Epekto NG Vape Sa Kalusugan at Mentalida

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Epekto ng Vape sa Kalusugan at Mentalidad ng mga Konsumer

Taong 2017 – 2018

Isang Pamanahong Papel na Iniharap sa

Senior High School

Far Eastern University – Diliman

Ipinasa nina:

Salvador, Vanessa A.

Marquez, Aron John

Totanes, Charles Witness T.

Antas at Seksyon:

XI - Strength
UNANG BAHAGI

A. PANIMULA

Ang isang patunay ng elementong umuusbong sa ating lipunan, maraming

mamamayang Pilipino na nahuhumaling sa konsepto ng “vape”. Ito ay isang isyu ng mga

taong gumagamit ng “vape”, at kung ano ang epekto nito saating mga Pilipino at sa kung

sino man ang mga gumagamit nito. Sa panahon ngayon, maraming tao ang hindi alerto sa

mga kanilang gawain, higit pa doon ang kakulangan ng mga impormasyon sa mga bagay.

Matatalakay sa pananaliksik na ito ang mga epekto na dulot ng "vape" sa mga konsumer

nito. Matutukoy din sa isasagawang pag-aaral ang mentalidad ng mga konsumer.


B. PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN

I. Suliraning Panlahat

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang malaman ang epekto ng

pagvevape sa mga katawan ng mga gumagamit nito na mga kabataan. Nais din

matukoy ang mentalidad ng mga konsumer nito.

II. Mga Tiyak na Tanong

1. Ano ang “profile” ng mga tagatuon sa mga tuntunin:

1.1. Edad

1.2. Kasarian

1.3. Estado ng pamumuhay

2. Ano ang rason kung bakit gumagamit ng vape?

3. Ilang taon na gumagamit ng vape?

4. Alerto ba sa mga epekto na dulot ng vape?


C. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Isinagawa ng mga mananaliksik ang pag-aaral na ito upang malaman ng

mga mananaliksik ang dahilan ng paggamit ng vape ng isang mamamayang

Pilipino. Nais ding magbigay ng mga mananaliksik ng sapat na impormasyon sa

mga konsumer nito ukol sa mga banta sa kalusugan na dulot ng paggamit ng

vape. Mahalaga ang pag-aaral na ito sa kadahilanang malaki ang maitutulong nito

sa mga konsumer.

D. SAKLAW AT LIMITASYON

Ang saklaw ng pag-aaral na isasagawa ng mga mananaliksik ay patungkol

sa epekto ng paggamit ng vape sa kalusugan ng mga konsumer nito. Saklaw din

ng pananaliksik na ito na malaman ang mentalidad kung bakit sila ay gumagamit

ng vape. Gaganapin ang pag aaral ng mga mananaliksik sa mga lokal na “Vape

shops” sa Quezon City. Ang mga kabilang sa pananaliksik na ito ay ang mga

Junior High School, Senior High School, at mga Kolehiyo.

Ang bilang ng mga tagatugon ay nasa sampung magaaral sa Quezon City.


IKALAWANG BAHAGI

Mga Kaugnay na Literatura sa Pag-aaral

Ayon sa henerasyon ngayon, maraming tao o kabataan ang nahuhumaling sa isang

aparato na tinatawag na “vape”. Ang vape ay isang karaniwang elektronikong aparato na

pinapatakbo ng baterya na nag lalabas ng usok at ginagamitan ng likido na kung tawagin

ay “E-Juice” na naglalaman ng nikotina at iba’t ibang kemikal katulad ng propelyne

glycol o glycerol, marami ang naniniwala na ang vape ay isang pamalit o alternatibo dahil

ayon sakanila, ang vape ay mas ligtas kung ikukumpara sa sigarilyo. Ngunit may mga

ilang pag-aaral na nagpapatunay na ang vape ay may mga negatibong epekto sa

kalusugan at batay sa pananaliksik na ang mga Juice ng vape ay may sariling kemikal na

nilalagay na wala sa sigarilyo tulad ng formaldehyde, na ginagamit sa mga metal,at may

kemikal din ang mga e-juice ng vape katulad ng nitrosamines at lead. Sinasaad din ditto

na tulad ng paninigarilyo, ang pagvevape ay may posibilidad na magbigay ng “Lung

Cancer” sa mga konsumer nito.

