Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

*sound effects**

TIBUNG USIZERO (NIEBRES) & MANINAY TASYA (DORADO): Inihahandog


na Radyo ng Bayan Kasapi ng mga Brodkaster sa buong
Pilipinas, 113.7 Platito Radyo, ang no.1 sa puso ng bawat
Pilipino. Ito po ang inyong kadiwa sa puso, Tibung
Usizero ang inyong tagapag-ulat *clap sound effects/
yehheey sound effects * at ako naman po si Maninay
Tasya ang itsyuserang maganda na tagapag-ulat *claps
sound effects/yeheey sound effects* 113.7 Platito Radyo
*sound effects news* Sa ulo ng mga nagbabagang balita

NIEBRES: Balitang local, Sunog sumiklab sa Cebu; halos 100 bahay apektado

DORADO: Balitang Isports, St. Benilde, Mapua wagi sa NCAA

NIEBRES: Balitang Showbiz, ‘Meteor Garden Cast’ nagulat sa pagkakapili sa kanila

DORADO: Balitang Global, Bagong sanction sa Iran, at iba pa

NIEBRES: Sunog sumiklab sa Cebu; halos 100 bahay apektad0, kadiwang Irish iulat mo

IRISH: Salamat kadiwang Tibung Usizero. Ilang bahay ang naapektuhan ng sunog na
sumiklab sa Purok 3, Barangay Kamputhaw, Cebu City, noong Sabado. Bandang alas-4 ng
hapon nang sumiklab ang sunog na umaabot pa sa ikatlong alarma. Sumabay naman ang ulan
sa lugar habang inaapula ng mga bumbero ang sunog. Idineklarang "under control" ng Bureau
of Fire Protection (BFP) ang sunog sa ganap na 5:30 ng hapon. Sa inisyal na imbestigasyon ng
BFP, halos 100 bahay ang apektado sa insidente, kadiwang Irish Razon nag-uulat.

DORADO: Ang balitang local na ito ay hatid sa inyo ng St. Monique Valais ng Yolly Ross.
Mag-reality na may pabahay na desente. Ganda ng lokasyon ay bongga. Ito ay pabahay na
affordable para sa dream house niyong magpamilya. Tumawag sa 643-4950 nang pruweba’y
makita.

NIEBRES: At narito naman si kadiwang Jules para sa lagay ng trapiko.

JULES: Maraming salamat Tibung Usizero. Ito ang lagay ng trapiko sa Dimasalang Street
going to Espanya, usad pagong ang daloy ng trapiko, bumper to bumper naman po ang mga
sasakyan sa kahabaan ng EDSA patungong South Bound Lane, hindi naman mahulugan ng
karayom ang gawing Espanya patungong Quiapo. Nakitaan naman ng pagsisikip sa daloy ng
trapiko dyan sa Ayala via Edsa papuntang Cubao. Konting ingat lang po sa mga bumibiyahe.
Sa mga estudyante, magsi-gising nab aka kayo ay mahuli sa inyong mga klase, kadiwang
Jules Livara nag-uulat.
DORADO: St. Benilde, Mapua wagi sa NCAA, Joyce i-ulat mo.

PAREDES: Salamat sayo, Maninay Usizera. Humugot ng magka-hiwalay na panalo ang


College of Saint Benilde at Mapua University kahapon sa 94th NCAA basketball
tournament sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City. Pinataob ng Blazers ang Jose Rizal
University, 81-66 habang tinalbos ng Cardinals ang Arellano University, 91-83, upang
parehong umangat sa 2-2 kartada. Kinapitan ng Blazers si Cameroonian Clement Leutcheu
upang ibaon ang Heavy Bombers sa ilalim ng team standings sa masaklap na 0-5 karta.
Nagtala si 6-foot-7 Leutcheu ng double-double sa pagtipa ng 20 points at 14 rebounds para sa
Blazers. “I’m just trying to do what the coaches want me to do and try to improve on several
aspects of my game,” sabi ni Leutcheu. Sinandigan naman ng Cardinals si Laurenz Victoria,
ang scoring leader ng koponan na nagbigay ng career-high nine assists at umiskor ng siyam
na puntos, kadiwang Joyce Paredes nag-uulat.

