11 Ika 5 Kabanata Unit 1

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 28

Ikalimang Kabanata

SI DR. RIZAL SA KANYANG


PAGKAMULAT
... Ako'y anak ng Lupang Hinirang kung saan
matatagpuan, ang timyas ng Perlas ng Silangan,
nagniningning sa buong kapuluan...

Tagumpay Nating Lahat


Gary Granada at Lea Salonga

TUNGKOL SA KABANATA:

Mababatid kung saang mga paaralang


nakamtan ni Dr. Rizal ang kanyang
karunungan.
Matutunghayan ang mga bagay na nagmulat
kay Dr. Rizal sa karunungan at pagkamulat.
Mauunawaan ang katotohaan sa likod ng
pagbitay sa tatlong paring Pilipino.
Malalaman ang pagkakatulad ni Dr. Rizal at
Padre Burgos sa pangyayari sa kasaysayan.

Simula ng Pagkamulat sa
Katotohanan

H
abang naglalakad si Dr. Rizal kasama ang
kanyang asong si Usman sa may baybay ng
Laguna de Bai siya ay nagninilay-nilay sa mga
nangyayari sa kanyang paligid. Isang taon ang
nakalipas inilahad niya ito sa isang sariling kwento.
Ang mga nasaksihan niyang pang-aapi sa mga
kababayan ang gumising sa batang isipan na mamulat
sa katotothanan. Nang siya ay tumuntong sa wastong
edad, sa liham niya kay Mariano Ponce, naisalaysay
niya ang kanyang pagkamulat sa kalagayan ng

57
kanyang lipunan. Kaya’t nang siya’y matanda na ang
lahat ng kanyang ipinundar sa pagpapakadalubhasa’y
inialay niya sa mga biktima ng karahasan upang
maituwid ang mga bagay na dapat ituwid, mabago ang
dapat baguhin, at maibalik kung ano ang dapat ibalik.
Dito nag-alab ang damdaming makabayan ni Dr. Rizal,
na sa tulong ng Panginoon ay nagawa niya ito para sa
pagbabago. Narito ang kanyang paliwanag hinggil sa
kalagayang kanyang napupuna unti-unti na sa
pagdating ng panahon ay kanyang magiging basehan
ng pagtayo sa lipunang nalusak sa kadiliman:

...Halos ginugol ko na ang buo kong pagkabata


kasama ang Lawa ng Laguna de Bai. Minsa’y
naiisip ko kung ano ba ang mayroon dito. Lagi
kong iniisip kung ano nga ba talaga ang nasa
likod ng mga alon nito. Halos buong araw dito sa
aming bayan puro pagmamalabis ng tinyente, ng
mga guardia civile, sa mga taumbayang walang
kalaban-laban. Ang tanging kasalanan lamang
nila ay makaligtaang magbigay galang sa
kanilang harapan. Maging ang Alcalde Mayor ay
ganoon din ang ginagawa sa kanila sa tuwing
ito’y dadalaw sa bayan.

Bulag na katarungan sa mga


napagmalabisan ang aming nasasaksihan. Puro
karahasan at sandamukal na kalabisan ang
nagaganap araw-araw... Minsan naitatanong ko
sa aking sarili kung ganito din ba ang
nararanasan ng mga nasa kabilang ibayo ng
lawa. Iniisip ko kung doon ba’y singlupit at
singhirap din ang nararanasan ng mga ito dahil
lamang sa paghihinala. Kanila bang nirerespeto
ang bawat tahanan? O dili nama’y para lang
makalayo sa kanila’t mamuhay ng mapayapa
ay kinakailangan pang suhulan ang mga ito ng
sinuman sa kanila?

Sa minimithing pagbabago ay kinakailangan ng


sandata. Isang sandata na magbibigay proteksyon at
magiging gabay sa tamang landas o paraan ng
pakikipaglaban. Ito ay ang karunungan na maaaring

58
makamit o makamtan at `di masasaklit ninuman. Ito
ang ibig sabihin ng pamagat ng isang tula ni Dr. Rizal
na Por la Educacion Recibe Lustre la Patria na dahil sa
karununga’y nagkaroon ng kinang ang bayan.”

Calamba, Ang Unang Edukasyon


Sa Calamba, ang unang guro ni Dr. Rizal ay ang
kanyang ina. Sa kanya natutunan ni Dr. Rizal ang
pagsulat at mga dasal. “... Ang aking ina...,” sabi ni Dr.
Rizal, “...ang nagturo sa akin ng pagbasa at
magdasal...” Ang edukasyon sa isang anak ng
pamilyang illustrado sa panahong iyon ay binubuo ng
apat na aralin – pagbasa, pagsulat, aritmetika, at
relihiyon.

Dahil sa dumarami ang kapatid ni Dr. Rizal at


nagiging abala si Doña Dolay sa kanyang maliit na
negosyo, kumuha ang kanyang mga magulang ng
pribadong guro para sa kanya. Ang una ay si Maestro
Celestino at ang pangalawa’y si Maestro Lucas Padua.

Sa pag-aaral ni Dr. Rizal ng wikang Latin, si


Leon Monroy ang kinuha para magturo sa kanya.
Ngunit pagkatapos lamang ng limang buwan ay
binawian ng buhay si Monroy kaya napagdesisyunan
ng mag-asawa na bigyan na ng pormal na edukasyon
si Dr. Rizal. Kaya ipinadala siya sa Biñan upang doon
ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Biñan, Simula ng Pagsubok


Umaga ng Linggo, Hunyo 1870, hinatid ni Paciano si
Dr. Rizal sa Biñan, ang kalapit na bayan ng Calamba.
Ang Biñan ay ang bayang pinagmulan ng kanyang
ama. Sakay ang magkapatid ng isang caromata
patungo sa bahay ng kanyang tiyahin kung saan titira
si Dr. Rizal.

59
Siyam na taong gulang noon si Dr. Rizal at ito
ang unang pagkakataon na siya ay mawawalay sa
kanyang pamilya kaya nalungkot siya nang paalis na
ang kanyang kuya. Ipinasok si Dr. Rizal sa isang
pribadong eskwelahan sa Biñan. Tiwala si Paciano na
magiging maganda ang kalalagayan ng kanyang
kapatid sa kamay ng kanyang guro na si Maestro
Justiniano Aquino Cruz sapagkat naging guro na niya
ito. Sa paglalarawan ni Dr. Rizal, si Maestro Cruz ay
isang istriktong guro, matangkad, at payat na may
matangos na ilong na laging nakabihis ng kamisa na
yari sa sinamay na gawa ng mga kababaihan ng
Batangas. Ang kanyang tahanan ay mismong
nagsilbing paaralan na tatlumpong metro ang layo
mula sa kanyang tiyahin kung saan siya tumutuloy. Si
Maestro Cruz ay madalas mamarusa sa kanyang mga
mag-aaral at isa na rito si Dr. Rizal na halos araw-
araw nabibigyan ng parusa sa buong panahon ng
kanyang pag-aaral sa Biñan. Sinabi ni Dr. Rizal sa
kanyang talaarawan ang ganito:

…Wala akong panahon na pag-ukulan ng


pansin ang pagbilang sa mga palo na aking
natanggap o ilarawan ang aking damdamin
nang unang maranasan ko ang mapalo. Lagi
nang may sumbong tungkol sa akin at
katumbas ng bawat sumbong ay mga tatlo
hanggang anim na hagupit ng pamalo

Sa kanyang pag-aaral, walang tumalo at


humigit sa kanyang galing. Bantog siya sa kanyang
mga kamag-aral bilang mabuti at mahusay na mag-
aaral. Isa sa kanyang kamag-aral ay si Jose Guevarra
na interesado sa pagpipinta kagaya ni Dr. Rizal kung
kaya’t silang dalawa ay pumupunta sa istudyo ni
Juancho na biyenan ng kanilang guro. Si Dr. Rizal at
Guevarra ay madalas tumulong kay Juancho kung
kaya’t tinaguriang silang pintor ng klase.

