Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

El Filibusterismo :

Narito ang ilan sa mga tanong at sagot sa bawat kabanata:

Paano inihambing ni Rizal ang bapor tabo sa pamahalaan?

Tulad ng bapor tabo, ang pamahalaan ay nahahati sa dalawa: ang mayayaman at mahihirap.

Sinu – sino ang mga nasa ilalim ng kubyerta ng bapor tabo?

Sa ibaba ng bapor tabo ay naroon sina Basilio, Isagani, Kapitan Basilio, at Padre Florentino.

Bakit mga alamat ang pamagat ng kabanata 3?

Sapagkat mga alamat ang naging sentro ng usapan ng mga tauhan.

Sino si kabesang Tales?

Si kabesang Tales ay anak ni tandang Selo na ama ni Huli at dating kabesa ng bayan ng San Diego.

Ano ang naging noche buena ng isang kutsero?

Ang kutserong si Sinong ay nagtamo ng parusa mula sa mga gwardya sibil.

Ano ang sinapit ni Basilio?

Matapos na mamatay ang inang si Sisa siya ay umalis sa gubat at lumuwas ng Maynila. Ninais nang
pasagasa sa mga karuwahe dahil sa hirap at gutom. Natagpuan niya sina Kap. Tiyago na katatpos dalhin
sa beateryo si Maria Clara. Kinuha siyang katulong o utusan. Ping-aral sa Letran.

Sino si Simoun?

Si Simoun ay ang dating si Crisostomo Ibarra na nakaligtas sa tiyak na kamatayan at nagbalik sa bayan
ng San Diego upang maghiganti.
Maligaya ba ang pasko ni Huli?

Hindi sapagkat naging bayarang utusan siya ni Hermana Penchang.

Sino ang tinutukoy na mga pilato sa kabanata?

Si Hermana Penchang sapagkat siya ay nananamantala sa katangahan at kahinaan ni Huli.

Ano ang tinutukoy na kayamanan at karalitaan sa kabanatang ito?

Ang kayamanan ay si Simoun at karalitaan ay si kabesang Tales.

Ano ang ginagawa ng kapitan – heneral sa Los Banos?

Siya ay nangangaso at naglalaro ng tresilyo.

Ano ang kahulugan ng pangalang Placido Penitente?

Ang Placido ay nangangahulugang kalmante o payapa at ang Penitente naman ay nagdurusa.

Sino ang guro ng pisika?

Si Padre Millon.

Ano ang meron sa bahay ng mga mag - aaral?

Ang bahay na ito ay pagmamay - ari ni Macaraig. ang pinakamayamang mag - aaral.

Sino si Ginoong Pasta?

Si Ginoong Pasta ay isang bantog na manananggol

Sino si Quiroga?
Negosyanteng intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas.

Sino ang namumuno ng perya sa Quiapo?

Si Mr.Leeds.

Ano ang halimbawa ng mga kadayaan ang ipinakita sa kabanatang ito?

Ang mga namumuno sa palabas.

Bakit mitsa ang pamagat ng kabanata 19?

Sapagkat ito ay tungkol sa pag umpisa ng himagsikan laban sa mga kastila.

Sino si Don Custodio?

Si Don Custodio ay ang magpapasya ukol sa pagtatayo ng akademya ng wikang kastila.

Ano ang anyo ng taga - Maynila?

Ang mga taga – Maynila ay maporma at may magarang kasuotan.

Tungkol saan ang palabas?

Mga awit na nasa wikang Pranses.

Sino ang bangkay na tinutukoy sa kabanata?

Si Maria Clara.

Kaninong mga pangarap ang tinutukoy sa kabanatang ito?


Sa magkasintahan na sina Isagani at Paulita Gomez.

Sino ang tumawa at umiyak sa kabanatang ito?

Ang mga mag – aaral.

Tungkol saan ang mga paskil?

Ang mga paskil ay naglalaman ng paghihimagsik laban sa mga prayle.

Sino ang prayle at estudyante ang tinutukoy sa kabanatang ito?

Sina Padre Fernandez at Isagani.

Sino ang takot kanino?

Ang mga prayle kay Simoun.

Ano ang nangyari kay kapitan Tiyago?

Namayapa matapos na marinig ang nangyari kay Basilio.

Sino si Huli?

Anak ni kabesang Tales na kasintahan ni Basilio.

Sino ang mataas na kawani?

Hindi binanggit ang kanyang pangalan ngunit siya ay nagbitiw sa tungkulin matapos na hindi mapalaya si
Basilio.

Ano ang naging bunga ng mga paskil?

Maraming mag - aaral ang hindi na nag – aral bunga ng takot na idinulot ng kaguluhan.
Sino ang huling matuwid?

Ang kapitan heneral.

Kanino ikinasal si Paulita Gomez?

Kay Juanito Pelaez.

Para kanino ang piging?

Para sa bagong kasal na sina Paulita Gomez at Juanito Pelaez

Bakit namimighati si Ben Zayb?

Dahil hindi siya pinayagan na mailathala ang kanyang artikulo.

Ano ang mahiwaga sa kabanatang ito?

Ang dahilan ng pagsabog sa tahanan ng mga Pelaez.

Kaninong kasawian ang tinutukoy sa kabanatang ito?

Kay kabesang Tales.

Ano ang naging katapusan ng El Filibusterismo?

Nangumpisal si Simoun kay Padre Florentino at tuluyan ng binawian ng buhay matapos na uminom ng
lason.

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/2102895#readmore

You might also like