Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Division of Rizal

MTB-
I. Mga Layunin MLE 1
A. Pamantayang Pangnilalaman
 (Pagsasalita) Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa
pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan,
karanasan at damdamin.
 (Pagsulat) Nagkakaroon ng papaunlad na kasanayansa wasto at
maayos na pagsulat.
B. Pamantayan ng Pagganap
 Nasusuri ang mga impormasyon upang maunawan,makapagbigay
kahulugan, at mapahalagahan ang mga tekstong napakinggan at
makatugon ng maayos.
 Nagkakaroon ng panimulang kasanayan sa maayos napagsulat ng
palimbag at sapaggamit ng mga sangkap sapagsulat.
C. MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO
 Nasasagot ang mga tanong tungkol sa kwentong napanuod.
 Naisasadula ang ilang pangyayari sa kwento.
 Nagagamit ang mga salitang naglalarawan sa pagsulat ng parirala
o pangungusap.
II. NILALAMAN
A. Sanggunian: K-12 Curriculum Guide
B. Kagamitan: Video (Ang Mahiyaing Manok ), mga Larawan at mga chart

III. Pamamaraan:
A. Balik-Aral:
Magpakita ng mga pangungusap na may salitang naglalarawan.
Ipatukoy ang mga salitang naglalarawan sa mga mag-aaral.

B. Paglalahad
 Pag-aalis ng mga Balakid
Gumamit ng larawan o pangungusap upang ipaalam sa mga bata
ang kahulugan ng mga bagong salita.
 Pagganyak
Magpakita ng larawan ng Manok, tanungin ang mga bata tungkol
sa larawan.
Itanong: Lahat kaya ng manok ay magaling tumilaok? Ano sa
palagay ninyo?
Ipakita ang larawan sa kwento na inyong papanuorin.
Tanungin ang mga bata sa napansin nila sa nasa larawan. Tanungin
ang mga bata sa mga nais nilang malaman sa kwento.

 Panunuod sa kwento.
Magtanong sa ilang bahagi ng kwento upang malaman kung
nakasusunod ang mga mag-aaral.

C. Pagtatalakayan
 Pangkatang Gawain:
Pangkat 1: Pagsasadula. Isasadula ang ilang bahagi ng kwento na
napanuod
Pangkat 2: Pagguhit at Pagsulat. Ipakilala ang bida sa kwento at sumulat
ng bagay tungkol sa kaniya.
Pangkat 3: Pakikinig at Pagsulat. Isulat sa speech bubble ang mga payo
ni Kokok kay Onyok at kaniyang sagot.
Pangkat 4: Pagpapakita ng natutunan sa kwento: Pano nagtagumpay si
Onyok sa pagtilaok.
Talakayin ang mga naging sagot ng bawat pangkat. Tingnan din ang mga
salitang naglalarawan na ginamit.
Tanungin ang mga bata anu-ano ang masasabi nila sa mga larawan mula
sa kwento. Ipatukoy ang mga salitang naglalarawan na kanilang ginamit at
isulat ito sa pisara.
Ipabasa muli ang mga salitang isinulat at tanungin anong uri ng salita ang
mga iyon.
Sabihin: Ang mga salitang ito ay mga salitang Naglalarawan tinatawag
din itong pang-uri.

D. Paglalahat
Tanungin ang mga mag-aaral tungkol sa natutunan. Ano ang pang-
uri? Saan ito ginagamit?

E. Paglalapat:
Laro gamit ang Mahiwagang Kahon:
Magpapatugtog ang guro pag hinto ng tugtog kung kanino tumigil ang
kahon siya ay kailangang kumuha ng isang bagay sa loob nito at
magbibigay ng parirala o pangungusap tungkol sa bagay na kanyang
nabunot na gumagamit ng salitang naglalarawan. At isusulat naman sa
pisara ng isang kamag-aral.

F. Pagtataya:
Gamitin sa pangungusap ang mga salitang naglalarawan. Ibibigay
ng guro.

G. Takdang Aralin:

Sumulat ng mga pangungusap tungkol sa inyong ama at ina, na


may salitang naglalarawan.

You might also like