Dito unang naranasan ni Dr. Rizal ang


makipag-away sa kanyang kaklase na si Pedro Cruz na
anak ng kanyang guro. Sa unang pagkakataon ay
60
natalo ni Dr. Rizal si Pedro sa isang suntukan dahil sa
kanyang ginamit ang turo ng tiyuhin niyang si
Manuel.

Dumating ang panahon na binigyan na ng


kapasyahan ni Maestro Cruz si Dr. Rizal at siya ’y
pinayuhan na magtungo ng Maynila upang doon
ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Nagkataon naman
na nakatanggap siya ng liham galing sa kapatid na si
Saturnina at siya’y susunduin na pauwi sa Calamba.
Nung kumustahin ng kanyang kapatid ang kanyang
pag-aaral, nasabi ni Dr. Rizal na “…wala rin akong
natutunan sa kanya kung hindi ang Multiplication
table…

Noong Disyembre 7, 1871 nilisan ni Dr. Rizal


ang Biñan patungong Calamba sakay ng barkong
Talim, ang unang barkong nasakyan niya, at dito
kanyang nakasakay ang kaibigan ng kanyang ama na
si Arthur Camps.

Ang Idolo ni Dr. Rizal


Para sa maraming kabataang Pilipino si Dr. Rizal ang
kanilang idolo at siya ang ginagawang huwaran.
Tinawag na Philippine Idol ng mga kabataan Subalit
ang lahat ng mga iniidolo ay may mga iniidolo din. At
sa kaso ni Dr. Rizal, ang kanyang iniidolo ay ang mga
GomBurZa.

Noong nag-aaral pa si Paciano sa Colegio de


San Jose ay kaibigan na niyang matalik si Padre
Burgos. Madalas silang magkasama dahil sa siya’y
nakatira sa tahanan ng mga Burgos. Higit pa sa tunay
na magkapatid ang turingan ng dalawa. Minsan ay
napasyal si Padre Burgos sa Calamba at nakita niya si
Dr. Rizal. Napansin nito ang pagkabibo at kakaibang
katalinuhan ni Dr. Rizal, at nasabi na “...pag ako pala
ay mamamatay may panibagong Jose na papalit sa
akin...”(Filipino Magazine, 1996)

61
Malaking kalungkutan para kay Paciano ang
kamatayan ng kanyang kaibigan. Tumigil siya sa pag-
aaral at nagpasiya na lamang na tulungan ang ama sa
paglinang ng kanilang lupang sinasaka. Ang sakit na
naramdaman ni Paciano ay isinisisi sa mga buklot na
alagad ng pamahalaang kolonyal. At Isa pang
kawalang katarungan na nakadagdag sa galit ni
Paciano ay ang pagkakakulong ng kanyang ina.

Sa kanyang pag-uwi ay naikuwento ni Paciano


kay Dr. Rizal ang pagkakabitay ng tatlong paring
martir. Dito napukaw ang interes ni Dr. Rizal na
kalabanin ang mga Kastila at naitanong kay Paciano
ang dahilan ng pagkakabitay sa tatlong pari at ang
pagkakakulong ng kanilang ina. Isa lamang ang naging
tugon ni Paciano – ang baluktot na hustisya sa
Pilipinas.

Sa pagkukuwentuhan ng magkapatid,
naipaliwanag ni Paciano ng husto ang malalim na
pananaw ni Padre Burgos. Naukit sa kanyang isipan
ang kalupitan at maling pamamalakad ng mga
mananakop sa pamahalaan. Maliban kay Padre
Burgos, nakilala rin ni Dr. Rizal sina Padre Dandan,
Padre Lara, at Padre Mendoza na pawang dinakip at
ipinatapon sa Marianas (sa Pasipiko) ng mga Kastila.

Hinangahan niya ang kadakilaan ng mga


Pilipinong nagbuwis ng buhay, partikular na ang
GomBurZa. Isa ito sa mga naging inspirasyon niya
upang ipagpatuloy ang kanyang mithiin na makita ang
liwanag at katwiran tungo sa katotohanan at
katarungan sa lipunan sapagkat naniniwala siya na
pagkatapos ng kadiliman ay may kasunod na liwanag.

Para kay Dr. Rizal ay napakahalaga ng


GomBurZa. Ayon sa kanya kung wala ang GomBurZa
baka siya’y naging Heswita, at hindi lilitaw ang Noli
kundi ibang aklat na kabaligtaran ang nilalaman at
layunin nito. Sa sulat ni Dr. Rizal kay Mariano Ponce
noong 1889 ay matanto kung paano
62
naimpluwensiyahan ng pangyayari ang pampulitika at
panlipunang kamalayan ni Dr. Rizal.

...Sa harap ng ganitong kasalatan ng


katarungan at kalupitan, ang aking murang
imahinasyon ay nagising at sumumpa na
balang araw na ipaghihiganti ang mga naging
biktima... Balang-araw, ang Diyos ay
magbibigay sa akin ng pagkakataon na
maisakatuparan ang lahat ng aking balak...

Noong papasok na si Dr. Rizal sa Ateneo ay


ayaw siyang tanggapin ng nasabing paaralan dahil sa
huli na siyang nagpatala. Ngunit ang tumulong sa
kanya upang makapasok doon ay si Manuel Xerez
Burgos na pamangkin ni Padre Burgos. Maging sa
paggawa ni Dr. Rizal ng mga nobela ay isinasama niya
ang GomBurZa. Isa sa mga kabanata ng Noli ay
hinango ni Dr. Rizal sa pangyayari sa pag-aalsang
naganap sa Cavite. Ang tagpo kung saan si Padre
Salvi ay binayaran sina Lucas at mga kasama nito
upang magsagawa ng isang rebolusyon at si Juan
Crisostomo Ibarra ang ituturong nagpasimula ng
rebolusyon. Sa sobrang pag-idolo ni Dr. Rizal sa mga
GomBurZa, ang pangalawang nobela niya na El Fili ay
inialay niya sa kanila

Ang tanging pagkakaiba nina Padre Burgos at


Dr. Rizal ay ang kanilang pananaw-pulitikal. Para kay
Dr. Rizal ang pagkakaroon ng Pilipinong
representasyon sa pamahalaan ay magiging daan sa
reporma. Kay Padre Burgos naman ay hindi sapat ang
pagbibigay ng kalayaan sa Pilipinas para
masolusyonan ang problema ng Pilipinas.

