang hinihintay niyo? Tara! Punta na sa Bataan!

You might also like