Nang makipag usap si Irfan Rahman sa mga kabataang nagvevape, ang ilan ay

nag reklamo ng pandurugo ng mga bibig at lalamunan. At ang mga sugat na ito ay tila

mabagal humilom. Isang Toxilogist mula sa Rochester sa New York ay nabahala at

nagpasyang siyasatin kung ano ang maaring gawin ng vapors mula sa elektronikong

aparato.
Ang pag-aaral na ito ay mula kay Binibining Charina Echaluce, “Madaming kabataan ang

gumagamit ng vape sa pilipinas”(Echaluce, 2017) Binalaaan na ang publiko tungkol sa pag-

gamit ng mga produkto ng e-cigarette o vape upang maiwasan ang panganib sa kalusugan.

Pahayag ni Ginoong Rojas ay “ang mga kabataan ay magiging kapalit ng mga

naninigarilyo ng mga may sapat na gulang na nagkasakit o namatay sa mga sakit na may

kaugnayan sa paninigarilyo”. At sinabi din ni Ginoong Rojas na “mayroong maraming mga

mapanganib na kemikal sa vape, kabilang ang aluminyo na nagdudulot ng kemikal na

pneumonia at pinabagal ang paglago at deformed na buto ng mga bata; kadmyum na maaaring

maging sanhi ng pagduduwal, pagsusuka, at pagtatae; pilak na maaaring maging sanhi ng

permanenteng asul-kulay-abo na paglamlam ng mga mata, ilong, bibig, lalamunan, at balat;

lead na maaaring magresulta sa pinsala sa ugat at mababang IQ; at diacetyl na nagiging sanhi ng

paghina ng paghinga”.(Rojas,2017)

Nakasaad din sa U.S na ang “Pagbabawal bentahan ang mga menor de edad ng mga

vape ay ang magiging sanhi ng mga ito sa paninigarilyo sa U.S” Mula sa pag-aaral ni Ginoong

Michael Greenwood. Paggamit ng data mula sa National Survey sa paggamit ng gamot at

kalusugan, natuklasan ng pananaliksok na ang pagbabawal ng estado sa pagbebenta ng mga vape

sa mga menor de edad ay nagbunga ng pagtaas ng 0.9 porsiyento nap unto sa mga rate ng mga

kamakailang karaniwang paggamit ng sigarilyo ng mga 12 hanggang 17 taong gulang.

“Simula nung naaprubahan ang batas na iyon tumataas na ang porsyento ng mga menor

de edad na naninigarilyo” pahayag ni Ginang Friedman. Sabi din ni Ginang Friedman na base

sa kanyang mga natutuklasan na ang simulang edad ng isang menor de edad sa paninigarilyo ay

16 ang sabi ni Ginang Friedman na dapat gawing 16 pababa ang pagbabawal bentahan ng mga
vape kesa sa 18 upang mabawasan ang porsyento nga mga kabataan na naninigarilyo at

mabawasan din ang porsyento ng mga namamatay dahil sa paninigarilyo

KABANATA 3
Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa disenyo ng husay pananaliksik. Susuriin ang “Epekto ng

vape sa kalususgan at mentalidad na mga gumagamit na kabataan.”

Paraan ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa pamamagitan ng panayam ng mga tao sa Quezon City.

Ang mga mananaliksik ay maghahanda ng isang panayam o ng mga katanungan upang malaman

ang dahilan ng pag-gamit ng vape.

Ang Pokus ng Pag-aaral

Ang mga piniling sasagot ungkol sa pag-aaral na ito ay ang mga estudyate sa FEU Diliman

Quezon City Fairview.

Sa kasalukuyan ay mayroon kaming kinalap sampung estudyante sa FEU Diliman Quezon City.

Kami ay may nakahandang mga katanungan

Instrumento ng Pananaliksik

Isang panayam ang ginamit upang makaukol ng mga impormasyon. Ang mga katanungan sa

panayam ay naglalaman tungkol sa pag-gamit ng vape.


Paglikom ng Datos

Ang pagkuha ng mga katanungan sa panayam ay kinakailangang gawin ng mga mananaliksik

upang maibuod ang mga impormasyon ng pag-aaral.

Ang sumusunod ay ang mga katanungan na ginamit sa aming panayam:

1.

You might also like