Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

INTRODUKSYON

Ang mga Pilipino ay hindi nauubusan ng kagustuhan at pangangailangan, kung

kaya’y ninanais nila na punan ito sa pamamagitan ng pagbili, ngunit sa bawat pagkakataon na sila ay

maglalabas ng pera ay hindi maitatanggi na ikinokonsidera nila ang presyo nito. Ito ay dahil ang

presyo ng mga produkto ay patuloy na nagbabago at tumataas. Dito pumapasok ang konsepto ng

implasyon. Ayon sa Official Gazette ng Republika ng Pilipinas, ang implasyon o inflation ay ang

pagtaas ng presyo ng ilang pang-karaniwang produkto at serbisyong binibili ng mga konsyumer. Ito

rin ang isa sa pangunahing problema ng mga Pilipino na may malaking epekto sa isang bansa. Ayon

kay Arao (2008), Nagsimulang lumaganap ang implasyon o ang pagtaas ng bilihin noong 1970s dahil

sa biglaang pagtaas ng langis. Ito ang dahilan kung paano nagsimula ng pandaigdig na paghina ng

ekonomiya. Ngunit, mas malaki ang epekto nito sa bansa na mahihirap o mas kilala bilang Third

World na hindi gumagawa ng langis. Isa pang ulat mula sa Pilipino Star Ngayon (2018), Ang dahilan

ng pagtaas ng mga pangunahing bilihin ay dahil sa pagtaas ng pandaigdigang presyo ng langis na

patuloy na nagpapalala sa pagbagsak ng piso. Sinasabi na ang implasyon ay maaaring mabuti o

masama. Ang implasyon ay mabuti kung ang dahilan nito ay ang pagtaas ng demand. Ayon kay

Mendoza (2016), Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong nais at kayang bilhin

sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon. Kung mataas ang demand ng isang produkto, tulad

na lamang ng mga pangunahing bilihing pang araw-araw. Ang presyo nito ay tataas kung kaya’t kikita

ang mga negosyante at prodyuser sa bansa. Ito ang patunay na hindi pabor dito ang mga mag-aaral

sapagkat tataas and kanilang gastusin sa pang araw-araw kung kaya’t nasasabi na ito ay masama.

Sinabi sa Modern Economics, na ang implasyon ay nagiging masama dahil ito ay nagdudulot ng

pagbaba ng halaga ng isang pera katulad ng piso o dolyar, dahil sa gastusin ng pamahalaan, o dahil

sa pagtaas ng presyo ng isang bagay sa pandaigdigang merkado na nagreresulta ng implasyon.

1
Ayon sa interbyung isinagawa ni Cordero (2018), inilathala ni Andanar (2018), na

simula pa lamang noong una, ang implasyon ay problema na ng mga Pilipino. Kung tutuusin, ang

anim punto apat porsyento (6.4%) na naitala noong Agosto 2018 ay mababa pa kumpara sa panahon

nina Corazon Aquino, Ferdinand Marcos, at Fidel V. Ramos. Nabanggit din sa artikulong ito ni

Lambino (2018), na ang anim punto apat porsyento (6.4%) ay mababa pa kumpara sa katampatan na

inflation rate noong 1990s na nasa sampung porsyento (10%). Sa panayam ng DZMM ng ABS CBN,

inilahad ng Philippine Statistics Agency na ang pagtaas ng inflation rate sa naturing na buwan na ito

ay ang pinaka mataas na naitala sa loob ng siyam na taon. Ayon sa mga impormasyon na nakalap ni

Bueza (2018), noong panahon ng dating pangulo Ferdinand Marcos, ito ay dulot ng pagbaba ng halaga

ng piso kontra dolyar, malakihang gastusin ng pamahalaan, presyo ng langis sa pandaigdigang

merkado, at ang sunod-sunod na pananalasa ng mga bagyo sa bansa. Isinasaad ng pag-aaral na

isinagawa ni Punongbayan (2018), ang nag-udyok sa pagtaas ng inflation rate sa bansa noong 1984,

kung bakit naabot natin ang mataas na 50.3% sa inflation rate, ay dahil sa epekto ng digmaang sibil

na naganap noong panahon ni Marcos dahil sa kaniyang mapanakit at nakamamatay na polisiya.

