Danas

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ano ang kalagayan ng wika sa panahon ngayon base sa danas mo ?

Isa sa mga katangian ng wika ang pagiging dinamiko nito. Nagbabago. Minsan ay kusa ang pagbabagoat
minsan naman ay sadyang binabago. Ang mga dahilan ay posibleng dala ng pangangailangan, malikhain o
pagsabay sa uso o paggawa ng "trend". Halimbawa ay ang jejemon, bekimon, g-words at mga salitang
binabaliktad.

Ang social media ang napapansin kong may malaking ambag sa kalagayan ng wika sa kasalukuyan. Hindi
ko nakikitang mabuti at hindi rin naman masama ang pagiging pulutan ng wika sa facebook, twitter at iba pang
social networking site. Mabuti dahil nagagamit ang wikang Filipino. Pumapasok ang pagkamalikhain sa
paglalaro ng salita. Nakaaaliw. Ang nakasasama ay kung ganito na lamang palagi ang kalalagyan ng wika sa
mga susunod pang panahon. Nawawala ang esensya ng pagsasalita. Pabaligtad bumigkas ng salita. Natural sa
tao na paikliin ang sinasabi lalo na kung nagmamadali o nagtetext. Minsan, hindi ko lang maintindihan kung
bakit kailangan pang bigkasin ang "kaliwa" bilang wakali.

Hindi na nagiging mabigat na simbolo ng pagka-Pilipino ang wika dahil sa mga isyung kinahaharap nito.
Kamakailan lang, pinaboran ng Korte Suprema ang pag-tatanggal nito sa kolehiyo bilang asignatura. May
nakalulungkot itong epekto sa kaisipan ng mga kabataan at susunod pang henerasyon. Hindi lahat ay lubos na
namumulat at nakauunawa kung bakit isinusulong na manatili ang asignaturang Filipino sa kolehiyo. Hindi ko
sinisisi ang ilang kabataan dahil paano nga naman maikikintal sa kanilang isipan ang kahalagahan nito kung
noong elementarya hanggang high school pa lamang ay P.E. Teacher o 'di kaya'y ibang asignatura ang talagang
linya ang nagtuturo nito sa kanila. Hindi ito tinitignan bilang asignatura at pambansang wika ng mga taong
walang pagpapahalaga na kailangang pag-aralan sa bawat antas. Higit sa lahat, nawawala ang kaisipan na dapat
ay mga gurong nagtuturo at dalubhasa sa larangang ito at hindi bilang opsyonal na asignatura at guro lamang.

Sa nakalipas na Oktubre at Nobyembre ngayong taon, nagkaroon ang aming pangkat ng isang sarbey
tungkol sa mga antas ng wikang nalalaman ng mga mag-aaral ng iba't ibang kurso sa kolehiyo sa Bulacan State
University - Sarmiento Campus. Sa aking obserbasyon, hindi ako natuwa sa naging resulta. Naghalo-halo ang
mga sagot. Naging pormal ang balbal, ang pampanitikan ay naging pambansa at iba pang mga salitang nailagay
sa hindi naman dapat kalagyan. Kakaunti ang naisagot. Ang iba ay kinakailangan pa ng paliwanag upang
malinawan sa pagsagot.

Sa kabuuan ng aking danas, masasabi kong hindi pa rin kilala nang lubusan ang Filipino bilang
pambansang wika at asignatura. Maging ako man ay aminado rin. Nang ako ay magkolehiyo, sumampal sa akin
ang realidad na napakababaw pa ng aking nalalaman at nauunawaan pag dating sa wika. Gayunpaman, hindi pa
naman huli ang lahat, iyon ay kung may gagawin at kikilos. Mahaba pa ang pagpapaunlad ng sarili, ng wika at
pagbabahagi nito sa iba kahit pa ito alisin bilang asignatura.

You might also like