Kadalasan sa idolo mo pinaparis ang lahat ng


iyong nais gawin. Lahat ng bagay na nasa kanya ay
gusto mong parisan. Sa artikulo ni Daniel Anciano sa
Filipino Magazine noong Hulyo 9, 1996 inilahad niya
ang maraming pagkakatulad ni Dr. Rizal at Padre
Burgos sa pangyayari sa kasaysayan tulad ng:

63
1. Si Burgos ang naglahad ng mga masasamang
gawain ng mga grupo ng relihiyon sa Pilipinas.
Ito ang pinakita ni Rizal sa Noli na kung saan
ang mga prayle ay pinakita nyang nangaabuso
at nagkaka-anak. Pareho nilang (Burgos at
Rizal) pananaw na ang kanilang mga akda ay
paglalahad ng katotohanan.

2. Ang estilo ni Rizal sa pagsulat ay mukhang


hango rin kay Burgos. Makikita na ang La Loba
Negra ni Burgos ay may batayang aktwal na
kaganapan na makikita rin sa The Tagalog
Nobility ni Rizal. Liban dito sa mga akda ni Rizal
ang pagsasabi ng mga ideya ni Burgos. Pati ang
ideya ng paghihiganti at pagbabalatkayo na
ginamit ni Rizal sa Fili (sa katauhan ni Simoun
Ibarra) ay makikita rin sa La Loba (si Emilio
Melgar). Ang dalawang tauhan na ito ay
kakikitaan ng misteryo sa kanilang akda. Pati
ang pagtukoy sa kanila ay may pagkakatulad
rin.

3. Si Jose Burgos ay isinangkot ng mga


Espanyol at prayle sa pag-aalsa sa Cavite
noong 1872. Samantalang si Jose Rizal ay
isinangkot ng mga Espanyol at prayle sa
himagsikang Pilipino ng 1896.

4. Si Jose Burgos ay nilitis at hinatulan ng


kamatayan ng hukumang militar noong 1872 sa
loob ng Kuta ng Santiago, samantalang si Jose
Rizal ay nilitis at hinatulan ng kamatayan ng
hukumang militar sa loob din ng kuta ng
Santiago noong 1896.

5. Si Jose Burgos at Jose Rizal ay kinitilan ng


buhay ng mga misteryoso at hayagang puwersa
ng reaksiyonismong Espanyol sa
Bagumbayan, ilang metro lamang ang layo sa
pinagbitayan sa tatlong paring martir at
pinagbarilan kay Jose Rizal.

64
6. Si Rizal ay namatay na kaedad ni Burgos
(35 taong gulang), na ayon sa kanyang
talambuhay ay:

...ang buhay ay kawiliwili, at nakakasuklam


ang mamatay sa samyo ng bitayan, na
napakabata at ang ulo ay punong-puno ng
mga kaisipan...

7. Nang bitayin si Jose Burgos ay tumututol siya


at kaniyang ipinahayag ang kaniyang pagiging
walang malay sa ibinibintang sa kaniya sa
pamamagitan ng pag-iyak at pagsigaw ng
kaniyang pagiging inosente sa krimen na
ibinibintang sa kaniya. Ngunit sa huling sandali
ni Rizal ang aktwasyon at kahinahunan ni
Gomez ang kaniyang naging kaasalan sa harap
ng kamatayan. Pero nagpakita rin siya ng
pagtutol at pagpapahayag ng kawalan ng
kaalaman sa krimeng ibinibintang sa kaniya sa
pamamagitan ng pagharap niya ng siya ay
bariling patalikod.

8. Ngunit lalo pang nakapanghihilakbot na isipin


kung totoo ang sinulat ni Wenceslao Retana, na
ang puntod na pinaglibingan kay Jose Burgos sa
Sementeryo ng Paco dalawamput apat (24) na
taon ang nakakalipas ay iyon ding puntod na
pinaglibingan kay Jose Rizal.

Paciano: Kapatid, Idolo, at


Bayani
Sa kasaysayan, mas popular at kilala ang pangalang
Jose Rizal kaysa Paciano Rizal dahil si Dr. Rizal ang
itinanghal na “Bayani ng Bayani” at marami ang hindi
nakababatid na walang Jose kung wala si Paciano.
Sino nga ba si Paciano? Ano ba ang naiambag niya sa
bayan?

65
Si Paciano ay isinilang din sa Calamba noong
March 9, 1851 at nakakatandang kapatid ni Jose.
Siya ang pangalawang anak nina Don Kikoy Rizal at
Doña Dolay. Sampung taon ang agwat nila ni Dr. Rizal
kaya kung ituring niya ito ay pangalawang ama sa
kanilang tahanan. Malaki rin ang naging
impluwensiya ni Paciano sa kanya, lalo na sa
pagkahubog ng kanyang kamalayang panlipunan o
bayan. Ayon kay Rolando Talampas, propesor ng
Unibersidad ng Pilipinas - Maynila, si Paciano ay may
likas na liberalismo at marami ang nagsasabi na siya
ay isang taong matapat at may matatag na
paninindigang tumupad sa kanyang mithiin.

Nag-aral siya sa Biñan ng wikang Latin kay


Maestro Justiniano Cruz. Naging mag-aaral din ng
UST at Colegio ng San Juan sa pangangalaga ni Padre
Burgos. Nagsimulang magising ang kamalayan ni
Paciano sa mga suliranin ng ating lipunan dahil sa
pang-aabuso ng mga kastilang mananakop noong
mabitay ang GomBurZa, isa si Padre Burgos.

Nagkaroon siya ng mga mithiin sa bayan


nuong siya ay nagdadalamhati sa pagkamatay ng
itinuring niyang pangalawang ama na si Padre Burgos
at dito na rin nag-umpisang masangkot ang kanyang
pangalan sa gulo.

Dahil sa pagmamahal niya sa kanyang


kapatid, hindi niya pinagamit kay Dr. Rizal ang
apelyido nilang Mercado upang hindi siya madamay
sa gulo. Naging idolo ni Dr. Rizal ang kanyang kuya
dahil sa nakikita niyang katalinuhan at katatagan ng
loob kahit hindi siya nakatapos ng pag-aaral.

Marunong magsalita si Paciano ng iba’t ibang


wika tulad ng Kastila, Pranses, Ingles, Latin, at
Filipino. Napansin ni Paciano ang kakaibang
katalinuhan at kakayahan ng kanyang nakababatang
kapatid at ito’y hinubog niya ng husto. Kung mayroon
mang naging malaking interes si Paciano kay Dr. Rizal
66
ito ay ang mabigyan ito ng tumpak at progresibong
edukasyon ang kanyang kapatid. Siya ang nagsabi
kay Dr. Rizal na magmedisina at huwag mag-
abogasya. Isa rin si Paciano na nakahikayat kay Dr.
Rizal na magsulat. Siya rin ang nagtustos sa pag-aaral
ni Dr. Rizal sa Europa. Pinadadalhan niya ito ng
buwanang pencion (allowance) ng P 50.00. Nang
lumaon ito’y naging P 35.00 na lamang dahil sa
naging mahirap ang buhay sa Calamba noon.