Mataas din ang inflation rate sa Pilipinas noong panahon ng panunungkulan ni Corazon Aquino sa

bansa. Ayon sa pag-aaral na isinagawa ni Bueza (2018), nabanggit din ni Punongbayan (2018), na

ang Pilipinas noon ay galing sa panahon ng pagbagsak ng ekonomiya noong bandang 1980. Dagdag

pa niya, ang administrasyong Cory Aquino ay nabulabog dahil sa power crisis, mga coup d’etat, at

mga kalamidad. Sa kasalukuyang panahon, ang administrasyong Duterte ay kinakaharap din ang

mataas na inflation rate ng bansa. Pinanukala ng ng Department of Finance ang Republic Act No.

10963 o mas kilala bilang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law ay ang unang

bahagi ng Comprehensive Tax Reform Program na isinusulong ng administrasyon ni pangulong

Rodrigo Duterte. Layunin ng panukalang ito na gawing mas madali, makatarungan, at maayos ang

pagkolekta ng buwis. Nais nito na pababain ang tax ng mga mahihirap at ordinaryong mamamayan

at gawing mas malaki ang ibinabayad na buwis ng mga mayayaman. Ang mga sumasahod ng halos

2
dalawampung libong piso (Php 20,000) kada buwan ay hindi na magbabayad ng income tax. Subalit,

kasama ng biyaya ng dagdag sahod ay ang pagtaas ng tax sa langis at asukal at ang pasunod na pagtaas

ng presyo ng ibang bilihin.

Sa interbyung isinagawa ni Vicencio (2018), mula sa ulat ng ABS CBN, tungkol sa

pagtaas ng presyo ng bilihin, maihahayag ang paghihirap ng iba’t ibang mga estudyante sa kanilang

suliranin patungkol sa implasyon kung kaya’t iba’t ibang diskarte ang kanilang ginagawa upang

maibsan ang kakulangan sa pera. Masasabi na ang mga estudyante ay kaniya-kaniyang pagtitipid ang

ginagawa depende sa estado nila sa buhay dahil ito pa lamang ang kanilang magagawa sapagkat wala

pa silang trabaho at umaasa pa lamang sa magulang. Ang pananaliksik na ito ay may layuning

malaman ang epekto at suliranin na dulot ng implasyon na nakapokus sa mga estudyante sa ikasiyam

(9) at ikasampung (10) baitang sa isang pribadong unibersidad ng La Consolacion University

Philippines. Dagdag pa rito, ang mga mananaliksik ay nais ding malaman kung ang isyu ba na ito ay

lubos na nakakaapekto at isang malaking suliranin para sa mga mag-aaral at kung sila ay may sapat

na kaalaman tungkol dito.

I. EPEKTO NG IMPLASYON SA MGA MAG-AARAL

Ninais ng mga mananaliksik na alamin ang epekto ng pagtaas ng bilihin sa mga

Agustinong mag-aaral na nag-aaral sa isang pribadong paaralan. Ayon sa pag-aaral ni Kershaw

(2018), isinaad dito ni Shipman (2008), na mas nagdurusa ang mga mag-aaral sa implasyon dahil ang

kanilang mga pangangailangan ang isa sa mga pinakamataas ang presyo.

Maraming sanhi ang implasyon at maging ang pamahalaan ay nahihirapan na pigilan at solusyunan

ang implasyon, ito ay ayon sa pag-aaral na isinagawa ni Montemar (2018). Patuloy ang pagdurusa ng

mga tao lalo na ang mga kapos sa salapi. Lubos na nagdurusa ang mga tao lalo na ang mga kapos-

palad. Gamit ang mga isinagawang talatanungang papel, ipinakita na sa isang daan at apatnapu’t

siyam (149) na mag-aaral ay isang daan at tatlumpu’t lima (135) ang naaapektuhan ng implasyon at

3
ang natitirang labingapat (14) naman ay hindi. Sa mga impormasyon na ito ay makikita na ang

implasyon ay nakaaapekto sa mga mag-aaral sa iba’t ibang aspeto. Upang matugunan ang mga

pangangailangan sa paaralan ang mga naapektuhan, karamihan ay nagtitipid sa pamamaraan na sila

ay hindi bumibili ng mga bagay na hindi nila kailangan at hindi pagbili ng kanilang pagkain na

maaaring makaapekto sa kanilang kalusugan, may ilan ding nagtitipid para sa kanilang pamasahe

upang mapagkasya ito papunta at pauwi ng paaralan, inilahad ng isang respondenteng mula sa

ikasiyam na baitang ang kaniyang diskarte tungkol sa pagbabadyet, “Inuuna kong bilhin ang mga

