Saligan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Isa sa mga inaalala ng mga mamimili ay ang seguridad ng mga pribadong impormasyong

naibigay sa mga nagbebenta sa online dahil posibilidad na magamit ng ibang tao at maikalat ang
kanilang impormasyon. Ayon sa pag-uulat na ang mga pribadonv impormasyon ng mamimili at
seguridad sa bili ay ang inaalala ng 70 % sa US online shopping ( Federal Trade, 2016).
Natatakot ang mga mamimili na ibigay ang kanilang pribadong dimpormasyon tulad ng numero
sa mga credit card dahil sa panganib na manakaw ang kanilang pera. Kaya nababahala rin sila na
walang kompidensyal tungkol sa impormasyon at sa panganib na maaaring magamit ng ibang
tao. Nababahala rin silang ibigay ang email dahil sa posibilidad na maispam o malagyan ng Junm
emails. Ayon sa pag-aaral nila Tamatompol, Pangemanan at Pandowo(2017) ang mga mamimili
ay mas pinipili ang mga kilalang online website para mabawasan o maiwasan ang mga panganib
sa seguridad. Kaya sinusubukan rin nilang palitan ang uri ng pagbabayad ng pera lamang upang
maiwasan ang pamimigay ng numero sa credit card. Sa nakalap na datos, ipinapakita nito na
kahit mataas ang kompidensyal ng mga produkto ay nagdadalawang-isip pa rin ang mga
mamimiling bumili sa online na siyang dahilan kung bakit pinapalitan nila ang paraan ng
pakikipagtransaksyon na nais nilang magbayad ng direkta para saa kanilang kaliktasan at
makampante sa pagtanggap ng produkto( Tamatompol, Pangemanan & Pandowo 2017).
Ang mga mamimili ay nagiging makililatis sa pagbili ng mga produkto sa online shop
upang maiwasan ang pagbili ng mga produkto na mababa ang kalidad o makatanggap ng maling
impormasyon ng produkto. Ang halimbawa nito ay ang pagtanggap ng ibang sukat ng sapatos o
maling kulay ng damit. Upang makaiwas sa di kanais-nais na pangyayarip, tinataasan ng mga
mamimili ang pamantayan ng kilalang pinagbibilihan o website na pinagkakatiwalaan. Bago rin
m mamili ay sinusuri nila ang mga impromasyon o nakikipagusap sila sa nagbebenta tungkol sa
produkto. Tumataas ang kompiyansa ng mga kalahok sa pagbili sa online kung ang ungnayan
nila sa nagbebenta ay magandal( Boerwinkel,2016)
Kinokonsidera ng mga mamimili ang mataas na singil sa paghahatid ng kanilang produkto
na isa sa problema sa online shopping. Sa pag-aaral ni Karim(2013) napag-alaman niyang
humigit-kumulang sa dalawa sa tatlong kalahok na mataas ang singil sa paghahatid at ang
pagkaantala sa mga produkto ay sa dahilan ng pagkasugpo ng online shopping. Sa kanila ng isa
sa dalawa sa mga kalahok ang nagbibigay ng makatotohang opinyon tungkol sa pagsugpo sa
online shopping na nagiging dahilan kung bakit lumilipat ng ibang online shop ang mga
mamimili dahil sa naranasang di kanais-nais na singil sa paghahatid ng mga produktong kanilang
na bili. Ayon kay Handoko (2011) lumilipat ang mga mamimili sa ibang online shop dahil hindi
na nasisiyahan sa mga singil sa pagpapahatid ng kanilang produkto.
Ang isa sa kadahilanan na nakakaapekto sa online shopping ay ang hindi pagkakaiba-iba ng
online na produkto. Nag-aalinlagan ang mga mamimili sa kalidad ng mga produkto sa online
shopping dahil nila mahawak o masuri ang produkto sa pisikal. Sa pag-aaral nila Huseyvo at
Yildirim (2015), sinasabi nila na ang pangangailagan ng paghawak sa produkto ng personal ay
isang pangunahing hadlang sa pagtitingi-tingi sa pagbebenta sa online. Marami mga mamimili
ang nagsasabing nahihirapan silang suriin at siyasatin ang produkto online. Sa isapang pag-aaral
sa taong 2018, nalaman nina Rahman, Islam, Esna , Sultana at Chakvorty sa kanilang pag-aaral
na “ ang kawalan ng kakayahan na hawakan at maramdaman ng produkto o tiwala ay ang
pangunahing hindi nais na salik tungkol sa online shopping.”
Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa pagbibigay ng kaalaman at impormasyon tungkol
sa online shopping lalo na ang mga mamimiling wala pang karanasan sa pagbili online. Sa
pamamagitan rin ng pag-aaral na ito mamumulat ang komunidad sa mga problema na maaaring
maranasan sa online shopping. Ito rin ang magiging basehan sa mga may negosyo sa online
upang mapaganda at maayos pa ang kanilang produkto o serbisyo at mabawasan ang mga
negatibong komento mula sa mamimili.
Ang pukos ng mag-aaral na ito ay ang pananaw at karanasan ng mga mag-aaral sa Senior
High School sa online shopping. Layunin din ng pag-aaral na ito na alamin kung paano
nakakaapekto ang kanilang mga karanasan at pananaw sa kanilang paraan ng pamimili online.
Ang pag-aaral ay maisasagawa sa Baguio City National Highschool. Ang sakop ng pag-aaral ay
ang mga mag-aaral sa ika-labingi isa na kung saan ang billang ng kalahok na mapipili ay labing-
tatlo. Sapagkat, ang mga mag-aaral ang kalahok ng pag-aaral na ito, malilimitahan ang
pangkalahatan ng mga natuklasan na iniulat sa pag-aaral na ito. Ang tinatayang panahon sa
pagsasagawa ng pag-aaral ay tatlo hangggang apat na buwan

You might also like