IKAAPAT NA KABANATA *tabi ng kalsada with lumang bahay, vigan style
Hindi matiyak ni Ibarra kung saan siya patutungo. Ang hangin sa
gabi na sa mga buwang yaon ay lumalamig na sa Maynila ay waring humawi sa bahagyang ulap na nagpadilim sa kanyang noo. (naglalakad lakad si Ibarra habang may mabagal ma tumatakbo na kalesa at mga taong naglalakad) #Technical ( kalesa )
(Napadaan si Ibarra sa tindahan ng intsik na may tabing na rehas
na bakal) C. Ibarra: Mabagal na pagsulong ito! (pabulong lamang) (Sa background ay may magsosorbetes) Magsosorbetes: Sorbetes! (pinagmasdan ni Ibarra ang paligid) (biglang pinatong ni Tenyente ang kamay sa balikat ni Ibarra at lumingon si Ibarra) T. Guevara: Mag-iingat kayo, binata! Matuto kayo sa karanasang sinapit ng inyong ama! C. Ibarra: Ipagpatawad ninyo, palaga'y ko po'y labis na napamahal sa inyo ang aking ama. Masasabi ba ninyo kung ano ang kanyang sinapit? T. Guevara: A, hindi pa ba ninyo nalalaman? C. Ibarra: Nagtanong na po ako kay don Santiago ngunit nangakong bukas pa niya sasabihin. Nalalaman po ba ninyo? T. Guevara: Opo, kagaya ng pagkaalam ng lahat! Siya'y namatay sa bilangguan! (napaurong si Ibarra at masusing tinitigan ang tenyente) C. Ibarra: Sa bilangguan? Sino ang namatay sa bilangguan? T. Guevara: Ang inyong ama! C. Ibarra: Ang aking ama? Sa bilangguan? Nabilanggo? Kilala ba ninyo ang aking ama? Alam ba ninyo? T. Guevara: Palagay ko'y hindi ako nagkakamali. Siya'y si Don Rafael Ibarra. C. Ibarra: Siya nga po.... si Don Rafael Ibarra. (naghinagpis si Ibarra at naawa si tenyente) T. Guevera: Ako'y nag-aakalang kayo'y...... ngunit lakasan ninyo ang inyong loob. Dito po ay hindi maaaring maging marangal nang hindi nabibilanggo! (matagal bago nakatugon si Ibarra) C. Ibarra: Naniniwala akong hindi ninyo ako binibiro. Maaari po bang sabihin ninyo sa akin kung bakit siya nabilanggo? T. Guevara: Malabis ko pong ipinagtataka ang hindi pagkakabalita sa inyo ng mga nangyari sa inyong pamilya. C. Ibarra: Ang kanila pong huling sulat na aking nabasang may isang taon na ngayon; ang nagsasabing huwag akong mabalisa kung di ako makatanggap ng sulat sapagkat abala sila. T. Guevera: Samakatuwid, iyan ang huling sulat na ipinadala sa inyo bago sila mamatay. Di na po maluluwata't santaon nang sila'y aming inilibing sa inyong bayan. C. Ibarra: Bakit po nabilanggo ang aking ama? T. Guevara: Isang napakarangal na dahilan. Mabuti pang sumama kayo sa akin. Pupunta ako sa kwurtel at ikukuwento ko sa inyo sa daan. (sabay silang lumakad at hindi nag imikan sandali habang si tenyente ay nag-iisip at hinahaplos ang balbas) T. Guevera: Ang inyong ama ay siyang pinakamayaman sa lalawigan. Bagama't siya'y mahal at iginagalang ng marami, may mga napopoot sa kanya. Hindi tama ang inaasal naming mga Kastila sa Pilipinas. Ang walang lubay na pagbabago-bago, pagkawalang disiplina ng matataas na opisyal, pagtatangkilikan, kamurahan at kalapitan ng paglalayag ang ugat ng lahat. (sandaling tumigil si tenyente) T. Guevara: Ilang buwan makaraang umalis kayo ng Pilipinas ay nagsimula ang samaan ng loob ng inyong ama at ni Padre Damaso. Hindi ko alam ang tunay na kadahilanan, ngunit si Don Rafael ay pinaratangan ng di pangungumpisal ni Padre Damaso. Napakarangal ni Don Rafael, siya'y banal pa kaysa