bagay na importante at kailangan, sa paraang ito, ako ay nagtitipid at nakakapag-impok.” Ito ay

sinuportahan ng pahayag ni Jairath (2013), na nagsasaad na ang mga kabataan ay nag-iipon ng pera

na galing sa kanilang mga baon. Sa pag-aaral niyang ito, maipapakita kung paano masasanay ang

mga kabataan kung paano binabadyet at iniipon ang pera para sa mga gastusin at bilihin. Dagdag pa

niya, ang pagbili ng mga bagay na walang saysay ay malilimitahan ng mga mag-aaral ng dahil sa pag-

iipon. Isa pang respondenteng mula sa ikasampung baitang ang nagsabi na “Oo, lalo na ngayon na

ako ay nagcocommute na lang,” sa sagot na ito ng respondente, pinapakita sila ay nagtitipid para

mabadyet ang kanilang pera at ito ay may magandang naidudulot sa kanila. Isinaad sa pag-aaral nina

Laderas, Munoz, Serevo, Tabulug, Tanzo & Magaway (2010) na, “Sa mga nagko-commute, wasto

ang ipagpatuloy ang pagbabadyet ng baong salapi para sa pamasahe dahil natututunan ang tamang

paghawak at pamamahala sa pera.”

Ang iba namang respondente ay nagsabi na sila ay hindi gaanong naaapektuhan ng

implasyon sa kadahilanan na sila ay dumedepende pa lamang sa kanilang mga magulang at sinasabi

na sila ay mag-aaral pa lamang at wala pa gaanong gastusin katulad ng mga matatanda, ayon sa sagot

ng isang respondente mula sa ikasampung baitang na, “Dahil ako’y estudyante lamang, ang aking

mga magulang ang madalas na magbayad at bumili ng aking mga pangangailangan.” Bagamat ang

ilang mag-aaral ay hindi pa ramdam sa kanilang pamumuhay ang implasyon, ang maaari pa lamang

4
nila na gawin ay magtipid sa kadahilanang sila ay umaasa pa lamang sa kani-kanilang mga magulang,

na sinusuportahan ng isang interbyu na isinagawa ni Vicencio (2018), mula ABS CBN News.

Nakasaad sa pag-aaral ni Mendoza (2018), ang pagtaas ng implasyon ay may epekto

sa presyo ng mga bilihin ng mga tao. Dito maaapektuhan ang mga estudyante sapagkat ang ibang

mga estudyante ay kapos-palad lamang. Kung patuloy itong tataas ay mas lalong maaapektuhan ang

mga mag-aaral. Ito ay ayon sa nakalap ni Vicencio (2018). Dagdag pa nito, ang ilan sa mga mag-aaral

ay hindi na makabili sa kantina dahil sa pagtaas ng presyo ng mga pagkain, ito ang dahilan ng

kagutuman ng iba. Sa itinala na impormasyon ni Santos (2018), hindi na makasabay ang ibang mga

estudyante sa pag-aaral dahil sa lubhang pagtaas ng mga presyo na kailangan nilang i-gastos para sa

kanilang mga aktibidad.

II. RESULTA NG IMPLASYON SA MGA MAG-AARAL

Batay sa pag-aaral ni Montemar (2018), hindi maganda ang dulot ng mabilis at labis

na pagtaas ng presyo ng mga bilihin subalit nakakasira ito ng kabuuang ekonomiya. Ito ay isa sa

dahilan kung bakit nagiging masalimuot ang implasyon. Bunga naman nito ay ang pagpatay ng interes

ng mga tao upang mag-impok. Masasabing kabilang ang mga mag-aaral dito sapagkat lumabas sa

inilathalang sarbey ng mga mananaliksik na karamihan sa mga respondente ay nagtitipid, gumagawa

ng ibang diskarte upang hindi maubos ang kanilang pera gaya ng pagbabaon ng pagkain at paggamit

ng mga materyales na maaari pang gamitin muli, dulot ng paglobo ng mga bilihin na kinakailangan

para sa mga proyekto at aktibidad sa paaralan. Isinaad ng isang respondente mula sa ikasiyam na

baitang ang diskarte na nagsasabing, “Ang aking allowance ay nahahati sa pamasahe, bayarin, at

pagkain, ngunit may mga pagkakataon na nagbabaon ako upang hindi maubos ang aking pera” at ang

tugon ng isa pang respondente na mula rin sa ikasiyam na baitang na, “Nagkakaroon ng Segregation.

