Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ULAT SA PAGSALAYSAY SA REPORT CARD NG MGA MAG-AARAL

POSITIVE COMMENTS

 Nagpamalas ng maganda at kasiya-siyang panimula. Ipagpatuloy kung hindi man mapaunlad


pa ito.
 Masiglang nakikibahagi at nakikilahok sa mga pagtalakayan sa klase.
 Kasiya-siya ang pinakitang pag-unlad sa pag-aaral.
 Kapuri-puri ang pinamalas na kahusayan / kakayahan sa asignatura.
 Nagpamalas ng pagpupunyagi upang mapaunlad ang kakayahan.
 Mainam ang pag-unlad niya sa aralin.
 Masigasig sa paggawa at pagtulong sa mga Gawain sa silid-aralan at paaralan.
 Ipagpatuloy ang pagiging laging handa sa mga takdang –aralin sa araw-araw.
 May magandang gawi sa pag-aaral kung kayat laging handa sa mga talakayan sa klase.
 Laging nagpupunyaging paunlarin ang kakayahan. Panatilihin ito.
 Kalugod-lugod and pinamalas na ugali at disiplina sa paaralan.
 Mahusay at marunong makibagay sa kapwa-bata sa loob at labas ng silid aralan.
 Ipagpatuloy ang pagsasanay sa mga aralin sa pagbasa, sa pagsulat at kahit na sa bahay.
 May sariling kusa sa paggawa sa mga gawain sa paaralan.
 Ipagpatuloy ang ipinamalas na kasiglahan sa paaralan.
 Kapansin-pansin ang angking kakayahan sa pamumuno.
 Mapapagkatiwalaan sa mga inaatas na gawaing pampaaralan.
 May angking interes at tiyaga sa pag-aaral, ipagpatuloy ito.
 Kinapansinan ng angking talino sa larangan ng __________.

ENDING COMMENTS

 Isang malugod na pagbati sa magandang ugaling ipinamalas sa buong taon ng pag-aaral.


 Pag-ibayuhin ang pagpupunyagi sa pag-aaral sa susunod na baitang.
 Sikaping higit na maihanda ang sarili sa lalong mabigat na gawain sa pag-aaral sa susunod na
baitang.

COMMENTS THAT CALL FOR IMPROVEMENTS

 Higit na mapapaunlad o mapapataas ang mga marka kung iiwasan ang mga di makabuluhang
pakikipag-usap sa katabi sa oras ng klase.
 Sikaping bigyan ng higit na pagpapahala ang pag-aaral.
 Magkaroon ng higit na pagnanais na mapaunlad ang mga marka.
 Bigyan ng higit na pansin at pag-aaral ang mga araling nauukol sa mga asignaturang may
mababang marka.
 Iwasan ang mga bagay na nakakahadlang sa mabuting pag-aaral/ pagkatuto.
 Sikaping makibahagi sa mga talakayan sa klase sa tuwi-tuwina.
 Ugaliing making sa guro habang ngtuturo sa klase.
 Pag-ukulan ng higit na pansin ang mga gawaing pagbabasa at pagsusulat.
 Pagtuunan ng higit na pag-aaral ang mga araling nauukol sa mga bilang matimatika.
 Magkaroon ng wastong paraan / pamamaraan sa pag-aaral upang umunlad.
 Iwasan ang mga bagay na nakakahadlang / sagabal sa ika-uunawa ng mga aralin.
 Sikaping mapaunlad ang kasanayan sa pagbasa lalo sa wikang ingles.
 Ugaliing laging maging handa sa mga takdang aralin araw-araw.
 Dagdagan ng higit na interes at pagpapahalaga ang mga gawaing nauukol sa asignaturang
kinahihirapan.
 Pag-ukullan ng wastong pansin ang mga araling kinahihirapan.
 Sikaping higit na mapaunlad at mapataas ang mga marka.
 Sikaping maihanda ang mga gawaing bahay o takdang aralin sa pagsisimula ng klase.
 Iwasan ang pagiging malilibangin sa oras ng klase.
 Sikaping makilahok sa mga gawaing pampaaralan.
 Magkaroon ng kanais-nais na gawi sa pag-aaral upang umunlad ang mga marka.
 Bigyan ng higit na pagpapahalaga ang mga gawain sa pag-aaral.
 Nangangailangan ng higit na pagsubaybay sa pag-aaral.

You might also like