Malaki ang respeto ni Dr. Rizal sa kanyang


kuya. Ang mga pangaral sa kanya ni Paciano ang
naging sandigan niya upang siya’y maging matatag.
Lahat ng layunin ni Paciano para sa bayan ay iniatang
niya kay Dr. Rizal dahil alam niyang higit itong
magagampanan ng kanyang kapatid. Kaya
nagkasundo ang dalawa na ang isa sa kanila ay
maglilingkod sa bayan, at ito ay napunta kay Dr.
Rizal.

Naging mainit ang pangalan ni Paciano sa


awtoridad lalo na sa mga Dominikanong frailes.
Nadagdag pa sa kanilang mga suliranin ang hinggil sa
usaping panlupa sa kanilang lupang sinasaka kaya
siya ay ipinatapon sa Mindoro mula Setyembre 1890
hanggang 1891, dahilan ng pagsampa niya ng
reklamo laban sa mga makapangyarihang
Dominikano.

Ayon sa mga mananalaysay, may kwento na


sa tuwing makikiusap si Paciano sa mga opisyal ng
pamahalaan at Domikanong frailes sa Canlubang,
Laguna siya’y pinaghihintay ng matagal bago siya
harapin.

Noong 1882 sumanib si Paciano sa kilusang


Katipunan. Tumulong siya sa pagpapakalat ng mga
adhikain ng samahan at nangalap ng mga artikulo
para sa Diariong Tagalog. Ngunit noong makulong si
Dr. Rizal sa Fuerza (fort) Santiago, si Paciano ay
inaresto at pinahirapan ng mga Kastila dahil batid
67
nila na siya ay kapatid ni Dr. Rizal. Ayon kay Austin
Coates, ganito ang dinanas na pagpapahirap ng mga
Kastila kay Paciano:

...Siya ay pinahirapan nang husto. Una, tinusukan


ng mga karayom ang pagitan ng kaniyang mga
kuko at daliri habang tinatanong ng mga
imbestigador na nakaupo sa harap niya. Siya ay
nagsawalang-kibo. Sumunod, inipitan ng mga
bakal ang pagitan ng kaniyang mga daliri at
paulit-ulit na hinihigpitan ang pagkakaipit. Hindi
pa rin siya nagsalita. Pagkaraan nito, hinagupit
siya ng mga Kastila ng yantok na isang pulgada
ang kapal hanggang sa mawalan siya ng malay-
tao. Nang siya ay magkamalay, itinali ang
kaniyang mga kamay sa likod, ibinitin sa lubid na
nakatali sa kaniyang pulso at isinabit sa kisame,
na ang angat niya sa lupa ay mga isang
talampakan. Matapos ay paulit-ulit siyang
biglaang ibabagsak sa batuhang lupa. Ang mga
pagitan ng pagbabagsak sa kaniya ay paiba-iba;
hindi niya alam kung kailan siya ibabagsak muli.
Hindi pa rin siya nagsalita... Ang bilanggo ay
pinakawalan at inihatid sa kaniyang bahay sa na
naka-stretcher. Iniwan niya ang Fuerza Santiago
na paralisado nang husto mula ulo hanggang paa,
tanging ang mahinang tibok ng pulso ang
nagpapakitang siya ay buhay pa. Siya ay hindi
makakilos sa loob nang ilang araw...

Bago barilin si Dr. Rizal sa Bagumbayan,


humingi si Paciano ng tulong kay Hen. Santiago
Alvarez upang itakas ang kanyang kapatid sa
kulungan. Subalit wala ring nangyari dahil mismong
si Dr. Rizal na rin ang tumanggi sa katwirang marami
pang madadamay sa kanilang pamilya at iba pang
mga Pilipino kung gagawin nila iyon. Ayon sa kanyang
liham sa mga Pilipino na may petsang Hunyo 1892:

...Minagaling ko pang sagasain ang kamatayan, at


malugod na iaalay ang aking buhay mailigtas
lamang ang napakaraming walang-sala sa gayong
buktot na pag-uusig. Natanto kong sa ngayon, ang
bahagi ng kapalaran sa hinaharap ng aking Inang
68
Bayan ay naiatang sa akin; na kung ako’y patay
na ay maraming magtatagumpay, at dahil dito’y
marami ang nagmimithi ng aking pagkapa-
nganyaya...

Matapos ang pagbaril kay Dr. Rizal, si Paciano


ay namundok at nagtungo ng Cavite upang ialay ang
paglilingkod kay Hen. Emilio Aguinaldo. Nahalal siya
bilang kalihim ng Pananalapi sa Kagarawan ng
Pamahalaan sa Gitnang Luzon ni Hen. Francisco
Makabulos ng Tarlac. Namuno siya sa pakikidigma
laban sa mga Kastila at madalas siyang nagwawagi.
Dahil dito, siya ay nagawaran ng ranggong Heneral sa
samahang revolucionario sa Laguna. Tumagal ang
kanyang pakikipaglaban hanggang sa panahon ng
mga Amerikano.

Nakulong siya noong 1900 at dinapuan ng


sakit na malaria kaya pinalaya siya ng mga
Amerikano. Nanirahan na lamang siya sa Los Baños at
namuhay na payapa doon bilang isang magbubukid.

Sa simpleng pamamaraan naibahagi niya ang


kanyang kakayahan para sa kalayaan ng bayan. Hindi
man siya kasing popular ng kanyang kapatid ngunit
masasabi pa ring siya’y isang bayani na nagbahagi ng
talino para sa bayan. Naipakita niya ang angking
katauhang tulad ng isang bayani sa kasaysayan.
Malaki rin ang kanyang ginampanan sa paghubog sa
kaisipan ni Dr. Rizal at sa pagsilang ng kanyang
damdaming makabansa.

Kung hindi dahil sa kanya ay walang Dr. Rizal


na pambansang bayani ngayon. Kaya hindi dapat na
malimutan ang kanyang ginawa. Pagpapakita ito ng
ugali ng isang tunay at mabuting mamamayang
Pilipino.

Mismong si Dr. Rizal sa liham niya kay


Blumentritt ay pinarangalan niya si Paciano at
sinabing:
69
...Ang aking kapatid na si Paciano, ang
pinakadakilang Pilipino…

Ang Ateneo Municipal:


Pinakamamahal na Paaralan ni Dr.
Rizal
Ang Ateneo Municipal (dating Escuela Pia at siyang
Ateneo de Manila University ngayon) ay nasa loob ng
Intramuros, ang sentro ng kapangyarihan ng mga
Kastila na napalilibutan ng matibay na moog. Sa
dakong hilagang-kanluran, kung saang dako naroroon
ang Ilog Pasig ay nakatago ang Fuerza Santiago. Sa
loob ng Intramuros ay nakatayo naman ang Katidral
ng Maynila at magagandang simbahan, ang Real
Audiencia na siyang pangunahing tanggapan ng
pamahalaan at ang mga tinitirahan ng mga matataas
na tao sa lipunan. Sa gawing timog-silangan naman ay
naroroon ang magandang kalawakan ng
Bagumabayan na nakatunghay sa Look ng Manila.