Nagtatabi ako ng pera pang pamasahe at perang sapat sa pangkain ko at ang matitira ay iipunin ko.”

Ito ay nagiging sanhi kung bakit nag-iiba ang paraan ng paghawak ng pera ng mga estudyante. Ayon

5
sa artikulong isinulat ni Salce (2018), tungkol sa mga paraan kung paano magtipid ng pera bilang

isang mag-aaral, “Unahin mo muna ang pinaka importanteng gastos mo sa pang araw-araw na hindi

maaaring ipagpaliban. Tulad ng pagkain, pamasahe, at pambili ng materyales sa ano mang takdang

aralin o proyekto para sa araw. Hangga't kaya, sikaping ilikom at ipunin ang unang hati sa alawans

upang hindi ka matuksong gamitin ito. Saka mo kunin ang ikalawang hati at maging matatag sa

pagdedesisyon na yun lang ang gagastusin mo.” Batay sa nakalap na impormasyon nina Bosano,

Manabat & Vicencio (2018) kaniya-kaniya ng diskarte ang mga tao kung papaano sila makakatipid

sapagkat hindi mapigilan ang pagtaas ng mga presyo o ang tinatawag na “inflation”. Ang mga

produkto na lagi nilang binibili ay bibihira na lamang na bilhin dahil nadadamay rin ang mga ito sa

pagtaas ng presyo. Ang iba naman ay nagpasya nang tumigil na muna sa pag aaral sapagkat ang iba

ay kinapos na sa salapi upang may maipang gastos lamang sa kanilang pangangailangan.

Ang pagkawala ng interes ng mga estudyante sa pagbili ng kanilang mga nais na

bilhin ay dulot na rin ng implasyon na malalaglag sa Diminished Purchasing Power. Ayon sa

panayam ni Santos (2018), ng GMA News kay Leyco (2018), isang ekonomista, “Ang Diminished

purchasing power ay ang pagkakabawas o paghina ng halaga ng mabibili mo sa iyong pera. Dati isang

dakot ang iyong mabibili, ngunit ngayon ay pirapiraso na lang ang maiuuwi mo dahil sa implasyon.”

Dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin, hindi nagiging sapat ang pera o baon na dala ng mga mag-

aaral dahil hindi ito sapat upang mabili ang kanilang mga kinakailangan para sa eskwelahan.

Nakaaapekto ito sa mga estudyante dahil mas kaunti na lamang ang mga produkto na kaya nilang

bilhin kaya’t nagiging limitado na ang kanilang maaaring gamitin,

Karamihan sa mga respondente ay sinasabing hindi sila masyadong naapektuhan sa

pagtaas ng presyo na dala ng implasyon dahil nakadepende pa lamang sila sa kanilang mga magulang

o pamilya na kinakasama, ngunit sa kabilang banda, mayroong mga nagsabi sa talatanungan na

nadadagdagan ang kanilang allowance o hindi kaya ay nagtitipid. Natututo rin ang mga mag-aaral na

6
lagyan ng limitasyon ang kanilang paggastos at paghawak ng salapi. Dagdag pa rito, may mga mag-

aaral din na naaapektuhan sapagkat kinakailangan nilang mamasahe upang makarating sa paaralan.

Ayon kay Dequia (2018), ang pag-intindi ng mga mamamayan tungkol sa Sektor ng Transportasyon

sa pagtaas ng pamasahe sa pampasaherong dyip ay nararapat lang. Nabanggit ni Javellana (2018),

mula sa pag-aaral ni Dequia (2018) sa Radio Veritas, na malaki ang epekto ng TRAIN Law hindi

lamang sa presyo ng produktong petrolyo kundi maging sa mga spare parts ng mga sasakyan.

Maipapakita rito ang katunayan na mayroong epekto ang implasyon sa mga mag-aaral.

III. POSITIBONG NAIDUDULOT NG IMPLASYON SA MGA MAG-AARAL

Lumabas sa datos na dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, ang mga

mag-aaral ay natututong magtipid, mag-ipon at maging mautak sa paggamit ng pera. Ang pagiging

mapamaraan nila sa kanilang paghawak ng salapi ay isang senyales na ang implasyon ay hindi lamang

negatibo ang naidudulot. Ang lahat ng ito ay sumasang-ayon sa pag-aaral ni Shipman (2008), para sa

mga mag-aaral, eto ang una nilang tikim sa kalayaan, kaya ang pagtungtong nila sa kasalukuyang

ekonomiya ay magiging mahirap. Kung dati man ay nasanay silang makuha kaagad ang kanilang mga

kagustuhan, ngayon naman ay nasanay silang makuntento kung hanggang saan lang ang kaya ng

kanilang badyet.