NIEBRES: Meteor Garden Cast, nagulat sa pagkakapili sa kanila, kadiwang Stephanie at Ivy
i-ulat niyo.

ABEL CRUZ: Na-excite ang mga naging fans ng seryeng "Meteor Garden" nang malaman
nilang magkakaroon ng remake ng 2004 Asianovela.
Muli kasi nilang matutunghayan ang kuwento nina Shan Cai at ang mga miyembro ng F4 sa
2018 remake ng Taiwanese series. Dahil dito, aminado ang 2018 cast ng Asianovela na hindi
sila makapaniwalang mapipili sila para rito.

Hindi raw mapakali ang aktres na si Shen Yue at tumakbo-takbo siya sa kaniyang bahay at
agad-agad niyang ibinalita sa kaniyang pamilya nang malaman niyang siya ang bagong Shan
Cai.

FULLANTE: Una man itong television series ni Dylan Wang, hindi na siya ganoong
nagulat nang mapili siya bilang si Dao Ming Si dahil aniya, nakikita niya ang sarili niya rito.

Umaasa naman si Darren Cheng na gaganap bilang si Hua Zi Lei, na mae-enjoy ng mga
Pinoy fans ang 2018 version ng Asianovela.

Para naman kay Caesar Wu, suwerte naman daw siya na napili siya bilang si Xi Men. Hindi
raw siya makatulog nang malaman niya ang balita.

Inamin naman ni Connor Leung na nag-diet pa siya para sa role ni Mei Zuo.

ABEL CRUZ & FULLANTE: Malapit nang mapanood dito sa Pilpinas ang Meteor Garden,
na ipapalabas sa ABS-CBN.

ABEL CRUZ: kadiwang Stephanie Abel Cruz

FULLANTE: at kadiwang Ivy Fullante

ABEL CRUZ & FULLANTE: nag-uulat


NIEBRES: Lagay ng panahon naman tayo mula kay KUYA AERON, pasok!

VERBO: Tatlo hanggang apat na bagyo ang hahagupit sa bansa ngayong buwan ng Agosto.
Ayon sa PAGASA, Chief Bureau Dr. Frisco Nilo ang nagkumpirma sa pananalasa sa bansa
ng tatlo hanggang apat na bagyo. Kung saan, isa sa mga ito ay maaaring maging “SUPER
BAGYO.” Ang anunsyo ay ginawa ng PAGASA bunsod ng patuloy na pagbuhos ng malakas
na ulan sa Metro Manila. Sa ganitong babala, hinihiling ang lahat na mag-ingat upang
maiwasan na mapinsala ang buhay at ari-arian. Mahalagang maging maagap at handa ang
bawat isa sa atin, kadiwang Aeron Verbo nag-uulat.

DORADO: Dumako naman tayo sa balitang global, Bagong sanction sa Iran, at iba pa,
kadiwang Kyla i-ulat mo

ABUSTAN: Napipinto ang embargo ng European Union (EU) sa mga produktong petrolyo
ng Iran kaugnay ng nuclear program ng naturang bansa. Tantiyado na lulumpuhin nito ang
ekonomiya ng Iran dahil EU ang pangalawang pinakamalaking importer ng Iranian crude
kasunod ng China. Nauna na ritong nagpahayag ng embargo ang US noong Enero 1, 2012,
kadiwang Kyla Abustan, nag-uulat.

