Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Submission Type: Round Table Discussion

STU: SIPAT-TUKLAS-UNAWA
Isang Pamaraan Sa Pagpapalawak ng Talasalitaan
at Paglinang ng Komprehensyon

John Nick M. Nicolas


Philippine Normal University – Manila
jnick.1208@gmail.com

ABSTRAK

Isa sa mga mahahalagang sandata na baon ng isang indibidwal sa pagtahak sa


isang masalimuot at pamanghamon na mundo ay ang kaniyang kasanayan sa pagbasa.
Kung kaya’t sa murang edad ay hinuhubog na ang kasanayang ito ng mga magulang o
guro sa pagbasa. Gayon pa man, lumalabas sa mga pag-aaral na maraming mga mag-
aaral sa antas elementarya ang hindi nakababasa o hindi nauunawaan ang kanilang
mga dinekowd na salita. Dahil dito kinakailangan humanap ng solusyon ang mga guro
sa pagbasa upang matugunan ang suliraning kinahaharap ng mga mag-aaral sa antas
elementarya.

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa paggamit ng isang inobatibong teknik sa


pagbasa ang STU: SIPAT-TUKLAS-UNAWA na may layuning mapalawak ang
bokabolaryo o talasalitaan ng mga mag-aaral sa wikang Filipino at kasabay nito ay
malinang ang kanilang komprehensyon sa pagbasa. Layunin din ng pag-aaral na
mabakas ang kabisaan ng inobatibong teknik sa pagpapalawak ng talasalitaan at
komprehensyon ng mga mag-aaral. Upang maisagawa ito ay gumamit ng deskriptibo-
kwalitatabong pamamaraan bilang metodo sa pangangalap ng mga datos at pag-
analisa ng mga ito. Mula rito ay nalaman na ang inobatibong teknik sa pagbasa ang
STU: SIPAT-TUKLAS-UNAWA ay naging mabisa sa pagpapalawak ng bokabolaryo at
pagpapataas ng komprehensyon sa pagbasa ng mga mga mag-aaral. Iminumungkahi
ng pananaliksik na gamitin ang teknik at magkaroon ng mahabang pag-aaral upang
mabakas ng mas malalim ang mga implikasyon ng teknik.

Susing salita: pagbasa, bokabolaryo, komprehensyon, pinantubayang pagbasa (DRA)

Word Count: 224

You might also like