Ayon sa pananaliksik ni Mendoza (2018), tungkol sa epekto ng pagtaas ng bilihin

sa mga mamimili, “Sa sitwasyong ito, bahagyang tataas ang mga presyo dahilan sa iba’t ibang salik

na nagdudulot naman ng negatibong epekto para sa mga mamimili.” Bagamat puro negatibong epekto

ang kapansin pansin kapag may nagaganap na pagtaas ng bilihin, hindi maikukubli na may positibong

dulot din ito. Batay sa inilunsad na sarbey ng mga mananaliksik, dahil sa problema na dulot ng

implasyon, lumabas ang pagiging masinop sa pera ng mga mag-aaral sa murang edad. Isang daan at

tatlumpu’t apat (134) na respondente ang nagsabi na kailangan na magtipid, mag-ipon at matutong

magbadyet dahil sa implasyon. Isa pa sa mga positibong dinadala nito ay nagiging maparaan ang mga

7
kabataan sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang materyales na nakakatulong sa ating

kapaligiran. Sa paggamit ng mga materyales na maaari pang magamit muli, naiiwasan madagdagan

ang masamang dulot ng polusyon sa plastik na laganap dito sa Pilipinas.

Ang implasyon ay isa sa mga pangunahing hinaharap ng Pilipinas hanggang

ngayon. Ito ay kinakailangan ng ating ekonomiya sapagkat iniiwasan ng gobyerno ang deplasyon o

deflation. Isa sa mga paraan upang matulungan ang mga estudyante sa pagharap ng implasyon ay ang

pagbibigay nila ng awas. May mga mag-aaral ang namamasahe papunta sa paaralan at pauwi ng

bahay, kaya isa sa mga paraan upang gumaan ang bigat na dinadala nila dulot ng implasyon ay ang

pag-awas ng kanilang fare o pamasahe sa mga pampublikong sasakyan. Ayon kay Garcia (2018),

inaprubahan na ng House Committee on transportation ang pagbibigay ng dalawampung porsyentong

(20%) diskwento sa mga estudyante sa lahat ng uri ng sasakyan kahit na sa mga katapusan ng linggo

at mga pagdiriwang o okasyon.

IV. KAALAMAN NG MAG-AARAL PATUNGKOL SA ISYU NG IMPLASYON

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng paghahanda ng mga

mananaliksik ng sarbey-kwestyoner na ibinahagi sa mga mag-aaral ng La Consolacion University

Philippines. Partikular na ang mga mag-aaral sa ikasiyam (9) at ikasampung (10) baitang, ay may

sapat na kaalaman tungkol sa isyu ng implasyon. Alam ng mga respondente na tumataas ang presyo

ng mga bilihin ngunit hindi nila alam ang konsepto na pinagmulan nito. Ang mga resulta ng sarbey

ay nagpapakita na alam ng mga mag-aaral ang kahulugan ng implasyon ngunit hindi nila naiintindihan

ang implasyon sa isang mas malalim na antas. Ayon kay Dytioco, Guda & Lumbera (2018), bawat

isa ay may tungkulin na labanan ang tumitinding krisis na dala ng Implasyon dito sa ating

bansa na pakana ng kasalukuyang administrasyon. Ang mga kahilingan at mga karapatan ng

mga mamamayan ay karapat-dapat lang itong ipaglaban hanggang sa makamit ang

pangmatagalang solusyon sa nararanasang kahirapan. Masasabi rin na sila ay may kaalaman sa

8
isyu sapagkat nabigyan nila ito ng solusyon sa isinagawang sarbey. Mapatutunayan ito sa interbyung

isinagawa ni Vicencio (2018), “Umaaray na rin ang mga estudyante sa patuloy na pagtaas ng presyo

ng bilihin kaya’t iba’t ibang diskarte na ang ginagawa nila para maibsan ang kakulangan sa pera.”