*Commercial**energy gap* *whisper commercial*


Time check, makalipas ang 5 minuto bago mag 9 ng umaga. Ang oras na ito ay handog sa
inyo ng Rebisco crackers. May pasobra dahil special ka.
*sound effects**

TIBUNG USIZERO (NIEBRES) & MANINAY TASYA (DORADO): At nagbabalik ang


113.7 Platito Radyo, ang no.1 sa puso ng bawat Pilipino.

NIEBRES: Inihahandog ng Platito Radyo ang segment na pinamagatang, “Ang mga Payo ni
Aling Puring”*lola basyang sound effects/ yeheeyy!*

*mmk music sound effects*


ALING PURING: Narito tayo sa segment ni Aling Puring. Habang naghihintay tayo sa
caller, matanong ko kayo, nakaranas na ba kayong iwan ng taong mahal niyo? O di kaya’y
nakaranas na kayo mismo ang nang iwan sa taong mahal niyo?” *broken glass sound effects*
*di lang ikaw music chorus only * at bilang estudyante, gaano kadalas ang STRESS? *tawa
sound effects*

*phone ring*

ALING PURING: Hello? Iho, ano ang iyong pangalan? Taga san ka ?
CASIHAN: Ako nga po pala si Tungkung Langit, sawi sa pag-ibig. Taga- malayong lugar
*taga san ka music*
ALING PURING: Bat napatawag ka Iho? Ano ang iyong maibabahaging suliranin sa aming
tagapakinig?
CASIHAN: *ikaw parin ang nais ko music* nais ko lang po sana na panawagan si Alunsina
na umuwi na siya dahil nasasabik na ako sa kanya. *sabay kakanta si Hero, umuwi kana baby
hindi na ako sanay na wala ka mahirap ang mag isa..* Sige po, Aling Puring, magpapaalam
na po ako. Tatawag na lang po ako ulit kapag natagpuan ko na si Alunsina.

ALING PURING: Mukhang nakakapagpukaw damdamin tagos sa puso ang unang caller
natin. Nakakaiyak naman. Isang pangungulila. Haysss, sana all.

*phone ring*

ALING PURING: Hello? Iho, ano ang iyong pangalan? Taga san ka ?

NEBRE: Ako nga po pala si Mark Froilan Nebre, taga-Litex*taga san ka music*
Isa po akong estudyante mula sa NCBA na nanggaling sa seksyon Plato. Napatawag po ako
dahil may nais lang po akong tanungin.

ALING PURING: Nako Iho, tama ka ng iyong nilapitan. Alam mo ba na ako dati ay isang
guro? Ngunit mas pinili ko ang trabahong ito dahil ito ang nagpapasaya sa akin. Ang
makatulong sa mga suliranin social man yan, lovelife at akademikong gawain. Huwag lang
pinansyal *tawa sound effects* dahil ako ay hindi isang anak-mayaman. Share ko lang
naman.

NEBRE: Uhhm, gaano po ba kadalas ang stress? Bakit po ako nakakaramdam at nakakaranas
ng stress? Lalo na po ngayong Performance Task Week namin?

ALING PURING: Ahhhhy. Siguro bilang isang estudyante, maraming beses na kayo
nakakaranas ng stress. Nakikita namin yon sa inyo. Sa pamamagitan ng puyat, eyebas at
pagtulog sa kaklase na ginawa ang akadaemikong gawain. Ganyan talaga kapag nag-aaral.
Hindi lang kayong mga estudyante ang nakakaramdam, maging kaming mga guro. Time
Management, focus at goal mo. Ang tatlong ito ang magsisilbi mong sangkap sa kaba *clap*

NEBRE: Oho, kaya gagawin ko na po yung payo niyo Aling Puring. Maging ang tatlong
sangkap para di maranasan at mapagdaanan ang stress ng sobra, sobra. Salamat ho talaga,
Aling Puring. Makakaulong po ito sakin sa pag=aaral.

ALING PURING: Mabuti pa. Sundin mo lang ang payo ni Aling Puring. One call away
*one call away music* Isang kabanata na naman ang nalagpasan natin. Nakakapagod man
ngunit masaya

You might also like