maraming nagpapakumpisal at ngungumpisal. Hanggang sa pulpito ay inaatake ni Padre Damaso ang inyong ama. (sandaling tumigil muli ang tenyente) T. Guevara: Nang panahong yao'y naglilibot sa lalawigan ang isang naging artilyero. Hindi siya nakapag-aral kaya't nilibak ng mga Pilipino ang pobreng hangal na nilulunok na lamang ang kahihiyan habang naniningil ng buwis. Ganito po ang nangyari sa isang araw. Habang binibiling-biling niya ang kasulatang ibinigay sa kanya ng isang tindahan ay may lumapit na batang lalaking nagtawa nang malakas ay itinuro ang artilyero sa mga kalaro. Napansin niya ang mga pagtawa sa paligid at nawalan siya ng hinahon kaya't hinabol niya ang mga bata. Nagtakbuhan ang mga nanunukso na malakas na isinisigaw ang ba-be- bi-bo-bu. Nang hindi niya abutan ang mga bata ay pinukol niya ng baston ang mga iyon. Tinamaan sa ulo ang isang batang lalaki. Nilapitan ito ng kolektor at tinadyakan. Nagkataong dumaraan noon ang inyong ama, na sa pagkagalit ay sinugod ang maniningil at hinawakan sa kamay. Nagtangkang lumaban ang kolektor ngunit higit na malakas ang inyong ama. Sinasabi ng ilan na kanyang pinalo, anang iba'y itinulak lamang niya. Nawalan ng panimbang ang Kastila, nabuwal at tumama ang ulo sa isang bato. Binuhat naman at dinala sa tribunal ni Don Rafael ang bata habang ang artilyero di nalao'y namatay. Gaya ng dapat mangyari, namagitan ang katarungan, ibinilanggo ang inyong ama at lahat ng kaaway na lihim ay nagsipataas ng ulo. Inakusahan siya ng pagiging erehe at pilibustero. Pinaratangan siyang bumabasa ng El Correo de Ultramar at ng mga pahayagan sa Madrid, na ipinadala niya kayo sa Suwisa Alemana, na siya'y nagtatago ng mga liham at larawan ng paring binitay at kung ano-ano pa. Kung naging iba lamang ang inyong ama, marahil nakalabas agad siya sa bilangguan, dahil ayon sa manggagamot ay ang ikinamatay ng aritilyero ay ang pamumuo ng dugo sa ulo. Ginawa ko ang lahat ng aking magagawa para tulungan siya. Nakipagkita ako sa Kapitan-Heneral at sinabi ko sa kanya na hindi maaaring maging pilibustero ang taong tukad ng inyong ama. Ipanagot ko ang aking buhay ngunit ako'y tinaboy at tawaging chiflado. (sandaling nagtigil) T. Guevara: Ang pagtitiis, sama ng loob at mga kahirapan sa bilangguan ay siyang naging dahilan ng pagkasira ng kalusugan niya na ang tanging kamtayan lamang ang makalulunas. Namatay siyang nag- iisa sa bilangguan.... nang malapit na sana siyang mapawalang sala. Inabot ko pa siya bago nalagutan ng hininga. (saglit na natahimik, sinapit ang pintuan ng kuwartel) (huminto at naglahad ng kamay si tenyente) T. Guevara: Ang iba pa pong pangyayari ay maisasalaysay sa inyo ni kapitan Tiyago. Paalam na. (Kinamayan ni ibarra si tenyente) (Pumasok sa kuwartel si tenyente at sinundan muna ng tingin si Ibarra bago siya tumalikod at pumara ng karwahe) #Technical ( kalesa ) C. Ibarra: Sa Hotel Fonda de Lala. SCENE 3 IKALIMANG KABANATA *loob ng bahay sa may bintana (Pumasok si Ibarra sa silid) (Umupo sa silya at tumitig sa bukas na bintana) #Technical ( orchestra ) Maliwanag ang ilaw sa bahay sa ibayo ng ilog at naririnig niya ang masasayang tugtugin ng gitara. Kung di lamang balisa noon ang kanyang kalooban, marahil sa tulong ng largabista ay inibig niyang mamasid nang buong paghanga