Sinabi rin nina Ela, Erlano, Espedillon, Fernandez at Flores (2016), “Ang mga tao ay may malaking

bahaging ginagampanan upang mabawasan, kundi man masugpo ang implasyon. Ang paglutas nito

ay kailangan gawin upang hindi maging sagabal sa pag-unlad ng ekonomiya.” Karamihan sa mga

sagot sa inilathalang sarbey na maaaring maging solusyon sa mga suliranin na naidudulot ng

implasyon ay pagtitipid upang makaraos sa araw-araw na gastusin na lalong pinataas ng implasyon.

Isinaad ni Boiles (2013), na “Ang kaalaman tungkol sa implasyon ay makatutulong sa tamang

pagpapasya tungkol sa paggastos. Malinaw na pinapakita sa kanilang mga sagot na malawak ang

kanilang kaalaman tungkol sa nasabing ideya.”

KONKLUSYON

Sa kasalukuyang panahon, isa sa mga pangunahing problema na kinakaharap ng

ating lipunan ay ang problema sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing pangangailangan o mas

kilala sa tawag na implasyon. Isa sa mga taong naaapektuhan nito ay ang mga mag-aaral dahil sa iba’t

ibang aspeto katulad ng hindi sila makasabay sa mga aktibidad ng paaralan dulot ng pagmamahal ng

iba’t ibang materyales sa pagbuo ng mga proyekto. Sa kabilang banda, may mga positibong epekto

ang implasyon. Dahil dito natututo ng tamang pagbabadyet, paggamit ng mga gamit na maaari pang

magamit muli na makakatulong upang mabawasan ang mga gastusin sa pangaraw-araw ng mga mag-

aaral. Dagdag pa rito mayroong sapat na kaalaman ang mga mag-aaral patungkol sa implasyon ngunit

hindi nila alam ang tawag sa konsepto na ito. Batay din sa aming pag-aaral, may ilan ding mga mag-

aaral na hindi gaano apektado dahil karamihan sa kanila ay dumedepende pa lamang sa kanilang mga

magulang at hindi pa nakahiwalay ng tirahan o kaya nama’y mataas ang kanilang allowance.

9
Ang maaari nating gawin bilang mag-aaral ay sumunod na lamang sa gagawing

pamamaraan ng ating pamahalaan. Kasabay nito, dapat ding gawin ng gobyerno ang kanilang

gampanin na pataasin ang antas ng pamumuhay o sa aspetong pang-ekonomiya upang mabawasan

ang inflation rate sa bansa tulad ng pagpapatupad ng mga epektibong polisiya para sa bansa.

“Iba-iba ang paningin natin sa pera, subalit may isang katotohanan na hindi

kailanman mababago. Ito ay ang bawat barya ay may nakapakong halaga at upang magkaron

ng maayos na kinabukasan, nararapat lamang na bigyan ng importansya ang salaping

ginagasta.” (Flores, n.d)

10
MGA SANGGUNIAN

Cordero, T. (2018). 6.4% Inflation too low compared to rates during Marcos, Cory, FVR times.

https://www.gmanetwork.com/news/money/economy/667069/6-4-inflation-too-low-

compared-to-rates-during-marcos-cory-fvr-times/story/

Garcia, G. (2018). 20% discount sa estudyante kahit weekends, holidays aprub.

https://www.google.com/amp/s/www.philstar.com/pilipino-star-

ngayon/bansa/2018/12/06/1874590/20-discount-sa-estudyante-kahit-weekends-holidays-

aprub/amp/

Salce, K. (2018). 15 Paraan Paano Magtipid ng Pera Bilang Estudyante (Mag-aaral).

https://www.affordablecebu.com/paano-magtipid-ng-pera-bilang-estudyante-magaaral

Santos, J. (2018). Alamin: Diskarte ng isang college student sanhi ng inflation.

https://www.google.com.ph/amp/s/www.gmanetwork.com/news/balitambayan/talakayan/66

6956/alamin-diskarte-diskarte-ng-isang-college-student-sanhi-ng-isang-college-student-

sanhi-ng-inflation/story/%3famp

11
Official Gazette (n.d). Alamin ang inflation: Ang pagtaas ng biliin.

https://www.officialgazette.gov.ph/featured/ano-nga-ba-ang-inflation/

Mendoza, R. (2016). Ano ang Demand? – Mga Dapat Mong Malaman Tungkol sa Demand.

https://ekonomiks.info/ano-ang-demand/

Mendoza, J. (2018). Epekto ng Pagtaas ng Bilihin sa mga Mamimili.

