Mahabang Pagsusulit Sa Filipino 8

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MAHABANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 8

I. PANITIKAN

A. PAGTUKOY: Tukuyin ang hinihingi ng bawat aytem. Piliin ang sagot sa kahon at isulat ito sa inyong sagutang
papel.

________ 1. Uri ng panitikang nagsasaad kung paano nagsimula ang mga bagay-bagay.
________ 2. Uri ng panitikang tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga
kaaway.
________ 3. Ito ay tinatawag ding kaalamang-bayan na binubuo ng mga salawikain, bugtong, palaisipan, kasabihan at
bulong.
________ 4. Isa itong akdang pampanitikan na ang kaisipan ay inihahanay sa mga taludtod.
________ 5. Isa itong larong ginaganap tuwing may lamay o pasiyam at hango sa isang alamat tungkol sa prinsesang na
ang singsing ay nahulog sa gitna ng karagatan.
________ 6. Dulang binubuo ng papet na nilikha mula sa ginupit na kartong kumakatawan sa mga karakter at
pinapagalaw sa pamamagitan ng patpat.
________ 7. Ito’y dulang nauukol sa paghahanap ng krus na pinagpakuan kay Kristo.
________ 8. Siya ang kilalang matapang na mandirigma at bayani ng mga Bagobo.
________ 9. Uri ng tulang lumaganap sa panahon ng Hapon, ito ay binubuo tatlong taludtod na may sukat na 7-5-7 pantig.
________ 10. Uri ng tulang may apat na taludtod o linya na may sukat na 7-7-7-7 pantig.
________ 11. Isang akdang pampanitikan na naglalahad ng pananaw at opinyon ng sumulat tungkol sa tiyak na paksa.

Tanaga Epiko Tibag Tula Haiku Maikling Kuwento


Alamat Karunungang-Bayan Karilyo Tuwaang Karagatan Sanaysay

B. PAGKILALA SA KARUNUNGANG-BAYAN: Suriin ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin kung ito ay
sawikain, salawikain, kasabihan, bugtong at isulat ang sagot sa iyong sagutang-papel.
________ 12. Itaga mo sa bato
________ 13. Kapag ang tubig ay magalaw, ang ilog ay mababaw
________ 14. Putak, putak ________ 15. May bintana, walang bubungan
Batang duwag May pinto, walang hagdanan
Matapang ka’t
Nasa pugad.

C. PAGSUNOD-SUNOD: Pagsunod-sunorin ang mga pangyayari mula sa “Alamat ng Mina ng Ginto sa Baguio”.
Isulat ang titik A, B, C, D, E. F
_______ 16. Naging masagana ang taga-Suyuk subalit naghari ang kasakiman, pag-iimbutan, at inggitan sa mga tao,
hanggang pagputul-putulin nila ang mga sanga at dahon ng punong-ginto.
_______ 17. Laking himala nang mapalitan ng isang pagkatanda-tandang lalaki ang baboy na alay sa kanilang bathala at
isang halamang ginto ang tumubo sa pinagdarausan ng cañao.
_______ 18. Isang araw, nagtungo sa gubat si Kunto at nakakita ng isang di-pangkaraniwang uwak at siya’y natakot.
_______ 19. Kumidlat nang ubod-talim, kumulog nang ubod-lakas, nabuwal ang puno at nilulon ng lupang kinabuwalan
nito at mula noon nakukuha na lamang ang ginto sa pamamagitan ng paghuhukay.
______ 20. Umuwi si Kunto at humingi ng payo sa mga matatandang pantas at nagpasyahan nilang magdaos ng cañao.
______ 21. Sa isang nayon na ang pangalan ay Suyuk, tahimik na naninirahan ang isang tribu na pinamumunuan ni
Kunto.
Pagsunod-sunorin ang mga pangyayari mula sa “Epikong Si Tuwaang at ang Dalaga ng Buhong na Langit”. Isulat
ang titik G, H, I, J, K, L
______ 22. Inuwi ni Tuwaang ang dalaga sa Kuaman kung saan siya ay naghari habambuhay.
______ 23. Tumakas at nagtago ang dalaga ng Buhong ng langit mula sa Binata ng Pangumanon na gusto siyang
pakasalan ngunit tinanggihan niya ito.
______ 24. Naglaban si Tuwaang at ang binata na Pangumanon gamit ang kanilang mga sandata at napatay ni Tuwaang
ang binata.
______ 25. Pinapunta si Tuwaang sa kaharian ng Batooy dahil sa dalang mensahe ng hangin tungkol sa dalagang
dumating na hindi nakikipag-usap sa mga lalaki.
______ 26. Nagkagalitan ang Binata ng Sakadna at si Tuwaang dahil tumabi ang dalaga ng Monawan kay Tuwaang.
______ 27. Pumunta si Tuwaang sa kasal at tinulungan ang Binata ng Sakadna.
II. WIKA