Ang Ateneo ay pinapatakbo ng mga Heswita sa


panahong iyon. Ang mga Heswita ay iba sa mga
karaniwang frailes na nagpapatakbo ng mga kolehiyo
sa Maynila dahil ang mga ito ay kasa-kasama lamang
ng mga naunang orden (e.g.: Agustino, Dominikano,
atbp.) noong unang ipangaral ang Kristyanismo sa
Pilipinas. Subalit noong 1768, bunga ng kapasyahan
ng Santo Papa sa Vatican na buwagin ang pangkat ng
mga Heswita na sinusugan naman ng atas ni Haring
Carlos III, lahat ng mga frailes ng orden na ito ay inalis
na sa Pilipinas at ang kanilang ari-arian ay kinuha na.
Ang mga fraile na namamahala sa Ateneo ay mga
kasapi ng bagong tatag na samahan ng mga Heswita.
Sa pinag-aralan at pag-uugali ay totoong malayo sila
sa mga prayle. Matataas ang mga pinag-aralan,
karamihan sa kanila ay nagtataglay ng makabagong
kaisipan tungkol sa agham, mga masisigasig na
tagapag-turo at karamihan sa kanila ay bata pa.

70
Ang layunin nila sa edukasyon ay hubugin ang
mga mag-aaral sa mga aral ng katolisismo, kaalaman
sa sining, at sa agham. At ang pananaw ng mga
Heswita na ang isang matalinong Katoliko ay mabuting
tagapagtanggol ng simbahan ay naaayon sa
pilosopiyang Ad Majorem Dei Gloriam (Para sa Higit na
Kadakilaan ng Diyos).

Noong Hunyo 1872, bago mag-aral si Dr. Rizal


sa Ateneo ay may isang trahedya ang dumating sa
kanilang pamilya. Dinakip si Doña Dolay dahil sa
isang bintang na paglalason sa kanyang hipag na
asawa ni Jose Alberto. Pinaglakad si Doña Dolay mula
Calamba hanggang Sta. Cruz na may layong 50
kilometro. Nakulong siya ng dalawa’t kalahating taon
bago mapawalang-sala ng Manila Real Audencia sa
diumano’y krimeng nagawa niya. Labis ang
paghihinagpis ng kanyang pamilya lalo na si Dr. Rizal.
Natanim sa isipan niya ang kawalan ng katarungan ng
mga namamahala hindi lamang sa kanyang ina kundi
pati sa ibang taong walang pagkakasala.

Noong Hunyo 10, 1872 sinamahan ni Paciano si


Dr. Rizal na lumuwas ng Maynila upang magpatala sa
Ateneo dahil sa nagbago na nang isip si Don Kikoy at
hindi siya na sa San Juan de Letran mag-aaral. Noong
una ay ayaw tanggapin si Dr. Rizal ni Padre Magin
Fernando, tagapagtala ng Ateneo, sa kadahilanang huli
na siya sa pagpapatala at patpatin daw siya at baka `di
niya kayanin ang pag-aaral doon. Sa kabutihang palad
natulungan siya ni Manuel Xerez Burgos na
pamangkin ni Padre Burgos upang makapasok sa
Ateneo. Sa mga panahong iyon ay malakas narin ang
sistemang padrino o kilala ngayon sa mga paaralan
bilang bucker.

Dahil sa pagkakadawit ng pamilya Rizal sa kaso


ng mga binitay na tatlong paring martir, Rizal ang
ipinagamit na apelyido ni Paciano kay Dr. Rizal sa
pagpapatala upang makaiwas siya sa gulo. Siya ang
unang gumamit ng apelyidong ito sa kanilang pamilya.
71
Lubos ang kasiyahan ni Dr. Rizal sa unang araw
ng kanyang klase. Nasa antas na siya ng Bachilier en
Artes na katumbas ngayon ng antas sekondarya sa
mga paaralan ng Pilipinas. Naging seryoso siya sa
kanyang pag-aaral at ang dating kapilyuhan ay
kanyang kinalimutan at sinikap niyang lalong
manguna sa klase. Binanggit niya sa kanyang
talaarawan ang ganito (mula kina Rosales at Caloma,
1999):

...Pumasok ako sa paaralan na isa pang bata,


may napakaliit na kaalaman sa wikang
Kastila, may talinong bahagya pa lamang
nahahasa at halos walang kapinuhan sa
aking kilos at damdamin. Subalit sa
pamamagitan ng pag-aaral, ng pag-aanalisa
sa aking sarili, ng paghahangad na magkamit
ng higit na mataas na bagay at sa
pamamagitan ng libong pagwawasto, ako ay
unti-unting nagbago...

Sa panahong iyon makabago na ang


pamamaraan ng pagtuturo ng mga paring Heswita
kung ikukumpara sa ibang paaralan. Ang kanilang
klase ay nahahati sa dalawang grupo. Ang unang
grupo ay tinatawag na Romano (hango sa pangalan ng
Imperyong Romano), samantalang ang ikalawa ay
tinawag na Kartigiyano (hango naman sa kaaway na
imperyo ng mga Romano sa hilagang Aprika, ang
Carthage). Ang mga miyembro ng grupo ay inihahanay
sa kanilang tagumpay sa kanilang pang-araw-araw na
leksyon.

Nagsimula si Dr. Rizal sa grupong Kartigiyano


na nasa hulihan ng talaan, subalit makaraan ang
isang buwan siya ay tinanghal na emperador at
ginawaran ng estampita. Nagtamo rin siya ng mga
medalya at pagkilala dahil sa kanyang termino at
nananatiling tumanggap ng mga markang
pinakamahusay sa halos lahat ng kanyang mga aralin.

72
Upang humusay pa siya sa wikang Kastila
kumuha siya ng pribadong aralin sa isa pang kolehiyo,
ang Colegio de Santa Isabel, na `di kalayuan sa Ateneo.
Pumapasok siya dito sa kanyang bakanteng oras sa
tanghali at tatlong piso ang bayad niya para dito.

Noong una’y nangupahan siya sa labas ng


eskwelahan sa calle Caraballo na pag-aari ni Señora
Titay. At nang matapos ang unang taon niya sa Ateneo
noong 1873 agad niyang pinuntahan ang kanyang
inang nakakulong sa Sta. Cruz, Laguna at
kinwentuhan ng mga naranasan niya habang nasa
Ateneo. Mula noon ay nakaugalian na ni Dr. Rizal na
umuwi tuwing bakasyon sa Laguna, lalo na sa
Calamba, upang makita ang kanyang pamilya.

Sa pangalawang taon ni Dr. Rizal sa Ateneo ay


nanirahan na siya sa loob ng Intramuros sa Blg. 6,
Kalye Magallanes dahil sa layo ng kanyang tinutuluyan
sa paaralan. Ang kanyang kasera ay si Doña Pepay,
isang matandang biyuda na may apat na anak na
lalaki.

