Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Paksa : Mga Salik na Nakakaapekto sa Akademikong Pagganap ng mga Ace Iskolar sa Fidelis Senior

High

I. Rasyunal

Ginto kung ituring ng maraming estudyante ang makabilang sa isang scholarship, kaya't
hindi kataka-takang labis ang sakripisyong ginagawa ng mga magaaral matanggap lamang
bilang iskolar. Ayon sa ibinigay na depinisyon ng Oxford Dictionary, ang scholarship ay
pinansyal na ibinibigay bilang pantulong sa pagaaral ng mga estudyante. Iginagawad ito batay sa
pangakademiko o iba pa. Hindi lingid sa kaalaman ng marami, na ang pagiging iskolar ay may
makabuluhang implikasyon sa kanilang akademikong pagganap. Gayun rin naman may mga
salik na nakakakapekto dito. Isa ang First Asia Institute of Technology and Humanities (FAITH)
sa mga institusyong nagbibigay ng iba't ibang uri scholarship. Una na rito ang Academic
Scholarship (Ace scholarship). Ito ay pinagkakaloob ng FAITH sa pangunguna ng BSE
Principal Mr. Arnold Catapang sa mga Top Student mula sa pribado at pampublikong paaralan.
Samakatuwid, ang papel pananaliksik na ito ay naglalayong alamin ang mga salik na maaaring
makaapekto sa akademikong pagganap ng mga Ace iskolar sa FAITH Fidelis Senior High.
Ayon sa pagaaral na isinagawa ni Muhammad Daniyal (2011), ang akademikong
pagganap ng mga estudyante ay hindi lamang naiimpluwesiyahan ng kung anong natural na
katangian ang kanyang tinataglay. Sa halip, may iba’t ibang salik na nakakaapekto sa mga mag-
aaral pagdating sa kanilang akademikong pagganap. Bilang koneskyon sa pag-aaral na isinagawa
ni Mustaq, gumamit siya ng apat na teyorya para malaman ang epekto ng independienteng salik
sa dependienteng salik. Gamit ang tamang istatistikal na pamamaraan, maaari nang malaman ang
mga resulta. Ang lumabas na resulta ay ang komunikasyon, mga kagamitan sa pag-aaral, tamang
patnubay, at istres sa pamilya ang mga salik na nakakaapekto sa performans ng estudyante
(Mushtaq, I., 2012). Ang mga kaugnay na pag-aaral na ito ay isa sa nagbigay ng ideya sa mga
mananaliksik na pag-aaralan ang paksang nabanggit.
Napili ng mga mananaliksik ang paksa ng ito dahil sa maraming bilang ng estudyante mula
sa Fidelis Senior ang kabilang sa Ace Scholarship Program. Sa ilalim ng programang ito, malaki
ng kabuuang parte ng matrikula ang mababawas at may karagdagan pang allowance buwan-
buwan. Kalakip naman nito bilang isang iskolar, may mga pamantayan silang kinakailangang
mapanatili upang hindi mawala ang scholarship. Gaya na lamang ng kabuuang grado na hindi
baba sa 85 porsyento. Bunsod ng ganitong sistema, nais ng mga mananalisik malaman kung
ano-ano mga salik na maaring makaapekto sa akademikong pagganap ng mga iskolar, nang sa
gayon ay makatulong lalo sa mga iskolar na maiwasan ang pagkakatanggal sa scholarship.
II. Layunin

Pangkalahatang Layunin
Ang pangkalahatang layuning pagaaral na ito ay malaman ang iba’t ibang salik na
nakakaapekto sa akademikong pagganap ng mga Ace iskolar sa Fidelis Senior High.
Tiyak na Layunin
1.) Matukoy kung ang pagiging iskolar ay nagdudulot ng pressure sa pagaaral.
2.) Masuri kung saan inilalaan ng mga iskolar ang tulong pinansyal na natatanggap.
3.) Mailahad kung paano nakakaapekto ang mga salik sa akademikong pagganap ng mga
iskolar.

III. Metodolohiya

Ang konseptong papel na ito ay nabuo ng mga mag-aaral sa ika-labing isang baitang ng
kursong Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM). Ang mga
mananaliksik ay magsasagawa ng pag-aaral patungkol sa akademikong pagganap ng Ace
Iskolar sa paaralan. Sa pananaliksik na ito, pag-aaralan ang mga salik na nakakaapekto sa
akademikong pagganap ng mga Ace Iskolar. Ang mga mananaliksik ay gagamit ng
talatanungan survey questionnaire na naglalaman ng mga katanungan upang makalap ang
mga kinakailangang datos. Ito ay nasa pormat ng Likert Scale at ire-rate mula 1 hanggang 4,
kung saan ang 4 ay ‘palagi’, 3 ay ‘madalas’, 2 ay ‘bihira’, at 1 ay ‘hindi kailanman’.

IV. Inaasahang Bunga


Sa katapusan ng pananaliksik, inaasahang makalap ang mga angkop na datos
nakinakailangan sa pagaaaral. Sa pamamagitan ng mga datos na iyon masasagot at mabibigyang
patunay kung ano ang mga salik na nakakaapekto sa akademikong pagganap ng mga Ace
Iskolar. Inaasahan din ng mga mananaliksik na ang papel pananaliksik na ito ay magsisilbing
tugon sa porblemang maaring kaharapin ng mga iskolar patungkol sa mga salik na
nakakaapekto sa kanilang akademikong pagganap na maaring humantong sa pagkakatanggal sa
scholarship. Inaasahan din ng mga mananaliksik na malaman kung paano na reresolbahan ng
mga iskolar ang mga bagay na humahadlang sa kanilang pag-aaral.

You might also like