https://www.scribd.com/document/390663983/Fil-Thesis

Bueza, M. (2018). Fast Facts: Philippine inflation rate over the years.

https://www.rappler.com/newsbreak/fast-facts/213604-things-to-know-philippine-inflation-

over-the-years?fbclid=IwAR1TFsvzg7JoalS03EDaTBTe67KyeYE8vkoM7ri9Qb6

TBIFSEWnEKn41Tn8

Ela, J., Erlano, R., Espedillon, D., Fernandez, J., & Flores, S. (2016). Filipino Thesis: Kaalaman ng

mga Mag-aaral ng Kursong Accountancy Hinggil sa mga Epekto ng Implasyon sa Mamamayan ng

Taytay, Rizal.

https://www.scribd.com/document/361900279/Final-Filipino-Thesis

Punongbayan, J. (2018). Golden Age? Inflation reached 50% during the Marcos Regime.

https://www.rappler.com/thought-leaders/212487-inflation-rate-philippines-during-marcos-

regime

Boiles, B. (2013). Implasyon.

https://billyjawboiles.wordpress.com/2013/11/10/251/

Montemar, L. (2018). Implasyon: Sakit ng lumalagong ekonomiya?

12
https://pinasglobal.com/2018/06/implasyon-sakit-ng-lumalagong-ekonomiya/

Laderas, C., Munoz, V., Serevo, J., Tabulug, C., Tanzo, L., & Magaway, M. (2010). Isang Pag-aaral

Tungkol sa Epekto ng Pagko-Commute sa Kabuuang Pagbabadyet ng Allowance ng mga Estudyante.

http://akademikofilipino.blogspot.com/2010/03/isang-pag-aaral-tungkol-sa-epekto-ng.html

Flores, J. (n.d). Karunungang Pampinansyal: Binhi ng Tagumpay.

http://www.bsp.gov.ph/events/2015/essaycontest/2nd.pdf

Dytioco, P., Guda, K., & Lumbera, S. (2018). Kontra-taas Presyo ng Bilhin.

https://www.pinoyweekly.org/2018/10/kontra-taas-presyo-ng-bilihin/

Modern Economics: Collection of Fourth Year Topics in Economics (n.d). Mga Dahilan ng

Implasyon.

https://economics000rainargifel.wordpress.com/mga-dahilan-ng-implasyon/

Vicencio, L. (2018). Mga estudyante, umaaray na rin sa inflation.

https://news.abs-cbn.com/news/08/10/18/mga-estudyante-umaaray-na-rin-sa-inflation

Pilipino Star Ngayon (2018). Pagtaas ng pamasahe sa jeep, dagdag sa suliranin ng mahihirap.

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2018/07/09/1832003/pagtaas-ng-

pamasahe-sa-jeep-dagdag-sa-suliranin-ng-mahihirap

Bosano, R., Manabat, J., & Vicencio, L. (2018). Pagtaas ng presyo ng bilihin, maaaring magtuloy-

tuloy pa.

https://news.abs-cbn.com/business/09/06/18/pagtaas-ng-presyo-ng-bilihin-maaaring-

magtuloy-tuloy-pa

13
Jairath, J. (2013). Piggy Bank Money Management: A Primary Analysis of Students’ Financial
Behavior.

http://www.iosrjournals.org/iosr-jbm/papers/Vol15-issue1/A01510110.pdf?id=7380

Arao, D. (2008). Solusyon ng Pamahalaan sa Pagtaas ng Presyo ng Langis.

https://www.bulatlat.com/2008/05/17/%E2%80%98solusyon%E2%80%99-ng-pamahalaan-

sa-pagtaas-ng-presyo-ng-langis-2/

DZMM (2018). Taas-presyo, pinakamataas sa loob ng 9 na taon.

https://news.abs-cbn.com/business/10/05/18/taas-presyo-pinakamataas-sa-loob-ng-9-na-taon

Dequia, N. (2018). TRAIN law, Dahilan ng pisong pagtaas sa pamasahe.

https://www.veritas846.ph/train-law-dahilan-ng-pisong-pagtaas-sa-pamasahe-1/

Department of Finance (n.d). The Comprehensive Tax Reform Program: Package One.

://www.hgc.gov.ph/downloadable/Tax%20Reform%20Info%20Magazine.pdf

Kershaw, A. (2008). University students hit by inflation.

https://www.independent.co.uk/student/news/university-students-hit-by-inflation-

901123.html

14
15

You might also like