Sa taong-pampaaralang ito ay may mga bago


siyang mga kaklase kung saan ang apat sa kanila ay
kanyang mga naging kaklase sa Biñan. Galak-na-galak
din siya ng mga panahong ito sapagkat sa `di
inaasahang pagkakataon ay nagkatotoo ang kanyang
panaginip na kanya namang sinabi sa ina na sa loob
ng tatlong buwan siya’y lalaya.

Kasabay ng matinding kagalakan ni Dr. Rizal sa


paglaya ng kanyang ina ay ang muling panunumbalik
ng kanyang sigla sa pagsusulat ng mga tula. Noong
1874, dahil sa kanyang lubos na kasiyahan, naisulat
niya ang tulang Mi Primera Inspirascion (Ang Aking
Unang Salamisim/ Inspirasyon) na inihahandog niya
sa kaarawan ng kanyang ina. Ang tulang ito ay
nagpapakita ng matinding kaluwalhatian sapagkat
bago ang 1874 siya’y hindi nakasulat ng anumang tula
dulot ng pagdadalamhati sa pagkakakulong ng
73
kanyang ina. Ito ang una niyang tula sa Kastila na
kanyang naisulat sa Ateneo. Naisulat din niya ang Por
la Educacion Recibe Lustre la Patria (Dahil sa
Karununga’y Nagkaroon ng Kinang ang Bayan) kung
saan inihayag naman niya ang kahalagahan ng
edukasyon bayan dahil ito ang magiging sandata nito
upang maiangat ang sarili sa kasawian at
kamangmangan.

Nagpatuloy na ang interes ni Dr. Rizal sa


paglikha ng mga tula mula noon. Noong 1875, sa ika-3
taon niya sa Ateneo, naisulat niya ang tulang
Felicitacion (Pagbati) bilang tugon sa kahilingan ng
kanyang kapatid na si Narcisa na sumulat ng tulang
pagbati sa asawa nitong si Antonio Lopez. Nakalikha
rin siya ng mga tulang panrelihiyon, gaya nang
dalawang tula ng pagpupugay o oda (ode), ang Al Niño
Jesus (Para sa Batang si Jesus) at ang La Virgen Maria
(Para sa Birheng Maria). Sa kaso ng kanyang huling
tulang binaggit, may ilang nagsasabi na hindi si Dr.
Rizal ang gumawa nito at pinasusubali lamang na
kanya itong isinulat.

Ang huling tulang sinulat niya sa Ateneo ay ang


Un Dialogo Alusivo a la Despedida de las Colegiales
(Ang Huling Wika ng mga Mag-aaral) na isang matalim
at marubdob na tula ng pamamaalam sa kanyang mga
kamag-aral sa Ateneo sapagkat sila’y magtatapos na sa
pagka-Bachillier en Artes.

Bukod sa paglikha ng mga tula, nalinang din ng


husto ang kakayahan ni Dr. Rizal sa paglikha ng mga
sining-biswal at paglikha ng iba pang anyo sa tulong
ng kanyang paboritong guro na si Fray Francisco de
Paula Sanchez sa Ateneo. Siya ay 26 na taong gulang,
malungkutin, at may negatibong pananaw sa mga
bagay-bagay (pesimistiko). Sa kanyang talaarawan
inilarawan niya si Fray Sanchez bilang “...huwaran ng
pagkamakatwiran, pagkamaagap, at may pagmamahal
para sa pag-unlad ng kanyang mga mag-aaral...”

74
Nahilig si Dr. Rizal sa pagbabasa ng mga
nobelang romantiko, at ang kanyang unang naibigang
nobela ay ang The Count of Monte Cristo ni Alexander
Dumas. May ilang kritiko ni Dr. Rizal ang nagsasabi
na ang plot o takbo ng kwento ng nobela ni Dumas at
ang nobelang El Fili ay `di nagkakalayo. At may
palapalagay na naging inspirasyon din niya sa
paglikha ng El Fili ang nangyari sa bida ng Monte
Cristo.

Nagandahan din siya sa sinulat ni Cesar Cantu


na Universal History of the World na tungkol naman sa
kasaysayan ng daigdig kaya kahit may kamahalan ay
nagpabili siya nito sa kanyang ama. Kinalaunan,
binasa rin niya ang Travels in the Philippines ni Dr.
Feodor Jagor, isang Alemang siyentipiko at
manlalakbay na bumisita sa Pilipinas noong 1859-
1860. Ang aklat na ito ay tungkol sa mga pangyayari
sa Pilipinas sa panahong si Jagor ay naririto.

Nahilig din sa pagpipinta at iskultura si Dr.


Rizal. Naging guro niya para sa mga asignaturang ito
sina Agustin Saez, isang Kastilang pintor, at si
Romualdo de Jesus, isang bantog na iskultor noon.
Nasubukan naman ang kanyang galing sa pag-uukit
nang siya’y pakiusapan ni Fray Lleonart na umukit ng
isang imahen ng Sagrado Corazon de Jesus (Sagradong
Puso ni Hesus) at dito natanggap niya ang lubos na
paghanga ng frailei sa kanyang galing sa iskultura.

Nag-aral din siya ng eskrima (fencing) at


gymnastics. Naging aktibo rin siya sa ibang gawaing
ekstra-kurikular sa Ateneo. Sa katunayan, naging
kalihim siya ng Marian Congregation, at naging kasapi
ng samahan sa wikang Kastila ng Academy of Natural
Sciences.

Sa huling taon ni Dr. Rizal sa Ateneo (1876-


1877) ay nanguna siya sa klase sa lahat ng asignatura
at nagkamit siya ng limang medalya sa pagtatapos ng
taong-pampaaralan. Sa taong ding ito naisulat niya
75
ang dulang La Tragedia de San Estaquio Martir na
naglalahad ng malungkot na kasaysayan ni San
Estaquio Martir. Binubuo ito ng 2, 414 bersekulo.
Ipinagkaloob niya ito kay Fray Sanchez at nang
mabasa ay lalong humanga ang fraile sa kanya. Ito ang
pinakamahabang tulang naisulat ni Dr. Rizal.

Nagtapos si Dr.Rizal noong Marso 23, 1877 sa


edad na labing-anim at natamo ang Bachiller en Artes
na may mga markang sobrasaliente.

Univercidad de Santo Tomas (UST)


Pagkatapos ng ilang buwan na pagbabakasyon sa
Calamba, muling bumalik ng Maynila si Dr. Rizal
upang mag-aral kahit `di sang-ayon ang kanyang ina.
Para kay Doña Dolay ay sapat na ang nalalaman ng
kanyang anak at nais na lamang niya itong manatili sa
Calamba. Sa tuwing naaalala ng kanyang ina ang
kinasapitan ng mga GomBurZa ay kinakabahan ito
para Dr. Rizal. Nasabi ni Doña Dolay na:

...Si Rizal ay matalinong anak nguni’t may


sariling prinsipyong kahit na akong ina niya’y
hindi makapagpapabago. Hindi ko siya
napigilan sa pagpapatuloy ng pag-aaral na
pinangambahan kong siyang ikasawi niya...