A. PAGAHAHAMBING: Sagutin kung ano ang hinihingi ng bawat aytem, isulat ang titik ng iyong sagot.
28. Mas higit ang pagmamahal ng pamilya kaysa sa pagmamahal ng mga kaibigan. Ano ang pinaghahambingan sa
pahayag?
a. pagmamahal ng pamilya b. pagmamahal ng mga kaibigan c. ibinibigay na pagmamahal d. pagmamahal

29. Kapwa ipinakita ni Andres Bonifacio at Jose Rizal ang pag-ibig sa bayan sa pamamagitan ng mga panulat. Anong
paghahambing ang ipinakita sa pahayag?
a. paghahambing na magkatulad b. paghahambing na di-magkatulad c. palamang d. pasahol

30. Higit na kinalulugdan ng guro ang mag-aaral na masipag kaysa tamad. Alin sa pahayag ang nagsasaad ng
paghahambing na di-magkatulad?
a. Higit na kinalulugdan b. masipag c. tamad d. mag-aaral

31. Magkasimbait sina Kunto at Tuwaang batay sa ipinakita nilang kabayanihan para sa kanilang lugar at kapwa. Alin
sa pahayag ang nagpapakita ng paghahambing na magkatulad?
a. Kunto at Tuwaang b. lugar c. kabayanihan d. magkasimbait

32. Di-gaanong malak si Tuwaang kaysa sa Higante ng Pangumanon. Sino ang inihahambing sa pahayag?
a. Higante ng Pangumanon b. kaysa c. Tuwaang d. malaki

B. PANG-ABAY: Tukuyin ang pang-abay sa pahayag. Isulat ang titik ng iyong sagot.
33. Mababasa noong Panahon ng Katutubo ang panitikang nagtataglay ng kaugaliang Pilipino.
A B C D
34. Sabay-sabay nang dumating ang mga panauhin para sa buwan ng wika.
A B C D
35. Binato nang napakalakas ni Tuwaang ang binata at lumubog siya.
A B C D
36. Inuwi ni Tuwaang ang dalaga sa Kuaman at siya’y naghari.
A B C D
37. Taon-taon ay nagdaraos sila ng cañao bilang parangal sa kanilang anito.
A B C D
38. Agad-agad na naghanda si Tuwaang at isinuot ang kanyang mga armas.
A B C D
III. PAG-UNAWA SA BINASA: Piliin ang titik ng tamang sagot.

Ang sabi ni Rizal:”Ang edukasyon ay siyang lupa, at ang kalagayan ay siyang araw ng sangkatauhan. Kung walang edukasyon
at walang kalayaan, walang pagbabagong maisasagawa, walang hakbang na makapagdudulot ng bungang ninanais.”
Mula sa; “Ang Katamaran ng mga Pilipino” ni Dr. Jose Rizal

39. Ano ang mensahe ng pahayag ni Rizal?


A. Ang edukasyon at kalayaan ay mahalaga sa buong sangkatauhan.
B. Mahalaga ang edukasyon at kalayaan sa pagtatamo ng pagbabagong inaasam.
C. Mahalaga ang edukasyon at kalayaan sa pagtatamo ng kaunlaran ng bawat bayan.
D. Ang edukasyon at kalayaan ay katulad ng lupa at araw na dapat pahalagahan ng isnag bayan.
40. Anong uri ng teksto ang binasa?
A. sanaysay B. maikling-kuwento C. tula D. bugtong
Isasama pa ba natin dito ang mga kasinungalingan tungkol kay Santa Calus, ang tatlong hari, ang mga pamahiin ni Lolo at Lola, ang
pagiging disente (raw) ni Rizal, nakakabungang-araw ang pagkain ng sobra ng mangga at ang tungkol sa mga alamat ng pinya at
Olangapo? Huwag na. Ayoko nang dagdagan ang mga kasinungalingan dito.
Mula sa “Kapag Lumaki Na”

41. Anong uri ng sanaysay ang binasang teksto?


A. di-pormal na sanaysay B. Pormal na sanaysay C. Maikling Kuwento D. Dagli

42-45. Bumuo ng isang Tulang Tanaga na pumapaksa sa Kalikasan. (4 na puntos)

“Ang karunungan ay hindi nasusukat lamang sa kung ano ang iyong nalalaman kundi gayundin sa iyong pagpapahalagang taglay”

You might also like