Filipino 5

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

2nd Quarterly Exam

NAME: ___________________________________ LEVEL: Grade 5


TEACHER: Mary Jane Ramirez DATE: __________
SUBJECT: FILIPINO

Note: Read all directions carefully. Select the best answer choice.
Never give up and do your best!
I.Salungguhitan ang mga pandiwa sa bawat pangungusap.

1. Ikinagulat ni Lola ang pagtalon ng pusa.


2. Ang programa ni mayor ay ikinatuwa ng mga residente.
3. Ang pera na nalikom ay ipambibiling gamot.
4. Ang pagbagsak ng ekonomiya ang ikinalugi ng aming kompanya.
5. Ikinatakot niya ang malakas na bagyo.
6. Ipinambalot ko sa tinapa ang inyong mga test paper.
7. Ikinatakot niya ang malakas na bagyo.
8. Ang tsinelas ay ipinambato ko sa maliksing pusa.
9. Ikinahimatay niya ang amoy ng kanyang katabi.
10. Ang maganda mong boses ay ikinatulog ko.
II. Punan ang blanko sa mga Tagubilin ni Lola K.

11. Gumamit ng mga bagay na gawa mula sa patapong bagay o mas kilala sa
tawag na ___________ o _____________.
12. Ugaliin ang pagbubukod-bukod ng basura bago ito itapon. ________
Segregation ang tawag dito.
13. Huwag sunugin o sigaan ang mga basura lalo na ang mga tuyong dahon
dahil ito ay naglalabas ng _________ na may masamang epekto sa tao at
kapaligiran na humahalo sa hangin.
14.Huwag hayaang patuloy na maging manipis ang _______ layer.
15-16. Dahil sa paglaki ng butas nito, mabilis na tumatagos sa daigdig ang
_________ radiation mula sa araw na maaaring magdulot ng kanser sa
__________.
17.Makiisa sa paglilinis ng mga ilog, dagat, o ano mang anyong tubig mula sa
natapong langis o oil _______ katulad ng naganap sa lalawigan ng Guimaras
noong taong 2006..
18. Sagipin ang mga puno! Ipagbigay-alam sa mga kinauukulan ang mga
________ loggers na walang pakundangan sa pamumutol ng mga puno na
nagiging sanhi ng pagkakalbo ng kagubatan.
19. Sumali rin sa mga tree _________ upang mapalitan ang mga itinumbang
puno at gawing kulay berde ang kapaligiran.
20. Ang Clean Air Act na naging ganap sa batas noong 1999 ang sagot sa
suliraning ito sa polusyon sa ___________.
III. Kumpletuhin ang mga sumusunod na Panahunan ng Pandiwa.
Halimbawa: tatakbo tumatakbo tumakbo

Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo

21. tumawag tumatawag _________


22. binuksan _________ bubuksan
23. diniligan _________ didiligan
24. _________ ginagamit gagamitin
25. binayaran binabayaran _________
26. hinawakan hinahawakan _________
27. nagpakilala _________ magpapakilala
28. _________ hinuhugasan huhugasan
29. Naghanap naghahanap _________
30. nagpaalam _________ magpapaalam

IV. Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari sa kwentong “Kulay ng


Pananalig”.Gumamit ng bilang 1 hanggang 10.

______31-32. Ang ikatlong paruparo ay nagkaroon ng kulay na pula

______33-34. Naging kulay asul ang langit at si Paruparo 1

______35-36. Lumabas ang araw at inabot ng ka-tanghalian ang mga magkakaibigan

______37-38. Pumatak ang luha sa mga mata ng magkakaibigan

______39-40. Naging kulay dilaw si Paruparo 2

______41-42. Naging makulay na ang buong daigdig

______43-44. Ang magkakaibigang paruparo ay nagtungo sa kalangitan

______45-46. Nagningning at naging kulay pula si Bituin

______47-48. Noong unang panahon, itim na guhit ang buong kapaligiran

______49-50. Lubos na nagpasalamat ang tatlong paruparo

You might also like