Taliwas naman ang nais nina Don Kikoy at


Paciano sa nais ni Doña Dolay. Ayon sa kanila ay bata
pa si Dr. Rizal at `di pa sapat ang kanyang nakuhang
edukasyon, at ang nais nila ay makatungtong pa si Dr.
Rizal sa mas mataas na antas ng edukasyon sa isang
univercidad. Ito’y sapagkat ang natamong edukasyon
ni Dr. Rizal sa Ateneo ay katumbas lamang ng antas
sekondarya ngayon. At ang antas na ito ay
kuwalipikasyon lamang para makapasok sa isang
univercidad.

76
Pilosopia y Letras ang unang kursong kinuha ni
Dr. Rizal sa UST noong Abril 1877. Isang taon lamang
niya itong kinuha dahil `di pa siya desidido sa kung
anong kurso ang kanyang kukuhanin. Dahil dito, apat
na kurso ang sabay-sabay pa niyang pinasukan: ang
Kosmolohiya, Metapisika, Teolohiya, at Kasaysayan ng
Pilosopiya. Bukod pa rito ay kumuha din siya ng
kursong boksayonal sa Ateneo na Agrimensor na
nagbigay sa kanya ng titulong Perito Agrimensor
(dalubhasang surbeyor) sa edad na labing-pito. Naging
maganda ang karanasan niya sa Ateneo kaya hindi
niya nagawang lumayo dito kahit pa siya’y nag-aaral
na sa UST.

Nang sumunod na taon, pinayuhan siya ng


rector ng Ateneo at maging ng kaibigan niyang na si
Fray Pablo Ramon na kumuha ng medisina. Inayunan
niya ito dahil ninais niyang magamot ang nanlalabong
mga mata ng kanyang ina. At dahil dito agad siyang
nagpatala ng kursong paghahanda para sa medisina.

Nasa unang taon pa lamang siya noon sa


medisina ng makaranas siya ng kalupitan ng isang
opisyal na Kastila. Isang gabi sa Calamba habang
siya’y naglalakad ay may nakasalubong siyang isang
tiniente de guardia civiles at bigla siyang hinampas ng
buntot-pagi. Nabigla siya sa ginawa ng tiniente at
nasaktan. Idinulog niya ito sa tanggapan ni Gov. Hen.
Primo de Rivera at napag-alaman na ang dahilan ng
paghampas sa kanya ay ang hindi niya pagbibigay-
galang na `di niya sinasadya dahil hindi daw niya
kaagad nakilala ang nasabing tiniente. Ngunit walang
nangyari sa kanyang reklamo dahil siya ay isang indio
at Kastila ang kanyang kalaban.

Noong isang araw ng 1878, siya at si Paciano ay


gumawa ng taimtim na kasunduan. Ito ay may
kinalaman sa pasya ni Paciano tungkol sa
kinabukasan ng kapatid at kung ano ang dapat dito.
Sa kasunduan, sa kanya napaatang ang tungkulin na
dalhin ang ipinaglalaban ng mga Pilipino, samantalang
77
kay Paciano napaatang ang tungkulin na itaguyod ang
kanilang mga magulang habang patuloy pa rin niyang
ibibigay sa kanya ang suportang kaya niyang ibigay.
Isa sa naging kasunduan pa nila ay isa lamang sa
kanila ang mag-aasawa upang kung dumating ang `di
inaasahang pagkakataon ay mayroong isang
matitirang kakalinga sa kanilang mga magulang. Ang
kapatid nilang si Narcisa ang tanging nakakaalam sa
nasabing kasunduan.

Noong 1879 sa UST nang siya’y labinwalong


taong gulang ay lumahok siya sa isang patimpalak sa
sining ng Liceo Artistico - Literario de Manila, isang
samahan ng mga artista (alagad ng sining) at
manunulat. Isinumite niya ang ginawang tulang A La
Juventud Filipina (Para sa mga Kabataang Pilipino)
bilang kanyang entry. Hinangahan ito ng mga hurado
kaya siya ang nagkamit ng unang gantimpala na isang
pilak na panulat na hugis pakpak at may kulay
gintong laso. Naibigan ng mga hurado ang nasabing
tula dahil sa ginamit niyang paksang Crece, O Timida
Flor (Yumabong Ka, O Mayuming Bulaklak). Hiniling
niya rin sa tulang ito na ang mga kabataan ay
gumising at imulat ang kanilang mga mata sa mga
nangyayari sa paligid at gamitin ang kanilang talento
upang malagot ang tanikalang nakagapos sa Inang
Bayan.

Sa pagdiriwang ng ikaapat na raang taong


anibersaryo ngkamatayan ni Don Miguel de Cervantes,
ang may-akda ng Don Quixote de la Mancha at ang
pinakadakilang manunulat ng España, ay nagdaos
muli ng patimpalak sa panitikan noong 1880 ang Liceo
Artistico - Literario. Isinali niya ang dulang alegorikal
na pinamagatang El Consejo de los Dioses (Ang
Konseho ng mga Diyos). Ito ay isang obra maestra na
batay sa mga klasikong mitolohiyang Griyego na
kanyang nilagyan ng masining na paglalaro sa mga
tauhan at pag-uugnay ng mga ito sa tatlong bantog na
alagad ng panitikan. Tinalakay dito ang pagkakatulad
nina Homer, Virgil, at Cervantes at ang gawain na
78
ginampanan ng mga diyos at diyosang Griyego. Sa
pangalawang pagkakataon siya’y nagwaging muli ng
unang gantimpala sa nasabing patimpalak. Isang
gintong singsing na may nakaukit na mukha ni
Cervantes ang kanyang napagwagian. Ang Kastilang si
Don del Puzo, manunulat sa isang pahayagang Kastila
sa Maynila, ang nakakuha ng pangalawang
gantimpala. Maraming manunulat na Kastila ang
tumutol sa pagkapanalo niya. Taas-noo parin
ipinagmalaki ni Dr. Rizal sa pambansang paligsahang
ito na ang isang indio ay kayang talunin ang mga
Kastila saan mang larangan.

Noong 1879 isang piyesang deklamasyon ang


kanyang isinulat, ang Abd-el-Azis y Mahoma, na
itinanghal sa Ateneo noong Disyembre 8, 1879 at
dineklama ng Atenistang si Manuel Fernandez.

Noong Pebrero 1880 nasulat niya ang sonetang


(sonet) A Filipinas (Sa Pilipinas) na inihandog niya sa
isang samahan ng mga manlililok. Nakalikha rin siya
ng isang sarsuwela na pinamagatang Junto Al Pasig
(Sa tabi ng Pasig). Ito ay itinanghal ng mga Atenista
noong Disyembre 8, 1880 sa kapistahan ng
Immaculada Concepcion, ang patron ng Ateneo.

Sa kabila ng kanyang tagumpay ay hindi siya


nakalimot sa mga taong nagkaroon ng bahagi sa
kanyang edukasyon. Isa na rito si Fray Pablo Ramon
ng Ateneo. Upang ipamalas ang kanyang paggalang at
pagmamahal sa fraile ay nilikha niya ang tulang Al M.
R. P. (1881). Dito inilarawan ng tahasan ni Dr. Rizal
ang kaibahan ng isang Heswita sa lahat ng mga frailes
at may orden sa bansa na tunay silang biyaya ng
Panginoon at sadyang ipinabalik buhat sa
pagpapalayas sa duhaging bayang Pilipinas.