ang kasiyahan. Matatanaw niya sa gitna ng kaakit-akit na bulwagang pinauulanan ng kuslap ng mga diyamante at ginto ng isang kaganda-ganadahang diwata. (mga tao sa paligid ay nag-aagawan sa pagbati kay maria clara) (nasa tabi niya ay si Padre Damaso at inaayos ni Donya Victorina ang palamuti sa buhok ni maria clara) #Technical ( malungkot na kanta) Ngunit, ang lahat ng yao'y hindi nakita ng binata. Ang sumusurot sa kanyang mga mata ay isang makipit at madalim na pader. Sa lapag ay may nakalatag na maruming banig na kinahihigan ng isang matandang naghihingalo. Paminsan-munsan ay dumaraing at binibigkas ang isang pangalan. Samantalang sa dakong malayo ay nagdaraos ng isang masayang piging. Isang batang lalaki ang humahalakhak, sumisigaw at nagdidilig ng alak sa mga bulaklak. Nasisinag niya sa matandang yaon ang kanyang ama, ang binata'y kamukha niya at ang sinasambit na pangalan sa panaghoy ng matanda ay ang kanya, kay Ibarra. SCENE 4 IKAANIM NA KABANATA *bahay ni kapitan tiyago na may mga birhen #Technical ( bgm )
(Nakikipag-usap si Tiyago sa mga heneral)
Si Kapitan Tiyago ay ipinalalagay na isa sa mga pinakamayaman sa Binundok. Limpak-limpak na salapi ang kanyang tinutubo sa paglagom ng apiyan at dito'y kasama niya ang isang intsik. Sa ngayon, si Kapitan Tiyago ay maligaya. Pinagpapala siya ng Diyos, hindi lamalabag sa pamahalaan at walang sino mang nagagalit sa kanya. Naging gobernadorcillo siya sa malusog na gremio ng mga mestiso sa ibabaw ng pagtutol ng maraming hindi nagpapalagay na siya nga'y mestiso. Bugtong na anak ng isang may tubuhan sa Malabon si kapitan Tiyago na nakaririwasa bagamat di lubhang mayaman. Napangasawa ni Santiago si Pia Alba, isang magandang dalagang taga-Santa Cruz. Ito ang tumulong sa kanya sa paghahanapbuhay hanggang sila'y yumaman at nagbigay ng pangalan sa kanya sa lipunan. Nagsimula ang pagkakaibigan ng mag-asawa kay Padre Damaso at Don Rafael Ibarra. May anim na taon na silang nagsasama ngunit hindi magkaanak. Ito ang nagtulak kay Pia Alba na isagawa ang pagsasayaw sa Obando mula sa payo ni Padre Damaso. Gaya ng alam na ng madla, may tatlo itong pintakasi: Nuestra Señora de Salambaw, Santa Clara at San Pascual Bailon. Salamat sa ganitong matalinong payo, si Donya Pia ay nagdalang-tao. Ngunit sa panahon ng kanuang pagliluhi ay naging malungkutin siya. Pagkatapos ay isang matinding lagnat puerperal ang nagbigay hanggan sa kanyang kalungkutan at iniwang ulula ang isang magandang sanggol na babae na ipinaanak sa binyag kay Padre Damaso. Ang ipinangalan sa sanggol ay Maria Clara alang-alang sa mga pinatakasi sa Ubando. (Pasok Maria Clara with Tiya Isabel) Si Maria Clara ay lumaki sa pangangalaga ni Tiya Isabel. Nang tumuntong siya sa pagitan ng labintatlo at labing-apat na taong gulang, ipinasok siya sa beateryo ng Santa Catalina ayon sa payo ng kura sa Binundok. Luhaan siyang nagpaalam kay Padre Damaso at sa tanging kaibigan na si Crisistomo Ibarra, na di nalao’t umalis na rin patungong Europa. Pitong taon nakulong sa kumbento si Maria Clara. Nahalata ni Kapitan Tiyago at Don Rafael ang matamis na pagtitinginan nina Crisostomo Ibarra at Maria Clara kaya't nagkasundo ang dalawa na pagtibayin gayong pagkakaibigan ng kanilang mga anak ilang taon makaraang maglakbay ang binata.