Hindi naman mawawaglit na noong 1878


sinimulang isulat ni Dr. Rizal ang kanyang sariling
talambuhay habang nag-aaral sa Santo Tomas. Ang
Memorias. Ito ay may dalawang bahagi: una ay ang de
79
Memorias de un Estudiante de Manila (Mga Alaala ng
Isang Mag-aaral ng Maynila) at ang pangalawa ay ang
Dos Diarios de Juventud (Mga Talambuhay ng Isang
Kabataan). Ginamit niya ang sagisag-panulat na P.
Jacinto sa Memorias de un Estudiante upang malayo
siya sa kritisismo ng sinumang makakabasa nito (dahil
ito’y kanyang ipinalimbag ng siya’y nasa Europa
kalaunan).

Maliban sa pagsusulat, aktibo rin si Dr. Rizal sa


mga gawaing pang estudyante. Siya ang kampyon ng
mga estudyante sa mga palarong paligsahan. Sa
pangunguna niya ay madalas kainggitan ng mga
Kastilang estudyante (at maging yaong mga indio na
nag-aastang elitistang Kastila) na naging sanhi ng
mga awayan.

Upang maipagtanggol ni Dr. Rizal ang mga


kapwa Pilipinong estudyante laban sa mga mapang-
aping kamag-aral nilang Kastila ay bumuo sila ng
lihim na samahan na tinawag nilang Compañerismo
(Kapatiran) kung saan ang mga kasapi ay tinatawag na
kasama ni Jehu, na hango sa isang bantog na
personalidad sa kasaysayan ng Israel. Siya ang naging
pangulo at si Galicano Apacible na pinsan niya ang
naging kalihim.

Minsan nagkaroon ng sagupaan ang mga


Pilipino at Kastila na estudyante sa may Calle Escolta
sa Maynila. Nasugatan si Dr. Rizal at agad siyang
dinala ng isa sa kanyang mga kaibigan sa Casa
Tomasina na pag-aari ng tiyuhin niyang si Don
Antonio Rivera. Dito dinatnan niya ang maganda
niyang pinsang si Leonor Rivera at ang dalagang ito
ang siyang gumamot sa sugat ni Dr. Rizal. Isang
pagtatagpong nagpasimula sa ibigan ng dalawa.

Hindi nasiyahan si Dr. Rizal sa pamamahala ng


mga Dominikano sa UST dahil sa `di pantay na
pagtingin nila sa mga estudyanteng Pilipino. Ang mga
propesor ay mapangmataas. Ang tingin sa mga mag-
80
aaral na Pilipino ay talagang mababa. Ang
pamamaraan ng pagtuturo nila ay makaluma. Ang
mga gamit sa laboratoryo ay nakatago lamang sa
kabinet at hindi pinagagamit sa mga estudyante kung
saan ay magpahanggang ngayon ay umiiral pa rin ang
bulok na sistemang ito sa mga paaralang Pilipino.
Nailarawan niya ito sa kanyang nobelang El Fili,
Kabanata XIII na “Ang klase sa Pisika.”

Sa limang taong pag-aaral niya sa UST ay `di


niya nataasan o napantayan ang mga grado noong siya
ay nasa Ateneo. Hindi rin siya kumbinsido sa mga
markang nakuha niya sa UST na sa kanyang palagay
ay `di akma sa kanyang kakayahan. Narito ang mga
markang nakamit ni Dr. Rizal sa UST mula ng siya ’y
unang pumasok at nang maging mag-aaral siya ng
medisina sa UST:

POST-TERCIARIA, 1877-1878

Kosmolohiyaat Metapisika ………………Sobresaliente


Teodisiya ……………….……………………Sobresaliente
Kasaysayan ng Pilosopiya …………..…..Sobresaliente

UNANG TAON, MEDISINA, 1878-1879

Pisika …….…….....………………………..Aprovechado
Kimika ………......………………...…....…Sobresaliente
Likas na kasaysayan ………………...….Aprovechado
Anatomiya I ..………….…………….…….Bueno
Diseksyon I …………….…………………..Bueno

IKALAWANG TAON, MEDISINA, 1879-1880

Anatomiya II ……………………………….Bueno
Diseksyon II ………………………………..Bueno
Pribado at pampublikong Kalusugan ..Bueno

IKATLONG TAON, MEDISINA, 1880-1881

81
Panlahatang Patolohiya …………………Aprobado
Terapyutiks ………..………………………Sobresaliente
Siruhiya …………………………………….Bueno

IKAAPAT NA TAON, MEDISINA, 1881-1882

Medikal na Patolohiya …………………..Notable


Pansiruhiyang Patolohiya .……………..Notable
Obstetrika ..………………………………..Notable

SISTEMA SA PAGBIBIGAY GRADO

Sobresaliente …………………….…Pinakamahusay
Notable, Aprovechado …………….Mahusay na mahusay
Bueno ………………………………...Mainam
Mediano ……………………………...Mahina
Aprobado …………………………….Pasado
Suspenso …………………………….Kondisyonal
Reprobado ……………………………Bagsak

Pagkatapos ng pag-aaral sa UST ay nagdesisyon


si Dr. Rizal na umalis ng Pilipinas at nagtungo sa
España upang doon ipagpatuloy ang kanyang pag-
aaral. Nakintal sa isipan niya ang mga panlalait at
diskriminasyon ng mga Dominikanong frailes sa UST.
Napagtanto niya na may kinikilingan ang mga ito at
ayaw nila na nalalamangan ng mga indio ang mga
estudyanteng Kastila. Ito ang nagtulak kay Dr. Rizal
na lisanin ang Inang Bayan at kaya niya ito ipinabatid
kay Paciano na kaagad naman nitong sinang-ayunan
at pinangakuan na siya’y susuportahan, maging nang
kanyang tiyuhin na si Antonio Rivera. Ayon kay
Paciano:

...Si Dr. Rizal ay isang taong nilikha ng Maykapal


upang magampanan ang isang napakamahalagang
misyon para sa ating bansa. Nagpunta siya sa iba’t
ibang pook hindi para sa kanyang sarili kundi para
sa kapakanan ng ating bansa...

82
Ang isang mag-aaral na Pilipino ay
kinakailangang masikap, matiyaga at puno ng
pangarap hindi lamang sa sarili kundi maging para sa
kanyang bayan. Pinapahalagahan nila ang edukasyon
dahil sa sila’y naniniwala na giginhawa ang kanilang
buhay at pamilya At sa naging buhay ni Dr. Rizal
bilang isang estudyante, nawa’y maging huwaran siya
ng maraming Pilipinong mag-aaraal na isinentro ang
kanyang puso hindi lamang sa pag-aaral kundi pati sa
kapakanan ng dangal ng kapwa-Pilipino at bayan.
Isang ginto na dumaan sa init ng apoy upang maging
tunay na ginto na kumikinang sa daigdig ng
akadmyang Pilipino. 

83
84

You might also like